Magdalino

By johnyuan38

50.9K 766 162

Hanggang saan ang kaya mong ibigay sa ngalan ng pagmamahal? Kaya mo bang isugal ang sariling buhay para laman... More

Kabanata 1
Kabanta 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6 (Huling kabanata)

Kabanata 2

9.1K 106 5
By johnyuan38

Sandaling natigil ang aming kwentohan ng pumasok kami ng banyo para sabay na maligo. Dahil sa maliit lang iyong banyo ko, di maiiwasang magkadikit ang aming mga katawan. Hubo't hubad kami habang naliligo. Kitang-kitang ko ang nakalawit niyang alaga na bagamat tulog may kalakihan na. Hindi ko naman maiwasang huwag tigasan sa magandang tanawin na aking nakikita kaya naman tumalikod ako sa kanya upang magsabon ng katawan. Ngunit maya-maya lang, inagaw niya mula sa aking mga kamay ang hawak kong sabon at sinabon niya ang buo kong katawan. Siyempre, dahil sa may halong landi iyong pagsasabon niya, bigla akong nag-init na tila ba isang panggatong na nag-aapoy at mukhang nahahalata naman niya iyon kaya naman sinimulan niyang idikit ang kanyang katawan sa aking katawan. Ramdam ko sa aking likod ang nagtitigasan at naglalakihan niyang dibddib pati na iyong pagkalalaki niya na nagsisimulang bumubundol-bundol sa hiwa ng aking likuran. Aminado naman akong marami na akong naikama ngunit iyon ang unang beses na makaranas ako ng engkwentro sa loob ng banyo at may pasabon-sabon pa kaya naman ganoon na lamang ang aking panginginig dahil sa sobrang excitement.

Ilang saglit pa'y humarap ako sa kanya. Nagkatitigan kami. Tinangka kong ilapit ang aking mga labi sa kanyang bibig subalit umiwas siya. Hindi dahil sa ayaw niya kundi upang lalong takamin pa ako. Mahahalata naman iyon sa pagkindat niya sa akin at pagkagat ng kanyang mapupulang labi. Kinuha ko na lang iyong sabon sa kamay niya para ako naman iyong magsabon sa kanya. Sinimulan kong sabunin ang kanyang leeg, pababa sa naglalakihan at matambok niyang dibdb kung saan doon ako nagtagal. Kasabay ng pagsasabon ko sa bahaging iyon ay sinabayan ko ng pananalat at paglalaro sa dalawa niyang utong na sinlaki ng butil ng mais. Umabot ang pagsabon ko sa kanyang abs, pababa sa kanyang pagkalalaki na noo'y galit na. Pumipitlag na tila ba nag-aanyaya na aking sunggaban.

Pinaandar ko ang shower upang matanggal ang mga bula sa kanyang katawan. Matapos no'n, wala akong sinayang na sandali at agad kong sinunggaban ang kanyang mga labi. Mabango ang kanyang hininga at manamis-namis ang kanyang laway, halatang hindi naninigarilyo kung kaya mas ginanahan pa ako na makipaglamutakan sa kanya. Bumaba ang halik ko sa kanyang leeg, pababa sa dibdib hanggang sa mga pandesal niya sa tiyan. Iyon ang unang beses na ako ang unang kumayod sa aking nakakaniig at nakakaramdam naman ako ng kakaibang ligaya na noon ko lang naramdaman. May kilig sa aking puso. Nagdiwang ang aking damdamin. Matapos kong pagsawaan ang kanyang katawan ay deepthroat kaagad ang iginawad ko sa kanyang alaga. Dahil sa sanay naman ako, hindi na ako ako nahirapan pa at swabeng-swabe lang pagtataas-baba ko sa kanya dahilan sa kanyang sunod-sunod na pag-ungol. Nasabunutan pa niya ako sa buhok sa kaligayahang hatid ko sa kanya.

Nang siguro'y malapit na siyang sumambulat. Agad niya akong kinabig paitaas at marubdod niyang hinalikan ang aking mga labi. Kapagdaka'y, pinatalikod niya ako at pinagpiyestahan ng kanyang dila ang magkabila kong tainga. Ginalugad niya ang butas no'n na siyang dahilan ng aking malakas na paghalinghing. Dinilaan niya rin ang balikat ko pababa sa may malapit sa hiwa ng aking pwet. Grabe, hinilod ng kanyang dila ang buo kong katawan pati na ang aking kili-kili at isa lang ang masasabi ko, sobrang galing niya. Kung may kurso lang ang trabahong pinasok niya, malamang nasa doctorate level na siya.

Naramdaman ko ang pagbundol-bundol ng kanyang alaga sa hiwa ng aking likuran. Alam ko na ang susunod na mangyari kaya naman, "May condom ka?" Tanong ko. Mabuti ng manigurado.

Tumango siya. Nagpaalam siya sandali na lumabas para kunin ang dalang condom nya sa bulsa. Nakakapote na ang kanyang alaga ng muling pumasok sa banyo. Kasabay ng paglagaslas ng tubig na nagmumula sa shower ay ang walang tigil na salpukan ng aming katawan. Damang-dama ko ang kanyang kabuuan sa aking kaibuturan. Medyo may sakit subalit nangingibabaw ang sobrang sarap na dulot ng pagbayo niya sa akin. Hanggang sa sabay naming naabot ang rurok ng kaluwalhatian. Sobrang satisfied ako sa kanyang perpormance.

Nakahiga na kami no'n sa aking kama nang ipinagpatuloy niya ang naudlot naming kwentuhan. Dahil sa may kaalaman na siya sa pagmamassage, gumawa siya ng facebook account na nagsasabing isa siyang freelance masseur alinsunod narin sa mga tips na ibinigay ng kanyang nakaibigang masahista. Dinagsa siya ng mga mensahe ng mga taong gustong magpamasahe sa kanya. Dahil sa nakabalandra iyong maskulado niyang katawang sa facebook, kadalasan ng mga naging kustomer niya ay mga bakla at tagong mga bakla.

Nang una ay purong massage lang kanyang offer. Ngunit dumating sa punto na may isang kustomer na humihingi sa kanya ng karagdagang serbisyo o iyong tinatawag na extra-service at siyempre may dagdag din siyang matatanggap rito bukod sa matatanggap niyang bayad mula sa masahe. Hindi siya punayag ng una ngunit dala ng tukso sa pera, pinagbigyan niya ang kustomer niyang iyon. Isang beses hanggang sa naging palagian na. Dahil sa matinding pangangailangan at pangarap na makapag-aral muli, tinanggap niya ang offer ng isang bakla niyang kustomer na maging mananayaw sa gaybar na pag-aari nito. At iyon ang simula kung paano siya napasok sa ganoong gawain.

"Mukhang natulad ang buhay ko doon sa kantang paborito ni Tatay , haha!" Bulalas niya matapos magkwento.

"Tungkol saan ba kasi ang kantang iyon?" Ang tanong ko naman.

"Kuwan, tungkol kay Magdalena, isang babaeng mababa ang lipad. Nagbebenta ng laman para lang mairaos ang pamilya sa hirap!"

"Ganun ba? Wala ka bang plano sa buhay mo. I mean, wala ka bang planong maghanap ng ibang pagkakakitaan bukod diyan para makatulong sa pamilya mo. Isipan mong tatanda ka rin. Lilipas iyang gandang lalaki mo. So paano mo maibebenta iyang katawan mo kung magkakaedad ka na? Ano na ang ipangbuhay mo sa iyong pamilya lalo na sa iyong sarili kung tatanda ka na?"

"Iniisip ko din iyan kaya nga todo kayod ako ngayon para matustusan ang aking pag-aaral. Wala naman sa hinagap ko na magtagal sa ganitong gawain. Hindi ko na din masisikmura ang pagpapagamit ko ng katawan para lang mabuhay. Kung may ibang option lang sana ako kaso wala e. Pero mas mabuti na rin ito kaysa naman magbenta ako ng droga o kaya ay magnakaw. Atleast may napapaligaya akong iba. Gaya ng sinabi ko, pinatos ko na ang lahat ng pwedeng mapagkikitaaan kaso, laging kapos. Hanggang sa pambili lamang iyon ng pagkain namin sa isang araw. May mga kapatid pa akong kailangang pag-aralin kaya kahit imoral itong trabahong pinasukan ko, tinitiis ko na lang. Alam kong maliit ang tingin nyo sa tulad naming nasa prustitustyon, pero ang masasabi ko lang, huwag nyo agad kaming husgahan May mga dahilan kasi kami kung bakit napasok sa ganito, hirap mang intindihin, irespito nyo na lamang kami!"

May kurot ang sinabi niyang iyon sa aking puso. Aminado akong isa akong taong mapagmataas at matapobre dahil nga lumaki ako sa karangyaan subalit ng marinig ko ang kwento niya parang nag-iba ang tingin ko sa mga taong nasa laylayan ng lipunan. Hindi naman pala sila totoong mga tamad kung bakit nahihirapan silang umangat. Sadyang ganoon lang siguro ang takbo ng kanilang tadhana. Naisip kong maswerte parin ako kahit hindi ko nararamdaman ang pagmamahal mula sa aking mga magulang. Nasa akin na ang lahat. Yaman, itsura at lahat ng luho. Hindi ko na kailangang magpapakahirap na kumayod para lang mairaos ko ang aking mga pangangailangan. Pero anong ginawa ko? Imbes na magpasalamat sa mga biyayang natanggap at mag-aral ng mabuti para sa aking magandang bukas, nilagay ko sa walang katiyakan ang aking buhay. Naglulustay ako ng pera kung saan hirap na magkaroon ang iilan sa atin. Ang iba nga ay nagbibinta na ng laman para lang makapag-aral, ako naman, heto, sinisira ang kinabukasan sa mga alak at droga. Oo nga't masakit rin kapag hindi mo naramdamang mahal ka ng iyong mga magulang subalit hindi sagot sa problema ang pagrerebelde sa halip lalo lamang itong nakapagpalala. Sa huli, ako parin iyong talo. Wala na ngang nagmamahal sa akin, wala pa akong narating. Kaya sa halip na magreklamo, aayusin ko na lang ang buhay ko. Walang ibang pwedeng tumulong sa aking sarili kundi ako rin mismo.

"Natahimik ka yata?" Untag niya sa akin ng may ilang minuto narin akong nanahimik.

"Magkano ba ang matrikula sa paaralang pinapasukan mo?"

"Akala ko ba'y kaya ka napadpad dito sa Mindanao ay dahil sa dito mo napili na mag-aral?"

Umiling ako. "Ang totoo niyan nagrebelde ako sa aking mga magulang kaya naisipan ko na maglayas at dito ako napadpad. Actually, nasa second-year na ako sa kursong engineering ngunit hindi na ako pumasok!"

"Sayang naman. Alam mo bang sa pag-aaral lang natin nakakamit ang ating magandang kinabukasan? Iyan lang ang tanging yaman na hindi namamana at hindi naipamamana. Hindi ko man alam ang kwento sa likod ng pagrerebelde mo, pero ito lang masasabi ko. Ikaw ang siyang lugi sa ginawa mong paglalayas at hindi ang iyong mga magulang. May narating na sila at may naipundar na. Samantalang ikaw, kasisimula pa lamang. Sabihin na nating mayaman ang pamilya mo, pero hindi naman kayang ibalik ng yaman nyo kapag nasira iyang buhay mo. Hindi kayang ibalik ng pera ang nagkadurog-durog mong pagkatao!"

Mas lalo pa akong naliwanagan sa mga sinabi niyang iyon. Mukhang si Magdalino ang naging sugo ng Maykapal para maimulat ko ang aking mga mata sa kung ano ang dapat at tama. Kaya naman nabuo sa isip ko na ayusin ang aking buhay habang maaga pa. Ngunit hindi na muna ako uuwi sa amin. Mag-aaral ako sa aking sariling pamamaraan na hindi humihingi ng tulong mula sa aking mga magulang. Ipapamukha ko sa kanila na kaya kong magtagumpay kahit wala sila.

Sa gabing iyon nabuo ang pagkakaibigan namin ni Magdalino. Ikinwento ko sa kaniya ang tunay na mga dahilan kung bakit ko nagawang magrebelde sa mga magulang ko na bagamat halata sa kanya ang hindi pagsang-ayon ngunit hindi ko naman siya nakaringgan ng panghuhusga sa akin. Sa halip isang payong kaibigan ang narinig ko mula sa kanya na siyang lalong nagbigay sa akin ng liwanag. Sinabi ko na kapag may kailangan siya ay hindi siya mahihiyang magsbi sa akin dahil bukas palad akong tutulong sa kanya lalo na sa pinansiyal na kanya namang tinanggihan. Aniya, nasanay raw siya na paghirapan ang perang nakukuha niya at hindi iyong kusang binibigay lamang sa kanya. Pinagpapawisan niya ang lahat ng perang kinikita niya.

"Kung ayaw mong tanggapin ang tulong ko, isipin mo na lang may kapalit iyon, walang iba kundi iyang katawan!" Biro ko sa kanya.

"So parang friends with benefits tayo neto?"

"Malamang. Dahil ayaw mo namang tanggapin ang tulong ko ng libre. Kaya para hindi ka mahihiya, seserbisyuhan mo ako kapag taglibog ko. Ano deal?"

Natawa siya. "Sige deal"

At sa gabing iyon dalawang beses pa ulit na may nangyari sa amin. Alam kong pagtupad lamang niya iyon sa aming napagkasunduan subalit sa puso ko, iba ang nilalaman.

Nauna siyang nakatulog matapos ang ikatlong round naming bakbakan. Naririnig ko ang mahina niyang paghilik. Bumangon ako at dumukot ng dalawang libo sa aking pitaka. Kinuha ko ang t-shirt niyang nakahanger saka tinupi. Ipinatong ko iyon sa lamesita malapit sa kanyang gilid kasama ng pera para kapag mauna siyang magising ay dadamputin na lamang niya iyon at hindi na niya ako kailangang gisingan pa. Ganoon na ang nakagawian kong gawin kapag kasama kong matutulog ang mga lalaking aking nakaniig. Ayaw kong manghusga, pero iyon naman talaga ang dahilan ng pagpatol nila sa isang tulad ko hindi ng kung anupaman.

Bumalik ako sa tabi ni Magdalino. Tumagilid ako paharap sa kanya. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Ewan, sa dami ng naguguwapohang lalaking aking naka-one night stand ay sa kanya ko naramdaman na tumibok ang aking puso. Alam kong masyado pang maaga para aminin ngunit hindi ko maitatwang may nararamdaman na ako para sa kanya.

Mataas na ang araw ng magising ako. Wala na sa tabi ko si Magdalino kasama no'ng damit niya at perang ipinatong ko. Wala nga talagang lalaking magtatagal sa isang tulad kong alanganin. Ang dahilan ng pagpatol nila ay pera. Kung wala kang datung, tigang ka. Medyo may kirot iyon sa akin dahil may lihim na akong pagtatangi sa lalaking aking naka-one night stand, naging kakwentuhan at kahit papaano, naging kaibigan na rin sa iksi ng panahong kami ay nagkasama. Ngunit masaya naman ako dahil nabuksan niya ang aking mga mata sa kahalagahan ng buhay at kung paano mangarap.

Bumangon ako at hinawi ang kurtina sa bintana. Tanaw ko ang mga binatilyong nagtitinda ng sigarilyo at kendi sa gilid ng kalsada. Hindi nila alintana ang sikat ng araw na tumatama sa kanilang balat. Naitanong ko kung ano kaya ang kinabukasang naghihintay sa kanila? Kaya kayang itawid ng mga kinikita nila sa pagtitinda ang naghihirap nilang pamilya? Noong kasing edad lang nila ako, ang tangi kong routine ay paaralan, bahay at palihim na paglalakwtsa. Hindi ko na iniisip ang aking magiging kinabukasan dahil nga sigurado namang insured na ako dahil sa yaman ng aking mga magulang. Ngunit nagawa ko parin na magreklamo sa halip na magpasalamat. Samantalang sila, nakangiti parin sa kabila ng hirap ng buhay. Paano nila nagagawa ang gano'n? Talagang hindi nabibili ng pera ang pagiging kuntento ng isang tao. Hindi naman pala kailangang maging mayaman para makamit ang kaligayahang hinahangad.

Lumabas ako ng silid at tumungong kusina. Laking gulat ko namang naratnan ko roon si Magdalino na kasalukuyang nagluluto. Ngumiti siya sa akin. At ewan, bigla na lamang naglumukso ang aking puso sa labis ng tuwa ng malamang hindi naman pala niya ako tuluyang nilisan.

"Goodmorning. Tamang-tama ang gising mo... malapit na 'to!"

"Ano iyang ginagawa mo?"

"Nagluluto ng sinigang na baboy. Hindi ka siguro mahilig magluto ano, dahil walang laman iyang ref mo maliban sa tubig!" Wika niya habang nilalagyan ng paasim ang niluluto.

"Nasanay kasi ako na katulong ang gumagawa niyan. At dahil nag-iisa lang naman ako, sa labas na ako kumakain!" Tinumbok ko ang ref para kumuha ng malamig na tubig. Namilog na naman ang mga mata ko nang makita sa unang pagkakataon na nagkaroon iyon ng maraming laman. May isda, karne ng baboy, mga preskong gulay, prutas at mga pampalasa.

"Namalengke ka?"

"Oo. Sensiya na. Pinakialaman ko iyong perang ipinatong mo sa damit ko!"

"Hindi, ayos lang. Nakakahiya nga sa'yo!"

"Ako ang dapat na mahiya sa'yo dahil ginamit kita para matakasan iyong baklang bumubuntot sa akin. Tumatanaw lang ako ng utang na loob!"

"Ako ang may malaking utang na loob sa'yo!"

Bigla siyang natigilan at hinarap ako. Nagtatanong ang mapupungay niyang mga mata. "Dahil sa mga sinabi mo, nabuksan ang pag-iisip ko. Naimulat nito sa akin ang kahalagahan ng buhay at ang magkaroon ng tamang patutungohan. Gusto ko ng maituwid ang aking mga pagkakamali at magbagong-buhay, Magdalino. Napaka-ironic nga dahil iyan din ang sinasabi sa akin ng mga magulang ko subalit hindi ko pinakinggan. Ngunit ikaw na hindi ko pa gaanong kakilala, ang siyang nakakumbinse sa akin na ayusin ang napariwara kong buhay!"

"Kung gano'n, uuwi ka na sa inyo?" May halong pait ang pagkakasabi niyang iyon.

"Saka na kapag may narating na ako. Dito na muna ako para mag-aral. Gusto kong patunayan sa mga magulang ko na kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa. Gusto kong ipakita sa kanila na isa na akong responsableng anak pag uwi ko. At siyempre gusto kong gumraduate kasama ka!"

Nakita ko ang biglaang pag-aliwalas ng kanyang mukha. Hindi ko lang alam kung iyon ba ay dahil sa sinabi kong magbabago na ako o sa sinabi kong gusto kong gumraduate kasama siya. Pero sa tingin ko naman, dahil iyon sa nauna kong sinabi. Ayokong mag-assume na may nararamdaman din siya para sa akin. Tama na siguro ang maging kaibigan ko siya.

"Kung gano'n eh, kain na tayo!"

Iyon ang unang beses na may nakasabay akong kumain, nakakwentuhan at nakakulitan. Ang saya pala sa pakiramdam. Iyon bang pakiramdam na para kang bulaklak na namumukadkad. Infairnes, ang sarap ng luto niya kaya naman napadami ako ng kain. Matapos naming kumain ay niyaya ko siyang mamasyal. Tumalima naman siya pero bago iyon inaya muna niya ako na magsimba, pumayag naman ako. Sa natatandaan ko, highschool recollection pa namin ang huling pagpasok ko ng simbahan at ngayon lang ulit nasundan. Lumuhod siya at taimtim na nanalangin. Napansin ko ang butil ng luhang pumatak sa kanyang mga mata. At kahit wala siyang nasabi sa akin, alam kong mayroon siyang pinagdadaanan. Ako nama'y nanatiling nakaupo lang habang nakikinig sa misa hanggang sa natapos ito. Wala akong naisip na ipagdasal dahil sa totoo lang hindi ako madasalin na tao.

"Ano ang ipinagdadasal mo?" Ang tanong ko nang papalabas na kami ng simbahan.

"Humihingi ako ng kapatawaran sa aking mga nagawang kasalanan at sana'y bigyan Niya ako at ng mga mahal ko sa buhay ng magandang kalusugan. Sa kagaya naming mahihirap, lakas ng katawan ang siyang puhunan namin. Mahirap ng magkasakit, dahil natitiyak kong wala kaming kakainin. Ikaw, ano bang ipinagdadasal mo?" Balik tanong naman niya sa akin.

"Ah, wala. Wala kasi akong maisip eh...!" Ang tugon kong tila nahihiya. Ang dating kasi, bakit pa ako pumasok ng simbahan e, wala din naman pala akong ipinagdadasal. ".....Ibinigay na sa akin ng Diyos ang mga kailangan ko kaya bakit pa ako hihingi sa kanya?"

"Iyon naman pala, e di, sana, nagpasalamat ka na lang sa Kanya. Hindi naman na kapag nagdasal ka, humihingi na ang ibig sabihin no'n. Siyempre, ang Diyos ang dahilan kung bakit nakatayo parin tayo ngayon at humihinga kaya dapat natin iyong ipagpasalamat. Kung sa tingin mo wala ka ng dapat na hilingin, mas lalo ka pang dapat na magpasalamat dahil ipinagkaloob na niya sa'yo ang mga biyayang kailangan mo kahit hindi mo naman ito hinihingi. Napakapalad mong ipinanganak na busog sa mga biyaya na hindi pa natatamasa ng iba"

At sa sinabi niyang iyon, napa-"Opo, Father" na lamang ako dahil may punto naman ang kanyang sinabi. Daig pa kasi niya ang isang pari o pastor kung magbigay ng pangaral. Nginitian lang niya ako. Sumakay kami ng jeep at tumungo sa isang parke sa tabing dagat.

"Kumakain ka ba ng mga street foods?" Ang tanong niya ng nasa bungad na kami ng park. Nakahilera doon ang mga food cart na nagtitinda ng mga sari-saring street foods.

"H-hindi, pero gusto kong subukan!"

Tumungo kami sa mga nakahilerang mga foodcart, kumuha siya ng dalawang stick ng isaw at saka inilublub iyon sa sawsasan. At dahil sa nakita ko ang mantikang kulay itim na ginamit sa pagpfry nito, "Squid balls na lang ang sa akin!" Sabi ko sa kanya. Nakaramdam kasi ako ng pandidiri ngunit hindi ko iyon pinapahalata at baka ma-offend iyong tindero. Napansin ko na sa ikli ng panahong nakilala ko si Magdalino, may kaunti ng pagpababago sa pag-uugali ko. Dati kasi talagang vocal ako sa kung ano ang nilalaman ng aking isip. Wala akong pakialam sa damdamin ng iba. Kilala ako sa pagiging prangka. Naaalala ko pa noong nagfoodtrip kami ng mga tropa ko sa Binondo at may pagkain doon na hindi ko madiscribe ang lasa talagang inokray ko iyon pati na ang nagtitinda.

Matapos naming kumain ay nag-order siya ng dalawang buko juice na nakalagay sa plastic at habang umiinom tinumbok namin ang daan patungong seawall na kung saan matatananw ang isang isla sa tapat. "Iyan ang Samal Island. Maraming magagandang beach diyan!" Pahayag niya. Kasalukuyan na kami no'ng nakaupo sa isang bangko na nakaharap sa islang sinasabi niya. Tumango ako. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. Sinabi niya na kapag ganitong wala siyang ginagawa ay dito ang punta niya para magrelax. Sariwa kasi ang hangin at kahit papaano malinis naman ang paligid bagamat may nakikita akong mga kabahayan sa dako pa roon na nakatirik sa dagat. Mga bahay daw iyon ng mga tribung BADYAO ng Davao. Ilang sandali pa'y tumayo si Magdalino at may dinukot sa kanyang bulsa. Nakita kong nilapitan niya iyong dalawang matanda sa silong ng isang puno sa may di kalayuan. Inabutan niya iyon ng pera. Narinig kong nagpasalamat iyong dalawang matanda bago siya bumalik sa aming kinaroroonan.

"Si Nanay Iseng iyon at Tatay Fermin. Kapag nagagawi ako rito, hindi ko nakakaligtaang mag-abot sa kanila ng pera o di naman kaya ay pagkain!"

"Diba hindi ini-encourage ng gobyerno ang pagbibigay ng limos? Saan ba ang mga anak nila?"

"Hindi naman sila humihingi ng limos, kusa ko iyong ibinibigay. At sa tanda nilang iyan deserve nila na matulungan lalo na't inabanduna na sila ng kanilang mga anak. Kung naging mayaman lang ako, kinupkop ko na sila. Hindi naman kasi nababase sa dugo ang pagmamalasakit mo sa kapwa. I mean, hindi naman na kailangang magiging kadugo mo ang isang tao para magparamdam ng pagmamalasakit"

Napayuko ako sa sinabi niyang iyon. May sundot iyon sa akin. Nakaramdam ako ng hiya. Sa dami ng perang nilustay ko, marami na sana akong natulungang tao. Kung si Magdalino nga na tanging ganda ng mukha at katawan ang naging puhunan para kumita ay nagagawa pang magbahagi ng tulong, bakit hindi ko iyon nagawa? Sa isang pakete ng shabu na binibili ko, pambili na iyon ng pagkain ng isang buong araw ng iba. Wala sa estado ang pagbibigay ng tulong. At lalong hindi mo kailangan na maging pulitiko para magbigay ng tulong sa iba. Iyon ang bago na namang ipinamulat sa akin ni Magdalino. Binalingan ko ng tingin ang dalawang matanda. Nag-iisip ako kung anong tulong ang pwede kong maibigay. Napansin kong karton lang ang naging higaan nila at isang tuwalyang hindi ko malaman ang talagang kulay nito dahil sa kalumaan at gutay-gutay pa na nagsisilbi nilang kumot panlaban sa lamig ng gabi. Tumayo ako at hinila ko sa braso si Magdalino.

"Saan tayo pupunta?" Nabigla niyang tanong sa akin.

"Samahan mo ako!" Ang tugon ko naman habang tinutumbok ang daan palabas ng parke.

May department store akong nakita sa tapat. Pumasok kami roon. Naisipan kong bilhan ng kumot, banig, kulambo at iba pang gamit ang matatanda. Hindi ko kasi lubos na maisip kung paano sila natutulog na tanging karton lang ang pangsapin nila. Tuwang-tuwa naman si Magdalino sa nakita niyang pagkakawang-gawa ko. Ngunit ako iyong labis na natutuwa na hayan, nakita ko na naman ang abot-langit niyang tuwa na siyang nagpabihag sa akin. Bukod sa mga gamit ay binilhan din namin ng pagkain sina Nanay Esing at Tatay Fermin. Mangiyak-ngiyak naman ang mga ito nang iabot ko sa kanila ang aking mga pinamili. Hindi magkamayaw ang pasasalamat ng dalawang matanda sa akin at ang sarap pala sa pakiramdam kapag may napasaya kang tao dahil sa tulong na ibinigay mo.

Matapos namin sa parke, ay inaya ako ni Magdalino sa kanyang tinutuluyang bording house para doon maghapunan. Tinanggihan kasi niya ang mungkahi kong sa restaurant na lang kami kumain. Aniya mas makakatipid kung magluluto na lamang kami. At isa pa, dahil sa magkaibigan na raw kami, natural na dadalhin niya raw ako sa kanyang tinutuluyan upang maipakita ang mundong kanyang kinasanayan. Alam kasi niyang magkalayo ang agwat namin sa buhay. Ngunit di na bale iyon sa akin. Narealised ko na kasing hindi ang yamang ang magiging sukatan para kaibiganin ang isang tao. Ngunit paakyat pa lamang kami sa itaas ng bahay kung saan naroon ang kanyang silid ay ang bunganga na daig pa ang machine gun ng kanyang landlady ang sumalubong sa amin.

Continue Reading

You'll Also Like

22.9K 61 6
This is a work of fiction. Not suitable for young readers below 18. Read at your own risk and please do not report🔞
438K 16.3K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
112K 2.8K 28
GXG
1.8M 56K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****