Falling for Mr. Bad Boy [On G...

By Trufflina

62.9K 1.8K 262

Ang sabi nila mas gusto daw ng mga babae ang mga bad boy. Meet Maria Katherine Villanueva or 'Maika' for shor... More

Prologue: Who's my seatmate?
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 1: Spiderman?
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 2: The Suffering
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 3: Moon Dance
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 4: Pretty Little Gossip Girl
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 5: His Room
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 6 & 6.5: Action
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 7: Bago
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 8: Heartbeat
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 9: Fangirls are Dangerous
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 10: Trapped
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 11: Forgive and Forget?
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 12: Horror?
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 13: Exams
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 14: Groupings
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 15: Camping pt. 1
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 16: Camping pt. 2
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 17: Camping pt. 3
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 18: My Decision
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 19: Tanan?
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 20: Intrams 1
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 22: The Offer
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 23: Bahay
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 24: Alone with Manyakis.
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 25: Birthday
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 26: Surprise
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 27: Bad News
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 28: Gulo
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 29: She's Broken
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 30: Reasons

Falling for Mr. Bad Boy Chapter 21: Intrams 2

1.2K 45 5
By Trufflina

-----------

Multimedia: 

Photo: Thunder [Luhan] Gif 

Youtube Video: EXO_으르렁 (Growl)_Music Video (Korean ver.)

------------

A/N: One Word. INTENSE. Sa sobrang INTENSE isisimula natin ang chapter kay VINCE.

=======

VInce's POV


Austin-Witherford, 3-3. Tie. One last round and one of us will win. Binuhos ko na sa ulo ko yung natitirang laman ng bottled water. Tinignan ko yung audience. Wala si Maika, pero andito yung maingay niyang kaibigan at si Georgina. Did she seriously consider na ilaba yung shirt ko? Tch, stupid.

"Hinahanap mo si Maika noh?" Ngumisi si Tristan sa akin at uminom ng tubig.


Tinaas ko yung dulo bote na iniinuman niya para mabulunan siya ng tubig. Napa-ubo siya at pinunasan yung bibig niya. Tumawa siya kaya napatawa na rin ako.


"Tss, ayaw pa kasing aminin. I don't care if we don't win, Nag-cheer si Georgina sa akin masaya na ako"
sabi niya sabay abot tenga pa yung ngiti niya. 


"Talo ko kayo, eh si babes nga eh tignan mo oh ang laki ng banner niya. Eh mukhang si Maika nga wala eh HAHAHA" Tumingin kami kay Kim may hawak-hawak siya na banner 'I Love you babes, Galingan mo!' Tapos sa may upper left may maliit na 'Go Tigers! Go Austin!' 

Binatukan ni Tristan si Josh "Sus, ikaw nagpagawa niyan eh" 


"Halata ba? Eh tignan mo nga siya oh ang saya-saya niya nawinawagayway ang bandera ng pag-ibig namin" 


"Sira" 
sabi ko. 

Nagblow na yung whistle, ibig sabihin tapos na yung time-out. We're back in the game. Kaharap ko nanaman itong ugok na ito. 


Ngumise siya. "Puro rin akong gawa, just saying. Sa tingin mo ba she would enjoy her first time with me? Hindi naman ako madamot puwede rin namang mag-share kami sakanya"


Kanina pa siya, He's really getting on my nerve nauubusan na pati ako ng pasensya. Sinabi naman ni Tristan na wala na siyang pake kung hindi kami manalo. Tumakbo ako kung nasaan yung bola at inagaw ko yung bola sa kabilang team at sinipa ito papunta kay Thunder. Bulls-eye, diretso sa bayag niya. Sumigaw siya at napadapa sa sakit. Muntikan na akong makipag-simpatya sakanya pero hindi ako nakikipag-simpatya sa mga katulad niya. 

Tinulak ako nung teamate niya "Huy sinasadya mo ba?!"

"Pare, wag naman manulak puwede ba?" sabi ni Tristan kasunod niya si Lloyd at ibang teammates namin.   

"Eh gago siya eh" Tinuro ako nung isa pang kasama ni Thunder. Dumating na yung referee, too late boss. You can't do anything now, mas lalo nang andito na si Josh. 


"Eh anong magagawa natin mas gago naman kayo" 
sabi ni Josh. Nakangiti siya at nakatitig lang sa isa, nakataas na nga kamao niya eh.


He has his target and I found mine, tumayo ulit si Thunder at nakatingin na rin sa akin. Haha I really pissed him off. Halos makita ko na yung lumalabas na usok sa ilong niya. I guess we're going to finally have some fun in this game. 


Mula sa audience yung estyudyante sa Witherford sinuntok yung schoolmate namin tsaka namang nagsimula na ang lahat. 

========

Maika's POV

Ehto ako linalaba yung shirt ni Spiderman sa CR, gamit ko lang hand soap alangan namang may dala-dala akong panglaba sa school? Kahit pawisan ang bango pa rin ng shirt niya, saan ba gawa pawis niya? sa pabango. Chos, sosyal naman ng pawis niya.

"Tss, saan kaya napunta yun? Ano ba yan nawala ko agad, alam kong suot-suot ko lang yun kanina eh" Nawawala yung rubber band na binigay ni Vince. Sus, madami na kaming rubber band sa bahay binigyan pa niya ako pero kahit na. . . bigay pa rin niya yun sa akin. 


Nakatingin sa akin yung mga ibang babae sa CR. Mukhang mga taga-ibang school sila, paano naman kasi naglalaba ako tapos kinakausap sarili ko. 


"Bakit ko kausap sarili ko? este ayan nanaman"
napatawa ako  ng hindi sinasadya.

"Miss, ok lang po ba kayo?" mukhang concerned sa akin yung babae. 

"Ahahahahahha ok lang pabayaan niyo lang ako" sabi ko.  


Pabalik na ako sa ginagawa ko nang biglang nagbukas yung pintuan nagulat kami. 

"Uy may away daw sa soccer field, Dali! dun tayo pati yung audience nagsusuntukan na"  

"Anong school?" tanong nung babaeng kumausap sa akin kanina. 


[・ヘ・?]
 Ano daw? 


"Yung Witherford daw at Austin, hindi naman ito yung first time na nangyari ito"
Oo nga noh,  nung grade school palang ako may nabalitaan kaming nangyaring ganito.


Biglang nagsilabasan na lahat ng babae pati yung mga nasa loob ng toilet lumabas na. Mga shunga hindi man lang nag-flush. Basta labas agad? Pagkalabas nila pumasok sina Georgina at Kim na hinihingal. Diba nanood sila nung game? Nakipag-rambulan rin kaya sila? 
 

Hinihila ako ni Kim palabas "Maika! Maya ka na maglaba nakakaloka ka anong ginagawa mo diyan? Andito ka lang pala"


"Oo nga kanina ka pa namin hinahanap"
sabi ni Georgina. 

"Anong nangyayari?" tanong ko. 


"HELLO GURL BINGE KA BA? MAY RAMBULAN NGA DAW SA FIELD. SINO PA BA ANG NAKIKIPAGRAMBULAN EDE YUNG VINCE MO!"
sigaw ni Kim. 


L(・o・)」
Nabitawan ko yung shirt ni Vince, kaya naman tumalsik yung bula at tubig sa amin nang naglanding sa sahig. YANG LOKONG YUN KASALI PALA SIYA SA SOCCER TEAM PARA LANG MAKIPAGRAMBULAN!  

 
Tumakbo na kami papuntang field pero wala na yung away maraming naka-upo sa field o nakahiga, yung iba ginagamutan ng first aid. Yung mga naka-red nakikipag-usap sa mga naka-blue, either nagmumurahan o nagbabatian yung iba. 

"Natapos na agad?" sabi ni Kim. Echosera naman si amazona, gustong panoorin? 

Nakita namin na palakad si Josh sa amin "Babes! Aiist" Napahawak siya sa labi niya dumudugo kasi pati dun sa may kilay niya. 

Dali-dali namang tumakbo si Kim sakanya "Anong nangyari sayo?"

"Wala lang toh dumudugo lang hahaha" 

Tinulak ni Kim si Josh "Wala lang pala eh ibig sabihin ok ka lang, Balik ka na sa Amerika" 

Biglang napilayan si Josh "Ouch array ang sakit hindi ako makatayo, aahh ang sakit"

"Dun nga tayo sa clinic"
sabi ni Kim. Nagwink sa akin si Georgina kaya napatawa ako sa kilig. 

"ANG LANSA ANG LANSA!" sigaw ko kay Kim, maasar lang. 

"Wait where's tristan?" tanong ni Georgina. 

"Ah kausap ni coach, pinapagalitan ata" sabi ni Josh. 

"Eh si Vince?" tanong ko. Nako! muntikan ko nang makalimutan. 

Ngumiti si Josh "Alam mo naman yun bigla nalang nawala" 
 

----------


Sabi ko na nga bang dito ko lang siya makikita sa gazebo. Nakahiga siya sa sahig nakatakip yung mukha niya ng towel. Lumapit ako, mukhang kakarating lang niya dito.  


"Uh, ok ka lang?"
 tanong ko. 


Ano ba yan hindi nanaman ako pinapansin, sinipa ko siya ng mahina "Uy" 

Inangat niya yung towel "Mukha ba akong kickboxing bag at sinisipa mo ako?" 

'Hindi hindi mukha ka kasing bola" biro ko. 


Umirap siya "Wag mo nga akong istorbohin" binalik niya yung towel sa mukha niya.

Lumuhod ako sa tabi niya at tinaas yung towel para tignan siya 


"Tss mukha ka nang panda oh" asar ko, 
May black eye kasi siya sa kanang mata niya. Hinila naman niya yung tuwalya. "Kukunan nga kita ng ice pack sa clinic" sabi ko. 


Tumayo na ako para umalis pero naalala ko nga pala yung shirt niya na kanina ko pa dala-dala. May shirt kasi siya nasuot eh mukha ngang maluwag eh saan kaya galing yung pampalit niya?  

"O shirt mo, Wag mo nang mamantsahin wala akong dalang breeze" WAG SA MANTSA! 


Bibitawan ko na sana yung shirt sa harap niya kaso bigla niyang hinila yung shirt ng malakas kaya napasama ako. Napatumba ako sa taas niya.

(°o°;)

Hi-hinalikan niya yung cheeks ko tsa-tsaka yung leeg ko! Mas bumilis yung tibok sa dibdib ko. Nakakainis naman si VInce lagi nalang nanggugulat. Hindi mo alam kung ano yung gagawin niya. Manyak talaga, manyak! 


Lumayo na siya tapos ngumise sa akin "Dinisinfect ko lang" Huh? tinutukoy ba niya yung hinalikan ni Thunder kanina?


Umiinit yung pisngi ko kaya tumingin ako sa malayo "Ba-bakit? May alcohol ba laway mo at may pa disinfect ka pang nalalaman?" 


Naramdaman ko na hinahawakan niya yung kamay ko at may sinuot siya na parang rubber band. Huh? Nagulat naman ako dito, ito yung itim na rubber band na bigay niya sa akin kanina. Akala ko nawawala, paano toh napunta sakanya? 

"Wag mong iwawala, sa susunod ikakaladkad na talaga kita" banta niya tsaka humiga na ulit siya sa sahig. 

SInipa niya ako ng mahina "Tch, umalis ka na nga"

 "Madaya ka!" Pinalo ko yung tiyan niya. Sumakit pa nga kamay ko ang tigas ng tiyan niya parang bato.

Bumangon siya "Uy ano ba!" kinamot niya yung ulo niya halatang naiinis na sa akin. 


Hinug ko siya ng saglit lang bago pa niya ako matulak palayo. Nakakainis talaga itong lalaking ito, nag-aalala pa naman ako nakipag-away pa. Nakakainis talaga. Tumakbo ako sa labas ng gazebo at humarap ulit sakaniya at linabas yung dila ko. Nakita ko yung expression niya sa mukha nagulat siya.

"Wag ka ngang pagangster gangster diyan sa susunod sipa na ang makukuha mo, pinapalipas ko lang ngayon WAHAHAHA" Tumalikod na ako at tumakbo ulit. 

------------



Pina-uwi na kaming mga students ng maaga baka daw may mangyari pa ulit, itutuloy nalang ang intrams sa susunod na araw. Hindi na ako sumabay kay Vince pa-uwi baka ang awkward kaya nagpakuha nalang ako kay manong pa-uwi. Dumiretso na ako sa kwarto ko sabi kasi ni manang may bisita si papa nakakahiya naman itsura ko mukha akong basang sisiw sa pawis. Tsaka simula nung nawawala si kuya marami nang pumupunta na tao sa bahay usually mga police o detectives para ireport kung ano ang nalaman na nila tungkol kay kuya. 


Nag-wash na ako tapos nagsuot lang ng shorts ko nung bata pa ako tsaka sando, kasya pa eh why not? Tinamad na ako sa bahay lang naman ako. Nang mag-aaral na ako [Walanjo, nagbibiro lang ako. Intrams naman eh] Bubuksan ko na dapat yung TV pero biglang kumatok si manang.


[Tok Tok Tok]


"Bakit po manang?" tanong ko, medyo malakas boses ko para marinig ni manang sa likod ng pintuan.

"Maika hija, tawag ka ni papa mo sa sala" sabi ni manang.


"SIge po manang! sabihin niyo po kay papa pababa na po ako" 

Narinig ko palayo na yung yapak ni manang agad-agad naman akong nag-suot ng tsinelas para bumaba. 


Pababa na ako ng hagdan may narinig akong mga boses, si manang naman oh andito pa pala mga bisita ni papa pabalik na ako sa kwarto para magpalit ng damit pero nakilala ko yung boses nung tumatawa na kausap ni papa.
 

Sumilip ako sa baba "Thunder?" Napalakas ata boses ko kasi tumingin sila sa akin. Si Thunder nga yun. May gas-gas pa nga siya sa pisngi niya, buti nga eh ginawa mo ngang panda si Vince eh. Ngumiti siya at tinignan ako mula sa ulo hanggang paa. 

( *゚ ロ゚ ) GAAAAAH! Hindi ko alam kung anong tatakpan ko yung sando ko na halos see through o yung short ko na ang ikli-ikli. 

"WAG KA NGANG TUMINGIN! MANYAK! UMALIS KA!" Hinagis ko yung tsinelas ko sakanya nasalo naman niya. Kaaway siya ni Vince kaya kaaway ko na rin siya. Ano ba ginagawa nitong isang ito dito? Tumawa lang siya. 

Napabuntong hininga si papa "Maika, mag-usap tayo

------------

A/N: Part 2 po ito ng Intrams siguraduhin nabasa ang part 1 kung baliktad kayo magbasa ok lang walang basagan ng trip. 

Continue Reading

You'll Also Like

16.7K 328 40
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
1.7M 72.1K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.