Lost and Found

נכתב על ידי peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. עוד

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 13

6.1K 292 42
נכתב על ידי peachxvision

Okay na sana ang lahat—well, at least, iyon ang alam ko—hanggang sa biglang nag Intrams.

Yung totoo, wala namang problema. Paikot-ikot lang naman ako, nagchee-cheer sa bawat mga kaklase ko na lumalaban. Lalo na noong nagbasketball si Theo. Hindi siya magaling, oo, pero nung naka-shoot siya, kinindatan niya ako.

Sabay imaginary baril sa kin.

Sinong di tatamaan doon?

Tapos suot pa niya yung Tortang Talong jersey niya, at suot ko naman yung Mantika jersey ko. Kahit may jersey ako na ang nakasulat ay yung apelyido ko, mas pinili ko na yung binili na lang niya.

Habang pinalo-palo ko si Allen at Eli dahil sa kilig, biglang may dumating na grupo ng grumaduate na batch. In short, yung mga ka-batch ni Theo dati.

“Huy,” sabi ni Allen. “Iyon ata yung Bea. Yung may pink na shirt.”

Napatingin ako agad nang sinabi ni Allen yon. Iisa lang naman yung may pink na shirt, so nakilala ko agad siya. Siya pala yung nagustuhan ni Theo dati.

Hinanap ko si Theo. Pero mas mabilis pa sa kidlat, andon na siya sa tabi nung Bea na yon.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nasaktan. Hindi ko alam kung bakit kumirot yung puso ko. Ngumiti lang ako nang bahagya tapos kunwari may hinanap ako sa loob ng bag.

“Ano, happy crush pa rin ba?” tanong ni Eli.

“Wag ka ngang magulo. May hinahanap ako.”

“Ano?”

“Wallet. Bibili ako ng pagkain. Nagugutom ako.”

“Kakakain lang natin ah,” sabi ni Allen.

“Eh gutom pa ako. Pabantay ng bag.”

Iniwan ko sa kanila yung bag ko at bumili sa canteen. Nakakainis yung Theo na yon! Ganon na lang, ganon? Biglang dating lang nung Bea na yon, punta na siya agad? NAKAKAASAR—

“Huy,” sabi ni Kuya Mandy, yung cashier sa canteen, “kanina ka pa tulala.”

“Ay sorry, kuya. Nagmumuni-muni lang.”

“Anong minumuni-muni mo?”

“Kung bakit may mga taong pa-sweet-sweet tapos joke lang din pala.”

“Eh bakit din ba may mga taong nahuhulog sa mga ganon kung alam nilang joke pala.”

“May iba kasing hindi alam.”

“Alam nila. Umaasa lang sila na baka may chance.”

Bwisit tong si kuya. Di naman maki-kampi man lang!

“Nako! Ewan ko sayo, kuya. Pabili na lang ng juice.”

“Bakit,” tanong habang serve ng juice ni Kuya Mandy, “sino ka ba don?”

“Ewan ko sayo, kuya. Gawin mo na yang trabaho mo.”

Natawa lang sa kin si kuya. Hindi niya ako kilala, I guess, I mean, sa pangalan. Pero mabait at friendly din kasi mga staff dito sa school kaya nakakabiruan naming mga estudyante.

Anyway, tumambay muna ako saglit. Kinain ko doon sa canteen yung Knick Knacks saka ako naglakad. Papalabas na sana ako nang bigla kong nakita si Theo, kasama si Bea, isa pang babae, at dalawa pang lalaki na naglalakad papuntang canteen.

Tae naman oh.

Uminom na lang ako ng juice at nanalangin na hindi nila ako mapapansin.

“Uy!”

HAHA shit. Kailan ba kasi nagging magandang pantago ang juice, di ba?

Lumingon ako, ngumiti, tapos umalis.

Narinig ko ata silang tinukso si Theo na “seenzoned” daw siya. Ako, basta naglakad nang diretso. Hindi ko rin alam kung bakit ginawa ko yon. Para mapansin? Para gumawa ng eksena?

Ewan ko.

Buong araw ko iniwasan si Theo non. Ang nakakainis, ni wala man lang text na nagtataka kung bakit ganon kinilos ko. Hindi rin kami nagsabay ng uwian that time—at umuwi ako mag-isa, kahit hanggang sa dulo ng araw, hinintay kong magtext siya na sabay sana kami umuwi.

Pero wala. Hindi nangyari yon.

Humarap ako sa salamin at pinagpapapalo ko yung reflection ko ng tsinelas.

“Ano bang nangyayari sayo? Dahil sa lalaki, nagiging ganyan ka? Para kang tanga! Tama nga si Eli. Pinaghahanda ko ng kung ano-ano, pinakokopya ko pa ng kung ano-ano—tapos waley?! Tapos yung totoo, wala lang pala ako. Elastosil, bubble gum, panakip butas doon sa batchmate niya. Nakakaasar!”

At sa huling paghampas ko ng tsinelas, biglang nakita ko na tumatawag si Theo sa cell phone ko.

Kinuha ko agad yung phone ko. Huminga muna ako nang malalim dahil baka mahalata niyang excited ako masyado na tanggapin yung tawag niya.

“Hello?”

“Uy,” sabi niya.

Shocks, namiss kita—ito sana yung gusto kong sabihin pero pinili kong di sabihin dahil… ano ba niya ako in the first place?

“Bakit? Inaantok na ako,” sabi ko kahit hindi naman totoo.

“Ay, inaantok ka na? Wrong timing ata ako—”

“Hindi, okay lang, ano ba sasabihin mo?” tanong ko.

“Sungit naman nito. Meron ka?”

“Bakit mo ba sinisisi sa mens ko kung masungit ako? Hindi ba pwedeng masungit ako kahit wala akong regla?”

Narinig ko siyang tumawa. Leche to ah.

“Hoy,” babala ko, “anong tinatawa-tawa mo diyan? May nakakatawa ba sa sinabi ko?”

“Nagseselos ka no?”

“Hala siya! At saan mo naman nakuha yan?”

“Sabi sa kin nina Allen noong hinahanap kita noong dismissal.”

Sa isip-isip ko, ginugulpi ko na si Allen at Eli. Mga walangya yung mga yon. Mga taksil! Mga traydor! Pero in fairness, hinanap daw niya ako? Kinilig ako bigla.

“Alam mo naman yung mga yon. Hindi yon totoo,” depensa ko.

“Weh?”

“Oo nga.”

“Weh, di nga?”

“Ay nako.”

“Nagseselos ka kay Bea?”

“At bakit?”

“Ewan ko sayo.”

“Anong ewan mo sa kin? Hoy, hindi ako nagseselos.”

“Sabi mo nga.”

“Bakit ako magseselos kay Ate Bea?! Hindi nga!”

“Oo na, hindi ka na nagseselos. Pero hindi eh, nagseselos ka talaga. Ramdam ko.”

“Pakshet ka.”

“Hoy, Maria Natasha, language sa nakatatanda sayo.”

“Eh di sige, sorry po, Kuya Theo.”

“Tigilan—”

“Sorry na po, kuya.”

“Isa—”

“Hindi na po mauulit, kuya.”

“Dalawa—”

“Bakit niyo po ba ako binibilangan, Kuya Theo? Sorry na nga po eh. Pero promise, Kuya, di po ako nagseselos.”

“Isa pang tawag mo sa kin ng kuya—”

Bigla siyang napatigil. Hinintay ko yung sasabihin niya pero di naman dumating.

“Oy, ano? Isa pang tawag ko sayo ng kuya?”

“Wala.”

“Ano nga?”

“Sige na, ibababa ko na to.”

“Sabihin mo muna.”

“Wala, sige. Bad trip na ako.”

“Hoy, bat ka bad trip—”

Tapos binabaan niya ako ng telepono.

Nagpanic ako dahil binabaan niya ako ng telepono. The next thing I know, unattended na siya. Tiningnan ko yung Facebook at eight hours ago pa siyang active, at hinintay ko pa a few more minutes pero hindi pa rin siya active. Sinubukan kong tawagan siya pero ganon pa rin.

Allen!!!
20:07

Eli!!!
20:07

Nagtext ako sa tanging dalawang tao na may alam ng feelings ko, pero ni isa sa kanila, walang reply. Nagpanic ako nang wala pa rin siyang text o tawag man lang.

First time niya akong babaan. At crush ko siya. At hindi kami. At may Bea na dumating. PAANONG HINDI AKO MAGPAPANIC?!

Teka nga, bakit nga ba ako magpapanic? Kami ba? Hindi naman. At bakit niya ako bababaan ng telepono? At napaka-immature naman niya para babaan ako ng telepono!

Paul?
20:10

PAUL
Uy, bakit?
20:11

Pagkareply na pagkareply ni Paul, bumangon ako. All stakes na ako dito.

Uy! Pwedeng malaman kung nakikita mong online si Theo?
20:12

PAUL
Teka
20:13

PAUL
Hindi siya OL
20:15

Sabado naman bukas. Naisip ko, puntahan ko kaya sa kanila? Pero bakit ako pupunta sa kanila? Ako ba nanliligaw? Nanliligaw ba siya in the first place? Teka, eh ano naman kung pupunta ako? Hindi ba pwedeng mag-effort din ang mga babae sa gusto nilang lalaki?

Pero iyon nga, ni hindi ko pa na-e-express na gusto ko siya!

Pwede mo bang subukan tawagan?
20:17

PAUL
Wala eh. Gusto mo subukan nating puntahan sa bahay niya?
20:18

OMG talaga? Sasamahan mo ako? Tara! Habang wala pang tao sa bahay at makakalabas pa ako!
20:20

Nagbihis na lang ako. Di ko alam kung anong sumapi kay Paul at pumayag siya. Simple lang yung damit ko, pambahay lang. Si Paul lang naman yon eh.

Nagkita kami ni Paul sa tapat ng street namin.

“Uy, sorry ah. Naabala kita,” sabi ko habang naglalakad kami papunta kina Theo.

“All for love,” sagot ni Paul.

Una, naguluhan ako. Tapos nanlaki yung mata ko. “Anong all for love ka diyan!”

“Tash, di naman ako tanga. Alam ko namang si Theo gusto mo, at di ko alam kung bakit ako pinang-shi-shield mo.”

“Ano ka ba! Nagpapanic at nagwoworry lang ako!”

“Sinong babae ang mag-e-effort ng ganito?”

“Bawal ba mag-effort pag friend?!”

“Sige, sabi mo eh.”

“Eh bakit ka nag-e-effort ngayon?”

Natawa si Paul. “Tulad nga ng sinabi mo, bawal ba mag-effort kapag friend?”

“Gago, weh,” sagot ko. “Di nga, crush mo ba talaga ako?”

“So si Theo nga talaga gusto mo?”

“Nyeta ka naman eh! Tinatanong ka nang matino, tapos ibabalik mo sa kin yung tanong.”

“Pramis, mamatay man ako bukas, di ko sasabihin.”

“Promise?”

“O, so alam ko na pala talaga yung sagot.”

“Paul naman eh!” Napangiti ako dahil alam kong alam na niya. “Teka, so ano nga, yung akin?”

“Anong yung sayo?”

“Bat mo ko sinamahan ngayon?”

“Yung totoo, hinuhuli lang kita. Kung siguro hindi ang sagot mo nung tinanong kita kung gusto mo magpasama sa kanila, baka maghinala ako sa teorya ko.”

“Teorya na?”

“Na shield mo lang ako.”

“Bwisit.”

“Kaso, tama nga ako.” Napangiti siya. “Okay lang. Alam ko naman sa simula pa lang.”

“So sinasabi mo bang, napahamak ka lang ngayon?”

“Medyo? Pero exciting kasi kayo, na nakakapikon.”

“Ano? Anong exciting na nakakapikon?”

“Nakaka-excite kung anong mangyayari sa inyo, na nakakapikon kasi ang pride niyong dalawa?”

“Paano mo nasabi?”

“Kay Theo mo na lang itanong.”

“Ano nga yon?”

Kinukulit ko si Paul habang kinukwento ko din kung anong nangyari. Deep inside, gusto kong sabihin na niya na ayokong sabihin pa niya. HAHA. Baka kasi ang gusto niya sabihin, gusto pala talaga ako ni Theo, so malamang, gusto ko yon marinig. Kaso, at the same time, gusto ko sana na kay Theo ko yon marinig.

Bakit ang gulo ko? Napaisip tuloy ako.

Nako, bigla akong nagcrave ng tortang talong.

Kinukulit ko pa rin siya hanggang sa makarating na kami sa bahay niya. Noong una, nahihiya ako. Siyempre, gabing gabi tapos nandito kami. Hello, ito kasing si Paul! May pahuli-huli pang nalalaman. Ayan, um-oo naman ako.

Naglakas-loob na akong nagdoorbell. Nagsabihan kami ni Paul na ang idadahilan ko na lang, na kay Theo yung sobrang importanteng flashdrive ko na andon lahat ng projects ko. Mama niya yung sumagot, pero wala daw si Theo.

“Saan naman kay nagpunta yon?” tanong ni Paul sa kin, na hindi ko rin naman alam ang sagot.

Nalungkot na lang ako. Hindi ko alam kung nasaan siya. Hinatid ako ni Paul sa bahay, bigo sa kung ano mang goal namin.

“Sabihan kita pag nagparamdam,” sabi niya sa kin.

Kung ano-ano na naiisip ko. Hindi naman kami, pero naiiyak ako. Pinagpapapalo ko yung unan ko, naiinis na ganito yung pakiramdam ko.

Bakit ako nagseselos? Bakit ako naiinis? Eh ang totoo niyan, wala naman akong karapatan.

Mayamaya, nakareceive ako ng text.

THEO
Bakit kayo magkasama ni Paul?
21:02

Nagulat ako. Paano niya nalamang magkasama kami ni Paul?

Nasa bahay ka ba?
21:03

Naghintay ako ng reply niya, at wala pang isang minuto, sumagot na siya.

THEO
Wala
21:04

San ka?
21:05

THEO
Bakit mo tinatanong?
21:06

Nagulat ako sa text niya. “Wow! Pucha to ah!” bigla ko na lang nasabi kahit ako lang nakarinig.

Tinago ko yung phone ko at sinubukang matulog. Binangungot pa ata ako dahil ang pangit ng tulog ko.

Paggising ko, ang dami na niyang text at missed calls.

THEO
Oy
21:35

Maria Natasha
21:42

Mantika
21:59

Tulog ka na?
22:00

Mantikang matulog. Bat ayaw mo sumagot?
22:01

O baka nga tulog ka na hay
22:02

Oy, huy, galit ka ba
22:18

Tinanong ko lang naman kung bakit mo tinanong
22:22

May nakakita kasi sa inyo ni Paul
22:24

Pumunta pala kayo sa bahay?
02:04

Bat kayo pumunta?
02:05

Anong flashdrive?
02:05

Weh gusto mo lang ako makita
02:06

Uy sorry na
02:06

Wag mo naman kasi akong tawaging kuya
02:07

Sino bang gusto magpatawag ng kuya sa potential parter niya
02:08

Huy Nata—binabasa ko yung next niyang text nang bigla akong napatigil at binalikan yung text niya.

POTENTIAL PARTNERARTYUKTYJKFNG?!

Napangiti ako, pinakamalaki at pinakatotoong ngiti na ginawa ko since kahapon. Binasa ko lang yung iba niyang text na mixture ng “sorry” at “uy.” Magrereply na sana ako, pero naisip ko, wag na lang.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa kin at hindi ako nagreply. Hindi rin ako nagonline hanggang Sunday. Hindi ko alam kung anong ipinaglalaban ko—o siguro nagpapakipot lang ako—o ewan ko, o siguro alam ko pero dinedeny ko lang na ako na nagtratransform na ako sa mga teenager na kinaasaran ko sa mga Pinoy-formula telenobela na pinapanood ko.

PAUL
Uy bat di mo daw sinasagot si Theo
13:24

ELI
UTANG NA LOOB. SAGUTIN MO YUNG TELEPONO MO NAKAILANG BAGABAG NA TONG BOYFRIEND—ESTE FRIEND MO LANG PALA. Linggong linggo eh
15:07

ALLEN
Tash, uy. Nag-aalala na sayo si Theo. Galit ka ba daw?
15:22

Dumating pa rin ang mga texts at ang mga missed calls hanggang Sunday nang gabi, pero di ko sinagot. Hinayaan ko lang. Narinig kong pumunta rin siya dito—and guess what, USB flashdrive din ang dahilan niya. Buti na lang, sinabi ko sa mga magulang ko na kunwari wala ako sa bahay. Sinabi ko na kinukulit kasi niya ako sa isang project na di ko pa tapos at nastrestress ako.

Siguro masama. Siguro, ewan ko na.

THEO
Tika, buong araw mo na di ako sinagot. :( Sorry na. Di kumpleto araw ko :((
23:57

Napangiti nanaman ako. Bakit ang satisfying? Naiinis ako sa sarili ko na nasasatisfy ako, at the same time, di ko rin mapigilan mapangiti.

Nagreply ako kinaumagahan noong naghahanda na ako.

Sorry, pinahiram ko kasi phone ko sa pinsan ko. Okay lang, ano ka ba. Kita kits mamaya :)
05:04

Inisip ko kung anong nangyayari sa kin. Alam kong parang ewan lang, pero sinend ko pa rin.

Maliit na bagay lang naman to siguro.

Mababawi rin naman… sana.

המשך קריאה

You'll Also Like

52.5K 3.7K 10
Wag tumawid. Nakamamatay.
1.7M 78.9K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...
102K 7.4K 101
Hindi typical school guy si Jose Primitivo Legarda Regidor IV at hindi rin basta-bastang estudyante si Kim Tsu. Magkasundo kaya ang dalawa kung wala...
124K 9.8K 113
❝ Agawin ang mic sa stage at kumanta ng Halik by Aegis? #DrunkMomo won't back down! . . . SHET?! ❞ Y Chronicles Universe #KNMSD2 of Kabulastugan Bo...