Falling into Trouble [Fin]

By YGDara

3.3M 61.9K 4.1K

Barkada Series #4: Mico Illustre Unang tapak palang ng Christian Louboutin Bana pumps ni Ellaine sa malawak n... More

Falling into Trouble
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Epilogue

Thirty-one

60K 1.3K 127
By YGDara

Sino nag-try mag online buying o kaya online selling? PM me. May itatanong po ako.

Thanks.

-------

Pagkalabas ni Mico ng library ay agad niyang hinanap si Manang Ising. Pumunta siya sa kusina pero wala ito roon. Pumunta siya sa likod ng hacienda at doon nakita si Manang na kinukuha ang mga sinampay.

"Manang.." Tawag niya rito.

Nang makita siya ni Manang Ising ay ibinaba muna nito ang hawak na mga damit sa basket at tsaka siya binalingan.


"Oh, señorito. Tapos na kayo mag-usap ng daddy mo?" Tanong nito.

"Opo, nangamusta lang si Dad."

Tumawag lang ang Dad niya para kamustahin si Ellaine. Natatawa nga siya dahil siya ang anak pero si Ellaine ang kinakamusta nito.

Sabi nga ng Dad niya, alam naman daw nito na okay siya kaya tinawanan nalang niya ito.

"Si Ellaine po ba? Hindi pa bumababa?" Tanong niya ulit kay Manang Ising.

Medyo natagalan rin kasi siya sa pakikipag-usap sa Dad niya dahil napag-usapan rin nila ang tungkol rancho.

"Ay, hindi ko pa napapansin. Baka nasa itaas pa iyon." Sagot sakanya ni Manang Ising.

Tumango nalang siya. "Sige ho. Kapag bumaba si Ellaine, pakisabi ay magra-rounds lang po ako sa rancho. Tsaka Manang, kela Rona niyo nalang ipagawa ang mga iyan." Sabi niya.

Iwinasiwas lang ni Manang Ising ang kamay nito na tila pinapaalis siya. "Kaya ko na ito. Sige na, umalis ka na."

Napailing nalang si Mico. Bakit kaya ang titigas ng mga ulo ng mga matatanda?

Kinuha niya ang kanyang bisikleta sa may garahe sa gilid ng hacienda at naisipang iyon nalang ang gamitin. Hindi pa maaksaya sa gasolina.

Una siyang dumaan sa may vegetable farm nila. Nandoon si Jaime - ang nangangasiwa sa vegetable farm. Nang makita siya nito ay agad siyang nilapitan.

"Kamusta ang ani?" Tanong niya rito.

"Nadeliver na po ang mga gulay sa metro, señorito. Medyo nauubusan narin po tayo ng fertilizers." Pagbibigay-alam nito sakanya.

Tumango-tango siya. "Bukas ng umaga, idedeliver ang mga fertilizers. Iyon lang ba ang problema?"

"Opo. Iyon lang naman po." Sabi nito.

Tumango siya at nagpaalam na. Sunod na pinuntahan niya ang barn house kung saan naroon ang mga manok. Sinalubong naman siya ni Aling Herietta - ang nanay ni Hannah at asawa ni Mang Densio. Ito ang nangangasiwa sa mga itlog na inilalabas ng mga manok dito sa rancho.


"Señorito!" Masayang bati sakanya ni Aling Herietta.

"Hello po! Nag-iikot lang po ako. Dumating na ba iyong truck para pick-up-in iyong mga itlog?" Tanong niya rito.


"Opo, kanina lang pong tanghali ay nakuha na nila iyong one hundred twenty trays na mga itlog. Bukas narin po ay darating iyong vet para tignan iyong mga naka-quarantine na mga manok."


Tumango siya. "Sige po, Aling Herietta. Tawagan niyo nalang ako sa hacienda kung may problema pa."


Dumaan pa siya sa kwadra ng mga kabayo, sa barn house ng mga baka at tinignan kung ilang bote ng gatas ang nailabas, dumaan din siya sa may sakahan at tinanong si Mang Densio kung ilang sako ng bigas ang nagawa ng mga ito.


Pagkatapos niyang mag-ikot ay pabalik na siya sa hacienda nang makasalubong niya si Hannah. Tumigil siya.

"Gabi na Hannah, ano'ng ginagawa mo sa labas?" Tanong niya rito.

"Galing ako sa hacienda, hinahanap kasi kita." Sabi nito.

Kumunot naman ang noo niya. Bakit naman siya hahanapin ni Hannah?

"May problema ba?" Tanong niya rito.

He noticed that Hannah was fidgeting her fingers. Napangisi siya dahil bigla niyang naalala si Ellaine.

Ellaine also fidgets her fingers, pero ginagawa lang nito iyon kung nagsisinungaling o may nagawa man itong mali.

Ellaine may have changed in terms of physical appearance but her old habits remained.

"Mico?" Untag sakanya ni Hannah.

Bigla ay nabalik siya sa kasalukuyan. He actually spaced out and forgot thay he's talking to Hannah.

"Huh? I'm sorry, may sinasabi ka?"

Again, he noticed Hannah, fidgeting her fingers. "Ano kasi.. may itatanong lang sana ako sa'yo.." Sabi ni Hannah.

"Ano ba iyon?" Tanong niya rito.

Ilang beses na yumuko si Hannah. Mukha itong kinakabahan sa hindi niya malamang kadahilanan.

"Hannah, ano ba iyon? Baka kasi hinahanap na ako ni Ellaine eh." Sabi niya rito.


Biglang napaangat ang mukha ni Hannah. Bigla-bigla ay pinigilan siya nito sa braso. "Huwag!" Malakas na sigaw nito.

Nagulat siya sa pagtaas ng boses nito. Nang marealize siguro ni Hannah ang biglaang ginawa nito ay mabilis itong bumitaw sakanya. "I-I mean.. sandali lang."

Hinawakan niya ito sa balikat. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya rito.


Naging magkaibigan narin talaga sila ni Hannah. Simula kasi ng makatapos ito ng pag-aaral ay kinuha nito ng kanyang daddy na dito nalang sa rancho magtrabaho bilang financial auditor. Para narin daw hindi na ito malayo sa pamilya nito.


"O-Oo. Ayos lang ako. Ano kasi.. gusto ko lang sana itanong k-kung may plano ka na ba sa birthday mo? A-Aayain sana kita sa lumuwas sa metro. I-ti-treat kita."

Napangiti naman siya sa sinabi ni Hannah. She's always been sweet, iyon nga lang kapag wala itong trabaho ay tumutulong ito sa tatay nito. Madalas ngang pagkamalan itong lalaki dati, pero napansin niyang unti-unti nitong binabago ang mga sinusuot at madalas na nag-aayos narin ito.


Pero he can't accept her offer. He has plans. "I'm sorry, Hannah. Pero, I'm thinking na lumuwas rin kasama si Ellaine eh. I hope you understand. But thanks for the offer." He smiled at her.

Sumakay na ulit siya sa kanyang bisikleta at nag-pedal na palayo pero he stopped when Hannah spoke again.


"May relasyon ba kayo ni Ellaine?"

Napalingon siya kay Hannah, and saw her looking at him intently.

Napabuga nalang siya ng hangin. "Hindi ko kailangang sagutin ang tanong mo, Hannah."

Pagkasabi nun ay tuluyan na siyang umalis. Yes, Hannah is his friend but that doesn't mean that he need to answer her questions just to feed her curiousity.

Pagkarating sa hacienda ay nakasalubong niya ang isang kasambahay.

"Magandang gabi po,señorito." Bati nito sakanya.


"Si Ellaine? Bumaba na?" Tanong niya.

Nag-isip naman ito at tsaka umiling. "Hindi ko pa po napapansin na bumaba si señorita." Sagot nito sakanya.


His eyebrows furrowed. Ano'ng oras na ah? Hindi parin ito nagigising?

Umakyat siya at kumatok sa pinto nito.

"Ellaine?" Tawag niya.

Pero wala siyang sagot na natanggap kaya naman naisipan niyang pihitin ang seradura ng pintuan at hindi pala naka-lock ang pinto nito kaya naman pinapasok na niya ang kanyang sarili.


He looked at Ellaines bed pero wala ito roon. Then his gaze went to the side of the verandah. Napansin niya ang isang canvass at ang mga painting tools ni Ellaine.

Hindi niya makita ang ipine-paint nito dahil nakatalikod ang painting sa gawi niya. Dahil na-curious siya ay nilapitan niya ang painting and just when about he was to reach the painting, Ellaine emerged from the bathroom.

Basa ang buhok nito at naka-sleeveless shirt ito at short.

Nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang malapit sa painting nito kaya nagulat siya nang mabilis na tumakbo si Ellaine sa kanya at tinakpan ang painting nito.

"Hey! Ever heard of knocking?" Sita nito sakanya habang tinatakpan ang painting nito.


"I knocked pero hindi ka sumagot. Ever heard of locking?" Sagot niya. "Ano ba iyan? Bakit mo itinatago?" Tanong niya.

He moved to the side just to get a glimpse of her painting but Ellaine kept blocking his view.

Napangisi siya rito. "Bakit mo iyan tinatago ha?"

Tinulak siya ng bahagya ni Ellaine. "Hindi pa kasi tapos." Katwiran nito sakanya. Kinuha nito ang white cloth at inilagay sa painting nito.

"Bastos siguro iyang painting mo." Sabi niya.


"Hindi ah! Ikaw napakabalahura talaga niyang bibig mo." Nakangusong sabi nito.

"Hindi pala eh. Patingin na ako. Sige na, sweetie." Mabilis na nakaikot siya kay Ellaine at akmang aalisin na ang white cloth nang hilahin siya ni Ellaine.


"Kulit mo naman eh. Alis na." Taboy nito sakanya.

He chuckled. "Sabi na nga ba eh. May itinatago ka, ano?" Tudyo niya rito.

Pero patuloy lang si Ellaine sa paglayo sakanya mula sa painting. "Papakita ko rin sa'yo iyan kapag tapos na. Alis na, Mico!"

Natawa siya. "Oo na. Eto na. Huwag mo na ako itulak." sabi niya.


Tumigil naman si Ellaine sa pagtulak sakanya. Pero mautak siya dahil mabilis na umikot siya ulit kay Ellaine pero, damn! Ang bilis ng reflexes ni Ellaine, mabilis na nahila siya nito sa damit.


Nawalan siya ng balanse kaya napahiga siya sa kama ni Ellaine.

Pero hindi iyon ang ikinagulat niya.

The moment he fell down on her bed, Ellaine followed and laid on top of her.

And what's more shocking is that her lips landed on his.


--------

VOTE AND COMMENT.
FOLLOW ME @kendeyss (Twitter/Ig/ask.fm)

Continue Reading

You'll Also Like

331K 7.9K 30
[COMPLETED] He's Hero Jun Montesilva, and he's no longer playing his dark game. He's up to something real. And there is Kimberly Alvedo, his biggest...
1.6M 23K 36
PUBLISHED UNDER LIB PHR Available in NBS Bookstores and thru online stores via shopee and lazada for as low as 199 pesos. Lahat na ata ng zone mapa-f...
864K 28.3K 19
"I'm not your typical dream girl but you always make me feel like you've just won the jackpot." ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboratio...
15.9K 570 24
The appearance of the mysterious journal tests the love and loyalty of a coffee franchise owner and an architect's marriage that later set the result...