WP New Stories' One-Shot Stor...

By WPNewStories

28.5K 446 374

Sali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :) More

Admins' Note
Qualification/Requirements
How to Join?
Criteria
Judges
Prizes
ANNOUNCEMENT!
ANNOUNCEMENT II
Reminders
Entry 1: Tulong Mo Tulong Ko
Entry 2: I'll Wait For You, Forever
Entry 3: Maghihintay ako...Andrew
Entry 4: Lollipop
Entry 5: The Image
Entry 6: Supercalifragilisticexpialidocious : THE WHITE ROSE
Entry 7: Estranghero Ng Buhay Ko
Entry 8: Fixed Star
Entry 9: Missing: Ballpen
Entry 10: 1960's Promises
Entry 11: Maging Pink Man Ang Uwak
Entry 12: Bantay
Entry 13: Saint Sinner X
Entry 14: Send it to Him
Entry 15: A Promise to Felice and Felix
Entry 16: Betrayed
Entry 17: Dear Diary
Entry 18: Nang Dahil sa CAT
Entry 19: Tres Marias
Entry 20: The Sakura Man- Class Representative's SecretThe
Entry 21: Dala Mo Ba?
Entry 22: The Melody of Time
Entry 23: The Rabbit's Mask
Entry 24: Serenade of Two Hearts
Entry 25: Be My Melody
Entry 26: Bato Bato Pik
Entry 27: When Destiny Takes Hold
Entry 28: Kwentong Soundcloud
Entry 29: The Barrier
Announcement and Reminders
Judgment Period is Extended!
Announcement
Scores for the First Round
Winners of First Round
Congratulations Winners!
Mechanics for the Second Round
Genre
Admins' Note
New Prizes
Last Extension!
Round Two: Rules and the Like
Pair 1: Romance + Horror (Lola Auring)
Pair 1: Romance + Horror (The Sakura Man: The Urban Legend of Lolita Girl)
Pair 2: Romance + Comedy (Huwag kang Ngingiti)
Pair 2: Romance + Comedy (Love Catcher)
Pair 3: Romance + Paranormal (Weird)
Pair 4: Romance + Fantasy (Sana)
Pair 4: Romance + Fantasy (Into Your World)
Pair 5: Romance + Action (The King's Rosary)
Pair 7: Romance + Adventure (Escaping Realm)
Pair 7: Romance + Adventure (To You My Future)
Scores for the Second Round
Winners for the Second Round
Wild Card Scores and Winners
Mechanics for the Third Round
Keep Writing
Criteria for the Final Round
Entry 1: Save Me
Entry 2: The Sakura Man's Identity
Entry 3: Amicia
Entry 4: Royally His
Entry 5: Unpublished
Entry 6: What Makes a Man
Entry 7: Tatlong Araw
Extended!
Clarification
Scores for the Final Round
Winners of WP New Stories' One-Shot Story Contest
A Message from Admin Simplyextraordinary
Announcement!

Pair 5: Romance + Action (Not a Gangster Story)

247 2 2
By WPNewStories

Story 2: Not Another Gangster Story

Once upon a time there was another story. But, this is different, it was Not Another Gangster Story.

Pauwi na ko galing sa palengke ng mapadaan ako sa isang eskinita. Dito naman talaga ako madalas dumaan dahil shortcut ito sa'min. Pero nagulat ako sa narinig ko.

*BOOG*

*BLAG*

Nagulat ako sa 'nang may grupo ng mga binatang kalalakihan na nagbubugbugan. Di ko alam kung gagalaw pa ba ako o hindi na dahil natatakot talaga ko. May mga lalaking nakahandusay na sa sahig at di gumagalaw.

Sapakan dito, sapakan diyan. Walang patawad sila kung magsakitan. Napansin ko 'rin na pinagtutulungan ng tatlong kalalakihan ang isang lalaki. Di 'nga? Kaya niya 'yung tatlong 'yun? Nakatalikod 'yung lalaki dahil patuloy pa 'rin siya sa pagsapak ng kalaban. Napatumba na niya 'yung isa at dalawa na lang. At dahil ngayon lang siguro ako natutong mag-isip na delikado ang pananatili ko dito, napagdesisiyunan kong umalis na. Pero sa kamalas-malasan, may humatak sa braso ko.

"WAAAH! MAAWA PO KAYO! MAHAL KO PA PO ANG BUHAY KO! WAAAAAAH!" Isang mukhang adik na binata ang humablot sa braso ko. Pinipilit kong kumawala pero mas malakas 'tong lalaking 'to. Pakiramdam ko 'nga mababali 'yung braso ko sa higpit ng pagkakahawak niya.

"ANONG GINAGAWA MO DITO? KASABWAT KA BA NG LALAKING 'YUN?!" Tae, ang panget naman ng boses nito, p'ang matanda. Pwe! Tinuro niya 'yung lalaking pinagtutulungan nila kanina na ngayon ay isa na lang ang kalaban dahil malamang 'yung isa hawak-hawak ang maganda kong braso.

"HINDI PO! HINDI PO! N-NAGKATAON LANG NA NAPADAAN AKO DITO PERO 'DI KO PO SIYA KASABWAT! P-PAKAWALAN MO NA KO! WAAAAA-

"Tumahimik ka!" Ngayon mas mahinahon yung boses niya pero panget pa 'rin at putakte siya dahil ang baho baho ng kamay niya na nakatakip sa bibig ko damay 'yung ilong ko.  "Wag ka nang magsinungaling. Kakampi mo 'yung bastardong lalaking 'yun."

"ABA HIN-- WAAAH! ANO BA! BITAWAN MO KO!" Hinila ko ng panget na boses na lalaki palapit 'dun sa nagbubugbugan. Jusko po! Ayoko 'pang mamatay. Napalingon naman yung dalawang nagbubugbugan. Katulad ng nakahawak sa akin kanina, panget din 'yung kasama niya. Pero 'yung isa ohmygolly wow! Cliche na tignan' pero ang hot ng guy na ito. Kahit madami na siyang sugat sa mukha, gwapong-gwapo pa 'rin. Napatigil naman ako sa pagdaday-dream ng magsalita yung nakahawak sa braso ko. 

Kasabwat 'daw ako ng hot guy. Tinignan niya lang ako panandalian at umirap. Putek, ayoko 'pang mamatay. Kahit 0.001% umaasa kong ililigtas ako ng poging 'to pero 'di pala. Tinake niya 'yung advantage na distract 'yung mga kalaban at pinagsusuntok. Muntik 'pa ng siyang masasak sa likod ng isang lalaki pero siyempre mabait ako at sinipa ko sa ano niya 'yung lalaki 'edi napaluhod diba? Sinipa ko lang ng sinipa hanggang sa mawalan 'to ng malay. Kala ko 'nga patay na eh, pero humihinga 'pa naman.

Tinignan' niya ulit ako ng pandalian at tumalikod at naglalakad palayo sa'kin. Aba, bastos 'din 'to eh. Pagkatapos kong tulungan, 'di 'man lang magpapasalamat? Kahit labag sa kalooban niya magpasalamat 'man lang siyang sinipa ko ‘yung isang lalaki.

"Hoy, eh..mister.. wait naman oh." Pilit kong hinahabol 'yung lalaking masungit pero mabilis siyang maglakad. Nakakainis naman, ba't ang bilis niyang maglakad? Nagulat ako ng huminto siya at bored na lumingon.

"What?" Para naman ako naubusan ng mga salita 'nang humarap siya. Anong sasabihin ko? Nawala na 'yung lakas ko na sabihin 'yung iniisip ko kanina. Tinignan niya kong ng mas matagal. Nailang naman ako sa tingin niya kaya lumihis ako ng tingin.

"If you think, I would say 'thank you' ngayon pa lang, 'wag ka ng umasa." Natameme naman ako sa sinabi niya. Napahiya naman ako 'dun. Naglakad na lang ako ng matamlay pauwi sa'min. Dun din siya naglalakad kaya nagulat ako nang lumingon siya.

"Are you following me?" Naiiritang tanong niya. 

"Of course not.  Dito daan pauwi ko. Wag ka 'ngang umasa."  Gusto kong matawa sa sinabi ko dahil binalik ko lang 'yung sinabi niya. Nakapag-english pa ako 'nun. Suminghap na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

***

Nalaman kong nag-aaral pala siya at sa minamalas 'nga namang pagkakataon, same school, same year, same room at sa likod ko pa siya nakaupo. Ang bait ng tadhana right? Inulit niya pa yung tanong niya kung sinusundan ko 'daw siya. Ang kapal talaga ng mukha niya, mas makapal pa sa pinakamakapal na libro. Ghad! Ang assuming niya.

At dahil na 'rin sa inis ko sa kanya, madalas kaming napapagalitan. Argh! So cliche. Parang 'eto 'yung nababasa ko sa mga love story na madalas mag-away 'yung lalaki at babaeng bida at sa huli magkakatuluyan sila. Eeew! Not in his ugly dreams! Ako at siya? Naiisip ko pa lang kinikilabutan na ako.

Gaya ngayon, napaka-boring ng klase at wala kong magawa. Napatingin naman ako sa likod ko at sa 'di inaasahang pangyayari, nakakatitig din siya sa'kin. Creepy! Bumilis yung tibok ng puso ko. OMG! Feeling ko bilang na lang ang oras ko sa mundong 'to. Iniwas naman agad niya 'yung tingin niya sa'kin at umiwas din ako. So Creepy!

Lunch break na kaya nagsilabasan na ‘yung mga classmates namin. Inaayos ko pa 'yung gamit ko ng mapansin kong kaming dalawa lang 'nung lalaking 'yun ang nasa loob ng room. Nakayuko siya at nakatagilid ang mukha. Tulog 'ata? Sana mabalian ka ng leeg. At dahil, na-curious-an ako kasi kanina pa 'ata ganoon ang posisyon niya, lumapit ako para tignan' siya.

Tulog 'nga. Sa 'di nag-iisip na tao, 'eto ako ngayon pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha. Bakit ang gwapo niya? Kahit madalas kang makipag-away (balita-balita sa school) parang wa' effect sa mukha mo.

Dahil sa wala ako sa katinuan' 'di ko namalayan na nagising na pala siya at nakatitig siya sa akin with his famous evil smile. Agad naman ako napa-iwas ng tingin kahit alam kong nahuli na niya akong nakatitig sa kanya. Bakit ko 'nga ba kasi siya tinititigan?

"Ahh..A-ano..G-gigisingin sana k-kita." The heck? Bakit ako nauutal?

"Really? Bakit naman?" He's still smiling. A creepy smile.

"Ahhh..." Think! Bakit wala kong maisip na dahilan?Jeez! Bakit ko 'nga ba kasi siya tintignan?

"Maybe, nagwagwapuhan at namam-machohan ka sa'kin kaya tintignan mo ako at gusto 'mong mananching sa-- ARAY!" Ang kapal talaga ng mukha ne'to. Binatukan ko pero tumatawa pa 'rin. Anong problema ne'to? Himala 'di nagsusungit? Madalas niya kasi akong inaasar tapos nilalait pa siyempre gaganti ako minsan moody kaya nanahimik na lang ako. Halos tatlong buwan 'din kaming ganoon ang tratuhan kaya nasanay na ko. Pero iba ngayon ah.

"Over-confidence much?" Sabi ko habang naka-taas yung isa kong kilay.

"Kasi alam kong totoo naman." Inangat na niya yung ulo niya at naka-famous evil smile pa rin siya. Damn! Oo na, ang gwapo na niya. Nagulat ako ng dinikit niya 'yung noo niya sa noo ko. Bukod sa awkward na ginawa niya, naramdaman ko 'rin na mainit yung noo niya. Agad akong lumayo at hinawakan yung leeg niya.

"Hey, nananching ka tala-

"SHUT UP! You’re sick. Bakit 'di mo sinabi sa'kin?" Mainit siya. Sobrang init niya. Kung pwede 'ngang magprito ng itlog naka-prito na ko eh. Okay OA na.

"Why would I tell you?" Okay, natamaan ako dun' ah. Bakit niya ba kasi kailangan sabihin sa'kin? Di ko naman siya close, katunayan lagi kaming magka-away. Pero kasi, you know mabait 'din naman ako kaya CONCERNED lang ako.

"I-I'm just concerned." Totoo naman eh! In the end, dinala ko siya sa clinic malamang may sakit kasi siya at ang gangster sabi niya hirap daw siyang maglakad. Gangster 'yung pinalayaw ko sa kanya kasi una naming pagkikita, nakikipag-away siya at nabalitaan ko 'pang madalas. Tuwing tinatanong ko kung bakit siya nakikipag-away, wala lang ‘daw at trip niya lang ‘daw. Wow great! Trip lang 'yun eh halos manganib 'yung buhay niya dun ah! Kaya ayun inalalayan ko papuntang clinic at dahil 'nga lunch break madaming nakakita sa'min.

Di muna siya pumasok for three days. And damn, I admit, nami-miss ko siya ‘yung pang-iinis niya sa'kin.

Nabalitaan kong papasok na ‘daw siya. Mabuti naman, madami na siyang na-miss na lessons. Hey, I’m just concerned.

Pagpasok na pagpasok ko, nakita ko agad yung kumpulan' ng mga classmates namin sa upuan ko. So, ano na naman 'to? Pinalayas ko 'yung mga classmates ko dahil nakaharang sila sa upuan ko at doon tumambad sa akin ang gwapong naka-blonde ang buhok at may pa-bangs 'pang nalalaman. Ano 'to K-pop?

"Anong kinain mo at naisipan 'mong mag-ala K-pop style?" Pambungad ko ng maka-upo ako sa upuan.

"Bakit 'di ba bagay?" Naka-kunot noo niyang tanong. Well, aaminin kong mas lalo siyang gwumapo pero bakit nga ba siya nagpa-blonde?

"Uhmm... Wala ka namang pinagbago." Matamlay kong sagot. Ayokong purihin siya dahil baka magmayabang naman. Pero nakita ko na nag-pout ang gangster na 'yun at yumuko. So, anong drama 'to?

"Ano na namang drama 'yan?" Pilit kong itinataas 'yung mukha niya pero iniwas niya 'din. May dalaw ba 'to? Parang kailan lang lagi niya akong sinusungitan 'tapos ngayon may pa-pout pout 'pang nalalaman?

"Peace offering ko sana sa'yo, saka thank you gift 'nung hinatid mo ko sa clinic." Narinig kong bumulong siya pero 'di ko maintindihan.

"H-huh?" 

"Wala." Mood swings. Balik sa sungit mode 'to ah!

Natapos 'yung klase nang 'di niya ako kinukulit. Himala, may dalaw 'ata? Dahil ang dami kong kalat sa desk ko, inayos ko pa 'to kaya natagalan akong lumabas ng classroom. Pagkalabas na pagkalabas ko nakita kong sa ibang direksiyon dumaan 'yung gangster na 'yun at hindi sadaanan talaga namin pauwi. So, saan 'to pupunta?

At dahil 'nga sa pinagsamang dugo ng nanay at tatay ko, nabuo ang anak nilang sobrang curious sa lahat ng bagay. Sinundan ko siya at nakita kong papunta siya sa likod ng building, nakita ko 'ring bukas yung mga wires na dapat naghaharang mula sa loob ng school papunta sa labas. Pumasok siya doon na ibig sabihin ay palabas na siya ng school. So, shortcut ko 'to? Ang galing! Dahil sa ka-curiousan ko naka-diskubre ako ng shortcut. Salamat na 'rin sa gangster na 'yun. 

Sinundan ko pa 'rin siya patago. Oo, 'di niya ako nakikita. Lumusot ‘din ako sa mga wires na 'yun at tumambad sa 'kin ang mapunong lugar sa likod ng school namin. Malayo ito sa kalsada kaya hindi ito shortcut. Great! Nawawala ako. Di ko makita 'yung gangster na 'yun.

Naglakad lang ako hanggang sa may narinig akong ungol at sipa. Agad ko namang pinuntahan 'yung boses at tunog na naririnig ko. Nakita ko ang gangster na 'yun na binubugbog at tatlong lalaki. Great, tatlo na naman. Sinipa niya yung ano nang isang lalaki kaya napahiga 'eto sa sakit. Sinikmurahan naman niya yung isa pang lalaki at pinagtatadyakan. Susugod pa sana yung isang lalaki ng may dalang kutsilyo pero nahawakan agad ng gangster na 'yun ang kamay ng lalaki at binali. Napapikit naman ako dun. May balak ba siyang pumatay? Sinuntok niya 'rin sa mukha yung lalaking tatayo sana pero napahiga ulit. Okay siya na! Siya na magaling.

"GANGS-- UGHHHH!" Tatawagin ko na sana siya ng may kamay na tumakip sa bibig ko at isang malamig na bagay na nakatutok sa ulo ko at dahil di naman ako tanga para di malamang baril 'yung itinutok sa akin. Great! I'm dead.

Napalingon naman sa'min yung gangster na 'yun at nagulat ng makita ako pero agad 'ding napalitan ng galit yung mukha niya. Akmang susugod siya sa amin' pero kinasa ng lalaki yung baril na nakatutok sa ulo ko. Napaatras siya.

Ano ba 'tong pinasok ko?

"Magaling. Nahuli ko ang prinsesa mo. HAHAHAHAHA!" Eto 'yung may panget na boses dati. Sila na naman yung naka-away ng mokong na 'yun? Saka anong prinsesa ang sinsabi niya?

Napatingin naman ako sa gangster na 'yun at mas bumakas ang galit sa mukha niya. Nakakatakot. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kagalit. 

"Let her go. Wala siyang kinalaman dito." Mapapakanta na sana ako ng Let her go pero nalala kong walang nakakatawa sa mga nagyayari ngayon. Mamatay na lang ako, gusto ko 'pang kumanta?

"Meron na." Mas lalong nangalaiti 'yung mukha ng gangster na 'yun ng nagsalita 'tong beast voice. LOL! Ano 'bang palayaw 'yun? 

"JUST LET HER GO!!" Tumindig 'yung balahibo ko sa sigaw ng gangster na 'yun. Nakakatakot. Parang halimaw yung sumigaw. Di ko namalayang wala 'nang nakatakip sa bibig ko at wala na 'rin ang baril na nakatutok kanina sa ulo ko. Nakahinga ako ng maluwag pero paglingon na paglingon ko, nakita kong nakahiga 'yung gangster na 'yun sa mga damo at tinutukan naman siya nang nakangising lalaki ng baril. Crap!

Di na ko nagpadalos dalos pa at naghanap agad ako ng pwedeng panangga sa lalaking 'yun. Walang ka-armas armas 'yung gangster na 'yun laban sa lalaking may baril. Nakakita naman ako ng makapal na kahoy at dali dali ko itong kinuha. Dahil nakatalikod 'yung lalaki at nagpaseremonya seremonya pa siya bago niya barilin 'yung gangster na 'yun. (ang tanga niya. SOBRA) Pinukpok ko sa ulo 'yung lalaki at nawalan ito ng malay.

Halos magbunyi ako dahil sa pangalawang pagkakataon, ako ang nagligtas sa gangster na 'yun. Magdiwang! Magdiw- 

"ANO BA?!" Nagulat ako ng hilahin ng mokong 'yun ang braso ko papunta sa isang puno. Ang tindi ng pagkakahila niya. Pakiramdam ko mababalian ako ng buto. Binitawan niya 'rin naman agad 'yung braso ko at hinarap ako ng galit na galit ang mukha niya. Bakit siya nagagalit? Siya na nga pinagtanggol ko eh.

"WHAT DO YOU THINK ARE YOU DOING?" Galit na galit pa 'rin siya. Ano 'bang problema nito? 

"BAKIT KA BA NAGAGALIT? NILIGTAS NAMAN KITA AH?" Napasabunot na siya sa ulo niya at sinuntok 'yung puno sa likod ko. Kala ko 'nga ako 'yung susuntukin niya eh. Ano 'bang kinagagalit nito?

"Slow, manhid, tangang babae." Ano? Slow, manhid at tanga? Ako ba pinariringan nito?

"ANONG SABI MO?"

"Slow, manhid, tanga,idiot na ba-" Aba't dinagdagan pa ha?

"Hoy, FYI, 'di ako slow, manhid o tanga. Ang kapal ng mukha mo." Tumayo ako para mapantayan siya pero useless hanggang dibidib niya lang ako.

"Edi hindi. Flat chested, coke in can, pandak--" WHAAAAAAT?! Sinuntok suntok ko siya sa dibdib niya pero tumatawa lang siya. Mood swing talaga siya ah? Kanina lang galit siya pero ngayon tumatawa na. 

"Okay..Stop! Pinapatawa lang kita. Pero 'wag mo ng ulitin 'yung ginawa mo ha? it's too dangerous. Pinag-alala mo ko masyado." Nakita ko talaga sa mga mata niya yung concern. Nag-alala siya sa'kin? Parang biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa narinig ko. Hey, what is it? No, it's impossible! Baka stress lang 'to kanina pero hindi ko ramdam. No way! Agad naman akong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko namumula ko. The heck why I am feeling this?

"T-tara na 'nga." Nauna na lang ako maglakad dahil baka mapansin niyang namumula ko.

***

Dumaan ang buwan simula nung mangyari 'yung insidenteng 'yun. Balik kami sa dati ng gangster na 'yun pero this time naiilang ako. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako pero everytime na ngumingiti siya paarang may paru-paro sa tiyan ko which I found out na korni. Napapansin ko 'ring nagiging sweet na siya o hinuha ko lang? Madalas na 'rin kaming magkasama dahil sa mga lintek na kaibigang kong iniwan ako dahil nagseselos sa'min ng ganster na 'yun. For real? Mga plastik. Di ko akalaing dahil lang ‘dun, iiwan nila ko? Alam kong madaming nahuhumaling sa kagwapuhan niya kahit gangster siya pero it was so ugh! Pati ba naman friendship naming ipagpapalit nila dahil lagi lang kaming nagkukulitan? Edi magsama-sama sila, mga ilusyunadang froglet!

Isang araw andito kami sa library, dahil partner kami sa project sa isang subject (no choice) kaya ayun, ang dami naming pinagkukuhang libro para sa iba't ibang resources. Siyempre siya taga-buhat. Kukuha ako ng libro, siya magbubuhat. Diba, parang may-alalay lang!

Natapos na namin 'yung part 1 ng project kaya napagdesisyunan naming umuwi na pero bigla akong pinigilan ng gangster na 'yun kaya napaupo ako. Ano na namang problema nito?

"Bitch!" ANO DAW? "What if..." Anong what if?

"Ano 'bang pinagsasabi mo? Saka bitch? Saan mo naman nakuha 'yun?" Pero 'di siya nagsalita. Aba hanep, pahiya ako 'dun ha. Bigla na lang siyang tumingin sa mata ko dahilan ng pagbubunyi ng mga letchugas na paru-paro sa tiyan ko. Okay, bakit may insekto sa tiyan ko?

"What if..." Bumuntong hininga siya. Ano 'to forever what if na lang? Parang ayaw niya ba sabihin ha! "I think i'm inlove." Para kong nabuhusan ng yelo sa narinig ko? He's inlove? Kanino? Ayoko man aminin pero umaasa kong sana ako 'yung tinutukoy niya.

"Can you help me, court her?"

***

Buong weekends, umiyak lang ako ng umiyak. Nakakainis! Nakakainis sobra! Bakit ko ba kasi naramdaman 'yun? Bakit ba kasi ako nagpadala sa bitag niya? Bakit ba minahal ko na 'rin siya? Pagkatapos ng gabing 'yun saka ko lang napagtantong nagseselos ako. May iba siyang mahal at worst nagpatulong pa siya sa akin. Sino namang maswerteng babaeng 'yun? Sobra kong nasaktan. Bakit ganoon? Minsan na lang ako magkagusto, may iba pa siyang mahal.

Mugtong-mugto na 'yung mata ko kakaiyak hanggang isang araw napagdesisyunan kong aliwin 'yung sarili ko. Walang mangyayari sa'kin kung magmumukmok ako buong araw sa kwarto. Di naman niya ako mamahalin kung iiyak lang ako ng iiyak. 

Papunta na ako sa isang mall malapit sa ‘amin ng may isang van na tumigil sa harapan ko. Sa bilis ng pangyayari, andito ako ngayon sa loob ng van habang nakapiring at nakatakip 'yung bibig. Oh no! Bakit ako nandito? Waaah.. Kidnap ba 'to? Wala kaming pera 'pang ransom at ayokong ibigay ang katawan ko. Ghad! Di ko alam kung anong gagawin ko.

Pinilit kong makawala pero mahigpit yung tali nila sa kamay ko. Narinig ko pa silang nag-uusap usap pero ‘di ko naman maintindihan. Hanggang sa tumigil 'yung van at pinalabas ako habang hawak-hawak yung magkabila kong braso. Saan ba nila ko dadalhin? Waaah.. ayoko!

Tumigil kami sa isang lugar at naramdaman kong kinakalas na nila ang mga tali sa kamay, bibig at mata ko. Nandito na ba kami? Eto na ba ang katapusan ko? Kung 'eto na, kailangan ko ng magpaalam. I would like to thanks to my pa-

Nagulat ako sa nakita ko.  S-si gangster 'yung may pakana ng lahat? Nakita ko siya sa harapan ko na nakangiti.. Bakit niya ko pina-kidnap? Anong kailangan niya? Pero, bakit andaming dekorasyon at mga puso? Ang ganda sana ng venue pero bakit ako nandito?

"So you're here." Nakangiti niya pa 'ring sinabi. Malamang andito ako, nakikita niya kaya ko duh!

"Bakit mo ba 'to ginagawa?" Pambungad ko sa kanya na siya namang ikinagulat niya. Nagsitawanan naman 'yung mga lalaki sa likod ko dahilan ng paglingon ko. Lima sila at pare-parehong gwapo. Great! Napaligiran ako ng mga kriminal na gwapo. Pero bakit ba nila 'to ginagawa? Anong kailangan nila sa'kin?

"Whoah! Chill bitch! Di kita pina-kidnap para sigawan lang ako ng ganyan." Sinenyasahan niya kong tumngin sa likod. Tumingin naman ako sa likod at nagulat sa nakita ko.

May mga karatulang nakalagay na 'Will you be my girlfriend' na hawak-hawak nila isa't isa. Para kong nabato sa kinatatayuan ko. Tumatawa pa 'rin 'yung mga lalaking 'yun at di ko malaman kung anong ire-react ko. Kinusot ko pa ‘yung mata ko para malamang hindi ako nanaginip. Hanggang sa unti-unting nagsi-sink in sa utak ko ‘yung nangyayari.

"Hey, nangangawit na ko dito ha. What's your answer bitch?" Napaharap naman ako sa gangster na 'yun? Nakita kong namumula siya at nakaluhod at may hawak pang singsing? So totoo 'nga? M-mahal niya ko?

"M-mahal mo ko?"

"Isn't that obvious?" Nakataas niyang kila tanong sa'kin. Aba! Siya na lang manliligaw siya pa mataray. Alam kong nahihirapan siya sa ginawa niya dahil ‘di naman siya sweet na tao pero na-appreciate ko ‘yung effort niya.Pero totoong mahal niya ko? Gusto kong magbunyi pero madami pa kong gustong itanong. Bakit ngayon niya lang sinabi? Umiyak pa tuloy ako.

"Teka. Di 'ba dapat liligawan mo mu--

Nagulat ako ng hilain niya ako sa baywang at hinalikan ako. What? My first kiss at dito pa sa gangster na 'to. Bumulong pa siya sa'kin pero 'di ko maintindihan dahil nalulunod na ako sa halik niya. Nagsisitawanan pa rin 'yung mga lalaki sa likod at na-realizer kong ako pala 'yung tinutukoy niyang mahal niya. Napangiti naman ako 'dun at naisip na talagang pinagplanuhan niya 'to para sa'kin.

"Oy, oy, 'wag kayong PDA! Kumuha kayo ng room, 'dun kayo gumawa." Narinig kong sigaw ng isang lalaki. Namula naman ako 'dun. Tumigil 'din siya sa paghalik at bingyan ng masamang tingin yung limang lalaki. Natawa na lang ako ng manahimik yung lima. Mga kaibigan niya daw. So, may kaibgan pala ‘to at kinasabwat niya pa.

Di ko akalaing mamahalin din ako ng gangster na 'to. Panget pa ang una naming pagkikita pero di nagtagal we end up falling for each other. Alam kong cliche ang story namin pero ang alam ko nag-uumpisa pa lang ang storya namin. Madami 'pang pagsubok at problema ang kakaharapin pero as long magkasama kami, kakayanin namin lahat ng pagdadaanan namin.

I'm Erin Faye Gomez and this is our Not Another Gangster Story.

Continue Reading