I Need A Girl (Completed)

By AnnoyingKimchi

386K 7.9K 207

Stalker turns to a loyal lover that she'd ever have. Story of Veronica "Venia" Laurencio and Callie Gabriel R... More

I Need A Girl
Chapter 1: Something's Not Right
Chapter 2: Who is Who?
Chapter 3: A Gift From Unknown
Chapter 4: Don't Be Scared Of The Dark
Chapter 5: I Don't Feel Safe Anymore
Chapter 6: I Need To Get Out Of Here
Chapter 7: You're Hurting Me
Chapter 8: Let Me Die
Chapter 9: Chance Can Change?
Chapter 10: The Stalker
Chapter 11: Know Me For Who I Am
Chapter 12: I'm Here
Chapter 13: Together
Chapter 14: Just So You Know
Chapter 15: Make Me Feel Better
Chapter 16: Callie, The Pilot
Chapter 17: In Other Words, Get To Know Each Other
Chapter 18: Good In Many Things
Chapter 20: Let Me Hold You Like This
Chapter 21: You're Blushing
Chapter 22: Mr. Rivera's Order
Chapter 23: It's A Date
Chapter 24: My Girlfriend
Chapter 25: The truth is,
Chapter 26: A Nice Company
Chapter 27: What Happened?
Chapter 28: Goodnight
Chapter 29: A Dream Come True
Chapter 30: Never Happened
Chapter 31: Horror Movie
Chapter 32: They're Dating
Chapter 33: You're Back
Chapter 34: You Said What?
Chapter 35: Tell Them or I Will
Chapter 36: The Boyfriend
Chapter 37: Please Understand
Chapter 38: Masquerade Party
Chapter 39: My Mysterious Beautiful Beloved Girlfriend
Chapter 40: I've Seen You Naked
Chapter 41: He's Cole
Chapter 42: Unknown Enemy
Chapter 43: Stay With Him
Chapter 44: We're Leaving
Chapter 45: Whatever It Takes
Chapter 46: Your Special Day
Chapter 47: White Gold
Chapter 48: Never
Chapter 49: Marry Me
Chapter 50: You're Safe
Chapter 51: Hold on to me
Chapter 52: Do You Still Love Me?
Epilogue
Special Chapter

Chapter 19: Can I?

5.7K 135 2
By AnnoyingKimchi

Hindi ko alam kung paano natapos ang sandaling iyon ng buhay ko. Ni hindi ko alam kung paano ko nagawang makalayo sa kanya at makarating sa kwarto kong ito. Nagtatakbo ako papunta sa banyo. Agad akong nagbuhos ng malamig na tubig sa mukha at humarap sa salamin.

Napailing ako matapos kong makita ang labi ko. Namumula iyon at mukhang namamaga. Ganoon ba katindi ang halikan na iyon para maging ganito ang labi ko. Paano pa kaya yung labi ni Callie?

Naiinis ako sa sarili ko.

Mahiya ka nga, Venia. Baliw ka talaga. Baliw.

Nagtagal ako sa banyo sa loob ng napakahabang oras. Hindi ko na iyon namalayan dahil panay ang paghilamos ko ng tubig sa mukha ko kapag natutuyo. Baka sakaling gisingin ako nito sa katotohanan. Pero parang walang nangyayari. Sa tuwing mapapatingin ako sa labi ko ay nanunumbalik ang mga nangyari kanina. It feels like everything's happening over and over again, at kanina ko pa iyon nararamdaman.

Natigilan ako sa pag-iisip ng may kumatok sa pintuan ng banyo. Agad akong napaharap sa pinto at napahawak sa dibdib ko. Ganito na ba ako kanerbyosa?

"Babe? I've already finished your cake. Kainin na natin."

Oo nga pala. Yung pesteng cake na yun, na dahilan ng lahat.  Tapos heto pa, naririnig ko na naman sa kanya ang 'Babe' na yan.

"Venia?"

Muli itong tumawag sa akin. Sa pagkakataong ito ay mag bahid na ng pag-aalala.

"N..nandito ako. Naghilamos lang ako. Susunod na rin ako, mauna ka na."

"Alright."

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang pagsara ng pintuan. Lumabas ako ng banyo at laking gulat ko ng may biglang humigit sa akin mula sa likuran. Muling may pumulupot na braso sa balikat ko.

Hindi ko nagawang makagalaw pa. Kilala ko kung sino ang lalaking ito, ang amoy nya at ang magandang hubog na braso nya. At isa pa, sya lang naman ang lalaking nakagawian ng gawin ito sa akin. Buong akala ko pa naman ay nakalabas na ito ng kwarto.

"I'm sorry, I didn't mean to.. I mean, I swear hindi ko sinasadya. Sorry kung nabigla kita. Sa susunod hindi ko na uulitin yun. I promise.-"

Bulong nito ng may at patuloy sa paghingi ng tawad.

"A..anong hindi mo na uulitin?"

Ang halik?

"Hindi na ako magpapadalos dalos pa."

Gusto kong sapukin ang sarili ko. Bakit ko ba pinoproblema kung mauulit pa ang halik na yun o hindi na.

"I'll make it to the point na lagi kong iisipin ang nararamdaman mo kaysa sa akin. Basta huwag ka ng magalit. Promise babe, I'll behave next time."

Baka sa boses nito ang pagsusumamo. Hindi ko sya magawang tingnan pero alam kong nasa balikat ko nakapatong ang baba nya.

Dahan dahan akong tumango. Naramdaman ko naman ang pagluwag ng braso nito sa balikat ko at marahan akong inikot para humarap sa kanya. Muli ko na namang nakita ang mapupungay nitong mga mata. Humawak sya sa pisngi ko at hinaplos iyon.

"Are we okay now?"

Tumango ako. Umiling naman sya.

"No, baby. Say it."

Napilitan na akong magsalita. Mukha hindi rin naman nya ako titigilan hangga't hindi ako sumasagot.

"Oo, wag kang mag-alala. Nagulat lang talaga ako. Pero alam ko lang na hindi mo yun napigilan kasi patay na patay ka talaga sa akin."

Mahina syang humalakhak bago ako hinapit para yakapin.

"Oo, patay na patay ako sa'yo. Hindi ko lang talaga napigilan kanina. Pero.."

Natigilan ito at inilayo ang mukha nya para matingnan ako.

"Pero ano?"

"For our first kiss, hindi na masama. I hope pumasa iyon sa taste mo."

Nanlaki ang mukha ko at tuluyan ng nag-init ang magkabilang pinsgi ko.

"Ewan ko sa'yo."

Umismid ako at nagmadaling lumabas ng kwarto. Sya naman ay panay pa rin ang tawa habang nakasunod sa akin.

"Masarap ba?"

Nandito na kami sa kusina at busy sa pagkain ng cake kanina. Infairness, masarap. Di gaanong matamis at tama lang.

Tumango ako. Maya maya ay di ko namalayan ang paglapit nito at saka bigla pinunas ang hinlalaki nya sa gilid ng labi ko. Tiningnan ko sya at nakita ko naman mabilis nyang isinubo ang icing na pinunasan nya. Nag-init na naman ang pisngi ko. Nakita ko kung paano gumalaw ang labi nya habang kumakain. Napainom ako ng tubig. Grabe! Ang init yata.

Nakita ko kung paano nya balewalain ang ginawa nya pero ako? Heto, hindi mapigilan ang mapasulyap sa mga mapupulang labi nya. Napailing ako. Ano bang nangyayari sa akin? Ayoko nito. Tapos na iyon, Venia. Tama na kakaisip.

"What's wrong?"

"Huh? Uuhhmm, wala, masarap kasi."

Nakita kong kumunot ang noo nya kaya naman mabilis ko itong nginitian at sumubo na ng cake.

"Anong problema? Venia, I thought we're okay. Tell me what's wrong."

Napailing ako. Alangan namang sabihin ko sa kanya iniisip ko yung halik kanina at kung paano ko hindi makayang hindi matingnan ang labi nya. Ano ako baliw? Hindi.

"Wala. N..natutuwa lang ako, masarap kasi."

Hindi nagbago ang tingin nya at hindi pa rin sya nakukumbinsi sa sinasabi ko. Nakakainis. Bakit ba sya ganito? Pinahihirapan nya ako.

Kailangan kong makaisip ng paraan para madistract sya.

Agad ako kumuha ng cake at mabilis na inilapit sa labi nya ang tinidor. Nakita kong nanlaki ang mata nito sa biglaang ikinilos ko. Nanginginig ang kamay ko. Mali yata ang ideya na'to.

"T..tikman mo tong akin. M..masarap."

Napatingin ako sa labi nito.

Labi?

Masarap?

Napalunok ako. Ano ba tong mga nasa isip ko?!

Nanatiling sa ere ang tinidor na may cake. Akmang kukunin ko na ito pabalik ng biglang hawakan ni Callie ang braso ko at isinubo ang cake.

Hawak pa rin nya ang braso ko habang ngumunguya.

"Can I?"

Hindi ko nahulaan sa simula ang gusto nitong ipahiwatig sa akin. Pero nang unti unti na nyang inilapit sa akin ang mukha nito ay nakuha ko rin. Hindi ako nakagalaw. Nanigas ang buong pagkatao ko.

Wala akong ibang maisip.

Napapikit ako.

Hanggang naramdaman ko nalang ang sarili kong sinasabayan ang labi nitong gumagalaw sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
420K 8.5K 44
Alana and Azva's relationship was strong , not until she found out that her bestfriend was pregnant. The father of the baby was none other than her b...
3K 85 10
She's the ultimate bitch He's the most gentleman They're friends more like Bestfriends natitiis nila ang ugali ng isa't isa Jake spoils Alice so much...
42.4K 2.1K 39
(Completed) Parenting is a tough job but seeing your child smile and laugh is a worthy sight. -- "Laro tayo," biglang usal ko. I didn't know wher...