DUYOG (MBS #1)

By NOTAPHRODITE

415K 15.2K 6K

Former A KPOPER IN 1894 [ Mariano Brothers Series #1 ] COMPLETED ✔️ Naniniwala ka ba sa Reincarnation? Pano k... More

DUYOG
Ika-1
Ika-2
Ika-3
Ika-4
Ika-5
Ika-6
Ika-7
Ika-8
Ika-9
Ika-10
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-14
Ika-15
Ika-16
Ika- 17
Ika- 18
Ika- 19
Ika- 20
Ika- 21
Ika- 22
Ika- 23
Ika- 24
Ika- 25
Ika- 27
Ika- 28
Ika- 29
Ika-30
Ika-31
Ika-32
Ika-33
Ika-34
Ika-35
Ika-36
Ika-37
Ika-38
Ika-39
Ika-40
Ika-41
Ika-42
Ika-43
Ika-44
Ika-45
Ika-46
Ika-47
Ika-48
Ika-49
Ika-50
Ika-51
Ika-52
Ika-53
Ika-54
Ika-55
Ika-56
Ika-57
W A K A S
E P I L O G U E : P A R T - I
E P I L O G U E : P A R T - I I
E P I L O G U E : P A R T - I I I
E P I L O G U E : A N G D U L O
PASASALAMAT

Ika- 26

5.6K 228 61
By NOTAPHRODITE

 IKA 26

DUMATING na si Don Crisostomo matapos yung pagpunta niya sa Silayan pero hindi ata naging mabuti yung byahe niya dahil katulad ni Tiya Isabel hindi maganda yung timpla nila ngayon. May bad news ba?

"Dinalhan ko po kayo ng kape, Don Cri—Ama... hehe" nilapag ko ang kape ng pumasok ako sa opisina niya. agad naman siyang napangiti ng makita ako. Tumayo siya mula sa upuan at lumapit sakin para yakapin ako.

Hays, namiss ko din si Ama at syempre si Papa. Yung presence kase nila pareho lang.

"Pasensya ka na kung hindi agad kita napuntahan at sinalubong pag uwi mo galing buklod, Hija. Ngunit, masaya akong nakabalik ka na."

"Ako din po pero... mukhang hindi po maganda ang balita mula sa pagpunta ninyo ng Silayan kaya dinalhan ko po kayo ng kape. May iba pa po ba kayong gusto?" tanong ko. umiling siya at pinatong ang kamay niya sa ulo ko.

"wala na akong mahihiling pa basta ligtas ka anak."

"ah eh... Ama, maaari po ba akong mamasyal kasama si Flora sa labas? May bibilhin lang po kami sa bayan." Nagbeatiful eyes pa ako para dagdag pacute. Wala naman nagawa si Ama kung hindi payagan kami. Syempre ako pa ba? Yun nga lang dapat daw may naka bantay sa amin na guardia personal dahil mahirap na.

Ngumiti ako ulit at nagpaalam sakanya na lalabas na ako para mapagisa siya. Kailangan niya yun siguro muna para makapagisip siya ng maayos. I just hope na kung ano man ang balita galing Silayan ay hindi ganoon ka sama.

Nang sinabi ko kay Flora na isasama ko siya sa bayan, halos mapunit na yung bibig niya kakangiti.

"Basta ipangako mo lamang na magiingat ka, Anak. Kung pakiramdam mo ay may kakaiba, mabuti't umalis na kayo agad at bumalik. Huwag kang kakausap sa kung sino-sino lamang" pa alala ni Ina bago kami hinayaang umalis. feeling ko talaga isa akong elementary student na sinasabihang 'don't talk to strangers' pero di bale na. at least pinayagan ako, kesa naman hindi.

"Saan po ninyo gustong pumunta, Señorita?"

"May magandang lugar ba rito, Tina?" kung tutuusin, marami naman talaga kase hindi pa uso ang mga nagtataasang building at nakakasulasok na usok sa panahong ito kaya nga siguro kahit nasa gitna ka ng palayan, magandang lugar na. Berdeng berde pa ang paligid.

"Hindi ko po alam sa inyo kase kayo naman ang nagyaya."

Oo nga naman pero dahil ang sabi ko kaya ama may bibilhin ako, pupunta na lang kami sa pamilihan. "May mga nagbebenta ba ng mga libro rito, Flora?" tanong ko at napa isip siya. Wala pa namang National Book Store sa panahong 'to kaya hindi ko alam kung saan pwedeng makakuha ng mga libro.

"Sa tingin ko ay Ka-Manuel. May mga libro siyang binibenta ngunit hindi ganoon ka rami. Gusto niyo bang tignan doobn at baka may magustuhan kayo?"

Kinabahan ako bigla. Naalala ko yung mga warning niya sa akin at kung pupunta man ako sakanya, baka kung ano na naman ang malaman ko at hindi ako makatulog sa gabi.

"Ah eh, ayaw ko na pala ng mga libro. Sa pamilihan na lamang tayo ng Alahas o palamuti sa buhok." Palusot ko at napakamot na lang siya sa ulo sa biglang pagbago ng isip ko.

Napadaan kami sa plaza bago narating ang pamilihan. Kaharap nito ang Simbahan at natanaw ko mula sa akin ang bell tower. Bigla na naman akong kinabahan sa taas nito. Ano ba nangyayari sa akin? Parang kahit sa simpleng bagay, natatakot at kinakabahan ako bigla.

Dapat tigilan ko na yung Overthinking.

Pagdating namin sa pamilihan, inutusan ko na lang yung mga guardia personal na sa kalesa na lang sila mag bantay dahil sa malapit lang naman kami titingin ni Flora. Hindi pa sana sila papayag kung hindi ko sila sinamaan ng tingin. Kailangan ko lang silang sindakin para hindi sila bumuntot sa amin.

"Doon tayo Flora!" tinuro ko ang isang pamilihan na nagbibinta ng mga palamuti sa buhok at iba pa. hinatak ko siya at tumingin tingin kami pero mukhang nagaalangan siyang hawakan ito. "Oh, Bakit?" tanong ko.

"wala naman po kase akong pambili para sa mga ito. Mas mabuti na pong huwag akong humawak ng kung ano-ano at baka makasira pa ako."

Biglang nahiya ako. I was lucky to have almost everything pero hindi ako kuntento. Hindi katulad ng mga taong halos walang-wala pero kapag binigyan sila kahit konting bagay lang, sobra-sobra na ang saya nila at kontento sila sa mga bagay na meron sila.

Ngumiti ako at hinawakan siya sa balikat. "Huwag kang magalala. Hindi ba kaibigan mo ako? Bilang kaibigan, gusto kitang bigyan ng regalo. Pumuli ka ng kung anong gusto mo, ako na bahala."

"P-pero Seniorita..."

"Sige na, kahit ano diyan." Nag wink ako sakanya.

Tumingin-tingin pa kami at may nakita akong pangipit na paro-paro. Naalala ko ng may nakita akong paru-paro sa veranda ng kwarto ko at para akong tanga sa pagiging OA ko.

"Tignan mo ito—" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil paglingon ko kay Flora, nakangiti siya habang hawak-hawak ang isang pang ipit din pero rosas ang mga disenyo. Lumapit ako sakanya. "Gusto mo 'yan?" tanong ko. bigla siyang nataranta at ibabalik na lang sana ang pangipit pero pinigilan ko siya. "Akin na, bibilhin ko para sa'yo"

"naku, Seniorita huwag na po—" wala na siyang nagawa dahil binigay ko na sa nagtitinda para bayaran.

"Magkano po?" tanong ko.

"dalawang sentimo lang ho ito, Binibini." Magugulat pa sana ako pero na alala ko, kapag may piso ka pala sa panahong ito, marami ka ng mabibili.

"D-dalawang Sentimo? Nako, huwag na po Seniorita" sinubukan ako ulit pigilan ni Flora pero nag abot na ako ng bayad.

"Salamat ho mga binibini."

"Ayos lang Flora, ano ka ba. Eto" sabi ko at nilagay sa buhok niya ang pangipit na binili ko. oh diba? Ang ganda mo na! nakangiting saad ko at parang maiiyak siya. Bigla niya akong niyakap.

"Maraming salamat ho talaga, Seniorita. Maraming salamat."

"wala 'yon, Flora. Gusto ko naman 'yan ibigay sa'yo. Tara, tumingin pa tayo sa iba." At hinatak ko na naman siya palabas pero ng nasa kabila na kami. May isang taong hindi ko inaasahang makakasalubong. May kasama pa siyang dalawang katulong, isa yung nagdadala ng payon, ang isa naman ay nagdadala ng mga pinamili niya.

Ang maarteng 'to. Hindi naman ganoon ka init pero nagpapayong pa talaga.

"Kamusta, Almira." Bati ni Victoria at tinaasan pa ako ng kilay. Aba!

"Maayos naman. Buti, mukhang maayos na ang kalagayan mo. Noong kaarawan ko kase, kung himatayin ka akala mo ikaw yung nabaril." Sarcastic na sagot ko with matching ngiting inosente. Medyo na offend tuloy siya.

"salamat kung ika'y nag aalala sa kalagayan ko, Almira ngunit hindi na dapat. Hindi ko kase alam na ang mga makakapal na mukha at isang mangaagaw na kagaya mo ay nag aalala din pala sa ibang tao?"

What? Makapal daw ang mukha ko at mangaagaw?

Magsasalita sana ako pero humarang si Flora sakanya. "Wala ho kayo sa posisyon upang pagsalitaan ng masasama ang Seniorita, Binibining Victoria."

"At sino ka naman para tumayo ngayon sa harap ko, isang hampas lupa! Wala kang galang sa nakakataas sa'yo." Sasampalin niya sana si Flora pero agad kong sinalo ang kamay niya. may mga iilang tao ang napapatingin sa amin. Tsk, lagot ako nito kay Ama mamaya kapag nalaman niyang nakikipagsagutan ako ngayon kay Victoria pero hindi bale na.

"Wala kang galang sa nakakataas sayo." Inulit ko yung mga sinabi niya at sinamaan siya ng tingin. Marahan niyang binawi ang kamay niya sa akin at ginantihan din ako ng sama ng tingin.

Unti-unti siyang lumapit pero hinayaan ko siya. Bumulong siya sa tenga ko. "Inagaw mo na lahat sa akin, Almira. Pati ba naman ang si Carlos?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Inagawa ko si Carlos? Pinagsasabi ng babaeng 'to?

"Tinapos na niya ang lahat sa amin. Batid kong ikaw ang dahilan nito, Almira. Pagbabayaran mo lahat ng ito at sisiguraduhin kong masisira ang pangalan at imahe mong iniingat ingatan ng lahat." At padabog siyang lumayo at umalis.

Naiwan akong tulala ng ilang segundo.

Hindi ko alam kung Good news ba na wala na sila ni Carlos o simula na naman ito ng gulo.

"Ano itong nabalitaan kong nagkaroon daw kayo ng sagutan ni Binibining Victoria kanina, Almira?"

Kahit ngayon talaga, ang bilis ng Balita kahit walang internet at social media. Talo ang 86.6 Mbps speed of internet ng korea.

Feeling ko tuloy ngayon nasa isang hearing ako. Si Don Crisostomo yung Judge, si Donya Rebeca yung Abogado, yung mukhang manananggal na Mayordoma yung dadakip sa akin, si Flora ang eye witness, ako yung suspect at yung ibang mga katulong yung audience.

Sasabihin ko na lang ba na nagkaroon lang kami ng friendly debate ni Victoria?

Tsk. Kapag naaalala ko ang mukha ng babaeng yun, tumutubo na naman ang sungay ko. kainis!

"Pasensya na po kayo ama pero, ayaw ko lang po na saktan niya si Flora." Sagot ko.

"Don Crisostomo, mawalang galang na ho. Ako na lamang ang parusahan ninyo, ako po ang may kasalanan. Ayaw ko lamang na sinasabihan ng masasakit na salita ni Binibining victoria si Seniorita Almira. Tatanggapin ko po kahit anong parusa."

"Tama, nararapat siyang parusahan, Don Crisostomo." singit ng Mayordoma. Bwiset na 'to gagatungan pa talaga! Gigisahin ko talaga siya mamaya makikita niya!

"Almira..." tumingin sa akin si Ama. Siya yung sa pinaka dulo at gitna ng lamesa. Katabi ko naman si Ina habang nasa gilid ni Don Crisostomo si Flora at nakatayo at naka yuko. Yung ibang mga katulong at ang mayordoma. Nasa likod naman ni Flora at nakatayo din. "hindi ako nagagalit sa pagtatanggol mo kay Flora. Ngunit kung mayroon man akong natutunan mula sa iyo anak, iyon ay pwedeng idaan ang lahat sa mahinahong paguusap."

Oh, thank God!

Hindi niya ako papagalitan, Yes!

"Hindi kita paparusahan, Flora kung ang nais mo naman ay protektahan ang aking anak at nagpapasalamat ako sa ginawa mo. Kaya sa susunod, kung maaaring umiwas na lamang kayo sa gulo at sa mga mata ng tao ay mas mabuti pa."

"Opo ama, pangako!" halos hanggang tengang ngiti ko.

"M-Maraming salamat po, Don Crisostomo" sabi naman ni Flora. Nag tinginan kaming dalawa at ngumiti.

Matapos ang mahinahong usapan, hinayaan na kami ni Ama na umalis pero sinamaan ko pa ng tingin ang mayordoma sabay action na 'I'm-watching-you' at umakyat kami ni Flora papunta sa kwarto ko.

"Malaki na talaga ang pinagbago ng inyong Ama, Seniorita." Nakangiting sabi ni Flora. Umupo ako sa kama. "at, dahil po iyon sa inyo!" pumalakpak pa siya at natawa ako.

"mabait naman talaga si Ama. Siguro syempre, nais niya lang na maging ligtas ako kaya madalas strikto siya." Sagot ko.

"Tama po kayo. Napakatapang ninyo, Seniorita!"

Ako, matapang? Kung sa bagay.

Kung si Gregorio Del Pilar namatay at the age of 24 to Defend the country and Aguinaldo on Mount Tirad.

Manuel Tinio, defended Nueva Ecija and known as the Magiting of Katipunan.

And Flaviano Yenko died at 22 and known as the hero of Salitran, ako naman...

Thesis pa lang ang nadefend ko mga fren. And I almost died at the age of 19, dahil diyan sinasabi ko sa inyo. Iyan na ang pinakamatapang na ginawa ko.

Hindi man naging national hero, atleast naipasa ko Thesis ko. sapat na yun!

Sinabi ko na lang kay Flora na gusto kong magbasa ng libro kaya ikukuha niya daw ako ng magagandang libro sa Library dito sa bahay.

___

TUMAMBAY ako sa bintana at nangangalumbaba. Iniisip ko yung revelation ni Franco. Hindi ko gets si Almira—I mean hindi ko gets yung sarili ko sa past life ko. sa lahat ba naman ng iibigin ang kapatid pa ng ikakasal sakanya. Kapag niiisip ko talaga, mas lalo lang akong naiistress ng bongga.

Kakatapos lang namin maghapunan pero dahil sa dami ng iniisip ko at mga scenario sa utak ko, Feeling ko nagugutom ako ulit.

Napabuntong hininga ako pero halos napamura ako ng malutong ng naramdaman ko yung sakit sa noo ko. Fetengene! Sino bumato sa akin?!

Marahan akong dumungaw sa labas ng bintana. "Hoy, gabing gabi nambabato kayo. Labas!"

Walang sumagot.

Nilapitan ko yung bato at dinampot ito. Napakunot ang noo ko kase nakabalot ito sa isang papel.

Binuksan ko para tignan pero wala namang nakasulat maliban sa 'Ilapit mo ang papel sa ilaw ng kandila'

Aba! Mambabato na nga lang, uutusan pa ako! Pero ako namang uto-uto sinunod ang nakalagay sa papel. Nilapit ko ito sa ilaw ng kandila at napanganga ako dahil unti-unting nagkaroon ng mga nakasulat.

Wait, alam ko to ah!

Napag aralan ko 'to dati eh! O baka nakwento lang ng Teacher ko. si Jose Rizal daw nagpapadala ng Sulat gamit ang invisible ink kay Leonor Valenzuela. Parang Secret Love letter para hindi sila mabuking tapos kalauan, nalaman ko asin lang pala yung dahilan at tubig kaya naging invisible. Welengye din. May pa Secret Love letter tapos iniwan din siya for spain ni Leonor.

Almira,

Pasensya ka na sa biglaang paglipad ng bato sa iyong kwarto ngunit nais kitang makausap. Maaari ba tayong magkita ngayon sa Gitnang lupa? Hihintayin kita.

Mahihintay,

Carlos.

Anong meron ba sa gitnang lupang 'to at naging meeting place? Hula ko after isang siglo magiging pangalawa 'to sa Luneta park.

Pero dibale na, excited ang lola niyo kaya Gora.

Kaya agad akong lumabas at tumakbo sa banyo. Tumuntong ako at umakyat sa bintana. Hindi naman ako magaling pagdating sa pagakyat pero mukhang masasanay ako nito. Baka in the near future pwede na akong maging spidergirl next to spiderman.

Ng tumalon ako mula sa bintana, hinay-hinay akong pumasok sa taniman ng mga mais. Hindi naman gaanong madilim pa ang paligid at alam ko na din kung saan ako dadaan kaya hindi na ako nahihirapan.

Ng makita ko ang puno ng santol, agad akong kumaliwa at hinanap ang balon.

Pag dating ko, nilibot ko yung paningin ko para hanapin siya pero hindi ko makita. Shems, baka dapat pala hindi ako nagmadali! Mukhang nauna pa ako sakanya dito eh. Hindi ka naman masyadong excited no, Essiah?

Maya maya pa, muntik akong mapasigaw ng may humawak sa kamay ko mula sa likod. Pero may nagtakip sa bibig ko at naramdaman ko ang isang matangkad at matigas na bagay na nakatayo sa likod ko. napasandal kase ako.

"Shhh, Almira. Ako ito" bilong niya at nararamdaman ko yung hininga niya. biglang parang tatalon ang puso ko.

Tumango ako at binitawan niya na ako. Humarap siya sakin at may hawak siyang gasera para magsilbing liwanag sa paligid. Ngumiti siya saka hinawakan ang kamay ko. gusto kong umawra at batukan ang sarili ko kase ang rupok ko pero mamaya na siguro.

"May ipapakita ako sa'yo" sabi niya at hinatak ako. Hindi ko alam kung saan kami papunta basta ang alam ko lang kasama ko siya. (Ess! Malande!)

Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakatayo na kami ngayon sa isang malapad na damuhan napapalibutan ng marami puno sa paligid. Napansin ko din na may telang sa gitna at hinatak niya ako ulit papunta doon sabay lagay ng gasera sa gitna.

Pinaupo niya ako sa tela habang inaalalayan ako at hawak parin ang kamay ko.

Ng makaupo na ako, doon na siya nagsalita.

"humiga ka"

Lumakas yung kabog ng dibdib ko at nanlaki ang mga mata ko. Teka, BAKIT NAMAN AKO HIHIGA?!

DON'T TELL ME!!

OMG.

"C-Carlos... hindi pa ako handa—"

"Upang makita mo yung mga bituin sa langit"

Aw. 'yun naman pala. Diyos ko naman kase, Essiah! Ang dumi-dumi ng utak mo! Kumunot ang noo ni Carlos habang naka tingin sa akin.

"Hindi ka handa saan, Seniorita?"

"H-Ha? Ay wala. Hehe, hihiga na nga ako eh" sinunod ko yung inutos niya at nakaharap ako ngayon sa langit at sa libo-libong mga bituin! OMG.

Napa 'woah' ako at ngumiti ng sobrang laki.

Ang daming mga bituin!

Tumabi siya sa akin pero half lang ng katawan niya yung nasa lupa at naka suporta yung dalawa niyang mga braso habang naka tingala din siya sa langit. "Naisip ko kase na kung materyal na bagay ang ibibigay ko, masisira naman ito o maaring mawala pagdating ng panahon. Natagalan ako sa pagiisip ng ibibigay ko sa iyo hanggang naisip ko na gusto mo pala ang mga bituin. Kaya kita dinala rito. Gusto ko na ako ang kasama mo habang nakatingala sa langit. Isa ito sa mga regalo ko sana noong kaarawan mo."

Napangiti ako pero hindi ko pinahalata sakanya. Buti na lang nakatingin din siya ngayon sa langit at hindi nakikitang namumula yung pisngi ko.

Ano ba ang nangyayari sakanya at biglang lately, ang sweet niya na?

Sobrang ganda talaga tignan ng mga bituin lalo na tahimik ang paligid at tanging hangin lang ang maririnig mo at kuliglig.

"Bakit may ganito pa? hindi ba may binigay ka na sa akin noong nasa Dakbanwa tayo?" tanong ko. humarap siya sa gawi ko.

"Hindi mo ba nagustuhan ito?"

'Hindi, sa katunayan, sobrang nagustuhan ko nga eh. Ang ganda ng mga bituin. Salamat Carlos..." humarap din ako sakanya habang naka ngiti. Ilang minuto akong nakatingin sa mga mata niya at nakikita ko ang mga bituin dito. Ang ganda.

Habang naka ngiti, itinaas ko ang kamay ko at kumaway sa mga bituin. Gumaya din sa akin si Mariano Carlos at kumaway din siya kaya mas lalo akong napangiti. Mapupunit na ata yung bibig ko.

"Seniorita?"

"Hmm?"

"Nabalitaan ko kase na nakabalik ka na kaya gusto kitang makita."

Bakit gusto mo akong makita Carlos?

Ano ba talaga ang meron?

Dapat na ba akong mag assume ngayon?

"Carlos, kanina... siguro nabalitaan mo na ang nangyari sa amin ni Victoria, pasensya ka na"

"hindi, ako dapat ang humingi ng tawad sa'yo."

"Pero bakit kayo naghiwalay, Carlos? Ang sabi mo sa akin na siya yung mahal mo at gusto mo siyang ipaglaban kaya bakit mo siya binitawan?"

Hindi siya nakasagot ng ilang segundo sa tanong ko. napa buntong hininga muna siya.

"Hindi pa ako sigurado sa ngayon sapagkat gulong-gulo ang isipan ko, ngunit sa mga nangyayari ngayon, isa lang ang alam ko. dapat ko nang putulin ang kung ano man ang meron kami."

"Bakit nga?"

"Ikakasal ako sa'yo Almira..."

Dug dug dug dug

Nakipaghiwalay siya kase ikakasal siya sakin?

"Ang sabi sa akin ni Ama, kapag nagkaroon na ako ng sarili kong pamilya, ako dapat ang magiging magandang ihemplo sakanila. Ang mga magiging anak kong lalake, sa akin nila makikita kung paano tratuhin ng tama ang isang babae. Kaya naisip ko, ayoko nang magtaksil habang itatakda tayong ikasal, Almira. Gusto ko, kapag nagkaroon tayo ng anak, makikita nila at matututunan ang magagandang asal na magsisimula sa atin bilang magulang nila."

Dug dug dug dug

Dapat na ba akong kiligin?

Para daw sa magiging mga anak namin...

Shet. Mga talaga? Bakit feeling ko ang dami?

Natahimik kami ng ilang segundo bago siya ulit nagsalita.

"Almira?"

"Carlos?"

"Masaya akong kasama ka"

Ako din, Carlos. Sobra.

Ipagpapaliban ko na muna yung mga bagay na gusto kong itanong sa kaniya. Ang mahalaga lang ngayon ay kasama ko siya at ayokong masira ang ito.

"Carlos, Salamat dito. Salamat kase pinakita mo sa akin ito."

"basta para sa iyo... Almira"

Continue Reading

You'll Also Like

266K 8.6K 47
Unang Libro. Isang simpleng buhay mayroon ang isang Celestiel Irene Serna at kontento na siya sa lahat ng mayroon siya lalo na't sapat na sa kaniya n...
5.7M 18.4K 5
Heartless, ruthless, and merciless-four legendary gangster princesses bound by their thirst for revenge. They are the four Fujiwara sisters. Despite...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 69.9K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
It Started At 7:45 By Azul

Historical Fiction

228K 10.2K 48
Binigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan lang siya dahil bakit siya binigyan nito n...