Liempo ( A story of Rival Col...

Galing kay MaraMCM

104K 1K 226

Si Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estu... Higit pa

PROLOGUE and Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Message to the Readers:
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 FINAL CHAPTER
Story Behind Liempo
EPILOGUE

Chapter 34

1.3K 10 1
Galing kay MaraMCM

****

                Apat na araw ng hindi pumapasok si Angelie sa trabaho dahil sa lagnat nya. Nagaaalala na ako. Nung binalita sakin ni Denise, nagpunta ako agad sa bahay nila. Hayun, nakaratay sa kama, namumula na namamaga yung katawan. Dahil pa din ba to sa stress nya? Nagresearch ako sa internet, yung pagpayat nya, pagiging laging pagod nya at pagkakaron ng lagnat, kaso anak ng tupa, walang kwenta, lahat nalang, puro cancer. Porket may lagnat lang cancer na? ito hirap sa internet, hindi reliable. Baka nga dengue sabi ni Jerich kaya magpapatingin na daw si Anj ngayon. Kasama nya yung dalawa total sabado naman.

                Pinuntahan ko nalang sila pagkatapos ng practice ng graduation namin. Sa Tuesday, gragraduate na ako kaya medyo busy din. Syempre invited silang tatlo.

                “Kumusta daw?” tanong ko kay Jerich habang nasa CR sila Denise at Angelie.     

                “Hindi naman daw dengue. Pero binigyan na sya ng gamot, balik daw sya bukas for another test kasi nga medyo matagal na yung lagnat nya.” Sabi ni Jerich, “Jusko, nagiinarte nanaman tong katawan ni Angelie.”

                “Dati ba ganyan na sya?” tanong ko.

                “Nung umalis yung papa nya kwento ni Denise, nagging sakitin din pero nawala naman. Depressed nga lang daw talaga.” Sagot nya.

                Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Normal nalang din pala na magpadala yung katawan nya sa emosyon nya.

                Pagkalabas ni Angelie, nagulat ako. lalo syang pumayat nung huli ko syang nakita nung Miyerkules. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero halata na lalo syang pumayat saka namamaga pa din yung mukha nya. Naawa ako, kung may magagawa lang sana ako.

                “Makatingin ka parang mamatay na ako ah.” Tinapik nya ako sa balikat.

                “Paano, payat mo kaya sobra!”

                “Yan ka nanaman eh!”

                “Dapat sayo binobombahan ng pagkain para lumobo ka ulit.”

                “Ewan ko sayo.”

                Asar talo talaga kahit kalian tong si Angelie kaya nakakatuwang asarin minsan, napakahilig gumanti, mainis o sumuko. Sumakay na kami sa kotse, si Jerich naman ngayon ang nasa tabi ko para makaupo ng maayos si Angelie sa likod.

                “Oi Alfred, invited ba naman kami sa graduation mo?” biglang nagsalita si Jerich,

                “Oo naman. Sa lahat lahat ng mawawala kayo pa? Hindi ah!”

                “Ano bang dapat naming suotin?” sumunod naman si Denise.

                “Semi Formal lang yun. Kaso baka mabagot kayo kasi medyo madami kami.”

                “Okay lang yun, andun din naman sila Ate Cy diba?” si Angelie naman ang nagsalita.

                Tinignan ko sya sa rearview. Parang walang sakit kung pakikinggan mo pero kapag titignan, halatang halata.

                “Oo naman. Saka yung ibang graduating na seniors sa org.”

                “Edi maganda, cocongratulate ko sila!” natutuwang sabi nya.

                Una kong ibinaba si Angelie dahil sya lagi pinakamalapit. Hindi na rin kami pumasok kasi baka makaabala kami kaya sa susunod nalang siguro. Habang nasa kotse, sinamantala ko na ang pagkakataon na tanungin si Denise.

                “Denise, nabanggit sakin ni Jerich na ganyan din daw dati si Angelie nung umalis yung papa nya.”

                “Oo, nagging sakitin. Hindi talaga sya sakitin pero kapag may nararamdaman sa loob yan, lumalabas sa katawan nya gaya siguro ngayon. Kahit anong sabihin nya na okay na sya, katatawan nya mismo nagsasabi na hindi sya okay.”

                “May balita ka pa ba kay Mike?” parang biglaan nalang akong nacurious.

                “Simula nung hiniwalayan nya si Angelie, nagaklas na kami ni Jerich sa kanya. Aba gago sya, lokohin ba naman si Anj? Hindi na naman sya tinetext.”

                “Hindi na din sya nagtetext?”

                “Hindi din.”

                Kupal din talaga. Tuluyan nya na nga talagang kinalimutan si Angelie.

****

                Tawa ako ng tawa kay Michelle. Napakadaming kwento, yung iba parang bata na nagcocomplain. Sinamahan ko sya bumili ng gear sa hiking nila ng mga kaibigan nila sa weekends. Gusto nya nga akong isama pero pinagiisipan ko pa.

                “You know what, I’m hungry, why don’t we eat something?” tanong nya.

                “Sige, what do you like?” tanong ko.

                “I don’t know, gusto ko lang malagyan ng laman tong sikmura ko,” tapos tumawa sya.

                Napakalaki ng Alabang Town Center, hindi ako madalas ditto pero paminsan minsan pumupunta din. Sa may Pancake House kami pumunta. Si Michelle ang unang pumasok syempre ladies first pero trip nya dun sa may pader. Sumunod nalang ako, tuwang tuwa sya kasi makakakain na daw sya sa wakas.

                Binigay samin yung menu, magkabilaan ang upo naming kaya harapan.

                “I don’t need to look at the menu, I’ll take Caramel Banana Walnut!”

                “Lagi kang kumakain ditto?”

                “Yes. Usually every breakfast kasi pancakes. I love pancakes, it’s a good thing ito una nating nakita.”

                Yung chocolate chips nalang yung kinuha ko tapos pinlace na naming yung order, syempre ako magbabayad. Somehow, date na nga talaga to. Ano pa bang tawag? Nakakainis, natatanga ako, para akong bakla ni definition ng date, nakalimutan ko na.

                “So tell me about your basketball thing!”

                “What’s there to talk about?”

                “Dude, you’re big! Sikat ka, you don’t have anything to say about your sport?” ininsist nya.

                “Well, popularity isn’t really that appealing, kung alam mo lang. ang sakit sa ulo.”

                “How?”

                “I don’t know…”

                “It ruined your life? Destroyed relationships?”

                Napatitig nalang ako sa kanya. Paano nya nalaman? Mga tsismis na naman sa facebook o twitter?

                “How’d you know?”

                “Mike, it’s quite obvious. You’ve been pretty down lately, I asked Mattias about your family and sabi naman nya okay lang, so I guessed it’s about a girl.”

                “Am I an open book to you?”

                “Not really, magaling lang ako makiramdam. You know how girls are, tamang hinala

                Hindi ako sumagot, napaisip at nagisip. Naalala ko nanaman si Angelie. Nakakakunsensya na alaala ang nararamdaman ko dahil alam kong nasaktan ko sya.

                “You know if you want to talk about it, I’m here to listen.” Offer nya.

                “No, that’s okay. I’m over it.” Sabi ko nalang. Tapos na, babalikan ko pa. lalo ko lang pahihriapan ang sarili ko.

                “You know I had a boyfriend once, pinaghiwalay kami ng family namin. We’re too much different.” Nagsimula nanaman syang magkwento kahit hindi ko tinatanong. Isang buwan lang siguro kinakailangan ko para malaman ang buhay nya sa loob ng 19 na taon. “I had a hard time recovering you know.”

                Siguro hindi naman din masamang makinig sa kwento ng babae lalo na kapag tungkol sa nararamdaman nya. Sa ganung paraan, malalaman ko din kung ano ba talaga ang dapat kong ikilos at iasta.

                “Pano ka nakamove on?”

                “Time heals all wounds. Totoo yun.” Simple lang pero totoo. “Pero at first, feeling ko mamatay na ako, end of the world. I was practically dragged on foot papuntang Australia. I was hesistating to go but what can I do diba? Im still a minor then tapos after two years we came back and both of us moved on. So much for happy ending.”

                Tumawa nalang sya sa kwento nya. May panghihinayang, oo pero hindi bitter. Walang sakit sa tono ng boses nya.

                “Tell me about the tamang hinala of women.” Bigla nalang dina kong nagging interesado sa topic na to.

                “Well, you know. It’s like an instinct. I shouldn’t be telling you this kasi it’s supposed to be for girls only but since you asked, I might as well tell you something about it.”

                “Do so. Ano bang meron dun?”

                “Wala naman talaga. Parang magaling lang kami makaramadam. Siguro it’s a gift exclusive for ladies. We know when a guy is lying or not. Well, yung iba kasi nagpapaloko pa din even though their instincts are already telling them na niloloko nalang din sila. This gift requires intelligence especially when it comes to love kasi ang love, admit it or not, nakakabobo sya.”

                May point sya. Nakakatanga naman talaga minsan ang pagibig pero so far, medyo hindi pa naman ako literally nabobobo. Siguro yung mga panahon na sinusuyo ko dati si Angelie yung masasabi kong pinakatanga kong mga panahon dahil halos lahat ginawa ko na mapansin nya lang ako, kaso sino ba namang makakapagsabi na hanggang ditto nalang din talaga kami?

                Dumating na yung order namin. Mabilis lang kami kumain kasi kailangan ko pang ihatid si Michelle sa bahay nila dahil maaga pa din naman yung pasok naming bukas. Pagkatapos na pagkataposm tayo agad saka diretso sa parking lot.

                Usapang buhay at madalas tungkol sa kanya kasi hindi naman ako masyadong madaldal talaga. Nung nakarating kami sa kanila, bumaba nalang sya. Hindi na din ako pumasok pero makapal lang talaga mukha ko, hindi pa naman sya nagooffer pumasok.

                “See you tomorrow, thank you for the day.” Sabi nya tapos pumasok na sa loob.

                Napakadami kong problema, buti na nga lang sa pagiging madaldal ni Michelle, medyo nababawasan yung mga iniiisip ko. Isang taon pa ako magaaral. Dapat sana nagkukumpleto nalang talaga ako ngayon ng requirements. Nagalit sakin mga magulang ko, pabaya na daw ako. tapos naiinis din sila nung naghiwalay kami ni Angelie pero hindi na masyadong nagsalita.

                Nagyayaya yung iba kong tropa magbanda ngayong gabi, bukod kasi sa paginom at basketball, tumutugtog din ako ng drums at gitara, dapat sana magbabanda ako dati kaso dahil masyado na akong busy bilang varsity, minsan nalang din ako nakikijamming sa mga kaibigan ko. kaso nga lang, pagod na din ako ngayon kaya didiretso nalang ako sa bahay.

                Paguwi ko, tadtad nanaman ang mentions sa twitter at message sa facebook. Nakakairita, minsan magpapanggap ka nalang na mabait kahit na nakakapagod na at paulit ulit na yung mga tanong nila. May isang nagtweet sakin na nakakuha ng attention ko.

Kuya @MikeRigs break na po ba kayo ni ate @AngelFern?

                Nakamention saaming dalawa. Tinignan ko kung sinagot ni Angelie pero ang huling tweet nya ay bago pa kami naghiwalay. Nagreply ako.

@Leeianeforever may mga bagay na hindi talaga para satin.

                Takte. Mali pa ata yung nasabi ko. lalo tuloy nagdagsaan yung mga tanong tungkol saaming dalawa pero mabilis na nagreply yung nagtanong.

@MikeRigs kuya, number 1 fan nyo po ako, sana kung pwede lang maging okay na kayo kasi perfect kayo sa bawat isa eh.

                Hindi ko alam kung anong irereact ko. totoo nga ba? Perfect ba talaga kami para sa isa’t isa? O tingin nya lang yun?

@Leeianeforever thank you. :)

                Hanggang dun nalang din yung reply ko. Hindi ko na alam sasabihin ko, baka masdumami pa yung mga magrereact. Natulog nalang ako.

****

                “Okay ka lang?” tanong sakin ni Mike.

                “Oo.” Sagot ko.

                “Sigurado ka?”

                “Ang kulit mo aba!”

                “Itsura  mo kasi, para kang bata na mangiyak ngiyak.”

                Bang adik nitong lalaking to, nangangalabit pa ng pisngi tapos nanunusok ng noo. Sinong mas bata samin?

                “Bata ka dyan! Ewan ko sayo, tara na nga, nagugutom na ako.”

                Hinawakan nya ako sa bewang saka kami naglakad. Ang sarap sa feeling ng kasama ko sya, wala na talaga akong hihilingin pang iba.

                “Hoy dwende.” Bumulong sya sakin.

                Tumingin ako, nakakunot yung noo.

                “I love you.” Sabay kiss sa ilong.

                Shet. Kinilig ako.

                SHET. NAIIYAK AKO. bakit sa dami dami pa ng mapapanaginipan ko si Mike pa? Lord naman, nagmomoveon na ako eh, bakit kailangan sya pa yung mapanaginipan ko? hindi ko tuloy mapigilan na umiyak. Iniiwasan ko na nga na maalala sya tapos ganito pa. ang sakit sakit na papasok sa isip mo yung mga masasayang oras nyong dalawa tapos panaginip lang pala? Kathang isip, hindi totoo at kalian man hindi na magiging totoo kasi tapos na.

                Yung pakiramdam na pinipilit mong pigilan yung luha mo pero hindi mo magawa? Wala na, tinamaan na ng lintik. Sunod sunod na ang hikbi at iyak ko, tuloy tuloy na to hanggang sa mapagod ako. bakit pa kasi kailangan masaya pa yung mapanaginipan ko? hindi ko naman sya iniisip, bakit sya pa?

                Mula sa konting luha, nagging iyak, ngayon hagulgol na. hindi na ako makahinga sa sobrang iyak. Puro uhog na yung mukha ko kakapahid ng damit ko para lang mapunasan yung luha ko.

                Bakit pa kasi kailangan ko pa syang mapanaginipan? Lahat kontrolado ko na eh, pero yung ganito na bigla bigla nalang akong susurpresahin ng utak ko, hindi ko kaya. Ang sakit, sobra, ang hirap pa rin talaga kahit anong pilit ko.

                Hindi ko na maramdaman yung hangin, hindi na ako makahinga. Hindi ko na mabuksan yung mata ko. nanginginig na yung buong katawan ko. yung mga daliri ko, naninigas, nanlalamig tumitiklop. Tapos unti unti, naglaho lahat.

*********************************************************************************************

IF YOU LIKE THIS CHAPTER, PLEASE DONT HESITATE TO LEAVE A COMMENT AND VOTE! :)) THANK YOU FOR READING!

Note: Hi friends! kumusta ang first week sa klase? haha! especially sa mga freshmen sa college dyan! anyway, so medyo busy na tayong lahat but worry not, i'll still be continuing to post updates, gawin nating STRESS RELIEVER ang liempo. :) 

if nagiging medyo madrama-malateleserye type na ang liempo, know that sa bawat story, may ganun talagang part to keep us going, to keep us craving for more and what will happen soon. haha! so hayun, goodluck and talk to you soon! Keep the comments coming and i'll try my best to respond to each one of them! THANK YOU!!!!

xoxoxoMara

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

139K 3.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
6.3K 529 12
Allyson Rodriguez is brave and the breadwinner of their family. She wants to give a good life to the people she loves, and she did not fail to do it...
4K 3.9K 35
Three faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Cria...
600 92 40
Shocking Events unfold at Section X trial as allegiances are tested, secrets are revealed, friendships begin to fray, and a revelation creates a chan...