WP New Stories' One-Shot Stor...

By WPNewStories

28.5K 446 374

Sali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :) More

Admins' Note
Qualification/Requirements
How to Join?
Criteria
Judges
Prizes
ANNOUNCEMENT!
ANNOUNCEMENT II
Reminders
Entry 1: Tulong Mo Tulong Ko
Entry 2: I'll Wait For You, Forever
Entry 3: Maghihintay ako...Andrew
Entry 4: Lollipop
Entry 5: The Image
Entry 6: Supercalifragilisticexpialidocious : THE WHITE ROSE
Entry 7: Estranghero Ng Buhay Ko
Entry 8: Fixed Star
Entry 9: Missing: Ballpen
Entry 10: 1960's Promises
Entry 11: Maging Pink Man Ang Uwak
Entry 12: Bantay
Entry 13: Saint Sinner X
Entry 14: Send it to Him
Entry 15: A Promise to Felice and Felix
Entry 16: Betrayed
Entry 17: Dear Diary
Entry 18: Nang Dahil sa CAT
Entry 19: Tres Marias
Entry 20: The Sakura Man- Class Representative's SecretThe
Entry 21: Dala Mo Ba?
Entry 22: The Melody of Time
Entry 23: The Rabbit's Mask
Entry 24: Serenade of Two Hearts
Entry 25: Be My Melody
Entry 26: Bato Bato Pik
Entry 27: When Destiny Takes Hold
Entry 28: Kwentong Soundcloud
Entry 29: The Barrier
Announcement and Reminders
Judgment Period is Extended!
Announcement
Scores for the First Round
Winners of First Round
Congratulations Winners!
Mechanics for the Second Round
Genre
Admins' Note
New Prizes
Last Extension!
Round Two: Rules and the Like
Pair 1: Romance + Horror (Lola Auring)
Pair 1: Romance + Horror (The Sakura Man: The Urban Legend of Lolita Girl)
Pair 2: Romance + Comedy (Huwag kang Ngingiti)
Pair 3: Romance + Paranormal (Weird)
Pair 4: Romance + Fantasy (Sana)
Pair 4: Romance + Fantasy (Into Your World)
Pair 5: Romance + Action (The King's Rosary)
Pair 5: Romance + Action (Not a Gangster Story)
Pair 7: Romance + Adventure (Escaping Realm)
Pair 7: Romance + Adventure (To You My Future)
Scores for the Second Round
Winners for the Second Round
Wild Card Scores and Winners
Mechanics for the Third Round
Keep Writing
Criteria for the Final Round
Entry 1: Save Me
Entry 2: The Sakura Man's Identity
Entry 3: Amicia
Entry 4: Royally His
Entry 5: Unpublished
Entry 6: What Makes a Man
Entry 7: Tatlong Araw
Extended!
Clarification
Scores for the Final Round
Winners of WP New Stories' One-Shot Story Contest
A Message from Admin Simplyextraordinary
Announcement!

Pair 2: Romance + Comedy (Love Catcher)

289 4 8
By WPNewStories

Story 2: Love Catcher

 

****

Sunday, June 01, 2014

Last day of my summer vacation.

Balak ko sanang mag-enjoy sa araw na ito pero wala eh, namomroblema ako kung anong isusulat ko. May sinalihan kasi akong one-shot writing contest sa Wattpad. And luckily, out of twenty nine entries nakapasok ako sa round two.

Hindi nga ako makapaniwala eh. Sobrang saya ko! Obvious naman ‘di ba?

So ‘yon nga, mag-iisang oras na siguro akong nakaharap sa monitor ng laptop ko pero wala parin akong naisusulat.

Bakit ba naman kasi sa lahat ng pagkakataon, ngayon pa ako inatake ng tinatawag nilang writers block?

Meron nga ba talagang ganoon? Sa tingin ko wala naman eh. Katamaran syndrome siguro pwede pa. Bigla akong napakamot sa batok ko. Hindi naman sa tinatamad ako ah, sadyang wala lang talagang pumapasok na idea sa utak ko.

Magta-type na dapat ako nang may narinig akong nagdi-dribble ng bola. Marahas naman akong napalingon sa pinanggalingan ng ingay na iyon. And there I saw Brent, ang aking gwapong—este asungot palang kababata at kapitbahay.

Lumapit naman si Brent sa kuya kong kasalukuyang naglilinis ng aquarium ngayon. Nandito kasi ako sa garden namin, tapos sina kuya naman nasa kabilang side kaya klarong-klaro ko sila mula dito.

“Uy, Kuya Sam! Matagal pa ba ‘yan?” tanong niya.

“Malapit na ‘to. Maupo ka na lang muna diyan.” Sagot naman ni kuya.

Sa totoo niyan, kami ni Brent ang magka-batch pero mas close sila ni kuya. Nakakainis naman kasi siya! Ipinanganak lang yata siya sa mundong ito para guluhin ako araw-araw eh. Kaya ayun, imbes na magkasundo kami, palaging parang may giyera ‘pag nagkakatagpo kaming dalawa.

Mabuti na lang at gwapo siya kaya medyo, medyo lang naman, nae-enjoy ko pa ‘yong ginagawa niya. Kung hindi, matagal na siyang burado sa mundong ito.

“Kuya, kilala mo ba kung sino ‘tong si Jessa?” narinig kong tanong ni Brent.

Napatigil si kuya sa paglalagay ng tubig sa aquarium, “Sinong Jessa?”

 

“Kapatid daw niya si Tiffany? ‘Yong kaklase mo?”

 

“Ah! Oo, naaalala ko na nga ‘yang batang ‘yan.”

“Cute ba ‘tong si Jessa? Maganda ba? Para kasing maganda sa text eh. Sinabihan ko ngang cute, pero ang humble. Tapos tinawagan ko rin siya, maganda din naman ang boses. Kaya pakiramdam ko, maganda talaga siya.”

 

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Kainis! Ang lalakas naman kasi ng mga boses nila eh, hindi na tuloy ako makapag-concentrate sa sinusulat ko.

Duh! As if naman na may nasimulan na ako. Tsaka hindi na rin naman ako makakapag-isip ng maayos kung andiyan si Brent sa malapit eh. Errr… Ang corny ko.

“Kuya Sam! Narinig mo ba ako?” tanong niya ulit nang hindi siya pinansin ni Kuya.

“Huh? Ano nga ulit ‘yong tanong mo?”

 

“Sabi ko, kung maganda ba ‘tong si Jessa o kahit cute man lang?”

Hindi ako sigurado pero sa tingin ko, nagpipigil lang ng tawa si Kuya, “Ang cute-cute niyang si Jessa Brent. Sa sobrang cute niya, gustong-gusto ko nga siyang tirisin kapag nakikita ko siya eh.” At ‘yon na nga ang naging hudyat, kuya Sam burst out into laughter.

“Huh? Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhang tanong ni Brent.

“Alam mo---Ay! Oo nga pala, hindi mo pala alam.” Tapos tumawa ulit si kuya, “Malaking tao si Jessa pero hindi siya mataba ah? What I mean is, mukha siyang higante tapos isip bata pa. Magka-edad lang kayo noon pero mukha mo na ‘yong ate. Mas matanda pa nga ‘yong tingnan kaysa sa ate niya eh.”

Heto ako ngayon, nagpipigil lang ng tawa. Baliw talaga ‘tong si kuya. Masyado siyang pranka.

 “Totoo ba ‘yan kuya? Grabe ka naman kung makapanlait ah.”

“Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi naman ako gaya ng iba diyan na kahit panget na nga, sinasabihan parin ng maganda. Kaya ayan tuloy, umaasa ‘yong mga hindi naman kagandahan.”

“Ah, ganoon ba?” napapabuntong-hiningang sagot ni Brent. “Sige, titigilan ko na nga ‘tong kakatext ko sa kanya.”

“Kaya nga ayokong makipag-text eh. Ang daming naloloko diyan ‘tol!”

                                                                                 

Hindi na ako nakapagpigil, humagalpak na talaga ako ng tawa. Hindi ko kasi mapigilang hindi mag-imagine tungkol kay Jessa at Brent eh. Tapos luging-lugi pa ang hitsura ni Brent ngayon.

At habang tumatawa ako naglalakad naman ako palapit sa kinaroroonan nina kuya “Brent! Bagay na bagay kayo no’n!” sabi ko habang tumatawa.

 “Uy Rica! Nandiyan ka pala.” Nakangising bati sa akin ni Brent.

“Naman! Bahay ko to eh!” sabi ko sa kanya, “Eh, ikaw bakit ka nandito?” tapos tumawa ulit ako, mukha na siguro akong baliw sa harapan nila, “Uy… Narinig ko pala ‘yong about kay Jessa? Musta textmate natin ‘dre? Maganda ba?”

Napasimangot naman siya sa sinabi ko. Tsk! Naghahanap pa kasi ng maganda, eh nandito naman ang Diyosa sa harapan niya. Iyan tuloy, nahulog siya sa mongoloid.

“Ewan. Hindi ko pa naman siya nakikita eh, at wala na din akong balak na makipagkita pa sa kanya.” Tapos bigla na lang siyang ngumisi ng nakakaloko, “Nagseselos ka siguro, ano? Sinasabi ko na nga ba eh, defense mechanism mo lang ‘yang pagsusungit mo sa akin para pagtakpan iyang tunay na nararamdaman mo. Kung umamin ka lang kasi ng mas maaga, edi sana hindi ko na inertain pa si Jessa.”

 

Kita mo nga naman oh. Ang hangin talaga. Porket alam niyang maraming nagkakagusto sa kanya, pati ba naman ako idadamay?

Jusko! Mukha lang niya ang gusto ko pero hindi ang ugali.

Hinilot ko ‘yong sentido ko. Mamamatay yata talaga ako sa konsumisyon dahil sa lalakeng ito eh.

“Ang kapal ‘din naman ng kalyo mo sa mukha tsong!” Kakasabi ko lang kanina na gwapo siya, pero binabawi ko na ‘yon ngayon.

 Pakiramdam ko namumula na ‘yong mukha ko, hindi nga lang sa kilig kundi sa inis, “Bwisit ka talaga!”

 

“Ang sungit na naman ng kapatid mo kuya ah. Masyadong high blood. May dalaw yata.” sabi niya sabay tawa ng malakas.

Hindi na lang kumibo si kuya. Dapat lang talaga! Sapakin ko siya kung kakampihan niya ‘tong barumbadong ‘to eh. “Kayong mga lalakeng panlabas na anyo lang ang tinitingnan, maghintay lang kayo at darating din ang karma niyo.” Sabi ko sabay talikod.

“Anong problema no’n?” narinig ko pang tanong niya. Grabe huh! Ang lakas ng loob na magtanong kung anong problema ko.

Kailan pa kaya siya titino? Sayang! O siya sige, gwapo talaga siya, matangos ang ilong, red lips, matangkad, brown eyes, matalino pa, almost perfect na nga kung maituturing pero may attitude problem naman. Kaya wala parin.

Napabuntong-hininga na lang ako ng wala sa oras.

Namomroblema na nga ako kung anong isusulat ko, dumagdag pa sa sakit ng ulo ko ang Brent na ‘yon. Kainis!

---

Monday, June 02, 2014

Naglalakad ako mag-isa sa hallway ng school namin ngayon. Nasa third floor pa kasi ‘yong classroom ko at good news nasa section one parin ako. At lalo pa yatang sasaya ang last year ko sa high school dahil for sure classmate ko na naman si Brent (mind the sarcasm).

May narinig akong tumatawag ng pangalan ko. Paglingon ko, nakita ko naman ang bestfriend kong si Iya na tumatakbo palapit sa akin.

Napatigil ako sa paglalakad nang bigla niya akong yakapin, “Bf! I miss you!” sabi pa niya, “I have a good news for you, magkaklase parin tayo! Yay! Tsaka okay na kami ni my labs, may date nga kami ngayong Saturday eh. Gusto mong sumama? And by the way, congrats din pala.”

 

Nagsimula na ulit kaming maglakad. Na-miss ko rin ‘tong bestfriend ko eh, ilang buwan din kasi kaming hindi nagkita. And in fairness ang daldal parin niya.

Nagtatakang tumingin naman ako sa direksiyon niya. Bakit ba niya ako kino-congratulate? “Pasok ka sa round two ‘di ba? Kaya congrats!” sabi niya.

 

Nagulat ako sa sinabi niya. Alam niya pala? Ayaw ko sanang ipaalam sa kanya ‘yon kasi baka isipin niya na nagmamayabang lang ako eh.

Ay oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin, may wattpad account din siya at finallow namin ang isa’t-isa.  So malamang sa malamang, alam niya ‘yong mga activities ko.

“He-he-he…” napakamot ako sa batok ko. “T-thanks!”

 

“You’re welcome. So, anong isusulat mo?”

 

“‘Yon nga eh, wala pa akong naisusulat kahit isang salita tapos next week na ‘yong deadline.”

 

“Gusto mo ng inspiration? Sama ka na lang sa date namin ni Raven this Saturday. For sure, makakakuha ka talaga ng idea para sa kwentong isusulat mo.”

Tumanggi ako sa offer niya. Baka gawin lang nila akong chaperone doon eh. Bawal pa kasing magboyfriend si Iya kaya ganoon. Pero dahil narin sa sigaw ng mga damdamin “kuno” nila, ayun sinuway ni bestfriend ang mga magulang niya.

“Sige na kasi bf. Ililibre kita, gusto mo?”

 

“Libre ba kamo? Oh sige, deal!”

 

Basta libre, hinding-hindi talaga ako tatanggi.

 

 

----

Saturday, June 07, 2014

Matuling lumipas ang mga araw. Parang kailan lang, Lunes pa, kita mo nga naman ngayon, Sabado na.

Maayos naman ang naging takbo ng first week of school year ko. At gaya nga ng inaasahan, kaklase ko si Brent pati narin si Raven---‘yong boyfriend ni Iya.

At ngayon nga, nandito kami sa mall ni Iya kasama ang boyfriend niyang ibon. Nakakainis nga eh. Na-late pa kanina. Pa-special effect ang drama eh hindi naman gwapo. Joke!

Pagkatapos naming bumili ng ticket sa movie world, pumunta na kami sa Scooby’s para kumain. Amazing Spiderman 2 ‘yong papanoorin namin since may kasama kaming lalake. 11:45am - 2:45pm naman ‘yong showing no’n kaya magpapakabusog muna kami.

Nauna na akong pumunta sa counter para bumili ng makakain ko. ‘Yong dalawa namang lovebirds, naghaharutan pa kaya iniwan ko na sila.

Hindi ako bitter ah. Naiinis lang ako. Imbes na makapag-isip ako ng matinong plot baka mas lalo pa akong ma-mental block sa ginagawa nila eh.

Pagkatapos kong bumili ng pagkain umupo na ako sa may bakanteng mesa. Sina Iya naman umo-order pa. Naku naman!

Sinenyasan ko sila na mauuna na akong kumain sa kanila.

Medyo bad trip din ako eh. Akala ko kasi libre ako sa lahat ni Iya, ‘yon pala sa movie lang. Kung alam ko lang, ‘di na lang sana ako sumama sa kanila.

Imagine, P200.00 lang ‘yong pera ko sa bulsa. Tapos ‘yong total ng nabili kong pagkain and the drink as well was P160.00.

Oo, ako na ang matakaw at ako na rin ang pulubi. Buti nga at nagdala pa ako ng pera eh, kung hindi, nganga ako ngayon.

Dumating na rin sina Iya pagkalipas ng ilang sandali.

“Tabi tayo bf ah?” tanong niya sa akin.

Tumango na lang ako since busyng-busy nga ako sa paglantak ng pagkain ko. Pang-apat kasi ‘yong mesa na inu-okupa namin kaya katabi ko si Iya then katapat naman niya si Raven.

Napansin ko na lang na may umupong lalake sa katapat ng inuupuan ko. Pero kahit gano’n, hindi ko parin inaangat ‘yong ulo ko.

“Bakit ang tagal mo brad?” tanong ni Raven. Ah, so kaibigan pala niya ‘tong taong ‘to.

“Bumili pa kasi ako ng ticket.”

My gosh! Sana mali ang iniisip ko. Bad trip na nga ako eh, huwag naman sanang hayaan ni Lord na may dumagdag pa sa ka-bad trippan ko.

Inangat ko ng dahan-dahan ‘yong ulo ko.

At ‘yon na nga siguro ang pinakamalaki kong pagkakamali. Bumungad lang naman sa akin ang nakangiting pagmumukha ng malaking asungot sa buhay ko. Muntik pa akong mabilaukan, buti na lang at nainom ko agad ‘yong juice ko.

“Oh Rica? Nakita mo lang ang gwapo kong mukha nabilaukan ka na diyan. Ganito na ba talaga kalakas ang dating ko?”

“Oo! Sa sobrang lakas, matatangay na nga ako eh. Ang hangin mo tsong!” Tiningnan ko si Iya , “Ano ‘to bf ? Akala ko ba tayo lang tatlo ni Raven? Bakit nandito ‘yan?” sabi ko sabay turo kay Brent.

Si Raven ang sumagot sa tanong ko, “Okay lang ‘yan Rica. Best friend ka ni Iya, best friend ko naman si Brent kaya patas lang.”

 

So sa tingin nila patas ‘to? Wow! Just wow!

Tiningnan ko si Brent, at ang loko mukhang tuwang-tuwa pa sa nangyayari ngayon. “Kumain ka na ba?” bigla kong naitanong sa kanya.

“Hindi pa. Mamatay na nga ako sa sobrang gutom eh!” tapos hinawakan pa niya ‘yong tiyan niya at umakto siya na parang gutom na gutom talaga.

Edi bumili ka ng pagkain mo do’n! Ang simple lang nang problema mo eh.

 

Gusto ko sanang sabihin sa kanya ‘yan pero dahil mabait ako, kaya inabot ko na lang sa kanya ‘yong pagkain ko, “Oh, ubusin mo ‘yan! Busog naman na ako kaya sa’yo na lang.”

 

“Paano ka namang hindi mabubusog eh mukha ko palang, ulam na ulam na.”

Nagtawanan naman ‘yong dalawang lovebirds sa sinabi ni Brent. Grabe huh! Hindi man lang nagpasalamat. “Ah so gano’n? Kakainin mo ba ‘yan o hindi?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

“Eto na po ma’am, kakain na.” tapos nagsimula na siyang kumain.

Pasulyap-sulyap lang ako habang kumakain siya.

And then suddenly, naalala ko bigla ‘yong mga malimitang eksena sa wattpad. ‘Yong indirect kiss? Nakakaloka! ‘Di bale, hindi naman ako naniniwala sa mga gano’n eh. Kaya ayos lang ‘to!

 

“Tapos ka na bf? CR muna tayo.” Sabi ko nalang sabay tayo sa kinauupuan ko.

Dahil nga kumakain pa si Brent, kaya naiwan si Raven kasama niya.

Pagdating namin sa CR, sinermunan agad ako ni Iya, “Ikaw bf ah. Bakit ba palagi mong tinatarayan si Brent eh alam naman natin kung ano ang tunay na nararamdamn mo para sa kanya?”

 

Tiningnan ko siya sa salamin habang naghuhugas ako ng kamay, “Nakakainis naman kasi siya eh, tsaka pwede ba? Walang basagan ng trip.”

 

“Ewan ko sa iyong babae ka!”

 

“Pero alam mo bf, ang gwapo talaga niya…”

“Baliw ka talaga.” Napapailing na sabi ni Iya, “Kung binibigyan mo kasi ng hint si Brent na may gusto ka sa kanya, malamang matagal ng may improvements ‘yong relationship niyo. Kita mo kami ni Raven, we’re happy together.”

 

“Ayoko nga! Baka lalo lang lumaki ulo no’n kapag nalaman niyang isa ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya eh.”

 

Oo, may gusto ako kay Brent.

Tingnan ko lang kung hindi ka pa ma-develope kung palaging may nangungulit at nang-iinis sa iyong gwapong nilalang.

Pero kahit gano’n, hindi parin ako gaya nang ibang mga babae diyan na wagas kung magpapansin.

Kaya nga nainis ako sa kanya ng bongga dati no’ng sinabi niya sa akin na defense mechanism ko lang ‘yong pagsusungit ko sa kanya. Kasi nga, nasapol niya ako do’n!

But who cares? Hahaha. Ang taray ko talaga!

Paglabas namin ni Iya sa CR, dumeretso na kami sa movie world dahil nando’n na nga daw ‘yong dalawang lalake. Napaka-gentleman talaga! Tsaka infairness din sa time ng showing ngayon, on time! Kaya siguro, atat na atat na manuod ‘yong dalawa.

Nagpasya ako na matulog na lang habang pinapalabas ‘yong movie. Manunuod na lang ulit siguro ako sa DVD no’n.

Pumipikit na ‘yong mga mata ko nang maramdaman kong tinatapik ako ni Brent sa balikat. “Hoy! Huwag ka ngang matulog diyan. Ang mahal-mahal ng ticket tapos tutulugan mo lang?”

 

“Ano ba?!” naiinis na tanong ko sa kanya, “Hindi mo naman pera ‘yong ginamit kong pambili ng ticket eh kaya huwag kang istorbo sa tulog ko.”

 

Aangal pa sana siya, kaya lang sinuway na siya no’ng iba pang nanunuod. Buti nga! Ang ingay kasi eh.

Balak ko sanang matulog ulit pero ayaw ng makisama ng mga mata ko, and at the same time gising na gising na ‘yong diwa ko.

So basically, napanuod at natapos ko din naman ‘yong Amazing Spiderman 2. Maganda ‘yong movie, as in!

Pagkatapos naming manuod ng movie, dumeretso agad kami sa World of Fun.

Naglaro lang kami ng naglaro doon. Siyempre, hindi ko ginasta ‘yong natitirang P60.00 ko sa bulsa. Baka maglakad ako pauwi kung gagamitin ko ‘yon eh.

Okay na sana ang lahat hanggang sa nagyaya si Iya doon sa may toy catcher.

My labs, ikuha mo naman ako ng stuff toy diyan.” Err… Napangiwi ako ng wala sa oras sa iniasta ni Iya. Kadiri!

“Sure!” Si Raven naman mukhang tuwang-tuwang pa, sabagay girlfriend niya ‘yong naglalambing sa kanya eh. “Ano bang gusto mo?”

 

“Gusto ko si Hello Kitty!”  At ‘yon nga, nagsimula ng kumuha si Raven. Kami naman ni Brent, nanunuod lang.

First try, sablay. Second try, sablay parin. “Go boyfie! Kaya mo ‘yan!” Pagchi-cheer pa ni Iya. Siya na! Ang hyper eh.

Obvios na obvious na nahihirapan na si Raven, pero kahit gano’n hindi parin siya sumusuko. And then… “Wow! I love you na talaga Raven ko! Thank you, thank you talaga!”  Niyakap agad ni Iya ‘yong nakuhang stuff toy ni Raven.

Nakakainggit naman! Kahit hindi si Hello Kitty ‘yong nakuha ni Raven, masayang-masaya parin si Iya. Gusto ko rin nang ganyan!

Binalingan ko ng tingin si Brent, “Hoy ikaw, ikuha mo rin ako ng stuff toy diyan.”  Sabi ko sa kanya. Kung makautos ako, wagas ah.

“Ayoko nga! Ang hirap niyan eh.”

 

“Wala ka pala eh. Buti pa si Raven.” Tiningnan ko si Raven pero umiling lang siya. Kainis naman eh! Gusto ko rin ng stuff toy.

“Hindi na ako boto sa’yo para kay Iya.” Nakasimangot na sabi ko sa kaniya.

“Ikaw talaga bf…” Natatawang sabi ni Iya tapos binalingan niya si Brent, “Oh eto, gamitin niyo ‘yang natitirang tokens ko dahil kakanta muna kami ni my labs do’n. Bye!” tapos hinila na ni Iya si Raven do’n sa may videokehan.

Tiningnan ako ni Brent, “Anong tinitingin-tingin mo diyan? Tusukin ko ‘yang mga mata mo eh.” Nakairap na sabi ko sa kanya sabay talikod.

Hinila naman niya ako pabalik do’n sa may toy catcher, “Huwag ka ng magalit diyan. Ano bang gusto mo?” tanong niya sabay turo sa mga stuff toy sa loob ng machine.

“I-ikukuha mo ako?”

 

“Obvious ba? Kaya nga nagtatanong eh.”

 

Napangiti naman ako sa sinabi niya, “Gusto ko ‘yang strawberry na ‘yan!” turo ko sa strawberry ng candy crush, “Pero pwede din si Mirmo tsaka si Spongebob, tapos--- ”

 

“Oo na! Oo na! Stay put ka lang diyan.”

 

At ‘yon nga, nagsimula na siyang maglaro do’n. Ako naman, nagdadasal lang sa isang tabi na sana  makakuha siya ng kahit isa man lang.

First try, sablay. Second try, sablay ulit. Third try, sablay parin. And so on, and so forth, “Ano ba naman ‘to!  Sira yata ‘yang machine na ‘yan eh. Bumili na lang tayo ng stuff toy kung gusto mo.”

 

“Ayoko! Sige na, si Raven nga nakakuha eh. Ikaw pa kaya.”

 

“Naku naman! Wala naman akong mapapala dito eh.”

 

“Meron kaya!”

 

“Ano naman kung gano’n?”

 

“Mapapasaya mo’ko?” patanong kong sabi sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin, “Kapag ako nakakuha ng stuff toy dito, girlfriend na kita.”

 

Biglang nag-init  ang mukha ko sa sinabi niya, “B-baliw ka na!”

“Huwag ka ng umangal diyan. My decision is final.” Tapos sumubok ulit siya.

Hindi ko alam, pero mali bang maging masaya sa sinabi niya? Oh Jusko! Sana magtagumpay siya! Nyahaha!

 

Hindi ako mapakali habang kumukuha siya ng stuff toy do’n, kaya nagtitingin muna ako sa iba pang naglalaro.

And then nagulat na lang ako nang biglang may kumalabit sa akin.

Ang nakangiting mukha ni Brent ‘yong nalingunan ko, “Paano ba ‘yan? Girlfriend na kita mula ngayon.” Tumaas-baba pa ‘yong kilay niyang sabi, tapos nakita ko na lang ‘yong baboy na hawak niya.

Nanlaki ‘yong mga mata ko, “N-nakakuha ka?” tumango siya tapos inabot niya sa akin ‘yong baboy.

“Huwag ka ng umangal. Girlfriend na kita, whether you like it, or you like it.” Baliw talaga, wala namang option do’n eh.

“Oo na.” nakangiting sabi ko sa kanya habang yakap-yakap ko ‘yong baboy.

“Ahem! Anong balita?” tanong ni Raven. Dumating na pala ‘yong dalawang love birds.

Inakbayan ako ni Brent, “Girlfriend ko na si Rica.”

“Yown oh!” tapos nag-appear ‘yong dalawang lalake.

“Congrats bf!” masayang sabi ni Iya.

“Oo, boyfriend ko na siya pero break na kami kung hindi niya ulit ako ikukuha ng isa pang stuff toy diyan.”

 

Nagulat sila sa sinabi ko, “J-joke ba ‘yan?” tanong ni Brent.

“Mukha ba akong nabibiro?” 

 

Walang anu-ano, naglaro ulit si Brent do’n sa may toy catcher. Nakakatawa talaga! Nagbibiro lang naman ako eh. Hindi ko naman alam na seseryosohin niya ako. Pero in fairness, kinikilig ako.

“Paano ba ‘yan? Nakuha ko si Mirmo. So, tayo na ba forever?”  nakangiting tanong ni Brent sa akin.

Ngumiti na lang din ako.

Ngayon, alam ko na kung paano ko sisimulan at tatapusin ‘yong story ko.

 

****

Ayan! Sa wakas, na-send ko na rin ‘yong entry ko. Confirmation na lang ang kulang.

For the past 6 years, naging suki na ako sa iba’t-ibang writing contest sa wattpad. Minsan nakaka-place ako, but mostly hindi. Pero kahit gano’n, hindi parin ako tumitigil.

Gano’n talaga, writing is my passion eh.

“Mahal… Itigil mo na nga ‘yang kaka-wattpad mo. Sige ka, makakasama ‘yan sa baby natin.”

 

“Oo na po. Ang hot mo alam mo ‘yon, ang init na nga ng panahon eh, nakikisabay ka pa.”

 

Yup! Story namin nang asawa kong si Brent ang ipinasa ko. Two years na kaming kasal at 4 moths na akong buntis. Ang saya ‘di ba?

Akalain niyo ‘yon, natagalan ko ang gaya niya?

‘De joke lang! Mahal ko siya, pati na rin ang magiging baby namin siyempre.

Ikaw? Anong kwento mo?

-------WAKAS-------

Continue Reading