Prologue

2.3K 80 69
                                    

Dali-daling bumaba mula sa bus si Julie. Medyo nagsisisi siya na nalate siya ng gising. Medyo lang naman dahil kahit papaano ay nakatulog pa siya ng mahimbing.

Ito kasing si Maqui kung makaparty akala mo wala nang bukas. At palibhasa tapos na din ito sa pagenroll.

Kaunting lakad na lamang at narating na niya ang SAU kung saan ngayon ang enrollment nila.

Hindi siya kagaya ng iba na kasama pa talaga ang magulang. Kayang kaya naman na niya ang ito saka guguluhin pa ba niya ang mga magulang niya e kagagaling pa lamang ng mga ito mula sa 48 hour shift sa ospital.

"Julie!"

Umangat ang tingin niya sa pila sa registrar nang kawayan siya ni Maris.

She smiled at her friend and quickly made her way over to her.

"Bruha ka akala ko hindi ka na aabot!" Natatawa na sabi ni Maris. Si Maris ay isa din sa malapit niyang kaibigan. Magkaklase sila nung high school at kahit ngayon na patapak na sila ng college ay napagdesisyunan nila na iisang kurso ang kukunin at sa iisang paaralan din.

"Sorry na sarap matulog eh!" Tawa pa ni Julie habang tumatayo sa tabi ng kaibigan. Sakto ay si Maris din naman ang dulo ng pila. At hindi iyon maikling pila.

Mga pahabol na kasi ang pumipila ngayon. Pahabol na enrollment kumbaga.

"E diba ngayon din kayo maglilipat ng bahay?" Tanong pa sa kanya ni Maris.

She nodded her head in answer as she checked her phone for messages before turning to her friend again. "Oo ang ingay nga kaninang umaga eh. Doon na ako sa bagong bahay dederetso mamaya. Almost all of our stuff's moved."

"So...nauna nanaman si James?"

Umikot ang mata ni Julie at napailing. "Ano pa nga ba." Then she chuckled as she gripped her files closer to her.

Maris merely shrugged her shoulders. "Ewan ko ba dyan sa kambal mo. Masyadong goody goody."

"At least pwede ko lagi sisihin sa mga kalokohan ko." Muli ay tawa ni Julie kung saan natawa na din si Maris.

Gumalaw na ng isang hakbang ang linya nang makaramdam si Julie ng pagkaihi.

"Baks, ihi lang ako saglit ah."

"Sige sige." Maris said as she turned to Julie Anne. "Ako bahala sayo."

Mabilis na dumeretso papuntang banyo si Julie Anne at umihi bago nag retouch.

Hindi naman siya mahilig kasi mag make up. Hindi naman niya kailangan. Simpleng blush para hindi siya magmuhkang mumu at saka liptint okay na.

Sabi ng iba maganda daw siya. Naniniwala naman siya doon dahil wala namang tao na ginawang pangit. Nangingibabaw lang siya dahil sa kanyang kutis, nakakahumaling na mga labi at kaaya aya niyang ilong.

She smiled at herself on the bathroom mirror. Sakto naman na may pumasok na iilan ding mga muhkang mageenroll. Napatingin pa ang iba sa kanya. She simply gave them a small smile before walking out to rejoin Maris back on line.

Nakatalikod sa kanya ang kaibigan dahil busy sa pagtipansa telepono.

Bubuka na sana ang kanyang bibig para tawagin ang atensyon ni Maris nang bigla na lamang may humawak sa braso niya.

Natigilan siya at napatingin sa muhka ng lalaking mahigpit ngayon ang hawak sa braso niya.

"Miss pumila ka naman ng maayos. Kita mo ako nasa dulo sisingit ka pa." Nakasimangot ito ngayon sa kanya pero hindi itinago ng simangot na iyon ang kagwapuhan ng lalaki. Maputi ito, matangos ang ilong tamang nipis ng labi at may bahagyang makapal na kilay.

Just Like ThatWhere stories live. Discover now