Ang Bayang Naglaho

By GYJones

105K 6.5K 365

Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Pr... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Si Andy Madrid, Isang Private Investigator
Chapter 2: Maverick P.I.
Chapter 3: Ang Kaso ng Mga Nawawalang Tao
Chapter 4: Bisita sa Dilim
Chapter 5: Ang Tinyente at ang Psychic
Chapter 6: Callejon
Chapter 7: Simula Ng Pagsaliksik
Chapter 8: Ang Simbahan
Chapter 9: Ang Simenteryo
Chapter 10: Mga Bolang Ilaw sa Gabi
Chapter 11: Kabaong ng mga Muling Nabuhay
Chapter 12: Silang mga Espiritu sa Simbahan
Chapter 13: Alien Blood
Chapter 14: Mga Ala-ala ni Andy
Chapter 15: Press Release
Chapter 16: Ilang Mga Pamamaalam
Chapter 18: Close Encounters
Chapter 19: Kuha Mula sa Camera
Chapter 20: To Arms!
Chapter 21: Battle Stations!
Chapter 22: Bala at Ilaw
Chapter 23: Mga Asong Ligaw
Chapter 24: Aftermath
Chapter 25: Finale
Chapter 26: Epilogue

Chapter 17: Ang Mga Aliens

2.9K 227 4
By GYJones

(I)

Madaling araw nang lisanin nila ang headquarters pabalik sa dating bahay ni Andy na nasa gitna ng malawak na palayan, may kalayuan sa bayan proper. Kasama ng P.I. sina Colonel Laxamana, Lieutenant Esguerra, Jang-Mi, at Colonel Diazon. Inilihim muna ni Andy ang tungkol sa kanyang panaginip. Itinago muna sa sarili ang sinabi ng kanyang ama na Ikaw o sila.

Si Diazon ang driver ng Revo at kanyang swinitch ang headlights sa full bright pagka't malubak ang daan at nais niyang iwasan ang matatalas na mga bato't malalim na mga hukay. Ayaw lang niyang may masabi ang kanyang mga boss sa kalidad ng kanyang pagmamaneho. Katabi niya sa passenger side si Esguerra, sa likuran, sina Laxamana, Andy, at Jang-Mi.

"So, Jang-Mi, how exactly are we going to contact Andy's father?" tanong ni Laxamana sa psychic.

"We do what we call a sitting or séance," sagot ng Koreana. "We form a circle and I will contact the spirit."

"Ah okay, so, like what we did last time in church?"

"Yes..." maingat na sagot ni Jang-Mi. "But, this time...I...I cannot be sure..."

"Ha? Why?"

"Because the spirit is also an alien."

Ayon sa psychic, ang kokontakin nila'y hindi tulad ng karaniwang mga espiritu na naengkuwentro na niya. Ngayong sigurado na sila na ang ama ni Andy ay taga ibang planeta, hindi raw alam ng Koreana kung ano ang kanilang mai-expect, since first time niyang kakausap sa isang alien spirit. Napasandal sila sa thought na ito, isang bagay na hindi nila akalain na posible. Alien spirit. Wala sa manual ng kasundaluhan ito, napag-isip-isip ni Colonel Laxamana.

"Alien spirit. Biruin mo 'yun," iling niya. "Contact sa aliens. Para lang tayong 'yung sa pelikulang Close Encounters of the Third Kind. 'Yung kay Spielberg."

"Ito ba 'yung nasa taas ng bundok sila nung kinontak nila ang aliens?" lingon ni Esguerra mula sa harapan.

"Devil's Rock sa Wyoming, sir," singit ni Corporal Diazon at inadjust ang suot niyang salamin sa mata. "Hindi siya bundok per se, kundi isang butte."

"Ha? Ano?" napatingin sa kanya si Esguerra.

"Laccolith butte, sir, parang hill na gawa sa bato, makikita kadalasan sa mga disyerto," mabilis na sabi ng corporal habang tutok sa kanyang pagmamaneho. "Na-form siya sa pamamagitan ng igneous intrusion na ayon sa mga scientists ay nangyari mga 50 Million years ago. At ayon din sa..."

"Corporal..." interrupt ni Laxamana. "Hindi na mahalaga kung paano na-form ang lintik na butte-butte na 'yan. Ang importane ay ang encounter natin sa alien, maliwanag?"

"Yes, sir!" alistong sabi ni Diazon, at ganado pang magpa-impress and sundalong nerd. "May iba't-ibang klase ng close encounters sa mga aliens..."

Napailing si Laxamana, gusto niyang sabihan ng shut-up ang corporal, pero, hinayaan na lang niyang magsalita.

"Close Encounters of the First Kind ay 'yung common na UFO sightings tulad ng mga nakitang bolang ilaw ng mga mountaineers sa Mt. Banahaw," patuloy ni Diazon. "Close Encounters of the Second Kind naman ay kung may epektong physical na nangyari. Tulad nung nawalan ng kuryente ang Callejon. Kasama na rin dito 'yung mga animal mutilations. Close Encounters of the Third Kind na tulad ng pelikula ni Spielberg, ay presence ng actual na mga alien humanoids."

Napa-hmm ang iba. Interesado rin naman pala sila.

"Is there a Fourth Kind?" tanong ni Jang-Mi.

"Yes, ma'm," mabilis na sagot ni Diazon. "Close Encounters of the Fourth Kind ay walang iba kundi alien abduction."

"Well, meron tayo no'n. Kumpleto naman tayo," ang sarcastic na sabi ni Laxamana.

"At may pang-lima pa, sir," sabi ni Diazon.

"'Di ka talaga titigil ano?" iling ni Laxamana.

"Close Encounters of the Fifth Kind, sir," sabi ni Diazon. "Ito ang direct contact with aliens. Kung mararapatin, ito ang mangyayari sa gagawin nating séance sa bahay ni Mr. Madrid."

Saglit silang natahimik at in-absorb ang thought na iyon. At hindi nagtagal, ay natanaw na nila mula sa kalayuan ang dating bahay ni Andy sa gitna ng palayan, naiilawan ng bilog na buwan at pakiramdam pa nila'y tila inaantay na sila.

Napabuntong-hininga si Andy. Dinapuan siya ng kaba na matagal na niyang hindi nararanasan. Nguni't ito'y kaba na may halong pagkasabik...

...sa pagkakataong makakausap niyang muli ang kanyang ama.

(II)

Madilim sa palayan, malamig ang simoy ng hangin. Dinig ang kaluskos ng mga dahon sa mga puno't halaman. Suot ni Andy ang kanyang leather jacket. Si Jang-Mi kanyang olive green jacket, samantalang ang mga sundalo'y mga naka-fatigue. Tulad ng mga nakaraang gabi, na tuwing sasapit ang pagitan ng alas dos at alas tres ng madaling araw, ang tinagurian nilang Window Time, ay kapansin-pansin na ang kalangitan ay napakaliwanag, at kitang-kita ang mga bituin.

"It's a good time for a séance..." sabi ni Colonel Laxamana. Pagka't sa gabing ito ay susubukan nilang makontak ang kaluluwa ng ama ni Andy. Ang alien spirit.

Sa likod bakuran kung saan nila gagawin ang séance, ay naglagay sila ng kuwadradong mesa na may apat na mga upuan. Kasama sa apat na magpe-perform ng séance ay sina Jang-Mi, Andy, Laxamana, at Esguerra. Si Corporal Diazon ay naroon bilang witness at para kumuha ng video.

"It's time," sabi ni Jang-Mi sa kanila at sila'y nagsipagpuwestuhan sa mga upuan.

Nagsindi ng apat na mga kandila ang psychic sa ibabaw ng mesa at sila'y nagsipaghawak ng mga kamay para mag-form ng circle. Wala na ang pagka-ilang ng mga lalaki at wala na ang kanilang pagdududa. Pinindot ni Diazon ang record button ng kanyang videocam at ito'y nagsimulang mag-record.

Pumikit si Jang-Mi at nag-concentrate.

"We'd like to speak to Francisco Madrid," aniya. "Your son is here. Andy is here. He wants to talk to you. Show us a sign that you hear us."

Maya-maya'y namatay ang mga kandila sa mesa. Nagkatinginan sina Andy, Laxamana at Esguerra.

"Is the person we're speaking to Francisco Madrid?" tanong ni Jang-Mi. "Your son is here. Andy wants to talk to you."

Nang walang sumagot ay inulit pang muli ni Jang-Mi ang sinabi. At nang uulitin pa niya'y bigla siyang natigilan at napadilat. Nanlaki ang mga mata ng psychic na para ba siyang kinapitan ng matinding takot.

"He's here! HE'S HERE!" sigaw ni Jang-Mi. "He's—"

Hindi natapos ng Koreana ang sasabihin pagka't tila naging estatwa siya na nakabuka pa ang bibig. Ganoon din sina Laxamana, Esguerra, at Diazon na hawak ang kanyang videocam at napako sa kanyang pose. Mga hindi gumagalaw. Hindi kumukurap.

Lahat. Maliban kay Andy.

At na-realize ng private investigator na tila huminto ang oras. Bukod sa kanyang mga kasama, maging ang mga dahon sa puno ay tumigil sa paggalaw. Ang mga bituin sa pagkurap. Animo hangin ay tumigil sa pagihip. Ang lahat ay naka-suspended animation maliban kay Andy.

Hawak ni Andy ang kamay nina Laxamana at Esguerra pero hindi niya maramdaman ang kanilang mga palad. Tumayo ang P.I. mula sa kanyang upuan at wari niya'y tila siya ay lumulutang. Nang siya'y humakbang, hindi niya nararamdaman ang kanyang inaapakan.

Ganoon na lang ang pagtataka ni Andy. Hindi siya makapaniwala. Napunta siya sa ibang dimension bagama't naroroon pa rin siya sa kinalulugaran sa likod ng kanilang bahay.

O ito ba'y ibang panahon? Tanong ni Andy sa sarili. Ibang point in time?

Napatingin si Andy sa may palayan, at sa dimension na ito'y nakitang hindi siya nag-iisa.

May lalaking nakatayo roon—at namukaan agad ni Andy ang kasuotan nito na checkered polo at maong. Ang lalaki ay ang kanyang ama. Ang huli niyang natatandaan na hitsura nito bago siya lumisan noon papunta ng Maynila. Ang huli niyang ala-ala ng kanyang ama noong buhay pa ito.

Lumapit si Andy.

"'Tay?" tawag niya.

Lumingon ang kanyang ama at muling narinig ni Andy ang pamilyar na boses na matagal na niyang hindi narinig.

"Andy...anak...."

Tumulo ang mga luha ni Andy.

(III)

Nang marinig ni Andy ang boses ng kanyang ama ay nanlambot ang kanyang mga tuhod. Siya'y naiyak.

"'Tay, ikaw ba talaga 'yan?" tanong niya.

"Oo, ako nga, anak," ngiti ng kanyang ama. "Pero, sa paraan na siguro ay mahirap paniwalaan."

Pero, handang maniwala si Andy at kanyang tinitigan ang lalim ng mga mata ng kanyang ama. Ikaw nga...ang nasa isip niya. Ikaw nga, 'Tay.

"Pero paano?" nagtatakang niyang sabi. "Sino ka talaga?"

Tumingala ang ama ni Andy sa mga bituin at may itinuro—isang cluster ng maliliwanag na mga bituin.

"Doon, anak," sabi niya. "Doon kami galing."

Namangha si Andy. "Bakit kayo nagpunta dito?" tanong niya.

"Isang malubhang karamdaman," sabi ng kanyang ama. "Isang epidemic kung saan ang mga babae namin ay hindi na magkaanak. Hindi na kami makapagparami. Hindi na kami makapag-multiply. Nanganganib na ang species namin ay maging extinct. Mabura sa kasaysayan. Kung kaya't naghanap kami ng mga planeta na may pagkakapareha sa aming genetics."

"At natagpuan n'yo kami..." sabi ni Andy.

Tumango ang ama. "Sa aming paghahanap ay nakita namin ang planetang ito. Ang planetang Earth ay may pagkakapareha sa aming planeta. Bukod sa pagiging terrestrial, at halos magsinlaki, ang araw ninyo, ang inyong sun ay kaparehas ng sa amin, at ang planeta namin ay nag-o-orbit sa sun na iyon sa paraan na nagsu-sustain ng life. Iyon ang pinakamahalaga sa lahat. Tulad ng sa planetang ito, mayroon kaming tubig. Ang atmosphere namin ay may malaking porsyento ng nitrogen at oxygen."

Taimtim na nakikinig si Andy. Ito ang pinaghandaan niyang marinig at ngayong dumadaloy na sa kanyang mga tenga ay hindi pa rin siya makapaniwala na nalalaman na niyang mga katotohanan.

"Labing-pito kaming pinadala dito," patuloy na salaysay ng kanyang ama. "Pinapunta kami para maghanap ng kapares, para makisiping sa babae ng inyong lahi. Dito sa lugar na ito kung saan tahimik at tago...itong bayan na ito ng Callejon. Dito ko nakilala ang iyong ina. Lahat kami ay nakapag-asawa, nagbunga ng mga anak, pero, lahat sila'y mga nagsimatay."

"Bakit?" tanong ni Andy.

"Bagama't may pagkakahawig sa genetics, hindi kayang dalhin sa sinapupunan ng inyong mga babae ang seed ng aming lahi. Bagay na hindi pa sapat na napagaarlan ng aming mga scientists. Wala silang sagot kung bakit."

Tumingin ng diretso ang ama ni Andy sa kanya.

"Iyon ay maliban sa nangyaring milagro."

Nanginig ang katawan ni Andy.

"Ikaw ang milagro, Andy, ikaw ang kasagutan," sabi ng kanyang ama. "Marahil ay alam mo na ang bagay na ito... "

Tumango si Andy, pero hindi niya alam ang sasabihin o iisipin. Kung siya ang kasagutan, ano ba ang mga tanong? Bakit siya? Anong meron sa kanya? Nguni't sa lahat ng mga katanungan na ngayo'y umiikot sa kanyang isipan, may isa na mas ninanais niyang malaman ang kasagutan.

"Pero, bakit mo 'ko pinaalis, 'tay?" tanong ni Andy. "Bakit mo sinabing magtago ako kung ako ang solusyon sa problema ng planeta n'yo?"

"Para protektahan ka, anak," may damdaming sagot ng kanyang ama. "Maniwala ka't sa hindi, napamahal na kayo ng ina mo sa akin. Hindi ko magawa na basta ibigay ka na lang sa kanila. Gagamitin ka nila, anak. Pag-e-experimentuhan. Mahal kita, anak. At hindi ako makakapayag na gawin nila iyon sa iyo. Kaya, sinabi ko sa kanila na namatay ka."

Natahimik si Andy. Ninanamnam ang sinabi ng ama. Iniisip kung sapat na ba iyon na kasagutan.

"Alam ba ito ni inay?" tanong niya.

"Oo, anak," sagot ng ama. "Kapuwa kami nagpasya na paalisin ka bagama't masama sa aming kalooban. Ang nais lang namin ay maging ligtas ka. At mabuhay ng normal."

Parang bumagsak ang puso ni Andy sa sinabing iyon ng ama. Naramdaman niyang muli ang pagmamahal nito. At sa isang saglit ay nakita niya ang ama niya bilang tao, si "tatay," at hindi isang nilalang mula sa kalawakan. Gayunpaman, nanaig pa rin sa isipan niya na may mas mahalaga siyang pakay. Na may katungkulan siyang dapat gampanan. Ang unang dahilan kung bakit siya nagbalik sa dating bayan.

"Ang mga taong nawawala? Ang mamamayan ng Callejon? Nasaan sila?" tanong ni Andy.

"Nakaya kong itago ang tungkol sa iyo hanggang kamatayan," sabi ng ama. "Nguni't nang mamatay ang ina mo'y sinaliksik nila ang kanyang memorya, at nalaman nilang buhay ka pa."

"Kaya nila in-abduct ang buong bayan, sa paghahanap sa akin..." pag-realize ni Andy. "Nasa dugo ko ang lunas..."

"Oo, anak..." sagot ng ama. "At nang hindi ka nila mahanap ay kinuha nila ang lahat ng mamamayan ng Callejon para pag-aralan, pati na ang mga bangkay naming labing-pito, sa pagnanais na makahanap ng kasagutan—ng lunas, para ang species namin ay makapagparami muli. Nang bumalik ka sa Callejon ay na-sense nila. Alam nilang naririto ka ngayon. At hindi sila aalis hangga't hindi ka nila..."

Biglang natigilan ang ama ni Andy sa pagsasalita. Nanlaki kanyang mga mata. May naramdaman. Napatingin ito sa kalangitan at bumaling kay Andy.

"Andito na sila. Magtago ka!" babala niya. "Huwag mong hayaang kunin ka nila, anak!"

Pagkasabi'y unti-unting nawawala ang imahen ng ama ni Andy. Nagfa-fade sa hangin.

"'Tay?"

"Magtago ka, anak!" sigaw nito kay Andy habang naglalaho sa paningin. "Magtago ka!"

Hindi alam ni Andy ang gagawin. Ayaw pa niyang mawalay sa piling ng ama.

"'TAY!" kanyang sigaw, kita ang desperasyon sa kanyang mukha.

Naglaho ang imahen ng ama ni Andy at siya'y naiwan muling nag-iisa.

"'TAAAAY!"

At sa isang iglap, nakita ni Andy na nakaupo na muli siya sa tapat ng mesa kasama nila Jang-Mi, Laxamana at Esguerra. Magkakahawak pa sila ng mga kamay.

At bigla, nabuhay muli ang paligid kung saan iyon huling huminto. Tumakbo ang oras at si Andy lamang ang nakaranas noon.

"...here!" patuloy na pagsalita ni Jang-Mi. "He's here!"

"Here? Sino?" tanong ni Laxamana.

Napatingin ang psychic sa kanila. May pagtataka sa kanyang mukha. Kanina lang ay naramdaman niya na dumating ang kaluluwa ng ama ni Andy, pero, agad ding naglaho. Nagsipag-bitaw sila ng mga kamay.

"Andy's father..." may pagkalitong sabi ni Jang-Mi. "He was here...but..."

"Where is he now, Jang-Mi?" usisa ng colonel.

"He's gone," nagtatakang usal ng psychic.

"Yes, he was here," sabi ni Andy sa kanila. "Nakausap ko siya."

Napatingin ang lahat kay Andy, nagtataka, pero, bago pa maipaliwanag ng private investigator ang naranasan ay biglang umalingawngaw ang tunog ng walkie-talkie ni Corporal Diazon. Binaba ng corporal ang videocam para sagutin iyon. Tawag mula ka Private Torres na ngayon ay naka-station sa checkpoint ng boundary ng Callejon.

"Torres?" sabi ni Diazon sa walkie-talkie.

"Diazon! Papunta sa inyo!" sigaw ni Torres.

"S—sinong papunta?" pagtataka ni Diazon.

"Mga UFOs!"


NEXT CHAPTER: "Close Encounters"

Continue Reading

You'll Also Like

270K 5.1K 23
Creepy tales from the underworld. Paalala: H'wag ninyong babasahin nang nag-iisa.
110K 5.6K 29
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sulliva...
30.7K 2.5K 29
Matapos ma-aksidente ng simpleng mangingisda na si Manuel, nakumbinse siya sa sarili na siya ang second coming ni Jesus Christ. At siya'y naghanap ng...
5.7M 12.5K 5
Hindi kami santo.... Pero wala kaming sinasanto -- S.A.I.N.T.S. If they are trained to kill! Can they be also trained to love?