Angel in Disguise

By alyloony

41.5M 828K 152K

Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything tur... More

Angel in Disguise (Prologue ~ teaser)
Chapter 1 *First meeting*
Chapter 2 *Kiss*
Chapter 3 *Suspicion*
Chapter 4 *Voice of an angel*
Chapter 5 *Mr. Spy*
Chapter 6 *blackmailing snatcher*
Chapter 7 *Her smile*
Chapter 8 *tears*
Chapter 9 *Painful past*
Chapter 10 *I miss you*
Chapter 11 *Mr. Seduction*
Chapter 12 *The Manager*
Chapter 13 *flashback*
Chapter 14 *Mr. Stalker*
Chapter 15 *Blessing *
Chapter 16 *Mommy and Daddy*
Chapter 17 *Stolen*
Chapter 18 *unexpected news*
Chapter 19 *The Wake*
Chapter 20 *let go*
Chapter 21 *Best friend*
Chapter 22 *Subic*
Chapter 23 *unrecognized feelings*
Chapter 24 *first move*
Chapter 25 *second*
Chapter 26 *The Goddess' Pain*
Chapter 27 *One sided*
Chapter 28 Mind vs. heart
Chapter 29 *comfort*
Chapter 30 *Request*
Chapter 31 *trapped*
Chapter 32 *hug*
Chapter 33 *burst of emotions*
Chapter 34 *I love you*
Chapter 35 *another revelation*
Chapter 36 * Tight Hug*
Chapter 37 *sandalan*
Chapter 38 *Enchanted*
Chapter 39 *Sayonara*
Chapter 40 *questions*
Chapter 41 *beach disaster*
Chapter 42 *Venus' Plan*
Chapter 43 *Dionne's Choice*
Chapter 44 *Flight for freedom*
Chapter 45
Chapter 46 *One and only*
Chapter 47
Chapter 49 (08-15-14)
Chapter 50 (08/29/14)
Chapter 51 (09/10/14)
Chapter 52 (09/11/14)
Chapter 53 (09/25/14)
Chapter 54 (10/06/14)
Chapter 55 (10/12/14)
Chapter 56 (10/19/14)
Chapter 57 (10/20/14)
Chapter 58 (10/21/14)
Chapter 59 (10/24/14)
Epilogue (10/24/14)

Chapter 48 (06/09/14)

482K 12.4K 2.3K
By alyloony

Chapter 48

 

[Jake’s POV]

 

            “Hay, hindi ko matanggap ‘to. Ang hirap tanggapin nito. Ako? Si Jake Marquez, gwapo, mayaman, sikat, malinis at mabango, eh…eh…”

            “Eh iniwan na lang basta ng girl friend niyang chimay matapos nito mag propose sa kanya ng kasal sa kitchen,” pag tatapos ni Venus sa sasabihin ko.

            Nandito ako ngayon sa condominium ni Venus at nag lalabas ng sama ng loob. Paano kasi, dalawang araw nang hindi umuuwi si Dionne. She’s staying at Tito Jin’s house. Ni-hindi tumatawag o nag t-text man lang. Pag ako naman ang tumatawag at nag t-text, si Tito Jin ang sumasagot. Pinag sabihan pa akong wag munang guluhin si Dionne dahil kasalukuyan siyang nag iisip.

            Well, alam ko naman na nakakabigla talaga ang pag p-propose ko sa kanya. Pero ang nakakapag taka eh ba’t kailangan niya pang pag isipan? Hindi ba niya alam kung gaano siya ka-swerte na isang Jake Marquez ang nag p-propose sa kanya?!

            “Kainis!!” ginulo-gulo ko ang buhok ko. “How could she do this to me?!”

            “Eh kasi naman, wala pang dalawang Linggo kayong mag on, kasal na agad! Ano ba naman kasi ‘yan Jake!” pangaral ni Venus.

            “Pero mahigit isang taon na kaming nag mamahalan! Sadyang ang aarte at pakipot lang kami kaya ngayon lang naging kami. Hindi pa ba sapat ‘yon?”

            Napa-buntong hininga si Venus at i-iling-iling.

            “Thank God I made the right decision of letting you go. Hindi ko maisip kung paano ko matatagalan ang isang kagaya mo na mas conceited at mas selfish pa sa akin.”

            Tinignan ko siya nang masama. “Nang iinsulto ka ba ha?”

            “No. I’m just saying how lucky I am na hindi ikaw ang naging boyfriend ko.”

            “Nang-iinsulto ka nga!”

            She just shrugged her shoulders.

            “Anyway, stop bothering Dionne at hayaan mo siyang mag-isip muna. Marami siyang i-gi-give up kung sakaling papayag siyang pakasalan ka. At isa pa, sa less than two weeks na pagiging mag-on niyo, kailangan niyang pag-isipan kung handa na ba siyang ibigay ang forever niya sa taong mainitin ang ulo, mayabang, at tamad na tulad mo.”

            “H-heh! Ba’t ka ganyan?! Ba’t ang sasama nang sinasabi mo sa akin ha?! Bitter ka lang eh! Bitter!” tumayo ako. “Alis na ko. Nakakainit lang ng ulo rito!”

            “Okay. Bye,” sabi ni Venus.

            Kainis! Kesa i-comfort ako, nilait-lait ako? Ano’ng klaseng kaibigan ‘yan ha! Grabe!

            “Ah Jake…”

            “What?!”

            “T-talaga bang iiwan mo na ang show business?”

            Tinignan ko si Venus sa mata at nakita kong parang na-bo-bother siya.

            “Oo. Iiwan ko na.”

            She smile slightly, “you really do love her.”

            “Sobra.”

            Matapos nun, tuluyan na akong lumabas sa condo niya.

 

~*~

 

            “Aaaaah! Nakakainis! Yung favorite love team ko, bakit nagka-ganito!”

            “Eh wala eh, nainlove si Jake Marquez sa iba. Ganun talaga.”

            “Pero si Jake ay kay Venus lang! Hindi ba niya nakikita kung gaano sila ka-perfect sa isa’t-isa?!”

            “Nabulag nga siya! Binulag siya nung Dionne na ‘yun!”

            Napa-hinga ako ng malalim at pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nandito ako ngayon sa mall at kumakain ng ice cream. Naka-cap at shades ako para hindi ako ma-identify ng mga tao. ‘Di kalayuan sa kinauupuan ko ay dalawang babaeng estudyante ang busy sa pag chi-chismisan.

            Ano bang problema nang dalawang ‘to?! Nagpapaka-hirap ang mga magulang nila sa pag babayad ng tuition pero ang ginagawa lang nila eh mag chismisan tungkol sa mga artista?!

            At ano bang alam nila ha? Hindi nila kami nakikita ni Venus sa likod ng camera at mas lalong nila kilala si Dionne.

            Ito ang hirap sa mundo na ginagalawan ko eh. Porke’t kinilig na sila sa amin, ibig sabihin kami na talaga. Pag hindi naging kami o pag may minahal kaming iba, aawayin nila?

            Kainis!

            Pati ba naman dito sa mall iinit ang ulo ko?! Kumakain na nga ako ng ice cream para lumamig ang ulo ko pero ganun pa rin! Bwiset!

            Hindi ko na natapos ang pag kain ko ng ice cream at umalis na lang ako doon. Mamaya eh mapilipit ko pa ang leeg nung dalawang ‘yun.

            Nag lakad-lakad na lang ako sa mall. Nakaka-irita lalo kasi puro mga estudyanteng magkaka-holding hands ang nandito. Wala ba silang pasok at nag lalandian sila ngayon?! At ba’t ang dami nila?! At nasaan na ba si Dionne?! Ba’t hindi pa siya nag paparamdam sa akin?!

            Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may text na ba si Dionne.

            Wala. Wala ni-ha, ni-ho!

            “Araaayyyy!”

            Na-distract ako sa um-aray at nakita ko may batang babae ang natumba sa sahig. Mukha atang bumangga siya sa hita ko.

            Agad-agad ko naman siyang tinulungan tumayo.

            “Okay ka lang? Ba’t ka kasi takbo ng takbo! Mall ‘to hindi playground!” sabi ko rito habang tinitignan ko ang tuhod niya at braso kung may sugat ba siya.

            “Eh bakit ikaw po naka cap at shades eh hindi naman po ‘to beach?”

            Aba’t! Pala-sagot ang batang ‘to ah!

            “Bakit! Sa beach lang ba pwede mag shades at cap ha?!”

            “Bakit! Sa playground lang ba pwede tumakbo ha?!”

            Anak ng--!!! Inaaway ba ako ng batang ‘to?! Kung tirisin ko kaya siya ha?!

            “Hoy ikaw! Sino nanay mo! Alam mo bang masama ang sumasagot sa nakakatanda ah?!”

            “Siguro masamang tao ka ‘no kaya ka naka-shades?! Siguro kidnapper ka ‘no?!” sabi nung bata sabay hatak ng shades sa mukha ko.

            “Hoy! Akin na ‘yan! Ibalik mo ‘yan!!!’

            “Yaya! Yaya! May kidnapper dito ooohhhh!” sigaw ng bata kaya naman may isang babaeng nag tatakbo papunta sa amin.

            “Rhea!”

            “Hindi ako kidnapper! Tinulungan ko lang yang alaga mo dahil nadapa!”

            “Aaaaahhh!” sigaw nung babae sa harapan ko.

            “Ano?! Hindi nga ako kidnapper sabi eh!”

            “S-s-si Jake Marquez! Ikaw si Jake Marquez!” sigaw niya ulit sabay yakap sa akin. “Naku idol kita! Naku ang bango-bango mo! Nakuu! Ma’am! Sir! Si Jake Marquez oh! Naku ang gwapo gwapo!!”

            At doon ko lang na-realize na wala na nga pala akong shades sa mukha.

            “Si Jake Marquez!”

            “Ha nasaan?!

            “Si Jake Marquez nga!”

            Nagsi-lapitan ang mga tao sa akin at kung sinu-sino na ang humatak, humila, yumakap, at nang-molestya sa kagwapuhan ko. Katakot-takot na bacteria na ang dumapo sa katawan ko na dulot ng maduduming kamay ng mga tao rito. At doon ko lang na-realize…

            …hindi ko dala ang alcohol ko. Na kay Dionne.

            Anak ng tupa! Anak ng tupa talaga!!!!

            Wala na bang ikakasira pa ang araw na ‘to?!

~*~

 

            Halos isang oras ako’ng nandoon sa mall na ‘yun at pinagkakaguluhan. Kung hindi pa nagsi-tumbahan ang ilang silya sa outside seating ng isang café sa tapat namin eh hindi pa maiisipan na magpatawag ng security para mailabas na ako doon. Pagka-sampa ko sa kotse ko, gusot-gusot na ang damit ko at puro kalmot ang braso ko. Buti na lang at walang nag tangkang humawak sa mukha ko kundi masasakal ko talaga ang gagawa nun.

            Napa-amoy ako sa sarili ko. Ang baho-baho ko na! Puro bacteria na ang katawan ko!

            Dali-dali ako’ng nag maneho papunta sa condo unit ko para makaligo. Hindi ko na talaga ma-atim ang sarili ko! Kailangan ko na talagang maligo at walang kahit na ano o sinong makakapigil sa paliligo ko ngayon!

            Nang makarating ako sa condo, dali-dali kong binuksan ang pinto at di-diretso na sana ako sa banyo nang makita ko ang babaeng naka-upo sa sofa ko.

            “D-dionne?!”

            “Hi Japoy! Kanina pa kita inaantay!” ngiting-ngiti niyang sabi sa akin.

            Nilapitan ko siya, huminga ako ng malalim, pinapakalma ang sarili…

            ….pero hindi ko kinaya.

            “BAKIT NGAYON KA LANG UMUWI HA?! ALAM MO BANG NAG AALALA NA KO SA’YO HA?! AT MISS NA KITA HA?! AT NGAYON KA LANG UMUWI?!?!”

            “Japoooyyy!” niyakap ako ng mahigpit ni Dionne. “Wag ka na magalit! Miss na miss na rin kita! May kinailangan lang akong gawin.”

            I hugged her back pero agad din akong humiwalay.

            “Dionne, look. A-alam kong masyado kitang binigla nang yayain kitang mag pakasal. Alam ko masyadong mabilis. At alam ko rin na tatanggi ka. Naiintindihan ko naman eh. Mainitin ang ulo ko, tamad, pala-utos, lagi kitang sinisigawan. I didn’t treat  you right. At alam kong kahit sobrang gwapo at bango at sikat at yaman ko, nakakapang-dalawang isip pa rin na pakasalan ako dahil sa ugali ko. But Dionne,” hinawakan ko ang kamay niya. “Dionne, hindi ka man um-oo ngayon, okay lang. Pipilitin ko mag bago. I promise I’ll be a better person. I will be a good boyfriend. Promise ko ‘yan, kaya please wag kang mawawalan ng pag-asa sa akin ah? Please?”

            “Japoy, tara sa kusina,” naka-ngiting sagot ni Dionne sa lahat ng sinabi ko.

            “H-ha? B-bakit?

            “Basta.”

            “Teka! Ang haba ng speech ko! Lahat yun mula sa puso! Tapos ang sasabihin mo lang eh tara sa kusina?!”

            Natawa lang si Dionne pero tuloy-tuloy pa rin niya akong hinatak papunta sa kusina.

            “Ito ang dahilan ng pagka-wala ko ng tatlong araw!” habang may binubuksan siyang isang malaking Tupperware. Tinignan ko ang laman nito. Lasagna.

            “Oh? At bakit naman?”

            “Ginawa ko ‘yan! At nagpa-turo pa ako kina ninong Jin ng iba’t ibang putahe na pwedeng lutuin!”

            “Bakit nga?”

            “Kasi,” huminga ng malalim si Dionne at nginitian ako. “Kung magiging Mrs. Marquez ako, kailangan matuto na akong mag luto kasi hindi naman pwedeng puro hotdog at itlog ang ipakain ko sa’yo ‘di ba?”

            Bigla akong natigilan sa sinabi ni Dionne at parang unti-unting nag sink-in sa akin lahat ng nangyayari.

            “Y-you m-mean--?”

            “Japoy minahal kita ng bilang ikaw. Yung pagiging mainitin ng ulo mo, pagiging pala-sigaw at pala-utos mo, minahal ko yun. Pati na rin yung pagiging alcohol freak mo. Minahal kita ng buong-buo. Yung tawa at ngiti mo, kahit yung mga tingin mo. Pati yung pagiging mahiyain mo pag nakakagawa ka ng mga bagay na ikinakasiya ng ibang tao. Kaya ayokong mag bago ka kasi tanggap kita. Wala kang dapat ayusin kasi pati yung negative side mo, positive sa paningin ko. I love you and yes I will marry you. Isang Jake Marquez na ang nag yaya sa akin, hi-hindi pa ba ako?”

            “Dionne…” halos hindi ako makapag salita sa lahat ng narinig ko. Hinila ko na lang siya papalapit sa akin at hinalikan ko siya at niyakap ng mahigpit na mahigpit at nakakabakla mang aminin, halos maluha-luha ako sa sobrang saya na nararamdaman ko.

            She will marry me. Pumayag siya na pakasalan ako kahit ganito ako.

            At sa unang pagkakataon, naramdaman ko at narealize ko kung gaano ako ka-swerte dahil sa kabila ng lahat ng pagkakamali ko at pagiging makasalanan ko, binigyan pa rin ako ng Diyos ng isang babaeng nag mistulang anghel sa buhay ko.

            “I love you and thank you…. Thank you Dionne..” I kissed her forehead, her nose, her cheeks and her lips again. God, I really really love this girl. Willing akong iwan ang lahat ng nakasanayan ko para sa kanya.

            “I love you too, Japoy. At salamat kasi ako ang niyaya mong pakasalan.”

            “Kasi kung hindi ikaw ang papakasalan ko, willing akong maging single sa tanang buhay ko.”

            “Talaga?”

            “Oo!”

            “Ikaw talaga! Kainin na nga natin yung lasagna!”

            “Hala teka! Kailangan ko pa lang maligo!”

            Nag pout si Dionne sa akin, “eeeeh. Kumain muna tayo.”

            Tinignan ko siya at nginitian.

            “Sige na nga. Ikaw lang talaga ang nag iisang nakaka-interrupt sa paliligo ko.”

            “Ganun talaga, mahal mo ko eh!”

            “Sobra.”

            I lean forward and started kissing her again.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 106K 68
Her only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so good at destroying peace.
20.3K 1K 17
(Epistolary โŒ– GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
96.3K 3.4K 13
THAT SUMMER WITH A GHOST SERIES #1
11.2K 356 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci