The Casanova's Bodyguard

By NagtatagongDyosa

203K 3.9K 421

[Complete] "Bakit ako pa?" More

The Casanova's Bodyguard
Day 1: Contract
Day 2: Move on!
Day 3: Cousins
Day 4: Selos?
Day 5: Bar
Day 6: Hawaii
Day 7: I Love You... tube?
Day 8: Anung meron?
Day 9: Friend or Lover?
Day 10: Ex
Day 11: Bitter
Day 12: Basketball
Day 13: Plan
Day 14: Selos rin siya?
Day 15: He Kidnapped my Heart
Day 16: Yes or No
Day 17: Sa Iyong Ngiti
Day 18: PaGIANt
Day 19: The Casanova's Back
Day 20: I'm WHAT?!
Day 21: NgaNga
Day 22: Ang Bilis ng panahon
Author's Note Muna =D
Epilogue
Alternate Ending

Her Last Day

5.1K 95 10
By NagtatagongDyosa

"Good Afternoon Passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to the United States of America. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular Boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you" 



10 Minutes nalang. 10 Minutes nalang at aalis na ako ng Pilipinas. Lahat ng memories ko dito sa Pilipinas, nag-flash sa aking isipan. Lalo na nung first day ng pagiging Second Year student ko. Hindi ko aakalaing makakakilala ako ng mga kaibigan tulad nila Dom, James, Kym at Ryu. 

Naalala ko nanaman 2 days ago. Inaya ako ni James na pumunta sa resort nila sa Batangas. Ang akala ko si Dom at Kym lang ang kasama namin yun pala si Ryu din kasama. Ang awkward sa bus nun. 

At ang malala, nasiraan pa kami sa gitna ng daan. 

*FLASHBACK*

"Ang bulok naman ng sasakyan niyo pre" Asar ni Dom kay James. 

"Bigat mo kasi kaya ayan, di kinaya ng makina" Sabi naman ni James. 

"Maghahanap lang ako ng tindahan, nagugutom na ako eh" Paalam ko sa kanila.

"Samahan na kita" -Dom

"Hindi na, baka kailanganin ni James ng tulong. Sandali lang naman ako" Ngiti ko.

"Ingat ka ha?" Pinisil niya yung kamay ko. 

"Opo, Babalik ako agad" Naglakad lakad na ako dun sa lugar. Ang tagal ko ng naglalakad pero ni-isang tindahan wala akong nakita. Left, Right, Left, Left. Sandali, Paano ako napunta sa gubat? 

Tumingin ako sa paligid ko. Puro puno lang ang nakikita ko. Hala! Asan na ako? Diyos ko po, parang awa niyo na sana walang sawa dito o kaya bayawak. Masyado pa po akong bata para mamatay. Kung kakarmahin niyo po ako sa ginawa ko, ipabunggo niyo nalang po ako sa isang porsche. 

*Wuuusshhh* 

Hala?! Nakisali pa yung ulan. Kumaripas na ako ng takbo dahil nababasa ako ng ulan. At buti nalang at may nakita akong maliit na kubo. "Tao po?" Kumatok ako dun sa pinto pero walang sumagot kaya pumasok nalang ako. 

Walang gamit sa loob ng kubo maliban nalang sa isang frame ng kama, banig at isang unan. Ay hindi pala unan to. Sako lang pala na may plastic sa loob. Gusto kong tumawag kaso wala yung telepono ko. Wallet lang kasi ang dinala ko. Iniwan ko yung bag ko sa Van. 

Paano na ako? Hinahanap kaya nila ako? Hinahanap kaya ako ni Ryu? Hay. Malamang hindi. Assuming ko masyado. Bakit naman ako hahanapin nun? Sakit kaya ng ginawa ko sa kanya. Tagos sa puso.

RYU'S POV 

"Ayan, Ayos na yung kotse!" Pagcecelebrate ni James. Sasakay na dapat ako sa Van pero napatigil ako nang marinig ko si Dom na may sinabi.

"Sandali, Hindi pa bumabalik si Denise" Apat na oras ng inaayos yung kotse, hindi parin siya nakakabalik? Baka kung ano na nangyari dun!

*Wuuushh* Biglang tumulo ang malakas ng ulan. Agad akong tumakbo papunta dun sa dinaanan niya kanina. "Ryu sandale!" Rinig kong hinahabol ako nila Dom at James pero hindi ako tumigil. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa kanya. Ikamamatay ko kapag napahamak siya. 

Oo, Mahal ko parin siya. Sino ba namang tanga ang makakamove on ng basta basta sa isang babae tulad niya? Isang babaeng pinaligaya ang bawat araw mo? Masakit man yung ginawa niya sakin, siya parin ang laman ng puso ko. 

Halos Dalawang Oras na rin kaming naghahanap. Naghiwa-hiwalay na rin kami. Medyo napagod ako at tamang-tama, may nakita akong maliit na kubo. Makikisilong muna ako dahil basang basa na ako sa walang tigil na ulan.

"Tao po?" Walang sumagot. "May Tao po ba?"

Pero this time, Isang malakas na sigaw mula sa loob ang narinig ko. Agad ko ng binuksan yung pinto at nakita kong nakaupo sa sahig ang isang babae. Nakahawak siya sa ankle niya. Nadulas siguro. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan yung paa niya. Napatingin siya sakin.

At... O___________________________O"

"R-Ryu..." Walang lumabas na salita sa bibig ko. Bigla ko nalang siyang niyakap at tumulo ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan. Ang saya kong makita siya na ligtas. "O-Ow, Sandali. Yung Paa ko..." Agad akong natauhan at kumalas sa yakap. 

"Ano ba nangyari sayo?"



"Di ko napansin na may bato kaya nadulas ako"



"Tsk, Accident prone ka talaga kahit kelan" 



"I know."



*END OF FLASHBACK; Balik sa POV ni Denise*



"Anak 5 Minutes nalang bago tayo umalis" Bumalik ako sa realidad. After nung nakita ako ni Ryu dun sa Kubo, dumating na rin agad si Dom at binuhat niya ako pabalik sa Van. 

"Sige Mie, Una na po kayo. Susunod ako, Promise" I tried my best to smile. Nagsmile back nalang si Mommy tapos pumunta na sila sa plane. 

I don't want to leave. Pero I have to. Masyado na ako madaming nasaktan. Ang kapal nalang ng mukha ko para mag-stay pa dito sa Pilipinas. So I guess this is goodbye? 

I took one last glimpse. Ewan ko pero deep inside, I'm hoping na pipigilan ako ni Ryu na umalis. Asa naman ako. Ang dami ko atang nasinghot na diesel sa gasolinahan kaya ako nagkakaganito.

Dahan Dahan akong tumalikod at naglakad papunta sa boarding place. Malay ko ba kung anung tawag dun. Mami-miss ko ang init dito sa Pilipinas. :(

"Aalis ka nalang ng basta basta? Ni-hindi ka manlang magpapaalam sakin?" Napatalikod ako. Dumating siya... Pero pano niya nalaman na aalis ako ng bansa? 

"Ryu..."

Nilapitan niya ako. "Bakit di mo sinabi sakin?"



"D-Dahil ayokong maghintay ka sa wala... paano kung di na kami bumalik ng Pilipinas? A-Ayokong masaktan ka ng sobra dahil sa kaduwagan ko..." Namumuo na ang mga luha sa mata ko. 

"Wag kang magsalita ng ganyan. Mahal na Mahal kita at lahat kaya kong gawin para sayo. Maghintay lang ba? Kaya kong gawin yun. Kahit Sampung taon o higit pa, kakayanin ko. Hindi ka na makakabalik ng Pilipinas? Edi ako ang lilipad papuntang America para lang makasama ka... Ayokong mawala ka sakin..." Bigla niya akong niyakap. 

"Kaya m-mo ba talaga akong hintayin?" Tanong ko sa kanya. 

"Lahat gagawin ko para sayo..."

"K-kahit sampung taon?"

"Oo nga, ayaw mong maniwala?"

"Hindi naman sa ganun pero---"

"After 10 Years. Kung sakaling hindi mo na ako mahal by that time, papakawalan kita ng buong puso pero kung mahal mo pa ako sa mga oras na yun... will you marry me?" 

Sandali nga. Pakiulit. 

Will you marry me? 


Will you marry me? 


Will you marry me? 


Will you marry me? 


Will you marry me? 


Will you marry me? 


Will you marry me? 


Will you marry me? 


Will you marry me? 



Oh Tama na. Para na akong sirang plaka. 

I gave him a sweet smile. "It's a deal" 

---------------------------------------------------------------------

Epilogue nalang :'((( EMEGHED XD

Yun nga palang epilogue ay mangyayari 10 years later na =)) So malalaman niyo kung may feeeeeelings pa ba si Denise para kay Ryu. Mehehehe. 

Continue Reading

You'll Also Like

15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
673K 7.8K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
805K 12.9K 74
Shotgun Marriage -a marriage forced or required because of pregnancy. (by google 'yan ha) Ayoko namang makasal ng dahil sa ganiyan eh. Pero, may choi...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...