The God Has Fallen

By JFstories

7.3M 199K 105K

Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets... More

Prologue
The God Has Fallen
Episode 1
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 9
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 15
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 19
Episode 20
Episode 21
Episode 22
Episode 23
Episode 24
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39

Episode 5

205K 7.6K 1.4K
By JFstories

EPISODE 5

Jane's POV


Para akong walang buhay habang nakasandal sa bato. Pansamantala muna akong iniwan ni Libag dito at ng ilan kong katribo. Naghahanda na sila para dalhin ako sa kabilang isla kung saan nandoon ang mga Dinarandado- ang tribo ng mababangis na malalaking babae.


Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Bathala. Paulit-ulit ko iyong naririnig. Mas nasaktan pa ako sa sinabi niya kaysa nang maranasan ko ang unang kamatayan. Hindi ko akalain na gusto niya rin akong mamatay dahil sa aking pagkakasala.


Nagkasala nga ba ako? Siguro nga kasalanan ko. Tama lang na maparusahan nga ako. Kaysa naman si Bathala ang maparusahan. Mabuti na yung ako na lang.


Napapikit ako sa isiping dadalhin nila ako sa kabilang isla. Ano nga ba ang maari kong kahinatnan? Paniguradong kukunin ng pinuno ng mga Dinarandado ang mahaba kong buhok.


Pakay na niya noon pa man na magkaroon ng ganitong buhok. Ang mga buhok kasi nila sa ulo ay buhul-buhol. Hindi katulad ng sa akin, tuwid at malambot. Pero mas gusto ko pang mamatay na lang kaysa kunin niya sa akin ang aking buhok habang ako'y buhay.


Nagulat ako nang biglang sumulpot si Bathala sa harapan ko. Lilinga-linga siya sa paligid bago lumapit sa akin. "Jane, kailangan nating mag-usap," bulong niya.


Nakatingin lang ako sa kanya. Gumuguhit pa rin sa dibdib ko ang sakit sa tuwing nakikita ko siya. Akala ko kasi ay mahalaga ako sa kanya, hindi pala. Ako lang pala ang nag-iisip na may halaga ako sa kanya.


"Ayos ka lang ba?"


Tumango ako. Sa tanong niyang iyon, kahit papaano ay naiisip kong may halaga pa rin ako. "Kumain ka na ba, Bathala?" tanong ko sa kanya. Baka kasi nanghihina na siya.


"Kumain na 'ko."


"Kung magugutom ka, kunin mo sa silong ko iyong mga kabibe ko. Maari mo iyon ipagpalit ng mga pagkain dito."


"Ayoko. Nakakadiri ang mga pagkain niyo."


"Paumanhin, Bathala, iyon lamang kasi ang mga pagkain dito." 


Iiwas na sana ako ng paningin nang may kung anong bagay siyang inilabas. Namilog bigla ang mga mata ko. 


"Heto." May hawak siyang tela na basang-basa ng tubig. Piniga niya iyon sa aking mukha.


Napalunok ako at agad na nasabik.


Sinalo ng bibig ko ang tubig na nagmumula sa telang piniga niya. Kailangan ko ito. Kailangan ko ng lakas para kung sakaling balatan ako ng buhay ng mga Dinarandado ay may lakas akong pigilan ang sakit na mararamdaman ko.


"Hindi mo na ba maliligtasan ang mga Dinarandado na yun?" Pagkuwan ay tanong niya.


Umiling ako. "Malalakas ang mga Dinarandado. Mababangis sila at malalaki. Nakakatakot. Galit sila sa tribo namin."


"Ano bang gagawin nila sa'yo?"


Napalunok ako. "Baka kunin nila ang buhok ko, pagkatapos ay susunugin na nila ako ng buhay."


Umigting ang kanyang panga.


"Naiinggit kasi sila sa tribo namin, lalo na sa akin dahil may taglay akong mahaba at malambot na buhok. Naiinggit din sila sa akin dahil sariwa pa raw ang aking kanduli."


"Kanduli?" Nangunot ang noo niya.


"Kanduli. Kung meron kang panokhang, kami naman ay mayroong kanduli."


Napangiwi siya. "Hindi ba isda ang kanduli?"


Umiling ako. "Ang kanduli ay parte ng katawan namin. Nasa pagitan ito ng mga hita namin."


Napakamot siya. "Marami pa talaga akong hindi alam." Usal niya.


"P-pero ayos lang naman yun, di ba?" Pumiyok ako. "Sabi mo nga, dapat lang na patawan ako ng parusa... dahil nagkasala ako. Dapat lang na mamatay ako dahil sa kasalanan ko."


Napabuga siya ng hangin. Iniba niya ang usapan. "Sabihin mo na lang sa akin kung paano ako makakaalis sa islang ito–" Natigilan siya.


Hindi kasi namin namalayan na nasa likuran na pala namin si Jamod at ang ilang tribo.


"Pukangkang..." Malungkot ang tinig ng matanda.


Napaluha ako nang makita ang matandang nagpalaki sa akin. "J-Jamod..."


"M-may isa pang paraan para mapawalang bisa ang parusang ipinataw sa'yo."


"A-ano po?" nanghihinang tanong ko kay Jamod. Nasabik ako sa isiping maaari pa rin akong makaligtas at makakasama ko pa ulit si Bathala.


"Aminin mo." Lumapit siya sa akin at nilampasan niya ang Bathala.


"Sabihin mo sa amin na hindi mo ginawa ang balsa... na may nag-utos lang sa'yo."


Gumuho ang pag-asa sa dibdib ko.


Hindi ko yata kayang gawin iyon. Hindi ko pwedeng sabihin na inutusan lang ako ni Bathala o ng kung sino. Ayokong may ibang mapahamak ng dahil sa ginawa ko. Lalo na kung si Bathala ang mapaparusahan, ayoko.


"Sabihin mo, Pukangkang... may nag-utos ba sa'yo?"


Napatingin ako kay Bathala at nakita kong pawisan siya.


"Sabihin mo..." Pagpupumilit ni Jamod. "May nag-utos ba sa'yo–"


"Wala po." Sagot ko. Napayuko ako kasabay ng mga luha ko. "N-nilabag ko po ang batas. Dapat lang po na patawan na ako ng ikalawang kamatayan..."


Napapikit si Jamod matapos marinig ang lahat. "Dalhin ang Pukangkang sa kabilang isla."


Nilapitan na ako ng mga katribo ko at hinawakan ako sa magkabila kong braso. Mabuti at nakawala ako sa kanila. Patakbo akong lumapit kay Bathala at nilundag ko siya ng yakap. Kung hindi ko na maiiligtas ang aking sarili, kahit man lang siya sana. Kailangan na bago man lang ako mamatay ay mailigtas ko siya.


Lahat ay nabigla sa ginawa ko. Pati si Bathala, nabigla nang yakapin ko siya. Bumulong ako sa kanyang tainga. "M-may ginawa pa akong isang balsa... itinago ko sa likuran ng kweba..."


Umangat ang isang sulok ng kanyang labi. "Goodbye, Jane." Aniya na hindi ko naman naintindihan


Hinila na ako ng mga katribo ko palayo sa kanya. Halos kaladkarin nila ako papunta sa kabilang isla.


Hindi na ako nilingon ni Bathala matapos niyang marinig ang ibinulong ko sa kanya. Tinalikuran na niya ako at hindi na sinulyapan pa.


...


Rogue's POV


Jane was right. Meron pa ngang isang balsa na nakatago dito sa likod ng kweba. Minaliit ko ang babaeng iyon. Hindi ko akalain na mautak siya.


Ang problema lang, mukhang hindi pa tapos ang balsa na ito. Kinailangan ko pa itong patungan ng ilan pang mga branches at itali ng baging.


We'll, I'm not good at this. Mabuti na lang at may inihanda ring mga baging at punong-kahoy si Jane sa paligid. I'm almost done here. Kapag natapos ko na ito, pwede na akong maglayag. Sakto dahil maganda ang panahon. Wala akong nakikitang maitim na ulap sa malayo.


"Ouch!" I gritted my teeth as I looked my hands. Hindi pala biro ang magtali ng baging sa kahoy. Nagagasgasan ang palad ko. Baka magkakalyo ang malambot kong palad.


Pero nagpatuloy ako. Wala namang ibang gagawa nito kundi ako.


Napailing ako nang maalala ko na naman si Jane. Kawawa naman siya, mamatay siya nang maaga. Sayang kasi hindi ko man lang siya natokhang.


This is all Panther's fault. Kasalanan niya kung bakit kaawa-awang mamamatay ang inosente niyang kapatid. Ilagay ba naman niya dito si Jane sa islang ito na siya ang lumikha. In the end, he has no one to blame but himself. He just made a grave for her own younger sister.


If he was watching, he should be frustrated by now. Paano niya ngayon ang ililigtas si Jane? It will be too late kung sakali mang maisipan niya.


Akala niya siguro ay mauutakan niya ako. He's so desperate to use his own sister just to defeat me. Sorry na lang dahil mautak ako at matalino. Wala akong balak na magpahulog sa patibong niya. 


Mas magaling pa rin ang leader ng BOS kesa sa leader ng RNS. And he'll see once na makaalis ako sa islang ito. Siya naman ang ipapatapon ko sa Isla Deogracia.


But wait. Baka mag-enjoy lang ang mokong na iyon sa Isla Deogracia. Ang islang iyon kasi ang pinakamagandang isla sa balat ng lupa. Di hamak na mas maganda ang islang iyon ng isang milyong beses kumapara dito sa Isla Potanes.


Maybe I should buy a haunted island. Then gagawin kong zoo, or ilalagay ko lahat sa islang iyon ang lahat ng fraternity na nakalaban namin –iyong galit din sa RNS. Saka siya naman ang ipapatapon ko doon. Ewan ko nalang kung hindi siya balatan ng buhay ng mga iyon.


I sighed. Jane is too young to die. Honestly speaking, wala siyang kasalanan sa lahat ng ito. Inosente siya at walang alam. Biktima lang talaga siya. 


I couldn't imagine kung ano ang gagawin sa kanya ng mga Dinarandado. Ang kwento sa akin ni Jane, malalaki ang mga ito at malalakas. Maiitim at mas mababaho.


Ang naiimahe ko tuloy ay mga halimaw na mga babae. Kung magkaganun man, tiyak na malalakas nga ang mga iyon. Baka mas malalakas at malalaki pa kaysa sa akin. And I'm sure na meron iyong mga pritong kanduli.


Finally! Natapos ko na rin ang balsa sa huling buhol ng baging na ginawa ko.  Malakas ko itong itinulak papunta sa tubig. And voila! Lumutang ito. At nang sakyan ko ito ay umandar ito ng kusa. Gamit ang isang kahoy na pinalapad ko ay nagsagwan ako.


Napatanaw ako sa karagatan na susuungin ko. The sky was clear, at walang gaanong alon. I think magiging succesful ako nito na makakauwi sa amin.


I'm going home.


Napatingin ako sa palad ko. Bakit puro sugat ito? Dahil sa paggawa ko ng balsa? I suddenly realized something. Napapikit ako. So this must be the reason kung bakit puro sugat din ang palad ni Jane...


Dahil sa akin. Damn!


...


Jane's POV


Nakatirik pa ang araw nang igapos ako dito sa isang puno ng mga katribo ko, ngayon ay papalubog na ito sa karagatan. Iniwan na lang nila ako dito sa kabilang isla. Ayaw nilang madatnan pa sila ng mga Dinarandado dahil baka mapaaway pa sila sa mga ito.


Mayamaya ay lumagaslas ang damuhan sa di kalayuan. Kinabahan na ako. Pihadong sila na ito – ang mga Dinarandado. Mga malalaking babae.


At hindi nga ako nagkamali. Sumulpot ang ilang mga tribo nito paisa-isa. Hanggang sa naglitawan na sila. Nangunguna na sa kanila ang kanilang pinuno – si Durat.


Malaking babae si Durat. Ngumiti siya nang makita niya ako. "Pukangkang!"


Nagliwanag ang kanyang mukha kahit na maitim ang kabuuan niya.


Lahat sila ay naghiyawan sa tuwa nang makita nila ako. Alam na nila na naparusahan ako kaya ako nakagapos.


"Sa wakas! Akin na ang maganda mong buhok!" ani Durat. Mata lang ang maputi sa kanya. Kasi kahit ang kanilang ngipin ay nangingitim. Ang kulay ng kanilang balat ay kasing itim ng gabi.


Sa tabi ni Durat ay naroon ang pinakamalaki sa kanila. Mas malaki pa ito kay Libag. Ito ang kanang kamay ni Durat. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Dayag.


Si Dayag ang pinakamaitim sa kanila at pinakamataba. Lagi siyang may hawak na pamukpok. Iyong kahoy na may bato na nakatali sa dulo. Kapag naisipan niya akong pukpukin sa ulo, siguradong sabog ang bungo ko.


Lumapit sa akin si Durat. Nanlilisik ang naninilaw niyang mga mata. Ang taas niya ay tulad ng taas ni Bathala. Ang katawan niya ay mukhang malakas. "Anong gusto mong gawin ko sa'yo, Pukangkang?"


Kahit nanginginig ako sa takot ay sinikap kong maging matapang. "Bahala ka. Pero mas maganda sana kung pugutan mo na lang ako ng ulo."


Natawa siya. "Iyon din ang plano ko. Pero bago iyon ay kukunin ko muna ang buhok mo!"


Buhol-buhol ang buhok nila sa ulo, kaya ang gusto nila ay ang buhok ko.


"Patayin mo muna ako kung gusto mong makuha ang buhok ko!" Handa na akong mamatay pero patayin niya muna ako bago niya kunin ang buhok ko. Hindi ako natatakot sa kanya o sa tribo nila. Isa ito sa mga natutunan ko kay Jamod, ang maging matapang.


Ngumisi si Durat. Humarap siya kay Dayag at tinapik ito sa balikat. "Pukpukin mo siya sa ulo."


Napangiti si Dayag sa sinabi ni Durat. Sa hitsura niya, mukhang kanina niya pa ako gustong pukulin sa ulo. Kaya naman iniangat niya ang kanyang pamukpok at bumwelo. Inihampas niya ito sa aking ulo.


Ngunit bago ito dumapo sa akin ay may sumalo nito. Ganun na lang ang pagkatigagal ko nang makita ko ang matangkad na lalaki na biglang dumating-- si Bathala!


"B-Bathala?" tulalang sambit ko. Hindi ako makapaniwala.


Ibinalibag ni Bathala ang sandata ni Dayag sanhi para tumilapon din ito. Nabuwal ito sa pagkakatayo sa matinding pagkakakapit sa sandata nito.


Napakalakas ni Bathala!


Lahat ng tribong Dinarandado ay napanganga sa ginawa niya. Kahit si Durat ay hindi makapaniwala.


Nag-ulap ang aking mga mata at bumilis ang tibok ng puso ko. "B-Bathala..."


Napasentido siya. "Damn it. Why the hell am I doing this?" Bulong niya. Hindi ko siya maintindihan.


Pagkuwan ay humarang siya sa harapan ko at hinarap ang buong tribo.


"Wag kang mag-alala." Sabi niya sa akin nang hindi ako nililingon. "Hinding-hindi ko hahayaan na saktan ka nila."


Naglandas ang aking mga luha dahil sa sinabi niya. Lalo na ng lingunin niya muli ako kahit pa hindi ko maunawaan ang huli niyang sinabi.


Nginitian niya ako. "After this, we're going home, Jane. I'm bringing you home."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 219K 53
After getting her heart ruthlessly broken, Leila believed that love is a murderer. She became as cold as ice and pushed everyone away. But now that L...
1.3M 41.8K 34
THE WATTY AWARDS 2021 WINNER: ROMANCE Due to an unexpected pregnancy, ex-lovers Ryo and Frankie are forced to live under the same roof. They can't st...
470K 8K 35
Eros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing mor...
456K 17.8K 57
Sigourney receives a warning from her fiancé's cousin and best man that proceeding with the wedding would be the biggest mistake of her life. Should...