SUKIYAKI (COMPLETED)

By Gretisbored

373K 13.9K 1.5K

Siya si Filipa Natalia Ferrer o kilala sa palayaw niyang Pipay. Tubong Pampanga. Anak ng isang maralitang mag... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY-SIX

10K 414 61
By Gretisbored

Tuliro si Kaito pagbalik niya ng silid. Tumingin ito sa akin na parang may sasabihin, pero nang tanungin ko kung ano iyon, umiling-iling siya. Nilapitan niya ang kuna ng bata at hinaplos-haplos niya ang pisngi nito. Dinaklot ng takot ang dibdib ko. He's hiding something from me.

Mayamaya uli may tumawag. Umalis na naman siya sa kuwarto namin. Pagbalik niya, pinahanda niya ako agad. Aalis daw kami roon sa lalong madaling panahon. Pagod pa ako sa biyahe at ang huling gusto kong gawin ay bumiyahe na naman.

"Sino ba ang tumawag?" tanong ko sa kanya sa salita nila.

Hindi siya sumagot. Nagbukas siya ng cabinet at kumuha ng iilang damit at nilagay sa maliit na LV rolling luggage. Nairita na ako sa pa-suspense niya kung kaya inulit ko ulit ang tanong. Medyo tumaas na ang boses ko.

"Si Chayong-san. Pinuntahan siya ng mga tauhan ni Papa. Bistado na kung saan siya nakatira ngayon. Binalaan daw siyang pagbalik nila at wala pa rin silang mahihitang balita tungkol sa kinaroroonan n'yong mag-ina rito sa Japan ay malilintikan na siya sa kanila kaya kailangan uli nating umalis. When they come back to her, she'll tell them we're here."

Kinabahan ako, pero nanaig ang inis ko sa papa niya at sa kanya mismo. Hindi ba niya kami kayang ipaglaban? Akala ko nagawa niya itong suwayin dati?

"That was before I filed for nullity of my marriage with Amane. Ngayon may katuwang na siya sa pagtugis sa akin."

"Paano niya nagagawa iyan? Anak ka naman niya? Bakit parang mas mahalaga sa kanya ang Amane na iyon? Ang damdamin ng babaeng iyon?"

Hindi na sumagot si Kaito. Minadali lamang niya akong lumabas ng silid. Siya na ang kumarga sa beybi namin. Pagdating namin sa basement parking, nandoon na ang van kasama si Akio. He looked worried and dead tired. Pagkakita nito sa amin ni Kaito inagaw agad nito ang mga luggages at dinala sa baggage compartment ng sasakyan.

"Naghihintay na ang helicopter sa inyo. Kailangan nating magmadali. May nakapagsabi sa akin na may nag-tip na ng kinaroroonan ng mag-ina mo rito."

"Sigurado ka bang wala nang nakakaalam nitong bago naming lilipatan?"

"Sa ngayon, wala. Oo nga pala, napalipat ko na rin si Chayong-san."

"Siguro'y mas mabuting umuwi na muna si Tita sa Pilipinas," mungkahi ko.

Malungkot na napatingin sa akin si Akio. "Hindi puwede. Nakabantay-sarado sila sa lahat ng airports dito sa Japan at oras na umalis si Chayong-san ay gagawan nila ito ng kaso para makulong nang sa gayon ay may access sila sa matanda para matunton ka nila at ang beybi n'yo ni Kaito."

Natatakot na ako kanina pa kung kaya nanlamig ang kamay ko sa narinig mula kay Akio. Kung ganoon ay nanganganib ang buhay naming mag-ina. Ganoon ba ka halang ang kaluluwa ng papa ni Kaito na kaya niyang ikompromiso ang apo alang-alang lamang sa pangalang nadungisan? Parang hindi yata ito ang lalaking inilalarawan dati nila Tita Chayong at Ate Roselda na na in love sa isang Pinay sa omise ng tiyahin ko. Ang pagkakaalam ko mabait at mapagmahal ang lalaking iyon. Kung hindi nga lang daw nakipagtanan sa nobyong Pinoy ang babaeng iyon ay baka nga raw iniwan niya ang mama ni Kaito para mapakasalan ang Japayuking iyon.

Mga twenty minutes lang ang byahe namin patungo sa helipad ng isang kaibigan ni Kaito sa Nagoya. Ninerbiyos ako habang paakyat sa helicopter. Hindi pa kasi ako nakasakay doon ever. Siguro naramdaman iyon ni Kaito dahil hinuli niya ang kamay ko at pinisil-pisil. Hinawakan pa niya ako sa kamay habang umaakyat.

Nang nasa loob na'y tumabi siya sa akin. Ako ang may karga sa bata. He kissed me softly on the temple before hugging our baby and me.

**********

Wala ring saysay na nagpalit ako ng numero dahil nalaman pa rin iyon ni Papa. Pagka-hello ko, galit na boses niya agad ang narinig ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na by hook or by crook ay kailangan mong balikan si Amane-chan, ha? Hindi ka na nahiya! Kung kailan halos kapanganakan na ng asawa mo'y saka mo siya hiniwalayan!"

"Ilang ulit ko rin bang sasabihin sa inyo na hindi akin ang pinagbubuntis niya?"

"Kalokohan! Gusto mo lamang balikan ang babaeng iyon! Ano ba meron sa babaeng iyon na wala sa asawa mo?"

Awtomatikong nag-flash sa isipan ko ang hubad na katawan ni Pipay---ang malasutla niyang kayumangging balat na natural na natural ang dating at hindi produkto ng tanning salon lamang, ang malaki at nngungusap niyang mga mata, ang malalantik na pilik mata, at higit sa lahat ang maumbok niyang dibdib. Kahit saang anggulo mas maganda ang tunay kong asawa. Pero siyempre, hindi lang naman iyon ng ginusto ko dahil maganda rin naman si Amane. Kung ibang lalaki siguro'y baka siya ang pinil nilai. Pero mayroon si Pipay na katangiaan na nagpapangiti sa akin. Kahit wala siyang ginagawa'y natutuwa ang puso ko sa tuwing nasa paligid siya.

"Ano ba ang ginusto n'yo dati sa entertainer na iyon?"

Binabaan ako ng telepono.

**********

Pagbukas ko ng email, bumulaga kaagad sa mga mata ko ang kung ilang mensahe mula kay Yamauchi-san. Ang dalawa sa mga iyon ay pinadala niya noong pag-uwi ko ng Pilipinas. May himig-pagtatampo ang boses niya dahil ni hindi man lang daw ako nagpaalam sa kanya. Ang iba nitong emails ay nitong nakaraang buwan lang. Simpleng pangungumusta. Na-touched naman ako na naalala pa niya ako. Kung sa bagay, minsa'y binalak niya akong ligawan. Palagay ko kung nanatili ako sa Japan noon ay baka natuloy iyon.

Before I knew it, I composed an email for him. Sinabi ko sa kanyang may asawa na ako. Hindi ko lang sinabi na si Kaito iyon. Sinend ko agad ang reply ko sa kanya. Makalipas ang dalawang minuto, may sagot na siya agad.

"Fereru-sensei! Ohishashiburi ne! (Long time, no see!) Ogenki desu ka. (How are you?) Nihon ni imasu ka. (Are you in Japan now?) Aitai desu yo! (I miss you!) Osaka ni irunara, aimashou! (If you're in Osaka, let's meet up!"

Ayaw ko na sanang sagutin iyon, pero for old time's sake naisip kong it was the least I could do dahil naging mabait naman siya sa akin noon. Hindi ko dinetalye sa kanya ang lahat pero sinabi kong nasa Japan na ako ulit. Nag-reply na naman siya agad. This time humingi siya ng picture ko at ni beybi. Naghanap ako ng larawan naming dalawa ng anak ko at sinend ko sa kanya. Ang reply niya'y nagpakunot sa noo ko.

"She looks like somebody I know."

Napansin ko agad na tama ang pagkaka-construct niya ng English sentence. Kung sino man ang naging guro niya pag-alis ko, ang galing-galing niya't malaki ang improvements ni Yamauchi-san.

**********

"Anak!" sambit ni Mama nang makita ako sa Ritz-Carlton Kyoto. Sinalubong ako nito ng mahigpit na yakap at halik. "Bumalik ka na ng Osaka, please. Harapin mo ang papa mo."

"Kung iyan ang pag-uusapan natin, Ma, mabuti pang huwag na nating ituloy ang lunch date na ito," sabi ko at nagbalak nang mag-walk out sa kanya.

Hinawakan niya ang isa kong braso.

"Kaito, anak," pagsusumamo niya.

Hindi na nga niya binanggit ang tungkol sa pakikipagkita ko kay Papa. Nag-usap kaming parang wala kaming kinakaharap na problemang mag-anak. Mayamaya pa'y nagulat ako sa tanong niya.

"Kumusta sila?"

May dinukot siya sa purse niya at pinakita niya sa akin ang larawan ni Filipa at ni beybi. Natigilan ako. Paano nakarating sa kanya iyon? Nag-usap ba sila ni Filipa nang hindi ko alam?

"She looks just like you," sabi nito at napangiti nang pilit. Nang titigan ko siya sa mata, I saw tears welled up in her eyes. "I miss the good old days."

"Hindi ko alam na ka-text mo siya," kaswal kong komento. Hinuhuli siya. Kinakabahan na ako nang mga sandaling iyon dahil baka natunton na ng mga tao ni papa ang kinaroroonan ng mag-ina ko.

"Somebody just sent it to me." Nang usisain ko kung sino umiling-iling lang siya. Hindi na raw importante iyon. Ang saya lang daw niya na nakita ang hitsura ng kanyang apo.

Hindi ko naiwasang huwag magkuwento tungkol sa beybi ko. Like a proud father, I told her how cute my daughter is. Nagbida pa akong nakaka-crawl na siya at nagre-respond na kapag kinakausap namin ni Filipa. Ang dami niyang tanong tungkol sa bata na masaya ko namang sinagot. Naghiwalay kaming mag-ina na parehong magaan ang kalooban.

**********

Nagising ako sa sunud-sunod na tunog ng buzzer. Ang alam ko nasa Kyoto pa si Kaito at may inasikasong business transactions. Ang bilin niya sa akin, huwag magpapasok kahit na sino. Tiningnan ko ang relo sa dingding. Alas kuwatro pa lang ng hapon. Two hours pa bago ang uwi ni Kaito. Dali-dali kong inayos ang sarili at sinilip sa monitor sa tabi ng pintuan kung sino ang panauhin. Wala nang tao sa labas. Nakahinga ako nang maluwag. Kung sino man iyon, nagsawa na rin siguro sa kado-doorbell. Babalik na sana ako sa kuwarto nang biglang bumukas ang pintuan at nagsipasukn ang dalawang hindi kilalang mama. Inatake ako ng takot at kaba. Bago ko pa sila masita, sinambilat na nila ang magkabilang braso ko at kinaladkad ako palabas ng condo. Nagpumiglas ako para makalaya sa pagkakahawak nila pero para lamang akong nakikipagbuno sa pader. May tinawagan ang isang mama at pinaakyat sa unit namin para kunin ang beybi ko. Doon na ako nag-hysterical. Pero wala akong nagawa dahil tinakpan nila ng panyo ang mukha ko. Nagdilim agad ang paningin ko. Paggising ko'y nakagapos na ang dalawa kong kamay sa likuran ko. Nakaupo ako sa isang silya. May dalawang mama sa harapan ko na naglalaro ng card games. Sinulyapan nila ako nang maulinigan ang pagdaing ko. Ang sakit-sakit kasi ng nakagapos kong kamay at paa. Parang bumaon doon ang lubid.

"Gising na siya. Tawagin mo na si Boss," anang isa.

"Ang beybi ko?! Ang beybi ko?!" daing ko sana sa kanila pero ungol lang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil nakabusal ito.

Umakyat ng hagdan ang napagsabihan. Mayamaya pa'y nakita kong lumabas mula sa isang elevator ang papa ni Kaito. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko sukat-akalain na mapapaaga ang pagtatagpo namin. Noon hindi ko masyadong binigyang-pansin ang mga pananaot niya dahil naisip kong kaya kaming bigyang-proteksiyon ni Kaito. Pero ngayon, ba na ang nararamdaman ko,

Minanduan niya ang isang tauhan na tanggalin ang busal ko sa bibig.

"Ang beybi ko? Ano ang ginawa mo sa beybi ko?"

"Relax, Ms. Ferrer. Hindi ako masamang tao. Kahit sabihin pang galing sa iyo ang bata, apo ko pa rin iyon. Hindi ko iyon sasaktan."

Humagulgol ako. Nagmakaawang dalhin nila sa akin ang beybi ko.

"Pakakawalan lamang kita kung ipapangako mong lalayuan mo ang anak ko. Tutulungan kitang magtago sa kanya kKahit dalhin mo pa ang bata."

Napaiyak ako. Hindi ko kayang malayo kay Kaito kahit isang araw lang. Pero ano ang gagawin ko? Baka saktan nila kaming mag-ina?

Naudlot ng pag-uusap namin dahil parang may bagyong dumating. Si Kaito! Kinabahan ako. Nanlamig ang buo kong katawan nang makitang nagsisulputan mula kung saan ang hindi kilalang mga mama. Nakatutok ang mahahaba nilang baril kay Kaito. Dahil sa matinding takot na baka magpatayan ang mag-ama nang dahil sa akin nagdilim na naman ang paningin ko. Paggising ko'y nasa isang silid na ako. Puti ang kurtina at kulay ng dingding. May nakakabit na IV fluid sa isa kong kamay. Nakita kong nakatungo sa tabi ko si Tita Chayong. Nakaupo ito sa nag-iisang silya roon. Nagising ito nang gumalaw ako.

"Filipa! Okay ka na ba? Kumusta ka?"

"Si Kaito, Tita? Si Kaito?"

Malungkot na napatingin sa akin si Tita Chayong. Nanginig ang katawan ko sa labis na pangamba.

"Huwag kang mabibigla, ha? Ano kasi---"

"Ano'ng nangyari kay Kaito?" Pumiyok na ang boses ko.

"Sshh, ano ba? Makakasama sa iyo ang labis na pag-aalala." Ginagap niya ang isa kong kamay. "N-nabaril si Kaito ng isang tauhan ng ama niya. Nasa ICU na siya ngayon. Ang sabi ng doktor, ligtas na siya kaya huwag kang mag-alala."

Nag-hysterical ako. Ini-imagine ko pa lang kung ano ang nangyari matapos akong mawalan ng malay at kung paano nabaril si Kaito halos mapipigtas na ang hininga ko. Nataranta si Tita Chayong. Pinindot nito ang button sa gilid ng kama ko na may nakasulat na nurse's station. Dumating agad ang isang nurse at tinurukan ako ng pampakalma.

Paggising ko, nasa ganoong silid pa rin ako. This time, hindi na nag-iisa si Tita Chayong. Nandoon na si Ate Roselda na kung anu-ano ang pinagkukuwento sa tiyahin ko. Nagtatawanan silang dalawa nang dumilat ang mga mata ko.

"O, gising na pala si Sinderela. Akala ko'y kailangan pang dalhin dito ang prinsipe mo para mahagkan ka't magising sa sandaang taon mong pagtulog."

Nangunot ang noo ko. Ano ba ang pinagsasabi ng oka-lokang ito?

Hinampas siya ni Tita Chayong. "Tange! Baka si Sleeping Beauty ang ibig mong sabihin?"

"Ay, hindi ba si Sinderela ang natulog ng isang daang taon?" inosente nitong tanong sa amin. Napailing-iling ako. Kahit namomroblema ako kay Kaito, napangiti niya ako. "Ganyan. Kailangan mong mag-i-smayl, Pipay, kasi pumapanget ang babae kapag lagi na lang umiiyak."

Natigil kami sa pambubuska kay Ate Roselda dahil bumukas ang pintuan. Niluwa nito si Furukawa-san. Umusbong agad ang galit sa dibdib ko. Kahit takot tinitigan ko siya nang masama. Pinabatid ko ang pagkamuhi ko sa kanya.

"Siguro nama'y nakapag-isip ka na," sabi nito sa lenggwahe nila. "Huwag kang mag-alala. Ngayon din ay ibibigay ko ang perang kakailanganin n'yong mag-ina."

"Hindi ko kailangan ang pera n'yo!" galit kong sagot. May diin ang bawat kataga ko.

Ngumiti siya sa akin nang pilit. Huwag daw akong tanga. Kung nagawa raw niyang ipabaril ang anak, mas lalong madali para sa kanya ang mag-utos para ipapatay ako. Napasinghap si Tita Chayong.

"Huwag kayong mag-alala, Furukawa-san. Nag-usap na kaming mag-tiya. P-payag kami sa nais mong mangyari."

Nagprotesta ako pero pinandilatan ako ni Tita. Sa bawat tangka kong magsalita, pinuputol niya ito. Silang dalawa ni Furukawa-san ang nag-usap. Nakangiti nang matamis ang matanda nang lumabas ito ng silid.

"Tita Chayong naman, e!" galit kong asik sa kanya.

"Tumigil ka! Pasalamat ka't niligtas kita sa tiyak na kapahamakan! Huwag nang matigas ang ulo! Para rin ito sa kapakanan n'yong mag-ina."

Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

**********

Naramdaman kong may tao sa paligid. Gusto kong idilat ang mga mata pero ang bigat-bigat nito.

"Kaito, nais kong malaman mong mahal na mahal kita. Ikaw lamang ang minahal ko nang ganito."

"M-mahal din kita, Filipa. Ikaw lang din ang minahal ko nang ganito," hiyaw ng isipan ko. Binuka-buka ko ang bibig pero walang boses na lumabas.

May humalik sa pisngi ko. Nabasa ang aking mukha. Gusto kong damhin ang kanyang pisngi pero hindi ko maiangat ang mga kamay ko.

"Pagaling ka, ha? Mahal na mahal kita. Ikaw lamang ang mamahalin ko ngayon at magpakailanman."

Napangiti ang puso ko. Ang arte talaga ng Filipa na ito kahit kailan. Pero nag-uumapaw sa tuwa ang puso ko sa mga sinabi niya. Nang maibuka ko na ang mga mata, hindi si Filipa ang nakita kong nakaupo habang natutulog sa sofa katabi ng hinihigaan kong kama kundi si Mama. Napaiyak ito nang makitang gising na ako.

"S-si Filipa? Nasaan siya?"

Pinindot nito ang nurses' station button sa gilid ng kama ko.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?" tanong agad sabay upo sa gilid ng kama ko.

"Si Filipa, Ma?"ulit ko.

Naiyak ang mama ko.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 26.2K 61
Beatrice Maurice Antonio ~ Simple, matalino, mahirap (di naman masyado!) Alexis Falcon ~ Mayaman, mayabang, habulin ng babae at nagpapahabol naman, m...
385K 6.4K 25
I'm rich. No. Let me rephrase that. My family is rich. Not just rich. Isa kami sa kinikilalang pinakamayaman sa mundo. I'm smart. I go to one of t...
67.3K 547 32
READ THIS! PROMISE, HINDI MO PAGSISISIHAN d^_^bv
2.4K 217 34
Ito ang kuwento ng isang babae na hindi niya alam na ang mga magulang pala niya ay may kapangyarihan. Nang dumating na ang takdang panahon, dinala s...