Sweetheart Series 1

By MarthaCecilia_PHR

1.6M 38.4K 1.1K

"Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 15

47.8K 1.1K 18
By MarthaCecilia_PHR

KUNG sa inaakala niyang doon natapos ang kapighatian niya ay nagkakamali siya. Dahil ilang araw pa ang matuling lumipas ay napuna ni Cristina ang malimit niyang pagsusuka. Maliban pa sa malimit siyang uma-absent sa eskuwelahan dahil napaghihilo at laging sumasama ang pakiramdam niya.

"Mayroon ka bang dapat ipagtapat sa akin, Kimberly?" banayad na wika ni Cristina na naupo sa gilid ng kama.

Malalaman din ng lahat ang nangyayari sa kanya sa malaon at sa madali. Kailangang harapin na niya ito ngayon.

"Hindi ko alam kung tama ang hinala ko, Mommy. Pero may palagay akong buntis ako," aniya na sinabayan ng hikbi.

Parang pinanawan ng lakas si Cristina. May hinala na ito pero umaasa pa ring baka may sakit lamang ang anak. Ulcer kaya o sa mata. Hindi ang kanyang si Kimberly. Ni hindi nagpapaligaw ang anak, ayon sa paniwala nito. She has always been a good girl. Ano ang nangyari?

"K-kanino, Kimberly?" halos hindi namutawi sa labi nito ang tanong.

Sa simula ay hindi niya gustong sabihin pero magkakaila pa ba siya? Lalong hindi makapaniwala si Cristina. Walang dahilan, wala man lamang pahiwatig.

"I... I don't know what to say, Kimberly," wika nitong nanginginig na tinig. "This... is quite a shock to me. Paanong nangyari 'yon? Bakit wala kaming alam ng daddy mo, ng Kuya Patrick mo? Nagpabaya ba kami sa iyo?" may guilt sa tinig nito na lalo lamang nagpalakas ng hagulgol niya.

"Oh, Mom! Hindi kayo nagkulang. Ako ang nagkasala." Niyakap niya ang ina.

"Nagkamali marahil kami ng daddy mo nang sabihin naming huwag kang magpaligaw. Nasikil ka," ani Cristina sa mapait na tinig makalipas ang ilang sandali.

Umiling si Kimberly. "Hindi iyon ang dahilan. I have been in love with him since time immemorial. Hindi dahil 'di n'yo gustong paligawan ako. Ako ang may ayaw, dahil inilalaan ko ang sarili ko para kay Renz."

"Ano ang sasabihin ko sa ama at kapatid mo, Kimberly?" nanlulumong tanong ni Cristina.

Continue Reading

You'll Also Like

283K 7.2K 22
Pinalayas ng kanyang ama si Georgina Yulo kaya naisipan niyang humingi ng tulong kay Pio Andong. Napadpad siya sa Bud Brothers Farm. Doon ay ibinigay...
702K 25K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
91.5K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...