Ang Bayang Naglaho

By GYJones

105K 6.5K 365

Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Pr... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Si Andy Madrid, Isang Private Investigator
Chapter 2: Maverick P.I.
Chapter 3: Ang Kaso ng Mga Nawawalang Tao
Chapter 4: Bisita sa Dilim
Chapter 5: Ang Tinyente at ang Psychic
Chapter 6: Callejon
Chapter 7: Simula Ng Pagsaliksik
Chapter 8: Ang Simbahan
Chapter 9: Ang Simenteryo
Chapter 10: Mga Bolang Ilaw sa Gabi
Chapter 11: Kabaong ng mga Muling Nabuhay
Chapter 12: Silang mga Espiritu sa Simbahan
Chapter 13: Alien Blood
Chapter 14: Mga Ala-ala ni Andy
Chapter 15: Press Release
Chapter 16: Ilang Mga Pamamaalam
Chapter 17: Ang Mga Aliens
Chapter 19: Kuha Mula sa Camera
Chapter 20: To Arms!
Chapter 21: Battle Stations!
Chapter 22: Bala at Ilaw
Chapter 23: Mga Asong Ligaw
Chapter 24: Aftermath
Chapter 25: Finale
Chapter 26: Epilogue

Chapter 18: Close Encounters

2.9K 215 8
By GYJones

(I)

Sa checkpoint, sa daan papasok ng bayan ng Callejon naka-poste si Private Torres kasama ang dalawa pang mga sundalo. Hawak ni Torres ang walkie-talkie at nakatingala siya, namamangha sa nakikita. Ganoon din ang dalawang mga sundalo na mga nakanganga sa kanyang likuran, hawak kanilang mga baril na hindi nila alam kung ipuputok ba iyon o hindi.

Sa labas ng checkpoint, ay naroon pa rin ang grupo ng media na paalis na sana nang may matanaw sila na paparating. Ang babaeng reporter ng Manila Insider na si Roberta Fuentes, kanyang photographer at driver ng van ay mga nakanganga rin sa kasalukuyang nasasaksihan.

Sa madilim na kalangitan ay may tatlong mga bolang ilaw—mga UFOs, mga flying saucers ang sumisid paibaba hanggang sa sila'y mga 50 feet lamang mula sa lupa at hilerang binaybay ang kalsada, sa ibabaw lamang ng mga puno. Nang malapit na sila'y nagsipagpatay ang ilaw ng mga poste. Ang umaandar na makina ng newsvan ay namatay din bigla, ganoon din ang kanilang mga cellphones, ang videocamera ng cameraman, at ang walkie-talkie ni Private Torres.

Dala rin ng pangkat ng UFOs ang malakas na bugso ng hangin na nagpawagayway sa mga kable ng kuryente at sanga ng mga puno. Nabalot sila Torres ng kulay asul na liwanag at nang makalampas ang mga UFOs sa checkpoint ay saka pa lamang nagsipagbalikan ang kuryente't ilaw, at power ng mga kagamitan nila.

Palayo na ang mga UFOs at kita ni Torres kung saan sila patungo. Agad niyang binuksan ang kanyang walkie-talkie.

"Torres?" rinig niyang boses sa reciever.

"Diazon! Papunta sa inyo!" sigaw ni Torres.

"S—sinong papunta?" ang gulat na sabi ni Diazon.

"Mga UFOs!"

"UFO's? Papunta dito? Ilan?"

"Tatlo!" sigaw ni Torres sa walkie-talkie. "At matutulin sila!"

Naging chappy ang sumunod na sagot ni Diazon.

"Diazon! Come in, over," sigaw ni Torres. Akala ng private na nasira na naman ang walkie-talkie niya bago nila natanto na ang signal ni Diazon ang may problema.

"Malapit na sa kanila!" sabi ng babaeng reporter.

Nagulat sina Torres at dalawang mga sundalo na makitang nakatawid na ng checkpoint ang mga media. Ang cameraman ay kumukuha pa ng video bagama't nakalayo na ang mga UFOs. Agad silang pinalabas ng ng mga sundalo. Ang babaeng reporter ay agad na kinuhang kanyang cellphone at may tinawagan.

"Confirmed!" sabi ng babaeng reporter sa cellphone. "May mga UFO sa Callejon!"

Sa dating bahay ni Andy, agad na napatayo sina Andy, Jang-Mi, Laxamana at Esguerra mula sa mga upuan nang ibalita sa kanila ni Diazon ang sinabi ni Torres sa walkie-talkie. Apat na mga flying saucers ang papunta sa kinalulugaran nila. Nagsitinginan sila sa direksyon kung saan alam nilang manggagaling ang mga ito. Tanaw nila ang malawak at madilim na bukirin sa malayo na unti-unting nagliliwanag.

"Hayun!" turo ni Esguerra.

Lumitaw mula sa ibabaw ng mga puno ang mga bolang ilaw.

"The UFOs!" sigaw ni Jang-Mi.

Ngayon lang sila nakakita ng mga aktuwal na UFO in the naked eye at saglit silang napako sa kanilang kinatatayuan sa pagkamangha, bago natanto na nasa malaki silang peligro.

"Sa sasakyan dali! Go! GO!" sigaw ni Colonel Laxamana.

Nagsisakayan sila sa Revo, si Diazon sa manibela, si Esguearra sa kanyang tabi. Sa pinakalikuran sina Andy at Jang-Mi habang si Laxamana sa gitna. Mabilis nilang nilisan ang dating bahay ni Andy. Sa likuran, tanaw nila ang mga UFO na pasunod sa kanila.

(II)

"GO! GOOOO! Malapit na sila!"

Pasado alas-dos ng madaling araw. Humaharurot ang Revo sa madilim at malubak na daan sa kalagitnaan ng malawak na bukirin.

"Paspas, Diazon!" sigaw ni Lieutenant Esguerra sa nagmamanehong corporal.

Pero sagad na ang apak ni Diazon sa silinyador. Siyento na ang takbo nila at bumibilis pa. Kung highway lang ito na patag ang daan ay walang problema. Pero kung ganitong mabato at malubak ay alam din ni Diazon na nariyan ang panganib na sila'y ma-aksidente. Panay na nga ang talbog ng sasakyan, at ilang beses na kamuntikan na mahuhulog ang kanyang salamin sa mata.

Sa loob ng Revo, panay ang lingon sa bintana ng ibang mga lulan nito na sina Colonel Laxamana, Andy, at Jang-Mi.

"Tumawag ka ng backup!" sigaw ni Laxamana kay Esguerra. Agad na dinampot ng tinyente ang walkie-talkie na nasa taas ng dashboard para kontakin ang kanilang headquarters.

"They are getting near!" sigaw ni Jang-Mi.

"Wala na bang ibibilis ito?!" sigaw ni Andy.

"N-nasa fifth gear na, sir!" sabi ni Diazon.

"GODDAMIT, SOLDIER! FASTER!" sigaw ni Laxamana.

Kung gaano ka-taimtim ang ginanap nilang séance sa dating bahay ni Andy kung saan tila huminto pa nga ang oras, ay tila napakabilis naman ng mga sumunod na mga pangyayari. Nagawa nilang makontak ang kaluluwa ng ama ni Andy at mula sa kanya ay nalaman nila ang mahalagang mga bagay—na ang race na kinabibilangan ng ama ni Andy ay may malubhang karamdaman—isang epidemic kung saan hindi na sila nakakapagparami at nanganganib na maging extinct. Nagtungo sila sa planetang Earth para ang kanilang mga lalaki ay makapangasawa sa mga babae rito at magbunga ng mga anak. Sa labing-pitong ipinanganak, si Andy lamang ang nabuhay—at ngayon siya ang pakay ng mga aliens.

Sumilip sa side mirror si Diazon, at nakita na malapit na ang mga tumutugis na mga UFOs. Tatlong mga flying saucers. Lalo pa silang nagpanic nang bigla, mula sa mga UFOs ay may ilaw ang tumama sa kanila. Parang spotlight.

Binunot nina Laxamana at Esguerra ang kanilang mga baril, dumungaw sila sa bintana at pinaputukan ang mga UFOs. Umalingawngaw ang tunog ng baril sa kadiliman ng gabi. Si Jang-Mi ay napatakip ng tenga. Naubos ang magasin ng dalawang opisyal, nguni't ang mga bala nila'y tila walang epekto. Reload! Sigw ni Laxamana. Huhugutin na rin sana ni Andy ang kanyang kalibre .38 mula sa loob ng kanyang jacket nang marinig nila ang malakas na ugong mula sa mga UFOs.

At bigla, basta na lamang namatay ang makina ng kanilang sasakyan.

"Anong nangyayari?!" sigaw ni Laxamana.

Sa harap, nagtatakang nakatingin sina Diazon at Esguerra sa dashboard—nawala ang mga ilaw nito, ganoon din ang headlights.

"Nawalan tayo ng power!" lingon ni Esguerra sa mga kasamahan.

Sa kasuwertihan nila, ay tuloy-tuloy pa rin ang andar ng SUV pagka't pababa ang kalsada at tinutulak sila ng momentum.

Sa may kalayuan, natanaw nila ang gubat ng mga puno ng niyog—ang pa-zigzag na dinaanan nila papunta sa bahay ni Andy.

"Sir!" turo ni Diazon.

"Malapit na tayo sa niyugan! Magiging ligtas tayo doon!" sigaw ni Esguerra.

Pero, sa kamalasan nama'y ang kaninang pababang daan ay pumapatag na, at dahil doon, nagsimulang bumagal ang sasakyan. Maya-maya'y nakaramdam sila na para bang umaangat ang Revo.

"Hinahatak tayo ng UFO!" sigaw Andy. May kung anong kakayahan ang UFO, puwersa na parang magnet ang kumapit sa sasakyan.

"SHIT!" sigaw ni Colonel Laxamana. "Maa-abduct tayo!"

"What do we do?!" takot na sabi ni Jang-Mi.

"Kailangan nating tumalon!" sabi ni Laxamana.

Napatingin si Laxamana kay Andy na tumango sa kanya. Binuksan ng colonel ang sliding door ng Revo habang lumipat sa gitnang upuan sina Andy at Jang-Mi. Hinanda na rin nina Esguerra at Diazon ang mga pintuan nila sa may harapan. Bumagsak na sa 50 kph ang takbo ng Revo at parang umaangat na ang rear wheel nito sa paghatak ng UFO.

"On the count of three!" sigaw ni Colonel Laxamana.

Napalunok si Jang-Mi pagka't natatakot siyang tumalon.

"You can do this, Jang-Mi," paghawak ni Andy sa kamay ng Koreana. Tumango si Jang-Mi.

"One!" bilang ni Colonel Laxamana. "Two!...THREE!"

Sabay na tumalon sina Andy at Jang-Mi, kasunod nina Laxamana at Esguerra. Lumagpak sila sa lupa at nagpa-gulong-gulong. Akap-akap ni Andy si Jang-Mi at naprotektahan niya ang Koreana sa impact. Tinulungang makatayo nina Laxamana at Esguerra ang dalawa.

At may napansin si Andy.

"Si Diazon?" nagtataka niyang tanong.

"Nasaan si corporal?" tanong din ni Laxamana.

Napatingin sila sa Revo na hinahatak pabalik ng UFO, at nakitang naroon pa sa loob si Diazon.

"Diazon!" sigaw ni Esguerra.

Nang kahuli-hulihang sandali ay napagpasyahan ng corporal na manatili sa loob ng sasakyan. May namuong sense of sacrifice sa kanyang loob, at sa paniniwala niyang iyon ang pinaka-logical move given the situation. Aral din ang corporal sa military tactics at biglang pumasok sa isipan niya na kailangan niyang umaksyon.

"The purpose of a diversionary tactic..." sabi ni Diazon sa sarili habang tinanggal ang kanyang seatbelt at binunot ang kanyang sidearm, "...is to divert the attention of the enemy away from something or someone of value, buying time for escape..."

Tuluyang huminto na ang Revo sa patag na kalye, sa ibabaw nito ay nakalutang ang tatlong mga UFOs mga 50 feet from the ground. Nakatutok ang ilaw ng UFO sa sasakyan. Bumaba si Corporal Diazon at hinarap ang mga UFOs. Tinutok niyang baril at nagpaputok, nguni't tulad ng kanina'y walang epekto ang mga bala.

Nabalot si Diazon sa nakasisilaw na liwanag. Walang anu-ano'y, tinangay siya ng ilaw paakyat ng isang UFO at siya'y naglaho.

"DIAZON!" sigaw ni Esguerra.

"NOOOO!" sigaw ni Jang-Mi.

Gulat ang lahat sa nasaksihan.

At bigla, umugong muli ang mga UFOs.

"Let's go!" sigaw ni Laxamana, alam niyang nasa panganib pa sila. "NOW!"

Malapit na sila sa niyugan at paspas silang nagtakbuhan tungo roon—sa gubat ng matataas na mga puno ng niyog kung saan sila kumubli. Maya-maya'y nagsilitawan ang mga ilaw—nguni't ito'y headlights ng mga sasakyang military, ng tinawag nilang back-up galing sa headquarters.

Nakalipad nang paalis ang mga UFOs.

Sa malubak na daan, naroong naiwan ang sinakyan nilang Revo.

Nguni't wala na siCorporal Diazon.



NEXT CHAPTER: "Kuha Mula sa Camera"

Continue Reading

You'll Also Like

203K 6.1K 71
Hinghest Achievement in Horror - #7 Transfer Student si Jasmin Fajardo sa Kirin Art Academy , Eskwelahan na akala niya ay Normal ngunit hindi pala...
15.3K 750 27
Walang ibang hangad si Dra. Chenimeth Bayron kung hindi ang makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga kapos-palad. Dahil dito, napagpasiyahan niyang su...
113K 4.8K 18
Every school has its own creepy tales...
6.1M 30K 6
[COMPLETED] Tagalog Vampire Story. PHYSCIAL BOOK IS NOW AVAILABLE ON SHOPEEEE. please search IMMAC or Magical Vampire Academy. Thank you to all MVA...