SUKIYAKI (COMPLETED)

By Gretisbored

373K 13.9K 1.5K

Siya si Filipa Natalia Ferrer o kilala sa palayaw niyang Pipay. Tubong Pampanga. Anak ng isang maralitang mag... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY-FIVE

9.7K 425 39
By Gretisbored

A/N: Malapit na po itong matapos kaya stay-tuned!

**********

May pakiramdam akong hindi kami feel ng tiyahin kong taga-Benguet. Minsan kasi'y naulinigan kong tsinitsismis niya kaming mag-ina sa kapitbahay nilang dumalaw. Gusto ko na nga sanang umuwi ng Pampanga, pero kabilin-bilinan ng Tita Chayong kong huwag muna dahil ayon sa mga reliable sources niya'y panay ang balik doon ng mga tauhan ng gustong pumatay sa akin. Tama. Pumatay! Gano'n katindi ang kagustuhan nilang mawala na ako nang tuluyan. Hindi lang kami sigurado ni Tita kung sila ba'y tauhan ng papa ni Kaito o ni Amane.

Nang malaman ni Ate Roselda ang nangyari sa akin, nagpumilit siya kay Tita Chayong na makausap ako sa telepono minsang tinawagan ako ng tiyahin ko.

"Piiiiippppaaaayyyy!" sigaw niya pagkarinig sa aking mag-hello. "Ang landi mong babae ka! Ginulat mo kaming talaga! O, ano? Tama ba ako? Bulate, di ba? Di ba? Hay naku, sabi ko sa iyo, e! Ayaw mong maniwala. Pero okay na ring bulate iyang pers taym mo kasi ang sakit niyan kapag anaconda, e." At humagalpak ito ng tawa.

"Ate Roselda naman, e!" Kainis talaga ang babaeng ito! Ang laki-laki ng rpoblema ko ngayon kung an-ano ang pinagsasabi.

"Pero in pernes, pogi naman iyong Furukawa-san na iyon, e. Bawi naman ang bulate. Siguro naman, marunong gumamit ng dila iyon?"

Bago pa ako makasagot, narinig ko na ulit ang boses ni Tita Chayong. Naulinigan ko pang pinagalitan ito ng tiyahin ko. Narinig ko rin ang hagikhikan ng iba pang Pinay entertainers na nasa paligid nila. Nalungkot ako. Parang kailan lang ay kasa-kasama ko sila.

"O, ano, Pipay? Kailan daw magpapadala ng pera rito ang Tita Chayong mo? Aba'y ang dami nating gastusin. Iyang diapers ng anak mo'y sobrang mahal. Noong isang linggo ka pa umabot ng pera. Walang-wala na tayong panggastos."

Napalingon ako kay Tita Mira. Nakalapit na pala siya nang hindi ko namalayan. Sa lahat ng mga kapatid ng nanang ko ito ang hindi masyadong close kay Tita Chayong. Siguro dahil sa layo ng agwat ng edad nila. Ito kasi ang pinaka-panganay sa kanila kaya halos isang dekada ang pagitan ng edad nilang dalawa. Bukod pa roon, ayon sa nanang ko, nag-asawa ito agad pagatapos ng hayskul at ni hindi na tumulong sa mga lola't lolo ko.

"W-wala pong sinabi ang Tita Chayong, e. Baka sa katapusan pa ng buwan."

"Ano? Ang layo pa no'n! E ang asawa mong hilaw? Wala ka bang matatanggap doong sustento?"

Hindi na ako sumagot. As much as possible ay ayaw kong isipin si Kaito. Tahimik na lang akong dumukot ng dalawang daan sa pitaka sa bulsa ko at inabot sa kanya para huwag nang magtatatalak. Nang makita niya ang dalawang ube, nangunot ang kanyang noo. Siyempre umangal pa, pero iniwan din kaming mag-ina.

Binalikan ko ang beybi ko sa duyan niya. Mahimbing pa rin ang kanyang tulog. Habang pinagmamasdan ko ang makinis niyang kutis at matangos na ilong, naalala ko ang kanyang ama. Dahil doon may nangilid na namang luha sa mga mata ko.

**********

Malayo pa lang ako'y napansin ko na ang pamilyar na sasakyan sa harap ng bahay. Pagkapasok sa loob, hindi na ako nagulat nang makita ko sa living room si Yamauchi-san. Magkahawak-kamay silang nag-uusap ni Amane. Sila ang tila gulat na gulat nang makita ako. Pareho silang napatayo.

"Kaito magpapaliwanag ako. Ang nakita mo'y walang kahulugan."

Nagtaas ako ng kilay. Sinulyapan ko rin si Yamauchi-san. Mukhang hindi naman siya nag-aalala na nakita ko silang magkahawak-kamay.

"Kaya narito si Hisato---I mean si Yamauchi-san kasi'y balak niyang mag-invest sa ipapatayo kong boutique sa Tokyo."

"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. I don't give a fvck!" sagot ko sa mahina at hindi interesadong tinig. Pagkasabi no'n ay dumeretso na ako sa ikalawang palapag ng bahay. Kinuha ko ang iniwang attache case sa ibabaw ng kama ko at bumaba na rin agad. Wala na si Yamauchi nang dumaan ako sa sala.

"Kararating mo lang. Saan ka na naman pupunta?"

Nilampasan ko lang si Amane. Dali-dali akong bumalik sa kotse ko at pinaharurot ito palayo. Pagdating ko sa isang maliit na Japanese restaurant sa Kitaku Umeda, nandoon na ang kausap kong imbestigador. Pinatong ko sa mesa ang attache case at tinulak ito palapit sa harapan niya.

"Kompleto ba ito, boss?" tanong niya sa akin. Pinagkiskis pa ang dalawang palad. Gigil na gigil sa laman ng attache case. Sino ba naman ang hindi? Mahigit kumulang kalahating milyong dolyar iyon.

"Walang labis, walang kulang. Siguraduhin mo lang na may maganda ka nang balita sa susunod nating pagkikita or else alam mo na ang mangyayari sa iyo."

Ngumisi ito. Nagsilabasan ang yellowish niyang bungi-bunging ngipin. Binigyan ko siya ng tiger's look. Sumeryoso naman ang hunghang.

Katatapos lang naming mag-usap nang tumawag si Papa. Pinapapunta niya ako sa upisina niya. Ayaw ko mang dumaan doon ngayon, napilitan din ako dahil mukhang susunugin niya ang buong karagatan sa galit. Naisipi ko tuloy, ano na naman kaya ang sinumbong sa kanya ng bwisit na babaeng iyon?

"Gusto kong linisin mo ang iyong koseki (family registry) sa lalong madaling panahon! Nakakahiya kina Arakawa-san! Ano na lang ang sasabihin nila sa atin?"

Hindi ako kumibo. Mayamaya pa'y dahan-dahan itong ngumiti.

"Kailan mo kami sasabihan ng iyong ina? Kung hindi pa sinabi sa akin ni Arakawa-san ay hindi ko malalamang magkakaapo na pala kami sa iyo."

Napamulagat ako.

"O, hindi ba sinabi sa iyo ng asawa mo?"

Tumawa na ito.

"Hindi ko pala dapat sinabi sa iyo ito. Mukhang gusto ka sana niyang sorpresahin."

Hindi kaagad ako nakahuma. Nang mag-sink in ang balita'y napangiti ako. Sa wakas mayroon na akong matibay na rason kung bakit hindi ko siya maaring maging asawa.

**********

Inaayos ko ang mga nalabhan na lampin sa sampayan nang mapansin kong may humintong sasakyan sa harap ng bahay ni Tita Mira. Nang bumaba ang sakay nito, nanlaki ang mga mata ko. Tumakbo pa sana ako papasok sa loob ng bahay, pero naabutan niya ako. Hinuli niya ang isa kong braso't hinila ako. Napasubsob ako sa dibdib niya. Tinulak ko pa sana siya palayo, pero mahigpit niya akong niyakap. Hinagud-hagod niya ang buhok ko habang hinahagkan ang sentido ko.

"I missed you! I missed you so much!"

"Kaito, ano ba!"

Paano kaya ako natunton ng damuhong ito?

"Kailangan mong sumama sa akin. Hindi na ako papayag na mawala pa kayo ni beybi sa piling ko!"

Nagpumiglas ako at tinulak ko siya uli. Pinakawalan naman niya ako this time.

"Bumalik ka na sa inyo! Hindi ka dapat pumarito! Ang sabi sa akin ni Tita Chayong, nag-asawa ka na---pinakasalan mo na si Amane, kaya bakit gusto mo pa akong makasama? Ang swapang mo naman!"

Ngumiti siya nang may lungkot sa kanyang mga mata.

"Ang alam ko, kasal ako sa iyo. Wala akong ibang asawa kundi ikaw lang."

"Talaga? Kaya ba pinakasalan mo si Amane? Kaya ba binuntis mo rin siya? Kaya ba magkakaanak ka na rin sa kanya?" Humihingal na ako sa sobrang galit.

"The marriage is null and void---dahil nauna akong magpakasal sa iyo. Ginawa ko lang naman iyon dahil pinilit nila ako. At wala akong kawala nang gabing iyon. Pero kailanman ay hindi ko siya sinulat sa koseki ko. Kahit itanong mo pa kay Akio."

Hindi ako nakasagot agad. Sinipat ko ang kanyang mukha kong nagsasabi siya ng totoo. Mukha namang hindi nagsisinungaling. Pero ang sabi ni Tita Chayong nagsasama na sila sa iisang bubong ni Amane kaya nga sinabihan akong huwag ko nang asahan na balikan pa niya ako.

"Siyempre naman, kaibigan mo ang Akio na iyon. Kanino pa ba siya kakampi?"

Bago siya makasagot, lumabas si Tita Mira kalung-kalong si beybi. Isang tingin lang niya kay Kaito, nahulaan niya agad na ito ang ama ng anak ko. Halos napatili ito sa katuwaan.

"Ang pogi pala nitong asawa mo, Pipay! At mukhang ubod ng yaman!" Nagkandahaba ang leeg nito sa kakatiningin sa nakaparadang BMW sa tapat ng bahay niya.

Napatingin si Kaito kay Tita Mira na tila nagtatanong ang mga mata. Nagpakilala naman agad ang tiyahin ko sa kanya sabay pakita sa mukha ng beybi. Magkamukha raw talaga silang mag-ama.

Dahil sa kadaldalan ni Tita Mira, napag-alaman kong natunton kami sa Benguet nang dahil sa kadaldalan ng kapitbahay naming si Aling Delia. Ito raw ang napagtanungan ng private investigator na inutusan ni Kaito na maghanap sa amin. Naitsika daw ng matanda na baka nagtago ako sa bahay ng isa pang kapatid ng nanay ko. Pambihira!

Ora-orada'y pinaimpake kaming mag-ina ni Kaito. Binigyan niya ng pera ang Tita Mira ko't nagpasalamat sa pagkupkop sa amin. Sinabihan din akong dadaan lang daw kami sa amin sa Pampanga at tutuloy na rin daw agad sa Japan nang araw ding iyon. Kailangan daw maparehistro na namin ang bata sa family registry niya sa lalong madaling panahon dahil kinakapos na kami sa oras. Tatlong buwan lang daw kasi ang binibigay na panahon para doon at magte-three months na si beybi sa susunod na linggo.

"Ano ka sinuswerte? Akala mo ganoon lang kadali ang lahat? Malay ko ba kung niloloko mo lang ako? Baka balak mo lang akong gawing mistress mo! Hindi ba't gano'n din ang ginawa ng papa mo sa isang alaga ni Tita Chayong noon?"

Hinila niya ako ulit at hinawakan sa magkabilang pisngi. Sa harap ni Tita Mira ay binigyan niya ako ng isang mainit na halik. Nanlambot ang mga tuhod ko't napakapit pa sa batok niya.

"Does it feel like I want you to be my mistress?" anas niya sa akin bago niya halikan ang tungki ng ilong ko. Napanganga lang ako sa kanya.

**********

Medyo takot na takot si Akio nang salubungin niya kami sa Chubu Airport sa Nagoya. Panay ang tingin nito sa likuran niya. Nang nasa loob na kami ng limousine saka niya ako binulungan na dinaanan daw siya ng papa ko sa Banzai Studio nang araw na iyon at binantaan na oras na may kinalaman daw siya sa pagtatago sa akin ay makakatikim daw siya ng bagsik nito.

"Bakit hindi mo nilagay ang pangalan ni Amane sa koseki mo? Tuloy ay napag-alaman ng Papa't Mama mo na may tinatago ka nga!" anas nito sa akin. Sumulyap-sulyap siya kay Filipa at ngumiti-ngiti na para bang ina-assure ito na wala lang ang pinag-uusapan namin.

"Why would I do it? She's not my wife," kalmado kong sagot. "Naayos mo ba ang pinapaayos ko sa iyo?" Ang ibig kong sabihin ay ang bahay na patitirhan ko sa aking mag-ina.

"Oo naman."

No'n lang niya parang napansin ang beybi na kalung-kalong ni Filipa. Sinilip niya ito at napangisi. Kamukhang-kamukha ko raw ang bata. Bakit hindi ko na lang daw harapin ang mga magulang ko't ipakilala ang apo nila? Sigurado raw na magbabago ang isip nila tungkol sa amin ni Filipa.

"You don't know them," malungkot kong sagot.

**********

Pagdating namin sa isang magarang tenth-story building, pumasok na sa basement ang limousine kung saan ang parking lot ng mga residents ng naturang gusali. Kinuha ni Kaito sa akin si beybi at magkahawak-kamay kaming pumasok sa elevator. Hindi na sumama sa amin si Akio.

Tatlo ang kuwarto sa unit na kinuha niya para sa amin ng bata. Maluwang ang bawat silid nito, mas maluwang nang di hamak kaysa sa condo na binili niya para sa amin sa Maynila. Nalula nga ako. Bihira naman kasi ang ganoon ka lawak na tirahan para sa mga Hapon.

"This is our room," sabi niya nang pumasok kami sa master's bedroom. Bahagyang nag-init ang pisngi ko. May kung anu-ano na naman akong naisip. Kaagad ko ngang inagtabuyan iyon sa utak ko bago pa kung saan iyon humantong. Nakakahiya. Baka akala niya'y gano'n ako ka sabik sa kanya.

Hiniga niya si beybi sa nag-aantay na crib roon at hinawakan niya ang kamay ko. Pinisil-pisil niya iyon at hinagkan. Napalunok ako nang ilang beses. Parang hindi ako sanay sa isang masuyong Kaito. Balasubas kasi ang Kaito na nakasanayan ko.

Nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi ay napasinghap ako. Awtomatikong napapikit pa ang aking mga mata. Inasahan ko nang hahalikan niya ako, pero hindi iyon nangyari. Pagdilat ko, nakatitig pa rin siya sa akin. Napalunok ako. Hindi ko nakayanan ang intensity ng tingin niya kung kaya iniwas ko ang mga mata. Bahagya akong nagulat nang bumaba ang kanyang mukha at halikan ang isa kong mata. Nang balingan ko siya'y saka lang ako siniil ng halik sa labi. Nang akayin niya ako patungo sa king size bed sa gitna ng silid, hindi na ako nag-inarte pa.

We were almost there when his phone rang. Base sa reaksiyon niya, napagtanto kong kung sino man ang tumawag ay isa iyong importanteng nilalang dahil bigla siyang napatayo at napalabas ng kuwarto kahit naghuhumagsik pa ang kanyang anaconda. It made me worry much. Natanong ko tuloy ang sarili kung tama ba ang desisyon kong sumama sa kanya at suwayin ang payo ni Tita Chayong na huwag nang bumalik ng Japan.

Continue Reading

You'll Also Like

101K 1.7K 33
Suarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when de...
185K 4.7K 64
Book 2 of Sweet Series
27.2K 64 1
Company Rivals - that's the best way to describe the relationship between these two. Ethan Gabriel De Seville took over his family's business upon hi...
2.1M 61.6K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...