Moskova Series #1: Mr. Nice G...

By rushievyl

633K 12.6K 1.3K

Kris Lorenz Moskova the eldest son of the Head of FALCON'S security agency. He is known as Mr. Nice Guy??? ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
A/N
Special Chapter
Special Chapter 2
Teaser

Chapter 44

11.1K 205 22
By rushievyl


Lorenz POV:

"Dad I have to go, kayo na po muna ang bahala sa lahat. Kailangan ako nang mag-ina ko." Paalam ko kay dad.

Sumaglit muna ako dito sa office dahil mayroon akong dapat permahan at dito na rin ako naligo at nagbihis dahil meron akong maliit na silid sa office kaya hindi ko na kailangang umuwi.

Makakabalik ako agad sa hospital para bantayan si Mary.

"Ok son and I am proud of you." Nakangiting sabi naman ni dad.

Tinanguan ko lang ito ganoon din si Lucas na tahimik lang ngayon.

Pero bago pa ako makatayo ay kumatok sa pinto si Lea bago pumasok.

"Sir, nasa labas po si Mr Salvador at gusto niya po kayong makausap." Pagbibigay alam ni Lea matapos batiin si dad at Lucas.

"Anu na naman ang kailangan ng Salvador na yan?" Nagtatakang tanong ni dad.

"Let him in." Singit naman ni Lucas na siyang ipinagtataka ko.

Dahil isa sa pinakaayaw ni Lucas ang humarap sa mga taong ayaw nito. Madaling uminit ang ulo nito kaya nakapagtataka na nakangisi pa ito ngayon.

Pero dahil kilala ko ang kapatid ko ay alam ko na may kalokohan na naman itong binabakal.

"Ok, papasukin mo siya." Baling ko kay Lea na agad nalang tumalikod at binuksan ang pinto para makapasok si Mr Salvador bago ito lumabas.

"Have a seat Mr Salvador." Aya ni dad dito na sumunod naman.

"So, bakit kayo nandito?" Mahinahong tanong ni dad.

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa, nakikiusap ako na huwag nyo nalang ikick out ang anak ko sa university. Kasi iyak siya ng iyak nang umuwi kanina dahil ikinick out daw siya sa school." Pahayag ni Mr Salvador.

Nagtatanong naman na tumingin si dad sakin pero nagkibit balikat lang ako dahil wala akong alam.

"Well, princess and mom was in the university earlier." Kibit balikat rin na saad ni Lucas nang siya naman ang tiningnan ni dad.

"Kung ang asawa't anak ko ang nagkick out sa kanya sa university ay wala na kaming magagawa lalo na't si Mrs ang nagpapatakbo ng university."

"Pero isa ako sa board member sa university dahil sa shares ko. Hindi nyo pweding basta basta nalang na ikick out ang anak ko dahil sa maliit na kasalanan nito!" Malakas na boses ni Mr Salvador.

"Gago ka pala eh, kaya lumaking walang niya ang anak mo dahil kinukunsinte mo! Maliit na bagay lang pala para sayo na napahamak ang asawa ko at muntik nang mawala ang anak namin dahil sa kagagawan ng anak mo?" Napatayo ako at akmang susugurin ngunit pinigilan ako ni dad.

"Fine! Kung ayaw niyong tanggapin ang anak ko sa university marami pa namang magagandang university dito sa maynila." Matapang na sagot ni Mr Salvador.

Gusto kong pilipitin ang leeg ng matandang ito. Ang anak na nga niya ang masama ang ugali ay siya pa ang may ganang magalit.

"Masyado nyo atang kinukunsinte ang anak nyo Mr Salvador. Baka iyan ang ikababagsak nyo." Nakangising paalala ni dad.

"Pinagbabantaan mo ba ako Moskova? Bakit? Anu ang ipinagmamalaki mo? Ang kakarampot na kinikita ng security agency mo-" Mapanuyang saad nito ngunit naputol ng bilis na tumayo si Lucas at binigyan ito ng isang suntok.

Hindi siya nagawang pigilan ni dad dahil sa mabilis na kilos nito.

Napangisi naman ako ng makita ang pag-agos ng dugo sa ilog ni Mr Salvador.

Kahit kasi magaspang ang ugaling pinapakita ni Lucas kay daddy eh alam namin na mataas ang respeto at pagmamahal nito sa mga magulang namin kaya hindi niya hahayaang insultuhin ng ibang tao si dad.

"Don't be too full of yourself old man, dahil kaya kong sirain lahat ng mayroon kayo ngayon sa isang iglap." Mahina ngunit mariing sabi ni Lucas.

Pero tinawanan lang ito nang matanda. At tiningnan pa si Lucas mula ulo hanggang paa.

"Huwag mo akong takutin bata dahil wala kang maipagmamalaki sakin. Hamak na mas malaki ang kompanya ko sa negosyo ng tatay at kapatid mo." Sabi pa nito na ikinangisi ni Lucas.

"Let's see." Ngumisi ito nang nakakaloko bago bumalik sa kanya upuan at may tinawagan sa cellphone.
Napailing nalang ako dahil maling mali na hinamon nito si Lucas. Wala pa naman sana akong balak na idamay ang buo niyang pamilya dahil si Nicole lang naman ang may kasalanan ngunit nagkamali siya pagpunta ngayon dito at personal na kinalaban si Lucas.

"Hindi na dapat pala ako pumunta dito dahil wala naman-"

Naputol ang kanya sasabihin ng tumunog ang kanyang cellphone.

"Yes?. . . . What?.  . Paanu nangyari yan?. . . No! Kakausapin ko sila. Hindi nila pweding ibenta ang kanilang shares sa iisang tao. Dahil hindi na ako ang magiging major owner ng sarili kong kompanya kung nagkataon! Kakausapin ko-. . What? Nabenta na? Sh!t! Hindi pwedi!"

Kitang kita ang panlulumo ni Mr Salvador. At base sa narinig ko ay may bumili ng shares ng kanyang kumpanya na iisang tao lang kaya malaki ang posibilidad na mas maliit nalang ang share na natira sa kanya.

"So, why don't you sell also to me your remaining share. Tutal 30% nalang naman ang natira sayo." Malokong saad ni Lucas na nagpalaki ng mata ni Mr Salvador ng mapagtanto ang lahat.

"You?! Wag mo sabihin na ikaw ng nakabili ng lahat ng shares ng mga stockholders sa kompanya ko?" Hindi makapaniwalang tanong ng matanda.

Kahit kami ni dad ay nagkatinginan dahil wala kaming alam.

"Imposib-" naputol ng isang katok ang dapat niyang sabihin at muling pumasok si Lea sa opisina na may bitbit na envelope.

"Sir ipinaaabot po ni Atty Smith kay sir Lucas." Sabi ni Lea sabay abot ng hawak na envelope kay Lucas.

Tinanguan lang ito ni Lucas bilang tungon at muli itong lumabas ng opisina.

Kahit papanu ay alam na ni Lea ang ugali namin kaya alam niya kung kailangan siya papasok ng kusa o hindi dahil tulad ni Leon ay maaga din itong maulila kaya pareho silang kinupkop ni lolo.

"Here, basahin mo." Utos ni Luke kay Mr Salvador sabay tapon ng envelope sa center table na nasa harap namin.

"No! Hindi to totoo, paano napunta sayo ang 70% na share ng kompanya ko? Saan ka kumuha ng ganoong kalaking halaga sa edad mo na yan?"

"You don't have to know Salvador! I have my ways to get what I want. And now, I want the remaining 30% share of your company." Nakangisi pa ring sabi ni Luke.

Pareho kaming napailing ni dad at nagkatinginan. Alam kong pati si dad ay kinakabahan sa maruming paraan na gagawin ni Luke para makuha ang gusto nito kaya kahit kapatid ko siya ay minsan nakakatakot siya kalabanin.

"Sa tingin mo papayag ako? Hindi ko ibebenta ang natitirang share ng kompanya at babawiin ko sayo ang 70% na kinuha mo. Idedemanda kita dahil illegal ang ginawa mo!" Galit na sabi ni Mr Salvador habang dinuduro si Lucas.

"Don't you dare point your filthy finger on me old man. And I remind you, I won't be Lucas Moskova for nothing. What a Moskova's wants they get. Now, kung ayaw mong malaman ng pamilya mo ang marumi mong gawain, sign this papers."

Nagmamatigas pa noong una si Mr Salvador pero halos atakehin ito sa puso ng iplay ni Lucas ang video ng pakikipagtalik nito sa iba't ibang babae.

Tinakot din ito ni Lucas na ilalabas niya sa publiko ang dalawang anak ito sa labas na iba iba ang ina kaya walang nagawa si Mr Salvador kundi maging sunudsunuran sa gusto ni Lucas.

Binigyan pa ito ni Lucas ng kondisyon na ibabalik nito ang kompanya pagkalipas ng isang taon kung aalis sila ng kanyang pamilya sa bansa na iiwan si Nicole dito at hayaang itong buhayin ang kanyang sarili bilang parusa sa ginawa nito kay Mary. At para na rin daw mabawasan ang kaartehan at kahambugan nito.

Nanlulumong umalis ng opisina si Mr Salvador at sinubukan pa nito makiusap kay dad pero kahit anung gawin niya ay wala kaming magagawa sa gusto mangyari ni Lucas.

Kaya kahit gaanu kasama ang ugali ni Lucas ay mahal na mahal pa rin namin siya at buong angkan ng Moskova dahil kaya nitong gawin ang lahat para samin at sa mga taong mahalaga samin.

Sabay sabay na rin kaming tatlo na pumunta ng hospital dahil kahit hindi sabihin ni Luke ay bakal nitong magspend time sa pamilya bago bumalik sa amerika para tapusin ang kanyang misyon.

-----

Jesse POV:

Unti-unti kong iminulat ang mata ko dahil ramdam ko pa rin ang panghihina at iginala ang aking mata sa paligid.

Pero sana ay hindi ko nalang ginawa at sana ay hindi nalang ako nagising kung sa pagmulat ng mata ko ay makikita ko ang lalaking mahal ko na may kandong na ibang babae at kita ang saya kanilang mukha. Habang pinapaligiran ng mga hindi ko kilalang tao maliban kay Mrs. Moskova na may-ari ng university.

"Please princess ko, ipaubaya mo na sakin ang pagdesign sa magiging room ng unang baby natin ok? Sa baby shower party promise ikaw ang bahala sa lahat." Malambing na pakiusap ni Renz sa babaeng kandong nito.

Halos namingi ako at para namang sinasak ng libo libong kutsilyo ang puso ko dahil sa narinig.

Alam niya kaya na magkakababy na rin kami?

Kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa masaganang luha na lumalabas sa mata ko nakita ko pa rin ang pagpasok nina mama, papa at Leon.

"Oh my, gising kana anak!" Kaya napatigil sa masayang pag-uusap ang mga taong nakaupo sa sopa dahil sa malakas na pagsinghap ni mama.

Kita ko naman na nagulat at natigilan si Lorenz.

Parang gusto kong tumakbo payakap kay mama at sabihing ilayo ako sa lugar na to pero mas lalo lang ata akong nanghina.

"Bakit ka umiiyak anak? May masakit ba sayo? Teka, tatawagin ko ang doktor mo." Tanong ni mama ng makita ang luhaan kong mukha.

Dinig ko ang pag tsk ni Leon habang nakatingin sa direksyon nila Lorenz.

"She's fine tita, paglumipas ang katangahan niyan ay magiging ok na din yan." Naiiling na singit ni Leon bago ito naglakad palapit sakin.

Pinunasan nito ang mukha ko at humalik sa noo ko.

Kaya pala magaan at panatag ang loob ko sakanya dahil siya pala ang kuya Rom ko na palaging nagtatanggol at naghuhulat sakin noong bata pa kami.

"Sssh, don't cry baby girl. Kuya miss you so much." Malambing na bulong nito sakin.

"Hey, lumayo ka nga kay Mary. At wag mo siyang hawakan!" Malakas na wika ni Renz at hinila nga palayo si kuya sakin.

Problema ng abnormal na to? Bakit hindi nalang ng babae niya ang atupangin niya.

Dahil sa iniisip ay muli akong napaiyak kaya tumalikod nalang ako para hindi nila makita kung gaano ako nasasaktan.

*****

Ayan, tatanga tangahan muna si Jesse.
Peace sa inyo... 😁✌

Please don't forget to vote, comment and follow me.

Thank you. . .

Continue Reading

You'll Also Like

303K 8.7K 47
Hanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin a...
6.6K 200 36
TREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."
493K 10.6K 58
Franz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters...
59.2K 2.4K 32
Ace Verdect Ventura | Kyline Mendoza Ace Verdect Ventura is a rich, handsome and charismatic guy, that any woman would fall for him, but he's a playb...