Gone

95 4 0
                                    

~magiging maikli lang to hehe..para mabitin talaga kayo..haha..~

"Hi babe!", sabi ni Angelica habang break namin sa praktis.

Napalingon ako ng di oras at nakita ko siyang may kausap sa cellphone niya. Nakangiti siya sakin na halatang nang-aasar lang.

Tinaasan ko siya ng kilay at nagpatuloy sa pagliligpit ng mga props namin.

"Kumusta ang basketball praktis ng baby Ronin ko?", sabi niya na sa sobrang lakAs ng boses tingin ko pati ang taga ibang planeta ay dinig ang pinagsasabi niya.

"Really? Ang galing naman! Hmmm...gusto mo icelebrate natin yan?", her voice was almost like those high pitch squeel from choire groups, "Ok. Dinner would be perfect. Sa bahay mo?....Ok...i'll be waiting...bilisan mo ha, mwah!"

Gross!

Mwah? Ew lang ha.

At talaga nga naman oh! Lahat siguro ng babae niya dinadala niya sa bahay niya! Putingalasusu! Kainis! Sige! Dun sila magmukmuk! Wala akong pakealam!

"Hey Nana!"

"Ano!!", asar kong sabi at nagulat ako na si Tanya pala yun. Ugh! Ano na bang nangyayari sakin?

"Mainit ata ulo mo.", ngiti niya na binalewala lang yata ang pagkakaasar ko ngayon.

Napaisip tuloy ako. Bakit nga ba ang  init ng ulo ko? Lalabas lang naman si Ronin at si Angelica para mag dinner sa bahay ni Ronin.

Anong problema dun?? Kung mahal nila ang isa't-isa sino ba ko para-----

God!

Ang sakit kaya! Di lang mainit ang ulo ko! Masakit pa ang puso ko.

"Gutom na kasi ako.", dahilan ko.

"Sandwich?", alok niya sakin na tingin ko biglang sumulpot sa kamay niya.

Napabuntong hininga ako at kinuha ang sandwich niya saka kinain yun.

"Thanks."

......................................................

Palabas na ako ng school ng  nakita ko si Ronin at Angelica na nag-uusap. I mean...naglalampungan. Nakakapit sa leeg ni Ronin sa Angelica na parang unggoy na naglalambitin sa isang payatot na baging!

Masagasaan sana sila!

No! I mean masagasaan sana si Angelica!

Bwesit!

Itulak ko kaya si Angelica kapag my dumaan na ten wheeler truck? Kaso, para namang gagawin ko yun. Sayang lang effort ko tiyak namang di yun mamamatay dahil kapal ng mukha nun eh.

Haist! Nagiging harsh na yata pag-iisip ko.

Grrrr!!! Kainis lang talaga eh!

"Hi Nana!", kaway ni Angelica sakin.

Anak ng--- Gusto talaga niyang makatikim ng bukol at fractures sa katawan? Gusto niyang durugin ko ang mga buto niya?? Hinahamon niya ko ah.

Naglakad ako papalapit sa kanila. Nakatingin lang ako sa target ko na si Angelica na nakangiti pa din sakin. Palapit ako ng palapit at pabilis ng pabilis ang lakad ko. Nangangati ang mga kamay kong masabunutan ang bruha. Ng biglang may nabunggo akong tao sa harapan ko.

"Stop.", nakita ko si Lowi na siyang nabunggo ko.

No! I don't want to stop! Gusto kong gumanti! Gusto kong saktan sila tulad ng ginagawa nila sakin! Nakakagigil silang dalawa lalo na si Angelica!

I don't Care!!Where stories live. Discover now