Payne Sisters Series: Demi Lei

By Bblueee_06

289K 9.3K 1K

Demi Lei Payne - First daughter of Reynaldo Payne. Mula ng mamatay yung nanay ni Demi dahil sa panganganak, n... More

Intro
Characters
Payne Sisters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13: Special Chapter
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 16

8.4K 315 30
By Bblueee_06

1,2,3. . . Sing 😂😂😂

.

.

.

Imagine me and you, I do
I think about you day and night
It's only right
To think about the girl you love
And hold her tight
So happy together 🎵🎵

If I should call you up, invest a dime
And you say you belong to me
And ease my mind
Imagine how the world could be
So very fine
So happy together 🎵🎵

I can't see me loving nobody but you for all my life
When you're with me, baby, the skies will be blue for all my life

Me and you and you and me
No matter how they tossed the dice
It had to be
The only one for me is you
And you for me
So happy together 🎵🎵

I can't see me loving nobody but you for all my life
When you're with me, baby, the skies will be blue for all my life

Me and you and you and me
No matter how they tossed the dice
It had to be
The only one for me is you
And you for me
So happy together 🎵🎵

Pasensya na kung may mga typo ☺ Enjoy!

Don't forget to vote! :)

Adios!

------

Zaireen

"Tang ina naman Zaireen oh! Kapag ako nahuli ng girlfriend kong may iba akong dinidate humanda ka talaga sa akin!" Maktol sa akin ni Juliet. Si Juliet ang kababata namin ni Zaya. Magkakaibigan ang mga magulang namin.

"Akong bahala Juliet. Basta ang gawin lang natin ay pagselosin siya okay?" Nagflip hair naman siya. Napailing na lang ako.

"Mukha namang selos na selos na yung iniibig mo eh. Kanina nga lang sa site nako! Utusan ba naman yung isang construction worker na ibagsak sa tapat natin yung saku-sakong semento. Kung hindi mo lang mahal yon baka nakatikim na sa akin yun eh." Maarteng saad pa niya, may pagkamaldita kasi si Juliet.

"Tapos kanina lang halos durugin na niya ako sa tingin niya sa akin. Tapos ikaw naman itong nagselos din dahil sa babaeng umalalay sa kanya kanina." Naalala ko nanaman yung babaeng umalalay kay Demi kanina, parang pamilyar siya eh. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.

"Tara na ngang umalis dito baka mamaya may makakita sa akin eh." I rolled my eyes dahil halatang iritang-irita na siya. Pagtapos kong magbayad  hinatid ko na siya sa bahay nila.

Habang nagdadrive ako pabalik ng site, pangiti-ngiti ako dahil naaalala ko yung mukha ni Demi na halatang nagseselos. Akala niyo susuko na ako kay Demi? Nagkakamali kayo. Si Zaireen ata toh. Hindi magtatagal bibigay ka din Demi at lalambot ang puso sa akin. Balang araw magiging akin ka din, bubuo tayo ng sarili nating pamilya. Hihi, kinikilig naman ako sa naiisip ko. Ang landi lang Zaireen ha. Sabat ng isip ko.

"Ahmm... Candice, nasaan si Demi?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi makita si Demi, kanina pa ako hanap ng hanap sa kanya.

"Bumalik sa opisina. May nakalimutan daw siya pero hindi na bumalik. Nagtext sa akin na sumama daw ang pakiramdam." Takang tinignan naman ako ni Candice na parang may sinusuri.

"Ah sige. Thanks." Nakangiting pagpapasalamat ko sa kanya at tinanguan naman niya ako.

Bago ako pumunta sa opisina ni Demi, dumaan muna ako sa bakeshop nila Samara. Binati naman ako agad ng mga crew niya pagkapasok ko sa bakeshop.

"Hi Kate. Nandiyan ba si Samara?" Tanong ko kay Kate na nasa may counter.

"Wala eh. Madami daw siyang pasiyente kaya hindi na siya makakadaan dito." Napatango-tango na lang ako. Ang sipag talaga ni Samara magtrabaho.

"Ah ganun ba. Pa-order naman ako ng strawberry cake. Tapos ilagay mo get well soon. Love Z." Napangiti naman siya sa akin at sinabing mag-antay lang ako saglit. Madami-dami din silang customer.

Makalipas ng tatlong minuto binigay na sa akin ni Kate yung order ko. Pagtapos kong magbayad lumabas na ako at nagtungo sa parking lot. May lumapit naman sa aking.

"Ate, Ate. . . Bili na po kayo nitong bulaklak. Pangkain lang po namin." Naawa naman ako bigla sa batang lalaki.

"Oh sige, sandali ha? Lalagay ko lang toh sa loob ng kotse." Tumango naman yung lalaki.

"Magkano ba yan?" Tanong ko sa bata nang mailagay ko na yung cake sa loob ng kotse.

"Wampipti po." Natawa naman ako sa bata. Maganda yung pagkakaayos ng puting rosas kahit simple lang.

"Eto." Dumukot naman ako ng isang libo sa wallet ko.

"Ate, wampipti lang po." Kakamot-kamot na sabi pa niya. Kinurot ko naman yung pisngi niya, ang cute niya kasi.

"Sayo na yan ha? Pambili niyo ng makakain niyo. Pakabait ka ha?" Tumango-tango naman yung bata sa akin na bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha.

"Salamat po Ate ganda. Yehey! May pambili na ako ng cake ni nanay." Napangiti naman ako sa bata. May naisip naman ako kaya hinila ko siya papasok sa bakeshop nila Samara.

"Oh, Ate Zai? May nakalimutan ka ba?" Tanong ni Kate sa akin, napailing na lang ako. Napansin niya naman na may kasama akong bata.

"Pili ka na ng cake dali. Kahit ano." Tuwang-tuwa naman yung bata at pumili ng cake. Napili niya yung ube cake, paborito daw iyon ng kanyang nanay.

"Ano ilalagay natin sa cake? Happy birthday nanay ba?" Tumango naman yung bata sa akin.

"Anong pangalan mo pala?" Tanong ko pa.

"Collin po." Magalang na sagot niya. Sinabi ko naman kay Kate yung ilalagay na greetings sa may cake.

Pagkaabot sa akin ni Kate, agad ko naman itong binayaran.

"Tara na collin. Ihahatid na kita sa inyo. Malaki yung box baka at baka hindi mo kayang dalhin." Nakangiting pumayag naman ang bata. Halatang may lahi ang batang lalaki dahil blonde pa ang kulay ng buhok nito at ang ganda ng kulay ng mga mata niya.

Tuwang-tuwa naman si Collin ng makasakay siya sa kotse. Priceless. Sambit ko sa sarili ko nang makita kong sobrang saya ng bata. Hindi naman kalayuan ang bahay ng bata. Nalungkot naman siya ng bumaba na siya sa kotse.

"Wag ka ng malungkot. Hayaan mo next time gagala tayo." Ginulo-gulo ko naman yung buhok niya. Tuwang-tuwa naman siya sa sinabi ko. Sinamahan ko naman siya sa bahay nila. May nakita akong babae na parang mga 25 ang edad, abala sa paglalaba.

"Nay! Nay! Happy birthday po." Masayang lumapit naman si Collin sa nanay niya at agad itong niyakap. Napansin naman ako ng nanay niya kaya lumapit sila sa akin.

"Magandang araw po. Heto po pala, para sa inyo." Inabot ko naman yung isang box na naglalaman ng cake.

"Naku, hindi ko po iyan matatanggap." Tanggi pa niya.

"Para sa inyo yan. Nakita ko kasi ang anak niyo na nagbebenta ng bulaklak. Tapos naisipan ko na din siyang ibili ng cake." Napakagat-labi naman yung nanay ni Collin na parang naiiyak. Niyakap at pinaghahalikan naman niya si Collin.

"Salamat po, Miss?"

"Zaireen. Zaireen na lang." Inilahad ko naman yung kamay ko. Nahihiyang tinanggap naman niya iyon.

"Olivia po." Nahihiyang sabi pa niya. Pinapasok naman nila ako sa maliit nilang bahay. Simple lang ang bahay nila kahit maliit lang, maayos at malinis.

Pinagsaluhan naman namin yung cake na dala namin ni Collin. Tinignan ko naman sa relo ko kung anong oras na. Maaga pa naman, maaabutan ko pa si Demi. Sarap na sarap naman silang dalawa sa cake. Maging ako'y nasarapan. Masasarap talagang magbake si Kate at Samara. Nagkwentuhan naman kami ng nanay ni Collin na ngayon ay busy sa paggawa ng assignment niya. Napagkaalaman kong labandera si Olivia at hindi nakatapos ng kolehiyo dahil namatay ang kanyang ina at iniwan naman siya ng kanyang ama. Wala siyang kapatid tanging siya lang ang anak ng kanyang mga magulang. Tapos nabuntis naman siya ng kanyang nobyong phil-am ngunit hindi siya pinanindigan. May inalok naman akong trabaho sa kanya. Hiring kasi sila Samara dahil umalis na yung dalawa nilang crew na nagworking student kasi graduate na ito. Tuwang-tuwang pumayag naman siya.

"Paano mauuna na ako. Salamat sa meryenda." Nakangiting tumango naman si Olivia. Lumapit naman sa akin si Collin at niyakap ako.

"Aral mabuti ha? Babalik ako sa susunod." Kinindatan ko naman siya. Tuwang-tuwang kumaway naman ang bata sa akin pagkasakay ko sa kotse.

Pagkarating ko sa building ng company nila Demi, agad naman akong binati ng guard.

"Ahhmm... Miss, nandiyan ba si Demi?" Tanong ko sa isang babae.

"Ay opo Ma'am. Kausap po si Gio." Biglang kumulo yung dugo ko sa inis at selos.

"Pakibigay na lang toh sa kanya." Malungkot kong sabi sa kanya. Pumayag naman yung babae.

"Ay, Miss. Ako na lang pala."

"Ay, ikaw na lang pala Miss." Kakamot-kamot naman ng ulo yung babae.

Dali-dali akong umalis nang makita kong bumukas na yung pinto sa opisina ni Demi. Pisti! Bakit naman ako magtatago? Ang torpe mo talaga pagdating kay Demi. Sabat ng isip ko. Ganito talaga pag nagmamahal ng totoo. Bulong ko sa sarili ko.

Paskay na sana ako ng kotse ko ng may tumawag sa akin. Nainis nanaman ako bigla.

"What?" Mataray kong tanong kay Gio na pangisi-ngisi pa. Sarap sapakin eh para mawala yung ngisi niya.

"Ikaw naman Zai, hindi naman pala kayo ni Demi eh. Buti na lang kasi..." Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Kasi ano?" Bored kong tanong sa kanya habang nakatingin sa mga kuko ko.

"Kasi kung kayo magkakatuluyan wala namang mabubuo haha. Sayang genes. Kung kami malama---" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita dahil sinuntok ko siya. Malakas yung pagkakasuntok ko sa kanya kaya naman natumba siya.

"Grow up, you pervert! Binabalaan kitang gago ka! Huwag na huwag mong papakielaman si Demi! Ako ang makakalaban mo." Galit kong banta sa kanya. Hindi ko na hinintay pa kung may sasabihin siya dahil sumakay ako agad sa kotse ko at nagdrive pauwi.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Kung hey batchoy! 😂🐷

--Bee :)

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.8M 230K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
956K 30.6K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
8.6K 425 39
Iisang bagay ang dahilan kung bakit nainlove si Annie kay Mindy. Ang isang bagay na ito kaya ang magiging dahilan din para di niya mahalin ang dalaga...