Ang Dalawang Anino ni Satanas

By GYJones

199K 13.1K 1.4K

Nagbabalik ang team ng exorcist, psychic at parapsychologist upang makipagtuos mismo sa hari ng kadiliman--s... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Premiere Night
Chapter 2: Ang Kaso ni Don Villaromano
Chapter 3: Hannah's Date
Chapter 4: Sa Mansyon
Chapter 5: The Exorcist
Chapter 6: The Possessed
Chapter 7: The Private Detective
Chapter 8: To JHS!
Chapter 9: Symbols
Chapter 10: Ang Don
Chapter 11: Merry Satanic Christmas, Joe Mari
Chapter 12: Satan!
Chapter 13: It Comes And Goes
Chapter 14: In His Own Image
Chapter 16: Ang Satanic Groupie, Jesus Fish at Si Emily Rose
Chapter 17: Black Nativity
Chapter 18: Ang Green Room
INTERMISSION
Chapter 19: The Deal
Chapter 20: Madaling Araw
Chapter 21: The Raid
Chapter 22: Caroling
Chapter 23: The Vessel
Chapter 24: The Twin Enigma
Chapter 25: Christmas
Chapter 26: Game Time!
Chapter 27: Pasko sa Mansion
Chapter 28: Ang Bahay na Itim
Chapter 29: The Ritual
Chapter 30: Rescue!
Chapter 31: Reunion
Chapter 32: Double Exorcism
Chapter 33: Hypnotism
Chapter 34: Satanists Attack!
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
ACKNOWLEDGMENTS

Chapter 15: Infiltrate!

4.6K 317 21
By GYJones


Ng mga oras na nagaganap ang exorcism sa mansion ay nasa isang donut shop naman si Andy sa Mabini area sa Maynila.

Nakaupo ang private investigator sa mesang pandalawahan malapit sa bintana kung saan kita niya ang mga taong nagdaraan sa sidewalk. Nakakakuha siya ng munting aliw sa pagoobserba sa mga tao. Ang takbo ng buhay. Ang paggising sa umaga; ang pagpili ng maisusuot; ang hassle ng pag-commute; ang mademandang trabaho; pag-iisip ng makakain sa tanghalian. At kinabukasan, ganoon na naman. Ito ba ang saysay ng buhay? Aniya sa sarili. Ang stages ng buhay. Isingit mo in between ang pag-aasawa't pagkakaroon ng mga anak. Na habambuhay kang magtatrabaho hanggang sa ikaw ay mamatay.

"Unless katulad ka ni Don Carlos Augusto Villaromano," ngiti ni Andy sa sarili. "Maagang magreretiro dahil maraming datung."

Umuusok ang kape sa styro sa kanyang harapan. Nangalahati na ang sugar-glazed donut na katuwang nito. Sa loob ng donut shop, may ilang tao na nagkakape rin, at may mga nag-t-take out sa counter. Bumukas ang pintuan ng shop at pumasok ang matangkad, matipuno at halos ka-edaran niyang lalaki. Tinaas ni Andy ang kanyang kamay para makita siya.

"Kanina ka pa, pare?" paglapit ng lalaki na may malalim na boses. "Pasensya na't may mga binilin pa ko kay Marissa."

Ang lalaki'y nagngangalang Tony at ang binanggit nitong babae'y kanilang sekretarya. Partner sina Andy at Tony sa maliit nilang kumpanya—ang Maverick Private Investigators at mga apat na kanto lang mula sa donut shop ang gusali kung saan sila nagrerenta ng opisina.

"Umorder ka muna," sabi ni Andy.

Nagtungo sa counter si Tony at pagbalik sa upuan ay hawak na ang tray ng kape at anim na donuts. Malaking tao si Tony, malaki rin ang kanyang appetite.

"Tungkol ba ito doon sa mayamang taga-Forbes Park?" tanong ni Tony habang sinimulan ang isang donut. "Na-locate mo na 'yung nawawala?"

Tumango si Andy at mula sa bulsa ng kanyang leather jacket ay inilabas niya ang isang maliit na litrato at inabot ito. Litrato ito ng warehouse. Ayon kay Andy, kailangan nilang i-infiltrate iyon para i-recover ang taong pinapahanap ni Don Carlos. Ayaw din daw ng Don ng involvement ng mga pulis.

Gets agad ni Tony ang sitwasyon. At kung bakit siya ang kausap ngayon ng partner—dahil dati siyang PNP. Pansamantalang na-distract si Tony nang makuha ng atensyon niya ang dalawang magandang office girls na umu-order sa counter at feeling niya'y tumitingin sa kanya.

"Ito 'yung grupo ng mga Satanista, 'di ba? Tingin mo kargado sila?" tanong ni Tony.

"Malamang, pare," sagot ni Andy.

"Dating gawi?" sabi ni Tony.

"Dating gawi," ulit ni Andy.

Ginanahan lalo si Tony nang banggitin sa kanya na may 200k bonus silang paghahatian.

"Game ako d'yan, pare," sabi ni Tony. "Maaasahan mo 'ko. Sabihin mo lang sa akin kung kailan."

Matapos ang kanilang pag-uusap ni Tony ay naisipan ni Andy na bisitahin si Don Carlos. Makarating sa mansion ay nakita niya ang Hi-Ace sa curb at ipinarada ang pick-up niya sa likuran nito. Maya-maya'y nagmamadaling lumabas si Don Carlos at nagsalubong sila sa tapat ng bahay.

"I thought I told you na bukas pa tayo mag-uusap?" inis na bungad ng Don.

Maya-maya'y lumabas na rin sina Father Markus, Jules at Hannah.

"Sabi na eh," ngiti ni Andy nang makita sila. "Kumusta ang exorcism? Mukhang napalaban kayo a," aniya sa kanila.

Nagulat ang lahat sa pahayag ng private investigator. Bagama't hindi ipinaalam ni Don Carlos sa kanya ang role ng JHS ay napagugnay-ugnay ng P.I. ang lahat: Ang koneksyon ni Miguel, ng Satanic Cult, at lalo pang nakumbinse nang makita niya ang nakapamparing si Father Markus.

"Kung hindi ako nagkakamali, isa kang exorist," sabi ni Andy sa pari.

Lumapit si Father Markus at in-offer ang kanyang kamay. "Father Sebastiano Markus."

Nang mag-shake hands sila ay naramdaman ni Andy na may energy na dumaloy mula sa palad ng pari paakyat ng kanyang braso hanggang sa balikat. Bahagya siyang napaatras, nagtataka.

"At ikaw Mr. Madrid," ngiti ng pari, "ay isang agnostic. Hindi ka naniniwala na may diyos, pero hindi mo rin kayang patunayan na wala."

Napawi ang ngiti sa mukha ng P.I. Kung nabasa niya kung sino sila, ay basa rin ng pari ang kanyang pagkatao—partikular ang kanyang paniniwala. Hindi siya agad na naka-react pagka't dama pa niya ang kakaibang sensasyon na hatid ng paghawak ni Father Markus.

"Malay natin, alien pala ang diyos," biro ni Hannah.

Nilapitan ni Don Carlos si Andy. "Halika, dun tayo mag-usap," aniya.

Pero bago pa sila makahakbang ay natigilan silang lahat nang may dumaang itim na van. Mabagal itong nag-cruise sa harapan ng mansion. Bukas ang mga bintana at sa loob nakatingin ang mga nakasakay—ang mga Satanista na may sariling simbolo. Nakipagtitigan ang mga ito sa kanila. Sa harapang upuan nakaupo ang skinhead nilang leader.

"Juan Satan..." bulong ni Jules.

Nang makalagpas ang van ay nagkatinginan silang lahat.

"What did you say?" tanong ni Don Carlos kay Jules.

"'Yung skinhead sa harap ng van ang leader nila. Ang pangalan niya ay Juan Satan," inform ng parapsychologist. "May banda siya, Satan's Shadow. May mga underground gigs sila...tugtugan."

Na-impress lang si Andy kay Jules—na nalaman ng parapsychologist ang impormasyong iyon. Of course, alam na rin ni Andy kung sino si Juan Satan.

"Kung gusto nating malaman ang activities nila," patuloy ni Jules. "Maganda sana na ma-infiltrate natin ang grupo nila."

Infiltrate. Uli, napangiti si Andy. May plano rin sila ni Tony na infiltration.

"How?" mabilis na tanong ng Don.

"Banda sila, 'di ba?" pag-isip ni Hannah, at excited na sinabi, "Ibig sabihin may mga followers 'yan, mga groupies. Pwede tayong mag-pose na mga Satanistang fans!"

Agree sila sa plano. Kung ma-iinfiltrate nila ang grupo nila Juan Satan ay makakakuha sila ng impormasyon na maaaring makatulong sa pagpugsa kay Satanas, at malalaman nila ang puno't dulo kung bakit pinossess ng dimonyo si Miguel.

"Okay, you do that," utos ng Don.

"Kaso nakita na kayo ng mga Satanista. Kilala na kayo," sabi ni Andy.

May naisip si Jules. "Si Hannah may kilala," mungkahi niya.

"Ako?" pagtataka ng psychic.

"Oo, Hannah. Nagbabanda siya 'di ba? Tamang-tama."

Nagets ni Hannah ang taong tinutukoy ni Jules. "Naman, Jules!" alma niya. "Yoko ngang magmukhang cheap!"

"For the team Hannah, one for the team," kumbinse ni Jules.

Ayaw sana ni Hannah pero na-pressure siya. Kinuha ng psychic ang kanyang cellphone at nagdial habang tinatarayan ng tingin si Jules. Saglit lang ay nag-ring ito at may sumagot.

"Hello, Hannah?"

Nagbuntong-hininga si Hannah at sumagot.

"Hi,Dean..."


NEXT CHAPTER: "Ang Satanic Groupie, Jesus Fish at si Emily Rose"

Continue Reading

You'll Also Like

30.6K 2.5K 29
Matapos ma-aksidente ng simpleng mangingisda na si Manuel, nakumbinse siya sa sarili na siya ang second coming ni Jesus Christ. At siya'y naghanap ng...
2.2M 74K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
71K 2.6K 51
[COMPLETED TOP HISTORICAL FICTION NOVEL ] "30 Days With Mr. Weirdo" reached the highest rank #14 as of November 2017 in Historical Fiction! Check thi...
20K 494 12
Rank #1 MULTO. Huwag magbasa kung mahina ang loob. Koleksyon ng mga orihinal na kuwentong multo sa probinsya at siyudad. #Featured #Multo #Tagalog #P...