I Need A Girl (Completed)

By AnnoyingKimchi

386K 7.9K 207

Stalker turns to a loyal lover that she'd ever have. Story of Veronica "Venia" Laurencio and Callie Gabriel R... More

I Need A Girl
Chapter 1: Something's Not Right
Chapter 2: Who is Who?
Chapter 3: A Gift From Unknown
Chapter 4: Don't Be Scared Of The Dark
Chapter 5: I Don't Feel Safe Anymore
Chapter 6: I Need To Get Out Of Here
Chapter 7: You're Hurting Me
Chapter 8: Let Me Die
Chapter 9: Chance Can Change?
Chapter 10: The Stalker
Chapter 11: Know Me For Who I Am
Chapter 12: I'm Here
Chapter 13: Together
Chapter 14: Just So You Know
Chapter 15: Make Me Feel Better
Chapter 16: Callie, The Pilot
Chapter 18: Good In Many Things
Chapter 19: Can I?
Chapter 20: Let Me Hold You Like This
Chapter 21: You're Blushing
Chapter 22: Mr. Rivera's Order
Chapter 23: It's A Date
Chapter 24: My Girlfriend
Chapter 25: The truth is,
Chapter 26: A Nice Company
Chapter 27: What Happened?
Chapter 28: Goodnight
Chapter 29: A Dream Come True
Chapter 30: Never Happened
Chapter 31: Horror Movie
Chapter 32: They're Dating
Chapter 33: You're Back
Chapter 34: You Said What?
Chapter 35: Tell Them or I Will
Chapter 36: The Boyfriend
Chapter 37: Please Understand
Chapter 38: Masquerade Party
Chapter 39: My Mysterious Beautiful Beloved Girlfriend
Chapter 40: I've Seen You Naked
Chapter 41: He's Cole
Chapter 42: Unknown Enemy
Chapter 43: Stay With Him
Chapter 44: We're Leaving
Chapter 45: Whatever It Takes
Chapter 46: Your Special Day
Chapter 47: White Gold
Chapter 48: Never
Chapter 49: Marry Me
Chapter 50: You're Safe
Chapter 51: Hold on to me
Chapter 52: Do You Still Love Me?
Epilogue
Special Chapter

Chapter 17: In Other Words, Get To Know Each Other

6K 135 2
By AnnoyingKimchi

Naabutan ko si Callie na busy sa pagbabasa ng kung anu-anong papeles sa sala. Nagkalat ang iilan folder doon. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kusina para kumuha ng maiinom. Nang mapadaan ako sa sala ay nakita ko ang seryosong mukha at nakakunot na noo nito habang nagbabasa. Panay rin ang gulo nito sa buhok nya na para bang hirap na hirap sya sa binabasa.

"Don't stare at me like that."

Halos mabitawan ko pa ang hawak kong basong may tubig dahil sa biglang pagsasalita ni Callie. Malay ko ba naman na alam nyang nakatingin ako sa kanya.  Pero syempre sino bang tanga ang aamin sa kasalanan.

"H..hindi kaya kita tinitingnan. Asa ka pa."

Narinig kong tumawa ito at muling bumaling sa mga papel na hawak.

Lumapit ako at naupo sa katabing couch. May mga nakasulat na kung anu-ano sa ibabaw ng mga folder. Nalulula ako sa dami. Kaya naman pala sumasakit ang ulo nya dahil sa mga ito.

"Hindi ka ba magpapahinga?"

Nag-angat sya ng tingin sa akin. Isinara nya ang folder na hawak at sumandal sa couch. Tumingala sya at hinimas ang sintido.

"Later, I just need to finish this thing. Para naman hindi ako tambakan ng trabaho sa mga susunod na araw. I don't want any of this to limit my time with you kaya tatapusin ko ng mas maaga hanggang kaya ko."

Ayan na naman ang panlalambot ko sa tuwing bumabanat sya ng ganyan. Bakit ganun? Parang palagi syang may baon na ganyan. Hindi naman nya mukhang pinag-iisipan. Parang tulad ngayon, bigla bigla mo nalang na maririnig yan na sasabihin nya na para bang sobrang ayos ko sa mga sinasabi nya. Kung hindi nya alam, sobra sobra ang nagiging epekto ng mga simple banat nya na ganyan sa akin.

Napatingin ako sa papel. Inilapag ko ang basong hawak ko sa tabi at kumuha ng isang folder. Binuksan ko iyon. Halos wala naman akong maintindihan sa mga nakasulat.

"Ano tong mga to?"

Hindi na ako nag-angat ng tingin sa kanya dahil sa pagtingin ko sa mga papeles na naroon.

"Investors, different proposals. Basta masakit sa ulo kaya naman bitiwan mo na yan."

Nagkibit balikat nalang ako at inilapag pabalik ang folder na hawak ko.

"Sabi mo noon, bukod sa pagiging piloto ay business man ka rin diba? Ano nga ba ulit yung tungkol dun?"

Tanong ko. Umayos sya ng upo.

"Ah, Shipment company ang business ng dad ko."

Dudugtungan pa sana nito ang sasabihin na tanungin ko syang muli.

"Teka, nasan nga pala ang mom at dad mo? Alam ba nilang nandito ka?"

Nakita ko kung paano magbago ang mukha ni Callie. Parang sobrang sama ng nasabi ko para biglang dumilim ang tingin nito. Hindi sya nakatingin sa mga mata ko, nakatingin sya sa kawalan.

"C..Callie?"

Tawag ko dito.

"I don't have my mom anymore. She died when I was young. Dad has his own family after. Lumaki ako sa mga tauhan ni Dad."

Matabang na pagkakasabi nito. Napayuko ako. Hindi ko na siguro sya dapat masyadong tinatanong ng tungkol sa mga personal na bagay. Nang muli ko syang tingnan ay ganoon pa rin ang mukha nito.

"Alam mo.. Wala na rin akong pamilya. Wala na sila. Mabuti ka pa nga, nagagawa kang suportahan ng Dad mo sa mga pangangailangan mo. Ako? Kailangan kong magtrabaho para sa sarili ko kaya wag mo ng isipin yun, ang isipin mo ay mas maswerte ka pa kumpara sa pinagdaraanan ng iba."

Unti unti itong nag-angat ng tingin sa akin. Kakaibang emosyon ang ipinapakita ng mga mata nito sa akin.

"That's why I admired you the most. You're the bravest and the kindest person I've ever known."

Kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko. Ngumiti sya at nakita kong mukhang nabura na ang matabang nito pakiramdam kanina. Hindi na ako muling nagsalita, baka kasi kung ano na naman na topic ang di ko sinasadyang mabuksan.

"My sister, in my father is only 18 ang sumunod sa kanya ay lalaking 16. Ako ang panganay at unang anak so basically ako ang kailangan ni Dad na maghandle ng business next to him. Ganun naman si Dad, saka lang ako kakailanganin kapag wala na syang choice."

Napansin ko ang pag-iiba ng mood nito kapag napag-uusapan ang tatay nya. Siguro ay matinding pinaghuhugutan ng galit si Callie para dito. May asawa na ang Dad nya at anak sa iba at ngayon bilang panganay na anak ay kailangan nyang gampanan ang tungkulin nya.

"Intindihin mo nalang ang Dad mo. Kahit anong mangyari Dad mo yun at dala dala mo ang apelyido nya. Hahayaan mo ba namang malugi ang business ng pamilya mo?"

Ngumiti si Callie, pero ngiting walang bakas na saya. Gusto ko syang damayan. Kahit hindi nya sabihin alam kong nasasaktan sya.

"I hate my Dad. Pinaghirapan ko lahat para maging Piloto para makawala sa kanya pero in the end, heto, nagtatrabaho ako para sa kanya."

"Naiintindihan ko ang agalit mo sa kanya pero sana wag mong kalimutan na magkapamilya kayo. Ang sa Dad mo ay sa iyo rin."

"Money can ruined a family, Venia. That's what happened to us. Mom died and later on, parang nakalmutan ni Dad na may anak pa sya at nag-asawa rin. Pero there is one thing I want to prove that's why I'm doing these thing."

Nailang ako sa tagos sa kaluluwa na pagkakatitig ni Callie sa akin.

"A..ano yun?"

Ngumiti sya at may inilapit ang sarili nito sa akin.

"Na gagamitin ko ang yaman ko para sa magiging pamilya ko. That I need those to provide everything for my own family. Na hinding hindi ako tutulad sa Dad ko."

Bigla akong kinilabutan. Hanggang maramdaman ko ang pagkulong ng mga palad nito sa magkabilang pisngi ko.

"I'm doing this for our future. I'll never let anything wrong in between us, baby."

Bulong nito sabay dampi ng mga labi nya sa aking noo. Natulala ako. Literal na napanganga sa narinig ko at ginawa nya. Kung paano nya sabihin iyon, parang siguradong sigurado sya na mangyayari. Gusto kong maging prangka kay Callie. Gusto kong sabihin sa kanya na huwag syang masyadong umasa, na marami pang maaring mangyari para isipin nya na makakasama nya ako ng matagal. Pero nang makita ko kung gaano kasaya at kung ano ang kinang ng mga mata nya ay nauurong ang dila ko. Hindi ko nagagawang ituloy pa. Ayokong sirain ang magaan na emosyon na ipinapakita nya. Pakiramdam ko ay kapag nasaktan sya ay ganoon din ang mararamdaman ko. O baka naman nauunahan ako ng guilt sa gagawin ko kung sakali.

Iniwas ko ng mukha ko mula sa pagkakahawak nya at umubo.

"M..masyado ka naman yatang mabilis. Wala pa nga eh. Future agad?"

Sinubukan kong pagaanin at daanin sa biruan ang usapan.

"Well, we're getting there, baby. Sa nakikita ko we're both making our selves comfortable with each other."

"What do you mean?"

Napataas ako ng kilay. Anong pinupunto nya?

"In other words, we're now getting to know each other and then sooner or later at tataas na ang level nun and I'm so looking forward to it."

Nakangiti nitong sabi. Kung kanina ay nagagwa ko pa syang birubiruin, ngayon ay hindi na. Masyado ng nagiging seryoso ang usapan. Nakakatakot magsalita dahil baka kung ano pa ang mabanggit ko.

"B..bahala ka. Sige, push mo yan."

Narinig ko syang tumawa habang nanatili akong nakatungo. Mahirap na, pakiramdam ko pa naman ay mukha na akong kamatis. Papakalmahin ko muna ang nag-iinit kong pisngi.

Narinig ko pa syang bumulong ngunit ng tingnan ko ay nagkibit balikat lang ito.

Continue Reading

You'll Also Like

42.5K 2.1K 39
(Completed) Parenting is a tough job but seeing your child smile and laugh is a worthy sight. -- "Laro tayo," biglang usal ko. I didn't know wher...
4.8K 311 13
❝My pain was enough reason to change and choose myself this time.❞ Triumph University College Series 01 [COMPLETED] *** Date Published: May 16, 2021 ...
172K 3.6K 34
The deeper you fall, the blinded you get.
141K 3K 17
James Matthew Cirillo is the eldest son of Irish Hearts and Jeremy Cirillo. Dahil sa takbo ng love ng kanyang magulang ay ipinatupad ng tatay niya na...