The Unscripted Love (UNEDITED...

maanbeltran

96.5K 1.7K 52

PUBLISHED: May 2011 Dalawa ang rason ni Marivic kaya pumayag siya sa pakulo ng kanyang ina na makipag-date s... Еще

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10

CHAPTER 4

8.4K 167 3
maanbeltran

Pinaglalaruan ni Marivic ang ilang hibla ng buhok niyang sadyang inilagay niya sa mismong mukha para mahipan-hipan iyon. Nakapatong sa ibabaw ng mesa ang paa niya habang magkasalikop ang dalawang kamay sa may tiyan. Madaling araw pa lang ay nasa Uno na siya at tumatao. Ang Uno ang main branch nila kaya naman doon din matatagpuan ang nagsisilbing opisina ng pamilya nila. Maliit lamang ang opisinang iyon. Kahon nga lang kung tutuusin na pwedeng lagyan ng lamesa at upuan at tayuan ng limang tao. Pinagawa lang iyon ng nanay niya para magkaroon naman sila ng privacy kapag may pag-uusapan o gagawing importante.

Madalas ay sa Tres siya tumatao kung saan ay malapit lang iyon sa dati niyang pinagtatrabahuan. Pero dahil "concern" ang nanay niya sa love life niya, doon siya pinabantay ngayon dahil nakaschedule si Lance na magdeliver ng supplies doon. Dapat ay muli na daw silang magkita ng lalaki pagkatapos ng date nila noong isang araw. Iyon ang unang linggo ng pinag-usapan nila ni Lance.

Napangiti siya habang pinapatay ang ilang hibla ng buhok. Ang akala siguro ng nanay niya ay nakapuntos ito sa ginawa nito sa kanila ni Lance. Her mother should have known her better. Bata pa lang siya ay mahilig na siyang gumawa ng paraan malusutan lang ang nanay niya.

Gaya na lang nang minsang gusto siya nitong pasalihin ng beauty contest nung bata siya sa probinsya nito, umattend siya ng rehearsals. Pagsapit ng coronation night ay nagpanggap siyang may sakit. Naglagay siya ng bawang sa kilikili niya para lang hindi ito magduda na may sakit siya. May isa pang insidente noong kagagraduate niya lang ng elementarya at gusto siyang ipasok ng nanay niya sa isang exclusive for girls. Nagkunwari siyang may LBM. Suportado siya ng papa niya noon kaya ito ang tumatakip sa kanya lagi. Ang resulta? Pinaenroll siya sa school na gustung-gusto niya.

At ngayon, magkukunwari siyang gagawin ang lahat maligawan lang ni Lance pero ang totoo ay naka-plot na kung kelan mag-uumpisang manligaw sa kanya ang binata.

Napatingin siya sa wall clock na nasa di kalayuan. Bakit kaya hindi pa kumakatok ang lalaki? Kapag ganoong oras ay dapat nasa loob na ang lalaki para kumuha ng bayad. Pero ngayon-

Narinig niya ang mahina pero sunud-sunod na pagkatok sa pinto. Iyong klase ng katok na parang ginagawang music instrument ang pinto dahil may kasama pang tono. Napailing na lang siya. Alam niya na kung sino iyon. "Pasok."

Lumitaw ang nakangiting si Lance. Kumindat pa ito sa kanya. "Salubong ang kilay ah." tuluyang na itong pumasok.

"Ang tagal mo kasi eh." Umayos siya ng upo nang makalapit na ito sa kanya at umupo sa harapan niya.

Natawa ito. "Anong matagal? Ganitong oras naman talaga ako nagdedeliver ah."

Hindi siya nagkomento dahil tama ang lalaki. Para nahuli lang ito ng wala pang limang minuto, matagal na? Ano bang nakain niya at wala siyang ibang mahanap na pagkakaabalahan kanina kundi ang hintayin ang pagdating ng lalaki? Hindi naman siya ganoon dati. Ngayon lang. Weird.

Pailalim siyang tiningnan ng lalaki at pagkatapos ay nanunukso ang ngiti. "Miss mo na ko 'no? Nung isang araw nga lang tayo nagdate eh."

"Magtigil ka diyan kung ayaw mong ibalibag kita." binuksan niya ang mahabang drawer para kunin ang susi ng cash box nila na nasa loob naman ng nakalock na maliit na drawer sa gilid ng office table. Paraan na rin niya iyon para maiwasan ang nanunuksong tingin ng lalaki.

"Bakit nga pala ikaw ang nandito?" umupo ito sa harapan niya. "Diba madalas dun ka sa kabilang carenderia niyo?"

"Tinanong mo pa, siyempre dahil sa nanay kong naghahanap ng milagro sating dalawa."

He chuckled. "Papano natin uumpisahan ang acting ngayon kung ganitong tayong dalawa lang?"

Sumimangot siya. "Darating anytime si ate. Tutulong yun dito at malamang babantayan tayo. Kaya humanda ka."

"Si Maricar?"

Nag-isang linya ang kilay niya. Tingin niya ay umaliwalas ang mukha nito nang banggitin nito ang pangalan ng ate niya. "Tigilan mo ngang ate ko Lance! May asawa na yun, lumalandi ka pa rin."

Natawa ito. "Grabe naman to kung makabintang. Isang beses pa lang tayong nagdedate, nagseselos ka na? Mukhang nahuhulog ka na talaga sakin ah. Hindi mo na kailangang umarte."

Tinapunan niya ito ng paperclip na nadampot. Tatawa-tawang umilag ang lalaki. "Alam mo kahit kailan, tinik ka sa lalamunan ko!"

"At sagabal ka naman sa adam's apple ko." ganti nito. "Tsaka pwedeng magrequest?" dumukwang ito at sa pagkagulat niya ay plinantsa mula pagitan ng kilay niya hanggang sa dulo ng mga iyon gamit ang dalawang daliri nito. "Bawas-bawasan mo ang pagkunot noo. Nawawala ang ganda mo."

Hindi siya nakahuma. Bigla ay hindi niya alam kung papano babarahin ang lalaki sa obvious na pambobola nito. Papano ay tila nararamdam niya pa rin ang init ng palad ng lalaki sa noo niya. At mukhang pinako na siya sa kinauupuan dahil hindi na siya makagalaw pa.

Hindi niya alam kung ilang segundo na siyang nakatanga lang doon. Kung hindi pa ngumiti ng malapad ang lalaki ay hindi pa siya magigising. "At mas lalo kang gumaganda kapag ganyang hindi nagpapasabog ng maanghang na salita ang bibig mo. Taob mo na si Marian Rivera sa pagandahan."

Binalik niya ang pagsalubong ng kilay sa kabila ng biglang pagtalon ng puso niya. Akalain mo yun? Marunong palang mag-acrobat ang puso niya? "Kilabutan ka nga sa mga pinagsasasabi mo. Hindi ako tinatablan ng mga ganyang bola Lance, kaya utang na loob."

Weh? Di nga? Bakit parang kinikilig ka? Salungat ng isang parte ng isip niya. Na sinigundahan naman ng ibang internal organs niya. Lumobo ang atay niya, nagsayawan ang small and large intestine niya at ang kaninang nag-acrobat na puso niya, ngayon ay sumali na sa track and field dahil sa mabilis na pagtibok nito. Parang gusto ding sumang-ayon ng labi at katawan niya dahil gusto niyang ngumiti at mangaligkig. In short, gusto niya ang pambobola ng lalaki deep inside.

Magsitigil kayo! saway niya sa lahat ng organs niya.

"Sinabi mo eh." ngumiti ito sa kanya. "Tapos na nga pala naming mahakot iyong mga orders niyo. Nacheck na rin ng tindera niyo. Kukunin ko na sana ang bayad."

"Asan ang resibo?"

Ibinigay nito sa kanya ang hinahanap niya. Saglit niyang chineck kung magkano ang babayaran niya dito bago binuksan ang maliit na drawer.

"Wala ba talagang bisa ang kagwapuhan ko sa 'yo?"

Itinigil niya ang ginagawa. Mataman itong pinagmasdan at pagkuwa'y sarkastikong ngumiti. "Tatlong taon na tayong magkakilala, Lance. Sa tingin mo bakit ni minsan hindi ako nagpacute sayo?"

Nag-isip ito kunwari. "Hhhmmm... kasi... mas pinapansin ko ang mga tindera niyo kesa sayo kaya nagkukukot lagi ang dibdib mo?"

Sa inis ay dinampot niya ang ballpen na nasa ibabaw ng mesa at itinapon dito. Tatawa-tawang umilag ang lalaki. Eksaktong bumukas ang pinto at iyon ang nadatnang eksena ng walang iba kundi ang hinahanap ng haliparot na lalaki – ang ate Maricar niya. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa habang pumapasok. May nakapaskil na panunukso sa bibig. "Sabi nila, diyan daw nag-uumpisa ang lahat."

"Oo ate. Sa ballpen ni Rizal nagsimula ang himagsikan kaya sa ballpen din magsisimula ang digmaan namin ng buhawi'ng 'to." Muli niya itong tinapunan ng paperclip. This time ay hindi na nakaiwas pa ang lalaki. Natamaan niya ito sa dibdib.

Natawa ng malakas ang ate niya. "Eh bakit? Ballpen din naman ang ginamit namin ni Albert nung pumirma kami ng marriage certificate ah. Doon nagsimula ang magandang buhay namin. Mas maganda naman ang kasalan kaysa sa digmaan, diba?"

"Kung si Lance lang din naman, mas pipiliin ko na ang digmaan."

"Pwede din namang both ah." sagot ng lalaki kahit hindi ito ang tinatanong. "Ibang klaseng digmaan nga lang. Digmaan sa loob ng kwarto." Ngumisi ito sa kanya. Tinaas-baba ang dalawang kilay.

"Bastos!" nanlalaki ang mga matang sigaw niya sa lalaki.

Nagkatawanan ang dalawang talipandas sa harapan niya. Tila siyang-siya habang siya ay namumula na sa magkahalong inis at hiya dahil kaagad niyang naimagine silang dalawa ni Lance sa loob ng kwarto at- Ipinilig niya ang ulo.

"Hay naku... Kung ganyan kayo ng ganyan, mas lalo lang kayong pag-iinitan at paglalapitin ni Mama. Baka mabuntis na lang ako't manganak, nagdedate pa din kayo."

Hindi lingid sa mga taong malalapit sa kanila ang ginagawang paglalapit ng Mama niya sa kanila si Lance. Bagama't nagulat at nagtaka ang mga ito kung papano sila napapayag ng ina gayong alam ng mga ito kung gaano sila kadalas magbangayan, sa huli ay gumawa ang mga ito ng sariling konklusyon. Konklusyon na pabor sa kanilang dalawa ni Lance. Kilala na siya bilang isang masunuring anak na pinagbibigyan ang lahat ng kapritso ng nanay niya pagdating sa love life niya. Isa pa, hindi nag-ingay ang Tita Helen niya na siyang nakarinig ng pambablackmail ng Mama niya sa kanya. Samantalang si Lance naman ay kilala bilang isang magaling makisama at hindi marunong tumanggi. At dahil importanteng customer ang nanay niya, pinagbigyan na nito ang hiling. Hindi man lang nagsuspetsa ang mga ito na malaking dahilan ang blackmail kung bakit sila pumayag in the first place.

"That's fine with me." kinindatan siya ng lalaki.

Napailing na lang ang ate niya. "Maiwan ko na nga kayo diyan. Titingnan ko pa ang kusina." paalam sa kanila nito at nagtuluy-tuloy na sa paglabas ng opisina. Naiwan silang dalawa ni Lance. Ngingisi-ngisi pa rin ito samantalang siya ay masama na ang tingin dito. Pagkuwa'y tumango-tango ito na parang may biglang nadiskubre.

"What?" singhal niya dito.

"Tama ka. Hindi na nga natin kailangan ng script sa linggong 'to. Maning-mani na lang sayo ang pagmamaldita eh. San mo pinagkukuha ang mga banat mo? O natural mo na talaga yan?"

"So sinasabi mong natural na maldita ako?"

"Hindi ako ang may sabi nyan." pakantang sagot nito.

Pinili niyang palagpasin iyon. "Eh ikaw, I bet natural mo na ang pagiging bastos, mayabang at bolero." ganti niya.

"Speaking of bolero..." tumayo ito at dahan-dahang naglakad.

Napakunot ang noo niya nang umikot ito. Alam niyang palapit ito sa kanya pero hindi niya alam kung bakit wala man lang siyang ginagawa para umiwas dito. Nanatili pa din siyang nakapako sa swivel chair. Kung walang ginagawa ang katawan niya, ang mga internal organs niya naman ay tila hindi na makapaghintay sa susunod na mangyayari. Ang puso niya ay tila tumigil sa pagtibok lalo na nang umupo sa gilid ng mesa ang lalaki malapit sa kanya. Ang isang paa lang nito ang nakaapak sa semento at ang mga mata'y hindi pa rin inaalis ang pagtitig sa kanya. Parang bigla itong nagtransform mula sa mapang-asar na Lance sa pagiging perfect leading man na Lance.

Dahan-dahang dumukwang ito palapit sa mukha niya. Nakalimutan niyang huminga dahil sa ginawa nito. Awtomatikong umatras ang leeg niya nang sa tingin niya ay magdidikit na ang ilong nila sa isa't isa. Ramdam niya ang pagdampi ng hininga nito sa mukha niya at ang mata nitong tila binabasa ang kailaliman ng isip at puso niya. Halos maduling na siya pero kakatwa dahil wala siyang balak na iatras ang swivel chair para maputol ang kung anumang salamangka meron nang mga sandaling iyon. At nang umangat ang isang gilid ng labi nito, nagrambolan na ng husto ang internal organs niya.

What the hell is going on?! She blinked. "A-Anong g-ginagawa mo?"

"Sinisiguro kung wala ba talagang epekto sa 'yo ang kagwapuhan ko."

Langhap niya ang mabangong hininga nito. "A-And how will you prove that?"

Noon pa man, hindi niya na maintindihan kung papanong ang isang lalaking tulad ni Lance ay napapanatili ang pagiging tall, dark and ruggedly handsome sa kabila sa pagkakarga ng mga saku-sakong deliveries nila. Kailanman ay hindi niya ito nakitaan na nanlilimahid sa pawis gaya ni Mulo. Gaya ng laging sinasabi ng mga tindera nila, ang sarap papakin ng lalaki kahit anong klaseng luto ang gawin dito.

"Through this..."

Mariin siyang napapikit nang gumalaw ito. Hahalikan siya nito! Pero ilang segundo na siyang nakapikit ay wala pa ring nangyayari. Dahan-dahan siyang nagmulat. Nasalubong niya ang nakangising binata.

"Subok lang. Preparation for third week." He winked and let go of her.

Saka pa lang niya pinakawalan ang kaninang pinipigalang paghinga nang makalabas ang lalaki. Sinapo niya ang dibdib. Hindi niya alam kung bakit may nararamdaman siyang panghihinayang doon.

===========================

Gaya ng inaasahan ni Marivic, sinumbong nga ng ate Maricar niya ang nadatnan nitong pag-aasaran nila ni Lance sa Uno. Dahil doon ay mas lalo itong naging pursigido na ituloy ang date nila ni Lance. Mag-iisang linggo na ngayon simula nang umpisahan ng Mama niya ang set up nila ni Lance at tatlong na beses na silang nagkikita ng binata. Kinuha na rin nila ang pagkakataong iyon para kilalanin ang isa't isa sakaling tanungin sila ng Mama niya sa mga susunod na linggo. At ano pa ba ang pinakamagandang gawin para kilalanin ang isa't isa kundi ang magkaroon ng question and answer portion na mala-slumbook? Anupa't naging natural ang pang-aasar nila sa isa't isa sa tuwing may sinasagot silang nakakatawa. Sa panahong iyon din niya nalaman na dati pala itong naging seaman bago tumigil sa pagtatrabaho at magsimula ng isang maliit na farm.

"Kaya siguro hanggang ngayon ay walang magkamali sayo no? Kasi nakatatak na sayo ang pagiging seaman kaya laging nagdududa ang mga babae kung magiging tapat ka sa kanila." Pang-aasar niya nang malaman niya ang dati nitong trabaho.

"Ang sabihin mo, kaya walang makatagal sakin dahil walang babaeng willing maghintay sa mga seaman na tulad ko na mas nakakapiling pa ang dagat kesa sa girlfriend nila. Some women can't stand that. Hindi nila kayang magtiwala na kahit hindi nila kami nakikita, hindi kami magtataksil sa kanila. In the end, sa pagbabalik mo ng Pilipinas, malalaman mong nakipagboyfriend na pala sa iba."

"Ows? Bakit, yan ba ang nangyari sa huling girlfriend mo?"

Kumibit lang ito ng balikt.

Akmang makikipagdebate pa sana siya kung hindi niya lang naramdamang medyo sensitibo na ang paksang binuksan nila. Kahit na mapang-asar siya, hindi naman siya ganun kasama para humantong sa ganoon. Kaya minabuti niya na lang na tumahimik at magtanong ng iba pa.

Sa tingin nila ay maayos naman nilang naisagawa ang unang linggo ng plano nila. At hindi pa man nila isinasagawa ang second level ng drama nila, tila nakiayon naman ang pagkakataon sa kanila ni Lance.

"Ma! Ang susi niyo iniwan niyo na naman sa bahay. Papano kayo niyan makakapasok mamaya?" bahagyang sigaw niya hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa ina. Kasalukuyan itong may inuutos sa isa sa mga tindera nila.

"Eh bakit pa? Andito ka naman." balewalang sagot nito. Tinanggap nito ang susing dala niya.

She rolled her eyes. "Nakalimutan mo na ba? Pre-nup pictorial nina Ninay ngayon. Gagabihin na ko ng uwi." tukoy niya sa isa sa mga malapit niyang kaibigan na humingi ng pabor sa kanya.

"Hala. So hindi ka magbabantay dito?" kumpirma nito. Dismayado.

Sasagot sana siya pero natigil siya nang makita ang papalapit na si Lance. May dala-dala itong resibo dahil iyon ang araw na delivery nito sa kanila. Nagtama ang mga mata nila. Awtomatikong itinaas niya ang dalawang kilay bilang pagbati dito kasabay ng bahagyang pagngiti. Pagkuwa'y lihim na nagtaka sa sarili. Kelan pa nagsimulang ngiti ang unang bati niya sa lalaki? Hindi ba't salubong na kilay ang madalas na ginagawa niya?

"Kailangan ko yatang magpamisa Aling Julia." anito sa nanay niya pero sa kanya naman nakatingin.

"Bakit hijo?"

"Nginitian ako ng anak niyo sa unang pagkakataon. Halleluia!" itinaas pa nito ang dalawang kamay at tumingin sa langit.

Tumawa ng malakas ang nanay niya.

"Gago." Tanging nasabi niya. Ramdam niya ang pag-init ng mukha niya.

"Mukhang may lakad tayo ah." Saglit na dumako ang mata nito sa camera bag na sukbit-sukbit niya at sa maliit na maletang hawak niya. Ibinigay nito ang resibo sa ina niya habang sa kanya pa din nakatingin.

"May pictorial akong gagawin."

"Ahh.. kala ko magtatanan ka na at pagtataksilan na ko."

"Pwede ba?" angil niya dito na tinawanan lang ng lalaki.

Alam niyang natutuwa ang Mama niya sa nangyayari sa kanila ngayon ni Lance. Walang paalam na tumalikod ito para kumuha ng pambayad. Naiwan sila ng lalaki doon. Ngiting-ngiti pa rin ito sa kanya habang siya naman ay salubong pa din ang kilay.

It was their usual scenario sa tuwing nauubusan na sila ng banat sa isa't isa. Ang hindi "usual" ay ang makaramdam siya ng tila awkwardness sa pagitan nila ng lalaki dahil lamang sa katahimikang iyon. At ramdam niyang ganun din ang lalaki dahil bigla na lang nitong hinimas-himas ang batok nito at nakapamewang ang isang kamay. Habit iyon ng lalaki sa tuwing hindi ito sigurado sa ginagawa nito, nalilito o naiipit ito sa isang sitwasyong hindi na nito kayang lagpasan, hindian o hawakan man lang.

Hala! Napansin mo yun teh? Kelan pa? tukso ng isip niya na siyang nagpagising sa kanya. Napakunot noo siya. Anong kababalaghan ang nangyari?

Parang blessing in disguise, biglang umalingawngaw ang "waka waka" music ni Shakira. It was her cellphone. Dali-dali niyang dinukot iyon sa bulsa para makawala sa mala-alien na pakiramdam. It was her friend Melot na siyang madalas ay make up artist niya sa tuwing may raket siya. Kasa-kasama nito ang kapatid nitong siyang nagsisilbing assistant niya. Ang mga ito din ang sasama sa kanya ngayong araw.

Pero blessing in disguise nga ba gayong humihingi ng pasensiya si Mellot sa kanya? Hindi ito matutuloy sa raket niya. Maging ang kapatid nito. It was a short notice. Kaya naman talagang nalaglag ang panga niya at bahagya siyang nataranta. Saan siya makakahanap ng assistant na payag na sumama sa kanya sa Pampanga ngayong oras na ito? Okay lang sana kung walang make up artist, kahit papano ay naturuan na naman siya ng babae. Pero ang mawalan ng assistant?!

"Sige mare. Siguraduhin mo muna ang kalagayan ni Tita." Patungkol niya sa tatay nito na ang sabi ay biglang isinugod sa hospital. Kalmado ang boses niya pero sa totoo lang ay nagpapanic na siya. Hindi siya pwedeng umurong dahil umaasa sa kanya sina Ninay! Kaya nga lumapit ang mga ito sa kanya dahil mura lang ang singil niya. At ilang oras na lang ay magkikita na sila. Wala na siyang panahon! Papano niya kaya gagamitin ang dedicated flash kung wala namang ibang pwedeng humawak nun?

"Mare, sorry talaga. Hindi ko naman inaasahan 'to. Papunta na nga sana kami sa venue nang biglang tumawag si Itay." hingi ulit nito ng paumanhin.

Ano pa nga bang magagawa niya? Gustuhin niya mang hanapan ito ng kapalit nito, gagawin niya pa ba iyon kung may hinaharap itong mas malaking problema? Napapitlag siya nang marahan siyang sikuhin ng lalaki. Naibaba niya na pala ang telepono ng hindi man lang namamalayan.

"Anong nangyari? Wala kang assistant?"

Nanlulumong tumango siya. Napahilamos sa mukha at unti-unting umupo kahit wala namang upuan na pwedeng upuan. "Shet. Papano na 'to? Sino ngayong tutulong sakin? Hindi pwedeng wala akong assistant." tanong niya sa kawalan.

"Anong oras ba ang pictorial mo?"

"Ngayon na."

Parang nakalutang siya sa hangin. Sumasagot sa lalaki pero wala naman dito ang buong atensiyon. "Shet..." mura niya ulit. "Hindi pwedeng wala." mahinang sabi niya sa sarili.

"Kung gusto mo ako na lang."

Saka niya lang tuluyang pinansin ang presensiya ng lalaki. Mabilis pa sa isang segundong tumingala siya.

"Hindi naman siguro ganun kahirap yun diba?" Nang alanganing ngumiti ito habang hinimas-himas na naman ang batok ay pumitlag ang puso niya. At hindi niya na naman alam kung bakit.

"Eh panong pagdedeliver mo?"

"Kaya na ni Mulo yun." tiwalang sabi nito. "May extrang tshirt naman ako sa jeep kaya pwede akong magpalit."

Wala sa loob na napatingin siya sa suot nitong plain white shirt na bahagya ng narumihan dahil sa kakapasan nito kanina ng mga deliveries nila. Kung siya ang tatanungin - at oo aaminin niya na - kahit pa marumi at lumang tshirt ang suot nito, hindi iyon nakakabawas sa kagwapuhan ng kumag. In fact, it even emphasizes more of his ruggedly handsome image.

"Baka late na tayong makauwi ngayon." Imporma niya dito. Nakangiwi. Request kasi ng magkasintahan na kunan ang mga ito na nanonood ng sunset gaya ng madalas ng mga itong ginagawa.

Kumibit ito ng balikat. "Okay lang. Pero wala nga lang akong sasakyan. Gagamitin pa ang jeep eh."

"Dala ko naman yung lumang kotse." aniya. Pagkuwa'y tumayo na mula sa pagkakaupo. Alam niyang sa sagot niya ay para na rin siyang pumayag sa suhestiyon ng lalaki.

As if naman may choice pa siyang humindi diba? Ito na nga ang nag-offer ng tulong nito, magiging choosy pa ba siya?

Lumapad ang ngiti nito. "So that settles then!"

"Sigurado ka ba talagang okay lang sayo?" nahihiyang paniniguro niya.

Ngumiti ito. "Kung hindi, di sana hindi ako nagvolunteer, diba?"

Nahihiyang ngumiti siya dito. Of all people, hindi niya inaasahang si Lance pa ang tutulong sa kanya sa mga oras na iyon. Ito na palagi niyang inaaway at pinagbabantaang ibabalibag lagi.

"Oh Lance, eto ng bayad." eksaktong balik ng nanay niya.

Inabot iyon ng lalaki at hindi na nag-aksaya pa ng panahon na bilangin kung tama ba ang bayad ng Mama niya. Nagpasalamat lang ito sa mama niya at pagkuwa'y bumaling na sa kanya. "Aalis na ba tayo?"

Tumango siya. Sa sulok ng mata niya ay nakita niya ang nagugulumihang mukha ng ina.

"Sige. Magbibihis lang ako sa jeep. Saglit lang ako. Salamat po ulit dito Aling Julia!" nagmamadaling sabi nito at pagkatapos ay hindi na hinintay pang sumagot ang nanay niya. Dire-diretso na itong tumalikod at patakbong lumabas ng carenderia.

"Anong nangyari?" ang nanay niya. Kunot ang noo.

"Sasama daw po siya sa pictorial ko ngayon." Dahan-dahan niyang sabi. Sa pandinig niya ay parang mas sinasabi niya iyon sa sarili kaysa sa ina.

"Huh? Kelan niyo pa napag-usapan?"

"Ngayon lang po." Muli siyang humalik sa pisngi nito. "Bye Ma!"

Iniwan niya itong laglag ang panga.

Продолжить чтение

Вам также понравится

The Demon General's Young Wife Ms. Thaiii

Любовные романы

59.6K 1.1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
103K 2K 34
My first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure...
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap CFVicente

Любовные романы

77.9K 1.8K 55
Malaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong...
Born For Me [PHR] jnkbernardo

Подростковая литература

101K 1.9K 11
"Wala akong ibang pinangarap kundi ang mahalin mo lang. Muntik na akong sumuko. But my heart would always tell me to hold on, to keep on loving you...