Hearts Never Lie (Party of De...

By dwayneizzobellePHR

245K 6.1K 446

"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I... More

Best Friends
The Party
Last Dance
Kiss of Destiny
Chick Boy
The Target
Pictorial
The Show
Dessert
Backseat
Sleepover
Baby Ahrkhei
Big Boy
Resthouse
The Visitor
The Choice
Closure
Confrontations
Mission Failed
Feud
Realization
Last Shot
Car Key
Intruder
Landscape
The Bride

Photos

8.1K 199 5
By dwayneizzobellePHR

Chapter Twelve

UMAGA na nang magising si Deejay. After the most incredible night of her life, she was alone when she woke up. After a night in the arms of a very skilled lover, she was left alone, with nothing but memories.

She stupidly offered herself to Ahrkhei. The way she begged him to sleep with her made her face burning hot with shame. She wasn’t drunk.  She was just tipsy. Malinaw sa isip niya ang lahat ng nangyari.

  She let herself become lost in him, in ways she hadn’t allowed before. The need, the hunger, the feeling of connection, of a bond. There had been no way to deny the cravings.

  His arms surrounded her. His hands caressed her body as he whispered something to her ear. But she couldn’t process it. She didn’t want to process it. She simply wanted to feel. She just wanted to be a part of him. To simply be a man and a woman, with no past, no future, only the present.

  Ahrkhei slept with her. He had granted her wish. One night… She knew that moment would never return, and she was so desperate to hold on to it, to hold on to him. But she fell asleep. Then he deserted her.

   Ngayon ay nakaganti na ito sa panloloko niya dito. Ang masaklap, hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.

Bumangon siya at ibinabad ang sarili sa loob ng bath tub. Iniluha niya ang sinapit sa kaisa-isang lalaki na minahal niya nang lubusan. Tumunog ang cellphone niya. Tumakbo siya para sagutin iyon, but she was disappointed to find out na iba ang caller niya.

“Gelo?”

“Salamat naman at nagising ka na. Kagabi pa ako dumating. Hindi na kita ginising dahil mukhang mahimbing na ang tulog mo.”

Shit! Galing si Gelo dito kagabi. Ibig sabihin, kagabi pa siya iniwan ni Ahrkhei. Ibig sabihin, nakita ni Gelo ang mga damit niya na nagkalat sa sahig. Did he saw the stain, too? Nag-init ulit ang mukha niya.  

“Lipat ka dito. Kasama ko si Julie.” Ang tinutukoy nito ay ang Filipina-Chinese girlfriend nito na nakilala nito sa Singapore.

Nang magkaharap sila ni Gelo ay ibinalita agad niya dito ang tungkol kina Cherry at Karlo. “Malaya na siya, Gelo.”

“But I’m with Julie now.”

“I thought you love Cherry?”

“I did, you know that.  But I’ve never felt so happy and secure like this before. I’m in love with Julie now.”

Tinitigan niya nang diretso si Gelo. She saw that sparkle in his eyes. “Buwiset! Kung alam ko lang na ganoon kadali mo lang makakalimutan si Cherry? Hindi na sana ako pumayag sa mission na ipinagawa mo sa akin. Ipinahamak mo lang ako, letse ka!” Binatukan niya ito nang malakas.

“Hey, everything happens for a reason. Nakilala mo si Ahrkhei, at nakilala ko si Julie.”

“Yeah! I’ve got a broken heart that will remain unfixed forever, and you found a new love. That’s amazing!”

“Don’t regret anything that made you happy, even for a short while only. He had been a part of you, Deejay. He taught you how to love.”

“And he gave me a terrible heartache. Twice.”

“You’ll get by.” Inakbayan siya ni Gelo.

Later that afternoon ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Matilda na kasalukuyang nasa honeymoon trip nito. Pinakikiusapan siya nito na pansamantalang mag-relieve sa isang staff nito na nagkaroon din ng dengue, hanggang sa makabalik ito mula sa tour. Hindi niya napahindian ang babae, lalo pa’t nasa boses nito ang matinding kaligayahan. She was happy for her. She was happy for everyone who had found their true love, even if she lost hers.

Kinabukasan din ay nagreport na siya sa ospital. Totoo nga ang sinabi ni Matilda, toxic season ngayon. Walang tigil ang dating ng mga lab requests dahil full house ang hospital, at sunod-sunod din ang dating ng mga out patients.

Nagpunta siya sa counter para i-entertain ang pasyente na pumindot ng buzzer. Nagulat pa siya nang makita si Monica. What was this woman doing here? Ipamumukha ba nito sa kanya kung gaano siya nagpakagaga?

“Hi! Tita Matilda told me na pumayag kang maging reliever. That’s so nice of you.”

“May kailangan ka?” Malamig na tanong niya dito. Ang babaeng ito ang kaagaw niya kay Ahrkhei ngayon. No, she stood corrected. There was no contest. This woman definitely owned Ahrkhei.

  Siguro ay na-sense nito ang bigat ng loob niya dito. Napawi ang matamis na ngiti nito sa mga labi.

Good. Do not give me that freaking sweet smile, ‘cause no matter how nice you are, I can’t like you. Sorry!

“Ahm, may kukunin lang sana ako sa drawer ng Tita, if it’s okay na pumasok ako diyan.”

“Sure. Come on in.” Pinagbuksan niya ito ng pinto. Pagpasok ni Matilda sa loob ay doon naman lumitaw si Ahrkhei sa harap ng counter.

  Halatang nabigla ang lalaki nang makita silang dalawa ni Monica na magkaharap. Napahawak ito sa batok at alanganin siyang tinanguan. Tapos ay tumingin na ito kay Monica.

Sumenyas ang babae na hintayin ito ni Ahrkhei sa labas.

Tinalikuran na niya ang mga ito. Binalikan niya ang ginagawang report sa loob. Maya-maya ay sumilip si Monica sa kinaroroonan niya.

  “Gusto sana kitang yayain na mag-lunch, pero mukhang busy kayo.”

  “Sobra.” May alam ba ang babaeng ito sa history nila ni Ahrkhei kaya nananadya ito ngayon? She was obviously marking her territory. Well, you can both get lost.

  “Okay. Next time na lang. Thank you.”

  Nang mawala ito ay doon pa lang unti-unting natunaw ang tension sa katawan niya.
 
  I tried to steal your boyfriend. Kung alam mo lang kung paano ko siya inakit, you would definitely not say “thank you”.

  God, she had become a professional wrecker! Noon, she tried to steal “Cherry’s boyfriend”, but for good reasons. Now, she did it again, and it definitely wasn’t right! Offering herself to a man who was comitted to another woman, a woman who was being so extra nice to her, that was totally not very like her at all.

What was happening to her? Why couldn’t she stop loving Ahrkhei? Naihilamos niya ang palad sa mukha.

  💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

PAGKAGALING ni Deejay sa trabaho ay dumiretso na siya sa bahay. Ayaw niyang makaistorbo sa moments nina Gelo at Julie.

  Hindi na siya makapaghintay na matapos ang bakasyon na ito at sabay-sabay na silang babalik sa Singapore. Nagbuntonghininga siya.This was going to be another lonely, sleepless night.

  Pagbukas niya ng pinto ay binulaga siya ng mga larawan na nakadikit sa dingding. Gusto niyang isipin na si Ahrkhei ang may gawa n’on, pero tama na ang pag-iilusyon. Magkasama sina Ahrkhei at Monica maghapon. Besides, imposibleng si Ahrkhei iyon dahil mga larawan niya noong bata pa siya at nagdadalaga pa lang siya ang nakikita niya ngayon. Wala siyang natatandaan na nag-upload siya sa internet ng mga larawang iyon.

  It had to be Gelo. Silang dalawa lang ni Gelo ang may kopya ng mga iyon. Si Gelo lang din ang may susi sa bahay nila.

  “Gelo! Are you there?” Sinundan niya ang mga larawan paakyat sa hagdan. Nasira ang mukha niya nang makita ang isang larawan na hate na hate niyang makita. Grade two pa lamang siya sa picture na 'yon. Ang mahabang buhok niya ay naka-pigtail magkabila. She was so thin at negrita pa siya dahil kagagaling lang nilang magbabad sa dagat. Ang malalaking ngipin niya sa harap ay litaw na litaw dahil sa maluwag na ngiti niya. It was a stolen shot made by stupid Gelo. Ang tagal kaya nilang naghahabulan noong pilit niyang inaagaw iyon sa lalaki. Ang alam niya ay naitapon na niya iyon, but clearly, Gelo had his own copy of it. Inis na hinila niya ang picture mula sa dingding.

“Gelo! This isn’t funny! Akala mo ba’y makakabawi ka sa akin sa ganitong paraan? Seriously? Pati ang isang ito? You know how I hate this picture! You better start running!”

  Pagbukas niya ng pinto ng kuwarto niya ay nagulat siya sa mga nakita. Her blown-up pictures from Ahrkhei’s gallery were all there. Pati duplicate copies ng mga naka-frame niya sa sala. Pati ang mga pinagpilian niya noon ay nakasabog sa harap ng dresser at side table niya. Hundreds of pictures.

  Bumilis ang tibok ng puso niya. Halos mabingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Napalundag siya nang may magsalita sa likuran niya.

  🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋

 

Continue Reading

You'll Also Like

245K 6.1K 27
"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I think I've just met mine." šŸ’–šŸ’–šŸ’–šŸ’–šŸ’–šŸ’–...
8.5M 264K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...