My Man in the Mirror (✔)

By xarisagape

1.4K 109 13

Isang hopeless romantic ang drama ni Sydney sa edad na bente siyete. No boyfriend since birth kasi siya at pr... More

My Man In The Mirror
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Epilogue
AUTHOR'S NOTE
Author's Note v.2
SPECIAL CHAPTER
TEASER
OPEN LETTER
My Man in the Mirror
HELLO 2020 #QuaranThink

Chapter 7

59 6 0
By xarisagape

KUNG noon, suki siya sa kantiyawan dahil sa pagiging single ng status niya sa tuwing may ganitong klase ng pagtitipon. Ngayon naman, kotang-kota na siya sa pangangantiyaw ng mga tao sa paligid niya. Pakiramdam niya tuloy ay kanina pa siya namumula at sa malamang ay dinaig na rin niya ang kulay ng kamatis o mansanas.

Kakatapos lang kasi ng activity na pakulo ngayon dito sa reception ng kasal nila Wincy at Red. Hindi pamilyar sa kaniya ang naturang aktibidad kung saan ang lahat ng single na babae at lalaki sa mga bisita ay pipiringan at maghahanap ng makakapareha. Nang masiguro niya kanina na may kapareha na siya, sinimulan na niyang kapain ang pitong perdible na nakakabit sa damit nito. Dahil sa hindi naman niya narinig ng malinaw ang instruction kanina, hayun at kinarir niya talaga ang pagkapa ng naturang bagay sa kabuuan ng kung sinumang tao na nakapareha niya.

Akala kasi niya kanina, kung sino ang matatalo, sila ang magkakaroon ng naturang parusa. Pero nang sa wakas ay makumpleto na niya ang pitong perdible. Kaagad pinatigil ng emcee ang aktibidad at masayang inanunsiyo nito na sila nga ang nanalo. Pinatanggal sa kanila ang suot nilang piring at ganoon na lang kabilis ang tibok ng puso niya nang mapagtantong si Luke pala ang kapareha niya!

"Whoa. Mga loko loko talaga ang mga kolokoy na 'yon!" may amusement na pahayag ni Luke matapos nitong tanggalin ang piring.

"B-bakit?" natutulirong tanong niya. Kung bakit ba kasi kailangan pang magrambulan ng kung anong elemento sa puso niya? Ano naman kung si Luke ang nakapareha niya? Wala dapat maging kaso doon.

"Pilit nila akong hinahatak kanina eh. Bumubulong pa ang mga loko that I'll surely enjoy this one," umiling pa ito ngunit halata pa rin ang amusement sa mga mata nito. Sumasayaw ngayon ang mga mata nito, marahil sa tuwa o sa kalokohang ginawa ng mga kaibigan nito.

Masigabong palakpakan naman ang sumalubong sa kanila. Nandoon na naghihiyawan pa ang mga tao lalo na nang lumapit sa kanila ang bagong kasal at iniabot sa kaniya ni Wincy ang hawak nitong pumpon ng mga bulaklak na siyang hawak nito kanina sa kasal. Iniabot naman ni Red ang traditional garter kay Luke. Kaagad naman niyang nakuha ang punto ng mga nangyayari ngayon. Kaya pala ganoon na lang ang hiyawan at kantiyawan. Hindi rin nakaligtas ang mapanuksong tingin ng pinsan niya.

"Sabi sa'yo eh. Magkaka-lovelife ka na talaga ngayong araw," bulong sa kaniya ni Wincy at niyakap siya ng pagkahigpit-higpit. "I'm really happy for you. Sana naman this time, huwag mo nang sayangin ang chance," makahulugang dugtong pa nito sa sinabi. Bago pa man siya makapagtanong sa narinig ay agad na silang iniwan ng mga ito.

Masaya na ngang inanunsiyo ng emcee ang susunod nilang gagawin. Pinaupo siya sa isang upuan na sadyang inilaan para sa babaeng maswerte umanong makakakuha ng bouquet. Hindi naman nagtagal ay nakita na niyang lumuhod sa harapan niya ang prinsipeng hanggang ngayon pala ay pinapangarap pa rin niya. Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng sobrang kaligayahan sa mga oras na ito. Palihim niyang hinihiling na sana hindi na matapos ang oras. Dahil pakiramdam niya sa mga oras na ito, nakakulong sila sa isang mundo na silang dalawa lang ang tao. Isang mundo kung saan makakasama niya ito sa hirap at ginhawa, sa tuwa at lumbay, sa dulo ng walang hanggan.

"Are you okay?" may pag-aalalang tanong nito. Sinalubong nito ang tingin niyang marahil sa mga oras na ito ay punong-puno ng emosyon. Alam niya, kung susuriin at sisisirin nitong maigi ang kailaliman sa bintana ng kaniyang kaluluwa, hindi malabong makita nito kung gaano niya ito kamahal.

Kung pwede ko lang sabihin sa iyo ngayon din ang nararamdaman ko!

Tumango siya rito at nginitian ito. Hindi nagtagal ay bahagya na nitong nililis ang kahabaan ng kaniyang suot na gown. Nang makuntento na ito sa pagkakataas ng laylayan ng suot niya na hindi man lang umabot sa kaniyang tuhod ay sinimulan na nitong isuot sa kaniyang binti ang hawak nitong garter.

Hindi man sinasadya ay naglapat ang kanilang balat. At ganoon na lang ang paninigas ng kaniyang katawan nang maramdaman ang nakakakiliting sensasyon na dulot ng pagkakadikit ng kanilang balat. It's actually a strange feeling that only Luke would make her feel this way. It's addicting. Nakakaliyo ang bolta-boltaheng kuryente na nanunulay ngayon sa kaniyang katawan.

Kaagad naman itong tumayo nang umabot na sa ilalim ng kaniyang tuhod ang isinuot nitong garter. Inilahad nito ang kamay sa kaniya at buong puso niya iyong tinanggap. Inalalayan siya nitong makatayo at muli na namang pumailanlang ang sigawan at hiyawan ng mga tao ng magkapanabay silang humarap sa mga ito. Kaagad naman silang kinunan ng litrato ng official photographer.

"Mabuhay ang mga bagong ikakasal!" anunsiyo ni Jace. Kaklase ito ni Luke noong kolehiyo at isa ito sa mga tinutukoy na kolokoy ng binata. Kasalukuyang kasama nito ang best friend nitong si Maurice at sa kabilang panig naman ay ang kasintahan nitong si Kyla. Nakilala niya ang mga ito noong minsang dumalaw ito sa bahay nila Wincy. Ito ang sumundo kay Luke noong araw na nagkausap sila sa kubo.

Sa pagkakaalam niya ay matagal na ang relasyon nila Jace at Kyla. At halata namang mahal nila ang isa't-isa. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng panghihinayang sa tuwing nakikita niya si Maurice. Para kasing mas bagay ito at si Jace. Hindi niya maintindihan pero may iba siyang pakiramdam sa magkaibigang iyon.

"Thinking about something?" napasinghap siya nang maramdaman ang mainit na hininga ni Luke nang bumulong ito sa kaniya. Kaagad tuloy nabaling ang pansin niya rito.

"A-ah. Oo naman. Naiilang lang ako sa sinasabi nila," amin niya rito.

"Don't mind them. Panigurado namang mas mauuna pang ikasal sila Jace at Kyla sa atin," anito at inakay na siya pabalik sa pwesto nila kanina.

Dinadaan na lang niya sa ngiti ang mga mapanuksong tingin sa kanila ng mga bisita.

"Hey, kiss naman diyan!" tukso ni Maurice sa kanila nang mapadaan sila sa pwesto ng mga ito.

"Mau, manahimik ka nga riyan," saway naman dito ni Jace.

"Bakit ba? Kanina nang ikaw ang nangangantiyaw, okay lang. Tapos ngayon? Kapag ako, bawal?" nakakunot noong tanong naman ng dalaga sa kaibigan.

Napapalatak na lang si Jace at binalingan silang dalawa, "pasensiya na kayo sa kaibigan kong 'to ha? Hindi kasi naturukan ng pampakalma kanina."

"Jace!" namumulang saway ni Maurice dito dahilan para matawa sila. Maging si Kyla ay parang aliw na aliw sa magkaibigan. Halatang sanay na rin ito sa pagkukulitan ng dalawa.

"Alam n'yo, kung ako sa inyo. Intindihin n'yo na lang ang kung ano mang dapat ninyong ma-realize," makahulugang sabi naman niya sa mga ito. Naaliw tuloy siya sa pagtatakang gumuhit sa mukha ng dalawa. "Magkamukha kayo," dagdag pa niya at agad nang inaya si Luke pabalik sa pwesto nila. Hindi na niya hinantay ang dalawa na makabawi sa sinabi niya. Ganti na lang niya iyon sa pang-aasar ng mga ito.

"Hindi mo dapat sinabi iyon, Kyla is there," ani Luke nang alalayan siya nitong makaupo.

"Wala naman akong binanggit na iba pa bukod doon. And I don't think Kyla would mind what I said. Eh, halata ngang aliw na aliw rin siya sa dalawa," depensa niya. "Saka isa pa, hindi mo ba napapansin? May something sa magkaibigan na iyon eh."

"Matagal na naming napapansin iyon. Pero kaagad din naming tinatanggal sa isipan namin iyon. Sa maniwala ka man o hindi, mahal na mahal nila Jace at Kyla ang isa't-isa. At aware si Maurice doon."

"Aw, nalulungkot ako para kay Maurice."

"Bakit naman?"

"For sure, ang hirap ng pinagdaraanan niya."

"Paanong mahirap? She's not even in love with her best friend!" natatawang sabi nito. Para bang nakakasigurado ito sa sinabi.

"Ah, basta. May something talaga sa kanila," giit niya rito.

"Don't mind them, okay? Kung totoo man ang pakiramdam mo. Hayaan mo nang sila ang maka-realize noon. Intindihin mo 'yong sarili mo. Tayo," malambing na pahayag nito at hinawakan nito ang kamay niya. Pinisil nito iyon at kakatwang nagustuhan niya ang ginawa nito. Mayamaya pa'y nakakulong na ang kaniyang palad sa kamay nito. Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit wala naman itong iba pang sinasabi matapos magkadaupa ng palad nila, hayun at parang nagkakaunawaan na ang mga puso nila.

Tayo? Napangiti siya sa naisip nang maalala ang huling salitang sinabi nito. Pag-ibig nga naman!

NAKAPIKIT siya habang sinasamyo ang amoy ng bulaklak na katatanggap lamang niya ngayon. Nandito siya ngayon sa kaniyang opisina at pangatlong araw na rin niyang nakakatanggap ng ganoon mula nang bumalik siya. Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng kasal ng pinsan niya. Hindi na siya nagpalipas pa ng magdamag sa San Agustin dahil sinadya niya noong hanggang sa araw lang ng kasal ang leave na na-file niya. Ayaw niya kasi talaga noong patagalin ang pag-stay sa lugar. Pero kung alam lang niya na kabaligtaran pala ng mga naiisip niya noon ang mangyayari sa kaniya sa pagbabalik niya, sana pala ay pinahaba pa niya ang vacation leave niya. Wala namang magiging kaso kung isang buwan pa siyang mag-file ng leave sa kompanya nila. Kahit pa nga ang boss niya mismo ay ipinipilit na sa kaniyang magpahinga naman siya. Masiyado kasi niyang pinupukpok ang sarili sa trabaho. Sa kasalukuyan nga kapo-promote lang niya bilang HR Manager ng kanilang department. Sa murang edad ay mabilis niyang naabot ang naturang posisyon. At hindi naman kataka-taka iyon gayong malugod namang sinang-ayunan ng mga kasamahan niya ang naturang promotion niya.

"At muli na namang nagparamdam ang mahal na prinsipe," pang-aasar sa kaniya ni Trina. Kasamahan niya sa trabaho ang bestfriend niyang iyon. Sa pagkakaalam niya ay kakabalik lang nito sa trabaho mula sa honeymoon nito sa Maldives.

"Kamusta naman ang Maldives?"

"Hay, nako. Ilang beses mo na bang tinanong sa akin iyan?" Trina rolled her eyes. Naupo ito sa upuang nasa tapat ng table niya. "Huwag mo nang iligaw ang usapan. Noong isang araw pa ako nahihiwagaan diyan sa secret admirer mo, eh. First time kasi kitang naabutan na inaamoy ng buong puso ang bulaklak. Iba rin, friend! Punong puno ng pagmamahal," usisa nito at may panunudyong nginitian siya nito.

"Wala 'to! Ang OA mo mag-observe!" tanggi niya.

"Pwede ba, Sydney? Kilala kita. Hindi ka nag-re-react ng ganiyan. Ngayon lang. Come on, spill it. Who's the lucky guy?"

Napahugot siya ng malalim na hininga bago ito sinagot. Wala naman sigurong magiging kaso kung ikwento niya rito ang lahat. Lunch break naman nila ngayon at gusto na rin naman niyang may mapaglabasan ng nararamdaman ngayon. Baka kasi mamaya, sumabog na siya sa sobrang saya. Mula kasi nang makabalik siya ng Maynila ay walang patid ang naging komunikasyon nila ni Luke. Nandoon na halos gabi-gabi silang magkausap sa cellphone at kapag hindi nakuntento ay nagbi-video call din sila. Nagulat na lang nga siya noong isang araw nang may magpadala sa kaniya ng bulaklak. Hindi naman iyon bago sa kaniya pero ang naturang bulaklak lamang ang nagpakaba sa kaniya ng ganoon. It was a bouquet of her favorite flower. Sunflower iyon at nahuhulaan na niya kung sinong nagbigay niyon. No other than Luke. Alam nito ang paborito niyang bulaklak at nakumpirma ang hinala niya nang aminin nitong ito nga ang nagpadala sa kaniya.

"Grabe! Bakit ngayon mo lang ikinwento sa akin iyang unrequited relationship n'yo ng guy bestfriend mo?" impit ang tiling sabi sa kaniya ni Trina matapos niyang ikwento rito ang lahat. Mula noong high school sila hanggang sa kasal ni Wincy.

"Bakit ko naman ikukwento 'yong isang bahagi ng past ko noong ayaw ko naman ng balikan?" nakasimangot na sabi niya rito.

"Pero alam mo, baka nga ito na 'yong tamang oras para sa inyo. Panigurado, nakalagpas na ng EDSA ang prinsipe mo kaya hindi malabong makarating na siya sa'yo," natawa naman siya sa sinabi nito. Naalala niya 'yong palagian niyang sinasabi noon. Na on the way na ang mapapangasawa niya, sadyang na-traffic lang talaga sa kahabaan ng EDSA.

"Ms. Sydney!" magkapanabay silang napalingon ni Trina sa pintuan ng kaniyang opisina. Nakasilip doon ang intern nilang si Katrina. Hindi maipaliwanag ang itsura nito. Para bang pigil na pigil ito sa paghuhumiyaw at pagkikisay. Para itong kinikilig na ewan.

"Bakit?" tanong niya rito.

"May naghahanap po sa inyo!"

"Sino naman?" kunot-noong tanong niya. Pero bago pa man masagot ni Katrina ang tanong niya ay kaagad na lumitaw sa likuran nito ang lalaking kanina lang ay laman ng usapan nila ni Trina.

Makahulugang tumingin naman sa kaniya si Trina at tila ba na-gets nito kung sino ang binatang bigla na lang sumulpot ngayon sa kaniyang opisina.

"Hi," bati sa kaniya ni Luke at napahawak pa ito sa batok nito. Halata ang pagiging uneasy nito. Para itong teenager na nahihiyang harapin ang crush nito.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!