Liempo ( A story of Rival Col...

By MaraMCM

104K 1K 226

Si Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estu... More

PROLOGUE and Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Message to the Readers:
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 FINAL CHAPTER
Story Behind Liempo
EPILOGUE

Chapter 35

1.5K 12 4
By MaraMCM

****

                “Ano daw nangyari???” tanong ko kay Denise habang nasa labas ng kwarto.

                “Nawalan ng malay. Tapos hanggang ngayon nilalagnat pa din sya eh. Kaya sinugod na sya sa ospital.” Sagot nya.

                “Kumusta na si Angelie?”

                “Okay naman na. Tinawagan ako ni tita para ipasabi sa boss naming sa OJT na hindi sya makakapasok, pero wala pa naman ako sa office nun kaya tumawag nalang ako tapos dumiretso dito.”

                Kapag usapang Angelie, napapadalas na yung ospital, nagaalala na ako. Lumabas yung mommy nya, nakita ako. nagmano ako at bumati.

                “Ikaw pala Alfred, salamat sa pagdalaw.”

                “Kumusta na po si Angelie?”

                “Hindi ko pa din alam. Antagal na ng lagnat nya, dalawang linggo na, dapat nga ipacoconfine ko na sya last week pero ayaw nya. Hindi din naman malaman ng doctor bakit sya nilalagnat. Sabi nung una, stress, tapos viral pero hindi ko alam kung alin ba dun dahil hindi na to biro.”

                “Wala pa po bang sinasabi ngayon yung doctor na umattend sa kanya?”

                “Inaantay ko nga iho. Excuse lang sandali ha. Tatawagan ko lang si Manang Sita para masabihan si Arianne na nandito sa ospital yung ate nya.”

                “Sige po.”

                Umalis na yung mama nya. Nakatinginan kami ni Denise. Hindi na nga talaga biro tong mga nangyayari kay Angelie. Pumasok kami sa loob, hayun tulog sya, na parang wala namang sakit pwera lang sa namamaga nyang mukha at namamayat nyang katawan. Hinawakan ko sya, ang init nga sobra! Namumula din sya pero madalas ko na syang nakikitang namumula lalo na kapag tumatawa kaya parang hindi na bago sakin na makita na ganung ang kulay ng pisngi nya.

                Maya maya ng konti, nagising na sya, nakita nya kami ni Denise sa harap nya.

                “Oi! Bakit kayo nandito?” tapos napatingin sya sa paligid nya, “Bakit ako nandito?”

                “Bruha ka, ano nanaman pinaggagawa mo? Nahimatay ka daw sabi ni tita kaninang umaga!”

                “Di nga?”

                “Ay hindi, natulog ka lang tas dinala ka dito sa ospital.”

                “Denise naman eh.”

                “Ikaw kaya. Ano nanaman bang nangyari?”

                “Napanaginnipan ko sya.”

                Nakita ko yung sakit sa mukha nya habang kinwento nya yung nangyari sa panaginip nya tapos hayun, nagsimula nanaman syang lumuha pero pinunasan nya din agad yun ng damit nya.

                “Alfred! Bakit ka nandito? Teka, ngayon yung graduation mo ah!”

                “Mamayang hapon.”

                “Omigod, shet. Hindi pa ba ako pwedeng umalis?”

                “Lumabas lang sandali si tita, sya kaya tanungin mo. Or better yet yung doctor.” Itong si Denise hindi ko alam kung sarcastic lang talaga o pinapagaan nya lang yung sitwasyon, “magpagaling ka na kasi agad, nakahalf day lang kaya tayo ngayon para mamaya, tuloy, napaabsent bigla.”

                “Bakit ka pa nandito? Dapat magaayos ka naman para mamaya ah.” Sabi nya.

                Paano ako makakapagayos kung ganito yung sitwasyon nya. Nung tumawag si Denise, napasugod ako agad dito. Yung yung unang pumasok sa isip ko kaysa plantsahin yung toga ko.

                “Okay lang, mamaya pa naman yung 4.”

                “Anong oras na ba?”

                “12.” Sagot ni Denise.

                “Hala, alas dose na. ano ka ba Alfred!”

                “Wala naman kayo dun mamaya, para saan pa na aakyat ako sa stage?” nagemote ako bigla pero trip ko lang talaga.

                “WEHHH???” sabay pa silang nagsabi tapos natawa nalang kaming tatlo. Kung nandito si Jerich, complete casting na sila.

                “Hahabol nalang ako kapag nakalabas ako.” sabi nya pero hindi ako naniniwala na makakahabol pa sya sa lagay nya na ganito. “Denise, sabay nalang kayo ni Jerich.”

                “Sige, ayusin mo kasi yang sarili mo.”

                Pumasok na yung mama ni Angelie, nakita nya kaming tatlong nagtatawanan, napangiti sya.

                “Hiramin ko muna si Angelie ha?”

                “Sige po.”

                Lumabas na kaming dalawa ni Denise.

                “Tingin mo nakausap na ng mama ni Anj yung doctor?”

                “Hindi ko din alam eh.” Parehas kami ng tanong na iniisip ni Denise.

                Walang nagsalita saamin. Umupo lang kami sa labas at nagantay. Makalipas siguro mga sampung minuto, lumabas ulit yung mama nya, sabay kaming napatayo ni Denise.

                “Tita.” Naunang nagsalita si Denise.

                “Hatid ko nalang si Angelie sa school nyo mamamaya sa school nyo.” Sabi nya, “Congratulations nga pala iho.”

                “Thank you po.”

                “O sige, mamaya nalang, pagpahingahin nalang muna natin si Angelie para makalabas sya mamaya.”

                Nabuhayan ako ng loob. Hindi na kami bumalik pa sa kwarto kasi tulog nanaman daw sya. Hinatid ko nalang si Denise sa sakayan nya tapos dumiretso uwi na din ako.

                Kialala ng mga magulang ko si Angelie. Madalas ko na din syang naikwekwento kaya okay lang sa kanila kanina na umalis ako ng walang pasabi. Wala naman kaming katulong kaya ako ang nagplantsa ng toga ko. dapat sana kagabi kaso naunahan ako ng katam. Hindi ko naman ineexpect na ganito mangayayari. Nagpahinga ako sandali sa kwarto. Kapag naiisip ko yung sitwasyon ni Angelie, naiinis ako kay Mike kasi parang ang laki ng kinalaman nya sa pagkakasakit nya. Kung hindi nya sana iniwan si Angelie, hindi sya magkakaganito.

                Sasakyan naman ni papa ang ginamit ngayon. Yung Nissan Terrano para maraming pwedeng isakay. Plano kasi pagktapos mamaya, kakain sa labas at alam din nilang kasama sila Jerich, Denise at Angelie. Nagiisa lang kasi akong anak kaya natutuwa sila kapag may mga kasama ako na kaibigan.

                Pagdating sa school, punong puno ng mga graduatees ang lobby at mga magulang na hindi magkandamayaw sa pagkuha ng litrato. Syempre kasama na yung nanay ko dun. May picture kami ni papa, tas kami ni mama. Wala pa yung kaming tatlo lang kasi wala namang ibang magpipicture. Nagtext na si Denise at Jerich, sabay daw silang pupunta ditto at malappit na rind aw sila. Si Angelile, hindi pa nagtetext pero hinayaan ko nalang din muna.

                Ilang minuto lang, dumating na agad sila Jerich at Denise. Si Jerich nakapolo na violet tapos fitted na slacks samantalang si Denise nakaputing dress.

                “Good afternoon po.” Bati nilang dalawa sa magulang ko.

                “Ma, pa, si Jerich at Denise.” Pinakilala ko kasi  ngayon lang naman nila makikita ng personal yung mga kabigan ko.

                “Nice meeting you. Nasan yung isa? Si Angelie?” tanong ng mama ko.

                “Ay, papunta na din daw po. Natraffic lang.” sagot ni Denise.

                “Napayagan syang lumabas?” bulong ko.

                “Si tita nagtext, siguro.”

                Nagsimula na kaming papilahin. Sila Jerich at mga magulang ko, pumunta na sa mga upuan pwera lang kay papa na sasalubong saakin sa paglalakad. Napakadami naming graduatees at syempre nasa dulo ako kasi Uy ang apelyido ko. sa totoo lang, kung iisipin, nakakahiya na magdala ng bisita sa sobrang haba ng program pero dahil kaschoolmate ko naman din sila at marami rin silang kakilala na gragraduate, okay lang. nung ako na yung magmamartsa, sumilip ako sa mga kinauupuan, wala pa din si Angelie, nakita naman ako ni Jerich at sumenyas na wala pa. Nangisi nalang ako. naglakad kami ni papa hanggang sa uupuan namin.

                Maraming nagiiyakan, lalo na yung mga babae, para ngang highschool lang pero ang kaibahan nito, pagkatapos, trabaho na. nung natapos na tinawag lahat ng kurso, sumilip ulit ako, bakante pa din yung upuan na nakalaan para kay Angelie. Nasaan na kaya sya?

                Bigayan na ng diploma at mahigit isang oras na din ang nakakalipas, wala pa din sya. Nung ako na ang aakyat sa stage, sinubukan ko ulit tanawin habang nasa hagdan, hindi ko pa din makita. Nung nasa gitna na ako at ibinigay saakin ang diploma, mas nagkaroon ako ng malinaw na view sa mga upuan. Nakipagkamay ako sa mga admins at bisita saka nagbow. Pagkaangat ko ng ulo, andun na sya sa gilid, kausap si Jerich at Denise. Napangiti ako. tumingin sya saakin at kumaway habang nakangiti. Nakadress din sya na mabulaklak at nakatakip ng itim na pampatong. Ewan ko ba pero ang ganda nya ngayon. Bumaba na ako ng stage at pinuntahan sya na dapat sana babalik ako sa kinauupuan ko.

                “Angelie!”

                “Uy, bumalik ka dun!”

                “Bakit antagal mo?”

                “Traffic kaya!”

                “Kumusta ka na?”

                “Okay lang ako, ano ka ba. Bumalik ka na dun, baka pagalitan ka pa.”

                Tuwang tuwa lang talaga ako. bumalik na ako sa pwesto ko at yung dalawa pang oras na paghihintay hanggang sa matapos tong graduation na to ay parang ilang minuto nalang. Pagkatapos na pagkatapos, pinuntahan ko agad sila sa pwesto nila. Kausap ni mama si Angelie, mukhang nagkakilala na din sila.

                “Congratulations!” isa isa silang lumapit saakin tapos si Angelie naman.

                May binigay sya saaking box. Gustong gusto ko ng buksan pero mamaya nalang daw sabi nya. “Congrats Alfred. Tanda mo na!”

                Sila mama at papa naman sunod. Alas otso na ng gabi, pumunta na kami sa kotse para makapaghapunan na. Ako yung nasa driver side, tapos silang apat nagkasya naman sa gitna, paano pare parehas na payat. Sa Eastwood na kami dumiretso. Dapat sana may after party ang klase pero hindi na ako sumama. Hindi na din ako masyadong nakipaginteract sa iba, sandali nalang habang nasa CR sila kanina. Si Cy nakausap ko din naman pero sobrang saglit lang din, hindi nya nga yata alam na nandito si Angelie. Sa may Choi Palace na kami kumain. Tumabi na ako kay Angelie ngayon kasi alam kong may sakit pa sya.

                “Ano yung sayo?” tinanong ko sya habang nakatingin sa menu.

                “Wala akong gana.” Tinago nya yung mukha nya para di makita ng magulang ko.

                Tinignan ko sya.

                “Soup nalang, o kaya kahit anong madaling lununin.” Sagot nya.

                Plano nya yata lununin nalang lahat ng pagkain. Hindi ko din naman masisisi. Sa mga gamot na iniinom nya, malamang mapait na panlasa nito kaya nakakawalang ganang kumain. Nagplace na kami ng order. Usapang mesa ang trabaho. Kung saan sila nagOojt at kung saan ako magtratrabaho. Plano ko kasi mag GMA. Meron na kasi akong kakilala dun kaso ewan ko pa. Org Comm din kasi kurso ko, pareho kami ni Angelie pero bahala na. Andami dami ko ng inapplayan, ang sure shot ko palang ay Robinsons.

                Mabilis ding dumating yung order naming at nakumpleto. Kain lahat, pwera lang si Angelie na mahinhin at mabagal. Kung pwede ko lang syang subuan ginawa ko na makakain lang sya ng maayos kasi ako ang nahihirapan sa lagay nya. Andaming nagtetext saakin nasan na daw ako, may after party daw, dumiretso na daw ako pero hindi ko pa din alam kung pupunta ako. mahigit pito na ata ang mga nagmimiscall saakin. Mga tao talaga, atat uminom at sumayaw.

                Magaalas onse na kami natapos. Nung bumalik kami sa parking lot, tinanong na ni papa saan baba ang mga pasahero nya.

                “Cubao nalang po ako, malayo pa po kasi ako, dun na po medaling sakayan.” Sagot ni Jerich.

                “Ako din po.” Sumunod si Denise.

                “Pa, sa P.Tuazon si Denise.” Kaysa naman na ibaba sya sa cubao, malapit nalang din naman mas maganda na sa bahay na nila, saka lagi ko na din syang hinahatid.

                “Eh ikaw Angelie?”

                Hinawakan ako ni Angelie sa braso. Tinignan ko sya.

                “Bakit?” bulong ko.

                “Hindi ako sa bahay eh.”

                Alam ko na agad yung sagot.

                “Papa, sa Medical City si Angelie.” Ako na yung nagsabi.

                “Sa may Ortigas?”

                “Opo.” Sagot ko.

                “Oh bakit?” tanong ni mama.

                Humigpit yung hawak sakin ni Angelie. Si Jerich at Denise, nagkatinginan na din.

                “May check up lang po sya.” Sabi ko nalang.

                Buti nalang nakagets agad si mama at hindi na nagtanong pa. sumakay na kami sa sasakyan at lumarga na.

                Gusto ko sana syang samahan pa, pero kailangan ko din munang unahin sila mama at papa. Naunang ibinaba yung dalawa tapos umikot pa ulit papuntang Ortigas. Hiyang hiya na si Angelie pero wala na din syang nagawa. Pagkadating dun, bumaba ako sandali para ihatid sya sa mama nya.

                Umakyat kami sa kanina nyang kwarto, andun yung mama nya naghihintay at may kausap na nurse.

                “Angelie.”

                “Pasensya na po ginabi na kami.” Sabi ko.

                “Okay lang. kayo lang ba?”

                “Nasa baba po parents ko.”

                “Paki sabi nalang sa magulang mo salamat ha?”

                “Oo, thank you Alfred.”

                “Makakarating. Magpahinga ka na ha? Balik ako ditto bukas.”

                Ngumiti nalang sya. Pagkalabas ko, sumunod saakin yung mama nya.

                “Alfred, thank you.”

                “Okay lang po, thank you din po at pinayagan nyo syang pumunta.” Hindi ko na mapigilan yung pagtataka ko kaya magtatanong na din ako, “paano po sya nakalabas?”

                “Nakiusap sya sakin kanina, tinanong ko yung doctor, pinayagan naman sya pero kailangan nya pa din bumalik ngayong gabi.”

                “Kumusta na po ba sya?                “

                “As of now, wala pang final pero may nabanggit ang doctor na maaring may neoplasia sya.”

                Neoplasia? Ano yun? Bakit ngayon ko lang narinig yun? Pero buti nalang walang cancer o kahit ano mang malapit ang nabanggit dun kaya medyo nabawasan yung kaba ko.

                “Ano po ba yun?”

                “Sabi ng doctor, abnormal daw na growth ng cells.” Nagbuntung hininga si Mrs.Fernan. “ang hirap ng ganito, nagaalala na din ang papa nya at gusto ng umuwi ng bansa.”

                “Hindi naman po malala yun?”

                “Hindi ko din alam iho. Pagdasal nalang natin na gumaling na sya.”

                “Sige po.” Sumilip ako sa puwang sa may pinto, nililipat ni Angelie yung channel sa TV. “Mauna na po ako.”

                “O sige, magiingat kayo ha? Paki sabi sa parents mo thank you, saka congratulations din pala.”

                “Salamat po.”

                Nung bumalik ako sa parking, alam ko na agad anong itatanong ng mga magulang ko. anong meron kay Angelie? Sinabi ko na din lahat ng alam ko. pati sila, nagaalala, sabi ni mama, ipagpepray nya daw sya sa simbahan na nagpapasalamat naman talaga ako. kinuha ko yung maliit na box na binigay sakin ni Angelie. Binuksan ko na, may nakalagat na letter tapos resibo ng Jollibee na nakabalot ng scotch tape para hindi magfade.

Kuya!!! Alfred lang pala! Ang tanda mo na! anyway, thank you for the friendship and being there for me always. Through ups and downs, hindi mo ko iniwan and I owe you so much. Buhay ko ang utang ko sayo dahil kung wala ka, malamang buang na ako ngayon. Joke. Anyway, korny nung binigay ko pero it’s just a copy. Naalala mo nung una tayong nagging close during nung event sa hotel at kumain tayo ng super late lunch? Ayan yung copy ng resibo! Haha. I’d like you to know na I treasure those moments kasi isa ka na din sa mga best friends ko. halos matumbasan mo na ang kalokohan nila Denise at Jerich. I wish you all the best after your graduation. God Bless!

 

Natuwa ako sa letter nya. Nakatago pala yung resibo. Akala ko naiwan dun sa tray noon pero tinago nya pala. Sobrang naguumapaw lang talaga yung puso ko at sa tingin ko, wala ng mas hihigit pa sa regalong to na natanggap ko. pagkauwi sa bahay, dumiretso ako sa computer at nagsimulang isearch yung diagnose sa kanya ng doctor. Tinype ko, neoplasm at ang daming lumabas na resulta.

Inisa isa ko lahat yun. Yung sa Wikipedia,  is an abnormal mass of tissue yung isa naman, abnormal proliferation of cells. Halos pare pareho lang yung mga resulta, meron isa tumor daw o kaya sa cancer pero kapag worse case scenario na yun. Nakakasar kasi kapag iseasearch sa net, kahit anong sakit ang hantungan daw, cancer kaya nakakabobo tulad nalang nung unang ginawa ko na pagreresearch.

Napaisip ako. bakit ko nga ba ginagawa to? Bakit nga ba ako sobrang attached kay Angelie? Kapatid nga lang ba turing ko sa kanya? Naalala ko yung sinabi sakin ni Cy.

Alam mo Kits, tip ko lang sayo, kapag gusto mo ang isang tao, ipaglaban mo. Gusto ko na nga ba talaga sya? Bakit ganito nalang ako kaconcern? Yung pakiramdam na apektadong apektado ako sa lahat ng pinagdadaanan nya. Tarantado kasi tong si Mike. Hindi nya alam kung ano na ngayon ang nangyayari kay Angelie. Life and death na ang scenario, wala pa ding pakialam. Pano ba nga naman nya malalaman kung hindi man lang sya magtatanong, kasi nga kinalimutan nya na talaga si Angelie. Ako nalang ang papalit sa kanya. Hindi man ako yung mahal ni Angelie, ako nalang ang mag aalalaga sa kanya. Ang hirap ng ganito, nasasaktan ako kapag nakikita kong nasasaktan si Angelie. Martyr na kung martyr pero siguro nga hindi na basta basta tong nararamdaman ko. Pero ayoko namang isakapalaran yung tunay na laman ng puso ko, pagaaralan ko muna pero sa pagaaral na to, kasama ditto yung pagalaga sa unang unang taong sobrang pinahahalagahan ko.

****

“Omigod Mike! Buti nakasama ka!” talon ng talon si Michelle nung lumitaw ako sa labas ng bahay nila ng ala sais ng umaga, “I didn’t know you’d really be coming but I was hoping.”

Kagabi kasi sabi ko sa kanya, kung lilitaw ako sa gate nila before sya makaalis, sasama ako pero kapag wala, hindi ako sasama. Ayoko naman talaga sa una kasi tinatamad ako kaso parang gusto ko din ng konting adventure kaya nagising ako ng maaga para magimpake sa two day trip namin. Gusto daw nila sa Benguet ngayon kaya nagdala na din ako ng jacket kasi kahit na summer, malamang malamig pa din dun.

Dumating na yung Expedition ng kaibigan nya.

“CHELLIE!” Sumigaw yung isang blonde pagkabukas ng bintana.

“Andrea!”

“Hi Mike!”

Ngumiti ako. kilala nya ako?

“Pasok na kayo, tara!”

Apat na sila sa loob. Si Andrea yung nasa driver side, tapos may dalawa pang nasa gitna.

“Uy Steven, Lyka!” bati ni Michelle.

“Goodmorning.”

“Guys, si Mike nga pala, officemate slash friend!” pakilala nya sakin, “Mike, si Lorenz, Andrea, Steven at Lyka.”

“Hello Mike!” bati ni Lyka.

“Diba player ka! Nakikita kita sa TV.” Namukhaan ata ako ni Steven, “Wow Pre! Big time!”

“Yes, he’s a basketball player.” Si Michelle ang sumagot.

Unang pumasok si Michelle saka ako tumabi sa kanya sa likod. Awkward, hindi ko alam na parang ang labas nito, partner-partner. Kung hindi ako kasama, baka magisa lang din si Michelle. Inilagay ko yung mga bag namin sa likod saka nung ayos na lahat, umandar na kami.

Hindi ko maiwasang maalala yung outing namin sa Batangas. Ako yung nagmamaneho nun at si Angelie yung nasa tabi ko. Galit nag alit pa sya nung nagpapasubo ako, pero pumayag din. Yun yung nakakatuwa sa kanya, aayaw ayaw pero papayag din naman sa huli.

Birthday ko lang last week, wala kwentang araw. Hindi alam ni Michelle na birthday ko at hindi ko na din sinabi. Maraming greetings sa facebook at twitter, inulan nanaman ako ng comments pero walang Angelie na pangalan ang lumabas. Siguro nagmomove on na din naman sya. Ayoko na syang guluhin, kapag nagparamdam ako, baka lalo lang syang mahirapan kaya mas maganda na din siguro na ganito. Hindi ko namalayan, kinakausap pala ako ng mga kaibigan ni Michelle, lutang nanaman ako.

“Hey Mike, it’s a good thing nakasama ka.” Sabi ni Andrea.

“Oo nga. Madalas magisa lang tong si Michelle kapag naghihike kami. It’s nice to know she found someone na may same interest.” Segunda ni Lyka.

“She’s actually insisting me to come, practically begging.” Trip ko lang mantrip ngayon.

“Hindi ah!” deny si Michelle.

“Really Chelle? That’s new.” Si Steven nagreact na din.

“Hindi, Mike, you’re lying!” pissed off na sya.

“Yeah, and sabi nya, sige na, please please.” Dinagdagan ko pa.

“Oh yeah! Pinipilit kita kasi you were like at first, can I come, can I? you’re such a kid!” adik tong babaeng to, sumakay bigla sa trip ko?

Nagtawanan silang lahat. Akala ko maasar sya, hindi pala. EPIC FAIL. Nung si Angelie, ang sarap asarin kasi laging asar talo, tapos nun, lalambingin ko naman saka babawi ng napakalakas ng hataw sa braso.

Mahaba habang byahe to, pero hindi boring kasi yung trip nila, nasasakyan ko naman saka magaling naman akong makisama. Dumadagundong yung music nila kaya nakakatawa tapos napakadaming pwedeng pagusapan. Hindi natutulog si Michelle sa byahe, sya nga ang tagakuha ng litrato. Nung nasa bandang Pangasinan na kami, binuksan na yung bintana para mas makakuha sya ng magagandang picture. Dati si Angelie, hindi marunong humawak ng DSLR at kailangan ko pa syang turuan, kabaligtaran naman nya si Michelle.

Nakarating kami ng past 1 na. naglunch kami sa Max’s. Sosyal din naman kasi tong mga kaibigan ni Michelle, dati rati, hanggang Jollibee, Mcdo lang kami nila Angelie, ngayon restaurant na. Yung ex ko bago kay Angelie yung sosyalera din pero kasi sya, medyo demanding kaya nakakakain kami sa mga mamahalin.

Halos isang oras lang kami dahil byahe agad. Pasado alas dos na kami nakarating ng Benguet. Iniisip ko na magchecheck in sa isang hotel, hindi pala, lakad na agad. Imba din pala mga energy ng barkada ni Michelle. Napakadami naming kasabayan.

“Magput up nalang tayo ng tent kapag inabot na tayo ng gabi.” Sabi ni Lorenz.

“Wala akong dala.” Napabulong ako sa sarili ko.

Takte, sa lahat pa ng makakalimutan ko, tent pa.

“Pare, ayos lang yan, may dala kaming malaki.” Sabi ni Steven.

“Magkakasama ang mga girls, at hiwalay ang boys.” Sabi ni Lyka.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Si Michelle, kuha pa din ng kuha ng picture.

“Sila ba ni Lorenz at Andrea?” tanong ko kay Michelle.

“Yup. Pero si Steven at Lyka, classmates lang, classmates ko silang lahat except for Andrea, we were best friends since highschool.”

Parang Angelie at Denise lang din.

Ginabi na kami kaya nung nakahanap kami ng magandang pwesto, nagset up na kami ng tent. Tinulungan ko yung mga babae sa pagaayos ng mga pagkain saka pagaayos ng tent nila. Nakakabilib dahil halatang expert na din si Michelle sa mga ganitong bagay. Mabilis lang naitayo yung mga tent. Nagbonfire din kami tapos puro kwentuhan. Hindi ko maiwasang mapatingin kanina Lorenz at Andrea. Ganun din ba ang itsura namin ni Angelie nung magkasama pa kami?

Si Lyka ang nagluto, naghanap kami ni Lorenz ng mas madami pang kahoy.

Kung tutuusin, masaya naman talaga silang kasama, tawa nga ako ng tawa pero parang ordinary lang. Kapag magpapakewnto siguro saakin ang mga tao, sasabihin ko lang, naghiking sa pulag, nagtayo ng tent. Hayun. Mga bandang alas-gis natulog na sila pero ako hindi pa din makatulog. Ang dami kong iniisip. Kung inaakala ko na makakalimutan ko si Angelie sa pagsama ditto, hindi pala. Lalo lang bumabalik yung mga alaala na magkasama kami. Bakit pa kasi ako sumama ditto? Bakit ko pa din ba sya naiisip? Isang buwan na din halos ang nakakaraan. Tama na. Tapos na.

****

“Friend, tama na ang dyeta, please. Ampangit mo na!” nagmamakaawa saakin si Jerich.

“Hindi naman ako nagdadiet ah!”

“Ano ka ba? Mukha ka ng malnourish sa itsura mo Anj eh.”

Hindi ko sya masisisi. Dalawang linggo na akong nakaratay ditto sa kama ng ospital. Ni hindi ko nga alam bakit ako nandito. Nawawala din naman na yung lagnat ko pero ang hina hina pa din ng pakiramdam ko. Hindi na ako nakakapasok sa OJT. Naiinis ako kasi parang nasisira na ang buhay ko dahil sa mga nararamdaman ko na hindi ko man lang alam kung ano. Nahihiya na din naman ako sa mga kaibigan ko na laging nandito, lalo na kay Alfred. Sya nga yung nagbantay saakin nung isang gabi. Sobra sobra na yung pagmamalasakit na ipinapakita nya, hindi ko na alam paano ako makakaganti sa kabaitan nya. May mga tao pa din palang ganun?

****

Bumalik ako sa school para may ayusin lang. kailangan ko na din magtrabaho, dalawang linggo na akong nakatengga kaso lang sa sitwasyon ni Angelie, hindi ko alam paano ako makakapagtrabaho. Yung mama nya kasi hindi naman pwedeng isang buwan magleave kaya minsan, ako ang nagvovolunteer na magbantay sa kanya. Nagdadala ako ng dvd para naman hindi kami mabore tuwing gabi, puro comedy yung binibili ko kasi syempre, kapag lovestory, baka maiyak naman yun. Ayaw naman nya ng horror pero plano ko ngayon, suspense naman. Buti nalang mura lang ang pirated.

Pauwi na din ako, buti nalang mabilis lang yung transaction sa school, buti nga umaasenso na sila ngayon dati aabutin ako ng ng siyam siyam sa pagkausap sa department chair namin. Magkasama kami ni Cy ngayon. Nagkita kami kasi wala daw syang kasama.

“Prospect for president- Angelie?” tinanong nya ako bigla.

“Hindi ko alam…” hindi nya pa nga pala alam na nasa ospital si Angelie. “May sakit kasi sya ngayon.”

“Huweh? Sabihin mo pagaling sya ah.”

Tumungo ako. Ganun naman ang ibang tao. As long as hindi nila alam na nasa ospital na, hindi pa talaga sila magaalala. Hindi ko na din naman kinwento lahat kasi ayaw talaga ni Angelie na makakuha ng atensyon.

Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakakita ako ng isang pamilyar na mukha papalapit saamin.

****

Si Alfred, may kasamang babae. Pamilyar saakin yung babae, nakita ko na sya dati na kasama ni Angelie. Natigilan ako. salahat lahat pa ng pwede kong makasalubong, bakit sya pa?

Tumigil sya sa paglalakad, nakatingin saakin, nanlilisik ang mata. Napatigil na din ako. mukhang alam na din nya kung anong nangyari, malamang, dikit sya ng dikit kay Angelie. Hindi ko alam anong sasabihin ko, gusto ko lang naman maging cool, ayoko ng away pero sa tingin nya saakin ngayon, mukhang ganun ang labas nito.

“Alfred.” Sabi ko.

“Kumusta ka na?” tanong nya, yung tono, matalim.

“Okay lang, ito, ganun pa din.”

Hindi sya nagsalita. Nakatingin lang saakin. Gustong gusto kong tanunging si Angelie sa kanya, pero hindi ko alam paano ko sisimulan.

“O sige, aalis na kami.” Sabi nya at nagsimula ng maglakad.

Yung babaeng kasama nya, nakatingin lang saakin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. gusto kong magkaron ng balita tungkol sa kanya, andami kong gusto tanunging per pinangungunahan ako ng takot na lumalamon sakin, nagsasabi na hindi na to tama.

“Alfred, kumusta na sya?” tinanong ko bigla bago pa sya makaalis.

Lumingon sya saakin, ganun pa din ang mata. Naglalabas ng galit.

“May pakialam ka pa ba?” yun ang sagot nya.

Biglang humakbang ng tibok yung puso ko at napatingin sa kanya na nakatalikod pa din. May pakialam ka pa ba? Oo. Meron. Kung wala edi hindi ko sya tatanungin, tang ina naman. Gusto ko lang malaman kalagayan nya. May pinagsamahan din naman kami.

“Payo lang Mike, kung ayaw mo malaman ang sagot, wag ka ng magtatanong.”

Sabay diretso sa pagalis.

****

Bakit nya pa kailangan tanungin ang kalagayan ni Angelie? Hindi ba iniwan naman na nya siya? Para san pa at magpapakaplastik sya, magtatanong? Wala din naman akong planong sabihin sa kanya yung mga nagaganap sa buhay ni Anj dahil malamang, hindi nya magugustuhan ang alin man ditto. Ano? Sasabihin ko sa kanya na may sakit si Angelie at nakaconfine sa ospital? Para ano? Balikan nya at kaawaan? Kung mahal nya pa din sya, dapat noon pa, nagsisi na siya.

“Boyfriend ni Angelie yun diba? Break na sila?” tanong ni Cy.

“Oo.” Simple lang sagot ko.

Hindi na ulit sya nagtanong at hindi na din ako nagsalita. Masyado lang talaga mainit yung dugo ko. sa dinami dami ng tao sa maynila, bakit yung gagong yun pa ang makikita ko? Puta, sabik na sabik na yung mga kamay ko na manapak, kahit malaki pa sya, pakialam ko ba? Naiinis lang talaga ako ng sobra.

“San ba ditto yung titignan mo?” iniba ko na yung topic.

“Ah, ditto.” Tinuro nya yung isang framing shop sa kanan.

Naglakad sya ng mabilis papasok, ako  nagantay lang sa labas. Hindi ako mapakali. Ngali ngali ko na syang sungaban pero buti nalang nandito si Cy at napigilan ko yung sarili ko. Gusto ko nalang pumunta ngayon sa ospital at makita si Angelie. Lalabas na sya ngayon kaya mas napapanatag na ako.

“Kits, tara na nga, mahal naman pala ditto.” Sabi ni Cy at bumalik na kami sa sakayan ng bus.

*********************************************************************************************

IF YOU LIKE THIS CHAPTER, PLEASE DONT HESITATE TO LEAVE A COMMENT AND VOTE! :)) THANK YOU FOR READING!


Note: Napakadami ng sobrang busy sa school ngayon pero andito pa din kayo at patuloy na sinusuportahan ako. Magparamdam ang iba by comments okay? Hahaha. Anyway, hayun, i really just want to thank you all and ngayon, nakakatawa kasi may nagppm sakin na meron na din atang Team Alfred at Team Mike. lol. :)

Good Luck and God Bless to everyone of us. keep on supporting and sharing Liempo till the end. :)


xoxoMara

Continue Reading

You'll Also Like

35K 1K 28
Kapag sumapit ng labing walong edad ang may dugong Angelus ay doon nila mahahanap ang taong nakatadhana para sa kanila sa paraan ng pag guhit sa kani...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
17.9K 910 70
[Completed] I wont stop chasing until it's over.
41.9K 1.2K 38
Yzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a par...