Just Like That

By BundokPuno

96K 496 389

Ikaw ba iisipin mo na ang karibal at ka-away mo ay magiging kaibigan mo? E ang kaibigan mo maiisip mo din ba... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
AUTHOR'S NOTE

Chapter 5

1.4K 87 49
By BundokPuno

Julie tried to stop from crying as she sat beside Elmo's bed.

Mas pinuruhan kasi nila Paolo ang katawan nito imbis na ang ulo.

Nasa PortMed sila ngayon kung saan tinakbo ang lalaki matapos tumawag si Julie ng tulong. Conscious naman ito nung swineruhan sa ER.

But he was still groggy. Ikaw ba naman bugbugin ng ganun.

The doctor just wanted to make sure that he had no internal bleeding.

Bumukas ang pinto ng suite room ng lalaki at saka naman pumasok si Maxene at Monette.

"Tita, ate." Bati ni Julie sa napapagod na tono.

Monette looked somberly at her before kissing the top of her head.

"It's my fault tita." Naiiyak na sabi ni Julie Anne.

Kaagad naman na umiling si Monette pati si Maxene.

"No baby girl it's not your fault." Sabi pa ni Maxene habang hinahaplos ang buhok ni Julie.

"Kasi kung hindi niya po ako sinundan..." Hindi na naituloy ni Julie ang sasabihin dahil napapaluha nanaman siya.

"Shh. Hey Elmo did it for you." Sabi ni Monette. Hindi pa naman sila ganun katagal na magkakilala pero as neighbors ay naging malapit na talaga ang mga pamilya nila sa isa't isa. 

"Mmm..." Napatingin silang lahat nang unti-unting nagigising si Elmo. He was still very groggy. 

Kaagad naman dumalo sa kanyang tabi ang kanyang mama at ate. 

"Baby are you okay?" Tanong ni Monette habang hinahaplos ang kanyang muhka. 

"Ma si Julie?" Biglang tanong ni Elmo. He shot up from the bed and had to wince. "Si Julie!"

"Nooneh I'm here." Kaagad na sabi ni Julie at lumapit din para tumayo sa tabi ni Monette. 

Kumalma si Elmo at napabuntong hininga. "A-akala ko..." He whispered before turning to look at her as his lips lifted into a small smile.

Nabugbog na at lahat nakangiti pa rin. 

"Thank you for saving me." Julie sniffed and gripped his hand hard. 

Monette and Maxene couldn't help but smile at each other as they looked at Elmo and Julie Anne.

"Sabi ng mga doktor anak kailangan nila tingnan kung may internal bleeding. So they'll be performing additional tests." Monette informed him.

Sa pagkakataon na ito ay hindi natiis ni Maxene magsalita.

"At hahanapin natin yung Paolo na iyon."

"He deserves to be punished." Hindi napigilan na sabi ni Julie Anne.

Tahimik lang si Elmo habang inaayos ang paghiga. "Basta ligtas na si Julie." Sabi nito. At pumikit saglit kaya naderetso nanaman sa pagtulog.

Napahinga ng malalim si Julie sa nakita.

Siya ang may kasalanan nito. It was her fault that Elmo was on that hospital bed. Siya ang may kasalanan kung bakit nabugbog ito. 

"Tita, okay lang po ba alagaan ko siya ngayong gabi?" Hindi niya natiis sabihin. Parang biglang nawala yung matigasin na Julie sa loob loob niya. She was still strong willed pero gusto niya bumawi kay Elmo. Gusto niya alagaan ito. 

Monette and Maxene turned to each other before nodding their heads in understanding. 

"O sige, maiiwan din dito si Maxene." Ani pa ni Monette. She kissed Elmo's forehead before turning to Maxene and Julie. 

"Kayo muna bahala sa kanya ha? Sabihin ko kay Aileen, Julie Anne, na padalhan ka ng damit dito." She kissed both of Julie and Maxene's cheeks before leaving the room. 

"Bibili ako ng food Jules, ano gusto mo?" Maxene asked. 

But Julie wasn't really in the mood to eat. "Okay lang po ate." 

Maxene sighed and nodded her head. Alam naman nito na napagod din si Julie sa ginawa. 

Iniwan na nito sila ni Julie kay Elmo na natutulog pa rin.

Wala sa sarili na hinaplos ni Julie ang kamay ni Elmo. Kahit anong annoyance naman niya dito ay nabura kaagad nang iligtas siya nito mula kay Paolo. Who knows what would've happened if he hadn't swooped in and saved her? She didn't want to think about it anymore. 

She moved when Elmo moved again. Dahan dahan itong nagising at napatingin sa kanya habang nakaupo siya sa isang mono block sa tabi ng kama nito. 

"Hey." He croaked. "You should rest."

"Shhh." Mabilis niyang alo at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito. Naramdaman niyang binalik ni Elmo ang hawak kaya naman napangiti siya doon. "Rest, ako bahala sayo."

"Thank you." Elmo happily sighed before taking Julie's hand in his. He fell asleep once again.

Julie watched as he peacefully rested. Babawi siya dito. Mark her words babawi siya sa ginawa ni Elmo para sa kanya. 

=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=

Medyo umiika pa rin na pumasok sa loob ng kanyang kwarto si Elmo. It's been two days since he's been in the hospital at kaninang mga after lunch ay na discharge na siya. 

Okay naman na daw ang kanyang blood works at iba pang lab tests. He just had to rest for now but not rest too much. Siyempre ay medyo naging stagnant ang kanyang katawan dahil nga naman nakahiga lamang siya sa kama buong araw.

"O nandito na ang maganda mo na nurse." Natatawa na sabi ni Monette kay Elmo habang nakaupo sa kama ang lalaki. Halata naman na boto ang babae kay Julie para sa anak nito.

Pumasok si Julie matapos sumilip muna. She had this soft smile on her face. "I bought you a banana split!" May inangat itong cup na punong puno ng ice cream.

Elmo chuckled slightly and shook his head.

"Wag kang ano dyan kunwari ka pa gusto mo din naman." Kunwari ay pagsusungit ni Julie Anne.

Muli ay natawa si Monette bago dumeretso na sa pintuan. She turned to them one last time. "O dito lang muna kayo. Magluluto pa  ako ng dinner ha."

"Okay po tita thank you po." Sabi pa ni Julie Anne. She sat down beside Elmo on the bed before pulling a his wheeled coffee table closer to them.

"Manghihina ka daw talaga kasi ilang araw ka na nakahiga lang sa kama." Julie explained at linabas ang ice cream. "Hence the saging. It's puno of potassium."

Tinulak niya ang cup papunta kay Elmo.

The guy mischievously smiled at her. "Subuan mo ako."

"Grabe. Nabaldado ka na ba?" Pagsusungit pa ni Julie. Hindi na ata mawawala ang bangayan sa kanilang dalawa. Dahil pinaglihi sila sa aso't pusa.

"Grabe siya o. Matapos ko maging superman sa kanya inaaway ako." Pangaasar pa ni Elmo. "Aray!" Napahiyaw ito ng mahinang pindutin ni Julie ang pasa sa muhka niya.

"In fair, isang pindot ko lang hiyaw ka na pero nung binubogbog ka wala ka kyeme." Muli ay pangaasar ni Julie. In the process she had already grabbed the spoon before feeding a scoop of ice cream to Elmo.

Tinanggap naman ito ng lalaki at masayang linunok ang ice cream bago sagutin ang sinabi ni Julie Anne. "E siyempre kapag dumaing ako aakalain ng tanginang lalaki na iyon na gumive up na ako."

This was where Julie turned somber as she looked at him. "Thank you Elmo."

The young man smiled back before playfully pinching Julie's cheek. "Ilang beses ka na nagpasalamat sa akin."

"Well it's a big deal to me."

Elmo again smiled back. "Hindi naman kita hahayaan na mapahamak. James would kill me." He chuckled.

Napatawa na din si Julie at tumango. "Speaking of, bibisita yun mamaya."

"Wala naman siya gagawin. Wag na."

Natawa si Julie at muling pinakain ng ice cream ang lalaki. "Harsh mo. Mahal ka nung kambal ko na yon."

"Ikaw?"

Parang biglang tumigil ang tibok ng puso ni Julie Anne. "What? Asa ka naman."

Elmo had this glint in his eyes before he simply shook his head.

Nagpapasalamat si Julie nang bigla na lamang may kumatok sa pinto at sumilip sa loob si Nadine at si James.

"Hey cuz!" Nadine greeted at pumasok na.

James quietly shut the door behind him before looking at Elmo. "You look like shit."

They stared at each other before laughing. James situated himself on a chair beside Julie's. "But thanks for saving my sister, bro."

"I wouldn't have hesitated." Elmo said. He tried moving but winced slightly.

"Wag masyado Nooneh." Ani Julie habang inaayos ang mga kumot ni Elmo. Hindi niya napapansin pero nasasanay na siyang ganun ang tawag kay Elmo.

Even though she hated that nickname before. It was starting to grow on her.

Nagkatinginan pa si James at si Nadine sa ginawa ni Julie. Pero masyado busy ang babae sa pag-ayos ng unan at kumot ni Elmo para mapansin.

"Jules, samahan mo nga ako kuha lang tayo ng meryenda." Biglang sabi naman ni Nadine.

"Ah sige." Julie said a little unsure bago napatingin kay Elmo. "Okay ka lang ba dito muna?"

"I can manage." Ngiti ni Elmo.

Sinundan na ni Julie si Nadine sa may kusina. Pero hindi pala talaga pagkuha ng meryenda ang pakay ng babae.

"What's with you and Elmo?" Tanong ni Nadine.

"Huh?" Nalilito na balik ni Julie. "Nothing."

But Nadine was not convinced. Judging by the stare that she was giving Julie Anne.

So the latter explained further. "I'm taking care of him."

"So wala lang iyon?" Nadine asked. "Iba eh. Iba nakikita ko... Julie are you falling for Elmo?"

Tameme na napatingin si Julie sa kaibigan. Pero nakasalita siya kaagad bago pa makaimik si Nadine.

"No Naddie I'm not...I can't."

And this got Nadine's attention. "Why not?"

"Because it wouldn't work out." Julie said. There was a finality in her voice. She sighed before shaking her head. "Bumabawi lang ako. He saved me. I owe it to him."

Matagal na tiningnan ni Nadine ang kaibigan bago tumango. "Well, at least they're already pressing charges against Paolo."

"Talaga?"

"Oo." Nadine nodded once again.

Julie sighed. Mabuti naman kung ganoon. She saw Nadine was still looking cautiously at her.

Parang hindi rin nito natiis at nagsalita na. "I'm rooting for you Jules, just remember it isn't easy."

It was vague but Julie got it. "Bumabawi lang ako sa kanya. Pagkatapos nito parang ganun na lang ulit. Yung asal aso at pusa kaming dalawa."

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

"Ang kulit mo dapat nagpapahinga sa kama mo."

It was already night time. Nandon si Julie at Elmo sa duyan sa labas ang ilaw ay nanggaling sa isang nakasabit na emergency light sa puno.

"Mas masarap kay dito sa duyan mo." Sabi pa ni Elmo habang mahinang pinapaugoy ang sinasabing duyan.

He was supposed to be hanging out with James ang kaso ay ginusto ng lalaki mag advanced reading dahil malapit na ulit ang pasukan.

"Bakit ikaw di ka nagaadvanced reading?" Biglang tanong naman ni Elmo kay Julie.

The latter scoffed. "Kaya nga sembreak eh. Break. Break from school. Kapag may pasok na ulit ako mag-aaral."

Elmo chuckled. "Ganun?"

"Ganun eh." Julie replied with a small smile. "Kamusta ka na ba? Hindi na masyado masakit katawan mo?"

"Hindi na. Magaling ang nurse ko eh. Kahit mahilig mangurot--aray! Ayan ayan ginagawa niya sa akin ngayon." Himutok ni Elmo dahil pagkaliit na kinurot ni Julie ang braso niya.

"Bwisit ka talaga." Asik niya kaya naman natawa lang ulit si Elmo.

"Bwisit ka lang sa akin kasi sinungitan kita nung enrollment."

"Alam mo pala eh."

"Eh akala ko sumisingit ka." Sabi pa ni Elmo at napakibit balikat. "But you're actually pretty cool. Pikon but cool."

Susubok pa ulit sana ng kurot si Julie pero mabilis na hinawakan ni Elmo ang kamay niya. "Aha. Akala mo ah."

Aba at hindi na siya nito binitawan.

"Thanks for taking care of me." Sabi pa ni Elmo habang hinahaplos ang buhok niya. "I saved you Nooneh but you worked hard to take care of me too. So thank you."

This was not good. Iba na kasi ang nararamdaman ni Julie habang ganun ang pagtingin sa kanya ng lalaki. She sighed and closed her eyes for a second before looking back to see him smiling once again at her.

"Uwi ka na. Pahinga ka na doon."

"Dito muna ako." Pilit pa ng lalaki. Inayos nito ang higa sa duyan at dinamay pa siya. Now they were looking at each other again, their bodies staying close.

Maya maya lang ay napapikit ang mata ni Elmo at saka lang napansin ni Julie na inakay na pala siya nito palapit.

Ngayon ay nakaikot na ang matitipuno nitong braso sa kanyang balikat. And he was asleep now.

Mabilis ang kabog ng dibdib niya bago siya napabuntong hininga. She snuggled closer to him. Ngayon lang. First and last time she'd cuddle with him. After that, no more.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

Kumakain ng lunch ang pamilya San Jose ng araw na iyon. Malapit na ulit ang pasukan kaya naman bilang na talaga ang maliligayang araw ng mga estduyante.

"Julie ha. Your grades." Ani Ryan sa dalaga.

"Dad, pasado naman po ako." Mabilis na sagot ni Julie.

"I know baby girl but you can do better. Sayang ang credits. Look at James."

"Ryan ano ba." Saway ni Aileen sa asawa. "Hayaan mo na si Julie. As long as she's happy."

Hindi na umimik pa si Ryan at si Julie ay nanahimik na din.

Nakita niyang maingat na tinitingnan siya ng kambal habang kumakain.

She only smiled back before finishing her food. Sakto ay tumunog ang phone niya at nakita niyang nagmensahe pala sa kanya si Elmo.

Nooneh:

Hey Nooneh, sabay tayo mag enroll sa Monday?

Julie sighed as she stared at the message. Marahil para kay Elmo ay wala lang ang lahat ng ito pero para sa kanya ay naaapektuhan na siya.

She needed to stop it before it even started.

So she replied.

Sorry Moe, baka sa ibang araw ako mag enroll. Una na kayo ni James.

May reply kaagad.

Nooneh: Bakit kailan ka ba mag enroll? Samahan na kita.

Julie once again shook her head as she sat at her desk.

She replied one last time.

Wag na nga ang kulit mo.

He'd get over it. Basta iiwas na siya dito.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

AN: Hallllooo! Anuna balak ni Ate Nooneh hmmmmmm.

Abangan...

Sa mga bumoboto, nagcocomment at patuloy itong binabasa! You rock! Labyu all!

Mwahugz!

-BundokPuno<3

Continue Reading

You'll Also Like

131K 3.2K 20
When Bride Lopez loves, she does it with all her heart. It was her strength and her weakness. Kaya n'ong minahal niya si Slance Aquino ay alam niyang...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
78.3K 3.1K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
164K 7.3K 22
Katropa Series Book 10 [On going] Language: Filipino Novelist Helena Ramirez-Toledo and Special Agent and Attorney at CPA Paolo Garcia Montero 'secr...