Huling Himagsik

By KuyaDitalach

34.2K 2.2K 517

Highest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matali... More

¡Disfruta leyendo! (Enjoy Reading!)
Tenkyu su mats!
Capítulo Uno
Capítulo Dos
Capítulo Tres
Capítulo Cuatro
Capítulo Cinco
Capítulo Seis
Capítulo Siete
Capítulo Ocho
Capítulo Nueve
Capítulo Diez
Capítulo Once
Capítulo Doce
Capítulo Trece
Capítulo Catorce
Capítulo Quince
Capítulo Dieciséis
Capítulo Diecisiete
Capítulo Diecinueve
Capìtulo Veinte
Ćapitulo Veinte Uno
Ćapitulo Veinte Dos
Lawa ng Perlas
Author's Note
Author's Note

Capítulo Dieciocho

1.1K 60 12
By KuyaDitalach

[Kabanata 18]


Apat na araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nakakagawa si Mateo ng paraan para magkita kami. Sinabi niya na magkikita kaming muli at sosorpresahin nya ako. Kaso hanggang ngayon ay wala pa rin.


Alas dyis na ng umaga ngayon, at dahil wala akong magawa ay naisipan kong halungkatin na lang ang kabinet ni Angelita.

Pagkabukas ko niyon ay bumungad sa akin ang makukulay na baro't saya na may kakaibang bango.
Mga baro't saya na amoy Sampaguita at halatang iniingatan ni Angelita.

Napatingin ako dun sa isang damit na nakaagaw ng aking atensyon. Purong kulay puti iyon at mahahalata mong napakalinis talaga. Hinawakan ko at nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.
Para bang kinakausap ako nun at sinasabing suotin ko sya.
Kinuha ko iyon dahil may iba talaga akong nararamdaman. Nang biglang...
May nagpatak na dalawang magkadikit na bracelet mula sa Baro't Saya na yun.

May bracelet na pala na pang couple nung sinaunang panahon?. Yung isa, kulay blue at may design na susi. Tapos yung isa, kulay pink at may design na padlock na hugis puso.
Ang cute nilang tingnan. Ugh!
Kung ibigay ko na lang kaya yung isang bracelet kay Mateo? Ano sa tingin nyo? Haha para parehas kami.

Sa susunod naming pagkikita ay ibibigay ko ito sa kanya. Sasabihin ko na lang na iyon ay tanda ng pagiging magkaibigan namin.
Kaso kailan naman kaya kami magkikita? Kasi naman eh. Dapat hindi na sya nahilig sa sorpresa. Yan tuloy, hindi ko alam kung paano kami magkikita.

Napatingin akong muli doon sa hawak kong bracelet at napatitig ako. Isinuot ko na yung kulay pink, at yung isa naman ay inilagay ko sa aking bulsa. Kailangan maging handa ako dahil hindi ko alam kung anong pakana na naman ang ginagawa ni Mateo.
Pero hayaan na, crush ko naman eh.

"Magandang umaga binibini" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Cristeta. And as usual, nakasilip na naman siya sa may pinto na parang multo.

"Hay nako Cristeta, aatakihin ako ng dahil sa iyo" biro ko sa kanya. Ewan ko ba, pero hindi ba sya marunong kumatok? Hindi ba yun uso dito?

"Pasensya na po Binibini, nasanay lamang ako" masayang tugon niya sa akin. Aba! Mukhang maganda ang gising nya ngayon ah?

"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya sabay ngiti.

"Opo binibini, dahil may bisita po kayo na naghihintay sa baba" Tugon nya sa akin na talagang ikinagulat ko.

"S-sino naman iyon? Si Mateo ba?" Tanong ko sa kanya. Kasi apat na araw na ang nakakalipas eh. Siguro naman mahaba na yung panahon na yun para makapaghanda sya ng surprise para saken.

Napatingin ulit ako kay Cristeta na ngayon ay nakangiti ng nakakaechos sa akin.
"Si Heneral Mateo po ba binibini ang iyong tinutukoy?"

"W-wala kalimutan mo na yun. Bababa na ako at ayaw kong pinaghihintay ang aking mga bisita" Tugon ko sa kanya at ngumiti ng malaki.
Natawa naman sya sa sagot ko at nagbow bago umalis.

Dali-dali akong pumunta sa harap ng salamin at nag-ayos ng aking mukha. Pinapula ko ang aking labi at inayos ang aking kilay. Syempre, kilay is life ako nung 2018 eh. Hahaha
Nagpunta ako sa kabinet at pumili ng magandang baro't sayo. Syempre yung kulay pink para bagay sa suot kong bracelet ngayon.

Pagkatapos ay bumaba ako. Medyo kinakabahan na naman ako.
Teka... Baka ma-mental block na naman ako pag nakausap ko sya. Baka makita ko na naman ang kanyang dimples at mawala na naman ako sa sarili. Waaaaaah!

Kailangan pag nag-usap ulit kami, hindi na yung obvious. Dapat hindi niya mahalata na may gusto ako sa kanya. At tsaka baka mag expect sya, hindi naman ako ang gagawa ng first move. Duh

Nasa hagdan na ako at papalapit na ako sa sala. At habang ako ay humahakbang pababa ay hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman ko sa tuwing magkikita kami ni Mateo. Ang alam ko crush ko lang sya at yun lang yun. Pero ewan ko pa rin, taksil rin tong puso ko e. Akala ko crush lang tapos yun naman pala, mahal na.
Saka ko na lang mamahalin si Mateo kapag sigurado na akong mahal nya din ako. Ugh!

Nasa baba na ako at napatingin ako doon sa nakaupo.
Natigilan na lang ako ng marealize na hindi pala iyon si Mateo. Si Graciana pala iyon na kapatid ni Mateo Benedicto. Hays! Nag expect na naman ako. Pero ayos lang, sanay na akong umasa at paasahin.
Nagkakilala kami ni Graciana noong birthday ni Helena at naging magaan agad ang loob ko sa kanya. Pero ano kayang ginagawa nya dito?

"Magandang umaga Angelita!" Masayang bati sa akin ni Graciana at napatayo siya mula mula sa kanyang kinauupuan. Napaka masiyahin niya talaga, kaya siguro madali kaming naging magkasundo.

"Magandang umaga rin!" Tugon ko sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
Halatang miss na miss na talaga nya ako. Matagal na kasi nung huli kaming nagkita, at aminado ako na medyo miss ko na din sya.

"Angelita? Maaari mo ba akong samahan sa pansitan ni Ka Victoria?" Tanong nya sa akin at ang sweet ng boses nya ngayon. Haha nagpapacute sya.

"Bakit naman? Anong meron doon?" Tanong ko sa kanya habang magkayakap pa rin kami.

"Wala akong magawa sa bahay, kung kaya't naisipan kong yayain ka na lang na kumain" Tugon nya sa akin.

"Balita ko'y masarap ang pansit na luto ni Ka Victoria" Patuloy pa nya at umalis na mula sa pagkakayap sa akin.

"Ganoon ba? Paano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya at dahil doon ay napakamot sya sa kanyang ulo.

"May nagsabi lamang sa akin" Tugon nya at ngumiti.
So paano nya nasabing masarap e may nagsabi lang pala? Hindi pa naman nya natitikman e.

"Naniniwala ka ba sa nagsabi noon?" Tanong ko sa kanya. Haha ewan ko ba, pero ang weird. Siguro kapatid nya or bestfriend nya kaya paniwalang paniwala sya.

"Oo naman, dahil siyay manliligaw ko" Tugon nya sa akin at nagtaklob ng kanyang mukha dahil sa kilig. Napansin ko naman ang pamumula ng kanyang pisngi at dahil doon ay natawa na rin ako. Haha obvious na obvious pala talaga kapag kinikilig ang mga babae noong unang panahon.
Ngayon, alam ko na kung ano ang purpose ng pamaypay na hawak hawak palagi nila. Yun pala ay para pantaklob sa kanilang mukha pag kinikilig. Hahahaha

"Kung gayon ay tara na doon sa sinasabing pansitan ng manliligaw mo" Masayang tugon ko sa kanya at sabay kaming lumabas habang nakaakbay sya sa akin.
Napansin ko naman ang isang kalesang kulay brown na may design na mga bulaklak na naghihintay doon sa labas.

Wow naman, ang yayaman naman ng kaibigan ko dito. Noong una, sinundo ako ni Alberto at may dala rin siyang kanyang sariling kalesa. Tapos ngayon  naman ay si Graciana na may sarili ding kalesa.
Natatandaan ko yung sinabi sa akin ni ina na ang pamilya nina Graciana ay ang pangalawa sa pinakamayaman dito sa San Luis. Ang pamilya rin pala nila ang may-ari ng lupain ng maraming puno ng mangga. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit mayaman sila.
Pero sana sa susunod si ano naman yung sumundo sa'ken.
Si ano... si kwan.

Si Mateo. Hahaha

Hindi naman masamang mag-expect diba? Kahit naman imposible, umaasa pa rin tayo na sana pwede.
Imposible naman na sunduin nya ako dito dahil wala lang naman siguro ako sa kanya. Magkaibigan lang kami.

"Napakasarap nga ng Pansit dito!" Mahinang sigaw ni Graciana at ganadong ganado na sya sa pagkain.
Narito na kami sa Pansitan ni Ka Victoria at kararating lang namin.
Ang pansitan palang ito ay bagong tayo lamang at malapit doon sa daungan ng barko.
Napasilip ako doon sa may bintana at nakita ko ang asul na asul na dagat. Sobrang napakalinis talaga. As in!

"Tama nga ang sinabi ng iyong manliligaw, napakasarap nga dito" sagot ko sa kanya, kasi ang sarap naman talaga.

"Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kong hindi niya kayang magsinungaling sa akin" Nakangiting tugon nya sa akin. Buti pa sya, may nanliligaw na sa kanya. Tapos ako naman wala, hays. Lord! Si Mateo na lang please.

"Teka? Sino ba ang maswerteng Ginoong iyan?" Tanong ko sa kanya.

"Maaari bang ilarawan ko muna siya?" Tugon nya sa akin at napataklob na ng mukha dahil sa kilig. Hahaha medyo natawa naman ako sa kanya kasi parang bata.

"Sige, mas maganda kung ilalarawan mo na muna. Para kahit hindi ko pa sya nakikita ay may ideya na agad ako kung anong itsura nya" Sagot ko sa kanya sabay subo ng pansit.
Napansin ko naman si Graciana na tumingin muna sa ulap bago magsalita.

"Mabait siya, matangkad, matangos ang ilong, matipuno, makisig at matalino" At parang bata na sya dito na hindi maitago ang kilig. Napapapadyak na ang paa nya hahahaha

"At ang pinakapaborito ko ay ang kanyang dalawang malalalim na biloy" Patuloy pa nya.
Naalala ko tuloy si Mateo. Haha parehas kami ni Graciana, favorite naming dalawa ang dimples. Waaaah!

"Matalino na, mabait pa? Napakaswerte mo naman doon" Biro ko sa kanya. Hahaha pero totoo naman eh, ang swerte nya. Madami syang matututunan sa lalaking iyon. Katulad na lang ni Mateo, napakatalino nya at ang dami kong natututunan sa kanya. Kaya wala akong sinasayang na pagkakataon pag kasama ko siya.

"Gusto mo na malaman ang kaniyang pangalan?" Tanong nya sa akin.
Umo-o na lang ako sa kanya at ngumiti, medyo kinikilig na rin ako dahil parehas kami ni Graciana ng taste hahaha

"Ang kanyang ngalan ay Mateo" Confident na sagot nya. Natigilan naman ako kasi parehas din ang pangalan. Yung crush ko, Mateo ang pangalan, tapos yung sa kanya, Mateo din. Hahaha ang galing.

"Anong kanyang buong pangalan?" Tanong ko sa kanya.

"Ang buong pangalan niya ay...
Mateo Lorenzo" tugon nya at dahil dun ay parang tumigil ang ikot ng aking mundo. Jusko sana naman ibang Mateo Lorenzo yun. Sana kapangalan at ka surname lang ni Mateo ko!

"Mateo Lorenzo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo Angelita, yung panganay na anak ni Gobernador Lorenzo" Tugon nya sa akin. WHAAAAAAT?! So ang tinutukoy pala ni Graciana na nanliligaw sa kanya ay yung Mateo ko.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Hays, ang hirap talagang umasa lalo na't alam mong walang kasiguraduhan.
Pero siguro kaya ako nasasaktan dahil nag expect ako. Sa tingin koy gusto lang nya akong maging kaibigan. Hays. Ang sakit talaga.
Ngumiti na lang ako sa kanya at kunwari hindi ako affected. KUNWARI LANG.

"Alam mo ba Angelita, nagpunta kami kahapon sa lupain ng mga rosas. Sinabi niya sa akin na sa lugar na iyon daw nya dadalhin ang babaeng kanyang pakakasalan" Tugon nya sa akin. At dun na talaga ako nakaramdam ng sakit. Parang namamanhid ang katawan ko dahil sa mga nalalaman ko.
Ewan ko ba pero parang naluluha na ako ngayon.
Ang sakit sa feeling na pinipilit mong ngumiti para lang mapigilan ang luhang gusto nang bumagsak.

"Mabuti kung ganoon" sagot ko na lang sa kanya, kahit ang totoo ay hindi naman talaga mabuti para sa akin. Sobrang nasasaktan talaga ako ngayon.
Kaya pala hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakagawa ng paraan para magkita kami, yun ay dahil may iba syang pinagkakaabalahan. At ang masaklap pa niyon ay kaibigan ko pa.

"At saka malapit ko na siyang sagutin" tugon nya sa akin at napataklob na naman ng kanyang mukha sa kilig. Habang ako naman ay naiiyak na dito. At ang puso koy durog na durog na.
Gusto ko na umuwi, hindi ko na kaya marinig ang mga salitang iyan. Huhuhu #FeelingBetrayed

"Masakit na ang aking ulo, kailangan ko nang umuwi" Sagot ko na lang sa kanya. Hindi ko na kayang tiisin yung mga sinasabi nya.

"Ayos ka lang ba? Ihahatid na kita Angelita" Sagot nya sa akin.
Umiling iling na lang ako at sinabing hindi dahil baka magkwento na naman sya habang nasa byahe kami.

Nagsimula na ako maglakad papalayo sa kanya at hindi ko na sya nilingon. Pinakamasakit sa lahat ay yung hindi mo maamin sa isang tao na nasasaktan ka na sa mga ginagawa nya. Na hindi nya alam na nagseselos ka na pala. Wala kang ibang magawa kundi manahimik na lang dahil ayaw mong makasira ng relasyon.
Balak ko pa naman na ibigay yung isang bracelet sa kanya para parehas kami. Kaso wag na lang, may iba na sya.

Siguro naman, hindi na ako magkakamali. Hindi katulad ng dati na akala ko'y si Mateo ay ikakasal na. Malinaw na malinaw sa akin na ang nanliligaw kay Graciana ay si Mateo Lorenzo na panganay na anak ni Gobernador Lorenzo.
Si Mateo Lorenzo na hinihiling kong mapasaakin.
Si Mateo na siyang nagbibigay ng mga ngiti sa aking labi.

Nandito na ako sa aking kwarto at nakahiga sa kama. Parang nanghihina talaga ako dahil sa nangyari.
Wag kayong gagaya saken ha. Umarte kayo ng naaayon sa estado ng relationship. Mamaya selos ka ng selos, friend ka lang pala.

Hays bahala na nga! Siguro magkaibigan nga lang talaga kami. Hindi ako magiging bitter at tatanggapin ko na lang ang masakit na katotohanan.
Hindi lang naman sya ang lalaki dito sa mundong ito kaya ayos lang sa akin.

Tumayo ako at kinuha yung upuan, pagmamasdan ko na lang ulit yung lawa ng perlas kesa naman sa magmukmok ako dito.
Alam nyo ba na kapag madami akong iniisip. Pumupunta ako sa bintana at tinatanaw ang lawa ng perlas.
Kasi everytime na tinatanaw ko yun, sandali kong nakakalimutan ang problema ko. Eh sino ba naman ang hindi mabibighani sa ganda at linis ng lawang iyon? Na kumikinang lalo na kapag nasisinagan ng araw. Napakagandang pagmasdan talaga.
Makikita mo ang mga puno na animoy sumasayaw dahil sa hangin, at makikita mo rin ang mga ibon na nagpapahinga sa mga sanga ng puno at masiglang humuhuni.
Sa ngayon ay hindi na muna ako mag-iisip ng nakaka stress. I-enjoy ko na lang ang magagandang view na ito na bihira nang makikita sa 2018.

"Binibining Angelita! Binibining Angelita!" Nagulat ako ng biglang pumasok si Cristeta sa aking kwarto. Namumutla sya at bakas sa mga mata nya ang matinding takot.

"B-bakit? M-may problema ba?" Gulat na tugon ko sa kanya.

"S-si A-lmira po!" Sigaw nya at parang maiiyak na sya ngayon.
"A-anong nangyari kay Almira?" Nag-aalalang tanong ko kay Cristeta. Halatang halata kasi sa mga mata nya na may kung anong masama ang nangyari. Tsk! Napatingin ako sa kamay ni Cristeta na hindi mapakali at nanginginig.

"N-nagtangkang magpakamatay ang binibini!" Sagot ni Cristeta at dahil doon ay napatayo ako mula sa kinauupuan ko.
Tsk Almira! Ano bang mga pinag gagawa mo!
Hindi naman ako nakaimik agad dahil sa matinding kaba.
Lumabas ako ng aking kwarto at dirediretsong nagtungo sa kwarto ni Almira.

Pagkarating ko sa kwarto ay nakita ko na nakahandusay sa sahig si Almira.
Napatingin ako sa kanyang damit na may kaunting patak ng dugo at doon ay nagsimula ng pumatak ang aking mga luha.
Lumapit ako doon at niyakap siya. Ewan ko ba, pero kahit wala pang isang buwan kaming magkasama ay talaga napakasakit na sa'ken. Napakamasiyahin nyang tao.

Ang ipinagtataka ko lang, ay kung anong problema nya at bakit nagawa ang  bagay na iyon.
Napatingin ako sa paligid at napaka dilim ng kwarto nya. Saradong sarado ang bintana at sobrang init dito.
Sa itsura pa lang ng kwarto nya ay mahahalata mong may problema talaga sya.
Siguro'y mahinang magdala ng problema si Almira. Ngayon ay naniniwala na talaga ako na kung sino pa yung masiyahin sila pa yung may mga matinding pinagdadaanan na problema. Naalala ko pa nung una kaming magkita, nagpapacute sya saken para pumayag ako sa gusto nya. Hindi ko nahalata na sa kabila ng mga ngiti niyang iyon ay may lungkot na bumabalot sa kanyang puso.

Ibinalik ko ang mga mata ko sa nakahandusay na katawan ni Almira. Tumingin ako sa kanyang mga mata at doon ay talagang nasaktan ako.
Maya-maya pa'y dumating na sina Ama, Ina, at si Ate Antonia.
Napatingin ako doon sa hawak ni ama at napagtanto na iyon pala ay lason.
"Diyos ko! Almira!" Sigaw ni ama at umiiyak na sya ngayon habang nakayakap kay Almira.
Si ina naman at ate Antonia ay magkayakap at umiiyak rin. Habang ako naman ay hindi makagalaw at parang namamanhid ang aking buong katawan.
Napatingin ako doon sa kamay nya na puno ng dugo at narealize kong naglaslas sya!

Sobrang daming dugo ang lumalabas at talagang nagpanic na ang lahat ng dahil doon. Walang malay si Almira at pilit na ginigising ni ama. Sobrang nag-aalala kaming lahat at di na maawat ang aming mga mata sa pag-iyak.
Maya-maya pa'y dumating na si Lola Anusencion na ipinatawag pala ni ina kanina, at ipinasundo sa aming kutsero na si Mang Rudel.

Napatingin ako kay Lola Anusencion na ngayon ay halatang nag-aalala dahil sa kalagayan ni Almira. Wala syang malay at hindi namin alam kung anong mangyayari sa kanya.
First time ko lang makakita ng nagpakamatay at ang masaklap ay si Almira pa. Ang kapatid ko sa panahong ito.
Napakabata pa nya para dun at wala akong maisip na dahilan kung bakit sya uminom ng lason at naglaslas.

Naaalala ko pa nung nakausap ko sya at sinabing masaya sya dahil magkasundo na kami. Na masaya sya dahil hindi ko na sya sinusungitan.
Actually masaya naman talaga ako na kasama sya kaso iba ako sa dating Angelita.
Magkasundo kami ni Almira lalo na sa mga lalaki na nagpapatibok ng aming puso. Napaka masiyahin niyang tao at sa pagkakaalam ko'y wala talaga siyang problema.
Pero kung meron man, sana nagsabi siya sa akin. Handa naman akong makinig bilang nakatatandang kapatid niya. Minahal ko si Almira hindi bilang si Angelita, kundi bilang totoong ako. Hindi ko sya tunay na kapatid pero kapatid na ang turing ko sa kanya.

Isang oras na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin bumababa si Lola Anusencion galing sa kwarto ni Almira. Narito ako ngayon sa may hapag-kainan at gusto ko munang mapag-isa.
Bakit nangyayari ang mga ito? Nakasulat ba ito sa tadhana? O nangyayari ang mga bagay na ito dahil sa kagagawan ko, dahil sa pagiging careless ko at nabago ang tadhana.
Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako, siguro ito ang kapalit nung gabing masaya kami ni Mateo.
Sa tuwing nagiging masaya ako, may masakit na mga bagay ang kapalit at siguro ay ito na yun.
Naguguluhan talaga ako at hindi pa rin maalis sa aking puso ang labis na kaba dahil ayokong mamatayan ng kapatid.
Napatingin ako doon sa may hagdan at nakita si... Lola Anusencion, na naging dahilan para mas lalo akong kabahan.
Lumapit sya sa akin at hinagpos ang aking likod.

"L-lola A-anusencion, kamusta po si A-almira?" Tanong ko sa kanya at talagang nanginginig na ako.
Mas lalo syang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Huwag ka nang mag-alala Angelita, maayos na sya" Tugon nya sa akin.

"A-ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ko sa kanya at kinakabahan pa rin ako.
Umalis naman sya mula pagkakayap sa akin at ngayon ay hawak na ang dalawa kong braso.

"Hindi lason ang nainom ni Almira kundi pampatulog lamang" sagot nya sa akin at dahil doon ay nabawasan ng konti ang kaba ko.

"Paano nyo po nasabi na hindi lason ang kanyang nainom?" Tanong ko sa kanya.

"Sapagkat wala akong nakikitang sintomas ng pagkalason" Tugon nya sa akin.
Pero nakita ko yung hawak ni ama kanina. Lason talaga yun!

"A-no po bang sintomas ng pagkalason Lola Anusencion?" Tanong ko ulit sa kanya dahil hanggan ngayon ay hindi pa rin ako satisfied sa mga sagot nya.

"Pinakauna na ang walang tigil na pagsusuka ng dugo at kahirapan sa paghinga" Sagot nya sa akin. Sa bagay, wala naman akong nakitang madaming dugo.
Pero teka... Naglaslas si Almira! Siguro ah hindi iyon nakita ni Lola Anusencion.

"Lola, naglaslas din po si Almira" Paalala ko sa kanya dahil siguro ay hindi nya yun napansin.
Napangiti naman si Lola Anusencion at hinagpos ang aking likod.

"Huwag ka nang mag-alala Angelita, mababaw lamang kanyang sugat, at walang naapektuhan na ugat. Napakabait mo talagang bata Angelita, kahit na nawalan ka na ng ala-ala ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal at pag-aalala mo para sa iyong kapatid" Sagot nya sa akin at dahil doon ay talagang nakahinga na ako ng maluwag. Akala ko'y mawawalan na akong kapatid sa panahong ito.
"Mahal ko po ang aking kapatid Lola, ayokong mawala sya" tugon ko sa kanya. 
"Naalala ko yung sinabi mo sa akin noon na gusto mong matuto na manggamot. Gustong gusto mong matuto para sa mga sitwasyon na katulad nito, kung kaya't kahit nawala ang iyong alaala ay tuturuan pa rin kita" Dagdag pa nya.
Umo-o na lang ako at sinabing magpapaturo sa kanya, kahit na hindi naman talaga ako si Angelita na nakausap nya dati.
At tsaka magagamit ko rin yung matututunan ko, kung sakaling maulit yung nangyari kay Almira.

"Ang ituturo ko sa iyo Angelita ay ang paraan kung paano mas mabilis na mapahinto ang pagdurugo ng sugat" Patuloy pa nya.
Nandito kami ngayon sa kusina at may isang maliit na lamesa sa harap namin. Sa bandang kaliwa ko ay napansin ko ang dahon ng saging.
Siguro gagamitin namin yun ni Lola Anusencion.

"Kaya ko po bang gawin ang paraan na iyon kahit saan?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman, basta't may mga kasangkapan sa paligid" Sagot nya at dahil doon ay napaisip ako.
Parang gusto ko na nagdoktor! Hahaha charot

"Sige po Lola Anusencion, turuan nyo na po ako" Tugon ko sa kanya at nagsimula na kami.
Kinuha nya yung isang parang bowl na gawa sa bao ng niyog.

"Magdikdik ng murang dahon ng saging hanggang maging malambot at makatas" Panimula nya.
Sabi ko na nga ba eh, kailangan namin yung dahon ng saging na iyon. Napansin ko naman na iniligay na nya yung dahon sa bowl at sinimulan nang dikdikin.

"Pagkatapos ay patakan ng katas ang sugat. Ilapat ng may pagdiin ang dinikdik na dahon sa sugat at bendahan" Dagdag pa nya.
Grabe. Ngayon ko lang nalaman na pwede pala gamitin ang dahon ng saging para sa sugat.

"Pero paano kung hindi pa rin po tumigil ang pagdurugo ng sugat?" Tanong ko naman sa kanya at dahil doon ay napangiti sya.
"Kung ang pagdurugo ng sugat ay hindi pa rin tumitigil pagkaraan ng labing limang minuto, dalhin na ang pasyente sa ospital para sa nararapat na lunas" Sagot nya sa akin.
Napakagaling niya sigurong doktor noon. Siguradong siguro siya sa mga sinasagot nya at halatang sanay na sanay sya sa panggagamot.
Buti na lamang at nariyan siya para sa amin.

"Masaya po ako dahil ibinahagi nyo sa akin ang paraan na iyan" Masayang sabi ko sa kanya at ngumiti.
Napansin ko naman na napangiti sya lalo dahil sa sinabi ko.

"Mas nagagalak ako sapagkat ika'y nasa piling ko ngayon" Tugon nya sa akin.
"Buong akala ko'y hindi na kita muling makakasama noong araw na naaksidente ka patungong San Alfonso" Dagdag pa ni Lola Anusencion at niyakap ako ulit.
Sa kanyang mga yakap ay ramdam na ramdam kong mahal na mahal nya ako.
"Huwag po kayong mag-alala Lola Anusencion, hindi ko po kayo iiwan" sagot ko sa kanya at medyo naluluha na ako ngayon. Naramdaman ko naman na mas lalong humigpit ang pagkakayap nya sa akin.
"Sana nga aking apo" Tugon nya sa akin at parang nakaramdam ako ng kirot ng marinig sa kanya ang salitang apo.
Naramdaman ko naman na umalis na sya mula sa pagkakayakap sa akin ag tumingin sa aking mga mata.
"Mahal kita aking apo" Dagdag pa nya at napansin ko na nagsisimula ng pumatak ang kanyang mga luha. Kahit na hindi ako ang totoong Angelita at kahit na bago ko pa lang syang nakita ay ramdam kong totoong mahal nya talaga ako.

"Mahal ko rin po kayo Lola. Wag na po kayo umiyak" Tugon ko na lang sa kanya.
Hindi ko naramdaman na magkalola nung nasa 2018 ako dahil maaga silang binawian ng buhay. Hindi ko na sila naabutan. Kaya masaya ako ngayon dahil sa pagkakataong ito ay naramdaman ko ang pagmamahal ng isang lola. Nagpapasalamat ako sa kanya, at iingatan ko sya.
Nakita ko naman na pinunasan na ni Lola Anusencion ang kanyang nga luha at napatingin doon sa orasan na nakasabit sa taas ng bintana.

"A-angelita, apo. Kailangan ko nang umalis sapagkat marami pa akong gagawin. Puntahan mo na lang muna si Almira at kamustahin ang kanyang kalagayan. Batid kong labis kang nag-aalala sa kanya" Tugon nya sa akin at niyakap akong muli.
"O-opo Lola" Sagot ko na lang sa kanya dahil hindi ko na alam ang aking sasabihin sa mga oras na ito. Gustong gusto kong sumigaw at umiyak ng malakas.
"Huwag mong kakalimutan na humingi ng gabay sa Panginoon palagi ha" Tugon nya sa akin.
Nagpaalam na sya at napansin ko ang kalesa namin na naghihintay sa labas.
'Maraming Salamat sa lahat Lola' bulong ko sa sarili ko at naiiyak na ako.

Paakyat na ako sa papunta sa kwarto ni Almira ng maalala ko yung isang bracelet na dapat ay ibibigay ko kay Mateo.
Mas deserving naman si Lola kaya sa kanya ko na lang ibibigay, bilang tanda na walang makakapaghiwalay sa amin. At kahit na magkalayo kami ay maaalala nya ako sa papamagitan ng bracelet na yun.
Bumalik ako sa kusina at tumakbo papunta sa labas. Naabutan ko naman si Mang Rudel na ngayon ay inaalalayan si Lola Anusencion sa pag akyat sa kalesa.

"Lola! Sandali!" Sigaw ko sa kanila at dahil doon ay napalingon sila sa akin.
"B-bakit Angelita?" Gulat na tanong sa akin ni Lola Anusencion.
"May ibibigay lang po ako sa inyo Lola" sagot ko sa kanya sabay kuha sa bracelet na nasa bulsa ko.
Iniabot ko iyon kay Lola Anusencion at napansin kong medyo naweirduhan sya.

"P-para saan ito?" Tanong nya sa akin at dahil doon ay napangiti ako.
"Iyan po ang tanda na hindi ko kayo iiwan" Tugon ko sa kanya.
Napalitan naman ng ngiti ang mukha ni Lola Anusencion at dahil doon ay gumaan na ang aking loob.
Masaya ako dahil sa wakas ay napangiti ko na sya.

Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa loob ay diretsong nagtungo sa kwarto ni Almira.
Pagpasok ko ay nakita kong nakahiga na sya sa kama. May benda na ang bahagi ng kamay nya na may laslas at mukhang nasa maayos na syang kalagayan.
Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang inosente nyang mukha. Sa itsura nya ay di mo mahahalata na kaya pala nyang gawin na magpakamatay.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at nagulat ng biglang iminulat nya ang kanyang mata.
"A-ate Angelita" mahinang sabi nya sa akin. Mas lalo naman akong lumapit sa kanya at niyakap sya. Ang saya ko dahil may malay na sya.
"Sobrang nag-alala talaga ako sayo Almira" tugon ko sa kanya.
"P-pasensya na a-ate Angelita" Sagot nya sa akin at medyo nauutal pa rin sya.
Pero teka, bakit nya ba ginawa yun? Anong problema nya?

Umalis ako mula sa pagkakayap nya at tumingin sa kanya ng seryoso.
"Bakit mo ba kasi ginawa iyon Almira?" Tanong ko sa kanya at napansin kong napapikit naman si Almira.

"A-ano kasi... Basta. Nahihiya akong sabihin ate Angelita" Sagot naman nya sa akin. Hays bakit kasi ayaw nya magsabi. Bakit nahihiya sya.
"Huwag ka nang mahiya Almira. Handa akong makinig sayo"
At nginitian ko sya ng sincere na ngiti. Gusto kong magtiwala pa sya lalo saken dahil kaming dalawa lang ang talagang nagkakaintindihan.

"Natatandaan mo ba ate Angelita yung Ginoong aking lihim na iniibig? Nakausap ko sya noong kaarawan ni Gobernador Lorenzo at may inamin sya sa akin" panimula nya at dahil doon ay napaisip ako.
Dahil pala sa isang lalaki kaya nagawa ni Almira ang magpakamatay.
Nagawa nya iyon dahil nalason na ng pag-ibig ang utak nya.

"Inamin niya sa akin na hindi niya ako kayang mahalin pabalik. Mas makabubuti na lang daw kung titigilan ko na siya." Dagdag pa nya at napansin kong naluluha na sya ngayon. Habang ako naman ay nasaktan din dahil naalala ko yung sa amin ni Mateo.
Hindi nya ako kayang mahalin pabalik dahil may minamahal na syang iba.

"Sino ba kasi ang lalaking iyon?" Tanong ko sa kanya. Dahil hanggang ngayon ay talaga hindi ko pa rin kilala ang Ginoong iyon.
"Si Karlos, ang bunsong anak ni Gobernador Lorenzo" Sagot nya at dahil doon ay natigilan ako.
Si Karlos? Yung kapatid ni Mateo?! Tsk! Manang mana talaga sya sa kuya nya.
Ngayon ay naiintindihan ko na si Almira dahil parehas kami ng pinagdadaanan ngayon. Alam kong minahal nya talaga si Karlos dahil isa ako sa naging  saksi sa mga tuwa at ngiti niya habang patuloy na iniibig ng sikreto si Karlos.

Unti-unting nadurog muli ang aking puso habang inaalala ang masasayang ala-ala namin ni Almira. Noong hindi pa sya ganto. Matatagalan pa sya bago maka move on, at sa tingin ko'y ganoon din ako.
Wala na akong ibang magawa kundi yakapin na lang sya ulit.
Sinabi nya sa akin na doon na lang daw ako matulog sa tabi nya dahil kailangan nya ng karamay.

Tumabi ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit bago matulog. Kahit hindi ko sya nakikita at nakatalikod sya sa akin, ay sigurado akong umiiyak sya dahil naririnig ko ang kanyang pagsinghot.
'Goodnight Almira, sana paggising mo, nabawasan na ang sakit na iyong nararamdaman' Bulong ko kay Almira at nagsimula ng matulog.

***

Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Nagising ako dahil sa sakit na naramdaman ko. Tsk inaatake na naman ako vertigo ko.

Napatingin ako doon sa orasan na nakasabit sa taas ng pinto at napagtanto kong alas-singko na pala ng madaling araw.
Bumangon na ako at binuksan ang bintana sa kwarto ni Almira. Hindi pa naman masyadong maliwanag kaya hindi sya magigising.
At tsaka para pumasok naman yung biyaya at goodvibes.
Pagkabukas ko ng bintana ay napansin ko agad ang lawa ng perlas na ngayon ay kukay dark blue. Pero kahit ganun ay kumikininang pa din dahil sa liwanag ng buwan na nagrereflect sa lawa.
Sobrang ganda talaga!
Siguro mas marerelax at marerefresh ang utak ko, kung pagmamasdan ko ang lawa ng malapitan.
At tsaka okay lang din siguro kung tumambay ako doon, sure akong walang mangyayaring masama saken dun dahil sa dami ng mga Guardia Personal na nagbabantay sa buong Hacienda.

Nandito na ako ngayon sa labas at ramdam na ramdam ko ang mga damo na basang basa dahil sa hamog. Inalis ko ang tsinelas na suot ko at naglakad sa basang damo patungo sa lawa. Napakasarap sa pakiramdam, para kang naglalaro sa tubig.

May nakita akong puno na sobrang lapit lang sa lawa, doon muna ako tatambay hanggang sa sumikat ang araw. Tumakbo ako na parang bata at papunta doon sa punong iyon at nagulat ng makita ang isang lalaki na nakaupo at nakasandal.
Marahil ay gaya ko, mas nakakapag relax din sya kapag nakatingin sa lawa ng perlas.

Lumapit ako doon sa lalaki at natigilan ng marealize na yun pala ay si... Alberto.

"B-binibining Angelita, ikaw pala iyan. Anong ginagawa mo rito?" Gulat na bati sa akin ni Alberto at napansin kong may hawak syang sariwang bulaklak ng rosas at sa tabi noon ay may plastik.

"Gusto ko lang pagmasdan ng malapitan ang lawa ng perlas" Sagot ko sa kanya.

"Nais ko sanang sorpresahin ka Angelita. Ngunit naunahan mo na ako" Sagot nya. Tumayo naman sya at iniabot sa akin ang hawak nyang rose.
"Ganoon ba? Pasensya na" Sagot ko na lang sa kanya.
"Wala iyon Angelita. Oo nga pala, may dala rin akong biko" Sabay abot sa akin noong plastik.
Biko pala ang laman noon.
"Sa iyo na lang iyan. Maraming salamat" Sagot ko na lang sa kanya. Simula bata pa lang ako, ay talagang hindi na ako kumakain ng biko. Ewan ko ba, pero hindi ko gusto ang lasa nun.

"B-bakit Angelita? Hindi ba't paborito natin ito?" Nagtatakang tanong nya sa akin. Hays. Ang kulit naman nya eh.
"Nawala ang aking ala-ala diba?" Sagot ko sa kanya. Napansin ko naman na natigilan sya dahil sa aking sinabi. Iniwas nya ang tingin sa akin at muling tinanaw ang lawa ng perlas.

"Kung gayon, ay nararapat lamang na maging paborito mo ito" Narinig kong nagsalita si Alberto habang nakatanaw pa rin sa lawa ng perlas.
Teka, kailangan ko daw maging paborito yun? Luh.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya dahil naweweirduhan na ako.

"Sapagkat ito'y paborito ko. Malapit mo na akong sagutin at dapat ang paborito ko'y paborito mo rin"
Sagot nya sa akin. Teka... Pinangungunahan ba ako ng lalaking 'to? Or ganun talaga ang lalaki at babae noong sinaunang panahon? Hays! Dapat kasi nakikinig ako sa History Teacher namin eh! Yan tuloy hindi ko alam ang gagawin ko.
Wala na akong ibang nagawa kundi umo-o na lang. Sinabi kong maya-maya ko na iyon kakain, kahit ang totoo ay hindi talaga ako kumakain noon. Tsk! Bat kasi under ng mga lalaki ang babae noong unang panahon.

"Angelita? May tanong ako sa iyo" Pagbasag ni Alberto sa katahimikan. Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin din saken ngayon.
"Maari ba kitang halikan?" Tanong sa akin ni Alberto. Wait what?! Halikan?! Nagulat ako sa tanong nya at dahil doon ay natigilan ako. Hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong nya. Waaaah!
"Malapit mo na akong sagutin at malapit na kitang maging nobya. Alam kong pwede na nating gawin ito" Patuloy pa nya at dahil doon ay nanginig na ako. Kinabahan ako dahil first time ko lang magkaka ganto!

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng biglang hinawakan nya ang aking pisngi at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Tumayo na ako dahil ayokong magpahalik sa kanya!
Napansin ko naman na tumayo din sya.

Lumapit pa sya lalo sa akin at dahil doon ay napaatras ako.

Patuloy ang paghakbang nya palalapit sa akin, hanggang sa marealize ko na nasa likod ko na pala ay puno. Shit! Wala na akong maatrasan!

"Pakiusap Alberto, huwag muna ngayon" Sabi ko na lang sa kanya at nanginginig na talaga ako.
"Isang halik lamang Angelita" Sagot nya at hinawakang muli ang aking pisngi. Hindi ako makagalaw. Parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam ang aking gagawin.

Sobrang lapit na ng mukha nya sa akin ngayon, at ilang segundo na lang ay mahahalikan na nya ako.
Nang biglang...

"Binibining Angelita!" May narinig akong sigaw mula sa di kalayuan at dahil doon ay gulat na lumayo sa akin si Alberto.
Naptingin ako doon sa sumigaw at narealize kong si Cristeta pala iyon.
Jusko! Buti na lang at dumating sya!

Tumakbo ako papalapit sa kanya dahil sa matinding takot. Hinila ko sya papasok ng mansyon at hindi ko na nilingon pa si Alberto. Bwisit sya!

"Binibining Angelita?" Narinig kong nagsalita si Cristeta at dahil doon ay natauhan na talaga ako. Hanggang ngayon kasi ay tulala pa din ako dahil sa tagpo namin ni Alberto kanina.

Narito na kami ngayon sa aking kwarto at nakaupo sa aking kama.
"B-bakit?" Yun na lang nasabi ko sa kanya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon.

Napansin ko naman na may kinuha sya sa bulsa nya.
Iniabot nya iyon sa akin at narealize kong sobre pala iyon.
"Liham po iyan galing kay Padre Cabrestante" sagot nya sa akin.

Padre Cabrestante? Sino naman kaya yun?
Binuksan ko na yung sulat at binasa ito...

"Magandang araw Binibining Angelita Anastacio. Nais kong ipabatid sa iyo na ang paligsahan sa pagguhit ay gaganapin na sa kabilang Linggo, sa simbahan ng San Luis. Inaasahan naming lahat na ikaw ay makakasali"

Oo nga pala, magaling si Angelita mag-drawing. Tsk! Paano na ako neto?!
"Marahil ay hindi po alam ng Padre na ikaw ay nawalan ng ala-ala" Sabi ni Cristeta.
Oo nga, siguro hindi nya alam kaya nagpadala sya ng sulat. Hays sayang naman, isang malaking oppurtunity to para sa totoong Angelita.
Umo-o na lang ako sa kanya at itinago ang sulat.

"Tara na po binibini sa hapag-kainan. Kailangan nyo na po kumain" Narinig kong nagsalita ulit si Cristeta.
Hays nakaka stress talaga ang buhay ko dito! Sana naman wala nang kasunod yung nangyari sa amin ni Alberto kanina. Ayoko nang maulit yun. Jusko

Sumama ako kay Cristeta pababa at napansin ko si Kuya Antonio na nakaupo doon sa may upuan.
"Magandang umaga Angelita!" Masayang bati nya sa akin. Hays isa pa tong si kuya. Pag titripan na naman siguro ako.
Hindi na lang ako nagsalita at umupo doon sa pinakadulo para magkalayo kami ni Kuya.

Teka nasaan na yung pagkain? Akala ko ba breakfast na pero wala naman nakahain? Niloloko ba nila ako?
Lumingon lingon ako sa paligid at napansin ko si Cristeta na medyo tumatawa na.
Tsk! Kuya Antonio! Anong kalokohan na naman ang gagawin mo?! Nako wala ako sa mood ngayon ha. Baka masapak kita.

"Gutom ka na ba bebegerl Angelita?" Nagulat ako ng biglang may narinig akong familliar na boses sa likuran ko.
Napalingon ako doon. Nanlaki ang mga mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marealize na yun pala ay si...

Mateo.

"A-anong ginagawa mo d-dito?" Tanong ko sa kanya. Shit! Bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko?! Hanggang magkaibigan lang kami at may nililigawan na sya!
"Sinabi sa akin ni Amigo Antonio na paborito mo raw ang adobo. Kung kaya't kahit hindi ako masyadong bihasa, ay ipinagluto kita" sagot nya sa akin at inilapag sa lamesa ang hawak nyang bowl na may lamang adobo.

Lumingon akong muli sa likuran ko at nakita si Mateo na nakangiti sa akin.
Hindi naman ako agad nakapagsalita dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.
"Ehem! Ehem!" Rinig kong saad ni kuya Antonio. Tsk!

"Nasorpresa ka ba bebegerl?" Tanong ni Mateo sa akin at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig na naman mula sa kanya ang salitang bebegerl. Kailangan kong panindigan to!

"Oo! N-nasorpresa ako" Sagot ko na lang sa kanya dahil ang bilis talaga ng pintig ng puso ko ngayon.
"Kumain ka na Angelita, tikman mo ang luto ni Heneral Mateo" Narinig kong nagsalita si ate Antonia sa likuran ko.
Waaaah! Nandito rin si ate. Huhuhu

"Balita ko'y ipapasyal ka ng aking kaibigan. Tama ba ako Heneral Mateo?" Napatingin ulit ako kay Kuya Antonio at nakangiti ng nakakaloko kay Mateo.

"Ah, oo amigo. Ipapasyal ko si bebegerl" at napansin kong medyo nag-aalangan si Mateo sa kanyang sagot.

"Kung gayon ay bilisan mo na Angelita sa pagkain, baka mainip si Heneral Mateo" Pakikisali naman ulit ni ate Antonia sa usapan.
Grabe sila. Hindi na naawa saken. Pagtulungan ba naman ako. Hays

"Ayos lamang iyon, basta't para kay bebegerl kaya kong maghintay" sagot ni Mateo at nagulat ako ng tumingin sya sa akin.

Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang kilig ko. Hahaha
Napansin ko naman si ate Antonia at Almira na nasa gilid at nagtatawanan na sila.
Shit! Ano bang ginagawa mo Mateo. Pinaglalaruan mo lang ba ako?
Or, ganun lang talaga pag magkaibigan noong unang panahon?.

"Oh Angelita. Bakit hindi ka makapagsalita? Sa pagkakaalam ko'y kapag hindi makaimik ang isang binibini, ay may lihim na iyon na pagtingin sa kausap niya" Biro ni kuya Antonio at tumawa na sya.

Dahil doon ay napilitan na akong magsalita.
"Saan mo naman nalaman yun?" Tanong ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin. Buti natitiis siya ni Angelita. Nako kung pwede lang nahila ko na yung ano nyan... Yung buhok.
"Inimbento ko lamang" sagot nya at napapalo na sya sa lamesa dahil sa pagtawa. Ang korni naman nya. Ako lang yata ang hindi natatawa sa mga joke nya, kasi lahat ng nandito nagtatawanan na rin.

'Diwow' bulong ko na lang sa sarili ko at nagsimula ng kumain.
Ayokong ngumiti kahit ang totoo ay kilig na kilig na ako at sarap na sarap na ako sa luto ni Mateo. Kyaaah!

Pero bakit ganun? Hindi ba nila alam na may nililigawan na si Mateo? Bakit inaasar nila ako sa taong hindi na naman available? Tapos si Mateo, landing landi naman.
Ewan ko ba, hindi ko alam kung sila yung magulo or napapraning lang ako. Siguro ganun lang talaga kapag nakikipagkaibigan noong unang panahon. Yung pupuntahan sa bahay, at ipagluluto ng paboritong ulam. Waaaaaah!

Pero hindi na ako aasa na maglelevel up kami. Siguro lahat ng ipinapakita nya sa akin ay walang malisya sa kanya, dahil gusto nya lang talaga akong maging kaibigan.
Pero hindi ako magpapakabitter sa kanya, kahit na pakikipag kaibigan lang ang turing nya saken.
Sya pa din ang crush ko. Shunga ko diba? Hayaan nyo na, para may inspiration naman ako sa panahon na 'to. Para naman kahit papaano ay kiligin pa din ako kahit pasimple lang.

"Saan ba tayo pupunta?" Seryosong tanong ko sa kanya. Nakasakay na kami ngayon sa kalesa at magkatabi kami.
'Magkatabi kami pero may space. Conservative yung lalaki na yun eh'

"Sa lugar kung saan ko nakita at nakilala ang binibining nakakapagpasaya sa akin" Nakangiting tugon nya habang nakatanaw sa labas.
So pupunta kami sa lugar kung saan sila unang nag meet ni Graciana? Pero bakit dun? Hays.

"Bakit doon?" Tanong ko sa kanya dahil nagtataka talaga ako.
"Sapagkat mahalaga sa akin ang lugar na iyon" Sagot nya at nahurt na ako.
Hays, ang swerte naman ni Graciana, sana ako na lang sya. Sana ako yung babaeng tinutukoy nya na nakakapagpasaya sa kanya.

Umo-o na lang ako sa kanya kasi nasasaktan lang ako. Magkasama kami pero ibang babae pa rin ang nasa isip nya. Pero ayos na ito, KESA NAMAN KAY ALBERTO NA BASTOS!

Tumingin na lang ako sa labas at pinagmasdan ang magagandang tanawin. Yung mga naglalakihang puno, at sa likod noon ay mga green na green na bundok.
Sa baba niyon ay natatanaw ko ang malinis na ilog, na kitang kita ang mga bato sa ilalim dahil sa sobrang linis. Nakakagaan talaga ng pakiramdam. Sana palagi na lang akong nakikita ng mga ganto para mabawasan naman ang sakit na aking pinapasan.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita ulit si Mateo.
"Narito na tayo bebegerl"
Napatingin ako doon sa harapan at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung saan ako dinala ni Mateo.

Sa lupain na maraming puno ng mangga...

So dito nya pala nakilala si Graciana. Siguro ay palagi syang nandito dahil mahalaga sa kanya ang lugar na ito.

Bumaba na ako at hindi na ako nag paalalay sa kanya. Nagulat naman sya at natawa ng makita akong tumalon.
Hays attracted pa din ako sa dimples nya kahit nasasaktan ako!
Nagsimula na kaming maglakad lakad at narito kami sa may bungad.

"Bebegerl? Anong uri ng mangga ang naroon?" Tanong nya sa akin sabay turo ng puno ng mangga na nasa bandang kaliwa namin.
Teka...pare-parehas lang naman ang puno na nandito ah? Niloloko ba ako nito?

"Iisang uri lang naman ng puno ang narito eh" Sagot ko sa kanya at dahil doon ay natawa na naman sya.
"Tatlong uri ng puno ang narito bebegerl"

"Talaga? Isa-isahin mo nga?" Sagot ko na lang sa kanya, dahil isang uri lang ng mangga ang alam ko, at yun ay ang manggang Indian. Favorite ko yun e. Ang tamis kasi kahit hindi pa sya hinog.

"Ang pitong hilera ng punong iyon ay ang puno ng manggang kalabaw" Sabay turo doon sa mga puno na nasa bandang kaliwa namin.
"Ang nasa gawing gitna naman natin ay ang puno ng pahutan"
Pahutan? May ganun pala. Ngayon ko lang nalaman
"At ang nasa gawing iyon ay ang puno ng piko" Dagdag pa nya, sabay turo doon sa mga puno na nasa bandang kanan namin. Grabe ang talino talaga ni Mateo. Siguro yung mga sinasabi nya saken ngayon, nasabi na rin nya kay Graciana. Hays nakakalungkot lang kasi nag expect ako.

"Salamat" Yun na lang ang nasabi ko sa kanya dahil wala na naman akong gana magsalita.
"S-salamat? Para saan iyon?" Nagtatakang tanong nya sa akin.
"Salamat dahil itinuturo mo sa akin ang mga bagay na iyan" Tugon ko sa kanya at dahil doon ay napangiti na naman sya. Tsk! Nakakagigil ang DIMPOLS!
"Wala iyon bebegerl, masaya akong ginagawa ito" sagot nya sa akin.
Oo masaya syang gawin yon, pero siguro mas masaya sya kapag ginagawa nya iyon kay Graciana.
Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti bilang response.

Sandali namang tumahimik si Mateo at nagsimula na kaming maglakad lakad.
"Alam mo ba bebegerl, may maganda ring kwento at pinagmulan ang mga punong iyan" Pagbasag ni Mateo sa katahimikan habang nakatanaw ngayon sa mga puno na sobrang ganda dahil pantay pantay talaga sila.

"K-kwento?" Tanong ko sa kanya.
"Oo bebegerl, may kwento ang pinagmulan ng mga punong iyan at ibabahagi ko iyon sa iyo" sagot nya sa akin habang naglalakad pa rin kami.
Hindi masyadong mainit dito dahil ang mga sanga at dahon ng puno ang nagsisilbi naming pang sangga sa init ng araw.

"Noong araw, ang mga punong manggang tanim ni Tandang Isko ay pare-pareho lamang ang bunga. Ito'y maliliit at ang tawag dito ay pahutan" panimula ni Mateo habang nakatanaw na ngayon sa malayo.

"Matamis kapag hinog, kaya gustong-gusto ng mga bata ang pahutan.
Marami ang natutuwa kapag panahon ng pamumunga, dahil ang matandang may-ari ay hindi maramot. Minsan, may magandang dalagang sa manggahan ni Tandang Isko ay dumaan. Kusang loob na inalok ito ng mga hinog na mangga ni Tandang Isko. Sa kasiyahan ng binibini ay itinanim nito ang mga buto ng pahutan sa bukid at sa paanan ng bundok.

Agad tumubo ang dalawang buto at pagkaraan lang ng ilang araw ay ganap na itong isang puno. Labis na nagtaka si Tandang Isko sa pagkakaroon ng punong mangga sa hangganan ng bukid at sa ibaba ng batuhang bundok. Balak sanang putulin ng matanda ang dalawang puno, subalit sa tuwing siya ay lumalapit, wari'y may bumubulong ng...

"HUWAG PO! HUWAG MO AKONG PATAYIN."

Dala rin ng panghihinayang kaya hinayaan na lang nitong lumaki at lalong lumago ang dalawang puno ng mangga. Malaking pakinabang tuloy ito sa mga magsasaka at kalabaw na roon ay sumisilong.

Ang madalas magpahinga sa punong manggang nasa bukid ay si Kalabaw, kaya nagkaroon sila ng pagkakataong magkausap palagi ng puno.

"Hulog ka ng langit sa akin, punong mangga. Dati-rati'y init sa katanghaliang tapat ay aking tinitiis, subalit nang ikaw ay sumibol, pagal kong katawan ay binigyan mo ng ginhawa. Kaya kapag sa iyo ay may nagtangkang pumutol, humanda sila sa sungay kong matutulis."

"Salamat sa iy, Kalabaw at ako ay iyong ipagtatanggol. Noon pa man ay hinahangaan ko na ang iyong kasipagan, kasisigan at kalakasan," nahihiyang wika ng mangga.

Hindi nagtagal, sa dalas ng kanilang pag-uusap ay nagkaintindihan ang kalabaw at ang punong mangga.

Samantala, nagkaroon na rin ng kagustuhan ang punong manggang nasa paanan ng bundok at ito ay si "manggang pahutan" na malapit sa kanyang kinatutubuan.

Sa panahon ng paglilihi ni Pahutan ay palaging sumisilong sa lilim niya ang isang magsasakang may dalang "piko" at ewan kung bakit gustong-gusto ng mangga na titigan ang piko.

Sumapit ang araw ng pamumulaklak at pamumunga parehong pinausukan at inalagaan ni Tandang Isko ang magkahiwalay na puno. Ang lahat ng mga punong mangga ay pawang nagbunga.

Nang bumalik ang matanda upang anihin ang mga bunga ng mangga, ito ay lubhang nagulat. Ang dalawang puno na hiwalay sa karamihan ay magkaiba ng hugis at laki ng kanilang mga bunga. Hindi maisip ni Tandang Isko kung bakit nagkaganoon.

Muli, ang magandang dalaga ay nagbalik, at...

"Sapagkat ang malalaking mangga ay bunga ng pagkakaunawaan nina Kalabaw at Pahutan kaya tatawagin itong Manggang Kalabaw. Bagama't magkawangis sa laki ang mga bunga nila ng kabilang puno ay may pagkakaiba pa rin sa hugis at sa anilang sukat. Dahil ipinaglihi ito sa piko, kaya makikilala ito sa tawag na Manggang Piko."

"Binibini, paano mo nasabi ang bagay na iyan?"

"SAPAGKAT AKO ANG DIWATA NG MGA PRUTAS", ngumiti ang dilag at biglang nawala.

Ang sinabi ng diwata ay paulit-ulit ding ikinukuwento ni Tandang Isko sa mga namimili ng mangga. Datapuwa't hindi na mahalaga iyon kahit pahutan, manggang kalabaw o manggang piko basta ag mga ito ay pare-parehong mangga:

Pusong bibitin-bitin mabangong amuyin, Masarap kainin, lalo na't hinog"

So yun pala ang pinagmulan ng manggang piko, at manggang kalabaw. Bakit ko ba binalewala ang mga mga bagay na ito noon. Sobrang ayaw ko talaga ng mga bagay na may alamat at ang mga bagay na binabalikan ang nakaraan. 
Sobrang hate na hate ko ang mga yun, pero sa kabila pala ng mga pambabalewala ko sa mga kwentong iyon ay isang magandang pinagmulan ng mga bagay. Mga bagay na talagang mamangha ka pag iyong nakikita.
Sana noong bata pa lang ako ay namulat na agad ako sa mga magagandang bagay na ito katulad na lang ng mga alamat. Para habang ako ay tumatanda ay ma appreciate ko ang mga bagay na hindi masyadong pinapahalagan lalo na mga kabataan.

"Napakagandang alamat diba?" Natauhan ako ng biglang nagsalita si Mateo. Hindi ko na napansin na nakatitig na pala ako doon sa isang puno na hitik na hitik sa bunga.

"U-uh Oo. Napakaganda nga" sagot ko na lang sa kanya.
Sana may katulad ni Mateo sa panahon ng 2018. Yung hindi nagsasawa na ipakilala at itangkilik ang mga kwentong pinoy lalo na ang alamat.
Hindi lang sya basta kwento dahil sa bawat salitang binibitawan doon ay talagang meron kang matututunan.
Mga aral na talagang tatatak sayo hanggang sa ikaw ay tumanda at maiibahagi mo sa inyong mga apo o sa iba pang mga bata.

Wag tayo mag focus sa gadgets lang, or sa lovelife natin. Sa sobrang focus natin sa mga bagay na yun ay nakakalimutan na natin ang tungkol sa mga literaturang pinoy.
Subukan nating bigyang pansin ang mga bagay na hindi natin masyadong napapansin at ma a-appreciate mo ang kakaibang ganda ng mga bagay na iyon.

"Sana ay tumatak sa iyong puso ang mga alamat na ikinukwento ko sa iyo bebegerl, sapagkat ang pagkilala sa mga iyan ay pagpapakita lamang ng pagpapahalaga natin sa mga mga gawang pinoy" Tugon nya sa akin, at napaisip ako.

"Kung ikaw ang tatanungin, sa tingin mo ba ay tatangkilikin pa ng mas maraming pilipino sa hinaharap ang ganitong uri ng literatura?" Tanong ko sa kanya. Natahimik naman sya sandali at napansin kong napaisip talaga sya.

"Sa tingin ko'y Oo, sapagkat tayo'y nasa Pilipinas at tayo'y mga Pilipino kung kaya't nararapat lamang na atin itong tangkilikin"
Nalungkot naman ako sa sagot nya dahil ibang iba ang akala nya sa mga tao sa hinaharap.

Madalas kasi, (Hindi ko nilalahat) sa elementary naiituro ang mga alamat. Pinag-aaralan, Pasok sa tainga, hindi inililigay sa utak at puso, pagkatapos ay nakakalimutan.
May mga kabataan naman na nasa higshschool at college ang nakakarinig pa rin ng alamat pero hindi nila masyadong pinapahalagan. Para sa kanila, isa lang yung simpleng kwento. Pero ang totoo ay sobrang pinapahalagan ng mga pilipino noong unang panahon ang mga bagay na binabalewala lang natin ngayon.

Mas busy pa tayo sa facebook, kesa sa magbasa ng history at filipino books.
Mas busy pa tayo sa mga gadgets at nakakalimutan na natin yung responsibilidad natin bilang mga Pilipino.

Sabi nga ni Dr. Jose Rizal. "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan". Malaki ang expectation nya sa atin at sana'y wag natin syang biguin. Tayong mga kabataan ang syang magiging susi para maibalik ang init ng ating puso sa mga likhang pinoy.
"Sana nga ay talagang mangyari ang bagay na iyan sa hinaharap" Sagot ko na lang sa kanya.
"Oo naman, mangyayari ang mga iyan. Magtiwala lamang tayo" tugon naman nya sa akin.

Lumingon lingon ako sa paligid at napatigil ako sa paglalakad ng mapatigil din si Mateo.
"Narito na tayo bebegerl. Sa lugar kung saan ko unang nakita ang binibining labis na nagpapasaya sa akin"

Hays naalala ko na naman si Graciana. Tsk! Ayos na eh! Bat kasi umepal na naman si bessy ko. Huhuhu.
Nasa pinakagitna na kami at di ko na iyon napansin. Naalala ko noong nag tagu-taguan kami nina ate Antonia at Almira. Dito ako dumaan at naghanap ng matataguan. At malapit lang din dito yung lugar kung saan ako iniligtas ni Mateo.

"Paano kayo nagkakilala?" Tanong ko sa kanya at umupo ng mapansin kong umupo si Mateo.
"Hayaan mong ikwento ko sa iyo" Panimula nya.
"Namimitas ako ng mga mangga sa parteng ito ng makita ang isang binibini na umagaw ng aking atensyon. Noong una'y inakala kong siya'y baliw sapagkat naglalakad siya ng kakaibang uri ng lakad. Hindi ko alam kung anong lakad iyon ngunit sa tingin ko'y pang lasinggero.
Napansin ko rin na nagsasalita at tumatawa siya mag-isa ng walang kausap at dahil doon ay natakot ako. Nagtago ako sa likod ng punong iyon at pinilit kong hindi niya ako makita.
Ngunit tila gumawa ang tadhana ng paraan upang mag-iba ang tingin ko sa binibining iyon. Nagpakilala ako at ganoon din ang kanyang ginawa. Hindi pala siya baliw at sa unang tagpo namin ay talagang napatawa na niya agad ako" Kwento ni Mateo habang nakangiti at nakatanaw sa kalangitan. Nakakatuwa naman si Graciana, ganun pala talaga sya kapag mag-isa lang. Parang baliw.

"Masaya ka na ba sa kanya?" Tanong ko dahil nacucurious ako.
"Oo naman, masiyahin siya at nalilimutan ko ang aking problema kapag kasama ko sya" Sagot nya at dahil doon ay nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.

Ang hirap umasa, sobrang sakit...

Pero kahit naman imposible, hindi pa rin tayo tumitigil na umasa na sana pwede diba?

"Mahal mo na ba ang binibining tinutukoy mo?" Tinanong ko siya kahit nasasaktan ako.
Umaasa pa rin ako na sana medyo mahal lang.

"Hindi ko alam kung mahal ko na siya. Hindi ko maintindihan ang aking puso" Tugon nya at dahil doon ay napaisip na naman ako. Hindi niya alam na mahal niya pero mababakas sa kanyang mga mata at ngiti na kinikilig sya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Palagi ko siyang naaalala sa lahat ng bagay na aking ginagawa. At sa tuwing naaalala ko siya ay hindi mapigilan ang aking labi sa pagngiti. Napakabilis lamang ng pangyayari at sa tuwing nakikita ko siya ay bumibilis ang tibok ng aking puso" Tugon nya at talaga na hurt na ako to the highest level.
Ang shunga shunga mo kasi Angela! dapat di mo na tinatanong. Yan tuloy nalaman mo pa ang tungkol dyan.
#SawiSaPag-ibig

"Ganoon ba?" Sagot ko na lang sa kanya. Gusto ko nang umalis dahil sa mga sinasabi niya. Pero bakit ganun? Hindi ko magawa?
"Sa tingin ko'y paghanga pa lamang iyon" Tugon nya sa akin.
Hindi na lang ako nagsalita at ngumiti na lang para kunwari okay lang ako.

Kunwari lang...

"Tara na bebegerl. Sa palengke naman kita ipapasyal" Sabi niya sa akin at ngumiti. Hays gusto ko na talaga umuwi, pero iniisip ko pa lang na iwan sya, nakokonsensya na agad ako.
Tumayo na sya at inilahad ang kamay nya sa akin para alalayan ako sa pagtayo.
Pero dahil strong independent woman ako, hindi ko iyon pinansin at tumayo akong mag-isa. Bahalashajan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga maalis sa isip ko si Graciana. Hindi naman sya imposibleng magustuhan ni Mateo dahil maganda sya at talagang masiyahin.
Hindi ka mabobored kapag magkasama kayo at ang dami nyang kwento. Bagay na bagay sila.

Kaibigan ko si Graciana at ayaw kong masira ang pagkakaibigan naming iyon ng dahil lang kay Mateo, kaya kahit masakit ay susuportahan ko ang relasyon nila.

"Ayos ka lamang ba bebegerl?" Nagulat ako ng bigla syang magsalita.
Nakasakay na kami ngayon sa kalesa at kasalukuyan ng papunta sa palengke.
"H-ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
"Nakangiti ka ngunit bakas sa iyong mata na ika'y nalulungkot" Sagot nya. Tsk napansin nya na malungkot ako.
Ganun ba talaga ka obvious?

"W-wala iyon. Wag mo na akong intindihin" Sabay ngiti sa kanya ng pilit. Hays ang hirap talaga mag pretend na ayos ka lang.

"Ayaw kong nakikitang ika'y ganyan. Agaw kong nakikitang ika'y malungkot, sapagkat ako'y nalulungkot rin" Sagot nya habang nakatigin ng diretso aking mga mata. Bumilis na naman ang pintig ng aking puso pero nandun pa rin yung kirot.
"Nasasaktan lang ako ngayon" sagot ko na lang sa kanya. Ayoko na magsinungaling. Kasi totoo naman eh, nasasaktan talaga ako. Sinasaktan ako ni Mateo ng hindi nya alam.
"B-bakit naman?" Tanong niya sa akin.

"W-wala. Kalimutan mo na iyon" sagot ko na lang sa kanya at napatango tango naman sya.

"Pang walo, ayos lamang na masaktan. Kapag ika'y nasaktan, ibig sabihin iyon ay mahalaga" Sagot nya sa akin. Shit tamang tama sa akin yung sinabi nya.
Naalala ko bigla nung gabing ang saya namin ni Mateo. Yung gabing hindi ko pa alam yung tungkol sa kanila ni Graciana. Noong gabing iyon ay hindi na natapos ni Mateo yung limampung bagay na dapat kong malaman. Siguro ay itinutuloy nya.
Pero relate talaga ako sa sinabi nya.

"Mahalaga iyon, pero sa tingin ko'y hindi ako mahalaga para sa kanya" sagot ko sa kanya dahil yun naman ang totoo eh.
"Pang siyam, mahalaga ka. Totoong mahalaga ka. Lahat ng tao ay mahalaga sapagkat ang bawat isa ay may ginagampanang tungkulin sa mundong ating ginagalawan" Sagot nya sa akin at dahil doon ay hindi naman ako nakapagsalita.

"Teka...narito na pala tayo" Masayang saad nya sa akin.
Tumigil ang kalesa at napatingin ako sa labas.
Napansin ko naman ang tindahan ni Lola Anusencion na kaharap lamang ng kalesang aming tinigilan.

Dali-dali akong bumaba at tumakbo papunta doon sa tindahan ni Lola Anusencion.
"Sandali lamang!" Narinig kong sigaw ni Mateo pero hindi ko na iyon pinansin. Mamaya ko na lang sya babalikan, total hindi rin naman ako ang priority nya. At tsaka ano sya, important? No.

Pagpasok ko sa loob ng tindahan ay napansin ko si Lola Anusencion na inaayos ang pagkakalagay ng mga gamot doon sa isang lamesa.
Napatingin sya sa akin at kahit pa ika-ika ay naglakad sya papalapit sa akin para yakapin ako.

"Salamat narito ka apo." Bati nya sa akin.
"Nangako po ako na dadalawin ko kayo, sa tuwing mapapadpad ako rito" tugon ko sa kanya at umalis na sya mula sa pagkakayakap sa akin.
"Maraming salamat apo. Ngunit paano ka nakalabas? Sino ang iyong kasama?" Tanong nya sa akin.

Tumingin ako sa labas at nakita ko si Mateo na abala sa paghahanap sa akin. Sa tingin ko'y ilang hakbang lamang ang layo niya sa akin at sigurado akong ilang sandali pa ay makikita na niya ako. Hindi nya siguro napansin na tumakbo ako papunta rito dahil maraming tao.

"Iyon po Lola Anusencion" sabay turo kay Mateo.
"Napakakisig naman ng Ginoong iyon. Kasintahan mo ba siya?" Tanong nya sa akin at dahil doon ay napatingin ako sa kanya.
"H-hindi po Lola. Kaibigan lamang" Tugon ko sa kanya at dahil doon ay napangiti siya.
"Sa tindig at pananamit niya ay talagang makikita ang dugong maharlika" sagot naman nya sa akin.

"Opo Lola, dahil anak sya ni Gobernador Lorenzo"  sagot ko sa kanya. Totoong sa unang unang unang tingin mo pa lang ay mahahalata mong mayaman talaga siya. Tuwid na tuwid ang kanyang tindig at bakat na bakat yung...muscles dahil fit ang suot nya.

"A-anak ni G-gobernador Lorenzo?!" Gulat na sagot nya sa akin at naahawak sa kanyang ulo.
Teka...bakit ganun yung reaction ni Lola Anusencion?

"B-bakit po Lola?" Tanong ko sa kanya dahil ang weird ng reaction nya.
"Naku apo, sa tingin koy mas makabubuti kung lumayo ka na sa pamilyang iyan" diretsong sagot sa akin ni Lola Anusencion na talagang ikinagulat ko.
Tumingin ako ng diretso sa mga mata nya at nababakas ko na ang takot.
Psychology student ako kaya alam ko na natatakot sya sa itsura pa lang ng kanyang mata.

"M-may problema po ba Lola?" Tanong ko sa kanya at parang kinabahan na rin ako. Bakit pinapalayo ako ni Lola sa pamilya nila? Mabait naman sila ah. Nakasama ko si Gobernador Lorenzo noong birthday nya at sa tingin ko'y mabait talaga sya. Mas lalo namang mabait si Mateo, sa mga ipinapakita niya sa akin ay talagang hindi ako nagduda sa kabaitan na ipinakita nya.

"H-hindi mo ba alam apo? Magnanakaw ang pamilyang iyan, at ninanakaw nila ang buwis! Sapilitan nilang pinagbabayad ang mga mahirap ng dalawang beses na mas mataas pa sa orihinal na halaga ng buwis na dapat ibigay ng mga tao. At kung may tututol ay kaagad nilang ipinapapatay. Ang pamilyang iyan ay mapanlinlang! Lalo na ang Gobernador!" Sagot ni Lola Anusencion at napansin kong nanginginig na siya sa galit.

"May katotoha---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may nagsalita sa likod.
"Ganoon po ba?"

Napatingin ako sa likod at nanlaki ang mga mata ko ng marealize kung sino iyon.

Si Mateo!

Shit! Narinig ba nya yung usapan namin? Narinig ba nya yung sinabi sa akin ni Lola Anusencion?

Sa pagkakataong iyon ay parang namanhid ako. Sobrang kabado ako ngayon at parang manghihina na ang aking tuhod.

Paano na yan ngayon? Narinig ni Mateo yung sinabi ni Lola Anusencion tungkol sa pamilya nya! Waaaah!

****************************

A/N: Narinig ni Mateo ang usapan ni Angelita at Lola Anusencion. Ano kayang mangyayari sa susunod? Palalagpasin ba iyon ni Mateo o hindi?

Reminder: Wag nyo pong kakalimutan na i-vote at magcomment. Maraming salamat!


Source of Alamat ng mangga: http://www.gintongaral.com/mga-alamat/alamat-ng-mangga/

Continue Reading

You'll Also Like

Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.3K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
Sa Taong 1890 By xxienc

Historical Fiction

85.9K 3.5K 71
Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang pamilya. Ninais niyang mawala ang paghi...
151K 5.6K 58
Description: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at...
32M 817K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...