My Chubilita: the Golden Voice

By HisCarefulDaughter

1.1K 21 8

Her life was always monotonous. Bahay, school. School, bahay. Walang monkey business (except kung first day o... More

Pambungad (Prologue)
Chapter 1. Uneventful First Day. NOT.
Chapter 2: She's Up for the Beating
CHAPTER 3: A New Friend, A New Foe
CHAPTER 4: The Payatot Monster
CHAPTER 6: Dazed and Confused
CHAPTER 7: Heartbreak Warfare
Bonus Chapter: What's Going On Carly?
CHAPTER 7: Heartbreak Warfare (Part 2)
CHAPTER 8: Bullied and Broken
CHAPTER 9: The Feeling of Unimportance
CHAPTER 10: Closing Time
CHAPTER 11: Chasing Pavements

CHAPTER 5: The Pretensious Princess

71 1 0
By HisCarefulDaughter

CHAPTER 5: The PretensiousPrincess

[Megara's POV]

 

Araw ng martes at ilang araw nalang ang hinihintay namin for our club's first performance this SY. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta may ne ba-vibe ako na may mangyayari na hindi ko gusto. 

 

"Ms Gomez?"

 

Napaangat ako ng mukha. Nagbabasa kasi ako nang libro."Yes Miss Bondoc?"

 

Si Ms Bondoc yung adviser namin sa glee club. Music teacher rin namin sya. At sya rin yung tatlong taon nang nililigawan ni Sir Kazuo. Alam namin yan kasi napakatsismosa ng ilang teachers sa school na ito. Kinikilig nga kami kapag nadadatnan namin silang nagliligawan sa audi e. Panay iwas ni Miss pero halatang nagpapakipot lang sya. Dalagang Pilipina daw sya e. Hahaha. Lakas ng trip.

 

"You're going to do the solo for the doxology,OK?" Huwaaaat??? SERYESLE?! AWTSSS! Ayoko! "Is there something wrong?"

 

Hindi ko namalayan na nakatulala pala ako. Na-shock talaga ako. Me, singing solo? Bakit ba ako sumali dito? E kasi nga no choice ka? Ayaw mo namang sumali sa face up club, o kahit magpaka-human punching bag sa taekwondo club kay pinilit mo sarili mo jumoin sa glee club, diba? Tsss...Oo na po. Alam ko naman yun. May sarili talagang utak ang konsensya ko. Kayo, meron din bang konsensya na may sariling pag-iisip? Nakakatanga na talaga ha.

 

"Uhhh, Do i have to? Pwede naman po sila diba?" Sabi ko sabay turo sa mga kasama ko sa club. Nagsialisan sila, pagpapahiwatig na ayaw nila mag-solo. Tanging si Mary Anne lang ang nagningning ang mga mata.

 

"Oo nga naman Miss. Why her? Why not me? I can do it." Pagpe-presenta ni M.A. Psh. Pahalata masyado na gusto nya yung spot na binibigay sa akin. Pero, why not coconut diba? At least i won't be singing solo.

 

"Please Ms Santiago, settle down. You still are a diamond in the rough, you know that very well, am i correct?" tumango tango naman si M.A. na nakabusangot na ang magandang mukha. Inirapan nya ako sabay nag-walk-out papuntang backstage. Sinundan ng tingin ni Miss Bondoc si M.A. sabay napa-iling.

 

"So, the solo? Its your spot Megara. I let you in this group because i know you've got the potential that i've been looking for for god knows how long. So please, say yes." Biglang baling ni Miss Bondoc na naka-pouting lips plus puppy-dog eyes. Great. Now i'm screwed. I can't say no to her. It'd be too harsh. I'd be too cruel. Wala ka nang lusot ngayon Megara. (*sigh)

 

Tumango ako at nagpaubaya sa gusto ni Miss Bondoc kahit sa kaibuturan ng puso ko'y nag-aalburoto sa pagpo-protesta sa desisyon na napili ko.

 

- - - - - - - - - - -

 

Huwebes na. Anxiety is slowly creeping in my heart. Alam nyo ba yung feeling na kapag papalapit na yung time na magpeperform ka, parang feeling mo may mga paru-paro na nagwewelga sa loob ng bituka mo? Yung ganun? Mula nung inatasan ako ng responsiblity ni Miss Bondoc na maging soloist, pakiramdam ko sa bawat oras nadadagdagan ang mga pesteng butterfly sa bituka ko. Eto ako ngayon kasama ang mga kasamahan ko sa glee clup at kakatapos lang ng praktis namin. Syempre nagbilin muna si Miss Bondoc ng mga reminders. Habang nagsisiuwian na ang mga kasama ko, eto at hinihintay ko si Carly. Sabi kasi nya hintayin ko daw sya dito sa auditorium kasi may practice pa sila ng taekwondo.

 

"Ara! Aren't you coming?" Nabaling ang atensyon ko sa chinitong lalaki na may bakod yung ngipin, este braces pala.

 

"Oo nga Ara. Uwi na tayo. Sabay ka na samin." Dagdag pa ng babeng may dala-dalang drumsticks.

 

"Naku Ate Mau, di po pupwede e. Inaasahan po kasi ni Carly na nandito ako mam'ya. Hehe. Mauna na po kayo."

 

"Sus. Baka may hinihintay kang ka date dito. Sige ka. Isusumbong ka namin kay Christian. Hahahaha" Biro ng lalaking may nunal sa left side ng sentido.

 

"Kuya Troy naman. Walang ganun. Gawa-gawa ng storya e." Tumawa ito at pinisil ang cheeks ko. (> m<) Hanubah koyaaa! Matakit! Ajujuju (haahaha. jejemon daw ba ang peg?)

 

Lumapit yung lalaking may braces na nakangiti na rin. Kita ko yung malalim na dimple nya sa right cheek nya. Nagulat ako nung umakbay sya sa akin. Hindi naman kasi kami ganun ka close tsaka crush ko na sya noon pa. Sino ba kasi ang hindi magkaka-crush sa isang Ryan Chua? Pogi, chinito, gentleman at syempre dagdag pogi points na isa syang gitarista at bokalista ng banda. Oh diba? Kahit may pagka-weird sya, crush ko pa din sya.

 

"Siguraduhin mo yan Ara ha. Dapat lang na wala kang hinihintay na ka date. Kundi mahe-hurt ang puso ko." Huluhhh? Hanudaw sabeh? Hindi ko ma-connect yung pinagsasabi nya. Super loading talaga yung brain ko.

 

"Uh, Ara, don't mind Ryan. Nasobrahan lang sya ng amoy ng sapatos nitong si Troy. Hehehe. S-sige. Mauna na kami." Sabi ni Ate Mau sabay batok ng sabay kela Kuya Troy at Kuya Ryan. Tapos hinila na nya palabas yung dalawang lalaki. Patango-tango na lang ako dahil medyo slow yung pagpo-process ng utak ko. Bakit parang nagmadali yata si Ate Mau nung nagbiro si Kuya Ryan nang ganun? Bakit Kuya Ryan tawag ko sa crush ko? Siempre, magalang na bata ako e. hihi Ayoko namang maging bastos sa nakakatanda. Yung tatlong yun ang members ng The Ice Cubes. Band sila na kasali sa glee club. Si ate Apple Maureen o mas kilala sa name na "Mau" ang drummer/girl back up vocals ng band. Astig nya noh? Girl drummer, kaya ang daming may crush sa kanya. Si Kuya Troy ang bahista ng banda at back up vocals din sya. Si Kuya Ryan Chua o mas sikat sa pangalan na Mr Braces ang gitarista at lead vocals ng band.

 

Anyhoo, medyo nabo-bored na ako sa kakahintay kay Carly kaya tumayo ako at pumunta sa mic stand. Nandun pa yung microphone kaya lumapit ako at nagsound check. Naka-on pa. Hindi pa siguro in-off ni manong caretaker. At dahil bored, kinuha ko yung mic sa stand nito at kumanta. I sang "Who Says" by Selena Gomez. Naumay na kasi ako sa kakakanta ng the prayer kaya ito muna yung kinanta ko. Nang natapos ako ay may narinig ako na pumalakpak. It was not a genuine clap, to be honest, it was purely sarcastic. Slow clap talaga sya. Itinuon ko ang tingin ko sa babaeng papalapit sa stage. Nakasimangot sya. Bumaba ako sa stage at pumunta sa first row ng theater seats kung nasaan ang gamit ko.

 

"You're still here huh? Ang kapal din naman ng apog mo para manatili rito at ginamit ang microphone. You are such a show off!"  sabi nya habang papalapit sa akin.

 

"No Mary Anne. I'm not showing off. Just so you know, nandito pa ako dahil may hinihintay pa ako. I'm ju~"

 

"SHUT UP! JUST SHUT THE HELL UP! Inagaw mo ang pangarap ko maging soloist ng choir. You are the reason why i'm stuck here in this hilly-billy club. I can't believe i joined this group. I can't believe i have to be kind to every one. This is all your fault. Sana pumiyok ka bukas! Sana... Sana mawala ka nalang sa landas ko!" bigla nya akong itinulak kaya napaupo ako sa isang upuan.

 

"M-mary? Bakit?"

 

"I said shut up! Get out! Get the hell out! Galit ako sa iyo! Wala kang kwenta!"

 

Pagkasabi nya nun ay marahas nya akong itinayo at itinulak para umalis. Just to stop her, i immediately grabbed my things and darted towards the nearest fire exit  near the stage.

 

 

[Josef's POV]

 

Habang naglalakad ako pauwi, i heard her voice again. Alam nyo na yun. Yung mysterious golden voice from the mysterious girl na narinig ko nung unang tumambay ako sa C bench malapit sa soccer field. Alam ko na imposible, pero hahanapin at aalamin ko kung sino sya. Simula kasi nung narinig ko yung boses nya, hindi ko na maalis sa isipan ko. Marahil nako-curious ako sa pagkatao nga mystery girl na yun. Imposible naman sigurong mainlove ako dahil lang sa boses nya na once ko lang narinig diba?

 

Anyway, there are a some places at this school that has a permanent sound system installed: at the gymnasium, in front of the principal's office, the bass at the main building for the intercom, and the auditorium. Now i have a huge hope na makilala ko na sya kasi iisa lang sa mga na-mention ko ang pinakamalapit sa kinatatayuan ko ngayon, at yun ay ang auditorium. Dinalian ko ang paglalakad ko na halos tumatakbo na. I have to meet her now. Patapos na ang kanta kaya tumakbo na ako at baka hindi ko na sya maabutan. Nang makalapit ako sa fire exit malapit sa stage, natapos na ang kanta. Kaya i tried to open the door. It wouldn't budge. Nakalock siguro. Badtrip naman! Sana maabutan ko sya.

 

Tumakbo ako patungung main entrance at saktong pagbukas ko ng pinto ay napako ang paningin ko sa babaeng naglalakad sa middle aisle ng auditorium hall. Nanlaki ang mga mata ko ng narealize ko kung sino sya. Ang babaeng sexy't maganda na nakabangga ko at nagbigay sa akin ng burger last time. Sya? Sya ba yung mystery girl ko?

 

Napatingin sya sa akin. Halos pinigil ko ang hininga ko. Her beauty is breath taking. Para syang dyosa habang naglalakad patungo sa kinatatayuan ko. Hala! Naestatwa na yata ako? If she's mystery girl with the golden voice, she's perfect!

 

"Uh, close na ang auditorium. You need to get ou now. Thank you." Naiiritang sabi nya. Bad mood yata sya. Mataray pala sya ano? Hmmm, Not what i expected. Paano naman kasi, napakalungkot nya nung kumakanta sya nun (If she is mystery girl with the golden voice) tapos ang kaharap ko ngayon ay babaeng walang kabahid-bahid ng lungkot. Hayyyss...Baka guni-guni ko lang yun noon. Baka. Malamang.

 

"Oh, sorry. If i may ask, ikaw ba yung kumakanta kanina?" Bigla itong natahimik na pawang nag-iisip kung sasagutin ba nito ang tanong ko. Maya-maya pa'y dahan-dahan syang tumango.

 

"Ganoon ba? Uh, isa pang tanong. Can i ask, what's your name?"

 

"Just call me Ma~ Uh, M. That's what my friends call me. M. Yes. Call me M. And you are?"

 

Medyo nakakapagtaka naman. Parang hindi yata sya sigurado sa pangalan nya? M? Uhhh baka ibang tao sya? Pero...

 

"Megara!"

 

Tama! Megara nga ang pangalan nya. Malamang nick name nya lang yung M. Right! Yun nga.

 

"Ahhh. Hi M. Ako nga pala si Josef. Josef McFarlane. Ako yung nakabangga mo nun sa harap ng cafeteria. Yung binigyan mo ng burger nun?"

 

Itinuon nito ang tingin sa mukha ko. I offered my hand. Dahan-dahan nya itong inabot kaya mas napalapit sya sa akin.  Nagningning ang mga mata nya saka napangiti. A sign of recognition.

 

"Oo nga ano?! Ikaw nga! Ikaw yung nakabangga ko nun. Hi." sabi nya, panay ang pagsi-shake ng kamay ko. "What brings you here? Hindi naman sikat na tambayan ng students itong lumang auditorium na ito a."

 

"Ah e, ano kasi, uh, actually i'm here to see you. Your the girl i've been searching for quite some time now. Ikaw yung kumanta nun diba? Dun sa may C bench last month?"

 

"Oh? Bakit? Are you a fan or something?" Medyo nag-iba ang tono nang boses nya. Medyo nabadtrip yata sya. Nag-iba sya bigla. Creepy. Bi-polar ba sya?

 

"Uh, or something? haha. Siguro nga fan na ako."

 

"Good thing you found me before i went out the building. I was the one who sang last time at the C bench."

 

"Yeah. Its a great thing. Are you a member of the glee club?" I asked na agad namang nagpatango sa kanya. Parang proud na proud yata sya a.

 

"So your going to sing tomorrow huh?" Bigla syang napaiwas ng tingin sa akin.

 

"Uh, Y-yes."

 

"I wouldn't miss it for the world." I said. "Uh M? This might sound crazy and spontaneous pero, can i invite you for a cup of coffee?" Bigla itong napangiti sa kanya at  mabilis pa sa alas kwatro na tumango. Inaasahan nya yun talaga?

 

 

[Mary Anne's POV (Sort of)]

 

Okay, breathe in, breathe out. Nakakairita talaga yang epal na Megara na yan. Mang-aagaw! Oppss! Breathe in again, breath out... Nate-tense ako. Nagkita kami ulit ng lalaking nakabanggaan ko nun and ever since then, i had my eyes set on him. Nakipag-break nga ako dun sa bf ko na puro gang war lang nasa isip. Anyway, he invited me. Magkakape nga lang kami pero, kahit na. Date parin yun diba? My god! Hindi ko talaga inaasahan na yung malas ko na ma-stuck sa glee club will turn out to be my luck? And all thanks to Megara. hahahaha! Who would've thought that Josef's going to look for this "mystery girl" of his. Seriously? And it turned out that the girl he's looking for is Megara. Woah. Dumb luck huh. If i was my old self, i'd be like "oh, you may be talking about Megara." But no. I am a better version of me. A strong willed and bi<+# please-kinda girl. Everything Mary Anne wants, Mary Anne gets. And for now, i want him, Josef John McFarlane. At makukuha ko lang sya if i lie about who i am. Well, technically its not a lie. My name starts with the letter M. Pero papaano kapag narinig ka nyang kumanta? Your voice is way too different for Megara's and he said he wanted to meet the girl who sang a song under that effin' mango tree. He'dprobably know you're lying. Shut up conscience! Wala pa naman diba? So whats the fuss? Besides, if ever Josef gets to know the truth, would he like Megara? Like ewww. She's so fat and ugly. She doesn't deserve someone like Josef. She should kill herself. Ang laki ng problema nya.

 

Nandito kami ngayon sa starbucks. Sosyal noh? Mayaman kasi yung pamilya nya. Swerte ko! If manliligaw sya, sasagutin ko sya kaagad. Kahit wa ngang ligaw ok lang e. Basta mapasaakin sya. He's everything i always wanted. Handsome, cool and of course, RICH. Mukhang pera na kung mukhang pera pero sino ba ang ayaw yumaman? I always wished i'd get rich. Leche kasi ang pamilya ko. Bakit dun pa ako ipinanganak, sa isang pamilya na walang datung, walang pera!

 

Ayon, we talked about things, school and ourselves. Masaya syang kausap. Hindi nawawalan ng topic.

 

"Josef, so what's your fave music genre?"

 

"Ahhh, R&B tsaka Pop and Rock. Speaking of music, do you still remember the song you sang last time? Yung nasa C bench tayo?"

 

Naloko na! Wala pa nga sa climax, nag-epal kaagad ang question na yan. It's raining on my parade and i hate it. Dali Mary, think. Lusutan mo to.

 

"Ha? Ah eh...Lagi akong natambay doon kaya hindi ko na matandaan kung alin doon sa mga kantang nasa playlist ko ang kantang sinasabi mo. Sorry." Biglang iwas ko. Mabuti na lang talaga. Whew!

 

"Ah ganoon ba? O-okay lang. Pasensya na. Gusto ko lang kasi marinig ulit yung boses mo habang nakanta." Ang kulet ng lahi nito. Aisssh!

 

"P-pasensa ka na ha. Hindi kasi pwedeng biglain ang boses. Alam mo naman, soloist ako ng club namin." Pagsisinungaling ko. Ano ba pakialam nyo if i lie? May magagawa ba kayo? Diba, wala naman? Sheesh!

 

"Ayyy oo nga ano. hehehe. Kaya ka pala nandun sa audi kanina." Tumango-tango ako at saka ngumiti. After naming magcoffee, hinatid nya na ako samin. Sa isang apartment na hindi kalakihan at may kalayuan sa school. Yun kasi yung pinatitirhan sa akin ng nanay ko. Ako lang dun mag-isa kasi laging nasa trabaho ang nanay ko (kung ano at saan man yang lecheng trabahong yan). Wala naman sa akin na wala sya palagi kasi nga wala akong pakialam sa kanya. Anyways, nasa magkaibang subdivision kami kaya sinadya nya talagang ihatid ako doon sa amin. Ayaw nya daw kasi na umuwi akong mag-isa dahil madilim na. Sana'y na akong lumalakwatsa pag gabi kaya kilala na ako sa lugar namin at walang ni isang tao (lasing man o hindi) ang gustong kumalaban sa akin. Pero mas preferred ko itong inihahatid ako isang magarang kotse kesa maglakad o kaya magtricycle. Nag makarating kami sa amin ay pinagbuksan nya ako ng pinto. Ooooh, hindi lang pala sya gwapo't mayaman, gentleman din sya. Dagdag pogi points. Hayyyy, mas naiinlove ako. Sana hindi na matapos itong gabing ito at sana fore~

 

"So kita nalang tayo bukas sa auditorium?"

 

"Huh? B-bakit dun?"

 

"E diba sabi mo soloist ka sa club nyo? Edi kayo yung kakanta para sa national anthem at doxology. Manonood ako."

 

"Ha??? Ah, e...Kasi...Uh ano.." Ay naloko na! Hindi ko naiisip ito. Huwaaaah! What should i do? What to say?

 

"May problema ba Mary?"

 

"Ah, Uhm, haha...W-wala naman. Sige, sige. See you tomorrow!" Sabi ko tas ngumiti.

 

"Okay. Well, i have to go. Thanks for today."

 

"No. Thank you." sagot ko sabay halik sa kanya sa cheeks. Pakialam nyo ba? Buhay ko to. "Bye Josef." dagdag ko sabay pasok sa apartment na may naka-plaster na ngiti sa aking magandang mukha.

 

 

[Megara's POV]

 

This is it! This is really is it is it nang bonggang bonga! Currently nasa backstage ako ngayon kasama ang ibang club members. Kakatapos lang ng vocalization (parang warm up exercise ng lalamunan) namin, alam nyo na baka ma-injure yung vocal chords namin.

 

"Kid!" Napalingon ako. I spotted kuys and Carly. Kasama nila si payatot na halimaw. Patungo sila sa kinatatayuan ko. Ngumiti ako ng pilit. Sobrang kinakabahan ako. Grabeh!

 

"Oh? You look like you're going to die any minute now? Kinakabahan ka?" Tumango tango ako kaya hinug ako ni Carly. "well, don't be. You're the best singer in this school kaya wag kang kakabahan. Wui alam mo ba, madaming tao sa labas. Grabe. Punong-puno e."

 

Errr. Now that last statement made tremble all the more. Way to go Carly.

 

"Carly naman. Wag mo syang takutin ng ganyan. Ano ka ba?"

 

"Ayyy. OO nga pala. Sorry Ara. Nalimutan ko."

 

"Hindi. Okay lang. Mayamaya baka bigla lang akong bumulagta sa takot na nararamdaman ko."

 

"Sorry na nga."

 

"Dre, dun muna ako kay Mary." Pagpapaalam ni payatot kay kuys. Mary? As in Mary Anne "the bruha" Santiago? Weh? Tumakbo ito patungo kay M.A. at saka yumakap. Wha~? Sila na ba? SERYESLEH?! Pero diba may boyfriend na gang leader itong si MA? Huluuuh! Errr... Bahala nga sila sa buhay nila. Pakialam ko naman diba.

 

"Huh? Anyareh dun? Mr Pogi pakiexplain, labyu."Bigla akong napatingin kay Carly, umiwas ito ng tingin sa akin at saka ay sumipol-sipol pa. Aba. Meron akong hindi nalalaman. Labyu kaagad?

 

"Carly talaga. Nasobrahan ka na sa kakapanood ng Bubble Gang ah. Hahaha. Kid, wag mo pansinin yung last phrase nya. Lokohan lang namin yun noh. Nag BG marathon kasi kami kahapon at alam mo ba, sa sobrang tawa nya, bigla lang naglabasan ang coke sa ilong nya. HAHAHA. Laugh trip dre!"

 

Ahhh... Yun naman pala e. Pero diba jokes are half meant? HAy ewan. Basta yun na yun. Ma-nosebleed pa ako dito. hahaha.

 

"Ahhh. ganun ba? Akala ko naman kayo na." Sabi ko tas ngumisi. Kita ko ang hiya sa kanilang dalawa. Sabay pa silang nagdeny. Hahaha, Ayos a. Napatingin ako sa direksyon ni M.A. Naka-holding hands sila. OMO! Sila na nga talaga ano? Napansin siguro ni kuys na doon nakapako ang pansin ko sa kaibigan nyang si Josef.

 

"Ahhh. Sila ba? Sila na nga. Ewan ko ba dyan ka Josef. Kahapon lang yata sila nagkakilala, tapos ngayon naging sila na. Well hindi naman ako na shock kasi ganyan talaga yan. Siguro nabalitaan nyo rin na may "Flavor of the week" yang gagung yan. Kaya wag na kayong magtaka." Tumango tango lang kami ni Carly na akala mo'y naiintindihan yung sitwasyon. Sa totoo lang, hindi ako sanay makakita ng ganyang set up. Pwede ba yun? Yung bigla nalang naging kayo kahit na kakakilala nyo lang? Idol siguro ni M.A. si Princess Anna ng Frozen e. Uh, why am i even bothered by them? They're the same, nonetheless. Parehong ugali, parehong playboy/playgirl. Siguro nga, pinagsama na ni Lord ang dalawang yun para wala nang masaktan na ibang tao.

 

"Ah, okay. Bagay sila. Hayaan mo na lang kuys. Ayaw mo nun, dalawang halimaw nagkainlaban?" Tumawa ako. Nakitawa na rin ang dalawa. Pero bakit parang nako-curious ako dyan sa Josef na yan? Mula nung tinulungan nya ako (forcefully) hindi ko pa sya napapasalamatan ng matino. Lagi nalang kami nag-aaway kaya iniiwasan ko na lumapit kay kuys kapag nandyan sya.

 

"By the way friend, nandyan sa audience sina tito at tita. Nagpapasabi ng "good luck". Nga pala, dinala ko yung bago kong video cam. Dry test tsaka para may souvenir ako sa araw na ito. Hahaha" Sabi ni Carly sabay labas ng bagong Sony video camera nya. Parang bata na tuwang tuwa si Carly na bini-videohan ako at si kuys pati na rin yung ibang members ng club. Mas kinabahan ako sa ginawa nya. Lecheng stage fright na to. tsk

 

"Kuys, good luck ha! Kaya mo yan. Wag kakalimutan yung tip ko. Yung tungkol sa stufftoys?Hahaha" Tumawa ako at tumango.

 

"Friend, kaya mo yan. Break a leg. Errr, well not literally though. Hehe"

 

"Thanks Carly. Thanks kuys. Hayaan nyo, i'll keep every tip in mind." Tumango silang dalawa na may ngiti pa sa mga labi at saka nag "aja hwaiting" stance pa. Hahaha. Mga loko loko talaga.

 

"Dre! Alis muna ako." Sabad ni payatot, este Josef pala.

 

"Ha? Bakit naman? Magsa-start na yung program o."

 

"Kasi si Mommy. Isinugod na naman sa ospital. Bigla nalang daw hinimatay." Nagpapanic na sabi nito. Halata mo na alalang-alala ito. Mama's boy sya siguro.

 

"OK. Sige."

 

"Kuys, samahan mo sa."

 

"P-pero paano ka? Susuportahan nga kita diba?"

 

"Sus! Ok lang ako dito. Andito naman si Carly at sina Mama e. Sige na. He needs your support more than i do."

 

"Sure ka?"

 

"Of course! Sige na. Alis na."

 

"Sige. Kitakits nalang tayo sa inyo mamaya." Sabi nya. Tumango tango lang ako at pilit na ngumiti. Ayaw ko sana syang umalis kaso mukhang mas kailangan ngayon ni payatot ng kaibigan. Bumaling sya kay Josef. "Dre sama ako." Tumango lang si payatot at sabay silang tumakbo palabas ng auditorium.

 

"O Mary, saan pupunta yun bagong boylet mo? Hindi ba sya manonood? Ok lang sayo?" Narinig ko biglang nagsalita yung kaibigan ni M.A. Na-curious ako kaya medyo lumapit ako sa kunaroroonan nla. Buti nalang at may costume stand doon sa pagitan namin kaya hindi nila ako napansin.

 

"Hayaan mo sya girl. Pabor nga sa akin na naospital bigla yung nanay nya. He wouldn't find out my secret." Eh? Secret? Why would she keep a secret from her "boyfriend"? At ano kaya yung secret na iyon at pati yung panonood ng BF nya na magperform kami ay ayaw nyang masaksihan nito? Hmmm...Somethings fishy here.

 

"Hoy grabe ka girl. Ipinagpray mo na maospital nanay nya para lang hindi malaman ni Josef na you're not M~"

 

"Ssshhh. Shut your f***** mouth Jane. Someone might hear you. Sekreto natin ito kaya manahimik ka kung ayaw mong mawala yang bagong ilong mo. Capish?!" Galit na saad ni M.A. Tumango-tango naman yung Jane na nanginginig pa. Ano kaya yung secret na yun at parang kapag na i-spill ng mga kasama nya e ipapagulpi nya or something yung mga yun? She is creepy. Way creepy than Sassy. Kaya umalis ako doon sa pinagtataguan ko at baka makita pa ako ni M.A. at baka ako pa ang mapagdiskitahan.

 

"Ara!"

 

"Ay kalabaw ka!" Napalingon ako. "Kuya Ryan naman e. Tinakot mo ako dun."

 

Napa-smile siya ng malapad habang papalapit sa akin. Hayyy. He's so dreamy. Napaka-cute nya talaga. Crush ko na talaga sya nga bonggang bongga.

 

"Nagulat yata kita. Hehe" He grinned and then patted my head. Ano ako aso? Essshhh. Pero ok lang.

 

"O-Oo e. Hehe. Bakit mo ko tinawag kuya? Is there something wrong?"

 

"Naku wala. I just wanna wish you good luck for today. Nga pala Ara. Kapag nagawa mo ng superb yung solo, may surprise ka sa akin."

 

"Huh? Para naman akong bata nyan kuya. Kailangan ng prize para maka-perfect score. Pero sige, i'll do my best para sa surprise mo na hindi na yata surprise."

 

"Hahaha. O sige. Alis na, tinatawag na kayo ni Miss Bondoc o." sabi nya sabay nudge sa akin na umalis na at luminya na doon kay adviser. Pero bago pa ako makalayo sa kanya ay hinawakan nya yung kamay ko at hinila ito. Nang napakalapit na ako sa kanya ay yumuko sya and kissed me on my forehead. Woah! Para saan yun?

 

"A good luck kiss for a beautiful girl." Kalmadong sabi nya sabay ngumiti. Naku po Lord! Imbes na nawala kabog ng dibdib ko, mas lalo yatang nagwala yung puso ko. Please HELP! Naglakad na ako papuntang line namin na parang zombie na nabuhay muli. Tsss... Wake up Megara! Wag ka munang maging baliw ngayon. Remember the surprise. Pambihirang buhay ito. Mas kinabahan pa ako lalo dahil sa halik na iyon.

 

- - - - - - - - - - - -

 

"WHAT?!!" Dali-dali kong tinakpan ang bibig ni Carly. Kanina pa sya tili ng tili at kanina pa ako panay ang sorry sa mga taong nandito sa McDo na nakatitig sa aming dalawa. Nakaka-eskandalo na kasi ang mga hirit nya. Hindi lang sabog ang eardrums ko, pati na rin hung kahihiyan ko sabog na rin. Hindi ko pa man din nagagalaw ang binili kong burger, fries at cokefloat, mukhang gusto ko nang umuwi.

 

"Ano ba Carly. Ilang beses ko bang uulitin? Tantanan na kasi ako pwede? Rinding rindi na ako ha. Tsaka, ano ba ang big deal dun?"

 

*flashback

 

"Ara!" Napangiti ako nang narinig ko ang boses nya. "Ang galing natin a? Congrats!"

 

"Ano ba kuya. Nahiya naman ako e. Pero, thanks kuya." I beamed! Oo na, oo na. I admit na abot-tenga yung ngiti ko.

 

"So since na-perfect mo yung solo mo, you deserve a prize. Here..." Inabot nya sa akin ang dalawang rectangular piece of photopaper. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung ano ang mga iyon.

 

"Oh my god kuya! Really? Sa akin talaga ito?" tumango sya habang amuse na amuse na nakangiti sa akin. "Waaaaaaaah!!! Tickets talaga sa concert ni KP? OMG! At VIP tickets pa ang mga ito. Pero..."

 

"O bakit? May problema ba? Ayaw mo ba nito? Gusto mo palitan ko ng ibang ticket?" Umiling iling ako.

 

"Gustong gusto ko kuya. Pero...Alam ko mahal to. Nasa 17K to 20K yata ang isa nito. Ang mahal yata. Hindi ko matatanggap to kuya."

 

"Seriously Megara? Ok lang sa akin. Its a gift, from me."

 

"Pero~"

 

"Oh sige. Ganito nalang. Yung isang ticket sayo, a gift from me. Yung isa naman para sa gusto mong isama, also a gift from me."

 

"Pero parang ganun parin kuya e."

 

"Hahaha. Oo nga ano? O sige. Eto nalang, samahan mo ako sa concert ni KP."

 

"E..."

 

"I won't take 'No' for an answer."

 

"O-okay. S-sige. Salamat kuya!"

 

"No problem my princess." Sabi nito sabay lapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Pangalawang beses na syang nakakanakaw ng halik sa akin ngayong araw na ito. Ano bang meron? Does he like me or something? Pero imposible naman yun? But he called me Princess. Maybe he does like me. Hay sana nga.

 

"Megara! See you soon." Sabi nya sabat nag-wink. AAAHHH! Matutunaw na puso ko. Pambihirang puso, umaasa na ako.

*end of flashback

 

"Big deal? Ano nga ba ang big deal dun? Teka, mag-iisip ako?" sabi nito sabay lagay ng hintuturo sa may left temple nya na akala mo'y nag-iisip talaga. Hay ang daming kalokohang nalalaman a. "AHHH! ALam ko na! BIG DEAL YUN KASI YUN ANG KAUNAUNAHANG DATE SA TANANG BUHAY MO. HANUKABAH! ABA! Sa 18 years ng buhay mo, ngayon mo lang mae-experience ang makulay na mundo ng pag-ibig noh!"

 

"Ssshhh. Ano ka ba Carly? Nakakaasar ka na. Kailangan ba talagang ipagsigawan? Hmmmp!" inis na inis kong sabi sabay nilantakan ang fries na pinaliguan ko ng ketsup. "tsaka please lang, hindi yun date kaya manahimik ka dyan!"

 

"Naman! In denial si ateng! Hoy maawa ka sa fries o. Ako may kasalanan sa'yo, kaya wag mong ibunton yang galit mo dyan sa BFF fries. Hahaha. Salamat naman sa fries at dyan mo naibuhos ang galit kesa sa akin. Hahahaha... But seriously, date parin yun. Ayaw mo lang ng label."

 

"SHADDAP! Grrrr~"

 

"Hahaha. Epic! Teka nga, kelan ba yang concert na yan? May susuotin ka na ba?"

 

"Sa July 29. 3 weeks pa naman yun. Magti-Tshirt lang ako at maong pants. Bakit ba?" Pasensya naman po. Hindi ako nag-enrol ng Dating 101 kaya wala akong alam sa pasikot sikot sa ganitong sitwasyon. Uh, tsaka hindi naman date yun e. Lakwatsa lang.

 

"Naku Ara! Hindi ako makakapayag na magpapaka-tomboy ka sa date na yan."

 

"Whatever. Matagal pa yun so whats the rush. Pwede na kumain ng tahimik?"

 

"Pssh! Basta sinasabi ko na sayo, maghanap ka na ng outfit para sa event na yan. Oh sya. Bugbugin mo na yang burger mo. Tsaka paki-massacre na rin ang coke float ha? Thank you." Sarcastic na sabi niya. Ngayon mamamatay foods na ako. Hahaha. Pero napaisip ako sa sinabi nya. I have to prepare an outfit. But right now, i have to enjoy this fastfood heaven! Nom nom nom~

 

_________________________

DO NOT COPY, DO NOT REDISTRIBUTE, DO NOT PRINT AND SELL. NEVER EVER PLAGIARIZE. Plagiarism is a crime (see Republic Act 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012). Ang magpe-plagiarize ay MAGNANAKAW. Tandaan, THOU SHALL NOT STEAL.

This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's crazy imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual situations is purely coincidental. Songs used in this story are owned by its respective artists, composers and music labels.

All materials in this story is solely owned by the author unless stated otherwise.

My Chubilita: The Golden Voice

©HisCarefulDaughter, 2014 All Rights Reserved

_________________________________ 

(a/n: yung part po na papasok na sana si Josef sa pintuan na naka-lock, hindi po sila nagkasalubong nun ni Megara kasi nasa left side ng auditorium yung pilit na binubuksang pintuan ni Josef. Bale sa right side ng auditorium yung exit na tinakbuhan ni Megara para makalabas. Yun lang po. Para malinaw. (^___^)  till next time po.)

(P.S. I dedicate this chapter sa pinsan ko na pumilit sa akin na gumawa ng account dito sa wattpad at e-share sa inyo ang ka-kornihan ko. hehe. Salamat sa iyo iamblackbeauty31. masyado mo na akong pini-patronize na maging sa mga classmates mo ina-advertise mo itong story ko. pasabi naman sa kanila "thank you so much. at sana gumawa sila ng ti-iisang account dito sa wattpad at nang ma-follow nila ako. hahaha".. Tandaan, gwapa ka man gihapon bisan nanupa matabo sa kalibutan! heart heart! IKyaahahaha. LABYU MATS iNSan.)

Continue Reading

You'll Also Like

121K 4.5K 43
Is it worth it to invest feeling to someone who never appreciate your existence? On-going
1.2K 93 20
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.
45.8K 1.3K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...