My Lady Suitor

By Paoryl

13.9K 2.4K 772

Kapag nagmamahal hindi maiiwasang maging torpe. Takot kang aminin ang nararamdaman mo sa isang tao dahil sa m... More

Prologue
Chapter 1 - Childhood memories
Chapter 2 - Secret Garden
Chapter 3 - Try-out
Chapter 4 - Family time
Chapter 5 - Resort
Chapter 6 - My treat
Chapter 7 - Past
Chapter 8 - YOLO
Chapter 9 - Supportive Family
Chapter 10 - Pout Lord
Chapter 11 - OP
Chapter 12 - Success
Chapter 13 - Torpe Song
Chapter 14 - First kiss ♥
Chapter 15 - Badwords
Chapter 17 - Wesley's Girl
Chapter 18 - Rival

Chapter 16 - Nightshade

252 49 12
By Paoryl

I’m baaaaaaaaaaaaaaaaaack! Kaway kaway! ^_____________^ Nagkanet na uli kami, wiiiiiiii <3 Thank you sa pagsuporta guys :) Comment and vote naman kayo para malaman kong nagustuhan niyo tong update ko ^^v

 Kung sino mang gustong magpadedicate, sabihin niyo lang sakin :* Enjoy reading! Oh, and btw, please check out my other story entitled “Future Boyfriend.” Related ang mga characters dun, sa mga characters dito :) Thank you!

 --

 CAR POV

 * Yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaawn*

 

 Good morning sa inyo! ^_______________________^

 Ang aga ko pa lang nagising. 5:00 am pa lang eh. Alam niyo na ba? Malamang sinabi na sa inyo ni Dwyne -_- Pumayag ako sa panliligaw thingy. Yiieee, kinikilig nga ko eh >/////< Ayy para namang ako yung liligawan eh nuh? Hahaha.

 Ano kayang unang gagawin ko? Sabi kasi nila Dwyne, ako na raw bahalang mag-isip, susuporta na lang daw sila -_- Siguro yung usual na ginagawa na lang ng mga manliligaw :D

 Mamaya na nga pala yung laro nila laban sa rival school namin na Dark Moon Academy. Pangalan pa lang opposite na sa school namin eh. Tss. Alam niyo bang dun nag-aaral ang pinsan nila Dwyne, Adrian, at pati na rin yung pinsan ni bebs? Pinsan ko nga lang hindi eh :( Tapos magkakaklase pa yung mga pinsan nila, unlike us. Ahead daw kami ng one year sa mga pinsan nila. Nakwento lang yun sakin ni Van eh. May chance raw akong makilala yung mga pinsan nila mamaya. Yipiee ^______________^ I’m so excited!

 [AN: Kung gusto niyong makilala yung mga pinsan nila, read my story entitled “ Future Boyfriend.”]

 Gagawa na muna ko ng banner para kay Van. Hihihi. Text ko nga muna siya bago ako gumawa.

 To: My Everything <3

 Good morning Van :) God bless your day! Good luck mamaya sa game niyo ^^ Don’t worry, magchicheer ako sayo :* Iloveyou my everything <33 Wag mong kalimutang kumain ha? Wag magpa-late. Ingat ka pagpasok! Papakasalan pa kita. Hihihi :*

 Good vibes ako today ^O^ So, sisimulan ko nang gumawa ng banner. Kinuha ko na yung mga gagamitin ko. Pano ba gagawin ko? Simple lang o yung bongga? Hmm.

 *Psst may nagtext! Psst may nagtext! Beep beep*

 Ohh. Gising na rin siya? Aga niya ha.

  From: My Everything <3

 Goodmorning din Car :) God bless din. Thanks! :) Tapos na kong kumain, kain ka na. Ingat ka rin :) haha. Aga mo nagising ngayon ah? Anong meron?

 Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaah! >///< Gosh. Kilig much. Ayiieeee ayiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeee <3

 To: My Everything <3

 Uhmm, wala naman. :) See you later.

 Wala na kong masabi ih ^////^ hihi.  Masimulan na nga tong banner. Hmm.

 

 *Psst may nagtext! Psst may nagtext! Beep beep*

 From: My Everything <3

 Take care My Lady Suitor :*            

 Pwede na ba kong himatayin? >////< Sweet niya talaga. Dapat kasi siya na nanligaw eh! -///-

 Alam niyo bang nagkagf na raw siya? Akala ko pa naman ako na magiging first girlfriend niya :3 Pero sabagay, hindi rin naman siya yung first boyfriend ko. Hahaha. Sabay daw kami mamaya ni bebs pagpasok tapos pagpupunta rin ng gym sabay kami. Syempre ichicheer niya ang boyfriend niyang captain. Sa ngayon, healthy naman siya pati yung baby niya ^^

 Boom ganda *O* Tapos ko na yung banner ko ^^ yipiiee. Nakalagay sa banner ‘ Go Jersey #20! Natividad for the win. Boom Bangis! Go Adrian ^O^’ Astig nuh? Hahaha. Tapos nagdrawing din ako ng van at car sa left corner ng banner. Kinulayan ko rin ng kulay blue yung mga letters. Favorite color niya yun eh, pati ako favorite ko rin yun ^^ Tapos nilagyan ko rin ng Iloveyou sa upper right corner ng banner. Hihihi <3 Syempre nilagyan ko na rin ng mga design sa paligid. Siguro naman magugustuhan niya to ^__________________^

 Dahil tapos na ko sa banner ko, bumaba na ko para kumain. 5:45 am pa lang naman eh. Mukhang maaga ako ngayon ah. Yey ^^ Good vibes all the way. Lalala~

 “ Good morning yaya! ^_______^”

 “ Ang aga mo ah. Saktong sakto at nakahain na yung pagkain.”

 “ Wow. Champorado *Q*”

 “ Paborito mo yan di ba? Haha. Osya kumain ka na, baka malate ka pa.”

 “ Thankyouu yaya! ^U^ May crackers ba dyan yaya?”

 “ Meron atang rebisco crackers dun sa ref. Bakit?”

 “ Ah wala yaya. Sige thanks! Kunin ko lang po ah? ^^”

 Tumayo na ko at kinuha yung crakers sa ref. Hihi. Masarap to. Alam niyo na bang gagawin ko sa crackers? Isasawsaw ko siya sa champorado. Masarap yun eh ^O^

 [AN: Pagpasensyahan niyo na almusal niya, ganyan kasi almusal ko kanina eh xD Masarap yun, try niyo :D Hahaha]

 Pagtapos kong kumain, dumiretso na ko sa kwarto ko para maligo at magbihis.

 6:30 na ko natapos. Ang aga pa ih. Mapuntahan na nga lang si bebs sa kanila. Matapos ang ilang minutong paglalakad, nandito na ko sa bahay nila. Ang tahimik. Wala ata yung parents niya kaya ganun. Pinapasok na ko ng isa sa mga maids nila. Dumiretso agad ako sa kwarto niya. Buti na lang at bihis na siya.

 “ Good morning bebs! Tara na.”

 “ Ang aga mo ngayon ah. Wait lang, kukunin ko lang yung banner na ginawa ko.” parehas pala kaming gumawa ng banner. Haha.

 “ Sige. Intayin na kita sa baba.”

 Kwentuhan lang kami ng kwentuhan habang naglalakad papunta sa school. Nabanggit din niya sakin yung tungkol sa pinsan niya na girlfriend ng pinsan ni Dwyne. Wow. Astig. Hahaha. Excited na talaga akong makilala sila.

 Pagdating namin sa school, pumunta agad kami sa classroom namin. Mamayang hapon pa yung game nila eh. Half-day lang ang klase namin ngayon ^^ Pag dating ko sa room, nakita ko agad sila Dwyne at Wesley na nag-uusap.

 “ Good morning! ^_________________^”

 “ Aba. Ganda ng gising mo Angellic ah?”

 “ Syempre! :D Good luck sa game niyo mamaya. Ipanalo niyo ha?”

 “ Oo naman. Basta pag nanalo kami, ililibre mo kami ni Dwyne, di ba pre? Hahaha.” tumango naman agad si Dwyne sa sinabi ni Wesley.

 “ Osige ba. Pero pag natalo kayo, ako ang ililibre niyo ^_____________^”

 “ DEAL!” sabay na sabi ni Wesley at Dwyne.

 Dumating na ang teacher namin at nagsimula na ang klase. Sana matapos na agad tong klase. Gusto ko nang makilala yung mga pinsan nila. Sa kalagitnaan ng klase …

 “ Ms. Reign! You have a visitor.” ha? Ako? May bisita? Sino naman kaya yun?

 Pumunta na ko sa may pinto. Wala namang tao eh. Pinagtitripan ata ako nito ni mam -_- Nagpalinga-linga ako para hanapin yung bisitang sinasabi ni Mam. Pero wala talagang tao eh. Teka, ano to? May box na nakalagay sa gilid ng pinto. Tama lang yung laki niya, hindi malaki, hindi rin maliit. Kinuha ko yung box. Bat ganun? Kinakabahan ako. >.<

 *Dugdugdugdugdugdug*

 Mamaya ko na nga lang bubuksan. Kinakabahan talaga ako eh. Pumasok na ko sa room. Maya-maya lumabas na rin yung teacher namin.

 “ Oy Angellic ano yan? Sino yung bisita mo kanina?” tanong sakin ni Dwyne.

 “ Ah eh kasi … Pag labas ko kanina, wala namang tao. Etong box lang nakita ko.”

 “ Wala bang letter kung kanino galing? Anong laman nyan?” tanong naman ni Wesley.

 “ Walang nakasulat eh. Hindi ko pa binubuksan. Kinakabahan ako eh.”

 “ Akin na nga yan. Ako magbubukas.” hinablot ni Wesley yung box at unti-unting binuksan. Nakatitig lang kaming tatlo sa box habang binubuksan niya yun.

O_____________________________________O

 ***

 VAN POV

 Good vibes ako ngayong araw dahil sa text ni Car. Grabe kinilig ako dun. Hahaha. Ang bading ko shet -_-

 Sa wakas tapos na yung klase. Laro na namin after 1 hour. Excited na ko lalo pa’t makakalaban namin yung mga pinsan namin nila Dwyne. Andito ako ngayon sa Secret Garden. Tambay muna, tapos na rin naman akong maglunch eh. Makatulog na nga muna. Hmm …

 “ Pareng Adrian!” teka, boses yun ni Wesley ah.

 “ Tol gising!”

 “ Bakit na naman? Problema niyong dalawa?”

 “ Makinig kang mabuti. Kanina, tinawag ni mam si Angellic kasi may bisita raw siya. Pag balik niya sa upuan niya, may hawak siyang box. Wala raw siyang nakitang tao sa hallway kaya hindi niya alam kung kanino nanggaling yun.”

 “ Anong laman nung box?”

 “ Yun na nga. Nagulat kami nang makita namin yung Death list ni ano … Kilala mo na yun tol.” nagbalik na siya? Kailan pa? Bakit kilala niya si Car? Paano?

 “ Sinong nakalista sa Death list niya?”

 “ Ikaw, ako, si Wesley, pati yung mga pinsan natin. Kasama rin sila … Angellic, Kate, pati yung mga girlfriend ng mga pinsan natin. Tol, nasa panganib tayong lahat.” hindi. Hindi pwede to.

 “ Nanahimik na tayo di ba? Bakit?”

 “ Hindi ko alam. Hindi namin alam.”

 Natahimik na lang kaming tatlo at nagpahinga. May game pa kami mamaya. Hindi ko alam kung makakapagconcentrate kami mamaya dahil sa nalaman namin. Nagbalik na siya.

 Anong oras na ba? Kalahating oras nalang pala simula na yung game namin. Tinatamad tuloy akong maglaro. Tss. Dito pa naman gaganapin yung first game.

 “ Hello … Andito kaming tatlo sa garden … Oo, sa likod ng school … Ah sige sige … May sasabihin din kami.” sabi ni Dwyne dun sa kausap niya sa phone niya.

 “ Sino yun tol?”

 “ Pinsan ko. Pupunta raw sila dito.”

 “ Oh ayan na pala eh.” sabi ni Wesley sabay turo dun sa tatlong lalaking papalapit samin.

 “ Kuya! Kailangan nating mag-usap.” sabi ni Russell. Pinsan ko yan.

 “ Oo nga kuya. Marami kayong dapat malaman.” sabi naman ni Kurt na pinsan ni Dwyne.

 “ Ako na magkekwento sa kanila ha?” sabi naman ni Steven na pinsan naman ni Wesley.

 “ Teka teka. Ano ba yun?”

 “ Makinig muna kayo sakin kuya. Wag muna kayong sasabat hangga’t di pa ko tapos.” sabi ni Steven kaya tumango nalang kami. “ Ganito kasi yun kuya. Bumalik na siya, matagal na. Una siyang nagparamdam kay Russell. Nung isang buwan lang yun. Yung mga tauhan niya ang bumugbog kay Russell, nadamay pa nga yung girlfriend nya nun eh kaya nakipagbreak sa kanya. Hanggang sa sinunod-sunod na nila kami at dinadamay nila yung mga girlfriend namin. Minsan nga may mga lalaking sumusunod samin tuwing gabi eh. Tapos kanina, may natanggap yung kaibigan naming si Alliah na isang box na naglalaman ng Death list niya.”

 “ Ibig sabihin, nung isang buwan pa siya nagpaparamdam sa inyo? Kanina lang siya nagparamdam samin. At tulad nung natanggap ng kaibigan niyo na box, ay ganun din ang natanggap ng kaibigan namin.” sagot ni Wesley sa sinabi ng pinsan niya.

 “ Bakit kayong mga bata ang pinupuntirya niya? Bakit dinadamay pa niya yung malalapit satin?” tanong ko sa kanila.

 “ Hindi rin namin alam. Tska kuya, kung makabata ka naman diyan! Isang taon lang naman tanda niyo samin.” sagot sakin nung pinsan ko -_-

 “ Ang gulo! Argh. Basta, mag-ingat na lang kayo at ingatan niyo rin yung malapit sa inyo. Good luck sa game.” sabi ni Dwyne tapos tumayo na siya.

 “ Good luck mga bata. Hahaha. Sure win naman kami eh.” sabi ko sa kanila. Haha.

 “ Mga gurang! HAHAHA.” sigaw nila sabay takbo kaya hinabol namin sila hanggang sa nakarating na kami sa gym.

 ***

CAR POV

 Hindi pa rin maalis sa isip ko yung laman ng box kanina. Yung Death list na kung saan ay nandun kami pati yung mga pinsan nila. Hindi ko maintindihan kung ano yun. Basta sabi nila Wesley kalimutan ko na lang daw yun. Aish. Ewan! >.<

 Kalimutan na nga muna yun. Andito na kami sa gym ^______________^ Malapit nang magsimula yung game nila. Asan na ba sila? Ayun! Mukhang hinahabol nila yung tatlong lalaki. Pinsan siguro nila yun. Ang gagwapo rin eh *O*

 “ Bebs. Puntahan ko lang yung pinsan ko ha? Papakilala ko sayo.”

 “ Ah osige bebs. Balik ka agad ha?”

 Umalis na si bebs para puntahan yung pinsan niya. Maya maya, lumapit na sakin si bebs na may kasamang tatlong babae. Ang gaganda nilang lahat :)

 “ Bebs! Eto yung pinsan ko si Chloe.” turo niya dun sa isang babae.

 “ Hi ate ^_____________^”

 “ Hello din ^_____________^”

 “ Eto naman si Alliah. Bestfriend niya at girlfriend ng pinsan ni Adrian.”

 “ Ohh talaga? Hello! Ako yung future girlfriend ni Adrian. Hahaha ^________________^V”

 “ Haha. Ang kulit mo ate. Paniguradong gusto ka rin nun. Ang ganda ganda mo eh.” puri sakin ni Alliah. Hihi.

 “ Wow salamat. Ikaw din ang ganda ganda mo. Hahaha.”

 “ Oops! Tama na yang lokohan niyo. Haha. Eto si Bianca, girlfriend ng pinsan ni Wesley.”

 “ Hello ate! :)”

 “ Hii. Ang gaganda niyong lahat *O*”

 “ Ikaw din po hahaha.” sabay na sabi nilang tatlo.

 “ Biased na kayo ha. Magsi-upo na nga kayo.” reklamo ni bebs. Hahaha.

 “ Maganda ka rin naman eh. Hahaha.” sabay sabay naming sabi. Tampuhin talaga pag buntis eh :3

 Umupo na kami dahil malapit nang magsimula yung game. Nilabas na ni bebs yung banner niya at nagsimulang magsisigaw. Tuwang tuwa naman si Dwyne sa ginawa ni bebs eh. Hahaha. Nagthumbs up pa siya kay bebs tapos nagflying kiss. Ayiieee ang sweet. Pati sila Alliah may banner ding ginawa para sa mga boyfriend nila. At tulad, ng ginawa ni Dwyne, ganun din yung ginawa ng mga boyfriend nila. Ang gagwapo nila *O* Basketball game ba ‘to o Fashion show wearing their sports wear? Hahaha.

 Papahuli pa ba ko? Syempre nilabas ko na rin ang banner ko sabay sigaw, “ Go Adrian! Ikaw ang MVP ng buhay ko! Woooooooooh!” nagtawanan sila bebs at yung iba naman ay kinilig. Shems. Hahaha. Yung iba naman nagbubulungan kung kami na raw ba o ano.

 Hindi ginaya ni Adrian yung ginawa nila Dwyne. Kinikilig ako shems! >///< Nilapitan niya ko tapos niyakap. “ Thank you Car. Ang ganda ng banner na ginawa mo.” bulong niya sakin habang nakayakap pa rin.

 “ Wala yun. Thank you rin. Good luck! Ipanalo niyo ha?” humiwalay na siya sa pagkakayakap.

 “ Oo naman. Sige salamat Car! Akin na lang yang banner pagtapos ng game namin ha?”

 “ Oo ba. Sige na pumunta ka na dun.”

 Nagwave siya sakin at pumunta na siya sa court. Nagwawarm up na kasi sila. Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula na ang game nila. First five sila Wesley, Adrian, Dwyne, Paolo, at Christo Rey. Sa kabilang team naman, kasali rin sa first five yung mga pinsan nila Adrian at tulad daw ni Dwyne, captain din ng basketball team nila ang pinsan niya. Cool.

 Lumabas muna ko sa gym para bumili ng tubig. Malamang uuhawin yun si Van pag tapos ng game nila. Dumaan muna ko sa locker ko para kunin yung pera ko. Teka, ano to? May papel na nakalagay sa loob ng locker ko, panigurado nilusot lang to dito. Binuklat ko yung papel. O.O

 Good luck. Ingat kayo! Malapit nang maubos ang kandila niyo. Isa-isa kayong mawawala sa mundong ito, pwede rin namang sabay-sabay. HAHAHA.

 - Nightshade.

 What the?! Hindi ko maintindihan. Ano bang nangyayare? Nightshade? Waaaaaaaaaaaaaaaah ang gulo T^T Mahal ko pa buhay ko. Siya siguro nagpadala nung Death List. Pero, bakit? Sino siya? Mabait naman ako ah. Wala akong natatandaang kinalaban ko. Argh! Bwisit -_- Kung nantitrip lang to, hindi magandang biro to ah. Natatakot na ko.

 “ Hoy!”

 “ Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Mommyyyyyyy >O<” gusto ko pang mabuhay. Takbooooooooooo!

 “ Hoy teka!” ayoko pang mamatay T^T Hala! Nahabol niya agad ako T_____________T

 “ Hoy. Dumilat ka nga. Bakit takot na takot ka?” boses yun ni Van ah? Dumilat ako. Siya nga! Si Van nga. Waaaaaaaaaaaaaah. \(T^T)/ payakap!

 “ Vaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan! T^T”

 “ Ano bang problema mo Car ha? Bakit bigla kang tumakbo at takot na takot ka?”

 “ Ehh kasi … May sulat sa locker ko. Basahin mo oh!” kumalas na ko sa pagkakayakap tapos binigay ko sa kanya yung sulat. Halata namang nagulat siya sa nabasa niya.

 “ Nightshade?! Di maganda to.”

 “ Bakit? Kilala mo ba yan?”

 “ Ha? Ah eh. Hindi nga eh. Kalimutan mo na yun. Tara na sa gym.”

 “ Bakit ka nga pala nandito? Tapos na ba yung game niyo?”

 “ Hindi pa. Hinanap kasi kita. Sabi nila Catherine umalis ka raw eh.” how sweet ^//^

  “ Tara na nga.”

 Pumunta na kami sa gym. Sakto namang nag time-out kaya dumiretso na agad si Van sa team nila. 4th quarter na pala. Ang bilis naman. Ayos lamang ng sampung puntos yung team namin ^O^ Back to the ball game na sila. Hawak ni Wesley yung bola, pinsan ata niya yung naharang sa kanya. Parehas ng surname eh. Pinasa ni Wesley kay Dwyne, yung pinsan din niya yung naharang sa kanya. Grabe pinsan sa pinsan pala to. Hindi makakuha ng tamang pwesto si Dwyne. Masyadong malikot yung pinsan niya. Pinasa na lang niya kay Adrian na nasa ilalim ng ring. Wala siyang bantay kaya nakapag-lay up agad siya.

 “ Woooooooooooh! Ang galing mo Jersey #20!” sigaw ko habang napalakpak pa. Hahaha. Grabe nangingibabaw ang boses ko.

 Nginitian ako ni Adrian at kinindatan ^///^ Ayiieee. Ayieee <3 Sila Wesley at Dwyne naman, nagthumbs-up sakin at nginitian din ako. Nagpatuloy lang ang pagshoot nila Dwyne at hindi na nakapuntos yung kalaban. Grabe, ang galing pala nilang maglaro. Ayun natapos na rin ang game. Score: 69 – 40, in favor to Bright Star Academy ^O^

  Naglabasan na yung mga estudyante. Tuwang tuwa sila sa pagkapanalo ng team namin. Yung iba nagpustahan pa. Lumapit na samin yung mga lalaki.

 “ Oy Angellic. Paano ba yan? Nanalo kami. Libre namin ah. ;)” bungad sakin ni Dwyne.

 “ Oo na mamaya. Pakilala niyo kaya muna sakin yung mga pinsan niyo.”

 “ Oo nga pala. Eto si Russell, pinsan ni Adrian. Ayun naman si Kurt, pinsan ko. At ayan si Steven, pinsan ni Wesley.” ngumiti naman sakin yung tatlong gwapong lalaki. *O* Nginitian ko naman sila.

 “ Hello boys! Nice meeting you. Ako si Angellic, manliligaw ni Adrian ^_____________^”

O________________________O <-- Reaksyon nilang tatlo, pati sila Alliah.

 Natawa naman kami sa reaksyon nila. Hahaha.

 “ Seriously ate? Ikaw nanliligaw kay kuya?” hindi makapaniwalang tanong ni Russell na pinsan ni Van.

 “ Oo bakit? Hahaha.”

 “ Wala naman.”

Nagkayayaan kaming magcelebrate sa pagkapanalo nila kaya pumunta kami sa bahay nila Dwyne. Ang laki talaga ng bahay nila. Expected na siguro yung pagkapanalo nila kasi andaming pagkaing nakahanda.Wow *O* May carbonara *Q*

 “ Guys. Kainan na!” sabi samin ni Dwyne kaya nagkuhanan na kami ng pagkain namin.

 Dito kami banda sa pool nakain. Ang sarap ng mga pagkain. Nakakatatlong balik na ko dun sa mesa para kumuha ng pagkain. Hahaha. Ang sarap, lalo na yung carbonara *Q* Creamylicious <3

 Matapos ang kainan, nagkwentuhan muna kami bago umuwi. Gabi na rin kasi eh. May pasok pa bukas. Ang saya ng araw na to. Pero, nakakatakot din.

 Nang makauwi na ko samin, dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nahiga. Kinuha na rin kanina ni Van yung banner na ginawa ko :) Makatulog na nga.

 Sino ka ba talaga NightShade?

--

Continue Reading