SUKIYAKI (COMPLETED)

By Gretisbored

373K 13.9K 1.5K

Siya si Filipa Natalia Ferrer o kilala sa palayaw niyang Pipay. Tubong Pampanga. Anak ng isang maralitang mag... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY-THREE

9.4K 420 37
By Gretisbored

Tingin ko sisitahin sana ako ni Tatang, pero nang makita na hinimatay ako tinawag nito bigla si Nanang. Hindi lang ang inang ko ang napasugod sa sala namin. Naunahan pa siya ng tsismosa naming kapitbahay na si Aling Delia. Bago maka-react ang inang nagsisisigaw na si Aling Delia na tila may sunog. Mas nauna pa itong mag-panic kaysa sa mga magulang ko.

"Tawagin n'yo si Aling Merta, ang magtatawas! Aba'y baka naengkanto itong si Pipay n'yo! Hindi na siguro sanay sa mukha niya ang mga maligno rito sa atin!"

Habang nagpipikit-pikitan, napansin kong hindi agad tuminag sa kinatatayuan niya si Inang at ang nakababata kong kapatid na si Sylvia. Tingin ko pinagmasdan nila akong mabuti. Tapos, lumapit si Inang at sinalat ang noo ko. Dahil hindi naman talaga pikit-sarado ang mga mata ko, nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"Hay, ano ba naman kayo! Wala bang tatawag kay Aling Merta?" Si Aling Delia uli. Nang walang sumagot sa pamilya ko, tumakbo ito palabas ng bahay. Nagsisisigaw ito ng Aling Merta. Kinabahan naman ako. Pinagdasal ko na lang na wala sana ang magtatawas sa bahay nila.

"What are you doing?" narinig kong tanong ni Kaito sa akin sa mahinang tinig. Hindi ito kumbinsido na hinimatay nga ako.

Bago pa ako makasagot dumating na si Aling Delia at mukhang kasama na niya si Aling Merta. Napaungol ako kunwari. Kinusut-kusot ko ang mga mata. Tila inaantok na tiningnan ko si Inang at sa namamaos na boses ay nagtanong pa ng, "Ano po'ng nangyari?" Nang napasulyap ako kay Tatang matalim na titig ang sumalubong sa akin. Napalunok ako nang sunud-sunod.

Lumapit sa akin si Aling Merta at sinalat din ang noo ko't leeg.

"Okay na po ako, Aling Merta," sabi ko sabay upo nang maayos.

"Aba'y hindi ka mukhang okey, ineng. Palagay ko ay mayroon ka ngang iniinda." Naglabas na ito ng mga gamit niya at sinimulan na niya akong bendisyunan gamit ang kanyang tawas. Kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung sakop ng powers niya ang totoo kong karamdaman pero kinakabahan ako.

Mayamaya pa'y, nilalagay na niya sa nagbabagang uling ang tawas. Nang mabitak, nilipat niya ito sa isang palangganang may tubig. Makaraan ang ilang segundo napasigaw ito nang may kagalakan. Napatingin tuloy ang lahat, maging si Kaito, sa tawas na nakalutang sa tubig.

"Ito ba ang mapapangasawa mo, ineng?" nakangising anas sa akin ni Aling Merta at inginuso pa si Kaito. Nakagat ko ang labi ko sabay sabi ng "shit!" sa mahinang tinig. Bistado na!

"A-ano'ng nangyayari sa anak ko?" tila nininerbyos na tanong ni Inang kay Aling Merta.

"'Alang sakit ang anak n'yo, Divina. At hindi rin siya nakulam o naengkanto."

Hinuhuli ko sana ang mga titig ni Aling Merta para balaan ito pero nakapokus ang tingin niya kay Inang. Siniko ko pa sana nang bahagya pero hindi ako pinansin. Kasabay nang masaya nitong pagbalita sa mga magulang ko na magkakaapo na sila'y nagdilim ang paningin ko. At totoo nang hinimatay ako.

**********

The weird, old lady was looking at me in a strange way. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kay Filipa dahil bigla na naman itong hinimatay. This time it seemed real. Pero ang pinagtataka ko imbes na mag-worry ang mga magulang niya tila nagalit pa ang mga ito. Kanina pa sila nag-aanasan ng matandang weirdo at walang nagpapaliwanag sa akin kung ano na ang nangyayari kung kaya nabigla na lang ako nang binalingan ako ng tatay ni Filipa at sa nagngangalit na tinig ay pagbantaan nito ang buhay ko.

"Filemon! Ano ka ba!" saway ng nanay ni Filipa. Kinwelyuhan kasi ako ng lalaki. Dahil di hamak na mas matangkad ako sa kanya, tila mayroon lang binatilyong humahatak ng kuwelyo ko. Nang humingi ako ng paliwanag, nagtaas ng kamay niya ang nanay ni Filipa habang pinipigilan ang asawa. Ibig sabihin huwag na raw akong magsalita. Hinatak nito ang lalaki papunta sa kusina nila. I thought that was the end of the scene. Nakahinga ako nang maluwag. Pero makaraan lamang ang ilang segundo, bumalik ang lalaki sa sala at may dala-dala na itong mahaba at malapad na kutsilyo. Sumisigaw pa ito na tila susugod sa giyera. Hindi na siya ang softspoken guy na kumausap sa akin kanina. Dahil mukhang hahantingin na ako nito ng bitbit na patalim, tumulong na ang matandang weirdo sa pag-awat sa kanya. Habang pinapayapa nila ang nagngangalit nitong damdamin, panay naman lingon sa akin ng matandang siyang may kagagawan ng lahat. Ano kaya kanina ang pinagbubulong niya sa mag-asawa? Ba't ganoon na lang ang galit sa akin ng tatay ni Filipa?

**********

Wala na si Aling Delia at Aling Merta nang magising ako at hindi na ako nakaupo sa may kawayan na sofa sa ibaba ng bahay. Nakahiga na ako ngayon sa makipot kong papag sa kuwarto sa itaas. Nakaupo sa tabi ko si Kaito. He looked so serious while looking at me.

"Ba't ka naririto?" tanong ko agad sa kanya sabay bangon.

"Itanong mo sa tatay mo."

Nangunot ang noo ko. Nang maalala ang kaganapan kani-kanina lang napatakip ako ng kamay sa bunganga. Shit! Sinabi ba nila kay Kaito lahat?

"Filipa! Tingnan mo nga kung gising na ang magaling mong anak!" Narinig kong sigaw ni Tatang sa ibaba. Sumilip si Inang sa kuwarto ko at bumaba rin ito agad.

"Please, don't faint again!" babala ni Kaito sa akin. Nakita niya siguro na nag-panic na naman ako. Inirapan ko siya at sinabing hindi ko naman sinadyang mahimatay kanina. Nahimatay lang ako talaga. He rolled his eyes.

"Nakausap ko na si meyor sa bayan. Puwede raw siyang pumarine kung masama ang pakiramdam mo't hindi mo kayang magbiyahe," deretsahang sabi ni Itang. Nasa bukana na siya ng silid bago pa namin mamalayan ni Kaito.

Rumigidon ang puso ko sa sinabi niya. Alam ko kung ano ang binabalak niyang gawin, pero nagmaang-maangan pa rin ako.

"Ba't ho pupunta rito si Mayor? Wala namang okasyon," sabi ko pa.

Matalim na titig ang pinukol sa akin ni Itang. "Huwag ka nang magmaang-maangan diyan. Ipapakasal ko na kayo agad ng lintek na Hapong iyan! Ayaw ko mang magka-manugang ng sakang, wala rin akong magagawa kung nabuntis ka na ng hinayupak na iyan!"

Nakita kong napakagat-labi si Kaito. Hindi man ito nagsalita, alam kong naintindihan niya iyon at nasaktan siya sa sinabi ni Itang.

Nag-init ang mukha ko. Sinulyapan kong muli si Kaito at inaninag doon ang reaksiyon sa sinabi ni Itang tungkol sa pagbubuntis ko, pero hindi ko ito kinakitaan ng pagkabigla o ano pa mang emosyon. Baka nasabi na nila kanina pa. Kung sa bagay, medyo matagal-tagal din akong nawalan ng malay.

"Your father is so hot-tempered. More hot-tempered than my father," nakangising sabi ni Kaito nang wala na si Tatang. "He threatened to butcher me to death if I don't stay and marry you. Are all Filipino fathers like him?"

Nahiya ako. Kung magalit kasi si Tatang kumukuha agad ito ng itak at iwinawasiwas sa pagmumukha ng kaaway. Baka ginano'n din kanina si Kaito. Nakupo!

"Don't worry. When the mayor comes later, I will tell him not to give in to Tatang's wishes. Madaling kausap ang mayor namin."

Tiningnan ako nang matiim ni Kaito at kapagkuwan ay nagsalita ng, "And risk my life?"

**********

"When are you coming back to Osaka?" tanong agad ni Akio pagka-hello ko. Nakatayo ako no'n sa itaas na bahagi ng lugar nila Filipa para lang magkaroon ng signal at matawagan ko ang kaibigan through my cell phone.

"I'm not sure when. I'm still trying to make sure my wife's okay to travel. As soon as---"

"Your wife?! What do you mean your wife?"

Gusto kong mapabunghalit ng tawa sa reaksiyon ni Akio. Sinadya kong sabihin iyon na tila alam na niya ang lahat para marinig ang pagkagulat sa kanyang tinig. Hindi nga ako nagkamali. Oh, I so love to see him so shocked! Sana magkaharap kami.

"Hindi ko ba nasabi sa iyo? Kasal na kami ni Filipa."

"What?! Are you out of your mind?!"

Napangisi ako. Tingin ko nga. Although I'm the type of person who hates to be coerced into doing something I didn't prepare for, I didn't have the urge to stop her father from marrying us. Siguro dahil alam kong magagawan ko naman iyon ng paraan kung gugustuhin ko. Ayaw ko ring masagi ang pride ng matanda. Pakiramdam ko kasi big deal sa kanilang may kilalaning tatay ang magiging apo nila.

Kahit ilang ulit ko nang sinasabi sa isipan na magiging ama na ako, tila hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko parang panaginip pa rin ang lahat. Minsan nga naisip kong baka pinagloloko lang kami ni Filipa. Baka gusto lang niyang makasal agad asa akin kaya kung anu-ano ang pinagsasabi sa mga magulang.

"Kaito! Kaito! Are you still there? Listen to me carefully! Kailangan mo nang umuwi. Pinipeste na ako rito ng baliw mong ex at ng mga magulang mo. Gusto mo bang sabihin ko sa kanila kung nasaan ka ngayon?" banta ni Akio. May matinding iritasyon na sa boses nito.

"Bahala ka. At kung sasabihin mo iyan, pakisabi na rin sa mama ko na magiging lola na kamo siya!" At pinatay ko agad ang telepono. Nakikini-kinita ko na ang pagbabaliw-baliwan ni Akio. Palagay ko, kung natorete ito kanina sa binalita kong kasal na kami ni Filipa, lalo itong nawindang sa huli kong sinabi. Poor Akio!

**********

Kasusuot ko lang ng panties nang biglang bumukas ang kuwarto ko at pumasok si Kaito. Inangilan ko ito agad sabay hawak nang mahigpit sa tuwalyang nakabalot sa katawan ko. Ngumisi siya sa akin sabay tingin sa akin nang malagkit.

"Mag-asawa na tayo. Ba't ka pa mahihiya sa akin?"

Inirapan ko siya. Kinuha ko sa drawer ang magkaternong pink pajamas ko at lumabas uli ng silid. Bumalik ako sa banyo sa ibaba para doon sana magbihis kaso nakasalubong ko si Inang. Nangunot ang noo nito nang makita ang dala-dala ko.

"Ba't hindi ka sa kuwarto mo magbihis?"

"May tao po ba sa banyo?" paiwas kong sagot.

"Naliligo si Sylvia."

"Hay, naman, oo!" naiinis kong sabi.

"Matanong nga kita. Kung parang hindi naman kayo mag-nobyo ng lalaking iyon, bakit ka nagpabuntis sa kanya?"

Natigilan ako. Ganoon ba kami ka obvious? Hindi ko na sinagot si Inang. Walang imik akong bumalik sa kuwarto. Nakahiga na sa papag ang kumag. Wala na itong suot pang-taas. Tanging boxer shorts na lang niya ang saplot sa katawan. Nag-init agad ako pagkakita sa kanyang halos hubo't hubad. Iniwasan ko na lang siyang tingnan.

Nagkubli ako sa cabinet at dali-daling nagsuot ng pajamas. Akala ko'y nakalusot na ako pero bigla akong napasigaw nang yakapin niya ako mula sa likuran at halikan sa batok. Naitulak ko siya agad.

"Filipa?" Si Inang. "Ano'ng nangyayari riyan?" sigaw nito mula sa ibaba.

Ngumisi si Kaito at bumalik sa papag. Pinukol ko siya nang matalim na tingin.

"W-wala po, 'Nang. Nabigla lang po ako sa ipis."

Lumapit ako kay Kaito at pinababa siya sa papag. Hindi ito tuminag. Sa halip ay tumalikod lang ng higa. Hindi ko naiwasang kilatisin ang maumbok niyang pang-upo at ang makinis at maputi niyang hita. Daig ko pa ang isang bading na naglalaway sa isang lalaki. Nahiya ako sa sarili. Iiwas ko na sana ang tingin do'n pero naunahan ako ng kumag. Nahuli niya akong pinagpapantasyahan ang siksik sa laman niyang puwet.

"What are you doing?"

Imbes na sumagot, tumalikod ako. Hinuli niya ang isa kong kamay at hinila.

"Ano ba?" anas ko sa kanya.

"We're married now. What's wrong if we get intimate? Ginawa nga natin noon," bulong niya sa akin habang hinahagkan ang punong tainga ko. Tinatabig ko ang mga kamay niya, pero hindi siya tumigil sa kasasalat sa maseselang bahagi ng katawan ko. Ako ang napagod sa kasasalag. Namalayan ko na lang na tumitihaya na ako at kusa ko nang binubuka ang mga hita para pagbigyan siya. At sa unang pagkakataon simula nang ikinasal kami ni Mayor dalawang araw ang nakararaan, pinag-isa namin ang tigang naming mga katawan.

**********

Nagising ako kinaumagahan na wala na sa tabi ko si Kaito. May naulinigan akong mga boses sa ibaba. Pawang nagni-Nihongo. Nang sumilip ako mula sa nakabukas na pintuan ng kuwarto ko, nakita ko agad ang pamilyar na bulto ni Akio, ang kaibigan niya. Ang bilis ng palitan nila ng usapan. Tila may urgency. Natakot ako kung kaya napababa ako kahit naka-pajama lang.

Yumuko sa harapan ko si Akio at bumati ng, "Ohayou gozaimasu, Fereru-sensei."

Yumuko rin ako at bumati sa kanya nang ganoon.

Nakita kong napasabunot sa ulo nang ilang beses si Kaito habang naglalakad-lakad. Larawan ito ng labis na pag-aalala. Si Akio ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang dala niyang balita. Naospital daw ang mama ni Kaito at kailangan nitong bumalik ng Osaka ora-mismo.

"I need to go home, but I'll be back. Aalamin ko lang ang nangyari kay Mama."

Kaagad akong inatake ng takot at pangamba. Ganunpaman, hindi ko iyon isinatinig. Tumangu-tango lang ako sa kanya sabay sabi ng, "Of course."

Matapos namin maipaliwanag kay Inang ang lahat, nagpaalam na si Kaito. Habang hinahatid ko siya ng tanaw mula sa aking silid, nakaramdam ako ng labis na kalungkutan.

Continue Reading

You'll Also Like

28.6K 2.3K 50
Greg Santillan's responses to Isadora Ramirez' letters ********** This is actually a sequel to DEAR BIG DADDY and a prequel to BETTER PLACE, Rona and...
608K 22.5K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.4M 26.2K 61
Beatrice Maurice Antonio ~ Simple, matalino, mahirap (di naman masyado!) Alexis Falcon ~ Mayaman, mayabang, habulin ng babae at nagpapahabol naman, m...