BECAUSE I LOVE YOU

By Emoterong_James

1K 185 220

A 17-year old girl with a simple, humble and caring personality. Ganyan si Summer Hernandez. These are the re... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Earthamazing Dome
CHAPTER 2: Nice To Meet You
CHAPTER 3: Me Too
CHAPTER 4:Nice To Meet You,Again
CHAPTER 5: Ewan
CHAPTER 6: Unexpected Twinge
CHAPTER 8: Bearing the Pang

CHAPTER 7: London Bridge is Falling Down

85 18 22
By Emoterong_James

Kakatwang isipin na ako ang magiging tulay ng pagmamahalan nilang dalawa. Aaminin kong oo, umiibig na nga ako kay Elthon. Kay Elthon na sa unang pagkakataon na makita ko siya, tumibok kaagad ang aking puso.

Dapat ba akong matuwa dahil iba ang gusto niya? Dahil mas mapapadali ang pagpigil ko sa aking nararamdaman. Tsaka isa pa, hindi ko masasaktan ang damdamin ng aking kaibigan?

O

Dapat bang malungkot ako? Inaamin kong masakit nga ang nararamdaman ko ngayon. Hello, ikaw ba naman ang gawing tulay diba, okay lang sana iyon kung wala kang nararamdaman, pero oo eh. Eng shekey beshe.

"Hoy kanina ka pa tulala dyan. Tapos iniwan mo pa ako kanina sa restroom. Aminin mo nga, may problema ka ba?" tanong sa akin ni Autumn

Oo Tatum. Malaking problema.

"Wala kaya" smile again Summer.

"Weehh, lukuhin mo na lolo ko" pangungumbinsi niyang ispill out ko.

"Wala nga talaga. Hahahahahahaha"

"Hayss may tupak ka na naman"

Yeah! Siguro nga.

"Nakita mo ba si Elthon, Sum? Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko talaga mahagilap ang mokong na 'yon. Tsk!" biglang iba ng topic ni Autumn. Siguro napagod na siya dahil wala talaga siyang mapipiga sa akin.

"Ahhh,... Ehh.. hindi? I mean, Hindi! Huh? Wait, sabi ko Hindi." Ok gulo-gulo kong wika.

"Ano ba yan. Saan kaya yun nagsususuot" ani Tatum habang tila may hinahanap sa paligid.

Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin na may pagtataka.

"Tatum," panimula ko

"Hmm, yes?" sagot nito

"If ever na manligaw sayo si Elthon, sasagutin mo ba?" tanong ko sa kanya na may halong pakiusap na sana hindi. Na sana sabihin niyang magfofocus muna siya sa studies niya.

"Oo" pero mukhang hindi mangyayari ang kahilingan ko dahil diridiritso niya itong sinagot.

"Ahhh" yun na lamang ang tanging nasambit ko.

"Bakit mo naman nateneng? Hehehe" di nakaligtas sa akin ang pamumula ng kanyang mga pisngi habang tinatanong ito.

Oh, so okay. Masakit na meshede.

"Hmm, wala lang. Hahaha. Gusto mo talaga siya noh?" tanong ko pa

"Well, hindi ko lang siya gusto. Mahal ko na siya bes" kinikilig na wika niya sa akin.

Muli na namang bumukas ang kanyang mga labi "Actually, natatakot nga ako eh baka galit siya sa akin." biglang lumungkot ang panagway niya.

"Huh? Bakit mo naman nasabi iyan?" Pa as if na curious ako. Syempre para masaktan pa ako.

"Kasi kagabi, nagchachat kami. Kaso bigla niyang tinanong kong ano yong tipo ko sa isang lalaki. Kung sino ang napupusuan ko ngayon. Kaya syempre alangan naman sabihin kong ikaw. Edi sinagot ko  na lang siya ng ewan. Sabi niya pa, kung siya daw ba manligaw sa akin sasagutin ko ba. At dahil likas sa atin ang pabergen na kagaya ni Maria Clara, sabi ko uli na ewan. Nakakahiya kayang sabihing oo. Tapos ayon di na nagreply. Sana talaga hindi siya galit" tuloy tuloy niyang wika sa akin.

A part of me feels happy of what she reveals right now. Syempre kaibigan ko pa rin siya at minsan lamang siya magmahal kaya tudo tudo. But then, here's the cruel side of me... nasasaktan ako. Yung sikip ng dimdim ko habang nagkekwento siya is priceless. But hindi ko pwedeng ipakitang nasasaktan ako lalo na pag ang dahilan ay ang taong dahilan ng kaligayan ni Tatum. No.. Never.

"Sus, di yun galit" tangi ko na lamang na nasabi.

"Sana nga. Kasi naman eh, nagjojoke joke pa siya na manligaw! Di ba niya alam na madali akong umasa!Aishh!"

"Oh easy easy lang. Ang puso ingatan mo" at ko

"Pero malay mo di pala siya nagjojoke. Ha ha ha ha" wait, baka halatang fake yun. Ulit nga.

"Hahahahaha" sounds good.

"Ses maniwala. Pero oo, umaasa ako na sana hindi yun biro. Hahaha shunga ko eww" tapos bigla niya akong niyakap. Uh uh. Awkward~

***

Hapon na kaya napagdesisyunan na naming umuwi ni Autumn. Natapos ang araw na hindi nga namin nahagilap si Elthon. Saan naman kaya nagsususuot yung mokong na'yon. Hayss pakialam ko ba.

Kasalukuyan akong nanonood ng movie ngayon ng biglang tumunog ang cellphone ko. Isang facebook message mula kay Elthon ang natanggap ko. With excitement, I open the message.

Hey my London
6:13 pm

Huh? London? Hindi lugar ang pangalan ko hello. Season siya, Summer specifically! Well, palibhasa kasi si Autumn lang laging laman ng isip niya kaya nakalimutan na niya ako. Tss.

Summer po kuya, not London.
6:15 pm

Hahaha nakakatawa ka talaga London ko
6:15 pm

Ano raw?!! Ginagalit ba niya ako? Well, if oo good job ka jan Elthon!!!

Ok, naiinis na ako :)
6:16 pm

Gi ar ar ar!

Woah easy lang. Hahaha di mo ba talaga gets London ko?
6:17 pm

Gets gets ka dyan! Gets getsin mo tong akin oh!

Well, HINDI PO EH :)
6:17 pm

Hayss ok ok. London kasi, yan yung naisip ko na codename ko sayo. As in London Bridge. Hahaha. Ang galing ko no?
6:18 pm

Ahh.. oo nga pala. He he he. Isa pala akong tulay sa pagmamahalan nilang dalawa. Bakit nawala sa isip ko yon. He he he.

Woyy?
6:20 pm

Ahh... oo nga pala. Hehe I forgot
6:20 pm

So ano nang balita?
6:21 pm

Balita? Hahaha ito nasasaktan char.

Feeling ko magiging madali ang trabaho ko kasi mutual kayo
6:22 pm

Madali nga ba?

Woah seriously??? Nako wag mo akong ginogood time London ha. Alam mo bang madali lang akong umasa. Hahaa
6:23 pm

London talaga eh. Talagang pinapamuka mo sa akin na isa lang akong tulay no? Haha OA ko talaga.

Loko di ah. Seryoso nga. Sige out muna ako. Tawag pa ako ni mama.
6:24 pm

Summer Hernandez logged out.

Ha ha ha. Ano ba naman yan bakit naiipit ako sa sitwasyong ito. Kasalanan ko naman eh. Bakit ba kasi tinanggap ko pa ang alok niya. Ako naman itong si tanga na inlove din sa kanya. Eh sino ba ang unang nahulog, diba si Autumn. Dun yun sa Earthamazing Dome nagsimula ang lahat eh. Ramdam ko nun na umiibig na si Autumn sa kanya sa mga sandaling nagkatapat ang kanilang mga mata.

Eh ako? Eto isang extra lang sa love story nilang dalawa. Ha ha ha.

Di ko alam bakit ba nahulog ako sa kanya ng ganun ganun lang. Oo inaamin kong gwapo nga siya. Eh ano naman. Hindi nga ako nahuhulog sa mas gwapo pa sa kanya eh. Kasi isa lang ang tinitibok nitong baliw kong damdamin. Isa lang ang sinusumamong maangkin nito--, si Chad lamang.

Pero dumating ang Elthon na ito, bigla nalang nag iba ang ihip ng hangin. Talaga bang itinadhanang maging tulay ako sa love story ng bestfriend ko at niya? Ang unfair naman ata nun tadhana. Ang unfair lang sobra.

***

"I called both of you para sa isang presentation mamaya. Kayong dalawa ang napili ko because I know na maganda ang magiging collaboration ninyo." wika ni Ate Ganymede na nakaupo ngayon sa kanyang own spot where CLUB PRESIDENT was put in place.

"Ma'am wala na po bang iba? " tanong ko. Di talaga ako komportable ngayon jusko.

"Ms. Hernandez, kaya nga kayo ang pinili ko dahil alam kong perfect kayo sa isa't isa."

Perfect huh? Hayss.

"Fuentebella will do the strumming, and you will do the vocal." dagdag pa ni ate Ganymede.

"Now it's final. Brainstorm about the piece you will present mamaya. You can now proceed to the music room."

Hayss mukhang wala na nga akong takas dito.

Andito na kami sa music room---walang nagsasalita. Awkward beshiee.

"Ahem" bigla siyang tumikhim. "So ano nang kakantahin mo para mapraktisan na natin ang kanta." Tanong niya sa akin habang kinukuha yung guitar.

"Ahhh.. siguro ano na lang. Hmmm" nag-isip ako kunwari ah.

"Sum." natigil naman ako sa pag-iisip kunwari dahil sa tawag niya sa name ko. Shemayyy ang manly--huh? Yakkk Summer!

"Hmm?" Char ang pabebe ko talaga.

"Ayaw mo ba akong makasama?" malungkot na tanong nya.

Nagulat ako sa tanong niya! Oo nga pala OA nga pala ako.

"Huh?! No it's not like that. Nakakailang... I mean nakakahiya... ahh nakaka ah basta praktis na tayo. Tadhana ang kakantahin ko" nagulat ako sa nasambit ko. Seryoso saan galing yun? Pero sigi na nga nasabi ko na naman eh.

"Well, ok. Tadhana"

Nagsimula na kaming magpraktis.

Nakakailang talagang kasama si Elthon ngayon. Di ko alam, siguro dahil may gusto ako sa kanya or dahil may gusto siya sa kaibigan ko, I really don't know. Aishh. Nakakasakal pa ang hangin dito dahil pareho kami ng hinihingahan.. so ano naman pag ganun? Over over na talaga 'to.

Tsaka di ko pa talaga maiwasang mamasdan siya habang nag gigitara dahil sa taglay nitong kakisigan. Ene be yen. Tulad ngayon oh ang gwapo gwapo niya. Lodi ko na talaga siya. Di ko talaga maalis ang aking tingin sa kanya. Tumingin pa siya sa akin...WAAAAATTTTT??!!!! Capslock para dama ko.

Tumingin siya sa akin laykkk hello?!! Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

"Sum, bakit? May dumi ba ang mukha ko? Ba't ganyan ka makatitig?" tanong niya sa akin at itinigil ang paggigitara. Umiwas na lang ako jusko nakakahiya ang ginagawa ko.

"Huh? Wala kaya. Ano lang kasi ano... may... may kulangot ka" that was the lamest thing I've ever said.

"Ses niloloko mo lang ako eh. Hahaha nagagwapuhan ka siguro sa akin. Hahaha" biro niya. Pero hindi ako natutuwa sa biro niya no!! Nakakahiya kaya. Totoo naman kasi but h*ll no. Di ko aaminin.

"Waahhhhhhhhhhhh!!! Ang lakas ng hangin!!!" umakto naman akong nalipad ng malakas na hangin. Ano ba yan para akong baliw dito.

"BWAHAHAHAHAHAHA para kang baliw oy. Tumakas ka ba sa mental? Huh?" napatigil ako sa ginagawa ko. Kasi naman ang lakas ng dating ng tawa niya.

"Tss ewan ko sayo" nagpatuloy na lang kami sa pagpapraktis dahil ilang oras na lang at kakanta na kami.

"Uhmm Sum?" tawag niya sa pangalan ko.

"Yes?" sagot ko naman.

"Pide bang ihatid mo ang sulat na ito kay Autumn?" favor niya sa akin. Sulat? Para kay Autumn? Bakit? May gusto b- - -... ha ha ha oo nga pala. Ba't ko na naman nakalimutan. Isa nga pala akong tulay.

"Ahh.. sure. Ano ba naman ang silbi ng London Bridge diba. Hahaha" inabot ko ang sulat na nais niyang ipapabigay kay Autumn.

"Salamat ng sobra Sum! Salamat ng marami! Hayss sana mahulog na siya sa akin. Hahaha" tapos niyakap niya ako. Ayan na naman siya. Lalo tuloy akong nahuhulog sayo Elthon nakakainis. Kailangan ko na talagang pigilan pa ang pagsusumamong ito.

"Sus walang ano man" kahit pa sa mga pinaggagawa mo, ako ang nahuhulog at nasasaktan.

***

"Good afternoon everybody. At this juncture, let us all be entertained by the singing duo of the glee club. Here they are, Elthon and Summer"

Hiyawan ang naririnig ko mula sa labas ng backstage.

"Naihatid mo ba Sum?" tanong sa akin ni Elthon habang papunta na kami sa stage. Tumango nalang ako dahil alam ko naman ang ibig niyang iparating.

"Thank you" tapos ngumiti siya ng pagkatamis tamis at nasilayan ko ang saya na namutawi sa kanyang mapupungay na mga mata. Biglang nacurious ako sa sulat na iyon. Ano kayang laman nun.

Nagsimula nang tumugtog si Elthon at naghiyawan ang madla.
Sa gitna ng madaming tao ay nakita ko ang babaeng may masaya at matamis na ngiti ngayon, si Autumn hawak ang sulat na ibinigay ko kanina.

Tiningnan ko si Elthon at nakatingin siya ngayon kay Autumn ng nakangiti. Sila ay nagtititigan sa isa't isa ng nakangiti. Ouch.

Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas saýo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta

Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasa
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo

Kumakanta lang ako dito at di iniinda ang bigat na nararamdaman ko. Ang extra ko talaga sa love life niyo friends.

Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan

This time ay si Elthon na ang kumanta

Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo

Di mawala sa tingin niya si Autumn. Nakakakilig silang pagmasdan. Nakakakilig pero ang sakit.

Nag-duet na kami sa chorus kaya tumingin na siya sa akin.

Ba't 'di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin
Huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig saýo

Kung alam niyo lang...kung alam niya lang...na habang kumakanta siya at si Autumn ang iniisip, ako nama'y ikaw. Ikaw Elthon ang iniisip ko. Ang unfair talaga ng tadhana.

Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...

Lalalala

And boom... naiyak nga talaga ako. Kaya dali dali kong pinahiran ito para di mapansin. Sino bang niloloko ko. Syempre di niya mapapansin dahil nakatutok lang siya kay Autumn. Si Autumn na nakangiti't umiiyak.

Haysss... Ba't ba ako nagkakaganito. Kailangan ko pa bang maglagay ng ID na nagsasabing isa akong tulay sa pagmamahalan ni Elthon at Autumn?

I'm Summer Hernandez, a bridge. Bridge for their love story. But this London Bridge, is falling down.

Continue Reading

You'll Also Like

174K 1.1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
Riptide By V

Teen Fiction

332K 8.4K 118
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
755K 2.8K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
1.1M 62.7K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...