My Man in the Mirror (✔)

By xarisagape

1.4K 109 13

Isang hopeless romantic ang drama ni Sydney sa edad na bente siyete. No boyfriend since birth kasi siya at pr... More

My Man In The Mirror
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Epilogue
AUTHOR'S NOTE
Author's Note v.2
SPECIAL CHAPTER
TEASER
OPEN LETTER
My Man in the Mirror
HELLO 2020 #QuaranThink

Chapter 5

72 8 0
By xarisagape

HALOS buong araw niyang inobserbahan si Luke. Hindi man niya gustuhin na isipin o intindihin pa ang presensiya ng binata ay hindi niya magawa. Kanina pa kapansin-pansin ang pananahimik nito mula nang matapos silang kumain ng tanghalian kanina. Nandoon na nasa loob lamang ito ng kubo habang masayang naglalangoy ang iba pa nilang kasama sa pool.

Hindi rin ito nakisama sa mga nag-iihaw ng barbe-q na sa pagkakaalam niya'y ito pa ang nagplano niyon. Halatang halata ang pananamlay nito at kawalan ng gana. Ultimo ang pangungulit nito sa kaniya na halos ilang araw rin niyang iniinda ay hindi nito ginawa.

Hindi tuloy niya maiwasang ma-guilty. Hindi man lantarang sinabi ni Luke na siya ang dahilan kung bakit ganoon ang ipinapakita nito ay ramdam niyang may kinalaman siya roon. Knowing Luke? He's the type of person na kayang iparamdam sa kahit na sino kung may problema ba ito sa iyo o wala. And thinking about the possibility slowly bother her.

Syd! You shouldn't care! protesta ng isang bahagi ng isip niya. Sa huli ay natagpuan na lamang niya ang sarili niyang mga paa na humahakbang palapit sa kubo.

Agad siyang naupo sa kaliwang bahagi ng kubo na pinagigitnaan ng kawayang lamesa. Nasa tapat niya naman nakaupo si Luke na hindi yata napansin ang presensiya niya. Abala ito sa pagbabasa sa hawak nitong libro.

"H-hello," naiilang na basag niya sa katahimikan.

Napaangat naman ang tingin nito at kita niyang tila may gumuhit na kung ano sa mga mata nito. Ngunit bago pa man niya mabigyang pangalan iyon ay agad na nitong binawi ang tingin sa kaniya at agad ibinalik ang tingin sa librong binabasa nito.

"A-anong binabasa mo?" muling kausap niya rito. Hindi maikakaila ang paghuhumiyaw ng kaniyang puso. Ito lamang ang tanging naririnig niya sa kasalukuyan, dala na rin marahil nang nakabibinging katahimikan.

"Do you know what happened to the Captain during the World War here in the Philippines?" he asked. His eyes were still focused on the book that he's holding.

Naguguluhan man sa tanong nito ay sinagot pa rin niya. "No," aniya at umiling.

"He sacrificed his life. He chose to stay there just to save someone important to his life. He chose Eddie's life more than himself," anito at binuklat ang kasunod na pahina ng libro.

Nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ito. Sigurado siyang wala sa libro ang focus nito dahil sunod-sunod ang pagbubuklat nito habang patuloy na nagsasalita.

"...the moral lesson in this chapter was all about sacrifices. That sometimes, we need to sacrifice something precious for the one we care about or rather love. Kahit na masakit. Kahit na kaligayahan pa natin ang magiging kapalit."

Para namang may nagbara na kung ano sa lalamunan niya. Ayaw man niyang maapektuhan sa sinabi nito ay wala siyang magawa. Naalala tuloy niya ang ginawang paglayo. Ang pag-alis sa poder ng kaniyang lola para lamang makaiwas at para na rin sa ikaliligaya ng taong nasa harap niya. Hindi man sigurado sa naiisip ay nasasaktan siya. Siguro nga ay para sa kaniya ang mga sinabi nito kanina. Siguro nga ay masaya na talaga ito at anong malay niya? Baka nga happily married na ito kay Lindsay.

"N-napansin ko lang. H-hindi mo yata kasama si L-Lindsay?" parang may tinik sa lalamunang tanong niya. Masokista nga siguro siya para itanong pa ang isang bagay na hindi naman makakatulong sa ikaluluwag nang kaniyang dibdib. At mas lalo yatang lumiit ang espasyo ng mundo niya nang hindi nakawala sa kaniyang paningin ang kalungkutang gumuhit sa mga mata nito.

"The Five People You Meet in Heaven," sabi nito na halatang hindi sinagot ang kaniyang tanong.

"What?" nakakunot noong tanong niya. Hindi niya makuha ang koneksiyon niyon sa tanong niya.

"That is the title of this book," anito at inangat ang hawak na libro. "Bakit ka pala nandito? Hindi ka ba hahanapin ng pinsan mo?"

"Hindi na ako hahanapin no'n, nandiyan naman si Red. Sabi nga ng mga jejemon, ikaw lang, sapat na. Meaning, si Red lang sapat na para kay Wincy. Kaya useless lang ang presensiya ko roon!"

Nagtatakang tinignan naman niya ito. Wala man sa plano ay napangiti na rin siya sa nakikitang reaksiyon nito. Umaalog ang mga balikat nito habang patuloy sa pagpapakawala ng nakahahalinang musikang dala ng mga tawa nito.

"You've never changed, Syd. Palagi mo na lang akong pinapatawa. Simula nang maging kaibigan kita? Walang ka-effort effort kung patawanin mo ako," anito at mataman siyang tinignan. Nakalulunod ang tinging ipinupukol nito sa kaniya. Nagsasayaw rin ang mga mata nito. Ang kislap nito'y tila nagpapahayag ng iba't-ibang klase ng emosyon. "Salamat kasi pinapasaya mo ako. Salamat kasi palagi kang dumarating lalo na sa mga oras na kailangang kailangan ko ng magpapangiti sa akin. Salamat, Syd. For coming right now. Wala kang idea kung gaano ko hiniling na sana dumating ka ulit. Alam mo 'yon? Ikaw lang kasi 'yong nag-iisang happy pill na hinahanap-hanap ko, eh."

Nahigit niya ang hininga sa narinig. Para siyang pinangangapusan ng hininga. Hindi niya napaghandaan ang mga narinig niya mula rito. Pilit niyang pinapakalma ang sarili at kagat labing sinalubong ang tingin nito.

"Sira ka. Anong akala mo sa akin, clown?" kalaunay sabi niya rito.

"Happy pill. You're my happiness," sinserong sabi nito at naghinang muli ang kanilang mga mata.

YOU'RE my happiness, nakahiga na siya sa kaniyang higaan ay boses pa rin ni Luke ang naririnig niya. Iyon na ang huling bagay na sinabi nito sa kaniya at hindi na sila nag-usap pa. Nagpaalam ito kanina kay Wincy at nabanggit sa kaniya ng pinsan na may pupuntahan ito.

Aaminin niyang nasiyahan siya sa sinabi nito kanina. Na para bang napalis ang mga sakit at kalungkutang pilit niyang sinusupil noon. At kakatwa mang isipin, ngunit ang mga salitang iyon lamang pala ang katapat ng dekadang pait na pinagdaanan niya. Oo, masakit pa rin naman. Alam niya iyon, pero hindi na ganoon kasakit iyon sa ngayon. Ngayon pang kakasabi lamang nito that she's his happiness.

Pero kung kaligayahan ka niya? Bakit halos ipagtabuyan ka niya noon? protesta ng kaniyang isipan.

Obvious ba! Kasi kahit ikaw ang happiness niya, si Lindsay naman ang buhay niya. Meaning to say, walang saysay ang kaligayahan kung wala namang buhay. Gets mo?

Damn! Minsan talaga hindi rin nakakatulong na nag-iisa siya. Kung anu-anong pumapasok sa isip niya.

"GOSH, feeling ko magkaka-love life ka na bukas!" puri sa kaniya ng pinsang si Wincy. Nakaayos na ito ngayon at hindi maikakailang bumagay dito ang suot na wedding gown. Napakaganda nito sa ayos at sa unang pagkakataon, nagawa niyang ma-insecure sa beauty nito. Alam naman niyang maganda talaga si Wincy pero hindi niya iyon inda dahil mas maraming bagay na dapat niyang pagtuunan ng pansin.

"You sounds like a hopeless one," aniya at sinipat ang sarili sa salamin. Hindi na bago sa kaniya ang nakikitang ayos ngayon. Hindi na siya katulad nang dati na kamuntikan pa yatang ma-tibo sa sarili dahil sa napakagandang transformation niya.

"Duh! I'm really hopeful kamo! Feeling ko talaga may isang prinsipeng magkakaroon na rin sa wakas ng lakas ng loob na umamin sa kaniyang prinsesa. The princess was obviously, you!" turo nito sa kaniya. She just shrugged her shoulders.

Pagbibigyan na lang niya ang pinsan tutal kahit naman kontrahin niya ito ay hindi pa rin siya nito tatantanan. They used to be like that --- being hopeless romantic. At siguro nga hanggang ngayon ay ganoon pa rin siya. Somehow, she's still dreaming about herself having the man of his dreams. The knight in shining armour she has been waiting. The one who could bring back her lost heart.

"Siya, balik na ako doon. Baka hinahanap na 'ko ni Gio!" tukoy nito sa baklang nakatoka sa pag-aayos dito. Tinanguan na lamang niya ito at hinatid hanggang sa pintuan.

Nang masarado ang pinto ay muli siyang humarap sa salamin. Sinipat lamang niya ang kaniyang kabuuan at nang makuntento ay hinanda na rin niya ang sarili. Napagpasyahan niyang huwag nang makisabay sa ibang kasama sa entourage, since may sarili naman siyang sasakyan. Sinabi ni Wincy na may sasakyang inilaan para sa mga abay but she insist the thought of her having a car.

WALA sa sariling iniabot niya ang panyong nasa harap niya ngayon. Kanina pa kasi siya naiiyak sa nasasaksihan. Kaninang naglalakad si Wincy sa aisle palapit sa kinaroroonan ni Red, ay naiiyak na talaga siya. Kitang-kita sa mga mata nito ang kaligayahan. Iyong tipo na masasabi nalang ng kahit na sino na tunay ngang masarap ang magmahal. Parang iyon ang unang beses na magkikita ang dalawa kaya ganoon na lang ang excitement na makikita sa mga mukha nila. Gayundin si Red na hindi na napigilan ang pagbagsak ng mga luha. Nagmukha itong prinsipe na sabik makadaupang palad ang kaniyang prinsesa. They're indeed an epitome of a word called love.

"Thank you," aniya at nakatutok pa rin ang mga mata sa ikinakasal. Kakatapos lang nilang magpalitan ng wedding vow at ngayon nga'y idinideklara na ng pari na ganap na silang mag-asawa.

"You're welcome."

Kaagad na bumangon ang mga natutulog na mosiko sa kaniyang dibdib. Hindi siya maaaring magkamali, boses iyon ni Luke!

"T-teka, anong ginagawa mo rito?" wala sa sariling tanong niya. Sadyang nagulat lamang siya na nasa tabi niya ito. Sa pagkakaalam kasi niya, nasa kabilang side ang pwesto ng mga lalaking abay.

"I think, I'm invited. That's why I'm here," anito at nagkibit balikat. Kita ang amusement sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.

Gosh! Huwag mo 'kong tignan nang ganiyan. Aniya sa isip at mabilis na itinukod ang kamay sa sandalan ng upuang nasa harap niya. Bakit ba kasi ngayon pa siya tinraydor ng kaniyang sarili? Nanlalambot siya at para bang anytime ay lulutang na lang siya bigla dahil sa sobrang gaan ng kaniyang pakiramdam. Hindi naman niya magawang iiwas ang tingin dito dahil aminin man niya o hindi ay masarap iyon sa pakiramdam.

"I-I mean, hindi rito ang pwesto mo kaya bakit nandito ka?"

"Ang ingay kasi no'ng mga kolokoy na katabi ko, eh. Kaya lumipat ako."

Napadako ang tingin niya sa katapat na pwestong tinutukoy nito at ganoon na lang ang pagtataka niya nang makitang nakatingin ang mga tinutukoy na kolokoy ni Luke sa gawi nila. Parang may ibang pakahulugan ang mga tinging ipinupukol ng mga ito sa kanila.

"Huwag mo nang intindihin 'yong mga 'yon. Wala lang silang magawa sa buhay," ani Luke. Napansin marahil nito ang pagtataka sa kaniyang mukha.

Bukod sa katotohanang nagulat talaga siya na nasa tabi niya na ito, ngayon lang rin sila nagkita ulit ni Luke matapos no'ng pag-uusap nila sa kubo. Hindi na kasi bumalik ang huli at hindi na rin siya nag-abala pang alamin kung bakit? Abot langit na pagpipigil ang ginawa niya huwag lamang maungkat ang kuryosidad niya sa dahilan kung bakit hindi na bumalik pa si Luke. At sa bawat oras na lumilipas na pinipigilan niya ang sarili ay mas lalong umuusbong 'yong pagka-miss niya rito.

Kaya ganoon na lang rin siguro ang pagkasabik niya kanina nang makita ito pagkarating niya sa simbahan. Halos pangapusan siya nang hininga nang makita ang ayos nito. Ang layo na talaga ng itsura nito sa teenager na nakasama niya noon. Naalala niya bigla ang ayos nito noong Junior and Senior prom nila at ito ang tinanghal na King of the Night kahit pa junior student pa lang sila noon. Usually kasi, mga nasa senior ang nakakakuha ng naturang titulo. Pero dahil sa hindi maikakaila ang nangingibabaw na kagwapuhan noon ni Luke ay wala namang nagtangkang magprotesta.

Pero kanina, habang naglalakad siya sa aisle, hindi niya maiwasang ipako ang tingin dito. Nakatayo ito sa tabi ni Red as his best man. At wala sa planong naglilikot ang kaniyang imahinasyon. Ano kayang pakiramdam na hinahantay ni Luke palapit sa altar? Gaano kaya kasarap 'yong feeling na maging bride nito? Hindi pa man din ay nasasabik na siya.

Ang swerte ni Lindsay! deklara nang isip niya kanina dahilan para mabalik siya sa reyalidad.

"LUKE?" muli niyang tawag rito. Palabas na siya ng simbahan at sinadya niyang magpaiwan doon. Kinuhanan kasi niya ng litrato ang bawat sulok ng simbahan. Manghang-mangha siya sa interior, isabay pang ngayon lamang ulit siya nakapasok dito. Ang huli niyang punta rito ay noong high school pa siya.

Kaagad naman siyang nilapitan ng binata na naabutan niyang nakaupo sa pinakadulong parte ng simbahan. Malapit sa anghel na may hawak na pisngi ng kabibe. Iyon ang tawag niya sa naturang bagay dahil hindi na rin naman siya nag-abala pang alamin ang tawag roon kaya binansagan na lamang niya.

"Bakit nandito ka pa?" tanong niya muli rito nang nasa harap niya na ito.

"Hinantay talaga kita," anito at hinawakan siya sa kaniyang braso. Nagsimula na itong maglakad at nagpahatak na lang siya rito.

Wala siyang ideya kung bakit biglaan ang paghatak nito sa kaniya. Ngunit nagpaubaya na lang siya at nagpatianod dito.

"Where's your key?" tanong nito sa kaniya matapos nilang huminto sa harap ng kotse niya. Agad naman niya iyong kinuha sa pouch na hawak at iniabot dito.

Inalalayan siya nitong makapasok sa loob at nang masigurong maayos na ang kaniyang pagkakaupo ay isinarado na rin nito ang pintuan ng kotse at gumawi na sa kabilang side upang makapwesto sa driver seat.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya rito nang buksan na nito ang makina ng kaniyang sasakyan.

"Sa tingin mo, saan ba dumidiretso pagkatapos ng kasal, princess?" nakangiting sabi nito at nilingon pa muna siya bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.

Para namang may humaplos sa kaniyang puso nang ma-realize ang naging tawag nito sa kaniya. He called her princess. And suddenly, another memory came up.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
1.2M 44.7K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...