Making Love - Published by PHR

FGirlWriter által

10.5M 188K 15K

Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a strang... Több

Content Warning & Disclaimer
Overview
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine (Part 1)
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Chapter Twenty-Nine (Part 3)
Finale Chapter: Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twelve

294K 5.1K 277
FGirlWriter által

CHAPTER TWELVE

TAPOS na ang trabaho ni Lana sa araw na iyon kaya naman pumunta siya sa paborito niyang pastryshop. She felt extremely tired, so she decided to indulge herself by eating a chocolate cake. Also, she does not want to stress herself waiting for Dylan to call her. Tuluyan lang siyang maiinis.

Pagkapasok ni Lana sa loob ng pastryshop kung saan niya binibili ang paborito niyang cake, ay napakaraming tao sa loob. Lihim siyang napangiwi. Magte-take out na lang siguro siya at sa bahay na kakain.

Dumiretso siya sa counter at um-order ng isang box ng chocolate cake. Naisip niyang magandang mapagsaluhan nilang magkakapamilya iyon pagkauwi niya ng bahay.

"Thank you for ordering, Ma'am. Come back again," nakangiting sabi ng cashier pagka-abot nito sa kanya ng chocolate cake.

She smiled back before leaving the shop with her cake. Palabas na sana siya ng may tumawag sa kanyang pamilyar na boses.

"Lana?"

Lumingon siya. "Eugene?" she acknowledged him.

Mula sa kinauupuan ay lumapit ito sa kanya. "I thought I might see you here. At nandito ka nga," anito sa kanya.

She smiled. "Ganoon ba? Well, nice seeing you here. Buti di ka na masungit ngayon," biro niya pa rito. Naalala niya pa rin ng matapunan niya ito kahapon ng strawberry shake niya at paglabahin siya nito ng natapunan niyang damit sa office nito. They had a rough start, pero nagkasundo naman sila agad.

Bahagya lang itong ngumiti. "It's nice to see you, also. Do you still have time? Come on, join me."

Pinaunlakan niya ang paanyaya nito. They shared a table for two.

"Tutal, may upuan at table na 'ko, o-order na talaga ako. Pampasalubong ko na lang 'to sa bahay," aniya habang nilalagay ang box ng cake na hawak sa lamesa. "Sandali lang, I'll order first—"

"Wait, huwag ka na tumayo. I'll order for you."

"Hindi, sige, ako na lang—"

"Just sit there and relax. Pambawi ko na lang sa pagsusungit ko sa'yo, kahapon. Alright?"

Tumango na lang siya. "I'll be fine with a slice of chocolate cake and iced tea," sabi niya sa order niya.

"Got it." Tumayo na ito at lumapit sa counter. After three minutes, bumalik na ito dala-dala ang pagkain niya. "Here you go."

"Thanks, Eugene."

Umupo na ulit ito at sumimsim sa tasa ng kape nito. "I think I'm lucky today," anito maya-maya. "Nagba-baka sakali lang ako na makita ka rito. Because I'm not even sure kung lagi ka bang nandito."

"Hindi naman ako laging nandito. Nag-crave lang ako sa paborito kong cake kaya pumunta ako dito ngayon," aniya habang kumakain na ng pagkain niya. Napangiti siya ng malasahan ang choco cake. Biglang nawala lahat ng pagod niya sa araw na iyon. "Nga pala, bakit mo naman ako kailangang hintayin rito? Paano pala kung hindi ako dumating dahil nagbabaka-sakali ka lang naman pala?"

"I want to see you. I mean, hindi ko kasi nahingi ang contact number mo kahapon."

Nagtuluy-tuloy siya sa pagkain. "Bakit mo kailangan ng number ko?" wala sa sariling tanong niya. Ang sarap-sarap talaga ng chocolate cake! Kahit sobrang tamis niyon ay hindi siya nagsasawa.

Natigilan siya sa pagkain nang dumukwang si Eugene at marahang pinunasan ang gilid ng mga labi niya gamit ang tissue.

Napatingin siya rito at siya na ang nagtuloy ng ginawa nito. "Sorry. Messy eater talaga ako kapag nakakakain ng cake." Pinunasan niya ng maigi ang bibig at saka ito nginitian. "Thanks, by the way."

Tumango ito. "What's your question earlier?"

"Bakit mo gustong hingin ang number ko?" ulit niya sa tanong.

Matamang nakatingin ito sa kanya. "I think, I like you."

Napahinto siya sa pagsubo ng cake. "H-Huh?"

Kiniling nito ang ulo. "I'm interested with you," walang pasubaling sabi nito.

"Okay?" Alanganing napangiti siya. "Pero kakakilala pa lang natin kahapon, Eugene. Parang ang bilis naman yatang magkagusto ka sa'kin?"

Nagkibit-balikat ito. "Actually, hindi ko rin alam kung bakit mabilis. But I I've been thinking about you since the incident yesterday," prankang wika nito. "Wala ka naman sigurong boyfriend..."

Wala nga. Pero komplikadong asawa, meron. "Ahm..."

"And I can see that you're not married, either. Wala ka namang suot na singsing."

"Ah...o-oo." Napatingin siya sa kamay. Hindi nga talaga niya sinusuot ang singsing nila ni Dylan dahil nga diskumpiyado pa rin siya sa kasal nila.

"Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa, Lana. I like to know you more." He dashingly smiled. "If it's fine with you?"

Bumilis ang tibok ng puso ni Lana dahil sa kaba. It's the first time that someone asked her that, formally. "E-Eugene... ano kasi..." Napalunok siya. Ano bang sasabihin niya? Bakit naman kasi napaka-straight forward ng lalaking 'to! He asked her by surprise!

"It's alright if you can't give any answer right now. Alam kong nakakagulat. Ayoko na kasing magpaligoy-ligoy pa. I mean, in our age, if we want something, we really have to ask for it."

"How old are you?" natanong niya rito.

"Twenty-seven."

"You're three years younger than me, Eugene. I don't date younger men."

Napasandal ito sa sandalan. "That's unfair. Age is just a number, Lana. So, what if I'm younger?"

She bit her lower lip. Nag-iisip siyang maigi kung paano ba ito matatanggihan? Hindi niya gustong tanggihan ito dahil ayaw niya rito, pero dahil naisip niya si Dylan. Kung hindi lang sana siya nakatali sa isang lihim na kasal, eh di sana, pumayag agad siya kay Eugene?

Because Eugene looks nicer. Masungit, oo. Pero, mabait naman. Guwapo pa! Sino namang tatanggi sa planong panliligaw nito?

Napakamot siya sa gilid ng leeg. "Eugene, it's complicated kasi, eh."

"Dahil?"

"Personal reasons."

"You can tell me if you don't like me. Naiintindihan ko naman iyon." His eyes looked so upset, kahit pa seryoso ang expression ng mukha nito.

Napasubo ulit siya ng cake at iniwas ang tingin rito.Pagkalunok sa kinakain ay napabuntong-hininga si Lana at muling tinignan ito. "Eugene, seriously, I'm in a complicated relationship right now. Hindi sa hindi kita gusto, mahirap lang na pumayag na manligaw ka. Baka mapaasa lang kita."

Nakakaintinding tumango ito. "Alright, then. Pero gusto ko pa ring malaman ang number mo. Kung ayos lang iyon sa'yo. We can be friends, perhaps?"

She smiled. "Walang problema iyon sa'kin." She gave her number to him.

"Thank you, Lana."

"Salamat rin sa treat mo ngayong araw. Saka... pasensya ka na talaga about sa courting thing... Komplikado lang talaga ang relationship status ko."

"Kung wala ka ba sa komplikadong sitwasyon mo ngayon, you could have accepted my offer?"

Uminom siya ng iced tea bago tumango. "It's hard to resist a good-looking man like you," nakangiting sabi niya rito.

He lightly chuckled. Mas gumwapo ito sa paningin niya.

"You know, you should smile or laugh more often," aniya rito. "Lalo kang hahabulin ng mga babae."

Napakunot-noo ito. "Hahabulin?"

She laughed. "You're handsome and I bet you're rich, too. Mukha ka ring matalino at saka mabait. Masungit ka lang tignan kasi hindi ka palangiti. But, all in all, you belong to the hottest bachelors out there." Then, she playfully winked at him.

Napangiti na naman ito. "You know, I'll wait until you're not in your complicated relationship anymore."

Napailing-iling siya. "Maiinip ka lang sa paghihintay." Dahil kahit siya hindi niya alam kung hanggang kailan ba maaayos ang meron sila ni Dylan. Kung kailan kasi sila nagkakasundo, may isa naman na laging nawawala.

"I believe you're worth the wait, Lana."

Tila may humaplos sa puso niya dahil sa sinabi nitong iyon. Aba't matamis din ang dila ng lalaking 'to!

Napatingin ito sa wristwatch nito. "Well, I better go. I still have work to do. But I'm really glad to see you here. I got your number," sabay angat sa phone nito.

She chukled. "Thank you, Eugene."

"So, see you again next time?"

Nag-thumbs up siya. "Why not?" If they could be friends then it will be good. Wala naman kasi siyang kaibigan talaga.

Nang makaalis na ito ay mabilis na tinapos na rin niya ang pagkain. She's busy finishing her food, nang may umupo sa nabakanteng upuan ni Eugene.

Pag-angat niya ng tingin ay parang malakas na tinadyakan siya sa dibdib nang makita ulit ito.

"Two weeks lang tayong hindi nagkita, napagpalit mo na 'ko? Akala ko ba, hindi ka pa nakaka-move on kay Reeve? Eh, bakit may ibang lalaki ka nang ka-date?"

Imbes na matuwa si Lana dahil nakita na rin niya ito sa wakas ay uminit ang ulo niya dahil sa tono ng pananalita nito.

She finished her ice tea before standing up. "Wala kang pakialam, Dylan. Hindi ko kasalanang umalis ka ng dalawang linggo nang walang paalam." Pagkatapos ay kinuha niya ang box ng chocolate cake at saka tinalikuran ito.

Sinundan siya nito hanggang sa makalabas siya ng pastry shop.

"Allana, I'm sorry," mas umamo na ang tono nito. "I'm sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo. Gusto kong magpaliwanag." He gently grabbed her arm.

"Dylan, pagod ako. Gusto ko ng umuwi at magpahinga." Baka mabola na naman siya nito.

"Napagod ka sa pakikipag-date?"

"Oo, bakit?" pang-aasar niya pa rito.

"Bakit ka kasi nakipag-date? At sino ba iyong lalaking iyon?"

"Aba't bakit ko sasabihin sa'yo? Hindi mo nga sinabi sa'king aalis ka."

"I finished some work, Lana. Biglaan at hindi ko matanggihan. Minsan lang manghingi ang tatay ko ng pabor sa'kin," paliwanag nito. "Please, Lana. Sino iyong ka-date mo? At bakit ka nakikipag-date? May asawa ka na!"

Hinampas niya ng mahina ang bibig nito. "Huwag ka ngang maingay!" saway niya rito. "Okay, naiintindihan ko na kailangan mong umalis. Sige, okay na lang rin kung 'di ka nakapag-paalam. Pero bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Even my messages. I was left hanging, Dylan. Gumaganti ka ba sa'kin?" Iyon ang naisip niyang dahilan kaya ganoon. Siguro dahil pinagtaguan niya ito noon ay gumaganti ito ngayon.

"What? No!" matigas na tanggi nito. "Bakit naman kita gagantihan? Kung kailan, alam kong gusto mo na'ko? Sorry, if I can't return your calls. Napag-trip-an ako ng mga loko-loko kong pinsan. Tinago nila ang phone ko. Hindi ko naman memoryado ang phone number mo, kahit ang telephone number sa office mo. I was so busy at Benguet that I cannot find a way and time to call you," saad nito. "But, believe me, Allana. I want to call you so badly and tell you where I am!"

Dumulas ang kamay nito mula sa braso niya pababa ng kamay niya. It caused a freaking sensation inside her because of that short friction.

"Please, forgive me."

Napalunok siya. Unang beses niyang nakita ang ganoong pagmamakaawa sa mga tingin nito. Parang natutunaw ang puso niya at gusto na agad na bumigay kahit pa para siyang tanga na kahihintay na tumawag ito sa nakalipas na dalawang linggo. Dylan is the reason kung bakit napaka-komplikado ng sitwasyon niya ngayon.

"I understand kung naiinis ka sa'kin, honey. But, don't date other guys. Ayoko. Akin ka lang." Sabay pisil sa kamay niya.

Tinignan niya ito ng masama. "Napaka-possessive mo."

"Ikaw rin naman, ah. You only want my body to be yours. That's fair enough," nakangisi nang sabi nito.

Binawi niya ang kamay rito. "Ewan ko sa'yo, Dylan. I'm going home."

"Am I forgiven?"

"Ewan ko. Basta! Uuwi na 'ko." Nilagpasan niya na ito. "I'll think about it."

"Sige. Pero huwag ka ng makikipag-date ulit sa iba. Palalagpasin ko iyong kanina."

Kunot-noong nilingon niya ito. "You're not the boss of me."

He grinned naughtily and looked at her from head to toe. "Oh, you know I am," makahulugang sabi nito. Lumapit ulit ito sa kanya at mabilis na hinalikan siya sa gilid ng mga labi. "Text me when you got home."

Hinaplos pa nito ang kanang pisngi niya. "I miss you," he whispered lovingly.

Tumango lang siya at nagtuloy na sa kotse niya. Hindi naman na siya hinabol nito. Mabuti iyon. Kailangan niyang matuwid ulit ang pag-iisip. Hindi niya magagawa iyon kapag nasa tabi niya ito. Nagkakagulo ang loob ng isip niya...

...pati na rin ang puso niya.

***

NASA airport na si Lana pagkatapos ng dalawang araw. Papunta na siya sa isang business leadership conference sa Hong Kong. Pinakiusapan siya ng Dad niya na siya ang pumunta imbes na si Prince. Pumayag siya dahil makakatulong din ito para sa Big Hopes.

Pagkatapos niyang mag-check in ng luggage ay saka lang siya nag-text kay Dylan na aalis siya at tatlong araw siyang mawawala. Kahapon ay tumawag ito pero hindi niya nasagot dahil sa trabaho. Hindi na ito tumawag ulit kaya hindi na lang rin siya tumawag.

Nag-iwan lang siya ng text message para naman masabing nagpaalam siya rito. Pinag-iisipan niya pa rin kasi kung pagbibigyan niya si Dylan at ituloy ang naudlot sa kanila dahil sa biglaang pagpunta nito sa Benguet. Hindi pa nga niya alam kung maniniwala ba siya sa sinasabi nitong tinago ng mga pinsan nito ang phone nito.

Naiinis pa rin siya.

Naglalakad na siya papunta sa boarding area nang may mamukhaan siyang pamilyar na bulto. Napangiti siya nang makilala kung sino iyon.

"Hey, Reeve!"

Napa-angat ito ng tingin mula sa binabasang libro at ngumiti sa kanya. "Hi, Lana," bati nito sa kanya. "You have a flight, too?"

Umupo siya sa katabi nitong upuan. "Yup. Business trip," tumatangong sabi niya. "Ikaw din?"

"Yes. I have to attend a leadership conference in Hong Kong."

"Sa Hong Kong din?" gulat na sabi niya. "Sa Hong Kong din ang punta ko. I have to attend a leadership conference, too. Si Prince dapat ang pupunta pero ako na lang dahil busy siya."

Tumangu-tango ito. "I'll attend the Global Company and Foundation Leadership Symposium."

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Iyon din ang pupuntahan ko doon!"

"Oh. Maganda daw ang symposium na iyon sabi ng mga colleagues ko."

"Sabi nga rin nina Dad," sabi niya. "How about your flight?"

Sinabi nito ang flight number nito. "We have the same flight?" natanong pa nito ng makita ang reaksyon niya.

Tumango siya at sinabi ang seat number rito. Ito naman ang parang nagulat dahil magkatabi pa sila ng upuan!

"Wow," komento niya. "Mukhang hindi naman tayo maiinip sa flight. Sa tingin ko nga ikaw ang mas dadaldal. Sigurado kukuwentuhan mo 'ko ng marami tungkol kay Agatha, ano?" She was expecting it about Reeve. Masaya siyang makasama ito sa Hong Kong pero alam niya kung hanggang saan lang siya.

Kinapa niya ang puso. Sandali lang, hindi na siya nakakaramdam ng kirot doon?

Napangiti ito. "Hindi mo ako kukuwentuhan tungkol sa inyo ni Dylan?"

Napataas ang kilay niya nang marinig ang pangalan ng lalaki. "Sino iyon?" pagmamaang-maangan niya.

Natawa ito. "By the way, kasama pala siya sa conference. Mamaya ang flight niya sa pagkakaalam ko."

What?! Nanlaki ang mga mata niya. Pambihira naman, oo!

Lumipas pa ang isang oras hanggang sa tawagin na ang flight nila. Magkasabay na silang nag-board ng eroplano. Sa loob ng eroplano ay si Reeve ang nasa window seat habang siya ay katabi nito. May isa pang bakanteng seat sa tabi niya.

"Gusto mo dito sa window seat?" aya ni Reeve sa kanya.

Umiling siya. "No, it's okay. Dito na lang ako sa upuan ko."

"Tama, diyan na lang siya. Para makatabi ko siya."

Sabay silang napatingala ni Reeve sa nagsalita.

"Dylan!" gulat na wika niya.

Parang hinihingal pa ito habang umuupo sa bakanteng seat sa tabi niya. "Hi, Allana."

"Akala ko mamaya pa ang flight mo?" tanong ni Reeve rito.

"Nagpalipat ako sa flight na 'to." Bumaling ito sa kanya. "You texted me the day you're going to leave?"

Inirapan niya si Dylan. "Pasalamat ka pa nga I sent you a message. Ikaw nga hindi nagpaalam."

They started bickering at each other while Reeve was quietly shaking his head.

***

NAGISING si Lana dahil sa mahinang pagtapik sa kanyang braso. Napadilat siya at sumalubong sa kanya ang guwapong mukha ni Dylan. Nakangiti ito. "Rise and shine, honey. We're already here in Hong Kong," he softly said.

Mula sa balikat nito ay inangat niya ang ulo. Kinusot-kusot niya pa ang mga mata. "Nakatulog pala ako?"

"Oo. Ayaw mo kasi akong kausapin."

Napasimangot siya. "Ikaw? Nakatulog ka rin ba?"

"Hindi." Sinalubong nito ang mga tingin niya at saka siya nginitian. "Binabantayan kita."

Narinig nila ang pagtikhim ni Reeve. "Wala pa ba kayong planong tumayo at lumabas ng eroplano?"

"Ay, sorry." Mabilis niyang tinanggal ang seatbelt at saka tumayo na. Ganoon rin ang ginawa ng mga ito.

Nauna ang mga ito sa paglabas ng eroplano. Habang pababa ay magkasabay pa siyang inalalayan ni Reeve at Dylan.

Nagkatinginan silang tatlo. "Ahm..."

"Sorry," ani Reeve at saka binawi ang kamay nito.

"No, it's okay," aniya rito. "Nasa dugo mo na talaga ang pagiging gentleman."

"Eh, ako?" singit ni Dylan na siyang umalalay sa kanya sa pagbaba.

"Playboy ka."

He just chucked.

"Sa The Peninsula Hong Kong ang conference at accommodation, right?" tanong niya pagkalabas nila ng airport.

"Yes," sagot ni Dylan habang pumapara ng taxi para sa kanila. "Ano nga palang room number mo?"

"Bakit kailangan mong malaman?"

Tumingin ito sa kanya at ngiti lang ang naging sagot. Napalunok siyang bigla dahil parang alam na niya ang ipinapahiwatig ng mga ngiti nito.

"No sex, right?" bulong niya rito. Napatingin siya kay Reeve na abala sa pag-contact sa asawa nito.

His lips curved up into a sexy smile. "Gusto ko lang malaman ang room number mo dahil baka magkalapit lang tayo ng kuwarto. Wala naman akong ibang intension. Baka ikaw may ibang pakay?"

"What the hell?" Inirapan niya ito. "May kasalanan ka pa sa'kin, lalaki ka! Don't get too playful with me."

May humintong taxi sa harap nila. Pinagbuksan siya nito ng pinto sa likod. Pumasok na siya doon habang nilalagay nito ang mga gamit nila sa trunk ng taxi.

Sumakay si Reeve sa harapan. Sila ang nagtabi ni Dylan sa likod.

"Reeve, okay ka lang?" tanong niya rito nang mapansing nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa cellphone nito.

"I can't contact my wife," sagot nito. "Hindi niya sinasagot ang tawag."

"Maybe she's busy," ani Dylan. "Sumasagot naman agad si Agatha kung wala siyang ginagawa."

"Right. Tatawagan ko na lang ulit siya kapag nasa hotel na tayo. Ano nga pa lang room number niyo?"

Sumagot si Dylan at nanlaki ang mga mata ni Lana sa narinig. "D-Doon ka?" tanong niya rito.

"Yes. Why?"

"Magkatabi tayo ng kuwarto," aniya saka sinabi ang room number niya.

Biglang napalingon sa kanya si Reeve. "Are you sure about your room number, Lana?"

Tumango siya. "Bakit? Magkatabi rin tayo ng kuwarto?"

Umiling ito. "No. Because that's exactly my room number."


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Olvasás folytatása

You'll Also Like

7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
323K 18.9K 33
2nd Book of Valleroso Series. Cypress Olivier Valleroso. Written©️2022
14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...