SUKIYAKI (COMPLETED)

By Gretisbored

373K 13.9K 1.5K

Siya si Filipa Natalia Ferrer o kilala sa palayaw niyang Pipay. Tubong Pampanga. Anak ng isang maralitang mag... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY-ONE

10K 389 48
By Gretisbored

Pag-uwi ko ng bahay nando'n na si Tita Chayong at mukhang hindi maganda ang timpla. May hinagis agad itong pahayagan sa paanan ko. Dinampot ko naman iyon at nakakunot ang noong tiningnan siya, tapos ang headline sa diyaryo.

"Ano ba'ng pinaggagawa mo kagabi, ha?" asik nito sa akin.

"Bakit po?" nagtataka kong tanong. Pinaningkitan ko uli ang headline ng hawak-hawak na Yomiuri Shimbun (name of Japanese newspaper). Nakita ko ang naka-side view na kabuuan ni Kaito habang tinatadyakan nito ang isang security personnel ng pinagdausan ng fashion show kagabi. Sa itaas ng larawan ay may nakasulat na malalaking kanji characters. Pilit ko mang iniintindi ang mga iyon talagang hindi sakop ng napag-aralan ko. Wala akong naitindihan.

"Anong bakit po?" Pinandilatan na ako ni Tita at dinuru-duro ang headline.

"Nakakabasa na kayo ng Japanese?!"

Galit niya akong pinamaywangan. Huwag daw akong pilosopo.

"Huwag mong iniiba ang usapan! Ipaliwanag mo sa akin kung ano ang ibig sabihin niyan. Saan kayo nagpunta ni Kaito kagabi? At ano'ng pinaggagawa mo?!"

Bago ko pa masagot si Tita Chayong, tumunog ang telepono sa bahay. Kahit hindi ko naririnig ang sinasabi ng kausap niya, nabatid ko agad na tungkol sa headline news ang pinag-uusapan nila. Naintriga tuloy ako kung sino ang caller. At nakaramdam na rin ng pangamba.

Hindi na bumalik sa harapan ko si Tita Chayong. Pumasok agad ito sa kuwarto at nagbihis. Mag-lock daw ako ng pinto dahil babalik na siya ng omise niya.

Kaaalis lang niya nang may dumating naman akong panauhin. Si Miss Amane. Nakaramdam agad ako ng inis. How dare she! May mukha pang ipapakita sa akin sa kabila ng ginawa niya? Kahit hindi pinaliwanag ni Kaito kagabi ang pinasuot sa aking t-shirt ng friend niyang fashion designer kuno, nabatid kong masama iyon. Bakit niya ako nilagay sa ganoong kahihiyan?

"Fereru-san! Mabuti't naabutan kita rito sa inyo," sabi niya sa pa-sweet at pinakamagalang niyang Nihongo. "Hindi ko alam kung paano ko ihihingi ng dispensa ang nangyari kagabi. Nakarating sa akin ang balita na napahiya ka raw sa fashion show ng friend ko." Kasabay ng paghingi ng paumanhin ay yumuko ito sa harapan ko nang halos hanggang baywang. Nabigla ako. Hindi ko iyon inaasahan sa isang kagaya niya. Kung naiinis man ako kanina sa kanya, bigla iyong naglaho. Kalituhan ang pumalit sa galit ko.

"Nais kong iparating sa iyo na sukdulan ang hiya ko sa ginawa ng aking kaibigan. Sana mapatawad mo ako."

Hindi pa rin ako makapagsalita. Kanina lang ay gusto kong ibalibag sa pagmumukha niya ang pintuan pero ngayo'y nagawa ko pa siyang imbitahan sa loob ng pamamahay namin.

"Pasensya na talaga sa nangyari. Alam mo kasi'y controversial talaga ang mga obra ng kaibigan ko. Sa dami ng kakompetensya sa larangan ng fashion, minsan ay kailangan talagang gumawa ka ng eksena para pag-usapan ng mga tao. But rest assured, hindi iyon sadya. Wala itong personalan, trabaho lang talaga."

Para raw patunayang nagsasabi siya ng totoo, tinawagan niya ang kaibigan. Mayamaya'y sumulpot ito sa pintuan namin. Kagaya ni Miss Amane ay yumuko din ito sa harapan ko tanda ng taos-pusong paghingi ng paumanhin.

**********

"Ano ba ang pinaggagawa mo kagabi?" nag-aalalang tanong ni Akio pagkakita sa aking pumasok ng upisina nang umagang iyon. Hindi pa ako nakakaupo sa swivel chair ko'y binagsak na nito sa mesa ko ang tatlong daily newspapers ng Osaka. Pinasadahan ko lang ng tingin ang headline ng mga iyon at nagbukas na agad ng laptop. Hindi ko siya pinansin. From the corner of my eye, I saw him grabbed a chair and sat in front of my desk.

"Tumawag kanina ang head ng Nintendo. Ang sabi niya, napag-isip-isip daw nilang wrong timing ang balak nating pagsanib puwersa para sa isang video game project. Kinakansela na nila ang agreement natin."

Umakyat ang dugo sa ulo ko. Masakit na kanina pa ang sentido ko dahil ginising ako ng tawag ni Papa at bago pa man ako maka-hello ay binulyawan na ako. Tapos heto ang madadatnan kong balita? Fvck!

"O, ano? Hindi ka man lang ba magsasalita riyan? Wala ka bang sasabihin sa kanila?"

"Tell them 'fuck!' They can go to hell!" sigaw ko sabay pukpok ng kamao sa mesa.

Napapiksi si Akio. Ang masayahin at palabirong si Akio ay natahimik bigla. Nang muli itong magsalita, mahinahon na at mahina ang boses.

"Some of our huge investors pulled out their investments on the company."

Napahilot-hilot na naman ako ng sentido.

"She's better be worth it," sabi pa ni Akio bago ito lumabas ng upisina ko.

**********

Ilang gabi ko nang napapansing parang may sumusunod lagi sa akin sa tuwing umuuwi ako ng bahay buhat sa eskwelahan. Minsan nga'y napatakbo pa ako. Nang sabihan ko si Tita Chayong ako pa ang sinisi. Kung hindi raw ba naman ako tanga at nagpadala sa pagbabait-baitan ni Amane, hindi ko raw dapat sinasapit ito. Siyempre raw pagkatapos na maibalandra sa social medya na isa akong putatsing na pinagsawaan na ng isang modelong puti na kasama kong rumampa sa entablado, ano raw ba ang aasahan ko? Natural daw na iisipin ng mga viewers, lalung-lalo na ng mga perverts na Hapon na totoo nga iyon.

"Natingnan mo ba ang pagmumukha ng mga istoker mo?" sabat naman ni Ate Roselda.

"Siyempre, hindi! Ba't ko naman pagkakaabalahang tingnan? E kung bigla na lang akong hilahin at kaladkarin kung saan?"

"Kung guwapo naman, ba't ayaw mong pakaladkad? Malay mo? Baka this time ay makakatikim ka na ng itits! Sayang ang time." At bumungisngis ito. Hinampas siya ni Tita Chayong sa ulo ng nirolyong lumang diyaryo. Napangiti na lang ako nang mapakla. I felt a litte uncomfortable.

Paalis na ako ng omise para maunang umuwi ng bahay nang dumating naman si Kaito at ang kaibigan nito. Iyon ang una naming pagkikita simula ng pangyayari sa fashion show. Nagkagulatan kaming dalawa sa pintuan. Nang makabawi siya'y dumeretso na agad sa loob. Ang kaibigan niya lang ang bumati sa akin.

Ano ang drama ng damuhong iyon? Pagkatapos ng lahat, gano'n na lang kung tratuhin niya ako? E, di, fine!

Galit kong nilisan ang omise. Dahil abala ako sa kakaanalisa ng coldness na pinakita ni Kaito sa akin, hindi ko agad namalayang may dalawang mamang bumuntot na naman sa akin mula sa Takatsuki Station hanggang sa Family Mart na malapit sa bahay namin. Napansin ko na lang iyon nang may biglang humawak sa braso ko habang nagbubutingting ako ng cell phone. Binulungan ako ng kasama niya. Sumama raw ako nang maayos sa kanila kung ayaw ko ng gulo. Nagpumiglas ako. Tinadyakan ko sila pero para lang akong sumisipa sa pader. Ngumiti pa ang dalawang ungas. Natakot tuloy ako dahil nakita kung bungi-bungi ang ngipin nila at mukhang hindi pa nag-tootbrush. Hindi na ako nakapag-isip pa. Imbes na pangalan ni Ate Roselda ang pipindutin ko sa contacts dahil sa kanya ko sana ise-send ang text message kanina, na-scroll up ko ang contact list at pinindot ang call button pagkakita sa pangalan ni Kaito. Sumagot naman ito agad.

"Tulungan mo ako! May dalawang mamang ----" Bago ko matapos ang sasabihin inagaw na ng mama ang cell phone ko at pinutol ang tawag.

"Totoo nga ang naririnig namin tungkol sa iyo. Palaban ka." Tumawa pa ang dalawang ungas bago nila ako kaladkarin sa naghihintay nilang sasakyan sa hindi kalayuan. Pero bago nila ako maipasok doon, may bigla na lang lumipad sa ire at napasubsob sa aspalto ang dalawa. Tumilapon din sa tabi ng pinagbagsakan nila ang cell phone ko. May gasgas ang screen pero hindi naman nabasag, Paglingon ko, nakita ko ang galit na galit na si Kaito. Kaagad akong tumabi at naghanap sana ng pamukpok para tulungan siya, pero wala akong makita. Habang kinakarate niya ang mga kalaban, sinigawan niya akong bumalik daw muna sa loob ng Family Mart, pero hindi ko iyon ginawa. Sa halip ay tumawag ako ng pulis. Nang makita ng mga hudas ang paparating na patrol car, kaagad silang nagsipasukan sa van nila at sumibat palayo. Kami na lang ang nainterbyu ng nag-respondeng parak. Nainis sa akin si Kaito. Ba't ko raw siya sinusuway?

"Ano'ng masama sa pagtawag ng mga awtoridad?" pangangatwiran ko pa sa kanya nang makapasok na rin sa loob ng kotse niya.

"Dahil makakarating na naman ito sa mga magulang ko!" singhal niya sa akin sabay sabunot sa ulo niya. He looked so frustrated.

Napaisip ako. Naalala ko ang mga nangyari noong nakaraan. Siguradong nakarating din iyon sa mga magulang niya. Hindi ko man naintindihan ang mga sinabi sa news, may mga parokyanong Hapon ang omise na nagpaliwanag kung ano ang nilalaman no'n. Ang sabi nila, sikat na raw ako sa Osaka. Marami nga raw naiintriga kung sino ang babaeng kinahuhumalingan ng isang natatanging tagapagmana ng Furukawa Buiders para isugal nito ang magandang pangalan ng pamilya at makipagbugbugan sa mga security personnel dahil hiniya raw ako sa fashion show.

"Nagalit ba ang mga magulang mo sa nangyari no'ng isang araw?" tanong ko na lang bigla. Mahina na ang boses ko. Bigla siyang napatingin sa akin.

"Ano ang kinalaman no'n sa pinag-uusapan natin?" paiwas niyang sagot habang iniikot ang kotse palabas ng eskinitang iyon.

"Nagalit ba sila?"

"It's none of your business."

Hindi na ako sumagot. Wala na kaming kibuan hanggang sa marating namin ang bahay. Matapos kong magpasalamat sa kanya'y dumeretso na ako sa loob. Isasara ko na lang sana ang pintuan nang bigla niyang hinarang ang katawan doon. Napaangat ako ng tingin at nagkasalubong ang mga titig namin. He looked so solemn. At mukha siyang malungkot. Ganunpaman, hindi nawawala ang animal magnetism niya. Iyong tipong kapag titigan mo'y wala kang maisip na iba kundi kalaswaan lang. Napalunok tuloy ako nang ilang beses.

"Ang sabi ng tiyahin mo, ilang beses mo nang napapansing sinusundan ka sa tuwing pauwi ka ng bahay. Bakit hindi mo ito sinabi agad sa akin?"

"Paano ko naman sasabihin sa iyo? Friends ba tayo?"

Bigla siyang napangiti. Pumasok siya sa loob at tinulak pasara ang pinto. Muntik na akong ma-off balanced dahil ang higpit ng kapit ko sa seradura.

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko at tinitigan uli ako sa mga mata.

"Nakakabuwisit ka, alam mo ba? Sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha mo, bwisit na bwisit talaga ako. Bakit dumating ka pa sa buhay ko?" anas niya bago bumaba ang kanyang mukha at siilin ako ng halik sa labi.

Dahil sa mga narinig, nagpanting ang tainga ko. Tinulak ko ang kanyang dibdib.

"Para malaman mo, the feeling is mutual!" galit kong sabi sa kanya. Natigilan naman siya. He cupped my face and looked at my eyes again. Parang inaarok niya siguro sa mga mata ko kung totoo ang mga namutawi sa labi ko. I gave him a defiant look while I pushed him away. Nagulat ako nang bigla na lang siyang bumungisngis. Siraulo ba ang lalaking ito? Imbes na magalit sa sinabi ko, mukha pa siyang natuwa. He hugged me tightly and kissed my head.

"Pahinging unan," sabi pa niya habang naglalakad patungo sa living room namin.

"Ano'ng pahinging unan?" asik ko sa kanya.

"I'll stay here for the night. Alam kong uumagahin na naman sa omise niya si Chayong-san. Sasamahan muna kita rito sandali."

Humilata na siya sa sofa namin. Pinagsalikop niya ang mga palad at ipinatong doon ang ulo. He looked at me lazily and smiled. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Kanina lang ay sinabihan niya akong nabubuwisit daw siya sa pagmumukha ko, pero ngayo'y panay ang ngiti niya sa akin? Nababaliw na siguro ang Hapong ito! Tinalikuran ko siya dahil hindi naman umobra ang pagpapalayas ko sa kanya. But I have to admit, I like him around. Napangiti na rin ako habang nagpapalit ng pambahay. At least, hindi ako magwo-worry na baka bumalik ang mga kikidnap sana sa akin. Speaking of the kidnappers, random lang kaya iyon o baka may kinalaman doon ang bruhang Amane na iyon? Tama. Amane na. At bruha pa! Hindi na siya worth tawaging Miss Amane. Nag-apologize nga siya kasama ng kaibigan niya noong isang araw pero pakiramdam ko pakitang-tao lang iyon. Nahagip ko kaya ang secret look nila sa isa't isa habang kinakausap nila ako nang araw na iyon.

"Ang sabi ko, pahingi ng unan."

Napapiksi ako. Natigil ako sa pagba-brush ng lampas-balikat kong buhok at nilingon si Kaito na ngayo'y nakatayo na sa nakabukas kong pintuan. Shit! Dapat ni-lock ko iyon! Bago pa ako makatayo sa harap ng dresser, nakapasok na siya sa loob at binagsak pa ang katawan sa maliit kong kama. Umalog-alog ang pobreng higaan sa lakas ng impact.

"Tumayo ka riyan! O, heto'ng unan!"

Imbes kunin ang unan, hinila niya ako sa kama. Bumagsak ako sa katawan niya. Kaagad akong bumangon, pero mabilis siyang kumilos. Gumulong siya para madaganan niya ako. Hinuli niya ang dalawa kong kamay at kinulong iyon sa mga palad niya.

"Kahit ano'ng gawin ko, hindi ko ito makakalimutan," anas niya sabay baba ng labi sa mga labi ko. "You are driving me crazy."

Nagpupumiglas pa sana ako pero nawalan ako ng lakas nang kinagat-kagat na niya ang punong-tainga ko. Alam kong hindi ako dapat nagpapaubaya pero miss na miss ko na siya. Saglit lang akong nagprotesta nang itinaas niya ang sweater ko. Nang sinalat na niya ang kambal na talutot na nakatago roon ay napasinghap ako't napaliyad. Wala na ako sa katinuan nang bumaba ang mukha niya para ikulong sa bunganga ang isa no'n. Wala na masyadong foreplay. Kapwa kami sabik na sabik sa isa't isa kung kaya sa isang iglap ay napag-isa niya ang mga katawan namin. Sa bawat ulos at bawat indayog, pangalan ko ang sinasambit niya. Napayakap ako sa kanyang likuran nang mahigpit na mahigpit habang kinakagat-kagat ang leeg niya. Nang matapos iyon, he rolled to his side. Nakapikit ang kanyang mga mata habang nakapatong ang isang braso sa noo. Awkward silence na naman kami. Pinamulahan ako nang makita ang kahubdan niya kung kaya, dahan-dahan akong bumangon. Hinagilap ko ang kumot sa ilalim ng unan at tinakpan ko ang mga katawan namin. Tinanggal niya ang braso sa noo at tumingin na naman sa akin. Hayun na naman ang kaseryosohan sa mga amta niya. Hindi ko siya kayang tingnan nang matuwid kapag ganoon ang ekspresyon sa kanyang mga mata. Saktong pagbaling ko ng tingin sa dingding, may narinig akong kaluskos sa labas ng kuwarto kasabay ng boses ni Tita Chayong na tumatawag sa pangalan ko. I panicked.

"Bumangon ka't magbihis!"

Tumalon na rin ako pababa ng kama at hinagilap ang mga panloob ko. Saktong naisuot ko na lahat ng damit nang biglang bumukas ang pinto at sumilip ang tiyahin ko. Nanlaki ang mga mata niya. Nang sundan ko ang kanyang tingin, nakatitig siya kay Kaito. Nakita kong hindi man lang tuminag ang damuho. Sa halip ay prenteng-prente pa itong nakahilata sa kama. Tanging baywang hanggang kalagitnaan lang ng hita ang natatakpan ng kumot kaya alam kong alam ni Tita Chayong na wala itong saplot sa ilalim ng tela.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Kaito. Shocked na shocked ang mukha niya samantalang kalmado lang ang hudas. Nagawa pa nitong bumati sa tiyahin ko na para bagang normal lang ang sitwasyon.

"Filipa Natalia?" tiim-bagang na baling sa akin ni Tita Chayong.

Namutla ako. Hindi ko alam kung paano simulan ang pagpapaliwanag.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 217 34
Ito ang kuwento ng isang babae na hindi niya alam na ang mga magulang pala niya ay may kapangyarihan. Nang dumating na ang takdang panahon, dinala s...
158K 6.2K 79
A sole survivor of a plane crash was told by a fortune teller to find a certain woman and marry her in order to escape an impending death. *unedited*
36.2K 826 15
Si Deborah Baron nga ba na may dalawang katauhan ang serial killer? O si Dexter Baron na walang hinangad kundi maangkin ang kayamanan ng kanilang ang...
298K 4.6K 58
Umalis siya para makalimot, magmove on. Pero dahil sa makulit na playboy nagulo lahat ng plano niya at ang tahimik niyang bakasyon niya. Subaybayan a...