Flares of Dawn (Jillian Fuent...

By letmebed1

3.9M 62.2K 7.5K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Sequel of FORBIDDEN FLOWER. Jillian Fuentes and Anne Del... More

Introduction and Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 36

48.1K 1K 146
By letmebed1

Jillian Fuentes

"Magandang umaga po, Nay." bati ko sa Nanay ni Anne habang nagwawalis dito sa bakuran nila. Halata ang pagkagulat sa mukha niya nong makita ako. Siguro napapaisip siya kung bakit ako naririto sa kanila. 

"Jillian, naparito ka?" 

Napangiti ako saka nagmano kay Tita.

"Gusto ko lang po sana kayong makausap ni Tito kaya po ako naparito."

"Hi-hindi mo ba kasama si Anne?" 

Parang nahihiya pang magtanong si Tita at siguro gusto rin niyang makita ang anak nila kaya niya tinatanong si Anne.

"Mag-isa ko lang po ."

Napatango-tango siya saka niya itinabi yong walis at dustpan na hawak niya. Lakas loob akong pumunta rito sa kanila para subukang kunin ang loob nila lalo na si Tito. Dahil kung maghihintay lang ako na magustuhan nila, kailan pa kaya mangyayari yon? Mas mabuti ng may ginawa ako kesa wala.

"Jillan, mas mabuti sigurong umalis ka na baka maabutan ka pa ng Tito-"

"Ate Jillian!!!!"

Hindi pa natatapos magsalita si Tita nong biglang yumakap sakin si Sheena. 

"Kumusta?" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang sobra kong namiss ang batang 'to ganon na rin ang Ate Mara niya.

"Nasaan ang Ate Anne ko?" 

Nagkatinginan kami ni Tita bago ako sumagot. 

"Nasa Manila siya. Naiwan siya dahil marami siyang ginagawa."

"Ate Jillian!!!" 

Hindi pa nakakabitaw sa akin si Sheena nong lumapit naman si Mara. Yumakap din dito sa bewang ko. Napapangiti ako dahil ramdam ko ang pagmamahal ng dalawang 'to sakin. Napatingin ako kay Tita at napansin ko rin ang munting ngiti sa labi niya. Nakakataba ng puso na ganito sila sa akin. 

"Sheena, Mara bitawan niyo muna ang Ate Jillian niyo at gawin niyo muna yong inuutos ko sa inyo."

"Nay, mamaya na. Minsan lang dumalaw si Ate Jillian." si Mara saka ako hinila papasok ng sala nila. 

"Ate Jillian, Anong sabi ni Ate Anne? Kelan siya uuwi dito?" si Sheena.

Walang nagawa si Tita dahil ayaw bumitaw sakin ng dalawa. Alam kong nag-aalala si Tita na baka dumating si Tito at magalit pag nakita ako. Pero para saan ang pagpunta ko rito kung aalis din ako agad.

"Uhh  pagkatapos siguro ng semester uuwi siya rito. Siya nga pala, may pasalubong ako sa inyong dalawa."

"Talaga Ate Jillian?"

"Saglit kukunin ko lang sa kotse."

Kinuha ko yong apat na paper bag na dala ko saka ko inabot sa dalawa. Halatang tuwang -tuwa sila, pero si Tita tahimik lang na nakatingin sa aming tatlo. 

"Kayong dalawa pumasok muna kayo sa kwarto at mag-uusap lang kami ng Ate Jillian niyo. Sige na, Mara at Sheena wag ng matigas ang ulo."

Sumunod naman ang dalawa kaya kami na lang ni Nanay ang naiwan dito sa sala. 

Napapabuntong-hininga si Tita habang panay ang tingin sa pintuan ng kusina. Tanda ko doon madalas pumasok si Tito pag dumadating galing bukid kaya siguro nag-aalala siya na maabutan ako rito.

"Jillian, itinuring na kita na parang anak at alam kong hindi mo pinapabayaan si Anne pero alam mo naman kung gaano tumututol ang Tito mo sa relasyon niyo ng anak ko."

Tahimik akong nakikinig kay Tita. Ang totoo hindi ko alam ang sasabihin. Parang bigla akong nawalan ng lakas ng loob sa narinig ko.

"Kung sa akin lang maiintindihan ko, hindi ko ipagkakait ang pagmamahalan na gusto niyo pero....pero hindi ang Tito mo. "

Huminga ako ng malalim bago magsalita. Hindi pwedeng manahimik na lang ako.

"Tita, mahal ko po ang anak niyo. Hindi niya alam na dito ako nagpunta dahil siguradong pipigilan niya ako. Alam ko po na hindi madali pero gusto ko pong subukang kausapin ulit si Tito."

"Jillian, makinig ka...ako ang higit na nakakakilala sa Tito mo. Hindi siya ganon kadaling kausapin, nalulungkot nga ako dahil buhat ng malaman niya ang relasyon niyo ang daming nagbago sa kanya. Lagi na siyang umiinom ng alak, laging mainit ang ulo at minsan hindi maka-usap."

Parang pinipiga ang puso ko sa naririnig ko.

"Mataas ang pangarap ng Tito mo para kay Anne, gusto niya itong makapagtapos ng pag-aaral ng sa gayon ay magkaroon siya ng magandang buhay at....at magkaroon din ng masayang pamilya pagdating ng araw. Iyon lagi ang naiisip ng Tito mo kaya nong malaman niya ang tungkol sa inyo unti-unti na siyang nagbago."

"I'm sorry po Tita."

Pakiramdam ko tuloy ako ang sumira sa magandang pangarap ni Tito para kay Anne. 

"Bilang Ina iniisip ko din yong mararamdaman ng anak ko, alam kong masaya siya sa'yo pero iniisip ko din yong mararamdaman ng kanyang Ama kaya napakahirap pumagitna. Sana maintindihan mo, Jillian."

"Naiintindihan ko po Tita. Pero ayoko pong sumuko, mahal na mahal ko po ang anak niyo at handa po akong gawin ang lahat tanggapin niyo lang po ako at ni Tito."

"Anong ginagawa niyan dito!" 

Pareho kaming napatayo at napalingon nong marinig namin ang isang malakas na boses na nagmula sa may pintuan.

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin hinihiwalayan ang anak ko?!"

Natahimik ako nong lumapit si Tito sa amin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko.

"Tito gusto ko lang po sana-"

"Umalis ka na! Kung inaakala mong magbabago ang isip ko na matatanggap ko ang relasyon mo sa anak ko, nagkakamali ka. Minsan kitang itinuring na parang tunay na anak pero sinira mo lang iyon! Hindi kita matatanggap, kaya kung pwede lang umalis kana at paki-usap lang. Hiwalayan mo na ang anak ko!"

"Tito...."

Magsasalita pa sana ako nong hawakan niya ako sa braso at pilit na kinaladkad palabas ng bahay nila.

"Ano ka ba. Tama na, hayaan mo lang na kausapin ka ni Jillian."

Kahit pigilan siya ni Tita desidido talaga si Tito na ipagtabuyan ako.

"Umalis ka na at wag na wag ka ng babalik pa rito! Hindi ang isang katulad mo ang kailangan ng anak ko! Tandaan mo yan!"

Wala akong nagawa, parang gusto kong maiyak dahil sa buong buhay ko hindi ko naranasang ipagtabuyan ng kahit sino.

"Jillian pagpasensyahan mo na ang Tito mo...."

"Palayasin mo Yan! Pagbalik ko ayoko ng makikita yang taong yan!"

Pareho kaming hindi nakaimik ni Tita, tinalikuran kami ni Tito. Hindi ko man lang siya nakausap. Ramdam ko ang galit niya sa akin at mukhang hindi nga niya ako matatanggap.

"Mas mabuti sigurong umalis ka na..."

Tumango-tango ako.

"Pasensya na po sa abala Tita. Sige po aalis na po ako."

Malungkot ang pakiramdam ko habang nagpapaalam kay Tita. Wala pa atang isang oras mula nong dumating ako pero ngayon paalis na ulit. Nabigo ako sa pagkakataong ito, bigo na naman.

"Jillian, mag-iingat ka sa pag-uwi mo at wag mo rin sanang pababayaan ang anak ko doon, ha? Alam mo namang mag-isa lang niya roon."

"Opo Tita makakaasa po kayo na hinding-hindi ko siya pababayaan."

Niyakap ko ng mahigpit si Tita saka tumalikod na. Buti pa siya, naiintindihan niya kami pero si Tito matigas talaga siya. 

Napapatingala ako para pigilan ang luhang namumuo sa mga mata ko. 

"Ate Jillian!!!! Ate!!"

Naglalakad na ako patungong kotse ko nong mapansin kong nakasunod sakin si Sheena at Mara. Halos patakbo pa sila habang palapit sa akin.

"Ate bakit uuwi ka na agad?" si Sheena na halatang malungkot.

"Narinig namin si Tatay kanina na sumisigaw habang nag-uusap kayo. Galit ba siya sayo Ate Jillian?"si Mara.

"Huh? Naku hindi. Uhh bumalik na kayo doon kasi uuwi na ako."

"Bakit ang bilis naman? Ate Jillian hindi pa nga tayo nakakapagkwentuhan, eh." si Sheena na ayaw bitawan ang kamay ko.

"Wala kasing kasama ang Ate niyo sa apartment kaya kailangan ko agad makabalik ng Maynila."

"Ang daya mo Ate Jillian. Kung sinama mo sana si Ate Anne eh di sana kahit bukas pa kayo uuwi." si Mara.

"Wag kayong mag-alala babalik ako dito kasama ang Ate niyo."

"Promise mo yan ha?" si Sheena.

Napangiti ako sa kanila.

"Oo, promise. Babalik ako kasama siya."

"'Yon naman pala Sheena, eh. Babalik sila wag ka ng malungkot diyan."

Sa kanilang dalawa halatang si Sheena ang sobrang nalulungkot sa pag-alis ko. Nakakatuwa talaga kahit kailan tong mga kapatid ng GF ko. Napaka-kulit pero sobrang sweet nila. Wala silang kaalam-alam sa nangyayari, pero mas okay na yon dahil pag nalaman nila baka lumayo rin ang loob nila sa akin.

"Ate Jillian pakisabi na lang kay Ate namin na pag-umuwi siya dapat kasama ka ulit, ha?"si Sheena.

"Oo sige. Sasabihin ko." nakangiti kong sagot sa kanila.

"Thank you Ate sa pasalubong. Ingat ka po sa pag-uwi."

"Okay sige. Paano maiwan ko na kayo, magpakabait kayo pareho, ha?"

"Opo." sabay nilang sagot sa akin.

Yumakap silang pareho at hinintay nila akong makasakay ng kotse bago sila umuwi ng kanilang bahay.

Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko. Malungkot dahil hindi ako kayang tanggapin ni Tito, masaya dahil ramdam ko ang pagtanggap sakin ni Tita at pinagkakatiwalaan niya ako pagdating kay Anne. Ganon rin yong mga kapatid niya na nagmamahal na rin sa akin.

Nagbyahe na ulit ako pauwi. 

Gabi na nong makarating ako ng Maynila, tinawagan ko na lang si Wendy para sabihing hindi ako uuwi ng bahay. Ayos lang naman sa kanya dahil andon pa si Pam, kailan lang nong magkaaway kaming dalawa pero hindi nagtagal nagkabati ulit kami. 

Dumiretso na ako dito sa apartment ng babe ko. Gusto ko siyang makita at makasama. Buong araw ko siyang hindi nakita kaya sobrang pagkamiss ang nararamdaman ko ngayon.

Tok 

Tok 

Tok

Napasandal ako dito sa pader habang hinihintay siyang pagbuksan ako ng pinto. Masakit yong likod ko at ganon na rin yong braso ko dahil sa layo ng byahe ko kanina. Kumatok ulit ako at di nagtagal pinagbuksan na niya ako.

"Jillian? Anong ginagawa mo rito?"

"Babe, anong klaseng tanong 'yan. Natural lang na umuwi ako dito sa bahay natin, no." sagot ko saka ko siya dinampian ng halik sa labi niya.

"Akala ko ba makikipagkita ka sa buusiness partner ng Daddy mo?"

"Oo, nakipagkita na ako kanina.Uhh babe anong ginagawa mo?"

Nagtataka ako sa ginagawa niya. Sinisingkot niya tong damit ko paglapit niya sakin.

"Inaamoy ko lang kung nambabae ka."

"Hindi naman ako nambabae babe, eh."

"Ayy! Jillian ano ba! Ibaba mo nga ako!"

Pagyakap ko sa kanya agad ko siyang binuhat.

"Kayang kaya kitang buhatin, babe."

"Ibaba mo na ako, para makapahinga ka. Halatang pagod ka."

"Okay lang ako." sabi ko sa kanya habang nakatingala at nakatingin sa kanya.

"Kumain ka na ba?"

"Mhmm? Uhh..."

Maalala ko hindi pa ako kumakain ng pananghalian. Nawala na sa isip ko ang kumain.

Ibinaba ko na siya sa sofa at saka tumabi sa kanya.

"Halatang pagod na pagod ka." sabi niya sakin habang hinahawi ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko. Nakahilig ako sa balikat niya habang tahimik na nagpapahinga.

"Ang init kasi sa labas kanina kaya siguro madali akong mapagod."

Hinayaan niya lang ako na makapahinga saglit dito sa tabi niya.

"Kanina pala, nagpunta dito sina Atasha, Yana at Frances, nagluto kami ng hapunan. Sinamahan nila ako habang wala ka."

"Talaga? May natira pa sa niluto niyo?"

"Oo, ang dami naming niluto kanina. Akala ko kasi dadaan din yong iba kaso hindi sila natuloy. Gusto mo ba ipaghain kita?"

Tumango lang ako. Tumayo naman siya at nagpunta ng kusina. Kanina pagod na pagod ang pakiramdam ko pero pag nakikita ko siya nababawasan yong pagod ko. 

"Halika na." paglapit niya sakin hinawakan niya agad yong kamay ko saka hinila patayo. 

Bigla naman akong natakam nong makita ko yong nakahain sa mesa. Adobo yong ulam, sarap pa naman niyang magluto ng adobo. Maghapon akong hindi nakaramdam ng gutom pero ngayon parang gusto kong lumamon ng lumamon.

"Jillian, okay ka lang  ba?"

"Mhmm? Mh-mm. Okay lang ako, babe." sagot ko sabay subo. Nakatingin lang siya sa akin.

"Ang tahimik mo kasi. Kumusta yong lakad mo kanina? Anong pinagusapan niyo nong business partner ng Dad mo?"

Habang ngumunguya ako nag-iisip ako ng pwede kong isagot. Hindi niya alam na sa kanila ako nagpunta at wala naman talaga akong kinausap na business partner.

"Ayos lang."

"Ayos lang? Anong klaseng sagot yan, Jillian."

"Uhh ayon, Mhmm may pinag-usapan lang kami tungkol sa negosyo na balak ipatayo ni Dad dito sa bansa."

Hindi ako tumitingin sa kanya baka magkamali ako ng sasabihin. Magaling pa namang manghuli tong babe ko. Alam niya kung nagsisinungaling ako o hindi.

"So, may kailangan kayong i-acquire na properties or anong klaseng business 'yon?"

"Mhmm? Uhh babe ikuha mo pa nga ako ng kanin nagugutom pa ako,eh."

Tinaasan niya ako ng kilay. Halatang nagdududa na naman siya. Inaabot ko sa kanya tong pinggan ko pero hindi niya kinukuha. Nakatingin lang siya sa akin.

"Dali na babe nagugutom pa ako."

"Anong klaseng business yong balak ipatayo ng Dad mo dito?"

Napalunok ako. Halatang ayaw akong tigilan sa business na yan.

"Balak niyang magpatayo ng mga condominium."

"Kelan niya balak umpisahan?"

"Uhh ewan ko ba."

"Tadyakan kaya kita! Maghapon kang nawala tapos sasabihin mong hindi mo alam?!"

Napapakamot ako dahil ayaw niya akong bigyan ng kanin! 

"Next year pero marami pang kailangang ayusin kaya hindi basta-basta makakapagpatayo."

Tumayo siya saka kinuha yong pinggan na hawak ko.

"Kapag nalaman kong nagloloko ka Jillian ikaw ang isasaing ko sa kalderong ito!"

Ang sama ng tingin niya habang nagsasandok ng kanin. Imbes na matakot ako natatawa na lang ako.

Kumain na ulit ako pagka-abot niya ng pinggan ko.

"Kumusta yong mga kaibigan ko? Hindi ka ba pinagtripan?"

"Hindi." sagot niya habang nakapangalumbaba dito sa mesa.

Hindi na siya tumitingin sa akin. Hindi ko alam kung nagtatampo ba siya o nagdududa. Tinapos ko lang ang pagkain ko saka ako nagtoothbrush.  Siya naman ay umupo na sa sofa habang nanunuod. Patingin-tingin ako sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. 

"Babe, pansinin mo naman ako. Galit ka na naman ata sa akin?"

"Hindi ako galit. Magpahinga na tayo may pasok pa tayo bukas." sabi niya sabay Off ng TV.

Pagtayo niya tumayo na rin ako. Sinundan ko siya sa kwarto, tahimik siyang humiga. Pinapakiramdaman ko lang siya dahil pag mainit ang ulo niya hindi ko dapat siya kinukulit dahil baka masapok lang niya ako. Humiga na rin ako sa tabi niya, tahimik lang din ako habang inaalala yong nangyari sa pag punta ko sa probinsya nila. Kung hindi lang ako nilapitan nong dalawang kapatid ni Anne baka napaiyak na ako ng tuluyan. Ayaw sa akin ng Tatay niya, iyon ang masakit sa akin at 'yong ipagtabuyan ako. Ibang iba na siya. Dati tanggap na tanggap ako nong unang punta namin sa kanila pero ngayon ayaw na akong makita.

Hindi ko mapigil na mapaluha kaya tumagilid ako. Nakatalikod ako sa babe ko habang tumutulo yong luha ko sa unan. Pinipilit kong huwag ipahalata sa kanya ang pag-iyak ko. Nagiging marupok din talaga ako pag naalala ko yong sinabi ni Tito sa akin. 

"Jillian..?"

Hindi ako sumagot  agad sa kanya dahil siguradong mahahalata niya ako.

"Jillian?'

"Mhmm?" 

Nakatalikod pa rin ako sa kanya.

"Okay ka lang?"

"Oo, babe okay lang ako." mabilis kong pinahid yong luha ko saka humarap sa kanya.

"Umiiyak ka ba?"

"Hindi babe, sinisipon lang ako." 

Napansin ko ang pagdikit niya sakin saka niya hinawakan ang pisngi ko. Lalo tuloy akong napaluha sa ginawa niyang pagyakap sa akin.

"Jillian.. umiiyak ka,eh. May problema ba? Sorry kung nasungitan kita kanina. Maghapon ka kasing nawala, namimiss lang kita kaya ako nagsusungit." 

Pinahid niya ang luha ko saka siya humalik sa pisngi ko. Napangiti tuloy ako dahil siya na itong naglalambing ngayon. 

"Wag mo na akong susungitan babe. Nasasaktan ako."

Hindi siya umimik pero sumiksik siya sa katawan ko. Hindi naman siya nagtanong pa kung bakit ako umiyak, iniisip siguro niya na dahil sa pagsusungit niya sa akin kanina kaya ako nagkakaganito. Kung alam lang niya ang dahilan pero ayokong mag-alala pa siya. 

_____________________________________________
Thanks for reading.

Continue Reading

You'll Also Like

116K 2.1K 198
Paano ba kung mafall ka sa kapwa mo babae? Paano nalang kung sa hindi inaasahan sa straight na babae ka nahulog? Paano kung ayaw nang mga magulang mo...
283K 7.9K 46
[COMPLETED] Series III I Feel the raindrops dripping on my skin while standing in front of my Daddy's tomb. I'm Hope Kristen Ramirez, daughter of the...
154K 6.9K 48
This is the story of Lawa and Freya. (Pleae unahin nyo muna story ni Zeph (Zephyr)) Deleted it but re-upload it for the sake ng mga nag aabang at na...
244K 8.6K 55
[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story 🔞 Amber Paige a.k.a Agent Reign the cold hearted "Team Leader". Admired for her beauty and comman...