The Princess with her Fairies

By TulloEricaMae

226K 5.1K 395

This story is just a fiction. Gawa gawa lang ng author. So please, respect my opinion. No *description* about... More

Chapter 1: [Mr. Sungit]
Chapter 2: [Make-Over]
Chapter 3: [New Day, New Me.]
Chapter 4: [My Princess]
Chapter 5: [Prince and Princess]
Chapter 6: [Is it mutual?]
Chapter 7: [Short Update]
Chapter 8: [Text, Tweets, Deal]
Chapter 9: [Babe<3]
Chapter 10: [Back Hug]
Chapter 11: [First Kiss]
Chapter 12: [Date]
Chapter 13: [First Sunday]
Chapter 14: [Moving Closer]
Chapter 15: [Five roses]
Chapter 16: [Takaw]
Chapter 17: [Carrie]
Chapter 18: [The Buzz]
Chapter 19: [Kaira and Miguel]
Chapter 20: [Marlo and Anne]
Chapter 21: [Ariane and JD]
Chapter 22: [Aly and Chris]
Chapter 23: [Patrick and Andrea]
Chapter 24: [Erica and Gab]
Chapter 25: [Starbucks]
Chapter 26: [I feel special today]
Chapter 27: [I'll make her feel special today]
Chapter 28: [Rooftop]
Chapter 29: [Forevermore]
Chapter 30: [UP Aguman]
Chapter 31: [Last 2 days]
Chapter 32: [Last Day.. but.. where are you my prince?]
Chapter 33: [End]
Chapter 34: [14 letters, 15 roses]
Chapter 35: [Truth or Dare]
Chapter 36: [untitled]
Chapter 37: [All is well]
Chapter 38: [THE WAY LOVE GOES]
Chapter 39: [Parents over Dennice]
Chapter 40: [Disaster]
Chapter 42: Shrt Pdt. :)
Chapter 43: "Sundan mo yang tibok ng puso mo anak. Mag-isip ka ng mabuti."
Chapter 44: "Ma, Dad, si Viniel po, boyfriend ko."
Chapter 45 -thelastchapter-: "Let us congratulate, the new engaged couple!"

Chapter 41: "Pabayaan niyo naman akong magdesisyon para sa sarili ko..."

2.7K 55 8
By TulloEricaMae

*DENNICE'S POV*


Akala niyo siguro hindi ako nasasaktan ano? Sobra na ang sakit na dinadamdam ko. Sa pagkakaalam ko kasi, ako ang girlfriend. Pero ano? Ako ang laging naiiwan, ako ang laging second option, ako lagi ang walang kasama, ako lagi ang malungkot. Hindi ko nga alam kung meron pa ba talaga akong boyfriend eh. Kasi, feeling ko wala na. Dahil naagaw na.

Three weeks na ang nakalipas, pero wala pa rin akong Viniel na laging kasama. Si Viniel na dapat lagi akong sinusundo at hinahatid sa bahay. Si Viniel na dapat lagi kong kasabay kumain. Si Viniel na dapat hawak hawak ang kamay. Si Viniel na dapat pinapasaya ako. Hindi ganito, na pinupuno ang kalungkutan sa loob ng puso ko.

Iisa lang naman ang dahilan ng lahat ng ito eh. Yun ay ang pagdating ni Kristine. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa. Sila ba? MU ba sila? Totoo ba yung sinasabi ni Kristine na siya ang magiging future wife ni Viniel? Walang akong ka-alam alam. Pero ngayon, sa tingin ko ito na ang oras para malaman ko ang lahat. Sawang sawa na ako, hindi ko na kaya.

Sa loob ng three weeks, madaming nangyare pero iisa lang ang bunga't sanhi. Lagi akong naiiwan ni Viniel, dahil kay Kristine. Kasi daw magpapatulong si Kristine, may pinapaasikaso ang parents niya kasama si Kristine, kailangan daw talaga ng tulong niya ni Kristine. Tss. Umuulan ng rason, pero nalalabuan pa din ako.

Sa tingin ko, ito na yung tamang oras para malaman ko na ang lahat. At tamang oras, para mag move on na ako. Hindi ko na kaya. Mahal ko si Viniel, pero sobrang sakit na.

Saturday ngayon, duh, ibig sabihin walang pasok. Sana free si Viniel ngayon, para matapos na lahat ng pasakit sa akin. Sawang sawa na ako. Ayoko man tapusin to, pero feeling ko dapat na talaga. Kung di kami meant to be, we have to accept it. But if it's meant to be, it will be.

To: Babe Sungit

Viniel, we need to talk. Please. Pumunta ka dito sa bahay. 5pm, thank you. I'm expecting you to come. Kahit ngayon lang, ibaling mo naman yung attention mo sa akin. Salamat. Take care.

Message Sent.

Pinalitan ko na yan dati pa. Hindi ko lang nabanggit. Kasi daw bakit Viniel pa din ang nakalagay niya na pangalan sa phonebook ko. Dapat daw Babe na. E di Babe Sungit na lang. Hay.. I miss him already.

Bzzt. Bzzt.

From: Babe Sungit

Sige, Babe. See you later. I love you. Ingat. :*

To: Babe Sungit

Ok. Ingat.

Message Sent.

Cold ba kamo? Alam mo yung feeling na gusto mo siyang lambingin pero parang may mali? Parang nakakapanibago? Gusto kong gawin pero parang hindi dapat. 

Bahala na mamaya, kung anong dapat mangyari, yun na lang ang gagawin ko. Alam kong mali para sa aming dalawa, pero sa tingin ko kailangan ko ding isipin yung sarili ko. Dahil kung titignan, ako ang kawawa sa relasyon na 'to. Dahil lagi na lang ako ang malungkot at umiiyak. 

*VINIEL'S POV*


Three weeks na, pero hindi pa kami nag uusap ni Dennice. Alam kong kasalanan ko ang lahat, dahil lagi na lang si Kristine ang inaasikaso ko. Wala naman kasi akong magagawa, kapag hindi ko sinundan ang Mama' Papa ko, baka kung anong gawin nila kay Dennice. mas lalong hindi ko kakayanin yun.

Gusto ko ng sabihin sa kanila lahat ng ito, para maintindihan nila kung ano ang kalagayan ko. Pero sa tingin ko, hindi pa dapat ngayon. 

Nagtext si Dennice sa akin kanina, na gusto niya daw akong makausap. Kinakabahan ako, nararamdaman ko na parang may maling mangyayare. Pero sana wala. Paano kung makikipag break na siya sa akin? Hindi ko ata kakayanin.

Alam ko kasalanan ko lahat, alam ko nagkulang ako. Pero, kasi, kung hindi ko susundan ang mga magulang ko, sasaktan nila si Dennice.

Hindi na ako mapalagay, kahit 3pm pa lang, nagbihis na ako. Gusto ko ng makausap si Dennice, tatanggapin ko na lang kung ano yung desisyon niya. Wala naman akong magagawa dun di ba. Alam ko naman kasalanan ko.

Bumaba na ako at naabiutan ko si Kristine sa sala kasama ang mga magulang ko. Aish! Ano nanaman to? Baka hindi nanaman ako makapunta sa pupuntahan ko dahil sa tatlong to. Tss.

"Hi, Viniel! Pwede mo ba--" sabi ni Kristine na ang saya ng boses niya. May binabalak nanaman tong babaeng to. Pero hindi ko na siya pinatapos at sinabing, "No. I can't come with you today. May importante akong aasikasuhin ngayon." "At anong bagay naman ang aasikasuhin mo Iho?" tanong ng magaling kong ama. "Maybe, our wedding? OMG, Viniel. Don't be too excited." sabat naman ni Kristine. "Asa ka naman aasikasuhin ko yun. Tss." sabi ko, napipikon na ako sa babaeng to ah. Ang landi kung makapagsalita. Bakit kaya hindi na lang siya maghanap ng ibang lalaking pakakasalan niya? Sus. "Anak, respetuhin mo naman si Kristine." sabi ni Mama. Pinagtutulungan nanaman nila ako. "Bakit Ma? Ako bang anak niyo, nagawa niyong respetuhin? Respetuhin lahat ng desisyon ko? Pati nga lovelife ko, pinakielaman niyo na. Baka gusto niyo pati kulay ng brief ko kayo na din ang mamili. All I want is my freedom, Ma. Bakit ba hindi niyo matanggap yung babaeng mahal ko eh hindi niyo pa siya nakikilala? Masyado kayong naging judgemental. At ngayon, pinipilit niyo akong magpakasal diyan sa babaeng yan? Eh ni katiting na feelings wala akong naramdaman para sa kanya. Please naman, Mama, Papa. Kahit once, pabayaan niyo naman akong magdesisyon para sa sarili ko." sabi ko sabay walk out bago pa sila agad makapagsalita. Napuno na ako, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. At ngayon, kailangan ko ng magpaliwanag kay Dennice. Kailangan ko ng ayusin itong gusto na ginawa ko.

Dumeretso ako kila Dennice kahit alam kong maaga pa sa pinag usapan namin oras. Agad naman akong nakadating doon, dahil pinaharurot ko ang kotse ko. Salamat na lang at walang masamang nangyari sa akin.

"Viniel, bakit ang aga mo? Di ba ang sabi ko sayo 5pm? 3:30 pa lang ah." sabi ni Dennice na nakatingin sa akin pero ang cold ng mukha. "Bakit mo ba ako pinapunta dito?" tanong ko. Gusto ko ng malaman. "Viniel.." "Ano Dennice? Makikipaghiwalay ka na ba? Iiwan mo na ba ako? Hindi mo na ba ako mahal?" sunod sunod kong tanong. Hindi na ako mapalagay, parang ayokong sagutin niya yung mga tanong ko dahil baka sabihin niya na hindi na niya ako mahal. "Viniel, ayoko na.." sabi niya sabay patak ng luha sa magkabilang mata. "Bakit? Ano bang nagawa kong mali? Hindi mo na ba talaga ako mahal?" tanong ko, kahit alam ko na lahat ng sagot sa mga tanong na tinatanong ko. "Sawang sawa na ako, Viniel. Lagi na lang akong nasasaktan! Mahal kita, pero sobrang sakit na. Wag kang mag-alala, hihingi lang naman ako ng space. It doesn't mean na hihingi ako ng space ay break na tayo. Cool off na muna, pabayaan na muna natin yung isa't isa. Sawa na akong umiyak, sawa na akong masaktan. Sa tuwing nakikita kitang kasama mo si Kristine, parang iniisip ko na wala akong boyfriend." nanghina ako sa mga binitawan niyang salita. Parang hindi ko kakayanin. "Dennice, wag ka namang magmatigas. Kung alam mo lang, kung alam mo lang.." "Hindi ako nagmamatigas Viniel. Siguro this time, kailangan ko naman isipin yung sarili ko. Kailangan ko ding sigurong maawa sa sarili ko. Sawang sawa na akong nakikita yung sarili ko na umiiyak gabi gabi kakaisip lang sa pesteng relasyon na to. Not all the time, ako lagi ang sasalo. Not all the time, ako lagi ang magtitiis. Sana naman isipin mo din, na nasasaktan ako! Na kahit nakikita mo akong masaya minsan, nalulungkot pa din ako! Sana naman naisip mo yan!" habang sinasabi ni Dennice yan, humahagulgol na siya. Parang ang sama kong lalaki. Ni hindi ko inisip kung anong mararamdaman niya. "Hindi mo kasi maintindihan Dennice! Sana naman maintindihan mo ako! May rason ako kung bakit ko ginagawa ito. Wag mong isipin na niloloko kita, na gusto kitang saktan. Kung alam mo lang Dennice, kung alam mo lang!" sabi ko ng malakas. Hindi ko alam, gusto ko mang sabihin yung reason pero ayaw lumabas sa bibig ko. Na parang may pumipigil sa aking sabihin kung ano ang tamang sabihin. "Ano? Ano yung hindi ko maintindihan? Hindi ko maintindihan na papakasal ka na sa ibang babae? Na pinagmukha mo akong tanga? Now, tell me your stupid reasons Viniel. Tell me!" sigaw niya. Ngayon, kitang kita sa mukha niya yung sakit at galit sabay ng pagpatak ng luha niya ng mabilis. Niyakap ko siya, pero nagpumiglas siya. "Tell me, Viniel. Tell me.." sabi niya ng mahina habang yung mukha niya nasa may dibdib ko habang umiiyak siya. "I can't tell you now, I'm sorry." sabi ko. Siya naman, nagpumiglas sa yakap ko at tuluyan ng nakawala sa braso ko. "Then go.." sabi niya sabay talikod sa akin at panhik sa kwarto niya. Wala na akong nagawa.

If she needs space, bibigyan ko siya. Pero hindi ko siya pakakawalan, hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa kanya.


If it's meant to be.. IT WILL BE.

Continue Reading

You'll Also Like

124K 2.3K 45
UNDER REVISION Finished: May 21 2020
2.7K 163 49
Sa mundong Kinagagalawan natin may ibat-ibang uri na ninirahan sa mundong ibabaw may roon tayong hindi nakikita ng ating mga mata' Mga Nagtatago sa d...
653K 20.2K 42
This story is purely fictional. Names, place, etc. whoever happens to be similar to living or non-living things are just coincidental. Kung mapapadpa...
32.6K 1.2K 20
Handa ka na bang harapin ang kanyang malupit na paghihiganti?