My Man in the Mirror (✔)

By xarisagape

1.4K 109 13

Isang hopeless romantic ang drama ni Sydney sa edad na bente siyete. No boyfriend since birth kasi siya at pr... More

My Man In The Mirror
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Epilogue
AUTHOR'S NOTE
Author's Note v.2
SPECIAL CHAPTER
TEASER
OPEN LETTER
My Man in the Mirror
HELLO 2020 #QuaranThink

Chapter 9

59 5 0
By xarisagape

MABUTI na lang talaga at hindi makalat ang nobyo niya. Hindi siya nahirapang linisin ang unit nito. At kung anong ayos ng ibang parte ng bahay nito, mas doble pa yata ang ayos ng kwarto nito. Very manly ang kabuuan ng silid nito. Plain lang ang ayos nito pero hindi maikakailang lalaking-lalaki ang dating nito. Ang kulay abong dingding nito ay nakapagpapakalma sa kaniya. Hindi niya inaasahang makakapaghatid sa kaniya ng ganoong pakiramdam ang kulay na iyon. Tinernuhan pa iyon ng malaking cabinet na gawa sa kahoy. Varnis ang nagsilbing pangkulay ng bagay na iyon. Nasasabik tuloy siyang ayusin ang mga damit nitong nakalagay roon. Para namang nag-iimbita rin ang king-sized bed nito. Ang ayos ayos ng pagkakalapat ng puting beddings at unan roon. Nakakahiyang magtatalon doon kung alam mong hindi ka pa naliligo. Baka kasi mamantiyahan iyon at makapangit pa sa malinis nitong itsura. May lampshade din na nakapatong sa kulay itim na small drawer cabinet na nakapwesto malapit sa kama nito. Dahan dahan siyang naupo sa kama nito at may kung anong kuryosidad ang bumangon sa kaniya ng muling matuon ang tingin niya sa maliit na drawer cabinet. Pigil ang hiningang hinatak niya ang bawat drawer niyon. Pero naka-lock ang mga ito. Ganoon na lang ang panggigilalas niya nang mabuksan ang ikatlong drawer. Kaagad niyang hinatak iyon at para namang ulan na nag-alpasan ang luha niya nang sumalubong sa kaniya ang isang wedding invitation. Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya iyon. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang litratong nakapailalim sa invitation na hawak niya. Malinaw na malinaw na nakikita niya ngayon ang imahe ng dalawang taong dahilan ng unang kabiguan ng kaniyang puso. That was an image of Luke and Lindsay. Nakayakap ang binata rito mula sa likuran at halata ang sayang bumabalot sa mukha ng mga ito.

Bakit na sa'yo pa ang litratong ito, Luke? Don't tell me...

Kinuha rin niya ang naturang larawan at mas lalo lang nagkapira-piraso ang puso niya nang makita ang wedding picture ng mga ito. Nahagip din ng kaniyang mga mata ang tila kumikinang na bagay sa sulok niyon. Kaagad niya iyong inabot at napag-alaman niyang singsing pala iyon. Marahil, ito ang wedding ring nito.

Habol ang hiningang napahawak siya sa kaniyang dibdib. Unti-unting nagiging malinaw sa kaniya na niloloko lamang siya ng binata. Kung bakit naman kasi sinunod sunod pa niya ang puso niya? Kung alam lang niyang ito lang pala ang mapapala niya, sana hindi na siya sumugal. Ang tanga tanga niya para maniwala sa mga ipinapakita nito. Dapat pala talaga, siniguro muna niya ang totoong estado nito kay Lindsay. Pakiramdam tuloy niya ay pinaglaruan lang siya ng binata. Sa naisip ay biglang sumilay ang imahe ni Lindsay at Luke ngayon sa kaniyang imahinasyon. Pareho itong nakatingin sa kaniya at may panunuyang sinasabi ng mga ito kung gaano siya katanga.

Hindi na siya nag-abala pang basahin ang wedding invitation na hawak niya. Mabigat ang loob na ibinalik niya ang larawan at singsing sa drawer at isinara iyon. Nanghihinang lumabas siya sa kwarto ng binata at nahahapong kinuha ang bag niyang nakapatong sa center table na nasa living room. Wala nang dahilan para magtagal pa siya roon. Anong malay niya? Baka kaya tuwing weekend lang siya pinapapunta ng binata roon ay hindi dahil sa busy siya sa trabaho tuwing weekdays kundi dahil sa nasa bahay nito ang asawa nito. Ang tanga talaga niya. Bakit ba hindi man lang sumagi iyon sa isip niya? At talagang may balak pa yata itong gawin siyang mistress? Ngayon lang niya napagtantong napakagaling palang artista ng binata. Dahil napapaniwala siya nito sa mahigit tatlong buwan ng relasyon nila. No wonder, baka pasukin na rin nito ang pagdidirektor once na magsimula na ang pagha-handle nito sa tv network na pasisimulan ng kompanya ng pamilya nito. Ibinalita na rin kasi nito sa kaniya na finally ay natapos na rin ang pag-aasikaso roon at ang binata nga ang napiling mamahala noon.

"Oh, Ma'am Sydney, hindi n'yo na po ba hahantayin si Sir Luke?" salubong sa kaniya ni Mang Nestor nang makarating siya sa security.

"Ah... Hindi na po," aniya at pasimpleng pinunasan ang namamasa niyang mukha. Tila nakikisimpatya namang tinignan siya ng matanda.

"Okay lang po ba kayo?"

"Actually, no. I'm not. Please po, Mang Nestor. Huwag n'yo na pong banggitin kay Luke na nanggaling ako rito," aniya at mabilis na tinalikuran ito.

Kaagad siyang pumunta sa parking lot at nang makasakay na sa loob ng kaniyang sasakyan ay tuluyan ng bumuhos ang mga luhang pilit niyang pinipigilan kanina.

"Luke! Bakit nagawa mo sa akin ito?!" sigaw niya at humahagulgol na napayukyok siya sa manibela. Ang sakit sakit ng puso niya ngayon. Mas masakit ang nararamdaman niya ngayon bukod noong unang beses na nasaktan siya dahil sa mga ito. Of all people, bakit si Luke pa ang nagpapasakit sa kaniya ng ganito ngayon? Ano bang nagawa niyang kasalanan dito samantalang wala naman siyang ibang ginawa kundi ang mahalin lamang ito. Mali na ba ngayon ang magmahal? Kaya ganito na lang kung saktan siya ngayon ng binata? Kung natuturuan lang ang puso, sana matagal na niyang nasupil ang nararamdaman para rito.

18 months later...

HINDI mapigilan ni Luke ang pangingilid ng luha habang pinapanood ang kabuuan ng documentation na unang proyekto ng bagong segment sa kanilang network. Isa iyong travel documentation na kung saan mag-pi-feature sila ng iba't-ibang lugar sa Pilipinas. The hidden and undiscovered beauty of the country, to be exact. Iyon talaga ang proyektong buong puso niyang tinutukan sa ngayon. Lalo pa't siya ang nag-suggest niyon. Magagaling rin ang mga researcher na nakuha nila kaya hindi siya nabigo nang personal niyang dalawin ang mga lugar na ipinrisinta sa kaniya ng mga tauhan. At nang masiyahan sa mga nakita ay ipinagkatiwala na niya sa mga ito ang gagawing proyekto. Inabisuhan na lamang niya ang mga tauhan na ipakita sa kaniya ang nasabing project oras na matapos na nila ito.

"Sir, this documentary will be our first episode for the show. Mindy suggested this place. Napanood niya raw minsan sa blog ang lugar na ito at kinilig raw siya sa kwentong nasa likod nito," pagbibigay alam sa kaniya ni Jonas. Napatingin tuloy siya sa itaas upang pigilan ang luhang pabagsak na sa kaniyang mga mata.

Paano nga ba niya makakalimutan ang lugar na iyon gayong ito ang itinuring niyang personal haven and sanctuary niya? Ito ang lugar kung saan ipinangako niyang dadalhin niya rito ang prinsesang makakasama niya sa habang buhay? Ang burol na ito ang nagsilbi nilang tagpuan noon ni Sydney. Naalala niya tuloy ang reaksiyon nito nang unang beses na dinala niya roon ang dalaga. Nagmistula itong bata na nakakita ng paborito nitong Disney character.

Ah, Sydney! Nasaan ka na ba?

Isa at kalahating taon na rin ang nakalilipas. Parang de javu na nangyari na naman ang kinatatakutan niya. Bigla na naman itong nawala nang hindi niya alam ang dahilan. Ilang beses siyang nagpabalik balik noon sa tinitirhan nito ngunit wala roon ang dalaga. Maging ang mga magulang nito ay hindi rin nagsasabi sa kaniya kung nasaan ang anak ng mga ito. Wala ring ideya ang pinsan nitong si Wincy maging ang matalik na kaibigan nitong si Trina. Nang puntahan naman niya ito sa pinagtatrabahuhan ay napag-alaman niyang nag-resign na pala ang dalaga. Makailang beses niyang sinubukan na tawagan ito ngunit nakapatay ang linya nito. Ganoon na lang ang sakit na naramdaman niya ng ma-realize na wala na naman sa tabi niya ang babaeng minamahal. Napakagaling pa namang magtago ng huli. Halos isang dekada rin siya nitong tinaguan noon at hindi niya maaatim na maghintay pang muli ng isang dekada para lang magtagpo sila ulit. Pero paano naman niya makikita ang dalaga gayong kuntodo ang pag-iwas nito sa kaniya? Hindi niya alam kung bakit biglang naging ganoon ang kinahitnan ng relasyon nila. Akala pa naman niya ay magiging masaya na rin sila, sa wakas. Sa pagkakaalam niya ay wala naman silang pinagtalunan ng dalaga kaya palaisipan talaga sa kaniya kung bakit ito lumayo?

"How did she found out this blog?" tanong niya rito.

"Ms. Sydney is quite popular because of her travel blog. Siya talaga ang unang blogger na pumasok sa isip namin noong ibinalita ninyo ang tungkol dito sa proyekto. Kaya nga pinursige po talaga ng team na alamin ang mga lugar na na-i-feature na nito sa blogsite nito."

Napatango naman siya sa sinabi nito, "nakausap n'yo ba siya?"

"We're actually planning to ask a permission from you, Sir. Naisip po kasi naming malaki ang magiging hatak ni Ms. Sydney sa audience kung makakasama natin siya sa proyekto. She has her own charm to captivate the heart of the audience. Halata kasi ang passion nito at appreciation sa ginagawa. And we've heard that she's a freelancer now. Maraming gustong mag-offer sa kaniya at talagang gusto naming maunahan ang mga iyon."

"Alam ba niya kung anong background ng company natin?"

"No, Sir. Walang nakakaalam na sister company ng H&A Group of Company ang network natin. Ang tanging nakakaalam lang ay ang malalaking tao sa industry pero sa publiko? Hindi pa po nasasabi iyon. Lalo pa ngayon na balak pong ianunsiyo iyon sa kaarawan ni Mr. Sebastian," tukoy nito sa kaniyang Lolo. Muntik na niyang makalimutan iyon. Mabuti na lang at efficient ang kaibigan niyang si Jonas. Hindi siya nagkamali na kunin ito.

"Oh, sige. Pinapayagan ko na kayo sa plano n'yong iyan. But please, can you do me a favor about this?" may pakiusap na sabi niya rito.

"Sure. Sino kami para tanggihan ang boss?" makahulugang sabi nito sa kaniya.

"Pare, hindi ko alam. Pero ang awkward pala kapag pormal tayong nag-uusap," naiiling na sabi niya at tinapik ang balikat nito.

Natawa naman ito sa sinabi niya at sinabi na nga niya rito ang pabor na nais ipagawa rito.

NAKUKULITANG sinagot ni Sydney ang tawag sa messenger niya. Hindi niya kilala ang Jonas Cruz na noong isang araw pa nangungulit sa kaniya. Kung alam lang niyang ganito ang gagawin ng taong iyon ay hindi na sana niya in-accept ang request nito.

"What?" naiiritang sabi niya. Dinig naman niya ang pagtawa nito mula sa kabilang linya.

"Is this Ms. Sydney Lozero?" tila naaaliw na tanong nito sa kaniya.

"Kung ako nga siya, may magagawa ka ba?" sarkastikong sagot niya rito at iniikot ang mga mata.

"By the way, I'm Jonas Cruz from AMB TV Network. We've heard that you're a freelancer now and one of our researcher suggested that you're a good catch for our upcoming travel documentation show..." marami pa itong ipinaliwanag sa kaniya at may kung anong nabuhay sa dugo niya nang lubusang maunawaan ang sinasabi nito. He even offered a big amount of compensation! Sino siya para tumanggi? Isa ang AMB TV Network sa mga bagong network ng media ngayon sa bansa. Hindi kaila sa kaniya ang bali-balitang magaganda raw ang mga documentation na ipini-feature doon. Maganda rin ang takbo ng news and current affairs doon na masasabi niyang patas talaga at reliable kung sa paghahatid ng balita lang ang magiging usapan. Baguhan man sa industriya ay hindi maitatangging isa ang kompanya sa tinatarget niya matapos niyang mag-resign sa trabaho, isa at kalahating taon na ang nakararaan.

Stop thinking about him! Saway ng kaniyang isipan. Bigla na naman kasi niyang naalala ang binata. Isa at kalahating taon na rin ang nakalilipas pero hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal niya para rito. Heto nga at maisip pa lamang niya ito ay hindi niya maiwasang ma-miss ito.

"Okay, Sir. Just text me the full detail. I'll give you my contact number after this call... Yes, po... I would gladly consider the offer... See you..." nakangiting ibinaba niya ang tawag at napausal na lang siya ng dasal habang tinititigan ang cellphone niya.

Sa wakas! Magkakaroon na rin siya ng dahilan para kahit paano ay ma-divert ang atensiyon niya. Isa pa, matagal na rin niyang pangarap ang naturang trabaho. Hirap at may alinlangan lang talaga siyang pasukin ang field na iyon gayong ang layo naman ng kurso niya sa nasabing trabaho.

"Here comes the new chapter of my life!" nakangiting sabi niya sa replikang nakikita sa salamin. Malungkot na ngiti ang kasunod na sumilay roon nang maalala ang pagsisindi niya noon ng kandila sa tapat ng salamin at ang mukha ni Luke ang nabungaran doon.

Matapos ibigay kay Mr. Cruz ang mga detalyeng hinihingi nito sa kaniya ay kaagad niyang hinarap ang laptop niya. Kaagad siyang naghanap sa internet ng image ng isang salamin. Nang ma-download iyon ay agad siyang tumipa sa keyboard ng kaniyang laptop. This time, walang kinalaman sa natatagong ganda o kapaligiran ng Pilipinas ang isusulat niya. Bagkus, isusulat niya ngayon ang isang pangitain o tanawing natanawan niya noong mga panahon na pinaniwala niya ang sarili na sa pamamagitan ng salaming iyon, makikita niya ang taong sa kaniya ay itinakda.

Gusto kong maniwala na tama ang sabi-sabing iyon. Gusto kong angkinin ang imahe ng taong nasilayan ko nang aking gawin ang bagay na iyon. Gusto kong papaniwalain ang puso kong tayo talaga ang itinakda. Na katulad ng salaming ito, masaya kong pagmamasdan ang nakangiti mong mukha. Mukhang punong-puno ng pagmamahal. Mukhang makakasama ko sa habang buhay...

Hindi naman siguro masama kung ipo-post niya ito. Pagbibigyan na lang niya ang sarili. Hindi rin naman siguro makakarating sa binata ang blog post niyang iyon gayong hindi naman niya nabanggit dito ang tungkol sa blogsite niya. Isa pa, alam niyang masiyado itong abala kaya wala na rin itong panahon na mag-aksaya ng oras para magbasa pa ng mga ganoong klase ng babasahin sa social media.

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
411K 21.7K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.