I'm not the only one (ToLine)

By iamcertifiedtorpe

105K 1.7K 136

Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan... More

Note.
Chapter-1
Chapter-2
Chapter-3
Chapter-4
Chapter-5
Chapter-6
Chapter-7
Chapter-8
Chapter-9
Chapter-10
Chapter-11
Chapter-12
Chapter-13
Chapter-14
Chapter-15
Chapter-16
Chapter-17
Chapter-18
Chapter-19
Chapter-20
Chapter-21
Chapter-22
Chapter-23
Chapter-24
Chapter-25
Chapter-26
Chapter-27
Chapter-28
Chapter-30
Chapter-31
Chapter-32
Chapter-33
Chapter-34
Chapter-35
Chapter-36
Chapter-37
Chapter-38
Chapter-39
Chapter-40
Chapter-41
Chapter-42
Chapter-43
Chapter-44
Chapter-45
Chapter-46
Chapter-47
Chapter-48
Chapter-49
Chapter-50
Chapter-51
Chapter-52
Chapter-53
Chapter-54
Chapter-55

Chapter-29

1.4K 31 2
By iamcertifiedtorpe



Isabel's POV...



Pak!


Isang malutong na sampal ang natanggap ko kay Jus, at pakiramdam ko nga ay nabingi ako ng mga ilang segundo sa lakas ng sampal na yun.


Wala na rin kasi akong nagawa kundi aminin sa kanya ang nagawa kong pakikiapid ko sa iba.


She caught me in the act, kaya wala na rin ang choice kundi sabihin sa kanya ang totoo.


"Fck! Bakit Isabel!? Bakit!?" Gigil na tanong nito.


Parang nalunok ko ang dila ko ngayon dahil walang lumalabas sa bibig ko ni isang salita, yung kaninang gigil ko kay Jan ay biglang naglaho ng parang bula ng mahuli kami ni Jus na naghahalikan.


"Sobrang mahal na mahal ka ni Diana ng Anak mo hindi pa ba sapat yun? Para hindi ka maghanap ng atensyon ng iba!?" Muling tanong nito.


"I--Im sorry.. Hindi ko rin alam Jus, nangyari nalang" Mahinang tugon ko.


Hindi naman ito sumagot at halatang may malalim iniisip. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa may Garden pinaalis na rin ni Mom si Jan after kaming mahuli, mabuti na nga lang hindi nagfreak out si Jus agad at hinintay niya muna na kami nalang ang maiwan.


"Tell me, yung lalaki mo ba ang ama ng batang dinadala mo?"


Tumango naman ako bilang tugon. Nanlumo naman ang itsura nito sa sagot ko.


"Geez! Nakiapid ka na nga, nagpabuntis ka pa. Isabel nababaliw ka naba!" Hindi makapaniwalang saad nito.


Nanatili lang ulit ako na walang imik.


"Now nagmemake sense na ang lahat..

Lahat ng mga tanong ko kung bakit parang may iba sa inyo ni Diana ito pala ang dahilan..

..Hindi ko kayang itotolerate itong kalokohan mo Isabel, kaya mabuti pa sabihin mo na kay Diana ang totoo, kung hindi ako na mismo ang magsasabi sa kanya na may lalaki ka" Pasyang saad nito.


"Pero Jus...


"So kung hindi pa kita nahuling nakikipaghalikan sa lalaki mo, wala ka pang plano sabihin sa amin yan?" Taas kilay na tanong nito.


"Hindi naman sa ganun Jus.." Depensa ko.


"Ganun na pinapahiwatig mo Isabel, na parang sinasabi mo na handan mong iwan ang mag-Ina mo para sa lalaking yun!" Dagdag pa nito.


Ganun ba talaga ang ginagawa ko?

Handa ba talaga akong iwan si Diana at Ysabelle para sa binubuo naming pamilya ni Jan?


"Bestfriend kita Isabel, at ang tunay na kaibigan hindi itotolerate ang mga ganyang gawain ng kaibigan niya.. Maayos mo pa ang lahat basta hiwalayan mo yung lalaki mo at sabihin ang totoo kay Diana" Payo nito bago nilapag ang isang envelope sa lamesa. Base palang sa itsura nito isa itong wedding invitation.


"Yan talaga ang ipinunta ko dito.. Pero iba pala ang sasalubong sa akin" Dagdag pa ni Jus bago ito tuluyang umalis.


Nanghihina naman akong napaupo sa sahig bago nagsisiunahang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.


Ano ng gagawin mo ngayon Isabel?


.
.
.



Diana's POV...



"Mama!" Masayang salubong sa akin ni Ysabelle bago ako niyakap ng mahigpit. Sinundo ko kasi ito ngayon kela Dad na kakabalik galing Pampanga.


"Grabe super namiss ko ang Baby ko" Tugon ko rito.


"Namiss rin po kita Mama, sayang hindi ka po namin kasama sa Pampanga ang dami naming ginawa duon" Kwento nito.


"Hindi bale babawi si Mama sayo, okay?" Pangako ko.


"Okay po, isama po natin si Mommy Awit, miss ko na rin po siya" Suggest naman nito.


"Sige ba" Sagot ko naman. Saka ko lang naisip si Awit kasi since umalis si Ysabelle ay hindi muna ako nito kinulit.


Maybe busy lang.


"Anak dito na kayo mananghalian. Para naman makasama ka namin ng Dad mo" Saad ng aking Ina.


"Sige po Ma" Tugon ko.


"Hindi mo ata muna kasama si Isabel" Puna naman ni Dad.


"Ahh. Dumalaw po muna sa kanila Dad, kaya hindi nakasama" Palusot ko.


Gaya nga ng sabi ko noon pa man, hindi alam ng pamilya ko na hindi kami okay ni Isabel.


"Nga pala.. Malapit na ang birthday ng Apo ko, ano bang plano niyo?" Tanong ni Mama.


"Simpleng birthday party lang ang gusto niya Ma.. May iba kasi siyang hiling sa amin ni Isabel" Sagot ko naman.


"Oo nga naman, bakit hindi niyo na sundan si Ysabelle, nakwento sa amin ng bata na gusto na niya ng kapatid, malaki na rin naman siya kaya naghahanap na rin ng makalalaro at naalagaan" Saad nito.


"Hindi pa namin maharap ang ganyang bagay Ma" Tugon ko naman.


Mabuti sana kung sa natural na paraan kami magkakaroon ng anak ni Isabel, madali lang sana kaso hindi.


"Ay Nako! tumatanda kami ng Daddy mo Anak, baka naman hindi na namin kaya makipaglaro sa magiging Apo pa namin sayo" Katwiran nito.


"Si Mama talaga oh, hintay lang dadating din ang pangalawa mong Apo sa akin" Pangako ko rito.


..


After naming mananghalian ay pinatawag kami tatlong magkakapatid sa library ni Dad, pero siya ang wala dahil may aasikasuhin lang sandali.


"May idea ba kayo kung bakit tayo pinatawag ni Dad?" Tanong ko sa kanila.


"Wala ehh.. Kayo ba?" Balik na tanong ni Kuya Dion.


"Wala rin.. So Diana kumusta man yung pinapagawa ko sayo nitong nakaraan?" Tanong sa akin ni Ate.


Ang tinutukoy nito ay yung meet up ko with Cesca.


"Okay naman Ate.. Naging smooth yung pirmahan" Tugon ko bago nagsalin ng wine sa baso ko.


"Marami ring koneksyon ang pamilya niya, kaya sigurado akong malaki rin ang maitutulong niya sa atin" Dagdag pa nito.


Hindi naman na ako nagsalita pa at tinuon nalang ang aking pansin sa iniinom kong wine. Dahil sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Cesca ay naglalaro sa utak ko ang mga eksena sa pinagsaluhan namin ni Cesca.


"Dion, kilala mo ba yung si Francesca?" Tanong nito kay Kuya Dion.


Simula sa kanyang mapupula at matatamis na labi, na sobrang nakaka-adik..


"Hmm.. Personally hindi pero nakikita ko na siya sa mga big gatherings noon pa" Tugon naman ni Kuya.


Sa porselana nitong balat na hindi ko pinagsasawaang hagkan at hawakan.


"I see.. Baka naman naging babae mo yun ha!?" Kantyaw pa ni Ate.


Sa mabini nitong boses na naglalaro sa aking tenga sa tuwing papunta kami sa rurok ng kaligayahan.


"Mapaghinala ka dyan, hindi no! Yepp, maganda siya but hindi ata gaya ko ang tipo niya" Depensa naman nung isa.


"What do you mea----


At higit sa lahat ang kakaibang init na binibigay nito sa akin sa tuwing hahawakan niya ako.


"Enough!" Malakas na sigaw ko.


Napatigil naman sa pag-uusap sila Ate dahil sa sigaw ko.


"May problema ba?" Naweweirduhang tanong ni Ate.


Hindi ko rin alam kung bakit ako sumigaw.


"Ahh.. Wala, Puntahan ko lang si Ysabelle" Sagot ko bago mabilis na lumabas ng library.


Hindi ko na nga inabala pang pakinggan ang sinasabi ni Ate bago ako lumabas.


Geez! Diana anong nangyayari sayo?


Hindi maganda ito, kinakain na ni Cesca ang sistema ko.


...


"Wait.. Asan tayo?" Nagpapanic na tanong ko rito.


"Ahmm.. Nasa parking lot tayo ng condo ko ngayon" Sagot ni Cesca.


"What!? Akala ko ba magdidinner date tayo? Bakit sa condo mo ako dinala?" Nagfrefreak out na tanong ko.


Oh no! This is bad! This is really really bad!


Since hindi ko nga kaya magdrive dahil sa hangover ko ay nagpasundo nalang ako sa kanya sa office, hindi ko naman alam na dito pala sa condo niya ang destinasyon namin dahil nakaidlip ako sa biyahe.


"Satingin mo sa lagay mong niyan mailalabas pa ba kita for a date. Kulang na lang nga tumulo ang laway mo dyan sa himbing ng tulog mo" Tugon niya.


Hindi naman ako naka-imik duon.


"Sorry" Nahihiyang tugon ko.


Okay medyo nagiging overreact na ako sa na nangyayari.


Masyado kasi itong tuso mabuti na yung nag-iingat.


"Come on, Ipagluluto nalang kita, para bumuti yang pakiramdam mo" Dagdag nalang nito bago bumaba ng kotse.


Humugot naman ako ng isang malalim na hininga bago sumunod sa kanya. Parehas kami walang imik umakyat ng condo niya, mas lalo tuloy akong nakaramdam ng guilt dahil sa pagiging OA ko.


"Welcome sa aking home sweet home, maupo kana muna dyan, or take a nap again if you want, maghahanda lang ako ng makakain natin" Utos nito.


Naupo naman ako sa sofa bago nilibot ang paningin ko sa interior design ng condo niya. Halatang pinag-isipan ng mabuti ang bawat desenyo at color combination ng kabuuan ng condo niya. Ang ganda.


Hindi pa rin sapat yung naging tulog ko kaninang after lunch para mawala itong sakit ng ulo ko, uminom na rin ako hard paracetamol pero wala pa ring epekto.


After an hour ay tinawag na ako nito para kumain.

"Para na rin tayong kumain sa labas sa luto mo ah" Saad ko.


Pork steak at egg soup ang inihanda nitong pagkain para sa aming dalawa.


"Yan lang available sa kusina ko ngayon, kaya ayan ang ang nailuto ko. Come kain na tayo" Aya nito.

Sakto naman din at gutom na ako kaya may appetite akong kumain ngayon.


"Hmmm! Wow! Ang sarap mo pala magluto" Puri ko. Unang subo ko palang sa steak ay talagang mapapa-wow ka.


"Walang halong pambobola yan ha. Masarap talaga luto mo lalo itong steak" Pahabol ko pa.


" Well thank you, sulit naman binayad ko sa mga cooking lessons ko, dahil nagustuhan mo ang luto ko" Natutuwang saad nito bago sumubo ulit.


"Ikaw lang mag-isa dito?" Tanong ko.


"Yepp.. Nasa ibang bansa ang parents ko kami lang makakapatid ang nandito sa Pinas at may sari-sarili na kaming buhay" Sagot nito.


"Ow.. I see" Saad ko nalang bago inabala ulit ang sarili sa pagkain.


After naming kumain ay ako na ang nagpresentang magligpit ng pinagkainan namin. Sa una ay ayaw pa nito dahil bisita niya ako pero pinilit ko parin dahil nakakahiya naman.


"Diana.." Mahinang tawag nito, nasa tabi ko lang ito buong oras at pinapanuod ako.


"Hmmm?" Tugon ko habang abala sa pag-aayos ng sarili, kakatapos ko lang din halos maghugas ng plato.

"I like you.." Lakas loob na sabi nito.

Para naman akong natuklaw ng ahas sa sinabi nito.


"I like you not because sa nangyari sa atin, I like you because I like you" Dagdag pa niya.


"Pero Cesca, may..


"Shhh.." Pigil nito sa kung ano pa mang sasabihin ko bago inayos ang collar ng suot kong polo.


"Kung ano man yang bumabagabag sayo.. Please wag mo munang isipan yan, and own me again tonight" Masuyong saad nito bago inangkin ang aking mga labi.

___________________________...

Thank you for reading.

Continue Reading

You'll Also Like

43K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
27.2K 179 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
105K 4.4K 75
"If falling in love is her greatest weakness then I'll make her the weakest."
52.8K 1.8K 46
Seulgi and Irene have been married for over 3 years, due to an arranged marriage. Seulgi love Irene since the day they met, but Irene have a lover an...