Ab Initio

Autorstwa justmainey

63.4K 2.8K 922

Unedited. Published under LIB. Więcej

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Epilogo
Nakamamatay (Special Chapter + Announcement)

Kabanata 9

3.2K 168 58
Autorstwa justmainey

Kabanata 9: From the Beginning

"AHH!"

Napapitlag si Yhinn nang muling sumigaw ni Anya kasabay ng kulog at malakas na patak ng ulan sa labas. Pumikit siya nang mariin para pakalmahin ang sarili pero kahit anong pilit niya ay hindi mawala ang pagpapawis at malakas na kabog ng kanyang dibdib. Madilim sa buong kabahayan, walang ilaw, walang kandila. Wala lahat.

Maraming nakakalat na kandila't posporo sa lapag pero walang may lakas para magsindi nito. Lahat sila, tulala. Lahat sila, parang nauupos na sigarilyo. Lahat sila, parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang tanging gusto lang naman ni Yhinn at ng iba ay ligtas na makauwi. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang hirap-hirap abutin no'n. Parang pati kalikasan ay hindi nakikisama sa kanila.

Nang muling kumulog ay umalingawngaw na naman ang boses ni Anya. Nakita ni Yhinn na pinagagalitan at pinatatahimik ito ni Divina pero umismid lang ito. Sa huli'y nauwi lang sa irapan ang dalawa. Bumuntong-hininga na lang siya at pinasadahan ng palad ang buo niyang mukha. Pagkuwa'y binasag niya rin ang katahimikan.

"Ano nang gagawin natin?"

Hinarap siya ni Grace na ngayon ay kagat-kagat ang labi. "Yhinn, ayokong sabihin 'to pero pwede bang maghiwa-hiwalay tayo? H-hindi ko kayang pagkatiwalaan lahat. Gulong-gulo na 'ko." Humikbi ito at napaawang ang labi niya.

Tumayo naman si Divina. "For the first time, sasang-ayon ako sa'yo, Gracia. Pero kahit sasang-ayon ako sa'yo, wag mong kalimutan na gusto pa rin kitang patayin."

"Divina," bulong ni Ulyses.

"What?! Nagsasabi lang ako ng totoo! I had enough. Sa ngayon, tingin mo ba may kinatatakutan pa ko? The hell I care with death! Mamatay kung mamamatay!" Nagkuyom ito ng palad bago nagpatuloy, "Ang hindi ko matatagalan ay 'yung makasama sa iisang lugar ang killer o killers!"

"Pero mas maganda kung magkakasama tayo, hindi aatake ang kriminal kung alam niyang matibay ang samahan natin. Kung hindi tayo maghihiwa-hiwalay," paliwanag ni Yhinn pero halatang hindi kumbinsido ang iba. "Zaira, Anya, Neo, Gerard, Eugene, ano'ng masasabi n'yo?" Binalingan niya ang mga ito pero lahat ay nag-iwas ng tingin bukod kay Eugene na marahang tumango sa kanya.

Nang sumigaw na naman si Anya dahil sa kulog ay tumayo na si Divina at hinigit si Ulyses. "Wala kaming mapapala sa kakasigaw n'yo. Mula ngayon, hihiwalay na kami sa inyo. Sa taas lang kami, wag n'yo nang alamin kung saang kwarto." Nagsindi ito ng kandila at tuluyan nang lumakad paalis.

Sunod namang tumayo si Zaira, Anya at Gerard. Nang magsindi ng kandila si Zaira ay alam na ni Yhinn ang nagaganap. Nagkakanya-kanya na naman ang lahat. Gusto niyang sawayin ang mga ito lalo nang unti-unti ring tumayo si Neo sabay hila kay Mikaella saka nagsindi ng sariling kandila.

"Mag-ingat kayo, Yhinn," ani Zaira sa kanya at naglakad na ito kasama ang dalawa nitong kaibigan.

Wala na siyang nagawa kundi tumango at bumuntong-hininga. Tuluyan nang naubos ang tiwala ng bawat isa sa isa't isa. Hindi niya masisi ang mga ito pero hindi niya mapigilang magngitngit. Kung kailan kailangang magkaisa ay saka naman nagkanya-kanya ang mga kasama. Naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Eugene habang nagsisindi ng kandila si Grace kaya napalingon siya rito.

"Gusto kong subukang alamin kung clue nga ba talaga 'yung mga pangalan," seryosong sabi ni Eugene.

Binalingan ito ni Grace. "Alam mo, Eugene, nagsasalita ka lang kapag nand'yan si Yhinn. Ikaw, ha?" Sabay turo nito sa kanya.

Napakurap naman siya sa sinabi ng kaibigan pero pagkaraa'y napangiti rin. Halata sa mukha nito ang takot at pagod pero kaya pa rin nitong paminsan-minsang magbiro. Hindi pa rin nagbabago si Grace, sa isip-isip niya. Pasimple siyang bumaling kay Eugene at tinanguan ito.

"Gusto ko rin," aniya sabay lahad ng envelope rito. "Pero ikaw muna ngayon. Babalikan kita, aakyat muna kami ni Grace. Papatulugin ko siya." Nanliit ang mga mata ni Eugene sa sinabi niya pero hindi niya 'to pinansin. Suminghap naman si Grace sa gilid. "Wag ka nang kumontra, Grace. Tingnan mo 'yang eye bags mo, sobrang laki na. Tara!"

Hinigit na niya ang kaibigan bago pa ito makapagreklamo. Siya na mismo ang humawak sa kandila at saka tuluyang naglakad paakyat. Ngunit hindi pa man tuluyang nakaaakyat sa hagdan ay mabilis niyang nilapitan si Eugene at hinawakan sa baba. Napapitlag ito at halatang nagulat sa ginawa niya.

"Baka gusto mong sa katabing kwarto ka na lang para mas safe? Kahit hindi ko sure kung talagang safe." Sabay kamot sa ulo niya.

"Hindi na, dito na lang ako. Kaya ko ang sarili ko."

Tumango-tango siya. "Babalik ako, pangako," bulong niya. "Mag-iingat ka."

"Hihintayin kita." Puno nang takot ang mga mata nito pero pinilit nitong ngumiti nang matamis sa kanya. Dahil doo'y napangiti na rin siya.

* * *

TATLUMPUNG minuto na ang nakalipas mula nang magsimula si Eugene sa paghahanap ng clue pero hanggang ngayo'y bigo siya. Una'y wala naman kasing kakaiba sa mga pangalan nila. Pangalawa, ang ibang mga pangalan ay hindi niya mabasa dahil mukhang nabasa ang papel. Pangatlo, sa hindi malamang dahilan ay hindi siya makapag-concentrate sa tuwing nakikita niyang nakasulat ang salitang YhiGene. Hindi niya alam pero bigla-bigla na lang siyang napapangiti at mapapailing. Sa tingin niya nga'y nababaliw na siya.

Huminga siya nang malalim at hinilot ang sentido. Nilingon niya ang hagdanan pero hanggang ngayon ay wala pa rin ni anino ni Yhinn. Gusto na niya itong sunduin sa taas pero pinipigilan niya ang sarili. Ibinaling na lang niya ang atensyon sa papel at muling nag-isip. Kung hindi ito clue, ibig sabihin ay nagsasayang lang siya ng oras sa wala. Pero wala rin namang mawawala kung susubukan niya kaya nagpatuloy siya.

Divina Santillan, Ivy Mae del Fierre, Eugene Torres, Vince Almeniana, Gerard Montablan, Ulyses Lucas Benedicto, Nigel Peter Vidall, Mikaella Polo, Isaac Cruz

'Yan lang ang mga pangalang kaya niyang basahin dahil maayos pa ang pagkakasulat. Ang iba ay hindi na maintindihan dahil nabasa raw ng kung ano. Pumikit siya nang mariin at lumapit sa kandilang may sindi para mas makita ang mga pangalan. Napailing pa siya nang biglang kumulog at makarinig siya ng sigaw mula sa itaas. Si Anya talaga, sa isip-isip niya. Habang tinitingnan ang listahan ay bigla siyang napasinghap. Lumapit siya sa liwanag ng kandila para masiguro ang nakita at totoo nga! Sa ibabang bahagi ng papel ay nakasulat ang mga katagang... Ab Initio.

"Bakit? Ano'ng ibig sabihin no'n? Ab Initio ang pangalan ng resort, may iba pa bang ibig sabihin 'yun?" sambit niya. Mas lalo niya tuloy ginustong makita si Yhinn para mahingi ang opinyon nito. Tinapik-tapik niya ng ballpen ang maliit na mesa sa harap niya. Huminga siya nang malalim at mariing nag-isip.

Ab Inito. Ab Initio. Ab... Napapitlag siya nang biglang maalala ang literal na kahulugan ng salitang iyon. Kung tama ang pagkakaalala niya ay napag-aralan niya iyon sa Sociology. Sa parte kung saan tungkol sa legal marriage ang paksa. Dekada man ang nakalipas ay natatandaan niya pa rin ang paulit-ulit na pagsambit ng paborito niyang propesor sa tatlong salitang iyon. Void ab initio. Void... ab initio. Void from the beginning.

Napatayo siya at napasuntok sa hangin. "From the beginning," bulong niya. Pero mabilis ding napaupo nang may tanong na mabuo sa kanya. "Paano naman naging parte ng clue 'yon?" Napakamot siya sa ulo. Mahaba-habang isipan 'to.

ALAS tres na ng madaling araw at eksantong isang oras na rin ang lumipas pero wala pa ring konkretong salita o mga salitang nabuo si Eugene para makatulong sa kanila at magsilbing palatandaan sa mga krimen. Malakas pa rin ang ulan sa labas kaya naman wala siyang ibang magawa kundi mapahilamos sa mukha. Hindi niya akalaing ganito kahirap ang umalam ng katotohanang pilit ikinukubli ng kung sinuman.

Nag-inat-inat siya at muling tumingin sa hagdan. Katulad kanina'y wala pa ring Yhinn na bumababa mula roon kaya mas lalo siyang nawawalan ng ganang magpatuloy. Mula sa upuang kahoy ay lumipat siya sa sofa at doon piniling humiga kahit saglit. Bumuntong-hininga siya dahil sa kaisipang bigo siya. Sa paghiga niya ay may naramdaman siyang matigas na bagay sa likod niya. Kunot-noo niya 'yong kinuha at mas lalong napakunot-noo sa nakita--ang cell phone ni Divina. Wala siyang balak pakialaman 'yon pero dala ng kuryosidad ay isa-isa niyang hinanap ang mga mensaheng sabi ni Divina ay hindi nito maintindihan pero nanggaling daw sa sim card ni Barry.

Pero nang buksan niya ang unang mensahe ay awtomatikong na tumambad sa kanya ang buong usapan ng dalawa. Para bang isa itong private chat kung saan mababasa ang palitan ng mensahe ng dalawa. Ayaw man niyang basahin iyon ay hindi hindi niya mapigilan ang sarili nang mabasa niya ang unang text message, isang buwan na ang nalilipas.

3-21-14. 6:01P. Wala si Grace sa bahay, let's have sex.

Nanlaki ang mga mata ni Eugene at mabilis na napakuyom ang kamao. Hindi siya makapaniwala sa nabasa niya kahit na may ideya na siya dahil sa naging usapan ni Ulyses at Divina sa kwarto noon. Nagbuga siya ng hangin. Hindi man siya malapit kay Grace ay malapit naman si Yhinn dito. At siguradong masasaktan ito kapag nalaman nito ang lahat. Kunot-noo niyang binasa ang ibang mensahe at walang humpay na paglunok ang ginagawa niya sa bawat nakaririmarim na usapang tumatambad sa kanya.

3-24-14. 10:07A. Barry: Come to my office. Do me. I miss being inside you.

3-24-14. 10:08A. Divina: Give me 5 mins.

3-28-14. 11:20A. Barry: Lunch date later?

3-28-14. 11:25A. Divina: Kasama ko si Ulyses. Date your wife instead para di makahalata.

Nanlalamig siya sa mga nababasa. Unti-unti siyang nagkakaideya sa mga nabasa. May relasyon si Barry at Divina habang walang kamalay-malay si Grace. Hindi niya alam kung kaya niya pang ituloy pero sa huli'y nanalo pa rin ang kyuryosidad at ang pag-asang makakatulong kay Yhinn at Grace ang mga impormasyong matutuklasan niya. Hindi niya akalaing mas titindi pala ang mga mababasa niya.

4-6-14. 12:03A.Divina: I'm three weeks pregnant, Barry! Nagtatanong si Ulyses pero dineny ko. Alam kong siya ang ama nito pero baka hindi siya maniwala! Natatakot ako!

4-7-14. 4:08A. Barry: What? Kanya talaga yan di ba? God, he should be the father! He should! Pero alam niyang manliligaw mo ang nangyayari satin! Patahimikin mo yan o ako ang magpapatahimik sa kanya. I'll call you.

4-10-14. 8:29A. Divina: Sasama daw ako at si Ulyses sa training ng mga baguhan sabi ni Zaira the HR bitch manager. Kasama ka ba?

4-15-14. 6:09P. Barry: Kasama ako. Grace will be with me.

4-15-14. 6:10P. Divina: What?! No fun!

Naging atat si Eugene sa pagbabasa ng kasunod pero isa lang ang napansin niya sa mga sumunod na mensahe... si Divina na lang ang nagpapadala ng messages.

4-20-14. 11:30A. Divina: You're avoiding me? Bakit? Nagsawa ka na? Tapos mo na kong gamitin?

4-20-14. 11:35A. Divina: Call me! Barry!!!

4-23-14. 8:01P. Divina: I saw you with her. Sweet ka na ulit sa kanya? Tang ina! Manggagamit!

4-24-14. 9:01A. Divina: I like, Ulyses, pero hindi ko gustong iniiwasan mo ko! After using me, you'll just dump me like a hot potato?!!! Makakaganti din ako sayo! Mamamatay ka din! But don't worry, I like you still.

Mabilis ang pintig ng puso ni Eugene at panay ang patak ng pawis sa noo niya. Nakailang lunok siya dahil nakaramdam siya ng takot kay Divina. Ang huling text nito ay waring nagbabanta. Umiling-iling siya at napakunot-noo nang makita ang mga huling mensahe mula kay Barry. Ito siguro 'yung sinasabi ni Divina, sabat ng utak niya. ccc; Oside; Own; 3F3R.

Bumalik ang alaala niya sa panahon kung kailan dumating ang unang message, 'yon ay nang mamatay si Ivy. Habang ang tatlong huli ay magkakasunod na dumating noong magkaro'n ng signal sa lugar. Kumunot ang noo niya at napakagat-labi.

"Ivy, ccc, ano'ng...." Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang lahat. Parang kidlat na gumuhit sa kanya ang kasagutan sa apat na huling mensaheng nabasa niya. "Ccc dahil namatay si Ivy sa cubicle 3. S-si Vince, sa labas. Outside?" Lumunok siya at isinulat ang mga pangalang ito sa papel gamit ang listahang hawak niya.

"Isaac, own, namatay sa sariling kwarto. At ang huling pinatay... si Nigel, 3rd floor, 3rd room. Bloody hell. Sinubukan ba kaming balaan ng killer? Pero bakit? Paano?"

Nanginginig siya habang nagsusulat saka napahilot sa sentido. Pero hindi pa tapos, ano ang kinalaman ng Ab Initio? Tinitigan niya ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ng mga namatay at napasinghap siya dahil alam na niya ang kulang. Mabilis niyang inabot ang pulang ballpen at gamit ang nanginginig na kamay ay isang pangalan ang inilagay niya sa taas ng pangalan ni Ivy. Ang kauna-unahang taong namatay. From the beginning... ang taong nagsimula ng lahat. Dave Barry Ong.

Mas tumindi ang panginginig niya nang mula sa mga pangalang iyon ay nalaman niya kung sino ang pumapatay.

Dave Barry Ong

Ivy Mae del Fierre

Vince Almeniana

Isaac Cruz

Nigel Peter Vidall

DIVIN-

"Nasa panganib si Anya!" sigaw niya.

* * *

AGAD na tinakbo ni Eugene ang ikalawang palapag ng villa habang isa-isang isinisigaw ang pangalan ng mga kasama. Hindi na niya alintana kahit halos magkandatapilok na siya sa pagmamadali, isama pa ang pawis na kanina pang tumatagaktak sa kanyang noo hanggang pisngi. Nang marating niya ang unang kwarto ay kumatok agad siya. Marahas, mabilis, pero walang sumagot kaya't lumipat siya sa kabila. Mahigpit niyang hinawakan sa kaliwang kamay ang dalawang bond paper at ang cell phone ni Divina habang patuloy na kumakatok sa bawat pinto.

"Yhinn, Anya, Zaira, nasa'n kayo?!"

Gusto niyang isigaw na alam na niya kung sino ang pumapatay at ang posibleng rason sa likod nito pero hindi niya ginawa. Sa isip niya'y baka marinig ng kriminal at tuluyan na itong kumilos kahit hindi naaayon sa unang plano. Kailangan niyang maging maingat kung gusto niyang mailigtas ang buhay ng iba. Sa unang pagkakataon ay nabigyan siya ng kakayahang magligtas ng buhay, bagay na hindi niya magawa noon kahit biniyayaan siyang makita ang masamang mangayayari sa hinaharap sa taong nasa malapit lang sa kanya.

Muli niyang itinuon ang atensyon sa paghahanap sa mga kasama nang bigla siyang makarinig ng sigaw mula sa ikatlong palapag. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa't mabilis na niyang tinungo ang pinanggalingan ng sigaw. Nang makarating siya sa ikatlong palapag ng villa ay limang tao agad ang natanaw niyang nagtatalo-talo sa hallway--si Ulyses, Anya, Zaira, Gerard at Divina. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nangagalaiting mukha ni Divina. Hindi na siya nag-isip at hinila si Anya palapit sa kanya dahilan para magtinginan ang iba.

"Eugene! Masakit, ha? Makahila ka naman, wagas," sabi ni Anya habang nakaismid. Pumiglas ito sa pagkakahawak niya pero hindi niya 'to pinakawalan.

Lumunok siya, tinitimbang sa utak kung ano ang gagawin niya. Kung ihahayag ba niya ang nalaman sa harap mismo ng salarin o itatago niya muna para makapagbuo siya at ang iba ng konkretong plano para maisahan ito.

"Kailangan nating mag-usap, Anya. Zaira, Gerard, sumama na rin kayo." Sa huli'y pinili niya ang huli. Natatakot siyang kapag ibinunyag niya'y imbes na bumuti ay mas lalong lumala ang sitwasyon. Gusto niyang maging maingat sa mga hakbang na gagawin. Ang mahalaga sa ngayon ay mailayo rito si Anya dahil sigurado siyang ito ang susunod na papatayin base sa listahan.

Tumaas naman ang kilay ni Divina. "Hindi pa kami tapos mag-usap nitong si Zaira." Bumaling ito rito. "Hoy babae, unfair kung ikaw lang ang may hawak ng mga susi! Wala akong pakialam kung sa'yo 'yan ipinagkatiwala ng kung sinumang poncio pilato pero pa'no kung ikaw ang killer? Edi madali mo kaming napasok ni Ulyses sa kwarto namin?" mahabang litanya nito saka naglahad ng palad. "Makakaalis lang kayo kung ibibigay mo 'yung susi ng tutuluyan naming kwarto. Maliwanag?"

Narinig niya ang mahinang pagpalatak ni Zaira bago tuluyang nagbato ng susi kay Divina. "Ayan! Hanapin mo na lang kung sa'ng kwarto 'yan susi. Bwisit, daming arte."

"Pwede na ba kaming umalis?" sabat niya. Umirap pa si Divina bago tumango sa kanya. Tumalikod na siya at hinila si Anya pero bago pa man makahakbang ay umalingawngaw ang tili ni Divina dahilan para kabahan siya. Lumunok siya bago dahan-dahang lumingon dito pero nakalapit na pala ito sa kanya.

"Eugene! Cell phone ko 'yan, ah? Bakit nasa'yo?"

Nanlamig si Eugene napaatras sa tanong ni Divina. Ibinuka niya ang bibig para magsalita nang makarinig siya ng tagiliran niya. Binalingan niya ang suminghap ng tingin at halos panawan siya ng ulirat nang makitang hawak-hawak ni Anya ang papel na pinagsulatan niya ng kanyang mga natuklasan.

Napasapo siya sa noo habang pinapanood ang paglapit ni Gerard at Zaira kay Anya para makibasa. Kitang-kita niya kung paano nanlaki ang mga mata ng mga ito saka sabay na umiling-iling.

"Imposible," ani Gerard bago tumingin kay Divina na ngayon ay katabi si Ulyses at maagap na sinusuri ang sariling cell phone. "Divina."

"Umalis na tayo dito," bulong ni Eugene pero huli na, nakalapit na si Zaira kay Divina at nasampal na ito. Mabilis na itinulak ni Ulyses si Zaira na ngayon walang patid na ang pag-iyak. Habang si Anya ay tulala pa rin sa sulok.

"Fuck you, Divina! Matagal na kitang pinaghihinalaan pero isinantabi ko 'yon at inisip na hindi mo kayang pumatay! Inisip kong mabuti ka pa ring tao kahit na masama ang ugali mo! Pero, hayop, hayop ka! Kriminal! Walang puso!" nanggagalaiting saad ni Zaira. "Ano papatayin mo din ako? Go! Hindi na 'ko natatakot sa kamatayan! Wala na 'kong kinatatakutan. Hayop ka!" Inawat ito ni Gerard pero hindi naman ito nagpapigil.

"A-ano bang sinasabi mo d'yan? Nababaliw ka na ba?" bulong ni Divina nang makabawi sa pagkabigla.

Kumala sa pagkakahawak ni Gerard at Zaira, inagaw kay Anya ang hawak nitong papel saka lumapit kay Divina at isinampal sa mukha nito ang sa tingin nito'y ebidensya. "Tingnan mo, Psycho."

Pinanood ni Eugene ang pagbabago ng ekspresyon ni Divina nang makita nito ang papel. Nagsimula sa naguguluhan, napalitan ng pagkainis, galit, lungkot at ngayon ay umiiyak na ito habang nakayakap kay Ulyses. Wala siyang ibang magawa kundi panooring madurog ang puso ng bawat isa.

[End of Kabanata 9]

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

139K 3.5K 50
Collection of quotes from the best manga series created by Gosho Aoyomo, Detective Conan.
35.1M 762K 45
The students of Special Section are dying, one by one. Some say it's a curse, but the transfer student believes that someone is killing her classmate...
2.9K 343 26
It was December 4, 1999, and Mary Dedios, a cheerful, well-rounded, and kind young lady, had been reported missing. No one knows what happened or whe...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...