I don't Care!!

By poisonmeagain

10.3K 266 4

Her own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her worl... More

I don't Care!!
Home
Basement
Shake hands
Cool Guy
Deal!
Saved!
Utang na loob
Parusa
Stupid
Hands
Eksena
Partner
Room
Doctor
Shaman
Date
Research
Sneakers
Fall
Flash
Love
Shot
Good morning!
Sakit
Ride
Hospital
Atleast
Thoughts
Confrontation
Lihim
Van
Like
Speachless
Revelation part 1
revelation part2
denial
Recovery
Talk
Empty
War
Wounds
shattered
Points
Gone
Hugs and Yakee
Wink
Cafe Booth
Options
Love Song
the truth
Feelings
Sweet
Falling
That friend
Will you?
Wedding
Heartaches
Go
Something
Rooftop
Missed you
Sorrow
ate
Pagtutuos
Hanging
Yacht

Natin

135 6 0
By poisonmeagain

"Anong problema mo ha!!!", singhal ko sa kanya at malakas siyang itinulak pagkalapag na pagkalapag ko sa lupa.

Dinala niya ko sa likod ng school kung san maraming mga puno. Nakita ko pa ang isang malaking tikbalang sa isa sa mga puno pero di ko na yun pinansin. Isa pa, mas nadagdagan ang galit ko ngayon sa ginawa niya.

Ano?? Ako pa ngayon may kasalanan? Ako pa ang inilayo niya sa babaeng iyun??

"Ba't ka ba nagkakaganyan? Huminahon ka nga!", sabi niya sakin.

"Bakit? Kasalanan ko ba? Ang babaeng yun ang may kasalanan!", puno pa din ng galit ang boses ko.

"Sinabi ko bang kasalanan mo??"

"Ba't mo ko inilayo dun? Ayaw mong ipahiya kita? Nagmuka akong may kasalanan dun! Siya ang kinampihan mo at di---"

Mabilis pa sa kisap-matang hinalikan niya ko. Smack lang yun pero agad akong natigilan. Biglang di ko maigalaw ang buong katawan ko. Napakurap-kurap ako sa sobrang gulat.

Did it just happened? O guni-guni ko lang yun?

He's not my first kiss pero...shockz lang!!! Ang lakas ng tibok ng puso ko at ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Lintikongkong!

"Ayan. Tumigil ka din. Makinig ka nga muna kasi sakin ok?", sabi niya, "Una, inilayo kita dun dahil ayokong isipin ng ibang tao na basta-basta ka lang ng bibintang. Pangalawa, fresh pa ang video mo sa utak nila kaya ayokong madagdagan kung ano mang iniisip nila sayo. Pangatlo, ayokong nakikipag-away ka dahil sakin. At pang-apat gusto lang kitang protektahan. Sa ginawa mo kanina syempre kakampi ang lahat ng tao kay Joy!"

Joy. So yun pala pangalan ng bruhang babae. Pero teka nga, anong sinabi niyang---

"Anong nakipag-away ako para sayo?? Napuno lang ako sa babaeng iyun kaya---"

"Tumahimik ka sabi di ba? Hahalikan kita ulit!", banta niya at seryosong seryoso ito.

Naitikom ko kagad ang bibig ko. Takot ko lang mahalikan niya ulit!  Ayoko! Ayoko ng ganitooooo!!!

Pero teka..anong nangyayari sakin? Bakit ako nagpapatalo? Di ako dapat ganito! Ano bang nangyayari sayo Nana?? Pero kapag nagsalita naman ako baka sabihin niyang gusto kong magpahalik! Ano siya sinuswerte?

Pero fine. Tatahimik ako! Pagbibigyan ko siya dahil ayokong isipin niyang gusto ko ang halik niya. Which is sort of true...sort lang naman.

"Di ko alam kung pano ka nag conclude na si Joy ang may kasalanan pero maling sinugod mo agad siya."

Magsasalita na sana ulit ako dahil bigla kong nakalimutan na bawal pa la akong magsalita. Pero agad akong natigil ng tiningnan niya ko ng masama. Napataas na lang ang kilay ko.

"What im saying is kung tingin mo siya ang may kasalanan. Kailangan natin ng ebidensya."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Ebidensya?? Di pa ba sapat ang sinabi ng multo?? Kung sabagay, wala ding maniniwala kapag sinabi ko yun.

"So? Anong gagawin mo?", tanong ko.

Napabuntong hininga siya.

"Natin. Natin Nana. Anong gagawin natin.", sabi niya.

"Fine.", sabi ko.

"Mag-iisip pa ko ok? Kaya bumalik muna tayo sa klase."

Agad ko siyang sinampal ng malakas.

Nanglaki naman ang mga mata niya sa gulat.

"Para san yun??"

"Para sa halik kanina!"

Eh sa nakalimutan ko eh!

"Letsugarengreng ka wag mo na ulit gagawin yun ha!!", galit kong sabi at nag walk out.

"Napaka late reaction naman.", narinig kong bulong niya habang hawak-hawak ang pisngi ko.

.............................,........................

"Hey.", bati sakin ni Lowi ng pabalik na ko sa classroom mula sa CR. Break time na kasi at bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko.

"Tell me nandyan na ang Lolo mo.", sabi ko.

"Nope. Wala pa eh."

"Then don't talk to me.", sabi ko saka binilisan ko ang lakad.

Pero bigla niya kong hinarang sa daan. Muntikan pa kong mabunggo sa kanya kung di lang ako napahinto kaagad.

"Pano mo nalaman ang culprit sa klase niyo kanina?", tanong niya saka ngumiti.

"Ang dali naman ng balita."

"Syempre. Mas lalo kayang uminit ang pangalan mo ngayon simula ng lumabas ang video mo. Dinagdagan mo pa ng nangyaring insedente kanina."

"So? I don't care.", aalis na sana ako ng hinarang niya ulit ang daanan ko.

"I care.", sabi niya.

Napataas ang kilay ko, "Why would you?"

"Coz...", he trailed, "Ang gulo na ng school."

Tiningnan ko siya ng mabuti coz really?? I'm not buying it.

"Fine.", sabi pa niya, "Curious lang ako. C'mmon. You can tell me anything. Para namang di ko alam ang sekreto mo."

Napabuntong-hininga ako. Oo nga naman...masyado na akong nagiging madrama eh alam pa la ni Lowi ang kakayanan ko.

"Ang multo sa room ang nagturo. Masyado akong nainis kaya sinugod ko yung kaklase namin ng di nag-iisip.", sabi ko at nagulat pa ko kung gano ka kalmado ang boses ko.

"Well, di nagsisinungaling ang mga multo.", sabi niya.

"Sige na alis na ko.", sabi ko.

"Ok."

Nagkatinginan kami ng ilang sandali dahil may hinihintay akong gawin niya. Dahil di niya gets, inaction ko na lang na tumabi siya. He rolled his eyes saka tumabi din sa daanan ko.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng tinawag niya ko ulit.

"Nana..uhm.."

"Ano??", irita kong wika.

Napabuntong hininga siya saka napayuko. "Wala...sabi ko tatawagan kita kapag bumalik na si Lolo."

Tsk. Yun lang pala.

Tinalikuran ko na siya at bumalik sa room namin.

...................................................

Ang sabi ni Ronin may naisip na daw siyang paraan pero di naman niya sinabi sakin. Siya na lang daw bahala. Although curious ako kung ano yun, di na ko nagtanong. Tingin ko tatanungin ko na lang si Ron2 sa bahay. Tutal pareho naman takbo ng isip ng dalawang to at di nga marunong magsinungaling ang mga multo.

Hinatid din ako ulit ni Ronin pauwi ng bahay ng nagmamadali. Di nga siya masyadong nakipagkwentuhan sakin. Which is fine 50% but annoying for the rest of 50%. Hindi ko din alam bakit pero siguro dahil nasanay na ko sa kakulitan niya kaya it was so unusual of him.

Pagdating ko sa bahay agad kong tinanong si Ron2 kung anong balak na gawin ni Ronin. Sabi niya aagahan daw niya ang pagpasok sa school bukas at huhulihin sa akto ang may saralin. Ayaw na daw kasi niyang magising ako ng maaga para lang dun.

Naisip kong pabayaan na lang siya sa gusto niyang gawin. Tutal it's his choice. 

Pero teka nga...sabi niya kanina sakin "natin". May gagawin kaming dalawa pareho. Bakit biglang siya na lang?

"Hoy Ron2. Bakit biglang nagbago ang isip mo at di mo ko sinama dyan sa plano mo?",

"Eh kasi nga ayaw niyang gisingin ka ng maaga di ba? Sinabi ko na kaya sayo."

Ah oo nga pala. Pero kahit na. Sinabi niyang kami---

Ah shuknenes naman oh! Bakit parang gusto kong sumama tuloy ngayon? Gusto kong sumama talaga. Pupunta ba ko? Teka naman...bakit ba? 

Pero kasi...alam niyo yun...

This is so not you Nana! Mag-isip ka nga ng mabuti???

Pero nga di ba...may something...

Haist!!!

Fuchinghirosima! Di ako pupunta! Never!

........................................................

"Aaahhh!!", sigaw ni Ronin ng kinalabit ko siya mula sa likod.

Gulat na gulat siya ng nakita ako.

"Bakit ka nandito??" , nanglaki pa ang mga mata niya sa gulat, "Saka pano mo nalaman??", pagtataka niya.

"Gusto ko lang magising ng maaga. Bakit ba? Saka bakit ka nagtatago dito?", sabi ko sa kanya.

Oo, pumunta nga ako sa school ng maaga. Masaya na ang sarili ko? Hindi noh! Di kaya ako nakatulog buong gabi!! Letsugarengreng yan! Bwesit lang tong si Ronin kahit kelan sa buhay ko eh.

Nakita kong lumapad ang ngiti ni Ronin sakin.

"Bakit ganyan ka makangiti?", tanong ko dito.

"Umamin kA. You like me na right?"

Soooo....do u like me too guys??,hahaha..then hit vote! thank u very much!

Continue Reading

You'll Also Like

829 36 31
Do you know what is the worst pain that a human being could feel? Yung gustong gusto mong umiyak na kahit anong pilit mo walang lumalabas. How can yo...
7.1K 310 53
Got Me Series #1 How far can you go just to protect the one thing that meant everything to you? *** Hindi na bago kay Xandra ang karimlan at karahasa...
291K 3.4K 26
Kaya bang palitan ng pagmamahal ang nagumpisa sa pagkamuhi? Kaya mo bang mahalin ang taong walang iba ginawa kundi ang saktan ka? Kaya bang magpatawa...
130K 7.2K 68
Dedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER...
Wattpad App - Unlock exclusive features