11

241 21 1
                                    


Habang naghihintay sa labas ng kwarto para kay Jade. Napalingon ako sa likod ko nang may lumabas sa kusina. Nagpupunas siya ng mukha gamit ang tuwalya kaya nang alisin niya ang tuwalya sa mukha niya ay naapatras pa ako sa gulat dahil sa pagmumukha ni Troye na mukhang paa.

Alam niyo, share ko lang 'no. Noong pinagbu-buntis daw si Troye, nagulat daw si tita noong nagpa-ultrasound siya kasi tatlo yung paa ng baby. 'Yun pala mukha lang ni Troye yung isa.

"Bakit nakatingin ka? Gwapong-gwapo ka nanaman sa'kin." Aniya bago malakas na humalakhak.

"Parang bigla akong nahilo dahil sa sinabi mo." Biro ko kaya hinampas niya ako nang tuwalya habang dumadaan siya sa akin papunta sa kwarto para siguro magbihis.

Naghintay na ulit ako sa paglabas ni Jade at Lola sa kwarto. Matapos ang ilan pang sandali ay tuluyan na ulit na bumukas ang kwarto. Napangiti nalang ako nang makita si Jade. Suot niya kasi ang lumang cardigan ni Lola, tsaka pants na may kalakihan para sa kaniya na bumagay naman sa suot niyang pang-itaas dahil para lang 'yon na wide leg pants.

"Ito na si Jade, suotan mo nalang ng sapatos." Wika ni Lola kaya tumango ako sa kaniya. "Sandali, ipapaghanda ko kayo ng bag na dadalhin niyo at baka magutom kayo d'on sa gubat." Aniya pa kaya kaagad akong ngumiti.

"Salamat po, 'La." Wika ko bago siya tuluyang maglakad papunta sa kusina.

Nang makalabas naman si Lola ay lumabas na 'din si Troye sa kwarto. "Tara na ba?"

Hindi na ako nakasagot sa kaniya nang pumasok naman si Lolo mula sa pinto sa likod kaya sa kaniya napunta ang atensyon naming tatlo. "Handa na ba kayo?"

Napatingin naman ako kay Troye nang lumapit siya sa'kin. "Gray, si Korina Sanchez. Hingi ka ng tsinelas." Bulong niya sa'kin kaya tumawa kami ng mahina.

"Oo nga, baka ife-feature niya tayo sa Rated-K tanga, batiin mo sila mama sa maynila." Bulong ko din sa kaniya pabalik kaya siya naman ang natawa dahil sa sinabi ko.

"Mga apo?" Untag ni lolo kaya napatigil na kami sa pagtawa. "Tinatanong ko kung handa na kayo?"

Pinigil ko muna ang pagtawa ko bago bahagyang umiling. "Malapit na po 'Lo, sasapatusan ko lang si Jade." Sagot ko kaya siya naman ang tumango. Siniko ko 'din si Troye sa gilid ko na hindi pa tapos tumawa.

"Hihintayin ko nalang kayo sa likod bahay. Lumabas nalang kayo kung handa na kayong umalis." Wika ko ni Lolo. Tumango nalang kami kaya lumabas na ulit siya sa back door ng bahay.

Pagkaalis ni Lolo ay pinaupo ko si Jade sa sala para suotin siya ng sapatos. Kinuha ko ang kulay gray na binili ko para sa kaniya at kaagad na sinuot para sa kaniya.

Ngumiti lang ako sa kaniya bago pumasok sa kwarto para magbihis.

***

Matapos makapagpalit ay handa na kami na lumabas para puntahan si Lolo sa labas. Naabutan ko sila Troye at Jade sa labas na mukhang hinihintay ako.

Bago pa ako makalabas ng tuluyan sa kwarto ay lumabas 'din si Lola mula sa kusina. May dala siyang bag sa kanang kamay niya.

"Mabuti at naisipin niyo magsapatos lahat? Tama 'yan at mabato sa gubat para hindi sumakit ang mga paa niyo." Bungad niya at inaabot sa akin
ang bag na dala nang tuluyan siyang makalapit sa amin. "May laman 'yang tubig at tinapay. Pati tuwalya naglagay 'din ako. Huwag kayong luluko-luko d'on at huwag kayong lalayo sa Lolo niyo. Kapag kayo nawala bahala kayo." Wika niya na may halong pananakot kaya natawa nalang kami ni Troye habang tumatango.

Lumabas na kami sa back door ng bahay kung saan namin naabutan si Lolo. May hawak siyang buslo na mukhang gagamitin niyang panghalabas sa mahahabang damo na nakaharang sa daan namin mamaya.

Howling MoonWhere stories live. Discover now