Only Hope

By summerheartbreak143

3.5K 194 98

More

Only Hope
CHAPTER ONE: HOPELESS!!
CHAPTER TWO: DEAL!!!
CHAPTER THREE: Agaw Eksena sa MCDO!! xD
CHAPTER FOUR: Start of Pretending
CHAPTER FIVE: Sweet Revenge
CHAPTER SIX: AWKWARD??
CHAPTER EIGHT: ROVESCA
CHAPTER NINE: ANO?!?
CHAPTER TEN: TRUTH!!
CHAPTER ELEVEN: my only hope ang strength=TROY
CHAPTER TWELVE: i love you...sabay TAKBO
CHAPTER THIRTEEN: ANYAREH?!?
CHAPTER FOURTEEN: LONG LOST.... WHAT?!?!
CHAPTER FIFTEEN: New Circle of Friends
CHAPTER SIXTEEN: EX versus NEW
CHAPTER SEVENTEEN: The Beginning (ONLY HOPE)
CHAPTER EIGHTEEN: hawak kamay

CHAPTER SEVEN: Siguro nga... TAMA SYA!!

147 12 6
By summerheartbreak143

Dedicated to sa kanya kasi ang kulit nyang kachikahan... haha.. saka sabi niya, sya daw ang cheerleader ko.. haha. Natawa naman ako dun..

Closetoforever.. dedicated sayo.. muahaha..

Enjoy reading guys.. sorry sa mga typos.. hindi ko na naedit ehh.

Geh.. here’s my update..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER SEVEN: siguro nga.. TAMA SYA!!

May ilang oras din ata akong nakatayo sa likod ng pintuan bago ako natauhan. Hindi rin ako agad nakatulog nung humiga ako. Ahh, mali pala. Hindi pala ako nakatulog nung humiga ako.. errr. Ano ba naman yan. Ano bang nangyayari sakin? bakit ba masyado akong affected dun sa sinabi nya? gusto nya ko makasama para may katulong sya. yun lang yun. dapat din a ko magpaapekto. Tumingin nalang ako sa may bintana. Maliwanag na. tumingin ako sa side table ko. 5:30am na. tumayo na ko. hindi rin ako nakatulog. Nagpunta  ako sa baba para maghanda ng breakfast. Nung natapos na ko, hindi pa sya gising kaya naglinis nalang muna ako ng bahay. Kailangan kong gampanan ang trabaho ko. tsk..

Natapos na kong maglinis, pero hindi parin sya nagising. Alas otso na ata ng umaga kaya nagpasya na kong umakyat para gisingin sya. WUUUH.. kailangan hindi ako mailang. Dapat normal lang lahat. Kaya umakyat ako sa kwarto nya. kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.. GOSH.. ayan nanaman yung nararamdaman kong kakaiba. Ano nanaman ba? >.<

“ ahmm. Good morning. Bakit nandito ka?” tanong nya sakin..

“ ahmm.. malalate na kasi tayo. Hindi ka pa gising. Gigisingin n asana kita ehh.. hmm. Sige. Sunod ka nalang sa baba.” Sabi ko sa kanya at naglakad na ko pababa. Pagdating ko sa kusina, inayos ko lang yung mga niluto ko. hay. Lumamig na yung pagkain. Pero, ayos lang yan. Magiinarte pa ba sya? umupo lang sya doon sa may upuan. MALAMANG. Alangan namang sa lamesa umupo diba? HAYY..

Gaya dati, tahimik lang kaming kumakain. Nakakabingi na nga. Pero ayos na rin. Kasi pag nagsalita sya, parang hindi ko maintindihan yung sarili ko. ganito siguro kapag puyat. Ayy ewan. Binilisan ko lang yung pagkain ko kasi nga naiilang ako sa kanya. Parang gusto ko syang iwasan na ewan kasi pag nandyan sya, ang gulo ng mundo.. >.< nagmadali na kong umakyat at naligo na ko. pagharap ko naman ng salamin, nakita ko yung mukha ko. yung mata ko.. gosh. Ang lalim na ng eyebags ko. nilagyan ko nalang yun ng concealer para hindi masyadong obvious. Ok naman pero halata parin. Naku.. nung nakapagbihis na ko, lumabas na ko ng kwarto ko. pagbaba ko, nakita ko na si troy na nakasandal sa kotse nya. hayyy..

“ tara na.” pinagbuksan nya ko ng kotse pero hindi ko sya tinitignan. Normal lang.. hmm.. kailangan ko na siguro talaga ng tulog. Baka sakaling bumalik na ko sa dati.

“ nga pala, ihahatid lang kita sa school. Hindi ako papasok ngayon. Aasikasuhin ko kasi yung sa wedding natin.” Tsk.. oo nga pala, ay wedding kuno pa.. tsk.. pero, kung tama yung pagkakarinig ko, aalis sya ngayo n at hindi sya papasok.. ayos na din yun para hindi ko sya Makita. Baka pag nangyari yun, bumalik ako sa normal.

“ ok” sumagot nalang ako. Nakakahiya naman kung deadmahin ko sya diba? Alam nyo na. mabait naman ako kahit papano.. >.<

Pagkadating ng school, bumaba na agad ako ng kotse. Humarap naman ako sa kanya para magpaalam. Kaya lang lumapit pa sya sakin. tapos tumingin at ngumiti. Ayan nanaman yung virus na nasa katawan ko.. >.<

“ ingat ka huh.. alis na ko.” nagsmile lang sya tapos sumakay na ulit sa kotse nya.. hindi ko na inintindi yung nararamdaman ko ngayon. Kailangan kong maging normal. Kahit naguguluhan ako sa ngayon, alam kong magiging maayos din ang lahat. Nagpunta na ko sa classroom magisa pero, habang naglalakad ako sa hallway, andami nanamang chismis na ewan ko pero naiinis ako..

“ break na ba sila?

“ baka nga break na sila. Nagaway sila kahapon ehh.”

“ tapos ngayon, hindi na sila magkasama.”

“ may pagasa na tayo.”

“ sabi ko na magbrebreak lang sila ehh.”

Alam mo yung paranng gusto mo silang pagsasapakin isa isa? Nakakainis na kasi ehh.. porke ba hindi na kami magkasama ngayon ehh nagbreak na kami? Bakit ba andaming chismosa sa mundo? Malapit na  ko sa classroom ng napagdesisyunan kong wag na pumasok. Tinatamad na ko ehh.. tumambay nalang ako dun sa may garden. Atleast doon walang masyadong tao at pwede akong magmuni muni.

“ wala si troy kaya kailangan, Masaya ako..” nasabi ko sa sarili ko.. kailangan Masaya ako kasi wala sya ngayon. ^_^

“ so, ayaw mo pala sya talaga kasama?” nagulat naman ako ng biglang may nagsalita. Napatingin agad ako  dun sa nagsalita.

“ so, totoo nga?” tapos tumabi sya sakin. nakatingin parin ako sa kanya.. my gosh..

“ ha? Ano bang sinasabi mo? pwede ba, umalis ka sa tabi ko. hindi ako nakikipagusap sa mga di ko kilala.” Kasi naman.. hindi ko naman sya kilala. Sino ba tong lalaking to na nakikipagusap sakin ngayon?

“ psh. Bakit mo ko paaalisin.. ang ingay ingay mo dyan. Alam mo bang natutulog ako dyan kanina. Tapos nagsalita ka? Napaka sensitive ko pa naman sa ingay. Kay nagising agad ako.. tsss” aba.. sya pa ang galit ngayon..

“ hoy mister. Kung gusto mo palang matulog, umuwi ka sa bahay nyo. Hindi yung dadayo ka pa dito para lang matulog. Wala ka bang bahay?” tsss.. naiinis na ko. kaya nga gusto ko pumunta dito kasi gusto ko, tahimik. Ayaw ko sa maingay  na lugar.. >.<

“ tsss.. ang ingay mo.. wag mo ibahin yung topic. Ang sabi ko, ayaw mo pala talaga kasama yung troy nay un na so-called-boyfriend mo..” sinabi nya yun ng nakangisi na para bang nangaasar.. >.<

“ tss. Kapag ba sinabi kong kailangan kong maging Masaya kasi wala sya, ibig sabihin nun, kailangan ko din maging Masaya.. kasi nakakalungkot naman talaga kapag wala sya. alam mo yung parang kulang yung araw ko kapag hindi ko sya kasama. Saka, nakakatamad talaga kapag hindi ko sya nakikita.. sanay naman ako dati na hindi sya kasama, pero ngayon, parang kulang na kulang yung araw ko kahit na ilang minute palang na hindi ko sya nakikita at di nararamdaman yung presensya nya.” nagulat ba kayo sa sinabi ko? ako din nagulat ehh.. bakit ko ba sinabi yan? Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. pwede po bang may isang taong magpaliwanag sa akin ng lahat lahat?? As in LAHAT???

“ so, mahal mo na sya talaga?”

O_O mahal? Ano bang sinasabi netong lalaking to? Mahal ko si troy? Imposible ata yun noh. Hindi pwede. Noon palang, alam ko na sa sarili ko. at nakumbinsi ko na ang sarili ko na hindi ako magmamahal ng isang lalaki dahil ayaw kong maging katulad ng mommy ko. ayaw ko nun.. kaya hindi pwedeng maging ganon..

“ sa reaksyon mo, alam kong may tinatago ka.. haha.. nakikita  ko sa mata mo wag ka na magdeny sa akin. Madali ako makabasa ng tao. Nakikita ko rin naman kayo dito sa school. Palihim pero, lagi ko kayong tinitignan. Alam kong may lihim kayo at nagpapanggap lang na magboyfriend girlfriend. Kung ano man yung dahilan nyo, hindi ko na alam yun.” nagulat ako sa mga sinasabi nya. hindi nab a ko ganon kagaling umarte? Talaga bang halata nay un? Pero, marami parin namang naniniwala..

“ sino ka ba?” hindi ko alam kung bakit  ko natanong yun sa kanya.

“ mahirap na ba talaga ako ngayong tandaan chesca? Talaga bang ibinaon mo na ko sa limot? Ganon na ba kalaki ang galit mo sakin para hindi mo ko matandaan? Tsss...” ano bang sinasabi ng lalaking to? Dumadagdag pa sya sa sakit ng ulo ko ehh..

“ ano bang sinasabi mo? kung kilala ba kita tatanungin pa kita? Sino ka nga? Hindi nga kita kilala.. kaya kung pwede lang, magpakilala ka na..” ngumiti lang sya sakin tapos kinurot yung pisngi ko. mahina lang naman pero, tinabig ko yung kamay nya. nakakaasar kasi..

“ tss..  dati ko na namang ginagawa yan ahh..” ha? Hindi ko na talaga maintindihan yung mga sinasabi nya sakin,, curious na talaga ako.. kaya, tinitigan ko sya..

“ makatitig.. baka mainlove ako sayo. Wag ganyan..” nagugulat na talaga ako sa mga pinagsasasabi ng lalaking to..konti nalang masasaksak ko na to,,

“ pwede ba? Magpakilala ka sakin?” nakakasar na kasi.. nasigawan ko tuloy.

“ ok.” humarap sya sakin. seryoso na yung hitsura nya kaya medyo napaatras ako..

“ im Kevin. Kevin Patrick Evangelista..”

O_O

“ k-kevin??”

“ yupp.. sorry kasi nawala ako. Mahabang storya ehh.. pero, bumalik na naman ako diba? Pwede bang, ako nalang ulit yung maging tagapagtanggol mo? pwede bang malaman kung nagalit ka sakin?” nayakap ko nalang sya.. grabe.. oo nagalit ako sa kanya. Pero, ngayong nandito na sya, parang nakalimutan ko na lahat. Sya yung nagiisang lalaking naging kaibigan ko noong nawala si daddy. Mula nung iniwan kami ng dad ko.. tss.. DAD?!? Ewa. Mula nung iniwan nya kami, dumating si Kevin. Sabi nya, sya yung magtatanggol sakin kasi wala na kong daddy. Sya daw ang magiging kuya ko.. sya laging nagpapatahan sakin tuwing umiiyak ako. Kaya lang, bigla nalang syang umalis. Nagalit pa sya sakin nun ng hindi ko alam ang dahilan. Bago pa sya umalis, iniwasan nya ko kaya lalo akong nagalit sa mga lalaki. Sabi ko, hindi talaga mapagkakatiwalaan yung mga lalaki,. Pero, ewan ko kung bakit Masaya parin ako na nandito na sya ulit.. siguro, dahil pakiramdam ko, hindi nya naman ginusto yun..

“ i think, this hug answers everything.” Kumawala na naman ako sa yakap.. ngumiti lang ako sa kanya tapos sinuntok ko sya. pero, mahina lang naman..

“ AWWW.. masakit yun ha..” tss.. mahina nga lang yun ehh..

“ nabading ka na ba? Mahina lang yun noh..” sabi ko sa kanya..

“ haha.. namiss kita.. kainis lang kasi, lagi mo kasama yung so-called-boyfriend mo kaya hindi kita makausap. Sakto naman na nakita kita dito..” sinabi nya yun sakin, habang hinihimas himas yung pisngi nya pero nakangiti,..

“ ganon?” di ko kasi alam ang isasagot ko ehh..

“ yeah. So ano? Boyfriend mo ba talaga sya? wag ka na maglihim sakin. kilala kita.” Tss..

“ ok fine. Wag mo nalang ipagsabi.” Tapos kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari.. yung deal.. LAHAT.

“ you mean, pumayag ka sa deal na yun? magpapakasal ka sa kanya?” paulit ulit?

“ tumahimik ka na nga. May makarinig pa sayo.. oo nga sabi..” sagot ko sa kanya..

“ owww.. desperado ka na? pero, gusto mo na ba sya?”

“ hindi ahhh.. NEVER ako magkakagusto sa isang lalaki. Alam mo naman yan diba?” sabi ko sa kanya.

“ hindi parin pala nagbabago yung paniniwala mo. pero, tanong ko lang, anlalim ng eye bags mo. mukhang malalim din iniisip mo. anong problema?” hayyy. Talaga bang ganon nya parin ako kakilala? Pero, dahil pinagkakatiwalaan ko naman to, kasi nga, tinuturing ko syang kuya ko, sasabihin ko. baka sya na ang makakasagot sa tanong ko.

“ hay.. ok.. ganito kasi yun.. ilang araw na ko hindi nakakatulog. Hindi ko kasi maintindihan yung nararamdaman ko ehh. hindi ko talaga maintindihan.. nung isang araw, gusto ko gumanti kay troy kasi nga masyado nya ko pinapahirapan. Tapos after nun, bigla syang naging mabait. At nakakainis lang kasi, dapat matuwa ako sa pagiging mabait nya, pero merong mga weird side effects ako na nararamdaman kapag ganon sya. yung pakiramdam na merong mga naglalarong bulate sa tyan ko na umaabot sa puso ko para magtatalon, at mga words na hindi ko naman kinasanayan sabihin na nasasabi ko pag kaharap o naiisip ko sya” yun lang yung nasabi ko sa kanya. Yun naman kasi  yung nararamdaman ko ehh..

“ ok. so, tingin ko, gusto mo na nga sya. ganyan din kasi yung nararamdaman ko sa girlfriend ko noon. Bading man sabihin pero, totoo.. haha.. nice. Nagiimprove ka. Mukhang hindi magiging fake ang marriage nyo ahh.. hahaha..”-kevin

“ may girlfriend ka na? nice naman.. hahaha.. improving.. pero ako? Hindi ahh.. di ko sya gusto.. wala akong gusto sa kanya.. psh. Wag na nga nating isipin at pagusapan yan. Libre mo nalang ako. Alam mo na. PURITA MIRASOL na ko..” sabi ko sa kanya..

“ ok.. lagi namang ganyan ehhh. Haha. Di na nagbago,. Pero eto lang.. nasa indenial stage ka pa..” pshh...

“ WHATEVER KUYA!! Haha.. tara na..” infairness.. Masaya ako ngayon. Medyo, hindi ko na naiisip si troy kasi may pampalibang na ko.. :)) kumain lang kami. Merong mangilan ngilan na nagbubulungan na kesyo pinagpalit ko na daw si troy at ganon ko daw kabilis na kinalimutan chuchu.. pero wala akong paki sa kanila.. namiss ko si kevin.. este kuya kevin.. hahaha.. hindi na nga ako pumasok.. kasi, napagdesisyunan namin na magpunta sa mall. Libre nya syempre. Poor na nga ko ehh.. pinagshopping nya pa ko. ansaya lang. Haha.. tapos nagkwento lang sya tungkol sa kanila nung girlfriend nya pati na rin sa kapatid nya na kasing tanda ko lang. Matanda kasi sakin si Kevin.. este kuya Kevin.. :)) kumain lang din kami sa labas tapos umuwi na kami. Di  ko na nga namalayan yung oras. Gabi na rin pala.. nakauwo na kaya ssi troy?? Tsss.. bakit nasingit nanaman sya? hmm.. kaya na naman nya yung sarili nya. hinatid na ko ni Kevin sa bahay namin.. delikado na daw kasi. Saka, aba. May sasakyan naman sya ehh.. pag dating namin sa bahay, bumaba din sya..

“ thank you ha.. namiss talaga kita.. sobra.. wahaha. Ikumusta mo nalang ako kay Charles. Ok??? kahit na number one enemy ko yun, minsan naging mabait din sakin yun.” sabi ko sa kanya..

“ ok. thanks din. Akala ko, galit ka sakin ehh.. sorry talaga ha..” hay naku. Hindi ko alam kung ilang beses na nyang sinabi sakin yan ngayon.. psh..

“ oo na nga.. paulit ulit ka na. napatawad na nga kita ehh.. saka, hindi naman ako talaga nagalit sayo.. well, siguro nung una, pero ok na rin..” totoo naman kasi.. :)

“ ganon? Sige. Una na ko.. haha.. gabi na rin ehh. bye chesca..” naghug lang ako sa kanya tapos nagbye na ko. hinintay ko lang na makaalis yung kotse nya bago ako pumasok.. nakangiti pa kong pumasok habang bitbit yung bag ko. kaya lang..

“ bakit ngayon ka lang? Sino yung lalaking yun?” O_O nakita nya lahat? Tumingin ako sa kanya pero seryoso lang yung mukha nya.. kinabahan ako bigla..

“ ahh---“ hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi di nya ko pinatapos.. nagsalita na sya agad.

“ bakit ka nakikipagdate sa iba? Sabi mo kahapon wag akong aatras sa deal pero anong ginagawa mo? pano kapag may nakakita sa inyo? Anong iisipin nila? Na two timer kaa? Meron ka naman palang malalapitang iba ehh.. dapat sinabi mo. para hindi ko na tinuloy tong pesteng deal na to..” this time sinisigawan na nya ko..

“ per—“ hindi ko nanaman natapos yung sasabihin ko kasi, bigla nanaman syang nagsalita.

“ sabihin mo lang kung ayaw mo na. hindi yung ganito na para akong tangang naghihintay sayo tapos naghanda pa ko ng pagkain para sating dalawa tapos yun pala, may kadate kang iba.” Ewan ko, pero nawala lahat ng kaba ko nung sinabi nya yun. parang lumundag yung puso ko at gusto kong ngumiti pero sa pinapakita nyang expression ng mukha nya, hindi ko makagawa..

“ kas—“ sabi ko nga. Wag na ko magsalita at hayaan ko nalang syang magsalita ehh..

“ sabi ko na nga ba, pareparehas lang kayong mga babae ehh,. bakit kasi hindi ko pinigilan yung sarili ko noon pa? Bakit kasi napakagaling mong umarte? Ano ba? Chesca, ngayon lang ako nagkaganito. Alam mo ba yun? ano? Boyfriend mo na ba sya? makikipagbreak ka na ba? Mali. Aatras ka na bas a deal?” anong pagpipigil naman ang ginagawa nya? tsss..

“...” hindi ako sumagot sa kanya.

“ bakit ayaw mong magsalita? Ano? Kayo na nga?” ang hirap din kausap neto ehh.. kanina, nung mageexplain ako, puputulin nya yung sasabihin ko, tapos ngayon, gusto nya kong magsalita.

“ tr---“ NAKAKALOKA na ha.. ayaw nya talaga ako pagsalitain.

“ sige na.. wag ka na magsalita.. umalis ka na sa harap ko. ayaw ko na marinig. Kung gusto mo, umalis ka nalang sa bahay ko.. umalis ka nalang.. ayos lang.. kung dyan ka sasaya. Bakit naman kita pipigilan? ano ba ko? boss mo lang naman ako diba?” busalan ko na kaya to sa bibig? Para makapag salita ako? TAMA.. kaya ayun. Bbinitiwan ko lahat ng dala ko tapos lumapit na ko sa kanya.. tinitigan ko muna sya tapos hinawakan ko yung bibig nya. magsasalita pa sana sya ng hinigpitan ko yung pagkakatakip ko sa bibig nya at tinitigan sya ng malalim.

“ ayan. Makakapagsalita na siguro ako.. ganito po kasi yun boss.. si Kevin, kaibigan ko sya noon pa.. ngayon ko lang sya ulit nakita kaya sumama ako sa kanya. Hindi po date yung ginawa namin.. wala akong tawag doon.. kung madumi man ang isip ng mga makakakita samin, wala akong pakelam. Basta, ang alam ko, ikaw ang boyfriend ko, na boss ko.. hindi po ako aatras sa deal natin. Wala po akong balak. Uulitin ko lang po. HINDI KO SYA BOYFRIEND.. ok na po ba? Kung ok na, sige po. Maiwan ko nap o muna kayo.. boss..” tapos tinanggal ko na yung kamay ko na nakatakip sa bibig nya. tinignan ko muna sya na mukhang hindi parin maintindihan yung sinabi ko kaya iniwan ko nalang sya.. kinuha ko yung mga gamit ko at umakyat na. papasok na sana ako, ng biglang may humatak sakin at niyakap ako, bumulong sya sakin na nagpangiti sakin.. nginitian ko lang sya at pumasok na ko sa loob ng kwarto ko.. napasandal nalang ako sa likod ng pintuan na parang nakasanayan ko na ring gawin. Halo halo ata yung emosyon na nararamdaman ko. takot at saya.. pero, nangingibabaw yung saya kapag naaalala ko yung sinabi nya na hanggang ngayon, naglalaro parin sa tenga ko..

“ sorry kung pinagdudahan kita.. hindi ko lang kaya na wala ka.. alam kong mali. Alam kong takot lang akong maiwan ulit. Masakit sakin na ipagpalit sa iba. Wala naman akong karapatan sa puso mo. chesca. Wag kang magalit at umiwas. Pero maiintindihan ko kung oo. Hindi ko na nga lang kasi kayang itago. Pero, tingin ko, gusto na kita.”

Automatic na napangiti ako. Pero nabawi din yun.

“ natatakot din ako troy. Hindi lang ikaw. Nahihirapan din ako. Ayaw kong mangyari yung nangyari sa mommy ko. pero bakit ganun?

Hindi ko na ata kayang ideny na gusto na din kita..” tapos napangiti nalang ulit ako.. this time, siguro tama nga si kuya kevin.. gusto ko na nga ata talaga sya..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ayun. Ngayon lang ako natapos. Pasensya na sa update ko.. haha.. pero, salamat parin sa mga nagbabasa at sumusuporta. Sa mga nagfafan..

~~summerheartbreak143

Continue Reading