Howling Moon

By piiiyolo

10.5K 667 131

I. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an u... More

EPIGRAPH
01
02
03
04
05
06
07
08
09
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
EPILOGUE

10

258 27 10
By piiiyolo


Napagpasyahan namin ni Troye na pumunta sa Northwoods para magbakasyon. Para sana gumala ng gumala at mag-enjoy sa isla. Pero nitong mga nakaraang araw, bukod sa palengke ay wala na akong napuntahan. Palagi lang ako nandito sa bahay. Na hindi 'din naman masama dahil madalas man nasisira ang ulo ko tuwing kasama ko si Jade, natutuwa naman ako at nae-enjoy ko na kasama siya. Mukha ngang mas enjoy pa ako na kasama si Jade kaysa kasama si Troye. Si Troye na hampaslupa na gumagala mag-isa na hindi man lang ako inaaya.

Kaya para sa araw na ito ay gusto kong gumala. Alam kong taga dito sa isla si Jade pero gusto ko na makasama siya sa paggala.

Hindi ko naman alam ang mga lugar sa isla na masusulit ang oras kong puntahan kaya napagdesisyunan kong magtanong kila Lolo.

Sakto naman nang magising ako ay naabutan ko si Lolo na nagka-kape sa kusina pagkalabas ko ng kwarto.

"Natuto ka na talaga gumising na maaga, hano apo?" Nakangiti nitong bungad sa akin.

"Oo nga po." Wika ko at bahagyang napatawa.

Naupo ako sa harap ni Lolo at nagtimpla ng kape para sakin.

"Kamusta naman ang paglalagi mo sa Northwoods nitong mga nakaraang araw?" Tanong niya sa akin bago humigop sa hawak niyang kape.

"Okay naman po, 'Lo." Nakangiti kong sagot. "Pero gusto ko po sana gumala ngayon." Wika ko pa at hindi mapigilang matawa. "May alam po ba kayo na dito ko lang sa Northwoods makikita?"

Hindi naman siya kaagad nakasagot at tila napaisip sa tanong ko. "Bukod sa mga ilog at dagat na sigurado namang madalas kang makakita," Panimula niya matapos mag-isip. "May alam akong talon na makikita sa  gitna ng gubat. Ah, may isang kuweba 'din na maliit malapit d'on kung saan nagnining ang tubig." Aniya kaya hindi mapigilan na manlaki ang mga mata ko.

"Talaga po?" Bulalas ko. "Puwede niyo po sabihin 'Lo kung paano makakapunta 'don?" Tanong ko sa kaniya.

"Kung gusto apo sasamahan na 'din kita. Malawak kasi ang gubat, baka maligaw kayo." Wika pa niya kaya malaki akong napangiti.

"Salamat po 'Lo." Malaki ang ngiti kong sabi.

"Gisingin mo na ang pinsan mong si Troye apo." Aniya. "Mainam na ngayon na tayo pumunta hanggang maaga."

"Sige po, 'Lo." Sagot ko. Pero bago tuluyang umalis sa kusina ay muli akong lumingon kay Lolo. "Ah, 'Lo?Puwede po natin isama si Jade?" Tanong ko kaya muli kong nakuha ang atensyon niya.

Kaagad siyang tumango. "Oo naman apo, syempre. Gisingin mo 'din siya para makapaghanda tayo saglit bago umalis." Sagot niya. Napangiti nalang ako at tumango.

Katulad ng sinabi ni Lolo ay naglakad na ako papunta sa kwarto kung saan kami natutulog ni Troye. Siya muna ang gigisingin ko dahil alam kong mahihirapan akong gisingin siya.

Nang makapasok sa kwarto ay bumungad sa'kin si Troye na nakanganga pa at nakataas ang kamay. Alam kong napakahirap niyang gisingin dahil hindi lang tulog mantika ang ginagawa nito dahil talo pa nito si sleeping beauty kung matulog.

Kaya para sa halik na magpapagising sa kaniya, kinuha ko ang bag na dala ko dito sa isla na nakalagay sa kama na tinutulugan ko at inihulog sa mukha niya.

Kaagad siyang napabalikwas sa pagkakahiga sa oras na tumama sa mukha niya ang bag. "Ano 'yon!?" Bulalas niya at litong-lito na tumingin sa akin.

"Wala 'yon. Baka nanaginip ka lang. Gusto mo bang sumama? Aalis kami ni Lolo para mamasyal sa gubat." Tanong ko sa kaniya na parang wala akong ginawang kagaguhan.

Hindi naman siya kaagad nakasagot dahil naghihilot siya ng mukha. "Sige sasama ako. Magaayos lang ako saglit." Sagot niya at tuluyan nang tumayo sa hinihigaan niya.

Habang tumatayo naman siya ay napansin ko na nakita niya ang bag na ibinagsak ko sa mukha niya. Para hindi siya makaganti, dahan dahan akong tumalikod sa kaniya at mabilis na naglakad palabas ng kwarto.

Habang mabibilis naglalakad paalis ng kwsrto ay narinig ko ang malakas niyang pagsigaw. "'Yung bag mo 'yung nalaglag sa mukha ko kanina, 'no!? Gago ka talaga!" Sigaw niya kaya natawa nalang ako nang tuluyang makalabas sa kwarto.

***

Pagkatapos gisingin si Troye ay dumiretso naman ako sa kwarto ni Jade.

"Jade? Jade!" Pagtawag ko sa kaniya habang kumakatok sa kwarto niya dahil mukhang mahimbing pa ang pagtulog niya. "Jade, gumising ka na diyan dali! May pupuntahan tayo!" Sigaw ko ulit habang patuloy ang pagkatok sa pintuan niya ng kwarto niya.

"Kapag si Jade, kakatok ka sa pinto. Tapos kapag ako dire-diretso ka tapos babagsakan mo pa ako ng bag sa mukha!?"

Napatigil ako sa pagkatok sa pinto ni Jade nang maramdaman ko ang pagbatok sa akin. Mabilis 'kong nilingon si Troye na nasa likod ko na siyang bumatok sa akin at matalim siyang tinignan.

"Gago ka ba? Ako talaga ang gumagamit ng kwartong tinutulugan mo. Buti nga hinahayaan kitang matulog d'on, eh." Banat ko sa kaniya habang masama pa 'rin ang tingin.

"Oo nga 'no?" Wika niya at natawa dahil sa sinabi ko.

"Tanga." Wika ko at binatukan 'din siya.

Kakatok na sana ulit ako sa pinto ni Jade nang magsalita ulit siya. "Sigurado ka bang isasama mo si Jade? Baka naman umarte-arte pa yan don." Wika niya pa kaya matalim ko siyang tinignan.

"And dapat na tinatanong mo sa'kin ay kung sigurado ako kung gusto kitang isama dahil ikaw ang kilala ko na sobrang arte." Pambabara ko sa kaniya kaya hindi niya mapigilan na matawa.

"Hindi ka talaga pumapalya na ipagtanggol siya, 'no?" Aniya pa habang nang-aasar na nakangiti.

Hindi ko nalang siya pinansin at muling kumatok sa pinto ng kwarto ni Jade.

"Bakit kasi kumakatok ka pa, bugok. Ayan nga't naka-awang na 'yung pinto, pumasok ka na tsaka mo siya gisingin." Wika ulit ni Troye sa likod ko na tumatawa dahil sa walang tigil kong pagkatok.

"Alam ko kasi ang salitang privacy." Bwelta ko naman at hindi nag-abala pang lingunin siya.

Muli kong tinuloy ang pagkatok sa kwarto ni Jade. Ilang sandali akong kumatok ng kumatok pero mukhang mahirap 'din gisingin ang isa 'to.

Dahil naiinis na ako sa pagkatok sa pinto, hindi na ako nag-abala pa at tuluyang pumasok sa kwarto na tinutulugan niya.

"Daming alam, privacy pa daw. Bulol!" Narinig ko ang paghalakhak ni Troye nang tuluyan akong makapasok sa kwarto.

Hindi ko mapigilang mapatitig kay Jade nang makapasok ako sa kwarto. Hindi ako naniniwala sa mga nababasa at naririnig ko na mayroong isa na mukhang anghel habang natutulog. Pero habang nakatingin sa natutulog na si Jade, hindi ako magda-dalawang isip na gamitin ang mga salitang 'yon. Para siyang anghel na natutulog.

Hindi ito ang unang beses na makita ko siya habang natutulog. Pero sa tuwing nangyayari 'yon, palagi akong napapatitig at natutula dahil sa amo ng mukha niya.

"Hindi 'yan magigising kung tititigan mo lang."

Kaagad akong napaiwas ng tingin kay Jade nang marinig si Troye na nagsalita sa likod ko.

Masama ang tingin ko sa kaniya dahil sa nang-aasar niyang ngiti. "Bakit ba sumunod ka pa dito at ayaw mo pang mag-ayos ng sarili!" Sigaw ko sa kaniya dahilan para matawa siya.

Dahil naman sa pagsigaw ko, naramdaman ko ang pagbalikwas ni Jade sa pagkakahiga niya.

"Ayan, gising na." Muli kong tinignan ng matalim si Troye dahil sa sinabi niya pero tumawa lang siya bago tuluyang umalis.

Dahil naman gising na si Jade ay binati ko ng isang ngiti nang lumapit ako sa kaniya. "Mabuti naman at na-gising kanina. Aalis kami nila Lola at naisip ko na isama ka? Tara. Gusto mo bang sumama sa amin?"

Hindi siya sumagot. Dahil kagigising niya lang ay binigyan ko muna siya ng ilang sandali bago ko siya tuluyang ayain na lumabas. "Tara na, Jade. Mag-ayos ka na at aalis tayo para gumala." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Naglakad na kami ni Jade sa kusina para ayusin siya. Para akong may anak na 2 years old na inaalagaan habang hinihilamusan at binabantayan siya na magmumog.

Matapos namin sa lababo, pupunta sana ako sa kwarto nila Lola para pabihisan si Jade nang makasalubong namin siya na papasok sa kusina.

"Oh, iho. Nasabi sa akin ng Lolo mo na papasok daw kayo sa gubat? Isasama niyo ba si Jade?" Tanong niya kaya kaagad naman akong tumango.

"Opo, Lola. Pupunta nga po sana sa kwarto niyo para po manghingi ng pabor." Sagot ko naman kaya tumaas ang parehong kilay niya. "Puwede po ba pabihisan si Jade, 'La? 'Yung magiging kumportable po sana mamaya sa gubat."

"Aba't nakakuha pa ng utusan ako?" Biro niya at mapang-asar na tumawa. "Sabagay at kami lang namang dalawa ang babae dito." Aniya pa. "Sige, tara iha. Baka meron akong maliit na mabahang damit dito." Sagot niya at hinila na siya sa'kin. Pumasok na sila sa kwarto para magbihis si Jade. Nanatili naman ako sa labas ng kwarto para hintayin siya.

Continue Reading

You'll Also Like

28.5K 1.8K 44
Athena Hymmors is a popular actress, singer, model, and billionaire CEO. People admire Athena for her goddess beauty and intelligence. However, littl...
151K 3.9K 36
Astrid Thyreese White lived a dreadful life, always striving to stay alive and live another day to this cruel world. She was convicted of stealing, s...
196K 5.5K 60
SYNOPSIS: Eros De Guzman was born to find her queen. The new luna of their clan. The clan of Lotharion Canids. He was not persistent at first for he...
5K 97 10
A loving, obedient son to her mother, the Flademian Queen. A Perfect Prince. The Future King