II: A Little Sacrifice

By pandasujusoshi

734 32 11

For a princess, what would you do for love? More

II: A Little Sacrifice
Chapter 1: Awkward Beginnings
Chapter 2: Return
Chapter 4: Telling Them

Chapter 3: Switch

68 7 0
By pandasujusoshi

A/N:

Happy Book 2 :)

Hehe. Kamusta naman po tayo diyan?

Chapter 3 po tayo ngayon! Babilis ang pag-update ko ngayon since magsisimula na naman ang pasukan ;)

Sana magustuhan niyo!

PINKFINITE <3

****************

Chapter 3: Switch

Bomi's POV

Hindi ako makatulog nitong mga araw. Pinipilit ko man ang sarili ko, pero walang epekto. Hindi pa rin ako inaantok. Ang dahilan? Hmm...mga tanong na umaalingawngaw sa isipan ko.

What does he want? Ano ba yung punto niya kung bakit niya iyun sinabi?

Pinaglalaruan lang siguro ako ng lalaking iyon. Tsk. Bomi naman, naniwala ka naman.

At ang worst...

Niyakap ko siya.

Nagawa ko lang naman iyon kasi natakot ako. Siyempre, mag-isa pa akong umaalis.

"Tsk." bumangon na lang ako sa kama.

"Hmm. Ate? Hindi ka natulog?" oops. Nagising ko ata si Naeun. Kagabi kasi, pinakiusapan kong matutulog muna ako katabi niya.

"N-natulog. Bumalik ka muna sa pagtulog. Saglit lang ako." paalam ko tsaka kinuha ang jacket ko't lumabas sa kwarto.

Maganda ka kasi.

Maganda ka kasi.

Maganda ka kasi.

"Hay nako! Nasisiraan ka na ata ng bait Bomi." sambit ko sa sarili habang naglalakad.

"Manang?" mahina kong tawag nang pumasok ako sa kusina. Walang sumagot.

Malamang siguro dahil patay pa ang mga ilaw.

Hinanap ko ang switch ng ilaw kaya lang hindi ko ito makita.

"Prinsesa."

"HOOMAY!!!

"Ano bang problema mo? Bakit ka nanggugulat?!" sigaw ko kay Joon na naaninag kong nakaupo sa may nook.

Binuksan niya ang ilaw tiyaka bumalik sa pagkaupo. "Sorry po. Ang aga niyo namang gumising." Napakamot siya sa ulo niya.

"Ha? Eh..." tinatanong niyo siguro kung anong oras pa, actually, mag-aalas singko pa ng umaga. "Wala lang." Umikot ako sa mga counter para hanapin ang thermos at kape.

"Kape?"

"Ah oo." sabi ko't nagpatuloy sa paghahanap. Nang isa-isa kong buksan ang mga cabinet, may isang bagay na nakakuha sa aking atensyon.

"Hihi." Hindi na ako nagdalawang isip; kinuha ko ang kahon.

Hehe, Koko Krunch.

"Pfft~" narinig kong pigil niya sa pagtawa.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "O bakit? Ngayon ka lang nakakita ng babaeng patay gutom?"

Umiling siya tiyaka tumayo. Binuksan niya ang ref at inilabas ang gatas.  Kumuha rin siya ng plato't kutsara. "Kain na." ngiti niyang sabi.

Hindi naman ako naweweirduhang kumain sa harapan niya. Ang weird lang dun ay ang ngiti niya. Ang nakakalokong ngiti niya. "Bakit ganyan ka kung makatingin?"

"Wala. Nakakatuwa ka kasing tignan. Koko Krunch alas singko ng madaling araw. Haha."

And so, nagsimula na ang masayang araw ko. Kumpleto na ito dahil kay, special mention, Koko Krunch.

"I-nyamnyam, ikaw, di ka kakain?" tanong ko sa kanya. Nakaupo lang kasi siya tsaka nakatingin sa akin. Baka sabihin niyong madamot ako sa pagkain.

"Hindi."

Pagkalaan ng ilang minuto, di ko na talaga nakayanan ang katahimikan namin. "Kwento ka na lang kung hindi ka kakain."

"Anong ikikwento ko sa'yo?"

"Kahit ano... Ah! Kung bakit mo tinulungan si L sa kapatid ko." ayan. Nice topic. And for that, more Koko.

"Kung bakit? Ewan ko. Mahal ko kasi yun si L eh."

Napalunok ako sa nginuya ko. "BAKLA KA?"

"Hindi no! Parang kapatid ko na si L kaya ko siya tinulungan, yun ang ibig sabihin ko."

Ahh. Kakabahan naman tayo dun. Sayang naman yung mukha niya...

"S-so alam mong prinsipe si L ever since?"

Tumango siya. Naging maagap ako at binatukan siya. "A-aray! Para san yun?"

"Eh alam mo pala! Ba't di mo sinabi agad?! Pinaiyak mo pa ang kapatid ko. Sabihin mo lang sana, ok na." mukmok kong sabi. Eh kung sinabi na niya agad diba? Siguro kung nangyari yun, hindi na kailangan nilang magkalayo.

"Tungkol nga pala dun." naging seryoso yung boses niya. "Hindi sa wala akong pakialam sa dalawa. W-Wala kasi akong karapatan para sabihin iyun kay Prinsesa Naeun. Sino naman kasi ako para makisingit sa nangyayari kina L...royal guard lang naman ako." mahina niyang sabi.

Mali ba yung nasabi ko? Nasaktan ba siya?

"Prinsesa? Sir Joon?"

Napatayo kami't napaharap sa kinaroroonan ng boses. Kakapasok lang ni Manang at ang mga staff ng kusina.

"Kanina pa po ba kayo gising?"

"Ngayon lang po." sagot ko kay manang.

"Hala! Oo nga pala! Naku Sir Joon, hindi ko po kayo napaglutuan ng almusal! Ngayon po pala yung meeting niyo at ng hari!"

Nangdito si Papa? Akala ko...

"Ok lang po. Sasamahan ko pa ang hari. Mauna na po ako." matamlay niyang sabi tiyaka kinuha ang coat niya. "Mauna na po ako Prinsesa." yuko niya.

Pinagmasdan ko siyang lumabas.

Feeling ko...

Mali yung nasabi ko.

_____

3rd Person's POV

Hindi pa rin maalis sa isipan ni Bomi ang mga sinabi ni Joon sa kanya. Naniniwala kasi siyang may nasabi siyang mali.

Ngayon, nakaupo lamang siya sa loob ng opisina ni Naeun. Habang nagtratrabaho si Naeun, tahimik lang siyang nanonood.

"N-Naeun." tawag niya sa kapatid.

"Yes?" tanong nito habang patuloy pa ring binabasa ang mga papeles nito.

"Pa'no mo malalaman kung nasaktan ang isang tao sa tinanong mo?"

"Bakit? Sinong inaway mo?"

Nagdadalawang isip si Bomi kung ikikwento ba niya ito sa kapatid.

"S-sabi kasi niya, sino raw siya para gawin iyon...royal guard lang naman daw siya."

"What??? Sinabi iyon ni Joon???" agad na reaksyon ng kapatid.

"P-pano mo nalaman na---"

"Ate, isa lang naman ang royal guard sa palasyo ng Silangan...si Joon lang yun." paliwanag niya. "Ano bang sinabi mo?"

Nang masabi ni Bomi sa kay Naeun lahat, napailing ito. "Mali. Maling-mali."

"Ha?"

"Eh kasi ate, alam naman nila kung ano lang ang pwede nilang gawin. Sa paraan ng pagsabi mo nun, parang binibring down mo rin yung kakayahan nila kasi hanggang doon lang ang rank niya. Example, maid, alam nilang di sila pwedeng harap-harapang makipag-usap sa prinsesa. Form of oppression ganun. " paliwanag ni Naeun.

Sa mga oras ding ito, kausap ni Joon ang hari sa kanyang trono.

"P-po?" gulat na reaksyon ng royal guard sa binitawang salita ng hari.

"Hindi naman kita tinatanggal sa posisyon mo dito sa palasyo. For the mean time lang, until aalis si L, ikaw muna ang H.O.S ni Bomi."

Nagproprocess pa sa utak ni Joon ang sinabi ng hari. Hanggang nandidito pa si L, siya muna ang magbabantay kay Prinsesa Bomi.

"So dalawa po ang babantayan ko?"

"Haha! Hindi, hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ikaw muna kay Bomi since L will be with Naeun. Ok?" paalam ng hari at tumayo, naghuhulugang aalis na siya.

"O-opo."

"Tomorrow will be your first day. Don't worry, mas madaling makisama kay Bomi. I hope you two get along well. Inform L also and the others. Ikaw lang ang pinagbilinan ko." bilin ng hari.

So this is how it starts.

Joon's subject of attention will be Bomi.

Paano kaya magsisimula ang dalawa?

Ngayon, isa na lamang ang pinangangamba ni Joon...

Kung paano niya maiiwasan ang prinsesa, ngayong mas maging malapit sila sa isa't isa.

Continue Reading

You'll Also Like

342K 8.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
19K 693 35
A MikhAiah x MikhaLoi Parallel Universe Maven is deeply inlove to Avery but she's always looking for someone
68.1K 1.9K 48
BINI ships Oneshots Compilation.
383K 5.5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...