Chasing the Cold Prince

By Msshell

159K 1K 167

Claudette Millicent Zamora was insanely in love to the famous cold guy, Tyler Zen Del Fierro. Her highschool... More

The Start
Second Chase
Third Chase
Fourth Chase
Fifth Chase
NOTE
PUBLISH

First Chase

10.8K 195 33
By Msshell

"If you chase in love you don't know the word give up."----M.S.O

***

"Papa! Alis na ako!" Sigaw ko habang mabilis na isinusuot ang medyas ko.

"Millicent! Baon mo!" Agad kong sinalo ang inihagis niyang luchbox ko. 

"Thanks pa!" Sigaw ko. Nagthumbs up lang naman siya. Siya, nalang ang nag-aalaga samin ni kuya. Namatay kasi si mama ng ipinanganak ako.


Agad na akong sumakay sa bike ko. Malelate na nga ako, napasarap kasi ako sa tulog. Napanaginipan ko kasi si loves.


Speaking of him, baka pinagkakaguluhan na naman siya ng mga piranha.


Malapit na ako sa University ng makita ko siya, pinaparada ang bike. Naningkit ang mata ko nang makitang may kumakausap sa kanyang magandang babae. Binilisan ko ang pagpapatakbo.


"Zen!" Mabilis kong bati sa kanya para makuha ang atensyon niya. Napatingin naman sakin ang babae. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Sige, alis na ako." Nagmamadaling paalam nito. Sinundan ko lang siya ng tingin. That bitch, kilala ko siya matagal na itong nagpapapansin kay Zen. Ngumiti ako pagbaling ko sa kanya. As usual, nakapoker face na naman siya. Lalo tuloy siyang gumagwapo.

"Kumusta ang weekend mo?" Nakangiting sabi ko.

"Masaya, dahil wala ka." Napangisi lang ako sa sagot niya. Sanay na ako sa ugali niya. Since grade 7 ba namang ganyan ang trato niya sakin.

"Aww, ako kasi hindi masaya kasi namimiss kita." Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko at naglakad. Nakasunod lang naman ako sa kanya. Ang gwapo niya talaga.


Pagdating namin sa classroom nila. Lalong nadagdagan ang inis ko. Ang daming babaeng nagniningning ang matang nakatingin sa kanya. May pumasok namang ideya sa isip ko. Bago pa siya makapasok, hinila ko ang strap ng bag niya para tumigil siya. Nakakunot-noo at halata ang inis ang mukha niya na bumaling sakin. Napangiti ako at tumingkayad para maabot ang tenga niya. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata ng mga babae parang hinalikan ko kasi siya sa anggulo nila.


"See you, mamayang recess honey."  Kinindatan ko siya at tuloy-tuloy na ako sa classroom namin.


Grade 11 na kasi kami ngayon. GAS kasi ang kinuha ko. Gusto ko sana sa STEM dahil doon si Zen kaya lang hindi kaya ng utak ko eh. Kaya huwag nalang. Babantayan ko pa rin naman siya sa mga babaeng umaaligid sa kanya. Mabilis akong pumasok sa room, inaantok pa ako eh. Dumiretso ako sa pinakadulo. Wala naman akong katabi, takot lang nila sakin. Agad akong tumungo sa mesa. Matutulog muna ako.


Isang tapik ang gumising sa 'kin. Pupungas kong inangat ang ulo ko para makita kung sino 'yun. Istorbo.


"N-andyan n-a ka-si si S-ir. Pi-napa-gi-sing k-a n-iya." Nanginginig na sabi nong babaeng nasa harap ko. Takot na takot, akala mo naman kakainin ko. Napabuntong-hininga ako at tinignan ang teacher namin. Sobrang sama ng tingin sa 'kin. Whatever.

"Ms. Zamora! Natutulog ka na naman! Kailan ko ba makikitang gising ka sa subject ko?"

"Kung patay ka na." Bulong ko.

"Anong sabi mo?"

"Sorry po Sir, di na mauulit."

"Talagang di na mauulit! Dahil kapag umulit ka pa hindi ko na hahayaang pumasok ka pa sa subject ko. You're out, understand?"

"Okay Sir."

Siya kaya gawin kong punching bag.

Oo nga pala, popular ako dito sa Clarkson. Iniilagan bakit? Kasi isa akong black belter sa taekwondo at judo. At ako ang representative ng school mula pa noong first year ako.


This become my advantage. Kaya walang makakayang lumapit kay Zen
lalo na kong meron ako.


Nilaro-laro ko lang ang ballpen ko habang pinagmamasdan ang teacher naming dada nang dada. Wala naman nakikinig. Busy sa cellphone 'yung iba habang 'yung naman kunwari nakikinig.


Ano kayang ginagawa ngayon ni Zen? Sigurado marami na namang lumalandi sa kanya. Naiisip ko palang, kumukulo na ang dugo ko.


Agad akong tumayo nang magbuzzer, hudyat na breaktime namin. Dumiretso ako sa room nila Zen. Sumilip ako, nakaupo pa siya at inaayos ang laman ng bag.


"Tyler, gusto mo sumabay sa min?" Nakangiting sabi noong babaeng nasa harap niya.

"Oo nga Ty!" Dagdag pa ng barkada niyang si Paul. Kinindatan pa siya. Malanding lalaki. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. Agad nagsiyuko ang dalawang babae pagkakita sakin habang ngumiti lang naman si Paul.

"Hi Millicent! Andyan ka pala." Nilagpasan ko siya at dumiretso kay Zen.

"Tara sa cafeteria!" Masayang yaya ko pero malamig niya lang akong tinitigan at nilagpasan na ako. Agad akong humabol sa kanya at hinawakan ang braso niya.

"Nilalandi ka ba ng mga 'yun?" Nakasimangot kong sabi.

"No, and stop being possessive. You don't own me Claudette." Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Patay malisyang tinignan ko ito. Sanay na ako. Alam na alam ko kung gaano siya kalamig. Agad akong tumakbo para mahabol siya. Ang bilis maglakad.

"Bilisan mo, gutom na ako." Sumunod nalang ako. Pagdating namin sa cafeteria, nasa kanya na naman ang atensyon nila. Dukutin ko kaya mga mata nila. Kainis!

Nakasimangot akong sumunod sa kanya para makipila sa counter. Gutom na ako, konti lang ang nakain ko kanina sa pagmamadali.


"Ang gwapo talaga ni Tyler."

"Ang talino pa."

"Mangitian niya lang ako pwede na akong mamatay."


Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Kanina pa ako nagtitimpi sa mga babaeng 'to. Lalapitan ko na sana nang may bigla nalang humatak sa 'kin. Salubong ang kilay ko itong nilingon.


"Makipila ka nga nang maayos." Malamig at iritado ang mukha niyang parang ang gaan akong inakay sa harap niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa panandaliang paghawak niya sa balikat ko. Tulala akong napatingin sa counter.

"Anong order mo Miss?" Nagising lang ako sa pagkatulala sa lakas ng pagkakatanong. Napatingin ako sa mga pagkain.

"Dalawang chocolate cupcakes, burger at coke in can." Tanging nasabi ko. Pagkabigay ng order ko agad ko itong kinuha at naghanap na nang mauupuan. Sa usual spot ako pumunta. Sa may pinakalikod. Agad akong umupo at pilit kinalma ang sarili ko. Tinignan ko ulit ang counter, kinukuha na niya ang order niya. Shit! Nakalimutan ko siyang hintayin. Siguradong ang daming mag-aaya sa kanyang sa table nila siya umupo. Hindi pwede 'to, tatayo na sana ako nang may magkasabayang sigaw ang gumulat sa kin.

"Idol!" Patay! Ang tatlong asungot. Ang lawak ng ngiti nilang umupo sa harap ko. Manghang-mangha silang nakatingin sa kin.


"Millicent ng aming buhay, magandang araw!"

Nagsisimula na naman sila.


"Diyosang Millie, ang aming pinakamamahal. Ang pinakamagandang bituin sa langit."

"Ang bumihag sa aming puso. Ang diyosa ng kagandahan at katapangan. Magandang araw!" Mabuti nalang at hindi pa ako kumakain kung hindi siguradong naisuka ko na. Pare-pareho silang nakayuko na parang timang sa harap ko.


Who are they? They are the asungots. Ang self proclaim number one fans ko kuno. Jonathan, Carl, and Mirko.


Panay pa rin ang mga walang humpay nilang papuri sakin pero wala na sa kanila ang atensyon ko. Nakatingin lang ako kay Zen, masaya siyang kinakausap ng mga classmates niya. Lalo na si Clarisse, ang isa sa campus beauty dito. Classmate na siya ni Zen noon pa man pero ngayon ko lang sila nakitang nag-usap.


My heart ache at the sight.


Ayaw ko mang tanggapin pero bagay sila.

***

A/N: Sana magustuhan niyo!

Shels<3

Continue Reading

You'll Also Like

326K 22.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
243K 3.3K 2
They say that you don't meet people by accident. There's always a reason, a lesson or a blessing. This is a story of an unforeseen meeting between a...