Graveyard Love story

By ChinitaSai

31.8K 4.1K 648

Falling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn... More

Graveyard Lovestory
INTRODUCTION
Chapter 1 - (THE ADMIRER)
Chapter 2 - (HIDDEN FEELINGS)
Chapter 3 - (THAT PHONE CALL)
Chapter 4 - (MR. COMFORTER)
Chapter 5 - (BASTA DRIVER, SWEET LOVER)
Chapter 6 - (A DAY WITH HIM)
Chapter 7 - (THE KISS)
Chapter 8 - (RECONCILIATION)
Chapter 9 - (FIRST DATE)
Chapter 10 - (OUR PROMISE)
Chapter 11 - (SHE CONFESS)
Chapter 12 - (BAD NEWS)
Chapter 13 - (I'M HIS MASTERPIECE)
Chapter 14 - (WAY OUT)
Chapter 16 - (DUMBFOUNDED)
Chapter 17 - (FRIENDS BY HEART)
Chapter 18 - (FAKE FRIEND)
Chapter 19 - (STRAT PLAN)
Chapter 20 - (FLY AWAY 1.0)
Chapter 21 - (FLY AWAY 2.0)
Chapter 22 - (FALSE BELIEFS)
Chapter 23 - (BACK TO SCHOOL)
Chapter 24 - (MISFORTUNE TELLER)
Chapter 25 - (PLAN)
Chapter 26 - (LOST's)
Chapter 27 - (GOODBYE'S)
Chapter 28 - (SHE'S ALIVE)
Chapter 29 - (BE WITH HER)
Chapter 30 - (MASQUERADE PARTY)
Chapter 31 - (HE IS HERE)
Chapter 32 - (SAD GOODBYE)
Chapter 33 - (MR.COMFORTER 2.0)
Chapter 34 - (UNTOLD STORY)
Chapter 35 - (MY ULTIMATUM)
Chapter 36 - (GIRL FIGHT)
Chapter 37 - (SLEEPING NEXT TO ME)
Chapter 38 - (CHANGE OF HEART)
Chapter 39 - (WONDERFUL NIGHT)
Chapter 40 - (THE WEDDING)
EPILOGUE
MUST READ!

Chapter 15 - (CAUSE I'M LEAVING)

646 101 8
By ChinitaSai

GL_15

(CAUSE I'M LEAVING)

——-

Rheema's POV

Pagkapasok ko sa mansion nagdiretso na ko sa kwarto ko. Kinuha ko na ang mga damit ko sa closet at nilagay ito sa isang maleta. Niligpit ko na lahat ng stuffs ko at nilagay ko sa isang back pack para hindi ako mahirapan kapag kakailanganin ko sila. My stuffs are my make-ups, tissue, my headrest, charger, wallet, and etc. Mga dalawang oras din ang inabot ng pag-aayos ko ng mga gamit ko. Hindi ko namalayan ang oras. 

Bumaba ako sa sala dahil nagugutom na ako. Bibingka lang kasi ang kinain namin ni Kurt e lunch time na 'yon. Habang pababa na, naka-amoy ako ng mabangong pagkain, lalo tuloy nanggalaiti ang mga alaga ko sa tiyan.

"Hmm ang bango. Mom? Ano niluluto mo?" pasigaw kong tanong habang naglalakad ako papuntang kusina.

"Kare-kare baby. Malapit na 'to maluto, gusto mo kumain?" tanong ni Mommy habang nakaharap sa niluluto niya.

"Opo, I'm starving to death na Mommy," pag-iinarte ko. I'm acting like a child na naman haha okay 'to para asikasuhin ako ni Mom.

"Just wait a couple of minutes, maluluto na 'to. Kumuha ka na ng plato mo at magsandok ka na ng kanin," tsk akala ko pa naman hahainan ako ni Mommy. Hmp sige na sige na ako na ang kikilos para sa sarili ko.

Nagsandok ako ng kanin sa plato ko at bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Maya-maya nilapag na ni Mommy ang kare-kare sa lamesa pati ang partner nitong bagoong. Nagsimula na akong kumain. Merienda time na pero naglulunch pa lang ako. Okay na rin 'to para tumaba naman ako, masyado kasi akong sexy e.

"Pakaen!" sabi ni Kuya na nasa gilid ko na pala.

"Eh di kumain ka. Magsandok ka doon, wala kang maid dito!" sabi ko sabay irap sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit naglaho na ang mga kasambahay dito mula no'ng natapos ang lamay.

"Ang sungit naman ng napakaganda kong kapatid. Wala nga akong maid dito kaya pwede bang ikaw na lang?" pang-aasar niya.

"Asa!" sagot ko. "Huwag ka ngang istorbo kumakain ako. Mommy oh!" At heto na ako nagsusumbong kay Mommy sa pangungulit ni Kuya kahit na kanina pa lumabas ng kusina ang mapagmahal kong ina.

"Sungit mo!" sabi ni Kuya at umalis na siya sa tabi ko para siguro kumuha ng plato at kanin. Wala pang five seconds ay nandtio na siya sa tabi ko. Kamag-anak niya ata si Flash.

"Oy mag-ingat ka sa pag-uwi mo bukas ha? Nasabihan na ni Mommy si Daddy na uuwi ka kaya siya ang magsusundo sa'yo sa airport," sabi ni Kuya habang nagsasandok ng ulam.

"Okay," matipid kong sagot.

"Hay kung wala lang meeting ang mga share-holders ng kumpanya dito next week e sasamahan na kitang umuwi. Nag-aalala lang ako na mag-isa kang babyahe," ayan Kuyang-kuya na siya kung umasta ngayon pero infairness nakakatouch siya.

"Drama mo Kuya. Okay lang ako, promise I'll take care of myself. At saka isang oras lang naman ang byahe sa eroplano para lang akong namasyal no'n sa MOA."

"Oh sige basta tumawag ka kapag may problema ha?"

"Kapag may problema lang Kuya? Paano kapag wala hindi ako tatawag?" pamimilosopo ko.

"Ewan ko sa'yo! Basta give me some updates," sabi niya sabay subo sa kutsara na may kanin.

"Updates Kuya? Artista ba ko para magbigay ng minu-minutong updates?" pamimilosopo ko ulit.

"RHEEMA! Titigil ka diyan sa pamimilosopo mo sa akin o sasaksakin kita ng tinidor?" ayan sumigaw na siya at nakaturo pa sa akin ang hawak niyang tinidor.

"Ahehe titigil na po." Haist ang brutal ni Kuya. Makakain na nga lang.


After kumain, ako na ang naghugas ng pinagkainan, masipag kasi ako. Then nanuod ako ng TV while texting my bestfriends na uuwi na ko bukas. Natuwa naman sila sa ibinalita ko, excited na raw silang makita ulit ako. 

No'ng medyo malalim na ang gabi naisipan ko ng magdinner and then umakyat na ako sa taas para magshower. No'ng nahiga na ko sa kama,  I drift off to sleep.

-


Nagising ako sa pag-ring ng phone ko, kinapa-kapa ko siya sa tabi ko at no'ng nakuha ko na sinagot ko na agad ang tawag. Hindi ko na tiningnan ang caller ID dahil nakapikit pa ako.

(Good morning Singkit!) Sino pa ba ang tatawag sa akin ng ganito kaaga, walang iba kundi si Kurt. Saka siya lang ang tumatawag sa akin ng singkit, lately.

"Ikaw pala Kurt, good morning din," medyo inaantok kong sabi.

(Antok na antok ka pa sa boses mo ah, dahil diyan dapat bumangon ka na at mag-almusal.)

"E later na," ayaw ko pa kasing bumangon at saka hindi pa naman ako gutom. 

(Ganoon ba? Kawawa naman 'tong almusal mo, kanina pa kasi to naghihintay na pagbuksan mo ng pinto. Saka medyo nangangawit na rin ako.)

Napadilat ako ng wala sa oras at napatingin sa pinto "Na-nasa labas ka?" natataranta kong tanong.

"Ahmm figure it out," cool niyang sabi, pustahan naka-ngisi 'yan si Kurt. Arg!

"Si-sige. Basta wait lang," sabi ko at agad akong bumangon sa kama para magsuot ng bathrobe. Kinuha ko siya sa banyo dahil naka-sando lang akong manipis at short-shorts. Naghilamos at nagmumog ako ng mouthwash, mahirap na baka amoy panis na lamay ang hininga ko. NAKAKAHIYA KAY KURT!

Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang gwapong nilalang, emegesh ang ganda na ng umaga ko.

"Ahm.. pasok ka na!" Medyo nahihiya na naman ako. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, minsan ang komportable ko sa kanya pero may mga pagkakataon ding halos umurong ang dila ko.

"Breakfast in bed," ear to ear ang ngiti niya no'ng nagsalita, hawak niya ang isang tray na may fried rice with egg and burger steak. Plus isang baso ng gatas.

 Naupo na kami parehas sa kama, hinayaan ko lang na nakabukas ang pinto. 

"Hindi mo naman kailangang dalhan ako ng almusal dito sa kwarto," sabi ko. Nag-abala pa kasi siya. Tapos pinaghintay ko pa siya sa labas.

"Hindi nga kailangan pero gusto ko. Ako nagluto niyan kaya kumain ka na. 'Wag na madaming arte."

Tumingin ako sa kanya "Salamat, tara saluhan mo ko."

"Para sayo 'yan kaya ikaw lahat uubos niyan, tapos na rin akong kumain." Tinaas pa niya ang dalawang kilay niya para makubinsi ako.

"Sige na nga," 'yan na lang ang sinabi ko at nagsimula na kong kumain. 

"Sasama pala ko mamaya sa paghatid sa iyo sa airport."

"Talaga?" bigla akong na-excite sa sinabi niya, ayan tuloy may tumalsik na butil ng kanin sa harap niya.

"Ay sorry," agad kong sabi. Tsk bakit ba kasi pinahalata kong na-excite ako. Hmp kasi naman hindi ko inaasahan na sasama pa siya sa paghatid sa akin kahit na ilang beses ko din 'yong in-assume.

"Hahaha dahan-dahan kasi," patawa-tawa niyang sabi.

Nakayuko lang ako dahil ang epic ko kumain. Ayaw ko tumingin sa kanya mahalata pa niyang namumula ang pisngi ko.

"Hey, hey!" sabi niya habang inaangat ang ulo ko, nakahawak siya sa baba ko.

Sige mag-pacute ka pa Rheema. Medyo naka-nguso kasi ako habang nakatingin sa kanya. Para kong bata na nagpa-puppy eyes.

Nagulat ako nang biglang ngumisi si Kurt at sinabing "Nagpapacute ka ba? No need matagal ko ng alam na cute ka."

Biglang nag-change ang aura ko. Kumunot ang noo ko at lalong naningkit ang mata ko.

"Shut up. Ako magpapacute? Hindi no. It's not my fault kung natural siyang lumalabas," ayan maldita na naman ako. Si Kurt kasi nang-aasar, atsaka nakaka-offend kaya. Oo na, nagpapacute na ko pero di naman niya dapat sabihin 'yon out loud dahil lang sa napansin niya. Hmp.

"Ang aga-aga nagsusungit na naman." Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Sumubo na lang ako ng tuloy-tuloy hanggang sa maubos ko 'yong kinakain ko. Saka ko ininom nang dire-diretso ang isang baso ng gatas.

"I'm done. You can go now. Thanks for the delivery," then I gave him my sarcastic smile. Bahala ka diyan hmp. Pinahiya mo ko kanina sa harap mo! Arg!

"Ehem, ang sungit naman. 'Yan ang susukli mo sa kabila ng ginawa ko. Daya naman."

Ayos ah? Kung may kapalit pala 'yon dapat hindi ko na lang kinain. Psh! Tiningnan ko na lang siya ng ano-ba-gusto-mo look.

"Kiss?" over makangiti ang loko. Tama ba 'yong narinig ko? Kiss daw? 

"Ayaw!" sabi ko sabay irap sa kanya.

"Please," aba at nagmaka-awa pa. 

"Huwag mo kong pilitin, baka pumayag."

"Hahaha pilit, pilit, pilit!" sabi niya habang papalapit ng papalapit sa akin ang mukha niya.

"TIGILAN MO KO KURT!" tinapalan ko ng palad ko ang buong pagmumukha niya. Bakit ko ba kasi nasabi 'yon! Baka hindi tuloy 'to tumigil kaka-pilit.

"RHEEMA, ANAK! OKAY KA LANG BA?" nagkatinginan kami ni Kurt. Napalakas ata ang sigaw ko, narinig tuloy ni Mommy sa baba. PATAY!

"AHM.. OKAY LANG PO MOM. NAG-UUSAP LANG KAMI NI KURT" sigaw ko para marinig ni Mom.

"Ikaw kasi," paninisi ko sa kanya.

-


Matapos ng pagkukulitan namin ni Kurt ay nag-asikaso na ako. Naligo ako at nagpaganda. Sinuot ko ang couple shirt na binili namin ni Kurt noong nakaraan, para naman makita niya na sinuot ko. Bagay na bagay sa akin, napapangiti ako habang nasa tapat ng salamin. Sinuot ko rin ang kwintas na binigay niya.

Napansin ko lang ang dami na niya palang nabigay sa akin samantalang ako wala. Napakagat-labi tuloy ako. Anong ibibigay kong remembrance? Hay bahala na nga. Didiskartehan ko 'yan mamaya.

"Ready ka na ba?" si Kurt na ata iyon. Pumunta ko sa pinto at pinagbuksan siya. Halos mahulog na ang panga ko dahil nagpalit siya ng damit. 

"Ang ganda bagay sa'yo," pagpuri niya.

"Sa-sayo rin, bagay. Ang gwapo mo tingnan," nakatulala ako sa kanya, nasabi lang ng bibig ko ang nasa isip ko. Late ko na napagtantong nasabi ko pala.

"Teka lang! Hindi naman tayo nag-usap na susuotin natin ang couple shirt natin ah! Sinilipan mo ko no?" Bulalas ko.

"Hoy hindi ako gano'n no? Na-tripan ko lang suotin to. Malay ko bang ganoon din pala ang naisip mo. Paano ba 'yan, it proves that we're meant to be." 

"Napapansin ko na talaga 'to, porket aalis na ko nilulubos-lubos mo na 'yang pagka-korni at pagka-kulit mo." Wala eh keen-observer ako. 

Biglang sumeryoso ang mukha niya "Mamimiss lang talaga kita Rheema." Sabay hawak niya sa pisngi ko. "Nagkukulit ako kasi ayaw ko namang mag-iyakan tayo, tulad ng mga nasa teleserye. Kapag magba-bye na sila sa taong mahalaga sa kanila. Para ngang namimiss na kita kahit hindi ka pa umaalis."

Tumingkayad ako para yakapin siya ng mahigpit "I'll miss you too," bulong ko sa tenga niya. Naramdaman kong nilagay din niya ang dalawang braso niya sa likod ko para yakapin ako. Ayaw kong umiyak kaya hangga't maaari pipigilan ko. Mahirap na, baka hind ako tumigil. Habang yakap ko si Kurt may isang kantang sumagi sa isip ko.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin ako ng diretso sa mga mata niya, kakantahan ko siya.

A/N: Play the song sa gilid, NGAYON NA XD: Leaving on the jetplane. Tingnan niyo rin yung video, ang cute :)

"All my bags are packed, I'm ready to go. I'm standin' here outside your door. I hate to wake you up to say goodbye," mahinahon at malumanay ang boses ko habang kumakanta.

"But the dawn is breakin', it's early morn. The taxi's waitin', he's blowin' his horn. Already I'm so lonesome I could die." Malulungkot talaga ako ng sobra dahil matagal kaming hindi magkikita. Ganito pala ang pakiramdam 'no kapag na-inlove, kahit isang araw ayaw mong palagpasin paano pa kaya ang isang linggo? Feeling mo ang isang linggo katumbas na ng isang buwan na hindi kayo magkakasama. 

Ako naman ngayon ang humawak sa magkabilaang pisngi niya.

"So kiss me and smile for me. Tell me that you'll wait for me. Hold me like you'll never let me go."

He gently slide his thumb to my cheeks "Shhh!" Ayan traydor 'tong mga luha ko. Sabi nang 'wag tutulo e. Umiiyak na pala ako.

"'Cause I'm leaving on a jet plane. I don't know when I'll be back again. Oh, babe, I hate to go," medyo nawala na ko sa tono sa pagkanta dahil tuluyan na akong humagulgol.

Hinawakan niya ang mga balikat ko na parang nagsasabing humarap ako sa kanya at tingnan ko siya. So ginawa ko, I look at him and I was shock when he kiss me on my lips. A smack then he smiled.

"So I kiss you and smile for you," kinanta niya 'yong kinanta ko kani-kanina lang. Iniba niya lang ang ibang salita para version niya talaga. Napangiti tuloy ako.

"Tell you that I'll wait for you. Hold you like I'll never let you go."

Niyakap niya ako ng mahigpit habang hinahaplos-haplos ang likod ko. "Tahan na? Burado na 'yang make-up mo. Pangit ka na," sabi niya habang nakapatong sa balikat ko ang ulo niya. Ako nakaharap lang ako sa dibdib niya.

"Tama na yan, hinihintay na nila tayo sa ibaba," malambing niyang sabi. Tumango-tango ako at humiwalay na sa pagkakayakap namin. Inayos ko na muna ang sarili ko, humarap ako sa salamin at nagretouch ng kaunti. Nasa may pinto lang si Kurt, nang matapos na ako sabay na kaming bumaba. Siya na rin ang nagbitbit ng maleta ko.

Sa kotse ni Kurt na ako sumakay dahil puno na ang kotse ni Kuya, nagsisama kasi ang mga pamangkin ko, sila Bea, Janella, Mitch at Ava.

"You okay?" tanong ni Kurt, napansin niya ata ang panay tingin ko sa daanan. Palinga-linga kasi ako, nagtitingin kung may madadaanan ba kaming store na may mga souvenir. 

"Wait hinto ka Kurt!" Pumreno naman siya.

"Bakit?" tanong niya na may halong pagtataka.

"Ahm.. bibili lang ako sa labas ng ahm.. pang souvenir."

"Samahan na kita," sabi niya at akmang lalabas na.

"Ay 'wag na, ako na lang. Saglit lang naman ako at saka para may magbantay ng kotse mo." Lumabas na ko kaagad para hindi na siya makahirit pa.


Pagkapasok ko walang masyadong tao, mabuti na lang para hindi ako matagalan. Ang cute ng mga t-shirts nila may mga naka-print na 'I Love Tacloban' bumili ako ng 5 shirts. Tatlo doon pang-babae ang size then 'yong dalawa pang-lalaki. Iba-iba naman ang design nila. Para sa akin ang isa, tapos kay Vee, kay Shantal, pati na rin si Glenn at 'yong isa kay... Gelo?

Nahagip ng mata ako ang isang painting na naka-frame. San Juanico Bridge ang painting tapos may couple na naka-upo sa kalsada, magkatalikuran. Walang mukha 'yong mag-couple pero ang ganda. 

"Ahm, Miss isama mo na 'to."

"Okay po Ma'am," sagot ng babae sa counter.

Inabot na niya sa akin ang mga paperbags at mabilis naman akong lumabas ng store para sumakay na sa kotse.


"Anong binili mo?" tanong ni Kurt, ini-start na niya ang makina ng kotse at pinaandar na.

"Mga shirts lang para sa mga friends ko." Tumango naman siya.

"Ahm Kurt may bibigay pala ko sa'yo, ito oh," sabay angat ko sa paperbag "Lagay ko sa likod ah. Buksan mo na lang pag naka-uwi ka na ha?"

"Sige maya ko na lang buksan pag-uwi. Salamat Rheema."


Pagdating namin sa airport nandoon na sina Mommy, hinihintay na nila kami ni Kurt. Niyakap nila akong lahat at hinalikan sa pisngi bago ko pumasok sa loob.

"Basta mag-iingat ka anak? Susunduin ka ni Daddy mo."

"Opo Mommy."

Narinig naming lahat ang announcer na nagsalita, kaya kinuha ko na ang luggage ko at pumasok na ko sa loob. Lumingon pa ko sa huling pagkakataon at nakita kong ngumiti sa akin si Kurt, ngumiti rin ako.



-

A/N : Okay ba? By the way, gusto ko pong magpasalamat sa mga taong ito na sumoporta sa GL:

Avalaunch l OnelessHypocrite l certifiedmyonlyone l jellybelly_lover19 l cuteyanneng l WeOnlyLiveONCEYow l HarmlessGangster l HeratOw l At sa iba pa. Hindi ko na kayo iisa-isahin pa pero lubos akong nagpapasalamat sa inyo. Sa votes and comments niyo na nagsisilbing inspirasyon ko :)

ILOVEYOU ALL. GOD BLESS ^_^


- ChinitaSai

Continue Reading

You'll Also Like

63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
20.9M 514K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...