One Sided Love ✔️

By Everjoy_Condes

528K 16.5K 1.7K

(COMPLETED) (NAIVE SERIES: Book 2) "If you love someone secretly, accept the possibility that you'll hurt si... More

Thank You, Team JOSHNIC! ❤️
Prologue
OSL Kabanata: 1
OSL Kabanata: 2
OSL Kabanata: 3
OSL Kabanata: 4
OSL Kabanata: 5
OSL Kabanata: 6
OSL Kabanata: 7
OSL Kabanata: 8
OSL Kabanata: 9
OSL Kabanata: 11
OSL Kabanata: 12
OSL Kabanata: 13
OSL Kabanata: 14
OSL Kabanata: 15
OSL Kabanata: 16
OSL Kabanata: 17
OSL Kabanata: 18
OSL Kabanata: 19
OSL Kabanata: 20
OSL Kabanata: 21
OSL Kabanata: 22
OSL Kabanata: 23
OSL Kabanata: 24
OSL Kabanata: 25
OSL Kabanata: 26
OSL Kabanata: 27
OSL Kabanata: 28
OSL Kabanata: 29
OSL Kabanata: 30
OSL Kabanata: 31
OSL Kabanata: 32
One Sided Love: Cast
OSL Kabanata: 33
OSL Kabanata: 34
OSL Kabanata: 35
OSL Kabanata: 36
OSL Kabanata: 37
OSL Kabanata: 38
OSL Kabanata: 39
OSL Kabanata: 40
OSL Kabanata: 41
OSL Kabanata: 42
OSL Kabanata: 43
OSL Kabanata: 44
OSL Kabanata 45: The Finalé ❤️
Naive Series ❤️

OSL Kabanata: 10

9.7K 357 21
By Everjoy_Condes

Bago pa man makasakay ng jeep si Nicole ay may mabilis na kotse ang humarang sa kanyang harapan. Mabuti na lang at alerto ang kanyang isip at pakiramdam, kaya't mabilis niya itong naiwasan.

"G*go 'to ha!" iritableng saad ni Nicole bago hinampas ang hood ng kotse nito. "Hoy! Hindi mo pag-aari ang kalsada noh! Bumaba ka d'yan!" nag-aamok pa niyang anas dito.

Hindi maaninag ng dalaga ang loob ng sasakyan dahil tinted ang mga bintana nito. Mabilis pa niyang kinatok ang driver's seat, dahil alam niyang nakikiramdam lang din ang taong sa loob nito.

Laking gulat na lang niya nang biglang magbaba ng bintana ito't masilayan ang mukha ng isa sa varsity player ng FTHS, walang iba kundi si Dennis.

"D-dennis?" kunot noo niyang sambit dito.

"I'm so sorry hun, I did not notice that you were going to cross the street." konyong turan nito saka siya kinindatan. "Hop in... Wait what was your name again?" dagdag pa ni Dennis with his boyish grin.

"Tsss... Letsugas!" tanging bulyaw lang niya rito at nang akmang lalampasan na ng dalaga ang sasakyan nito ay bahagya itong umabante. "Tarantado ka pala eh! Balak mo ba talaga akong sagasaan?!" inis pa niyang saad dito saka pilit hinahablot ang mukha ni Dennis sa loob ng sasakyan.

"Hahaha! Sabi ko sumabay ka na sa akin, hatid na kita sa bahay niyo, Miss Letsugas." tatawa-tawang alok nito habang umiiwas sa panghahablot ng dalaga.

Mabilis naman itong tinigilan ni Nicole sabay sabing, "Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para makisakay sa sasakyan ng manyak noh!" singhal niya rito at mabilis na tumakbo para makasakay ng jeep.

Nang makasakay ay mabilis siyang umupo sa bandang labasan nito bago nilingon ang binata saka ito binelatan, "Neknek mo!" sigaw pa niya rito habang papalayo na ang pampublikong sasakyan.

Hindi naman nagtagal ay mabilis nakababa ng jeep si Nicole. Masayang naglakad ito papasok sa kanilang subdivision habang hawak-hawak pa ang makabilang strap ng kanyang backpack.

Habang naglalakad ay biglang pumasok sa isipan ni Nicole, ang nangyari kanina sa kanyang kaibigang si Raine. Nakaramdam siya ng awa para kay Josh, dahil alam niyang nasaktan ito sa pagiging magkasintahan nina Raine at Icarus.

Meron pa rin siyang nararamdam sa binata ngunit hangga't maaari ay hindi na niya ito binibigyan pa ng pansin, para hindi na rin siya mag-expect in return.

"Hmpf! Masyado kasing pinipilit ang sarili sa iba, nandito naman ako." saad ng dalaga habang patuloy pa rin sa paglalakad. Nang mapagtanto niya ang kanyang naisambit ay dagling namilog ang mga mata ni Nicole saka ipinilig ang kanyang ulo para waksihan ang isipin na iyon.

"Patawa ka talaga Nicnic, pareho lang naman kayo ni Josh ah. Pinipilit mo rin naman 'yung sarili mo sa kanya." wika ng isang bahagi ng kanyang isip.

"At least ako nananatiling lihim, walang masasaktan kung walang makakalaam." pangongontra lang niya sa kanyang konsensiya.

Nagpatuloy lang si Nicole sa kanyang paglalakad at ganoon na lang napahinto ang kanyang mga paa, nang makita ang pigura ng taong tumatakbo sa kanyang isipan kani-kanina lamang. Nakaupo ito sa gutter malapit sa kanilang gate, na halatang malalim ang iniisip.

"J-josh?" tawag niya rito dahilan para mag-angat ito ng tingin. "A-anong ginagawa mo rito?" wala sa sariling tanong niya.

Mabilis naman itong tumayo bago pinagpag ang kanyang pantalon, "N-nicnic... Pwede ba tayong mag-usap?" malungkot na turan ng binata habang malamlam ang mga mata.

Kita ni Nicole ang mugto nitong mga mata, dahil walang suot na nerdy glasses si Josh. Nakaramdam na naman siya ng awa rito, kaya't marahan siyang tumango sabay sabing, "Tara sa loob." anyaya ng dalaga bago binuksan ang gate.

Mabilis tinungo ng magkaibigan ang loob ng tahanan ng dalaga, "Pasok ka Josh," ani Nicole habang inaayos ang mga nagkalat na gamit nila sa living room. "Pasensya ka na makalat, halika upo ka muna dito." saad pa ni Nicole saka pinagpag ang sofa.

"Thank you Nicnic." malungkot na saad lang ni Josh bago naupo.

Sandaling pinagmasdan lang ni Nicole ang binata. Alam niyang wala ito sa sarili, dahil kung may tao siyang kilala na alerto sa lahat ng oras ay walang iba kundi si Josh iyon.

"Haaayyy... Spill." buntong hininga ng dalaga saka naupo sa tabi ng binata.

Mabilis naman siya nitong nilingon bago pinagsaklob ang kanyang mga kamay, "Nicnic... Bakit gano'n? Sabi ni Raine hindi pa siya handang magka-boyfriend, tapos isang umaga magugulat na lang ako sila na ni Icarus. Nic, ang tagal kong nanligaw sa kanya." balisang turan nito bago inihilamos ang mga palad sa kanyang mukha.

Dagli namang hinimas ni Nicole ang likod ng kanyang kaibigan sabay sabing, "Kahit ako man ay nagulat sa bilis ng pangyayari, pero Josh wala ako sa posisyon para magsalita ng kahit ano. Kausapin mo si Raine, siya lang din ang makakasagot sa lahat ng katanungan mo."

"Haaayyy... Hindi pa ako handang kausapin siya." matigas na anas nito.

"Naiintindihan ko... Ikaw naman kasi masyado mong pinagpipilitan ang sarili mo kay Beshie, napaka-platonic kaya ng friendship niyo. Marami naman d'yang iba..."

Nagulat naman ang dalaga nang bigla siyang balingan ni Josh at diretsong tumingin sa kanyang mga mata. Ilang segundo lang silang nasa ganoong posisyon nang maagap na umiwas ng tingin si Nicole sabay sabing,

"Iba... Ibahin na natin ang usapan, gusto mo ng cookies? Juice?" hindi na mapakali ang dalaga dahil hindi pa rin napuputol ang pagtitig sa kanya ni Josh. "T-tubig..." alanganing sambit pa niya dito.

Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula kay Josh. Aaminin ng dalaga na nanlalamig na ang kanyang buong katawan, dahil sa pamamaraan nito ng pagtitig sa kanya. Mabuti na lang at may biglang nagsalita mula sa kanilang hagdanan kaya sabay silang napabaling doon.

"Ate Nicnic, cookie time." masiglang ani ni Nicolai kasunod ang kambal nitong si Nicolo. "Hi Kuya Josh." kaway nito sa binata.

"H-hello Nicky." nakangiting bati naman ng binata rito ngunit sa kabila ng ngiting iyon ay nagkukubli ang matinding kalungkutan.

"Cookie time!" masayang turan ni Nicole bago ipinalakpak ang mga kamay para pagaanin ang loob ng binata. Mabilis tumakbo ang kambal sa kusina para mag-unahan sa pagkuha ng cookies. "Tara Josh, meryenda muna tayo." anyaya niya sa kanyang kaibigan at nakita niyang tumango naman agad ito.

Masayang nagsalo ng meryenda ang magkakapatid kasama si Josh. Napawi panandalian ang lungkot na nararamdaman ng binata, dahil sa masiglang awra ng magkakapatid.

Naisip ni Josh na masarap pa lang magkaroon ng nakababatang kapatid, dahil puro halakhakan ang maririnig mo mula rito. Meron siyang ate na malayo ang agwat ng edad sa kanya, hindi na niya ito nakakasama sa bahay dahil may asawa na ito at naninirahan na sa America for good.

Pinagmasdan ni Josh ang dalaga na masayang nakikipagkulitan sa kambal. Napangiti siya ng palihim dahil sa pagiging maasikaso nito sa kanyang mga kapatid. Naisip niya na simple lang talaga ito, na hindi niya nakita noon dahil masyado siyang nafocus kay Raine.

Dagli naman nawaksi ang isipin niyang iyon nang bigla siyang balingan ni Nicole. Kumabog ng husto ang dibdib ni Josh nang ngitian siya ng dalaga sabay sabing,

"Josh, kain ka pa ng cookies. Kami ni Mama ang nagbake niyan. Naka-time locked kasi itong cookie jar, kaya may oras din ang pagkain namin nito." nakangiting sambit ng dalaga saka uminom ng orange juice.

"Thanks Nic..." iyon lang ang naisagot ni Josh dito, dahil nagpapasalamat talaga siya dahil kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

"Sus! Ano ka ba wala 'yon, anytime." natatawang saad lang ni Nicole saka kinidatan ang binata.

Napangiti na lang si Josh ng palihim dahil parang biglang sumigla ang puso niya ng mga sandaling iyon. Matapos magmeryenda ay nagpaalam na ang binata kay Nicole.

"Nicnic... Thank you for being there for me." usal nito nang makalabas sila ng gate.

"Anytime... Basta 'wag ka nang sad ha? Ingat ka." pamamaalam ni Nicole habang nakatayo sa bukana ng gate.

Mabilis namang kumaway dito si Josh. At bago pa man makasakay sa kanyang sasakyan ay muli niyang binalingan ang dalaga sabay sabing, "Thank you Nicnic, napagaan mo ang loob ko." iyon lamang at maagap na sumakay ng sasakyan.

Tinanaw na lang ni Nicole ang sasakyan nito na papalayo na. Bigla namang napahawak ito sa kanyang dibdib dahil biglang bumilis na naman ang pagtibok nito,

Heart... Kumapit ka, ayokong ma-fall ka. kausap ng kanyang utak sa puso niya.

Ano ka ba Utak, ayos lang ako. I'll never stop beating for him kung ikakasaya ko naman. pangongontra naman ng kanyang puso.

"Haaayyy... Tumigil nga kayo d'yan! Ginugulo niyo na naman ako eh!" iritableng saad ni Nicole sa hanging para pagalitan ang nagtatalo niyang sistema.

"Ate Nicnic, sino pong kausap mo?"

Mabilis naman itong binalingan ni Nicole sabay sabing, "Ahh eh... W-wala, kumakanta lang ako." pagpapalusot niya rito.

Nagtatanong ang mga matang tiningnan lang ito ni Nicolai. Kaya mabilis ginulo ni Nicole ang buhok ng kanyang kapatid sabay sabing, "Tamang hinala ka na naman, tara maglinis na tayo ng bahay para pagdating ni Mama ayos na lahat."

Mabilis pumasok ang magkapatid sa loob ng kanilang tahanan para makapag-ayos ng kanilang mga gamit.



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Continue Reading

You'll Also Like

701K 11.9K 59
"You're the pull that has made me fall over and over again. Damn! You really made me fall. Hard. So damn hard."
35.5K 2.2K 25
Ace Series #1 ¦ Ramille Ramirez, the vocalist Most envied by everyone for having their ultimate perfect relationship, ngunit ang sabi nga ng iba, lah...
1.5M 25K 64
QUARTET SERIES #1 Ezekiel John "Zeke" Aldeguer *** Nammie montoya loved zeke the moment she laid her eyes on him. Gagawin niya ang lahat makuha lang...
614K 11.9K 50
WATTY'S 2017: Riveting Reads Awardee PUBLISHED under Lifebooks BFF Series #2: Matilda O. Romualdez Mati is single and definitely not loving it. She i...