Ang Mga Pangalan

By RackyAbano

6.2K 252 117

May isang tumatawag. May isang tinatawagan. May isang mamamatay sa bente-unong pangalan. More

21 Choices: Prologue
#1: Sapphire Panganiban
#2: Anna Calamba
#3: Jordan Clemente
#4: Yvita Relos
#5: Carmina Sargoza
#6: Sydney Lagdullaw
#7: Earl Baretto
#8: Weng Agustina
#9: Mae Calinao
#10: Roberto Ogad
#11: Jake Magallanes
#12: Elizabeth Villarama
#13: Kurt Delos Reyes
#14: Norlyn Rodrigo
#15: Nadine Del Gabriel
#16: Herman Rustanato
#17: Lorraine Querubin
#18: Olga Nala
#19: Monica Jacinto
#20: Fatima Velasco
#21: Rey Abonito
*22: Zygote
*23: Blastocyst
*24: Embryogenesis
*25: Fetus - Formation
*27: Natal
*28: Manipulation
*29: Reflection
*30: Exploration
*31: Death

*26: Fetus - Abortion

132 7 6
By RackyAbano

*26: Fetus - Abortion

                Isinara ko ang pinakahuling zipper ng aking bag saka agad itong isinakbit sa aking magkabilang balikat. Halos bumigay na ito sa sobrang dami ng laman. Umupo ako sandali sa kama saka naglaan ng maiksing oras para huminga; ‘yung maayos at normal na paghinga. Tumayo ako’t lumabas ng kwarto; diretso sa sala kung saan naghihintay si Lola.  Agad s’yang tumayo nang makita ako.

                “Sigurado ka na ba?”

                Tumango ako. Tinitigan n’ya ako’t niyakap nang mahigpit.

                “H’wag kang mag-alala. Malalagpasan mo rin ang lahat ng ‘to.”

                Naluluha ako at halata ‘yun sa nanginginig kong boses. “Salamat, Lola.”

                Naghiwalay kami sa pagkakayakap. Tiningnan n’ya ang orasan. “Sige na, baka mahuli ka na sa byahe mo. Basta, tatandaan mo, hindi tayo pababayaan ng Diyos.”

                Pinilit kong ngumiti. Kinakabahan ako ngunit masaya akong nandito si Lola; kakampi ko’t naniniwala.

                Hinatid n’ya ako palabas sa pintuan. Muling niyakap at tuluyang nagpaalam. Alam kong pinagmamasdan n’ya ako habang naglalakad ngunit hindi na ako huminto. Sumakay ako ng jeep papunta se terminal ng bus.

                Ito ang napag-usapan namin ni Lola. Isusumbong n’ya sa mga pulis ang lalaking tumatawag sa’kin at ipapa-trace kung sino at nasaan s’ya. Uuwi naman ako sa probinsya upang bantayan at bigyang-babala ang pamilya ko. Nasa Manila ang lalaki kaya’t hindi n’ya magagalaw sina Mama. Hindi rin n’ya magagalaw si Lola dahil du’n muna titira ang pinsan ko sa loob ng ilang araw, at babantayan din ng mga pulis ang buong bahay kapag natawagan na sila ni Lola. Dating sundalo ang pumanaw n’yang asawa.

                Nakarating ako sa terminal at agad na kumuha ng reservation. Bus #839. Seat #7. 8pm pa ang byahe. Tiningnan ko kung anong oras na: 7:56. May apat na minuto pa bago umalis ang bus. Biglang tumawag ang boses. Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Kinakabahan ako, pero kailangan kong maging matapang. Nanginginig ang kamay ko’t nagpapawis ang noo. Sinagot ko ang telepono.

                “Nasaan ka?”

                Nagtaka ako. Dahil sa pinaka-unang beses, hindi n’ya alam kung nasaan ako. Hindi ako sumagot.

                “Alam kong wala ka sa bahay n’yo. Nasaan ka?”

                “Nasa bahay ako. Sa CR.”

                 “Ang laki naman ng CR mo.” Tumawa s’ya. “May mga bus sa loob ng CR? Wow!”

                “H-hindi ko alam ang sinasabi mo! Nandito ako! Nandito ako sa bahay!”

                “Talaga? Akala mo ba maiisahan mo ‘ko?” Naging seryoso ang boses. “Bus #839. Seat #7.”

                Nilibot ko ang paningin sa buong terminal.  Pabilis nang pabilis at palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Nandito s’ya. Nararamdaman kong nandito s’ya.

                “Uuwi ka ng probinsya? Minamaliit mo ba ‘ko? Ganu’n ba ‘ko kadaling takasan?”

                Patuloy kong pinagmasdan ang paligid. Malamang ay pinagmamasdan n’ya rin ako. Natatakot ako kaya’t tumakbo ako papasok ng CR saka agad na ni-lock ang pinto.

                “Hindi mo alam kung anu-ano pa ang mga kaya kong gawin.”

                “Tigilan mo na ‘ko! Sinubukan kong pumatay kagabi, pero hindi ko nagawa! Sirang sira na ang buhay ko! Tigilan mo na ‘ko!”

                “Hindi ko pa nakukuha ang gusto ko. At hindi ako titigil hangga’t hindi ko ‘yun nakukuha!”

                “Ayoko na!”

                “Sumusuko ka na? Sinusuko mo na ang buhay ng pamilya mo?”

                “Ililigtas ko sila! At sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!”

                Tumawa s’ya. “Ano’ng gagawin mo? Babyahe ng sampung oras para bantayan ang pamilya mo? E, paano kung sa loob ng sampung oras na ‘yun, ay napatay ko na sila?”

                “Hindi mo kayang gawin ‘yun!”

                “Sigurado ka?”

                Kung pareho kaming nandito sa terminal, imposibleng magalaw n’ya ang pamilya ko. At kung plano n’yang makipag-unahan sa’kin sa probinsya, malamang ay sabay kaming makakarating doon. Mapipigilan ko s’ya. “Sigurado ako.”

                Ngunit muling s’yang tumawa. “Kung gano’n, pakinggan mo ‘to.”

                Naramdaman kong inilayo n’ya sa kanya ang gamit n’yang telepono at itinapat ito sa ibang direksyon. Malinaw kong narinig ang mga taong nag-uusap.

                “Anak, patayin mo na muna ‘yang TV. Kumain ka na.” Boses ni Mama.

                “Opo, Ma. Sandali lang po.” Boses naman ni Gale, ang bunso kong kapatid.

                “Bilisan mo’t hindi na ito masarap kapag malamig.” Narinig ko ang pagkalansing ng mga kutsara’t tinidor, at paggalaw ng mga upuan. “Tawagin mo na rin ang mga kapatid mo.”

                Natulala ako. Hindi pwede ‘tong iniisip ko. Imposible! Imposibleng nasa probinsya ang lalaki. Imposibleng nasa labas s’ya ng bahay namin at nagtatangkang patayin ang buo kong pamilya. Nag-isip ako ng pampakalma; kailangan ko ng mga positibong bagay. Bigla kong naisip, andu’n si Papa. Hindi n’ya hahayaang may manakit kina Mama at sa mga kapatid ko. Ngunit bigla kong narinig ang usapan sa kabilang linya.

                “Ma, nasaan po si Papa?”

                “May inasikaso lang sa kabilang bayan, bukas pa uuwi.” Tumunog ulit ang mga kutsara’t tinidor. “Halika, kumain na tayo.”

                Dumoble pa ang bilis ng tibok ng puso ko kumpara kanina. Hindi ko na alam kung ano’ng iisipin.

                “Layuan mo ang pamilya ko!”

                “Gawin mo kung ano’ng gusto ko.”

                “Demonyo ka! Napakasama mo!”

                “Pareho lang tayo.”

                “Ilang taon na ang nakalipas! Nagsisi na ‘ko!”

                “Kahit sabihin mong nagsisi ka na, ikaw pa rin ‘yun! Ikaw pa rin ang Dominic na nagtangkang pumatay ng kapwa n’ya; na nakipagtalik sa isang babaeng hindi n’ya kakilala! Ikaw pa rin ‘yung Dominic na madumi’t makasalanan! Kaya sabihin mo nang demonyo ako, pero magkasama tayong pupunta ng impyerno!”

                “Sino ka ba talaga? Ano bang nagawa ko sa’yo?! Pagod na pagod na ‘ko!”

                “Titigilan kita, kapag ginawa mo na ang gusto kong mangyari. At kung hindi, alam mo na ang mangyayari sa pamilya mo.”

                “Sandali, pag-usapan natin ‘to!”

                                  * ‘Calling Bus #839, Seat #7, paalis na po ang bus. Kayo na lang po ang hinihintay.’

                “Tinatawag ka na ng bus. Panahon na para magdesisyon ka. Uuwi ka sa pamilya mo, o gagawin mo ang gusto ko?”

                “Hindi ko alam! Hindi ko na alam!”

                                        *  ‘Again, calling Bus #839, Seat #7, paalis na po ang bus. Kayo na lang po ang hinihintay.’

                “Mamili ka.”

                “Layuan mo ang pamilya ko! Nakikiusap ako!”

                                           *   ‘I repeat, Bus #839, Seat #7.’

                “Pumili ka na!”

                “Tama na!”

                Pinatay ko ang telepono saka ako tumakbo palabas ng CR. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. May sariling buhay ang mga paa ko at kusa itong tumatakbo papalapit sa bus. Bawat pagdikit ng mga paa ko sa lupa ay kasabay ng pagtibok ng aking puso. Patuloy ako sa pagtakbo, palagpas sa bus at patungo sa sakayan ng jeep; pabalik sa bahay. Sira na ang plano.

                Nakatayo ako sa harap ng pintuan ng bahay ni Lola; naghahabol ng hininga at kinakalma ang sarili. Hinawakan ko ang doorknob saka dahan-dahan itong pinihit. Pumasok ako. Tahimik ang paligid, ngunit nakabukas ang mga ilaw. Wala si Lola.

                “Lola?! Lola, nasa’n ka?!  Lola!”

                Hinalughog ko ang buong bahay; mula sa sala hanggang sa kusina; mula sa banyo hanggang sa garden. Wala din s’ya sa kwarto n’ya. Isa na lang ang hindi ko napupuntahan: ang kwarto ko.

                Mabilis akong tumakbo paakyat ng hagdan; papunta sa kwarto. At nang makarating ay agad kong binuksan ang pinto. Nandu’n si Lola. Nakatayo’t nakatitig sa’kin. Hawak-hawak ang maliliit na paketa ng droga.

                “Ano ‘to?”

                “Lola, hindi ko po—“

                “—Sumagot ka! Ano ‘to?!”

                “Lola, mali po ang iniisip n’yo!”

                “Mali ang iniisip ko? Mali na nakita ko ‘to dito sa drawer mo?!”

                “Hindi ko ho alam kung paano napunta ‘yan d’yan!”

                “Napakawalang-hiya mo!” Ibinato n’ya sa’kin ang mga pakete. “Pati ako, nagawa mong lokohin!”

                Naiiyak na ‘ko. “Maniwala po kayo, ‘La! Hindi ko po talaga alam kung bakit nand’yan ‘yan!”

                “Tama na! Hindi ko na alam kung papaniwalaan pa kita. Puro sakit na lang ng ulo ang binibigay mo sa’kin. Puro kahihiyan! Iisipin ng mga pulis na lahi tayo ng mga sira-ulo! Dinudungisan mo ang pangalan ng Lolo mo!”

                “Pero, Lola, totoo po ang sinasabi ko! Totoo po ang lalaking tumatawag sa’kin!”

                “Paano ka nakakasiguro? Ha?! Paano ka nakakasigurong hindi ka nagha-hallucibate?! Paano ka nakakasigurong totoo lahat ng ‘yun?”

                “Hindi po ako ngada-drugs, Lola! Hindi ako nagha-hallucinate! Totoo ang boses!”

                “Ayoko sanang gawin ‘to, pero gagawin ko ‘to para sa’yo; para matahimik ka na.”

                Nilapitan n’ya ako’t hinawakan sa braso. Saka n’ya ako hinila pababa; palabas ng bahay. Hindi ako pumiglas dahil baka masaktan si Lola. Masakit na ang braso ko dahil sa pagkakapit n’ya at ganu’n din ang likod ko dahil sa bigat ng bag. May dalawang pulis na dumating at lumapit sa’min; ihahatid daw ako sa rehab. At du’n ako nagsimulang maglaban.

                “Hindi n’yo ako naiintindihan! Nasa panganib ang pamilya ko!”

                “Sumama ka na sa’min. Para sa ikabubuti mo rin ‘to.”

                “Kailangan kong pumatay! Kailangan kong iligtas ang pamilya ko!”

                Hinihila na nila ako pasakay sa sasakyan, ngunit ikinakalang ko ang aking mga paa sa sahig.

                “Bitawan n’yo ako!”

                Nakawala ako’t mabilis na tumakbo palayo. Sinubukan nila akong habulin ngunit hindi nila nagawa. Pagod na pagod na ako. Masakit na ang aking mga braso’t binti; ganu’n din ang ulo ko’t mga mata. At nang wala na akong mapuntaha’y umupo ako sa isang waiting shed, sa ilalim ng naghihingalong ilaw. Hindi ko na masabayan ang mga nangyayari. Nalilito na ‘ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang totoo sa mga ito. Paano nga kaya kung ginagamit ko 'yung drugs sa drawer? Paano kung hallucinations ko lang ang mga ito at nag-iimagine lang ako dahil guilty pa rin ako sa mga nagawa ko noon? Ni hindi ko alam kung totoo bang may tumatawag sa’kin. Hindi ko na sigurado kung anong paniniwalaan ko. Totoo ba ang mga nakita ko noong may party sa school? O ang paghabol sa’kin ng mga pulis? Totoo ba’ng nakaupo ako ngayon dito sa waiting shed, sa ilalim ng patay-sinding ilaw? Totoo ba ang Diyos? Totoo ba talaga s’ya? Huminga ako nang malalim. Totoo ba ako?

                Saka tuluyang namatay ang ilaw. Dumilim ang paligid.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
694K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...